Until Forever – Kabanata 49

Kabanata 49

You Belong Here

Dahil gusto ni daddy na umuwi ako, iyon ang ginawa ko. Nag aalinlangan pa si Elijah na ihatid ako. I told him it’s alright. Mas marami na akong napagdaanan na mas malala pa dito. Mabuti na lang at pagkarating ko sa bahay ay hindi pa sila nakakarating. Ang sabi ni Pierre ay 30 minutes away pa lang sila.

Nagpahinga agad ako sa kwarto. Kahit na tulog ako buong byahe ay pagod parin ako. Siguro ay dulot na rin ng pagkakaupo sa sasakyan. Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita ang text ni Elijah.

Elijah:

I’m home. Tell me when your parents are home. Baka pagalitan ka, I’ll fetch you if you want.

Agad akong nag reply sa text niya.

Ako:

Ayos lang talaga. You should rest. Ikaw nag drive for 7 hours. Good night. I love you.

Elijah:

I miss you. I love you more, baby. Just tell me, please.

Alam kong kahit ganon nga ang mangyayari ay hindi ko sasabihin kay Elijah. Kaya natulog ako buong magdamag. Nagising na lang ako nang kinatok ako ni papa sa kwarto. Kinusot ko ang mata ko at tumayo para buksan ang pintuan.

Pinasadahan ako ng tingin ni papa pagkabukas ko. Umupo ako sa kama at hinintay kong pumasok siya.

“Kakadating niyo lang, pa?” Tanong ko.

Tumango siya. “Are you okay?”

Tumango rin ako. “I’m just tired.” Sabay tingin sa kawalan.

“Sorry sa mga sinabi ng mga pinsan ko. I heard from Hendrix…”

“Ayos lang, pa. I’m used to it.”

Umupo siya sa tabi ko at hinaplos niya ang aking likod. Tumikhim siya kaya nilingon ko si papa.

“Mababait ang mga pinsan mo. They’re just acting that way because like other people they think Elijah’s still your cousin. You grew up together. And they are also particular of our traditions. I’m sorry. Sana ay mapatawad mo sila.”

“I know, pa. Hindi nila kasalanan. These are the consequences of my relationship with Elijah.”

Pagkatapos naming mag usap ay tahimik niya akong iniwan. I appreciate papa’s concern for the family. Hindi ko rin naman masisisi ang mga pinsan ko sa mga sinabi nila. Hindi nga lang non ibig sabihin na mag titiis akong makinig sa mga masasakit nilang salita. I accept it but I can’t tolerate it.

Kinaumagahan ay wala na ang mga pinsan ko. Nalaman ko sa katulong na sabay silang nag pa spa at namili.

“Hindi ko nga alam kung bakit di ka sinama. Sinabi ko namang pwede kitang gisingin pero umalis na agad sila.” Sabi ng katulong.

Tumango ako at kumain kasama si Pierre at Hendrix. Si Hendrix ay mukhang magiging abala na naman sa trabaho sa araw na ito samantalang si Pierre ay mukhang kakagising lang.

“Ayos lang. I have to do things din naman. Pupunta ako ng school para kumuha ng grades.” Sabi ko.

“I’ll get my grades maybe later. Be sure to be home by 3pm, Klare. Baka makalimutan mo, birthday celebration ni Ama, later.” Ani Pierre.

“Hindi niya makakalimutan ‘yon, the Montefalcos are invited.” Ani Hendrix.

Nilingon ko ang mga katulong na abala sa paghahanda sa buong bahay. Ang simpleng salu salo kasi na gusto ni Ama ay dito sa bahay mangyayari. Nag lagay ng iilang mesa sa maliit na garden at nilagyan na rin ng decoration kung saan naroon ang mukha ni Ama at ang kanyang edad.

“Did you greet Ama kanina, Pierre?” Tanong ni Hendrix.

“Nope. Tulog pa ako nong umalis sila.”

Habang nag uusap sila ay naisipan kong kailangan ko nga palang bumili ng regalo para kay Ama. Hindi ko naman alam kung ano ang maibibigay ko sa kanya. I don’t even know if we’re okay. Galit iyon sa akin at baka itapon niya lang ang mga bagay na ibibigay ko.

Sinundo ako ni Elijah sa bahay patungong school. Kasama naman namin si Claudette at Azi na panay ang mura sa likod habang iniisip lahat ng mga sinabi ng kanyang ama sa bahay nila kanina.

“Hayaan mo na nga!” Ani Claudette.

Nalilito ko silang nilingon. Hindi ko alam kung ano ang pinag uusapan nila at ano ang pinag puputok ng butchi ni Azrael.

Ang alam ko ay nauna sila sa school. Kukunin sana ni Claudette ang kanyang grades habang si Azi naman ay mag eenrol ng MBA o Law, hindi ko alam. Maganda naman daw ang nakuha niya sa exams. Galing gym si Elijah ay nakita niya ang dalawa sa labas ng school na palaboy laboy kaya napulot niya ang dalawa at sinama sa bahay nila bago sila pumunta dito.

“Ang sabi ko nga tsaka na mag papa house warming sa birthday ko, bakit dahil uuwi si Knoxx biglang ganon? Annoying.” Ani Azi.

“Kasi nga he’s with his girlfriend and besides, kuya, ang tagal pa ng birthday mo! Tapos na ang bahay natin at kailangan na ng blessing.” Paliwanag ni Claudette.

“‘Yong bahay niyo sa Balingasag gawa na, Azi? At si Knoxx may girlfriend?” Tumaas ang kilay ko.

“Oo. Galing daw sa kilalang pamilya kaya kailangan pag handaan. Kaya we’ll have it last week of this month.” Kibit balikat ni Azi. “Kaya mamaya, didiretso tayo don. After your wholesome family dinner, pupuntahan natin ‘yong bahay namin. Gusto ko ako makauna non.”

Tumawa si Elijah. Nilingon ko siya at nakatitig siya sa daanan.

“Jealous boy.” Aniya.

Hinampas ko ang kanyang braso dahil sa panunuya niya kay Azi. Walang ginawa si Azi kundi ang mag mura tungkol doon. Umiling na lang ako at tumingin sa daanan.

Sana payagan ako mamaya. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang inisip ang mga mangyayari mamaya. Lahat kami ay nandoon. My parents, Elijah’s parents… tito Exel. Gusto kong mag tanong kay Elijah kung nakapag usap na ba sila ni tito Exel tungkol sa akin pero ayokong maisip niya na pinipressure ko siyang gawin iyon. Of course he doesn’t want his father to be sick again…

“Sina Hannah, Julia, at Liza, oh.” Sabay turo ni Claudette sa benches sa tapat ng Immaculate Concepcion chapel.

Sinundan nila ng tingin ang sasakyan ni Elijah na kakapasok lang doon at papaliko na patungong soccerfield, kung saan niya ito ipapark. Napawi ang suot kong ngisi kanina lang dahil sa bulungang nakita ko sa kanila.

Pagka park ni Elijah sa sasakyan ay nakita ko kaagad ang iilang kaibigan namin galing sa School of Business Management building na nagtatawanan sa Kiosk. Lumabas ako at ngumiti nang nahagip nila ng tingin kaming lahat.

“Hi!” Ani Claudette at naglakad patungo sa kanila. Nakipag high five din si Azi sa iilang lalaking kilala.

May iilan sa kanilang nanatili ang tingin sa amin ni Elijah. Umikot si Elijah at sinalubong akong hindi pa nakakagalaw sa tinatayuan.

Hinawakan niya ang ilang daliri ko sa magkabilang kamay.

“Kunin natin ang grades mo?” Aniya.

Tumango ako. Natatabunan ng kanyang dibdib ang paningin ko sa mga kaibigan namin.

Narinig kong nagtawanan sila lalo. Nilingon ko kung bakit at nakita kong kakarating lang ni Julia, Hannah, at Liza. Kitang kita ko ang pananatili ng tingin ni Julia sa amin. Si Liza ay binati at bineso ang mga kaklase ko. Si Hannah naman ay hindi kami tiningnan.

Narinig ko na may binulong sila kay Claudette. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Alam kong narinig din iyon ni Elijah at tumitig lang siya sa akin.

“Tama ba ang nakikita ko, Clau? They are both holding hands?”

Bumaling ako sa kanila at nakita kong nahiya ang isa sa mga kaibigan kong tumingin. Kinagat ko ang labi ko at binalik ang tingin ni Elijah. Ngumuso siya. I want him to know that I’m brave enough for this but it still isn’t easy…

“I’m sorry.” Aniya at binitiwan ang kamay ko.

Umiling ako at hinawakan muli ang kanyang kamay. Humakbang ako ng kaonti para lang maharap ang mga kaibigan namin. I don’t think I need to explain anything to them. Alam kong nag dududa na sila and our actions are enough to explain so many queer things between us.

“Clau, Azi, kukunin ko lang ang grades ko.” Sabi ko ng nakangiti at parang normal lang.

Nanahimik ang mga kaibigan ko. Bawat mga mata nila ay batid kong nakatingin sa kamay namin ni Elijah.

“Sasama ako.” Ani Azi. “I’ll process something.”

“Sama din ako. Don ko na lang hihintayin si Erin.” Ani Claudette at tumayo na.

Nakakabinging katahimikan ang binigay sa amin ng mga kaklase at kaibigan ko. Labing lima yata silang halu-halong babae at lalaki ang naroon at nakatitig sa amin ni Elijah. Tumikhim si Hannah at humalukipkip.

“This is what you all are hiding?” Nakita ko ang pagtaas ng kanyang kilay.

Sa kanyang mukha ay nakita kong sarkastiko at iritado siya. Katulad nong reaksyon ni Erin nang una siyang nag duda sa amin ni Elijah.

“I’m pretty sure cousins don’t hold hands like that.” Aniya.

Walang umimik kahit sino. Nakita ko pang hinila ni Julia ang braso ni Hannah para pigilan siya sa pagsasalita.

“We’re not cousins, Hannah.” Naunahan ako ni Elijah sa pagsasalita.

Nanginig ang labi ni Hannah habang tinititigan niya si Elijah. Hinintay ni Elijah ang magiging reaksyon nila. Binuksan ni Hannah ang nanginginig niyang bibig. Pinanood ko ang bawat galaw niya at napagtanto kong sobra sobra ang sakit na nararamdaman niya. Hindi ko mawari kung ano ang nagawa ni Elijah sa kanya at bakit ganito siya ka apektado at ganito niya ka gusto si Elijah.

“You two grew up together. She’s a Montefalco.” Ani Hannah.

Walang awang umiling si Elijah. Tahimik ang ga kaibigan namin. Si Azi lang ang gumalaw at humakbang patungo sa aming likod. Ganon din ang ginawa ni Claudette nang nakita ang ginawa ni Azi.

“She’s not a Montefalco. Watch and I’ll turn her into one.”

“Elijah…” Sabay hila ko sa kanyang braso.

“Let’s go…” Ani Elijah at hinila niya ako palayo sa kanila.

Nilingon ko sila at nakita kong hinaplos ni Julia ang likod ni Hannah. Tsaka pa lang sila nag bulung bulungan nang nakalayo na kami. Naaawa ako kay Hannah. Ngunit alam kong wala na ring halaga kung mag lihim pa kaming dalawa.

“That was cool-” Ngisi ni Azi.

“Tumigil ka, Kuya. Masakit ‘yon kay Hannah. That wasn’t cool. That was one asshole move, Elijah.” Ani Claudette. “Kawawa naman si Hannah. Buti na lang at wala si Erin dito baka madagdagan pa.”

Tumango ako kay Claudette. Alam kong may punto si Elijah na kailangan nilang malaman ito pero masakit iyon kay Hannah.

“Malalaman din naman niya, Dette dette. Parehong sakit lang iyon. Sabihin ni Elijah ngayon o bukas, parehong sakit lang iyon.” Ani Azi.

Nilingon ako ni Elijah. Naging abala kasi ako sa panonood sa pagtatalo ng kapatid. Hinaplos niya ang pisngi ko kaya bumaling ako sa kanya.

“I’m sorry. Hindi ko lang talaga kayang manahimik. They will judge you if we shut up.” Aniya.

Tumango ako. Tumitig siya sa akin at nag taas siya ng kilay. Uminit ang pisngi ko at nag iwas ako ng tingin.

Seryoso ba talaga ‘yong mga linya niya? Dalawang beses ko na siyang narinig na sinabing magiging Montefalco din ako.

Naging abala kami sa pag kukuha ko ng grades. Medyo mahaba ang pila kaya halos maubos ‘yong oras namin doon. Sabado kaya half day lang ang mga offices ng school. Sama sama kaming kumain habang abala si Claudette sa pag sasabi sa mga pinsan ko tungkol sa nangyari kanina sa amin ni Hannah.

“Now she knows…” Ani Erin at nagpatuloy pa sila sa pag uusap.

Abala si Chanel sa requirements niya sa Med school. Si Rafael at Josiah naman ay parehong mag lo-Law kaya iyon ang pinag kaabalahan nila. Si Azi naman ay nag desisyon na mag i-MBA na nga siya. Gusto niya ring mag aral ng agriculture para sa farm nila kaya hindi siya makapag desisyon.

“Asus… ang sabihin mo-” Hindi natapos si Josiah sa pagsasalita kasi siniko na siya ni Elijah.

Nagtawanan ang dalawa. Nagkatinginan kami ni Erin at sabay pang umiling.

Simple at intimate ang magiging salu salo mamaya. Ganunpaman ay binilin ni tita Marichelle sa akin na mag suot ng magandang dress dahil iyon ang gagawin nila. Ako lang ang nag ayos sa sarili ko. Inisip ko sanang nandito sina Chanel para matulungan ako pero hindi sila pupunta dito hanggang mamayang mga alas sais.

“Klare…” Matigas na banggit ni Ama sa aking pangalan pagkababa ko sa hagdanan.

Puting midriff top at pencil skirt ang suot ko. Hindi pa ako sigurado kung tama ba ang make up na nilagay ko. Natanaw ko si Gavin, ang kanyang buong pamilya, at iilang hindi ko gaanong kilalang mga chinese.

“Gavin’s here. Be with him.” Ani Ama.

Hindi ako umu-o at hindi rin naman niya iyon hinintay. Nagkatinginan kami ni papa at tumango na lang siya sa akin.

Hindi ko pa nababati si Ama. Gusto ko siyang batiin kaso hindi ako makahanap ng magandang tyempo.

Abala ang mga katulong sa paghahanda. Si Ama mismo ang nag entertain sa bawat bisita at kakilalang dumalo. Ang background music ay ‘yong mga kantang sikat sa kapanahunan nila. May tatlong long tables sa garden at iilang maliliit. Pumwesto kami doon at narinig kong puro business ang usapan nila.

“Uuwi ako ng Davao dahil kailangan na rin namang umuwi ni Ricardo at Marichelle. They’ve neglected their business for the past weeks so we’ll need to check on it.” Nakangiting sinabi ni Ama sa mga kakilalang intsik din.

Nahagip ng tingin ko ang mga mata ni Trixie at nong isa kong pinsan na medyo matalim sa akin. Sa bawat pag uusap nila ay chinese na ang ginagamit nila. Hindi ko iyon masundan pero tingin ko ay pinag uusapan nila ako. Nagtawanan sila. Bumagsak ang tingin ko sa baso ng tubig sa harap ko. Uminom na lang ako imbes na makinig sa salitang hindi pamilyar sa akin.

Galit na nagsalita si Pierre ng chinese. Natahimik ang dalawa sa tawanan at nagtaas ng kilay.

“Stop it.” Iyon lang ang tanging naintindihan ko sa sinabi ni Pierre.

Ngumuso ako at magtatanong na sana kung anong problema nang nakita kong kakagaling ni papa sa loob. Ngumiti siya at tumango kay Ama.

“The Montefalcos are here.” Ani papa.

Naunang naglakad doon ang mga babaeng Montefalco, si Erin, Chanel, at Claudette na parehong pormal sa kanilang suot. Claudette’s wearing a black, tight, assymetrical dress. Erin’s wearing a tube top royal blue dress while Chanel wore a champagne-colored long dress. Sunod na nakita kong pumasok ay si tito Azrael kasama si tita Claudine. Naka coat and tie si Tito habang si tita naman ay naka simpleng itim na damit.

“Happy birthday.” Ngiti ni Tita na sinundan naman ng mga bati ng mga sumunod na Montefalco, sina tito Benedict at tita Liezl…

Sumunod din si mommy at daddy kasama si Charles, at si Eba at Damon. Wala yata sina tito Stephen at tita Dana dahil nasa business na naman. Sumunod sina Azi, Josiah, at Rafael. Pang huli, na siyang nag patayo kay Ama at siyang nagpakaba sa akin ng husto, ay ang pagdating ni tito Exel kasama si tita Beatrice.

Ito ang unang pagkakataon na makkikita ko ulit sila pagkatapos nong sa ospital. Nanliit ako sa kinauupuan ko. Malusog si tito Exel tingnan at hindi ko mawari kung pumayat ba siya o tama lang. Sumunod si Elijah at Ate Yasmin na parehong pormal din.

“If it isn’t Exel Montefalco!” Salubong ni Ama sa kay tito at tita.

“Happy birthday, Madame.” Bati ni tito kay Ama.

“You look great!” Nakangiting sinabi ni Ama.

Si Elijah ay nasa likod lang ni tito Exel. Nanliliit ako habang tinitingnan sila. Pakiramdam ko ay ako ang dahilan kung bakit masisira ang lahat ng ito. Ako ang natatanging pagkakamali sa perpektong mga pamilyang ito, sa perpektong si Elijah.

Bumaba ang tingin ko sa aking mga daliri. Narinig ko ang tawag nina Erin sa akin, kakaupo lang nila sa isa sa mga maliliit na round table samantalang ang mga tita at tito ko kasama si mommy at daddy ay nandoon sa mahabang mesa. Nahagip ng tingin ko si mommy na nakangiti sa akin. Ngumiti din ako sa kanya at umamba akong tatayo.

“Don’t leave. Wag kang bastos, Klare. You belong here, you stay here. Stay there. Wag kang bastos kay Gavin at sa amin.” Mariing sinabi ni tita Luisa.

“Babalik naman ako dito. Pupuntahan ko lang sana si mommy.” Paliwanag ko ngunit umupo ulit.

“You like attention so much. Pati dito? Seriously?” Pabulong niyang sinabi.

Nag iwas ako ng tingin kay tita Luisa. Binalik ko ang tingin ko kay Elijah na ngayon ay ipinapakilala sa mga kilalang mga chinese businessman. May naramdaman akong kung ano sa aking tiyan.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: