Baka Sakali 1 – Panimula

Panimula.

Naranasan mo na bang mainlove sa isang playboy? Yung minahal mo talaga at akala mo magseseryoso na siya sayo pero di naman pala. Isa ka lang pala dun sa maraming nainlove sa kanya at pinaglaruan niya?

Dumudungaw ako sa libro ko habang nagbabasa sa canteen ng school, binabalewala ang mga taong tumitingin sakin at nag-uusap tungkol sa mga nangyari.

“Iniwan siya ni Callix, diba? Kawawa naman! Kita mo yung eyebags? Sa kakaiyak siguro yun.”

Napatingin ako sa mga babaeng narinig ko na agad namang tumingin sa malayo at nagkunwaring di nag-uusap tungkol sakin. Kakaiyak niyong mukha niyo!? HINDI AKO UMIYAK SA LUNGKOT! Umiyak ako sa inis sa sarili ko!!!

Niyaya akong makipagsex ni Callix at tinanggihan ko siya kaya iniwan niya ako!!! Yun ang totoong nangyari!

I have no friends, literally. Lalo na nung dumiskarte na si Callix sakin dahil halos lahat ng babae sa school ay may gusto sa kanya! Syempre, sinong hindi magkakagusto? Gwapo, mayaman, basketball star player at charming pa! Kahit ako ay nadale talaga! Hindi ko naman alam na ganun yun! Manyak naman pala!

Mahal ko siya pero natakot ako sa alok niya. Sabi ko sa sarili ko, kung kaya niyang maghintay, ibig sabihin mahal niya talaga ako. Pero kita niyo anong nangyari? Nasanay pa naman ako sa paghahatid sundo niya gamit ang sasakyan niya sakin! Nasanay ako sa mga bouquet of roses na binibigay niya sakin halos araw-araw at sa pagpupunta namin ng mall para kumain sa mamahaling restaurant at mag shopping na sagot niya ang lahat!

Mas lalong lumakas ang bulung-bulungan sa paligid.

“Kita niyo, sabi na eh, di nga sineryoso, nag fefeeling pa kasi ang Aranjuez na yan!”

“Ayan na si Callix!”

Napatingin ako sa paparating. Ang gwapo, matipuno, matangkad na Callix ko. Nakasoot ng basketball jersey at ball cap kasama ang mga kaibigang varsity din.

OMG! Nataranta ako kaya agad akong tumayo at niligpit ang gamit ko…

“Wag ka ngang humarang sa dinadaanan ko.” Aniya nang nagkalapit na kami.

WHAT? Anong dinadaanan eh nakatayo lang ako dito malapit sa table ko at di ako humaharang sa daanan! Talagang sinadya niyang lumapit sakin para sabihin yun at pahiyain ako sa harap ng mga estudyanteng dumadaan at tumitingin.

“O… Ikaw pala yan, Rosie!” Aniya at tumatawa na parang demonyo. “Ganda mo talaga no? kaya lang wala kang silbi.” Malamig ang boses niya nang sinabi ang huling pangungusap, nanlilisik pa ang mga mata.

PAK!

Sinampal ko na agad sa inis ko! Hindi siya gumalaw sa lakas ng sampal ko at tumakbo na ako palayo!

“Manggagamit! Gold digger! Ginamit mo lang ako para yumaman ka at sumikat!!” Sigaw niya habang tumatakbo ako.

YUMAMAN AKO? Hindi ko alam yun ah? Kung mayaman ako bakit hanggang ngayon mukhang wala namang laman yung wallet ko?! KAINIS! At sumikat? Kung sisikat ako ng ganito mas mabuti ng maging invisible!

Umuwi na ako ng bahay kahit pagkatapos ng paniguradong binagsak kong exam. March na ngayon at buti na lang ay di ko na makikita ang mukha ni Callix! Sana nga di na ako makabalik dun sa school! May isang taon pa ako para tapusin ang highschool pero sana di na ako dun mag-aral. Sana sa ibang school na lang. Sana yung 6th year ko sa highschool ay sa ibang school ko na lang gawin. Pero alam kong imposible yun.

Be careful what you wish for… cuz you might get it!

“Rosie… Maggie!” Tumakbo kami ng kapatid ko kay mama at papa na may dalang maleta at niyakap sila.

Nakauwi si mama at papa!!! Ilang taon na din sila sa Canada! Umuuwi naman sila kada-dalawang taon pero di ko inaasahan ang pag uwi nila ngayon.

Umiiyak si mama habang niyayakap kami.

“Ma… Sabi ko naman diba, di niyo na kailangang umuwi.” Sabi ni Maggie.

Si Maggie ang ate kong college na. At bakit nga pala alam niyang uuwi sina mama tapos ako hindi?

“Kaya ko namang magtrabaho para matapos si Rosie ng highschool eh. Di niyo na kailangang umuwi.” Aniya.

Pinunasan ni mama ang kanyang luha.

“Maggie, anong pinagsasabi mo?” Sabi ko agad at kinakabahan. “Pa, bakit?”

Si papa ay nakatingin lang sa kawalan.

“Ma, please? Wag tayong umalis dito.” Sabi ni Maggie habang umiiyak narin.

“R-recession sa Canada, Rosie. Tinanggal kami ng papa mo sa trabaho… Bumabagsak na kasi ang ekonomiya nila. Ayaw naming sabihin sa inyo ang nangyari. Mababayaran lang natin tong bahay ng isang taon, pero di parin sapat iyon. Kailangan nating umalis at umuwi sa bukid ng papa niyo-“

“What?” Sigaw ko. “No! Ma! No!”

Oo. Gusto kong umalis doon sa paaralan namin pero hindi ko naman sinabing gusto kong mamuhay kasama ang mga kalabaw at kambing sa bukid nina papa! OH MY GOD! No!


7 thoughts on “Baka Sakali 1 – Panimula

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: