You made it this far! Thank you.
Kabanata 50
Blink of an Eye
It hurts to look at him when he’s far away from me. I know it’s such a selfish thought. Hindi ko lang talaga maiwasan na malungkot pag nakikita siyang malayo sa akin. I want him to stay close to me. I want him to need me the way I needed him.
Naramdaman ko ang pagkuyom ng aking mga kamay habang nakaupo ako doon. It sucks to just stay quiet and still when you know that Elijah’s within reach. Pero ano nga ba talaga ang magagawa ko? Ano nga ba talaga ang kaya kong gawin para kaming dalawa sa huli ni Elijah?
Do I need to sacrifice something? Do I need to choose? Will they let me choose?
From the very beginning, I sacrificed so many things. Ganon din ang ginawa ni Elijah para sa aming dalawa. Sinakripisyo ko mismo siya. Sinakripisyo ko ang kaligayahan ko at kaligayahan nila para sa aming pamilya. No, it was never a mistake. To wish for the happiness and contentment of my family, to make it happen, will never be a mistake. Kaya kung ibabalik man ang panahon, kahit nasaktan man ako at nasaktan ko rin siya, ay gagawin ko ulit lahat ng iyon para lang maprotektahan ang mga Montefalco.
Nong nalaman ko na hindi ako tunay na Montefalco, nayanig ang mundo ko. My faith got destroyed. I felt betrayed by the family I protected. Rage, anger, self-pity took over my senses. Ni hindi ko alam kung kaya kong mag mahal muli. It was all too surreal. But then the best healer of the heart is, indeed, time. Mananatili ang alaala ng mga abong kinalat ng nasunog na kahapon pero hindi ang apoy. I learned to forgive, they forgave me too.
Pero ngayon, kailangan ko ba ulit sindihan ang apoy na kumain sa aking sarili noon? Kakailanganin ko na naman bang pagdaanan lahat ng iyon? Is it too much to ask for my happiness with Elijah? Will it hurt them a lot when I’m with him? Yes?
Tahimik kaming kumain habang nag uusapan naman tungkol sa negosyo ang long table nina Ama kung saan naroon din si papa, daddy, tito Exel, tito Benedict, tito Azrael, at ilan pang mga kilalang chinese businessman.
“Klare…” Bulong ni Erin habang nag se-serve ng panghimagas.
Tumingala ako sa kanya. “Punta tayo sa table namin.” Sabay nguso niya sa mesa kung nasaan sina tita Beatrice kasama si mommy.
Nilingon ko pa si tita Luisa na nagtataas ng kilay sa pinsan kong humahatak sa akin ngunit hindi siya nakaimik nang kinaladkad na ako ni Erin patungo doon.
“Klare…” Ngiti ni mommy nang napadpad ako sa kanilang mesa.
Medyo malayo doon ang mga round table kung saan naka upo ang mga pinsan ko at makakakuha ito ng atensyon.
“Mommy…” Sabay yakap ko.
“Ayos na ba kayo ng Ama mo?” Tanong niyang pabulong.
Naaasiwa ako dahil pinapanood kami ni tita Claudine at tita Beatrice. Hindi pa kami nakakapag usap ulit ni tita Beatrice at hindi ko alam kung alam ba nila ang tungkol sa amin ni Elijah. Ni hindi ko siya matingnan ng diretso.
“Ayos naman.” Sabi ko at nag iwas ng tingin.
“Where’s Klare?” Narinig ko ang boses ni Ama galing sa kanilang mesa. Halos napatalon ako at dumiretso ang tingin ko sa kanila.
Nakita kong nakatayo na ang dalawa kong kapatid sa kanyang gilid. Si Hendrix at Pierre ay nakasuot ng matamis na ngiti habang hinaharap ang mga chinese businessman. Ipinapakilala ni Ama ang kanyang mga apo na anak ni papa. Pansin kong lumapit din si Champ at ang kanyang kapatid.
“Klare!” Sigaw ni tita Luisa at agad niyang iminuwestra ang mesa ni Ama.
Sabay ang pagtayo namin ni Gavin. Para bang may nagsabi o nag utos din sa kanyang sumama sa paglapit ko kay Ama. Marahan ang hakbang ko patungo sa mesa nina Ama. Nakangiti si papa ngunit napawi ito nang nakitang nasa tabi ko bigla si Gavin.
Kabadong kabado ako. Nakita kong pumirmi ang tingin ni tito Exel sa akin. Pakiramdam ko ay nagwawala ang aking tiyan. Natatakot ako sa maaaring mangyari. Natatakot ako na ang reaksyon ni tito ang siyang maghahatol sa amin ni Elijah. And I know Elijah won’t accept ‘No’ for us… I won’t accept it either. And I’m scared I can’t protect my loved ones this time. I’m scared because I’m in love with Elijah too much and that I think he’s my home, he’s my family.
“This is Klare Desteen Ty, Ricardo’s daughter.” Halakhak ni Ama.
Tumayo ang isang naka coat and tie na medyo matabang chinese businessman para maglahad ng kamay. Ganon din ang ginawa ng mga katabi niya. Hindi na tumayo pa ang angkong ni Gavin at ang kanyang pamilyang naroon.
“You’ve heard about them, Klare, right? I bet you know their children. This is Mr. Lim, Mr. Kwan…” Hindi ko nasundan ang mga sinabi ni Ama tungkol sa magagarbong businesses ng mga miyembro doon.
Nginitian ko sila isa-isa at nahagip ko ng tingin si tito Exel na walang ekspresyon at pinapanood lang ako.
“I’m happy with this granddaughter of mine. Her grades are good and she goes with good people like Gavin.” Ani Ama.
Humalakhak ang angkong ni Gavin at nag biruan pa sila ni Ama. Nagkatinginan kami ni Gavin at hindi na natanggal ang tingin ko sa kanya.
“You know, I don’t think the eldest, Hendrix can give me a great granddaughter anytime. And please, not Pierre. Klare can give me and I’d be happy if it’s gonna be a Co, from your family. Bagay naman sila ni Klare at paniguradong engrande ang magiging kasal! What do you think, hijo?” Nilingon ni Ama si Gavin na hindi na makangiti sa tanong ni Ama.
“Gavin…” Sabi ng kanyang angkong.
“Ama…” Sabi ko. Hindi ko alam kung susuwayin ko siya sa harap ni tito Exel.
“The Montefalcos should be invited, then…”
Halos malaglag ang panga ko sa nagsalita. Nanatili ang tingin ko sa kay tito Exel na ngayon lang nagsalita. Ngumiti si Ama at tumingin kay tito Exel.
“Of course, Exel. The Montefalcos are invited. I will never forget that my granddaughter was once a Montefalco. Your family raised her. You raised her well…” Tango ni Ama.
“Ama…” nanginig ang boses ko.
Ang hatol ni tito Exel sa amin ni Elijah ay ganon pa rin. Elijah will hate me for this. He’ll hate me because I’ll make his dad upset this time.
“Hindi pa po ako magpapakasal. It’s too early for that.” Sabi ko sabay tingin kay papa at kay daddy na gustong magsalita pero nagulantang din sa nangyayari.
“My Klare is still very young, mama.” Ani papa.
“I won’t allow it.” Simpleng sinabi ni daddy. “She’s too young for that kind of thing!”
Humagikhik si Ama. “Oh Ricardo, Lorenzo, I was just thinking. I never said anything like that. Hindi naman iyon mangyayari kung hindi gugustuhin ni Klare at ni Gavin…” Nagtaas ulit ng kilay si Ama kay Gavin. “Hindi ba, Gav? You think you two are still too young for that? Or are you planning it already?”
Namula ang pisngi ni Gavin. Bumagsak ang kanyang mga mata sa sahig at alam ko kaagad na ang lahat ng pressure sa pamilya ay nasa kanya. Narinig ko pang tinawag ulit siya ng kanyang angkong at ng kanyang daddy.
“Ama…” Sabi ko. “Ayaw po namin ni Gavin ng ganon. You know we’re not anything like that. We’re just friends.” Paliwanag ko.
Naramdaman ko ang kamay ni Hendrix sa braso ko. Tumikhim siya at magsasalita na nang tumaas ang tono ni Ama.
“Well! It all starts there, Klare! Friends.”
Tumango si tito Exel. Nakakapanlumo. Nangilid ang luha ko at hindi ko kayang isipin na hanggang ngayon ay kalaban parin namin ang pamilya ni Elijah.
“Anong nangyayari?” Narinig ko ang boses ni Chanel sa mesa sa malayo.
Ngayon pa lang nila napansin ang komosyon na nangyayari sa mahabang mesa na ito. Bago pa marinig ni Elijah ang lahat ng banat ni Ama ay kailangan ko ng kumilos. I don’t mind if tito Exel’s going to hate me for this.
“I have a boyfriend, Ama.” Matigas kong sinabi sa kanilang lahat.
Hindi lang si Ama ang sinabihan ko nito. Gusto kong marinig nilang lahat. Hindi ko tinitigan si tito Exel. Pinasadahan ko ng tingin ang bawat isang naroon sa mesang iyon. Narinig ko ang nag aalalang tawag ni mommy sa akin. Mukhang lalapit na siya sa mesa.
Nakita kong medyo tumabang ang mukha ni Ama sa sinabi ko. Pinilit niyang ngumisi sa angkong ni Gavin.
“Klare…” Dinig kong tawag ni Gavin. Hindi ko alam kung gusto niya bang ipagpatuloy ko ang pagsasalita ko o gusto niyang pigilan ako.
Gavin, this is for us. You’ll thank me later.
“Well then, I don’t mind if it’s Gavin. Spill.” Ani Ama at uminom ng tubig.
“Si Elijah Montefalco po.” Sabi ko, nanginginig ang boses.
Naramdaman ko ang hila ni Hendrix sa aking braso. Yumuko si Gavin. Hindi ko na maaalis ang tingin ko kay Ama na ngayon ay nakataas ang kilay habang nilalapag ang basong pinag inuman niya ng tubig.
“Well, he’s your cousin. Isn’t that incest?” Nilingon ni Ama ang mga taong naroon, para bang nahihiya sa sinasabi ko.
Kumunot ang noo ng mga naroon. Lahat simula sa daddy ni Gavin hanggang sa mga pinakilalang businessman sa akin.
“We’re not blood related.” Sabi ko.
“Goodness!” Tumawa si Ama. “You grew up together. Exel…” Tawag niya kay tito.
Hindi ko matingnan si tito. Nanatili ang tingin ko kay Ama.
“Mama, let them be-”
“Ricardo, it’s your daughter we are talking about! Because you were not with her for the past 18 years of her life doesn’t mean you’ll spoil her! Even the Montefalcos don’t agree! Bakit ikaw?” Tumaas ang tono ni Ama.
“Madame, totoong ayaw naming magkaganon but I think we should stop-” Narinig ko ang boses ni Mommy.
“Shut up, Helena. What do you know about ethics?” Mariing sinabi ni Ama kay mommy.
Nalaglag ang panga ni mommy. Tumayo si daddy at hinawakan ang braso ni mommy.
“She’s my daughter.” Mariing sinabi ni mommy.
“She has my family name, representing my family honour.” Ani Ama, tumatayo na rin.
May sinenyas si Hendrix sa mga katulong at agad tumakbo ang mga nurse kay Ama. Narinig ko na ang paglapit ng mga pinsan ko sa likod. Sa haplos pa lang sa pulso ko ay alam ko na kaagad kung kaninong kamay ang dumampi sa akin. Hindi ko na siya nilingon. Nakita kong lumipad ang mga mata ng mga Montefalco sa aming dalawa. Si Elijah nasa likod ko.
“Exel’s son is my granddaughter Selena Chiong’s boyfriend. He is also Klare’s cousin. They obviously can’t have a relationship! That is against the law of nature!” Aniya at hinampas ang mesa.
Nag sitayuan ang mga panauhin sa mesang iyon. Maging ang mga Montefalco ay nagkalat na sa likod namin.
“They are not blood related-” Pinutol ulit ni Ama ang linya ni papa.
“Bullshit feelings! Those sentiments will all kill you! The two of them will leave a scar in your family. Hindi nila kayang panindigan ang relasyon na iyan, they are too young. What do they know about family? What do they know about names? And of family honour? Nothing!” Ani Ama.
Bumuhos ang luha ko. Ganitong gulo ang kaya kong ihatid sa aking pamilya.
“I know family honour. And I know that this scar is going to make our family strong.” Ani Elijah.
Gusto ko siyang patahimikin. I want to do this. I don’t want him to interrupt. Lalo na dahil nandyan ang kanyang daddy, nanonood sa amin. Surely he’ll get mad!
Humakbang si Ama palayo sa mesa at lumapit sa akin. Ganon din ang ginawa ng mga taong naroon. Pinalibutan nila kaming lahat na para bang susumpain na kami.
Lumapit ang mga pinsan ko sa kanilang mga magulang at narinig ko ang mga tanong nila kung ano ang nangyayari at bakit nagkakaganito. Nasa gilid ko si mommy, sa likod niya naman ay si daddy. Sa likod ko ay naroon si Elijah na agad na binitiwan ang kamay ko para harapin ang lahat ng dismayadong kapamilyang nasa harap namin.
“My dad taught me so many principles. Principles like honesty, respect, honor, and loyalty. Mga prinsipyong minsan ko na ring binali para lang makuha ang gusto ko.”
Napawi ang luha ko at natoon ang pansin ko kay Elijah nang tumayo siya sa harap doon. Seryosong nanood sa kanya si tito Exel. Sa tabi niya ay si tita Beatrice na mangiyak ngiyak at nakangiti sa anak. Si Ate Yasmin ay nakayakap kay Chanel sa tabi ni tita Beatrice.
Nilingon ni Elijah ang aking daddy at mommy. Tinanguan niya sila. Ganon din ang ginawa niya kay papa at tita Marichelle. Ganon din ang ginawa niya kay Pierre, Hendrix, at Charles.
“Ito po ang paninindigan ko.” Aniya at lumuhod siya sa harap ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya at halos lumipad ang kaluluwa ko sa taas. Tumikhim ang mga taong nasa paligid.
“No!” Sabi ni Ama.
Nakita kong pinigilan siya ni papa.
“Ricardo!” Alma ni tita Luisa.
“Exel! Bakit mo hinahayaang mapahiya ang iyong pamilya? Your son should not- bitiwan niyo ako.” Ani Ama sa kay papa.
“Will you be a Montefalco again, Klare? My Montefalco.” Ani Elijah.
Lumipad ang aking mga kamay sa aking bibig. Bumuhos ang luha ko habang niyayakap ako ni Claudette at Erin. Hindi ko na alam kung paano tatanggapin ang nasa pulang box na singsing na nilalahad ni Elijah sa aking harapan habang nakaluhod siya.
May camerang dala dala si Azi na ngayon ko lang napansin, mukhang kanina niya pa ito nirerecord. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ito sa harap ng kaguluhang ito. Pinili ni Elijah na mag propose sa ganito ka komplikadong sitwasyon. The nerve of him! I admire his guts! Dammit!
“Disgraceful!” Sabi ni Ama.
Nakita kong tinapik ng iilang businessman ang balikat ni tito Exel samantalang umalis at nag walk out ang pamilya ni Gavin kasama siya. Nilingon niya ako at nginitian kahit na alam kong papagalitan siya sa oras na makaalis sila dito.
Pumalakpak ng marahan si tito Exel. Siya lang mag isa. Ni hindi siya sinabayan ng mga nakangiting tumatapik sa kanyang balikat. Nilapitan niya si Elijah.
Umiling si tito Exel at ngumisi bago bumaling sa akin.
“Are you gonna put that ring on, Klare? Or do we have to stop you two again?”
Nagulat ako sa hamon niya sa akin. Hindi ako makapagsalita. Hinila ni Elijah ang aking kamay at tumayo siya, agad pinadausdos ang singsing na may diamond sa gitna!
“Exel!” Tawag ni Ama habang pinapaupo na siya sa isa pang upuan at pinapalibutan na ng nurse.
“This is what my son wants, Madame. And this is what your granddaughter wants, too. We don’t always like their decisions but as their family, the best thing we can do for them is to support.” Ani tito Exel.
Nanatili ang tingin ko kay tito kahit na ibinaon na ako ni Elijah sa kanyang dibdib. Mahigpit ang kanyang yakap at nakisali pa sina Erin, Chanel, Claudette, at Ate Yasmin. Nakisawsaw na rin ang mga lalaki kong pinsan. Parang mga estatwa namang nanatiling nanonood ang mga pinsan kong Ty habang si Pierre at Hendrix ay parehong kausap si tita Marichelle at papa.
Nilingon kami ni tito Exel habang lumalapit siya sa nakangangang si Ama.
“I’ve learned that life is short. We should learn to accept everything, support our loved ones, and make others happy while we’re still here.” Ani tito Exel.
Nalunod na ng mga tawa ng mga pinsan ko ang usapan nila ni Ama. Hinalikan ako ni Ate Yasmin ay malaki ang ngiti niya sa akin.
“I’m sorry last time nong nag away kayo ni Elijah. Hindi ko pa nasabi ang buong detalye sa inyo. That’s why you were all cold to me. I’m sorry, Klare.” Aniya sabay yakap sa akin.
Umiling ako, hindi parin nakakapag sink in sa akin ang nangyayari.
“Elijah… come here.” Narinig kong matigas na sinabi ni daddy.
“Klare!” Tawag ni tita Beatrice at niyakap niya ako.
Pinanood ko si Elijah na lumapit kay daddy, nag usap sila ng masinsinan.
“I bet Elijah didn’t tell you that your titos cool with you two?” Nagtaas ng kilay si tita Beatrice sa akin.
Umiling ako at nagulat.
“Hindi niya rin kasi inasahan na nong umuwi siya kasi nag away kayo, imbes na tumakas, ay pinayagan pa siya ng kanyang daddy at sinabing hahayaan niya na si Elijah kung saan siya masaya.”
Tumango ako. “Hindi niya po nabanggit sa akin. Nag away po kasi kami ng medyo matagal tagal.”
Narinig ko ang mariing tawag ni tito Azrael sa kanyang lalaking anak. Parang tutang lumapit si Azi sa kanyang ama. Naglahad ng kamay si Tito Az at sumilay ang ngiti sa labi ni Azi.
“Magpaalam kayo sa mga Ty.” Dinig kong sinabi ni tito Az. “Don na kayo matulog sa open house natin sa Balingasag. And… don’t… you ever smash that Fortuner again!”
“Yes, dad!” Malaki ang ngiti ni Azi at agad lumapit kay Pierre para makipag tanguan at makipag usap.
“Klare…” Ani mommy at nasa tabi niya si Charles na medyo nakabusangot. “Charles… I told you…”
“Ate…” Ani Charles.
“Your brother wants to go with you. Hindi ko pinapayagan because of what’s happened. Baka matagalan pa kami dito. Knowing your dad-”
“Ayos lang, My. I’ll take Charles.” Sabi ko.
“He’s too young. I know what your cousins will do!” Nilingon ni mommy si Charles at matalim na tinitigan.
“I will just sleep, okay? If that makes you feel good, my.” Iritadong sinabi ni Charles.
“Charles!” Ani Josiah at inakbayan agad ang kapatid ko paalis sa tabi ni Mommy.
“Josiah!” Tawag ni mommy ngunit hindi na siya pinansin. Umiling si mommy sa akin at tumikhim.
Nagkatinginan kami at bigla siyang naglahad ng kamay.
“May I see the ring?” Ngiti niya.
Kinagat ko ang labi ko at pinakita sa kanya ang aking kamay kung saan sinuot ni Elijah ang singsing.
Marahan niyang hinaplos ang aking mga daliri. Pati ang bato sa singsing ay tiningnan niyang mabuti habang nakakagat din sa labi.
“He’s really got nice taste.” Ani mommy.
Tinitigan ko rin ang singsing na simple at elegante. May diamond sa gitna ng dalawang mas maliit na diamond.
“Congrats. Wag kayong mag madali. Consider this as a beginning, Klare. Your dad…” Ngumiti siya. “Doesn’t approve of your wedding anytime soon. Pu-pwede bang boyfriend at girlfriend muna?”
Tumawa ako at tumango. “I don’t think I’m ready for something like that, my.”
Tumawa din si mommy pero nakita ko ang kanyang luha sa gilid ng mga mata. Niyakap niya ako bago pa bumuhos. “It’s for formality, I guess. Na kayong dalawa na. Na tanggap na namin.” Humagulhol siya. “And I’m so sorry for being so hard on you. I’ve been a very bad mother to you, Klare.” Pumiyok ang kanyang boses.
Pinunasan ko ang luha ko at bumitiw sa yakap ni mommy. “Pinrotektahan niyo lang po ako. You’re the best mom, my.” Ngiti ko.
“Sige na, Dette! You all go!” Dinig kong sinabi ni tito Az. “Lorenzo… Elijah.”
Nilingon ni Elijah si tito Az at tumango kahit na mukhang papatapos pa lang sila ni daddy sa pag uusap. Nilingon ako ni daddy at ngumiti siya sa akin. Ngumiti ako pabalik.
“You all take care. Take care of Charles, Klare.” Ani mommy habang pinupunasan ang kanyang luha.
Tumango ako at bumaling ulit kung nasaan si Elijah. Nag sialisan na ang mga pinsan ko. Si Azi ay hinihintay kaming dalawa. Ngumisi si Elijah sa akin at nagtaas ng kilay. Tumitig ako sa kanya habang papalapit siya.
“Your dad says we shouldn’t marry yet anytime soon.” Ngumuso siya at inakbayan ako. “He’ll give me three long fucking years, baby.” Aniya, papalabas kami sa bahay.
Ngumisi ako. “Nagmamadali ka?” Tinaas ko ang kilay ko sa kanya.
Napaawang ang bibig niya at nangingising tinitigan ako na para bang tinatantya kung ano na naman ang naiisip ko. “Well…” Kinagat niya ang labi niya at ngumisi. Damn, he’s sexy.
Uminit ang pisngi ko. That’s not even long for me, Elijah. Even forever isn’t that long for me. It’s a blink of an eye when I’m with you.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]