Until Forever – Kabanata 48

Kabanata 48

Take Care of Her

Halos tulog ako buong byahe. Nasa likod ako kasama si Erin at Josiah. Ayaw kasi ni Elijah na sa front seat ako sasakay dahil mahaba pa ang byahe.

Nagising ako sa tawanan nina Azi at Josiah at pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Gabi na at nasa Cagayan de Oro na kami.

“Gutom na ako…” Sabi ni Erin. “This isn’t enough.” Sabay pakita niya sa pagkaing binili namin nong nag stop over kami sa Butuan.

“Kumain muna tayo? Text them, Joss. Let’s stop over somewhere near Gateway Tower.” Ani Elijah.

Nagkatinginan kami sa rear view mirror. Narinig ko kaagad ang tikhim ni Elijah bago nagsalita.

“Good evening, sleepyhead.” Malambing niyang sinabi.

Nilingon ako ni Erin at nakita ko ang medyo nagkasalubong niyang kilay at natatawang ekspresyon. Yeah, right. Uminit ang pisngi ko. NIlagay ni Azi ang kanyang mga palad sa kanyang ulod at tamad na bumuga ng hininga, pinipigilan ang paghagikhik.

“Hindi ka kumain, ah? Want to eat somewhere?” Ani Elijah.

“Uhm… I don’t know. Where do you want to go, Erin?” Nilingon ko si Erin.

Naglaro ang isipan ko sa mga Ty. Asan na kaya sila? Mabilis mag maneho si Elijah kaya sa tingin ko ay naiwan namin sila. I need to text Pierre or Hendrix.

“I want pizza. Do you think hahanapin ka kaagad?” Tanong ni Erin.

“Ba’t di sa Montefalco Building tayo kumain?” Tanong ni Azi.

“Ano ka ba!? Namemerwisyo ka pa kay tita Helena, e. Let’s just eat somewhere. Shakey’s, Ej.” Ani Erin.

“Ang sabihin mo, planado mo na na doon kumain.” Ani Josiah.

Sinapak ni Erin ang kanyang kapatid. Nilingon ko ang mga dumadaang sasakyan sa highway. Tiningnan ko ang cellphone ko kung saan may text galing kay Pierre.

Pierre:

Ang bagal. Are you home?

“What do you think about Shakey’s, Klare?” Tanong ni Elijah.

“Ayos lang.” Sagot ko kaagad at nakitang liliko na kami malapit doon. “Have you seen the vans?”

“Paalis tayong Butuan, kakarating lang nila at mukhang kumain sila doon.” Ani Elijah.

Tumango ako. “Therefore, they’ll be late.” Ani Azi.

Nireplyan ko kaagad si Pierre na nasa Cagayan de Oro na ako. Hindi ko nga lang alam kung saan ako uuwi ngayong gabi. I don’t want to be in Hillsborough. Sa nangyari ay paniguradong babanatan na naman ako ni Ama. I’m not running from my problems, gusto ko lang umiwas muna habang sariwa pa ang mga pang iinsulto nila sa akin.

Pinarada ni Elijah ang sasakyan sa tabi ng nakahilerang mga restaurant malapit sa Gateway. Lumabas agad si Azi at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng Limketkai drive na kitang kita mula roon. Humilig siya sa sasakyan ni Elijah. Pumarada sa tabi ron ang Colorado at agad lumabas si Rafael, Claudette, Maxwell, at Chanel. Huling lumabas si Spike, kasabay ni Elijah.

“Kain muna tayo.” Sabi ni Erin at hinila na si Claudette at Chanel patungo doon.

Humikab ako at nakitang papalapit si Elijah sa akin. Niyakap niya agad ako at naamoy ko kaagad ang pabango niya. Parang gusto kong matulog sa dibdib niya.

“Matching jackets, again?” Nagtaas ako ng kilay nang ngayon lang napansin na pareho pala ang itim na jacket naming dalawa.

Nagtaas siya ng kilay. “You don’t like it?”

Ngumiti lang ako. “Shut up…”

“Mahirap bang umamin na gusto mo ‘to?” Ngumisi siya kaya hinampas ko ang dibdib niya at nagsimula kaming maglakad patungo sa Shakey’s.

Dire diretso ang lakad nina Erin, Chanel, at Claudette. Mukhang gutom nga sila. Ako rin naman ay tatlong pirasong fries lang ang nakain dahil inubos ko ang oras ko sa pagtulog. Papasok kami sa pintuan ng naka holding hands ni Elijah ay nakita ko kaagad ang pagbalik ni Erin.

“Dito na tayo, girls. Wag nang choosy.” Sabi ni Rafael.

“No…” Ani Erin at tumingin sa akin, papasok na kami sa loob.

Lumagapak ang kamay ni Erin sa kanyang noo at hindi maintindihan kung babalik sa upuang nakuha o aalis at lalabas sa pintuang pinasukan namin. Kumunot ang noo ko at nakita kaagad na katabi nong table ay isang table ng mga kaibigan at kakilala namin.

“Oh shit…” Dinig kong mura ni Josiah sa likod ko.

Hinihintay kong bitiwan ni Elijah ang kamay ko. Hindi ko binitiwan ang kamay niya. I don’t think I need to.

Sa mesa ay nakangiti si Hannah, Julia, Liza, kasama ang dalawa pang lalaking kaibigan ni Josiah. Nong una ay hindi nila nakita ang mga kamay namin ni Elijah dahil natabunan iyon nina Erin at Claudette.

“Shall we find another resto?” Tanong ni Claudette, tinatabunan kami ni Elijah.

“Where are you all going? Galing pa kayong Siargao? Pasalubong naman diyan!” Halakhak ni Julia.

“No, we’re fine here.” Sabi ko dahil alam kong ang nagpipigil sa kanila ay kaming dalawa ni Elijah.

We need to find a safer food place. ‘Yong wala kaming kakilala at pwede kaming makitang magkasama ng ganito ni Elijah. But we can’t run from this… This is how it’s gonna be. I will fight for this and I can’t fight for it quietly. I’ll fight for this fiercely, no matter what.

Hinigpitan ni Elijah ang pagkakahawak sa aking kamay.

“Are you sure about this, baby?” Bulong niya nang hinarap ako.

“I’m sure about this.” Sabi ko at hinila siya doon.

Parang gatilyo ni Erin ang sinabi ko. Agad siyang nagmartsa pabalik sa mesa at nagawa niya pang makipag beso kay Julia at Liza. Nilagpasan niya si Hannah at batid kong hanggang ngayon ay hindi pa sila bati.

“Buhangin lang ang dala ko, e.” Tawa ni Erin sabay upo sa katabing mesa.

Isa-isa ring nag upuan ang mga pinsan ko kasama si Spike at Maxwell. Inabutan agad sila ng menu nong waiter.

“Klare!” Halakhak ni Julia. “Nakuha ko na grades ko, maayos naman kaya lang may D ako. Pero ayos parin kaya heto, celebrate!”

“Bukas pa namin kukunin ni Erin ‘yong amin, e.” Sabi ko habang nakikita kong pinapasadahan niya ng tingin ang aking braso.

Binaybay niya ang aking braso at napawi ang ngiti niya nang nakitang hawak ko ang kamay ni Elijah. Naunang maupo si Elijah at hinila niya ang kamay ko habang nakikipag usap ako kay Julia.

Bumaling si Julia kay Elijah. Ganon din ang nakita ko kay Hannah at Liza na nagkatinginan pa.

“Hindi ko na kaya… Kabado ako sa mga minors! Gagraduate pa kaya ako?” Nanginig si Erin at tumalon.

“Nakauwi na pala si Elijah, no? Kasama niya mga pinsan niya?” Tanong ni Liza.

“Uhm, yup. Ej, say ‘hi’ naman!” Sabi ni Erin.

Lumingon si Elijah sa kanila pero sabay namang nag ‘hi’ si Azi, Josiah, at Rafael. Dinagdagan pa nila ng panloloko at bola na kabisado na nina Julia.

“What do you want to eat?” Tanong ni Elijah habang tinitingnan ang menu.

Kumalabog ang puso ko. Kahit pala kayang kaya kong gawin ito ay kakabahan parin ako. It’s our first time in public!

“Anything… Pizza is okay. I’m starving.” Sabi ko halos manginig ang boses ko. Hinalikan niya ang kamay ko bago niya binitawan para mamili ng order sa menu.

Nakita ko ang pagkakalaglag ng panga ni Hannah at Julia sa ginawa ni Elijah.

“Upo na kami, ah? Gutom, e.” Sabi ni Erin at tinulak ako para maupo na sa tabi ni Elijah at siya naman ay maupo sa tabi ko.

Walang imik ang tatlo pero alam kong may naiisip na sila. Kabado kong tiningnan si Elijah na tahimik na tinitingnan ang mga pagkain. Nahagip ko naman ang tingin ni Claudette na bumalik yata sa pagiging mala pusa.

Pagkarating ng order namin ay siyang pamamaalam nina Hannah, Julia, at Liza kasama ‘yong dalawang lalaki kaklase namin. Nginitian lang namin sila at agad silang nagyaya na bukas ay magkita kita kami sa school o baka pwedeng mag party.

“Tingnan ko lang. Birthday ng lola ko bukas.” Sagot ko nang tanungin ako ni Chanel kung ano sa tingin ko.

“Don’t be KJ.” Ani Julia at nakita kong tiningnan niya si Elijah. “It’s my birthday tomorrow! Kasabay pala kami ng lola mo? Sige na, please? It’s gonna be my treat!”

Tumango ako. “Pagkatapos siguro nong birthday ni lola.”

Ngumiwi siya at isang beses pang pinasadahan si Elijah bago namaalam ulit.

Pagkalabas nila ay nag unahan agad sina Claudette at Chanel sa kanilang mga sasabihin.

“Kita mo ang mukha ni Hannah? Ayaw niya ng humarap kanina!” Sabi nI Chanel.

“Pinag usapan nila. Well, what do you expect?” Ani Claudette.

“That’s a natural Elijah and Klare move.” Kibit balikat ni Erin habang sinisimulan ang spaghetti. “Kung hindi ko lang alam, hindi ako magdududa.”

“That’s a lie, Erin. Magdududa ako.” Ani Claudette.

“Nag duda sila, that’s it.” Ani Chanel.

“So what if mag duda sila? That’s a fact they need to accept.” Nagkibit balikat si Azi.

“Elijah is crazy over Klare kahit noong high school at nasanay na ako na ganon siya. That’s why it took me a while to get over that shit…” Pumangalumbaba siya at tiningnan si Elijah.

“I’m not crazy over her since high school, Erin. We were cats and dogs.” Giit ni Elijah.

Tumango ako dahil totoo ‘yon.

“Tama, bra. Nag aaway kayo lalo na pag nagseselos ka, diba?” Hagalpak ni Azi.

“Shut up, idiot.” Ngiti ni Elijah.

“Admit it! You were crazy over Klare since high school. We failed to notice but I’m sure you were, Ej.”

Nilingon ko si Elijah na hindi makatingin sa akin.

“I don’t want to think about it…” Tumawa si Azi at kumuha ng pizza. “Kumain na lang nga tayo.” May binulong siya kay Josiah at nakita kong umiling at halos mailuwa ni Elijah ang iniinom na soft drinks.

Mga baliw.

Ito yata ang unang pagkakataon na hindi ako nag alala sa sasabihin ng ibang tao. Nasimulan ko na rin, lulubus lubusin ko na.

“They’re still an hour away.” Sabi ni Claudette pagkatapos naming kumain, kakagaling niya lang sa pagtingin sa kanyang cellphone.

Nakita kong tumingin at nakiusisa si Spike sa katext ni Claudette. Tinakpan ni Claudette ang cellphone niya at nag angat ng tingin si Spike sa kanya, nakakunot ang noo. May binulong siya kay Claudette at napangiwi ang pinsan ko sa kanya.

Ngumuso ako. The Vazques blood includes those soft eyes. Ang malalim na mata ni Elijah ay nakuha sa pagiging Montefalco ngunit ang pilik mata at ang hugis ay mula sa mga Vasquez. Napatalon na lang ako sa paninitig ko kay Spike at Claudette nang inakbayan ako ni Elijah.

“Do you want to go to your mom and dad, instead?” Tanong niya.

Tumango ako. “Magtatanong ako kay papa kung pwede bang sa Montefalco Building muna ako ngayong gabi.”

Habang nag uusap kami ay natatarantang sinabi ni Chanel na may nabasa siyang status ni Hannah.

“Incest.” That was the only word that’s on Hannah’s mind on Facebook. At agad silang nag usap tungkol doon at tungkol sa maraming tao pang makakaalam nito.

“Well, they are just jealous.” Iritadong sinabi ni Erin.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na agad kami sa bahay. Nag plano pa silang matulog doon kung hindi lang kami pinigilan ni mommy at daddy.

“We’re all invited on your lola’s birthday, Klare.” Sabi ni daddy, kakaupo ko pa lang sa sofa namin.

Lumayo ako kay Elijah na ngayon ay nakatayo at nakahalukipkip sa aming dingding kasama si Rafael nakadungaw sa bintana. Niyakap ako ni Erin at humikab siya, halatang pagod na.

“Why are we all invited, tito? They’re not gonna announce some fucking engagement shit like the usual cliche things in movies?”

“Erin, your mouth.” Ngumiwi si mommy sa pinsan ko.

“Hindi siguro. Why would they invite Elijah, then? Kung pipilitin ko si Klare na ireto, hindi ko iimbitahan ang taong handang pumatay para sa kanya.” Sabi ni Azi.

“Wow! Some conclusions you got there, Azrael.” Ngisi ni Erin.

“Azrael’s right. Ayokong mag isip ng hindi maganda. Her lola’s a good person. She’s just very very tight on their traditions.” Sabi ni daddy.

“At ayaw niya kay Klare dahil sa akin.” Nakita ko ang pagsisisi sa mukha ni mommy nang tiningnan niya ako. She was sorry because I got into this trouble.

“Pwede namang hindi pumunta si Klare.” Sabi ni Chanel. “Why are we all invited anyway? Last time I checked, we’re not members of the Chinese chamber.”

“It’s her family, Chan. It’s for his papa. Her lola is her papa’s mother. She means something to him. Klare needs to respect that.” Sabi ni daddy.

“Wait…” Basag ni Rafael sa kanyang katahimikan. “Tito, ibig sabihin ba nito pati si tito Exel kasama?”

Nilingon ko si Rafael sa tanong niya. Nakita kong nakahalukipkip si Elijah at tumingin sa akin. Alam o kaagad ang sagot. Kahit blanko naman ang ekspresyon niya ay alam ko kung anong sasabihin ni daddy.

“Yes. He’ll be there.” Sabi ni dad at tumingin kay Elijah.

Tumango si Elijah sa kay daddy. “Mom texted me, sinabi niya sa akin na pupunta kaming apat ni Ate Yasmin.”

“Is tito okay, Elijah?” I failed to ask him this while we were in Siargao.

Siguro ay dahil gusto ko lang talagang makasama sila ng walang halong takot at pangamba sa kung anong problema na naghihintay sa amin.

Ngumiti si Elijah. “Yup. He’s never better.”

Tumango ako at ngumiti rin pabalik. His smile is contagious. Nilingon ko si daddy na pinapanood ang galaw ko.

“As much as I want you to stay here tonight, Klare, ay gusto ko paring respetuhin ang pamilya mo. They want you there. There’s an event tomorrow. You need to be there.” Sabi ni daddy.

“Ayaw nila kay Klare doon.” Ani Erin at nilingon ako. “Diba, Klare?”

Hindi ko pa sinabi kay daddy ang lahat ng pang iinsulto. I don’t think it was necessary. Ang tanging umabot lang sa kanya ay ang mga sinabi ni Ama tungkol sa amin ni Elijah. Na hanggang ngayon ay ayaw niya parin sa amin at hindi na ako nangangarap na tanggapin niya kami.

“Ganon ba? Mga pinsan mo at mga tita mo, Klare? Maayos ba ang pakikitungo sa’yo?” Tanong ni daddy.

“I told you, Lorenzo. Luisa? Tania?” Ngumiwi si mommy. “This is why I don’t want to introduce you to the Tys…”

“If they don’t want Klare there, then I certainly want Klare with me. I can take care of her, tito.” Nagulat ako sa sinabi ni Elijah sa likod ko. “…tita.”

Sabay na napatingin si mommy at daddy sa kanya. Wala silang nasabi. Tiningnan lang nila si Elijah at natahimik.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: