Until Forever – Kabanata 46

Kabanata 46

Hindi Makahinga

Tahimik kami sa cottage. Hindi ko siya matingnan dahil alam kong nasakin ang buong atensyon niya. I want to kiss you, Elijah, but I’m afraid I won’t stop if I did.

“Sorry sa sampal ko.” Marahan kong sinabi.

“Hmmm. I deserved that.” Bulong niya habang hinihilig ang kanyang ulo sa akin at mas lalong hinigpitan ang kapit sa aking baywang. “I’m sorry if I find you smoking hot when you’re jealous and angry.”

Nilingon ko siya at nag taas ako ng kilay. Ngumiti lang siya at nilagay niya pabalik ang kanyang ulo sa aking leeg, slightly kissing my nape. “Every nerve on my body might be mad or numb that time but I still crave for you.”

I want to be always close to him. I want to feel his touch, his skin, his breath always. Natahimik ako at kinuha ko ang kamay niya. Nanatili ang kanyang paghinga sa aking leeg. Tumindig ang balahibo ko sa bawat pag galaw niya. Para mailihis ko ang aking atensyon sa aking leeg ay pinaglaruan ko ang daliri niya.

“Where are you staying?” Tanong ni Elijah.

“Hmmm. Island Dream Resort? It’s just in General Luna.” Sabi ko.

“Hindi ka ba pwedeng hiramin sa papa mo ng kahit saglit? I missed you a lot.” He murmured against my neck.

May umilaw sa utak ko. Naalala ko ‘yong sinabi ni papa na sundin ko ang puso ko. Paniguradong papayag siya pag magtatanong ako sa kanya kung pwede ba akong sumama kina Elijah kahit saglit. Kaya lang ay baka hadlangan lang kami ni Ama.

“Sasama ako sa inyo sa Hotel, ayos lang ba?” Tanong ko.

Umayos siya sa pagkakaupo at hinarap ako ng maayos. Kumunot ang noo niya, hindi makapaniwala.

“Really?”

Tumango ako. “I’ll ask Hendrix. Tatawagan ko rin si papa na uuwi lang ako before midnight or something sa hotel namin. Tomorrow, we might pack up and leave Siargao. Hindi ko alam kung mag tatagal pa ba kami sa Surigao. Siguro ay hindi na kasi kailangan na naming umuwi for Ama’s birthday. She wants to celebrate it in Cagayan de Oro.”

Tumango ako. “Hindi ka ba papagalitan?”

Umiling ako kahit na alam kong papagalitan ako ni Ama. I don’t know if she’s accepted everything about me. Sana nga ay ganon. Sana nga ay gusto niya lang talagang iba ‘yong mahalin ko pero rerespetuin niya naman ang magiging desisyon ko.

“Okay, baby. Let’s ask your brothers. I can… uhm… drive you back to your hotel later tonight kung kailangan na.”

Nilingon ko ang aming bangka at nakita kong palapit na doon ang mga kapatid ko. Nakita kong nag usap si Gavin at Hendrix at itinuro ni Gavin ang cottage namin. Tumayo agad ako.

“Elijah, nandon na ang mga pinsan ko. Baka pupunta na kami sa huling isla. “

Tumayo rin siya at tumikhim, hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. “Okay. You leave first?” Aniya.

Nilingon ko siya at umiling ako. “No, we’ll walk together.”

Nakita ko ang pagtataka sa mga mata niya pero kahit na ganon ay sinunod niya parin ang gusto ko. Naglakad kami pabalik sa bangka. Hindi man sobrang lapit sa isa’t isa ay nakita ko na ang panlalaki ng mata ni Hendrix. Sa likod niya ay nagtatawanan ang mga pinsan kong Ty. Ang mga Montefalco naman ay nasa likod na rin at mukhang pabalik na sa bangka nila.

“W-We’re leaving. Naked Island na tayo, Klare.” Ani Hendrix.

Nakita kong nanatili ang tingin ng mga pinsan ko sa amin ni Elijah. Tiningnan ko rin sila pabalik. Sinalubong ni Azi at Rafael si Elijah sa likod ko at nag kwento agad tungkol sa nangyari kanina habang nag su-surfing sila.

Tumango ako kay Hendrix. “Rix, gusto ko sanang sumama kina Elijah sa hotel nila pagkarating natin sa General Luna.”

Nagkasalubong ang kilay niya. “We’ll ask dad.”

“I’ll call him later. I just want your opinion.” Sabi ko.

“You’ll get caught. That’s my opinion.”

Tumango ulit ako. “I don’t care.”

Tinitigan niya ako. Kung hindi ko tinagilid ang ulo ko ay siguro tumunganga na siya sa akin.

“Kung si dad lang ang tatanungin natin, I’m sure papayag siya. He likes Elijah for you, if that isn’t obvious… Klare, pero pag si Ama. We better not ask Ama or tell dad na dapat ay hindi ‘yon malaman ni Ama. And we should take Pierre and Gavin with us. We’ll tell them… damn… We’ll tell dad to lie for us. Tell them we’re going to the Paseo.”

Ngumuso ako. “I don’t want to lie anymore.”

I am sick of lies, secrets, and pretensions. I have to face this. Para matapos na ang lahat.

“I know you’re sure about this, Klare…” Hinila niya ako palayo don at mas lalong humina ang boses niya.

Nakita kong nilingon kami ni Elijah sa pagtataka at ang mga pinsan kong Ty at mga kapatid ni Gavin ay sumakay na sa bangka, naghihintay sa amin.

“They will find out eventually. I give them 12 hours. I swear Ama’s gonna find out about this.”

“Alam niya ang tungkol dito. Rix, ayaw niya lang tanggapin. She wants me to be with Gavin. I don’t want Gavin. And she knows I’m into Elijah.”

“Hindi niya alam na nandito sina Elijah. Our cousins know, though. If we won’t lie right now, we’ll screw your plan up. Baka hindi ka na makapunta ng hotel nila ng matiwasay. We need to plan this out. I know wala ka ng pakealam kung malaman ito ni Ama but we need to stall them for a while. Paniguradong isa sa mga pinsan natin ang magtatanong kay Ama at magdududa na siya. Expect that by the time we’re back in our hotel, alam na ni Ama. So we’re not going to lie, we’re going to delay what’s bound to happen. Delay it so you’ll be free just for this night. Do you understand?”

Tumango ako at huminga ng malalim.

“Let’s go…” Ani Hendrix at umakyat sa bangka ng walang kahirap hirap. Naglahad agad siya ng kamay sa akin.

Nilingon ko muna ang mga Montefalco bago ko tinanggap ang kamay niya at umakyat na ulit. My eyes lingered on Elijah until the boat went full speed.

Iyon lang ang naging tanging laman ng isip ko pagkarating ng Naked Island. Maliit ang islang iyon, walang tao, walang halaman. Ang tanging naroon ay puting buhangin at kami na panay ang kuha ng picture. Hindi kami nagtagal doon. Sumakay kami sa bangka at umuwi na sa General Luna.

Alas kuwatro pa lang at atat na akong makatapak sa boardwalk at matawagan si papa. Kaya naman kahit palapit pa lang kami sa tabing dagat ng General Luna ay tiningnan ko na ang cellphone ko.

“So what happens to us?” Nagtaas ng kilay si Pierre kay Hendrix.

“The plan is… iuuwi natin silang lahat. Hindi na tayo papasok ng hotel. Sabihin lang nating mamamasyal tayo sa Paseo. They’re tired.” Sabay tingin ni Hendrix sa natutulog na si Cristine at Princess. “They won’t go with us. Ikaw, ako, si Klare, at Gavin, isasama natin sa Buddha Hotel, where the Montefalcos are.”

Nilingon ni Pierre ang walang kamuwang muwang na si Gavin, inaantok din.

“We have to bring him para hindi magduda si Ama.” Paliwanag ni Hendrix.

Kaya nang nakatapak na kami sa buhangin ng General Luna at nagpahayag ang mga pinsan ko ng pagod ay agad tinugon ni Hendrix ang pagkuha pabalik ng sasakyan namin para makauwi na.

Pagkatapos kong magbihis ng shorts at nong tee shirt ni Elijah ay naging abala naman ako sa pagda-dial kay papa para makapag paalam. Narinig ko ang ingay sa kabilang linya ng sinagot niya ako. Mukhang nag vi-videoke sila at nagkakatuwaan.

“Pa,” Sabi ko.

“Klare,” Kakagaling niya sa tawa.

“Pa, pwede bang pumunta kami ni Pierre, Hendrix, at Gavin sa Buddha Hotel mamaya?” Tanong ko.

“Where’s that?”

“It’s in General Luna. Near our hotel. Not very far from here. Kasi… nandito ang mga pinsan ko.”

Hindi siya agad nagsalita. “The Montefalcos?”

“Yes.” Sagot ko.

“Just your cousins? Your mum here?” He asked.

“Nope. Just my cousins. And uhm… can you please keep this? Baka kasi magalit si Ama.” Sabi ko.

“Nandyan ba si Hendrix?”

“Yes, po.” Sabay tingin ko sa kay Hendrix na ngayon ay naghihintay na sa loob ng sasakyan.

“Give the phone to him, please.” Aniya.

Sinunod ko ang sinabi ni papa. Sumakay na rin ako sa van. Driver ang nag drive pauwi sa Island Dream Hotel. Si Pierre ay panay ang pakikipag usap kay Gavin tungkol yata sa mangyayari kasi madalas ang titig ni Gavin sa akin.

Binigay ni Hendrix sa akin ang phone at wala siyang anumang sinabi. Hindi ko alam kung pinayagan ba ako o hindi dahil patay na ang linya. Nang nakarating kami sa Hotel ay naging abala si Hendrix sa pakikipag usap sa driver at sa body guards. Si Pierre naman ang nagsasabi na gusto niyag pumasyal sa Paseo kasama si Gavin na parehong ganon din ang sinabi.

“Hindi ba kayo napapagod?” Tanong ni Princess. “Ay bahala nga kayo! I want to sleep. Kahit isang oras lang.”

Nagmadali silang umalis sa van. Bumaba din ako ngunit hindi sumunod sa hotel. Hinintay ko lang ang Go signal ni Hendrix nang nag dala siya ng isang driver/bodyguard tsaka bumalik sa loob ng van.

“Let’s go to Buddha Hotel.” Ani Hendrix at agad binuhay ang stereo ng van.

Ngumiti ako at kinalma ang sariling nagwawala sa sa excitement! I’ll see my cousins now!

Hindi kalayuan ang Buddha Hotel doon kaya ilang sandali ay nakarating na kami. Kita ko ang Trailblazer ni Elijah sa parking lot at nakikinita ko rin ang mga pinsan kong kakapasok lang sa hotel. Kakarating lang yata nila. Maingay sila at nagtatawanan.

“For our last night? Bon fire!” Narinig kong sigaw ni Chanel.

“Grabe ang mga pinsan mo, Klare. Di ba sila napapagod?” Tanong ni Gavin.

Ngumiti ako at mabilis na naglakad patungo sa magandang tanawin ng mga villas ng Buddha. May mga palamuting Buddha sa tanggapan at pati na rin sa bawat villas ng hotel. Kaharap ng mga villa ang magandang tanawin ng dagat. Hindi ito kalayuan sa Cloud 9 at kita ang boardwalk mula rito.

May duyan kung saan humiga agad si Azi at umupo naman si Claudette sa kanyang gilid. Naglatag din ng malaking mat si Erin sa bermuda ng front yard ng mismong villa.

Nilingon ko si Hendrix na kakababa lang sa kanyang cellphone. Ngumiti ako, tumango naman siya. Pagkalingon ko ulit sa kay Erin na nakaupo sa mat ay tumili na siya. Nakatingin siya sa kanyang cellphone at luminga agad sa paligid. Tumayo siya at sinalubong ako.

“You’ll stay for the night? I knew it!” Sigaw ni Erin sa akin.

Pumikit ako sa pagtalon talon niya at pagyakap niya sa akin.

“Yehey!” Sigaw ni Azi at tumayo rin para salubungin kami.

Nakita kong lumipat ang tingin ni Claudette kay Gavin. Nagtataka siguro siya kung bakit namin siya sinama. Narinig ng ibang nasa loob ng villa ang ingay kaya nagsilabasan si Spike, Maxwell, at Josiah para salubungin kami.

“Elijah Montefalco, kunin mo ‘yong katabing villa para sa inyo ni Klare!” Humagalpak si Erin habang sinisigawan ang villa.

Nakita kong lumabas si Elijah villa. Naka grey v neck tee shirt na siya at itim na shorts na may markang initials ng brand, UA. Ngumuso ako nang nagkatinginan kami.

“May limitations ako.” Malamig na sinabi ni Hendrix. “We’re not staying for this night. Uuwi kami later. We can’t stay.” Aniya sabay tingin kay Erin.

Nagkibit balikat si Erin at nagawa pang bumulong, “KJ.”

Kaya inubos namin ang halos kalahating oras sa pakikipag usap at sa mga plano nilang pagkatapos ng dinner ay gagawa sila ng bonfire mismo sa tapat ng kanilang villa. Pagkatapos naming mag usap lahat ay iba iba na ang plano nila.

Kita ko si Azi na sinusubukang umakyat sa puno ng niyog habang binabayaran ni Rafael ang caretaker doon.

“Piece of shits, don kayo sa malayo mag kalat!” Sabay turo ni Josiah sa mas malayong puno ng niyog na maraming bunga.

“Oo nga no?” Nangingising liwanag ang sumilay sa mukha ni Azrael at sabay pa silang pumanhik doon ni Rafael. Kahit na minura ni Josiah ay nagawa niya paring sumama sa kanila. Ganon din ang ginawa ni Chanel.

Umiling si Spike na nagpaalam para pumuntang restaurant at pumili ng pagkain namin mamayang gabi. He asked for Claudette so they went together.

Si Erin naman ay hindi tinantanan ang snorkelling kaya hayun at nagtatakbo silang dalawa ni Maxwell patungong dagat. Nagustuhan ni Gavin ang ideya kaya ganon din ang ginawa niya.

Si Hendrix naman ay nagpaalam dahil gustong mag lakad lakad sa seashore. Paglingon ko sa likod, inisip kong nandon si Pierre ay wala na siya. Everyone’s busy with something and I’m left yet again with Elijah.

“Hindi ka pinagalitan?” Tanong niya nang umupo sa duyan.

Iminuwestra niya ang likod ng duyan. He wants me to lay there. Uminit ang pisngi ko at nagkunwaring tinitingnan ang nag o-orange na langit dahil sa pag amba ng paglubog ng araw.

“Nope. Si papa lang ang tinanong ko. At wala rin naman akong pakealam kung papagalitan ako ni Ama. I just hope hindi niya isasali si Pierre, Hendrix at Gavin.” Sabi ko habang humihiga.

Tinitingala ko na siya pagkat nakaupo siya sa tabi ko, pinapanood ang pagsasalita ko.

“Wala kang pakealam?” Nagtaas siya ng kilay.

“I mean… she knows about us. Ayaw niya lang tanggapin, Elijah. This news won’t shock her anymore. I don’t care.” Tiningnan ko ang mga daliri ko.

Tumayo siya at biglang humiga na rin sa gilid ko. Tumawa pa ako nang ipinagsiksikan niya ang sarili niya.

“Elijah, that’s what you get. You work out too much.” Sabi ko.

“I don’t work out too much. I work out when I’m bored. Imagine ilang beses akong na bored sa Manila?”

Hinawakan niya ang likod ko para makahilig siya ng maayos sa duyan. Pinakawalan niya lang ako nang maayos na ang pagkakaupo niya at bahagyang nakahilig na ako sa kanyang dibdib.

Papalubog na ang araw at halos pumikit ako. I will never ever forget how this feels. ‘Yong kami lang ni Elijah sa isang napakagandang araw.

“Baby, I missed you.” Bulong niya.

“I missed you too.” Pabulong ko ring sinabi.

Nilagay niya ang kanyang baba sa aking balikat. Kung lilingunin ko siya ay mahahalikan niya na ako.

“Where’s my infinity anklet? Or the hairpin? Or the earrings, Klare?” Bulong niya, halos manindig ang balahibo ko.

“Left it at home. I got pissed so…” Kinagat ko ang labi ko.

“Ouch.” He chuckled.

Tumindig ang balahibo ko sa halakhak niya. Pinagsalikop niya ang mga daliri naming dalawa. Ang isang kamay ay namalagi sa aking tiyan. Wala akong ginawa kundi ang tumitig sa galaw ng kanyang kamay. Damn, Elijah. This is why the girls are crazy about you. You know your moves too damn well!

Inamoy niya ang aking buhok. He kissed my nape too! Mas lalo lang akong nanigas doon.

“You smell good, baby Klare.” He murmured.

Ngumiti ako. I like ‘baby’ damn much. “Elijah, can we kiss?” Nilingon ko siya.

Tumigil siya sa pag amoy sa akin at nagtaas siya ng kilay, natatawa. Uminit ang pisngi ko at gusto ko na lang tumakbo sa tanong ko.

“You don’t have to ask for it like that…” Humalakhak siya.

Pumikit ako ng mariin sa kahihiyan at binitiwan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. I want to run. But since, I can’t then just let me cover my face, Elijah. Pinigilan niya ang kamay kong itatakip ko na sana sa aking mukha.

Tumawa siya. “No, you don’t cover your face, Klare…”

“Nakakainis ka…” Paniguradong kasing pula na ng kamatis ang pisngi ko.

Tuwang tuwa siya at hindi niya hinayaang matabunan ko ang mukha ko kaya panay ang layo niya sa kamay ko.

Hinawakan niya ang pulso ko habang umiiling ako sa kahihiyan dahil sa patuloy niyang pagtawa.

Ang isang kamay niya ay hinawakan ang aking baba at hinila patungo sa kanya. Hinalikan niya ng mararahan na halik ang aking labi. Nanghina ang mga kamay ko kaya unti unti itong bumaba.

His lips are soft and tender. ‘Yong parang kinikiliti ka sa bawat paghalik. Namumungay ang aking mga mata nang sinubukan kong dumilat para makita siya. Nakapikit siya at bakas sa kanyang mukha ang ngiti.

“I was begging for this kiss, baby. You don’t have to ask.” Bulong niya at mas lalong naging mababaw ang kanyang halik na para bang titigil na siya.

Dumilat ako nang tumigil siya at hinilig niya ang kanyang ulo sa aking pisngi.

“I want to kiss you some more but, fuck, we’re here. Ayokong makita nila ‘yong mukha mong hindi makahinga sa halik ko.”

Oh, I want to kiss some more, Elijah.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: