Baka Sakali 1 – Kabanata 1

Kabanata 1

Bahay ni Lola

I hate being poor! Ngayon, parang sinampal sakin ang katotohanang wala kaming pera. Wala kaming sariling bahay. Nangungupahan lang kami. At ngayon ay aalis na. Nag arkila sina mama at papa ng elf truck para magdala ng gamit namin sa bahay (na di na namin bahay ngayon). Dala ko naman ang laptop at ibang gamit ko sa packbag ko at sasakay na kami ni Maggie at mama sa bus (sumama si papa sa elf).

Siyam na oras ang byahe patungong Alegria. Tatlong beses kaming magpapalit ng bus bago makarating doon. Tatlong beses lang din kaming nakapunta ni Maggie doon. Huling punta namin ay nung grade six pa lang ako kaya di ko na matandaan kung anong meron doon. Ang alam ko, nandun ang bahay ng lola at lolo ko. Si auntie Precy lang ang nakatira doon, ang tanging kapatid ni papa. Wala siyang anak (di nakapag-asawa).

“Okay ka lang ba?” Tanong ko kay Maggie na ate ko.

Kanina pa siya iyak nang iyak habang nakadungaw sa bintana ng bus, tatlong oras na siyang ganito. Lumingon ako kay mama bago magsalita (tulog si mama kaya okay lang).

“Hayaan mo na lang si James. Mauunawaan niya rin yun.” Sabi ko.

Si James ang boyfriend ni Maggie. Limang buwan pa lang sila at patay na patay si guy sa kanya. I must say, patay na patay talaga! Hatid-sundo si Maggie sa university na pinapasukan niya at minsan pumupuntang bahay para magdala ng pagkain. Dalawang beses yun binasted ni Maggie dahil ayaw niya sa mga gwapo at mayayaman, pero pursigido talaga si James. Naku! Kung si Callix yung inayawan, siguradong masisira yung buhay mo.

“Kainis! Ang hirap natin!” Sabi niya ng halos pabulong. “Pwede naman tayong lumipat sa mas murang bahay, yung 3 thousand a month, naghanap talaga kami ni James…” Sabi niya.

Kahit na balisa si Maggie, di niya kayang sabihin yun sa parents ko dahil ayaw niyang masaktan ang mga ito.

“Sabi ni James sakin bibisitahin niya raw akong next week. Di ako pumayag! Baka gamitin niya yung sasakyan niya, 9 hours sis, 9 hours! Imagine?! Baka ano pang mangyari sa kanya sa kalagitnaan ng byahe.” Aniya.

“Magg… Sabihin mo na lang sa kanya na mag bus siya para di ka na balisa diyan.”

Pagkalipas ng siyam na oras, nakarating na kami sa Alegria!

The hilllllls are alive with the sound of musiiiic! Grrrr! Kainis! Parang gusto ko na lang tumakbo at magpagulong-gulong sa mga bundok na nakikita ko. Puro green at walang kahit isang building. May makikita kang bahay pero halos nipa naman!

Pero loko lang, may ‘bayan’ doon sa malayo kung saan nakatirik yung BAHAY NI LOLA. Pagkarating namin sa sentro ng Alegria, nakita ko na ang iba’t-ibang lumang bahay, simbahan, playground o parke (na may mga nagdi-date), mga bahay na mukhang may kaya sa buhay ang may-ari, at ang BAHAY NI LOLA.

“Adele! pasok kayo!” Sabi ni Auntie Precy kay mama habang tinuturo si papa sa loob.

Unang nakarating sina papa. Syempre dahil walang stop over yung inarkilang elf. Nakalatag na ang mga box na may nakalagay na mga pangalan namin. Si Maggie hayun at nagmano at excited din palang pumasok sa bahay. Parang di umiiyak kanina ah?

“Nako! Ang laki-laki na nina Margaret at Roseanne!” Niyakap ako ni Auntie Precy.

Tinanggal ko ang earphones ko at agad tinignan ang blackberry kong cellphone. Salamat Auntie Precy at di mo na mispronounce ang pangalan ko. Mas gusto kong tinatawag akong ‘Rosie’, yung Roseanne kasi maraming nagkakamali sa pagbabanggit. Minsa Rose-Anne, minsan Roseen, minsan Rosyan, ang totoo Ro-shan! Napabuntong-hininga ako.

ABA! May signal dito! Di naman pala kami malayo sa sibilisasyon!!! Ayun si Maggie at nakita akong tumitingin sa cellphone kaya hinablot na rin ang cellphone niya at agad tinawagan si James.

“Roseanne, Margaret! Likayo! Tulungan niyo ako sa kusina!” Sabi ni Auntie Precy.

Ang BAHAY NI LOLA ay may iilang cobwebs. Nirepair ito ni Auntie Precy nung grade six ako, nasemento ang haligi sa baba, pero yung nasa taas, kahoy parin. Yung mga bintana, French windows old version. Maliit lang ang palamuti kahit na malaki talaga ang BAHAY NI LOLA. Isang cabinet lang na may mga lamang libro, sofa at table, TV, frame na may picture ni lola at lolo, yun na yun!

Ang kusina naman, may sink, aparador at ref na luma.

“May kuryente na pala dito!” Sabi ko pagkapasok sa kusina.

Ngiting-ngiti na si Maggie. “Lam mo sis? Pupunta siya dito! Mag bu-bus daw. Sabi ko after 2 weeks na. Bigyan niya ako ng time para makapag-explain kay mama at papa na may boyfriend na ako.”

Ngumisi ako pero di niya na nakita kasi nakatoon na ang pansin niya sa nilulutong manok ni Auntie Precy.

Saya ng lovelife nito samantalang ako? Jusko lord! Buti na lang at nandito ako sa the-hills-are-alive!

“Share kayo ng kwarto ni Maggie, Rosie.” Sabi ni mama. “Kung gusto mong magbihis, punta ka na lang dun.” Sabay turo niya sa itaas.

WALA BANG MULTO DITO? Parang katakot eh!

“Wa’g mo nang patulungin tong si Rosie diyan, Prec. Disaster! Muntik niyang masunog yung bahay noong nakaraang pasko nung nag attempt siyang mag bake ng cake, nako!”

Umiling na lang ako at pumuntang kwarto. Nandun si papa sa kabilang kwarto kaya okay lang, walang multo!

May double deck bed sa kwarto at nandoon narin ang study table at mga cabinet namin ni Maggie. Umupo ako sa bottom-bunk at tumingin sa malaking bintana at tinitigan ang labas.

Papalubog na ang araw. I can’t believe I’m in this place! Parang kailanlang buildings ng Maynila, traffic, Facebook, Twitter, Tumblr ang inaatupag ko, ngayon, parang gusto kong itapon ang laptop ko. No use here… Tsk tsk tsk.

Mabuti na rin ito. Malayo kay Callix. Isang buwan na lang pasukan na ulit at 6th year na ako, tingin niyo marerealize niyang nawawala ako? Wala akong kaibigan kaya wala akong napagsabihan. Si Maggie naman, si James lang yata ang sinabihan. Kawawang Maggie, natigil tuloy sa pagko-kolehiyo dahil sa the-hills-are-alive adventure namin. Makakabalik pa kaya kaming Maynila? Hay nako!

The most important question is… may paaralan kaya dito? Mababang Paaralan ng Alegria? LOL!

Ugh! Its really frustrating. Yung mga dala ko shorts, dress, at iba pang kay gandang damit na pinag-ipunan yun naman pala, dito ko lang sa Alegria masasalida. Nakakabanas! Sisikat siguro ako dahil sa blackberry at laptop ko ano?

Umiling ako sa sarili ko.

“Its not bad.” Biglang sabi ni Maggie pagkapasok ng kwarto namin. “Ang tanging bad thing lang sa nangyari ngayon ay magkakalayo kami ni James. Yun lang. As for you, mabuti ng nagkalayo kayo ni Callix kasi freak siya… Kalimutan mo na yun-“

“Paano ko makakalimutan yun eh lagi mong binabanggit.” Sabi ko at umirap. “And that’s the first good thing you ever told me. Lagi ka lang, ‘baka may reasons siyang iniwan ka niya’, ‘baka bitter siya dahil mahal ka pa niya’…” Umiling ulit ako.

Sa sobrang bait ni Maggie, lahat ng tao tingin niya’y mababait. Di niya alam na may iba diyan, mapagkunwari at manggagamit.

Niyakap niya ako.

“Kaya natin ‘to sis… Mag-aaral ka na sa new school mo! Excited ako para sayo!” Malaki ang ngisi niya nang nakita akong magkasalubong ang kilay. “Cheer up!”

“May private school ba dito?” Tanong ko.

“Silly girl! Di ito Maynila. Walang private school dito, pero ayaw mo nun, may experience kang public school.” Kumindat siya.

Ngayong nandito na ako, narealize kong di naman pala talaga ako zero sa kaibigan. May ibang nakikipag-usap at nakakabiruan ko sa school pero wala talagang friend circle na laging kasama. Hay. I think I’m depressed. May wifi ba dito? Wala naman akong kaibigan sa Maynila pero seriously may wifi ba? Grrrrr…


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: