Until Forever – Kabanata 47

Kabanata 47

Closed Forever

Pagkatapos naming kumain ay sinindihan na nila ‘yong bonfire na ginawa at doon na kami tumambay sa labas. Pakiramdam ko ay panaginip ang lahat ng ito. Ang makasama ang mga pinsan ko, mga kapatid ko, at si Elijah ng sabay at walang takot ay sobrang saya.

“Cheers!” Sigaw ni Chanel at itinaas ang plastic cup niya.

Hinawakan niya ang braso ni Rafael para itaas niya rin ang kanya. Ganon din ang ginawa ng iba kong pinsan kaya habang sinasalinan ako ni Erin non ay tinaas ko na rin ang plastic cup ko.

“We’ll stay together no matter what. Walang makakatibag sa ating lahat!” Ani Chanel ng nakapikit.

“Cheers!” Natatawa at sabay na sinabi ni Azi, Josiah, at Spike at sabay naming ininom ang aming shots.

Pumikit ako nang naramdaman kong bumaba ito sa lalamunan ko. Inakbayan agad ako ni Elijah at hinalikan sa ulo. This is where I truly belong. Wala na akong mahihiling pa. Alam kong marami pa ring problema pero para sa akin ay sapat na ang nangyayaring ito para maging masaya ako at makontento.

“Turn it on!” Sabi ni Chanel at agad ng tumayo para sumayaw sa techno na narinig namin sa iPhone ni Rafael.

Nakita kong umiling si Gavin at isinantabi ang gitarang dala na mukhang hiniram nila sa reception kanina. Nagkatinginan kami at ngumiti ako sa kanya. My cousins are kind of loud. Hindi sila makokontento sa tahimik na music.

Ginulo ni Erin ang buhok ko at tinayo niya ako para makapagsayaw na rin sa techno music na pamilyar sa akin. Muntik ng natapon ang nasa loob ng aking plastic cup. Nagtawanan kami lalo na nang niyakap ako ni Erin at nag grind siya sa akin.

“That’s some serious bullshit.” Ani Azi na sumasabay na rin sa kanta.

“Come on, Klare. Dance with me. You are a good dancer!” Halakhak ni Erin ang umalingawngaw sa aking tainga.

Humiyaw sila nang pinatulan ko ang grind ni Erin. Narinig ko pang pumalakpak si Rafael.

“Tawanan muna tayo. Nag text si Julia sa akin, release ng grades bukas. Makakagraduate kaya ako? I think I failed one of my exams.” Hagikhik niya sa tainga ko.

“Hindi yata tayo makakaabot?” Nagtaas ako ng kilay sa kanya habang iniisip kong hindi namin makukuha ang grades namin bukas dahil ilang oras ang byahe pabalik ng Cagayan de Oro.

“Yup. Morning of Saturday pa siguro natin makukuha. Sabay tayo? God, I’m scared!” Ani Erin.

Bago pa siya makapagsalita ay may humila sa kanya kaya natapon ‘yong alak sa loob ng kanyang plastic cup. Nakita kong si Maxwell ang humila sa kanya. Tumawa siya at sinayaw pati si Spike.

Nagtatalunan na ang mga pinsan ko kasabay sa music. It’s like some mini party. Kabado din ako sa grades ko pero kinalimutan ko iyon pansamantala.

Nagulat ako nang may biglang sumayaw sa likod ko. Ngumiti ako sa pag aakalang si Elijah pero nang narinig ko na nagmura siya sa likod ay nilingon ko kaagad ang natatawang si Azrael na sumasayaw pala don.

“Find your girl and stop dancing with mine!” Ani Elijah sabay tulak kay Azi na natatawa.

Kunot naman ang noo ni Elijah habang hinahawakan ang kamay ko.

“Hinayaan mo, e.” Humagalpak na naman siya.

“That’s what you should do. Set her free sometimes, di ‘yong sinasakal.”

“OW! OUCH!” Sigaw at sabay sabay na tawanan nina Josiah, Rafael, at Spike. Nakita kong kumunot ang noo ni Azi. Tinapik ng mga pinsan kong lalaki ang balikat niya at mas lalo silang nagtawanan.

Hinarap ako ni Elijah sa kanya at nilagay niya ang kamay ko sa kanyang balikat. Nong umingay ulit ang music ay nag sayawan ulit sila. Hinilig ni Elijah ang kanyang noo sa aking noo at marahan kaming nag sayaw kahit na maingay at mabilis ang music.

“Woooh!” Sigaw ni Rafael nang lumipad ang cork at bumuhos ang bubbles sa champagne na dala niya kanina.

Tumawa kaming dalawa ni Elijah habang pinapanood sila. Pagkabalik ko ng tingin ko kay Elijah ay nakita kong nakatingin na ang mga mata niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya.

“I’ve never been this happy.” Aniya.

Hindi ko maintindihan kung bakit tumibok ng mabilis ang puso ko. Pareho kami ng nararamdaman. This is the best days of my life. Masaya ako noon nang minahal ko si Elijah pero ibang klaseng kasiyahan ang mahalin siya ng walang pangamba.

Mas lalo akong lumapit sa kanya at halos yakapin ko na ang leeg niya. I love him so much. Ngumuso siya at medyo nagulat sa ginawa ko.

“I’ve never been this happy either.” Sabi ko at ngumiti.

“You’re too cute.” Kinagat niya ang kanyang labi.

Tinagilid ko ang ulo ko at inenjoy ang tanawin ng kanyang mga mata.

Naramdaman kong pinulupot niya ang kanyang braso sa aking baywang. Halos iangat niya ako para mahalikan ng marahan ang aking labi.

Kumalabog ang puso ko lalo na nang narinig kong nag ubuhan ang mga pinsan ko. Pumikit na lang ako. I don’t care.

“Picture-an mo, Dette.” Hagalpak ni Erin.

“Klare…” Narinig kong nalulunod na tawag ni Hendrix.

“Hayaan mo nga! Tss!” Iritadong sinabi ni Erin.

Ngumiti si Elijah at nilagay niya ako sa kanyang dibdib. I’m content with what I have and I won’t wish for anything anymore. Hindi ko alam na magiging posible pala ito sa buhay ng mga tao. Madalas ay lagi tayong nangangarap ng ‘mas’ sa kung anong meron tayo. But I swear if you have Elijah Montefalco on your side, you’ll be content.

“We’ll see each other in Surigao?” Nagtaas ng kilay si Elijah habang hinihintay kami ng driver na matapos sa pag uusap.

Uuwi na kami. It’s midnight and papa’s already worried.

“Hmmm… Maybe.” Sabi ko.

Kinalabit niya ang ilong ko at tumingin sa likod ko. Alam kong nakatingin si Pierre at Gavin sa amin.

“Bye…” Sabi ko kay Elijah.

“Goodbye, baby…” Ngiti niya habang tumatakbo ng konti ang sasakyan.

Nag jog pa siya para sundan ito habang kumakaway naman ako sa kanya para magpaalam. Hindi niya ito naabutan kaya tumigil siya na hinihingal. Huminga ako ng malalim nang nawala na siya sa aking paningin.

“Okay lang mapagalitan, diba Klare?” Nagtaas ng kilay si Hendrix nang nilingon niya ako.

Tumango ako ng nakangiti. Ayos lang!

Inakbayan ako ni Pierre at nilagay niya ako sa kanyang dibdib. Tumingala ako sa kanya at nagtaka sa ginaa niya. Kita kong nakatingin siya sa kawalan.

“You are so happy with him.” Aniya.

Nagkatinginan kami ni Gavin na ngumiti lang sa akin. Ngumiti ako pabalik at pinikit ko ang mga mata para umidlip.

Pagkarating namin sa aming hotel ay naabutan namin si papa at ang daddy ni Gavin na nag uusap sa may tanggapan. Nakita kong may iniinom silang alak doon. Tumayo agad ang daddy ni Gavin nang nakitang parating kami. Agad tumabi si Gavin sa akin.

“Where have you been?” Sigaw ng daddy ni Gavin na siyang nagpagulat sa akin.

“Hayaan mo na ang mga bata…” Marahang sinabi ni papa ngunit nalunod ito sa sigaw ng dad ni Gavin.

“Paano kung anong nangyari sa inyo ni Klare? Hindi tayo tagarito!” Nakapamaywang agad ang daddy ni Gavin na medyo pula na sa ininom ng alak.

“Tito, it’s my fault. Ako nag dala sa kanila. I am responsible-“

“No, kung gusto ni Gavin makipag date kay Klare, you can both go to the shore and be there alone! Why do you have to go somewhere far and this late?”

Nilingon ko si Gavin at nanlaki ang mga mata ko. Sinabi niya ba sa daddy niya na mag didate kami? Nakayuko lang si Gavin at walang sinabi.

“Tito, ako po ‘yong nag yaya.” Singit ko.

“Come here, Gav. We’ll talk.” Binalewala ng kanyang daddy ang aking sinabi at humakbang na palayo sa amin.

Nilingon ko si Pierre na nakatingin sa kanan kung nasaan nakatayo ang naka robe na si Ama. Nakahalukipkip siya at matalim ang titig sa akin.

“Mama, dapat ay tulog ka na.” Mariing sinabi ni papa at sinalubong si Ama.

“I couldn’t sleep when your sons are still up somewhere, Ricardo.” Hindi niya tinanggal ang titig niya sa akin.

Tinitigan ko siya pabalil. Nilingon ako ni Hendrix bago siya humakbang patungo kay Ama. Hinawakan niya ang magkabilang braso ni Ama. “Ama, that’s sweet but you need to rest. Come on, ihahatid kita sa kwarto.” Suyo niya.

“No, I want to talk to Klare first.” Kumawala siya sa hawak ni Hendrix at naglakad palapit sa akin, nilalagpasan si papa.

“Mama, it’s late. Hindi ba ‘yan makakapaghintay?” Tanong ni papa.

“It’s a short talk, Ricardo. Can you please leave us? I want to talk to her alone.” Nilingon ni Ama ang aking mga kapatid at si papa.

“Whatever you want to say to her, we want to hear it too.” Ani Hendrix.

Kita kong iritado na si Ama kay Hendrix kaya sumingit ako. Ayos lang, Rix. “No, it’s okay. May sasabihin lang si Ama. You can leave…” Sabay tingin ko sa kanila.

Humakbang si Pierre at hinila si Hendrix palayo. Nanatili ang tingin ni Hendrix sa akin habang naglalakad palayo. Si papa ay ngumiti pa bago tuluyang umalis.

Naglakad din si Ama palayo sa tanggapan at dumiretso siya sa labas, kung saan maririnig mo ang alon ng dagat na nakaharap sa Pacific Ocean. Umihip ang malamig na hangin at sumunod ako sa kanya.

“Gavin’s scolded by his dad…” Panimula ni Ama bago siya bumaling sa akin. “His dad is angry. Ricardo is worried. Your brothers lie to me. All because of you…”

Umawang ang bibig ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang magsalita. Alam niya ang tungkol kay Elijah. Hendrix was right!

“Selena’s hurt. Your tito Exel got sick. Your mom and dad’s problematic. Your tito and tita’s all have a bad reputation. It’s all because of you…”

Natatakot akong pag sisimulan ko ang pagasalita ay mawawalan ako ng respeto sa aking Ama kaya itinago ko sa aking sarili ang mga iniisip ko.

“Klare, these are the casualties of the war you started. Is it really that worth fighting for?” Mariin at galit ang kanyang boses nang sinabi niya iyon.

“Ama, sorry kung marami akong nasagasaang tao. Sorry kung marami akong nasaktan. But I guess I won’t make it out of this life without hurting anyone…”

“Is that your principle? Is that what all of these taught you?” Umiling siya. “How crooked your mind can be? You let your instincts rule you just like Ricardo… just like your mother, Helena. You don’t use your head.” Nanginig siya nang diniinan ang huling salita. “It’s disappointing. Very disappointing.” Aniya at umalis na.

Tumango ako at pumikit. My whole existense is disappointing. It’s disappointing that I was even born. Elijah made me feel special. Siya ‘yong nagparamdam sa akin na masaya ang lahat pag nandyan ako. And I will fight for that. No one’s going to lose if you fight for what you love. I am not gonna lose this.

Sa gabing iyon ay wala akong ginawa kundi ang sabihin kay Elijah na napagalitan ako ng kaonti. I don’t care. I don’t care anymore.

Kinabukasan ay nagising ako na naghahanda na ang lahat sa pag alis namin. Normal naman si Ama. Hindi niya nga lang ako pinapansin. Medyo lumala nga lang ang trato ng mga pinsan ko sa akin at maging nina Tita Luisa at Tita Tania.

Tahimik din si Gavin at katabi ko parin. Nanonood ang kanyang daddy sa amin sa bawat galaw namin. Kahit nang sumakay na kami ng barko at nakarating ng Surigao ay ganon parin.

“We’ll go straight to Cagayan de Oro. Your Ama wants to rest. Tomorrow’s her birthday. Nagpaplano kami ng mga tita niyo na susurpresahin.” Ani papa kay Hendrix nang kumain kami bago bumyahe pabalik ng Cagayan de Oro.

Nang nasa loob na kami ng Van at tatlumpung minuto pa lang ang byahe ay nagsimulang magsalita ng masama ang mga pinsan ko sa likod.

“Ang bait talaga ni Selena, hindi niya man lang sinumpa ‘yong mga nanakit sa kanya.” Kahit naka earphones ay narinig ko iyon.

Nagkatinginan kami ni Gavin. Mukhang nakuha niya rin ang pinaparating ng mga pinsan ko.

“Kung ako si Selena, sinabunutan ko na ‘yong mang aagaw. Nakakadiri pa. Pumapatol sa kadugo. First degree and they grew up together.” Anang pinsan ko.

“Baka naman kasi alam niyang hindi sila kadugo?” Pabulong na tanong ni Princess.

Nilingon ni Gavin ang kanyang kapatid. Nagtataka siguro kung bakit nakikisali sa usapan ng mga babae kong pinsan.

“Alam niya no. Lumaki silang ganon. Kadiri talaga. Hindi pa nakuntento. Pinagpatuloy parin kahit maraming ayaw. Spoiled bitch.” Dinig ko.

Pumikit ako at pinigilan ang sarili pero sa paghinga ko ay kumawala ang mga salita.

“Trix, I’m not spoiled. Sinubukan ko namang kumawala pero…”

Nakita ko ang pag ngiwi ng dalawa kong pinsan at napagtanto kong kahit anong sabihin ko, kahit anong paliwanag pa ‘yan, pag ayaw nila ay talagang ganyan ang ipapakita nila sa akin.

“Klare, ginamit mo ba ang Ahia ko para mapagtakpan kayo nong pinsan mo?” Tanong ni Princess.

“Cess!” Sigaw ni Gavin. “She didn’t!”

“Hey, hey! Tigilan niyo na ‘yan!” Ani Hendrix.

“Ahia, why did you let her?” Tanong ni Princess.

Tumunog ang cellphone ko sa isang text. Huminga ako ng malalim at nagdasal na sana ay tumigil na lang sila sa pagsasalita. Hindi ko naman hangad ang approval nila. Binuksan ko ang text message ni Claudette.

Claudette:

Is that your van? Nasa likod kami.

Nilingon ko ang likod ng aming van at naaninag ko ang isang puting Colorado.

“Hindi ‘to alam ng lahat ah? Are you sure kaya mo ‘yang ipaglaban pag nalaman na ng lahat? Your friends? The people around your family? Everyone?” Sarkastikong sinabi ni Princess.

“Klare, wala ka bang awa kay Ama? You don’t feel anything for her, do you? You don’t respect her at all!” Narinig kong sinabi ni Trixie, ‘yong pinsan kong ngumingiwi.

Nilingon ko siya at kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. “I care for our Ama. That’s why I’m here. Kung gusto niyang nandito ako, then nandito ako because I want her to be happy. Hindi ibig sabihin na dahil sinusuway ko ang gusto niya ay hindi ko na siya mahal. Family is important to me-“

“Important? God if she was important to you, you don’t make her mad!” Tumaas ang kanyang tono.

“Trix!” Saway ni Champ.

“Rix, stop the car please.” Sabi ko.

Gusto ko silang sumbatan na kung importante din ako sa kanila ay hindi nila ako sasaktan at pangungunahan ng ganito. But I don’t want to be like them… Ayokong may kondisyon ang pagmamahal. I am not perfect but I want to make it right as much as possible.

“Stop the car.” Ani Hendrix.

“Where are you going?” Nanginig ang boses ni Cristine. “What are you doing?”

Walang imik akong lumabas at nilingon ang mga nakasunod na dalawang sasakyan sa likod. I figured the white Colorado was Spike’s pick up. Tumigil din sila sa harap ng van namin at sa likod ay nakasunod ang itim na Trailblazer ni Elijah.

“Klare! Papagalitan ka ni Ama! Do you want to depress her more? It’s her birthday tomorrow! Wala ka bang utang na loob?” Sigaw ni Cristine.

Lumabas si Elijah at Azi sa Trailblazer. Nakita kong bumaba ang salamin ng Colorado. Lumabas din si Hendrix sa front seat at siya na mismo ang kumuha ng bag ko sa loob ng van namin.

“Are you okay?” Tanong ni Elijah, nasa likod ko na.

Nanghina ako habang pinapanood ang mga galit na mukha ng mga pinsan ko. Umiling si Champ sa akin at bakas sa kanyang mukha ang disappointment. Lumabas si Pierre at Gavin. Nakita ko ang galit sa mukha ni Gavin habang sinasabi ito…

“Let her go! If you all can’t shut your mouth then she deserves this!” Ani Gavin at nilingon ako.

“Ama will hear about this!” Ani Trixie.

“Trix,” AnI Hendrix.

“You go, Klare.” Ani Pierre at kinuha kay Hendrix ang bag ko para iabot kay Elijah.

Umiling ako. Some minds are closed forever. I know that. Now, I need to accept that.

4 thoughts on “Until Forever – Kabanata 47

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: