Kabanata 45
Shouldn’t Dare
Niyayakap ko ang aking tuhod at halos maestatwa na sa pagkakaupo sa aking sarong at pinapanood ang pag baba nila sa bangka. Nang bumaba si Elijah ng walang kahirap hirap at nahagip ako agad ng kanyang mga mata ay mas lalo lang akong nanigas sa kinauupuan ko.
Kumunot ang noo niya at nanatili ang titig sa akin. Maingay na ang mga pinsan ko sa tabi niya at nag tuturuan ng pupuntahan. Dapat ay pupuntahan ko sila dahil mukhang hindi nila ako nakita sa kinauupuan ko.
“Andito ‘yong mga pinsan ni Klare, baka nandito din siya?” Narinig kong utas ni Josiah.
Nilingon ko si Elijah na kausap ni Spike. Ang mga mata niya ay nanatili sa akin.
“Klare!” Tawag ni Chanel nang nakita ako.
Tinakbo nila Erin at Claudette ang distansya namin. Tumayo agad ako sa pagkakaupo para salubungin sila ng ngiti.
“Picture tayo!” Sigaw ni Erin sabay tawag sa mga pinsan kong lalaki.
Humakbang din sila patungo sa akin at pumwesto na sa tabi ko. Malayo si Elijah sa akin. Pinalibutan naman ako ni Erin at Claudette. Sa likod ko ay si Spike at Azi.
“Wala ka, Kuya Joss! Teka lang.” Sabi ni Erin at kinuha ang camera para ibigay sa lumalapit at medyo basang si Pierre. “Pierre, take our picture please.” Hindi pa naka-oo ang kapatid ko ay nilagay na ni Erin sa kanyang kamay.
Tumikhim si Pierre at kinuhanan kaming lahat ng maraming picture. Pagkabigay niya ng camera kay Erin ay agad niya akong tiningnan.
“Take a dip now if you want to swim. We’ll go to Daku Island in 5 minutes.” Malamig niyang sinabi.
“Don na ako maliligo.” Sabi ko nang nakitang umaakyat na ang mga pinsan kong babae sa aming bangka.
“Aww! Aalis na agad kayo?” Simangot ni Chanel. “Magtagal naman kayo sa susunod na Isla para magkitaan tayo.” Sabi ni Chanel.
“If the waves there are good, then we’ll stay for a while.” Sabi ni Pierre at tinalikuran ulit kaming lahat.
Natigil siya sa paglalakad nang nakipag high five sa kanya si Rafael at mukhang may tinanong. Lumapit din si Josiah sa kapatid ko para makisali sa usapan.
“Smile, Klare!” Ngiti ni Erin nang nag selfie ulit kami.
Lumapit si Gavin sa amin at nakita kong sumali siya sa usapan ni Pierre, Rafael at Josiah. Mukhang nalilibang naman sila sa usapan kaya sana mag tagal kami kahit saglit.
“Ang mga unggoy na si Azi at Maxwell, hayun na at naligo!” Sabay tingin ni Erin sa malayo.
“Hey, Erin…” Narinig ko ang boses ni Elijah sa likod ko.
“Hmm?” Napatingin si Erin sa kanya.
Lilingunin ko sana siya ngunit naramdaman ko kaagad ang mainit niyang braso na pumulupot sa aking baywang. Bumagsak ang tingin ko sa kanyang braso na nag paangat sa aking balikat. Nanlaki ang mata ko at naestatwa sa kinatatayuan ko.
Malamig ang titig ni Pierre nang nakita ang ginawa ni Elijah. Nilingon niya agad ang bangka kung nasaan abala ang mga pinsan ko sa pagpi-picture.
“Could you take a picture of us?” Ani Elijah at nilagay ang kanyang ulo sa aking balikat.
“Sure!” Nakangising sinabi ni Erin at medyo lumayo.
Ramdam ko ang hininga ni Elijah sa aking tainga kaya mas lalo akong hindi nakagalaw sa ginawa niya.
“Cover it, Klare.” Bulong niya. “If you can’t then I will cover it for you.”
“Smile!” Sabi ni Erin na ngayon ay sinamahan pa ng camera ni Claudette, Chanel, at Spike.
Nalilito ako kung saan tumingin. Nakangiti si Claudette nang binaba ang cellphone niya. Sabay na binaba ang tatlo pang camera at hindi parin tinatanggal ni Elijah ang kanyang brasong nakapulupot sa akin.
“Klare, Ahia’s here. Let’s go.” Ani Hendrix.
Nilingon kami ni Gavin at naabutan kami ni Elijah na ganon. Hinawakan ko ang braso ni Elijah para kumawala. Kinalas niya naman agad. Nilingon ko siya at nakita ko ang titig niyang nangingiti.
“See you later.” Aniya sabay kuha ng isang printed tee shirt na kasing bango niya. Binigay niya sa akin iyon at alam ko kaagad kung ano ang gusto niyang mangyari.
Tumango ako at hindi ko mapigilan ang ngiti. “See you.”
Hinawakan ni Pierre ang kamay ko at marahang hinila palayo doon. Kinawayan ako ng mga pinsan ko at makahulugang ngiti ang ipinakita ni Erin sa akin. Sumunod ang tahimik na si Gavin sa amin.
“Careful…” Sabi ni Pierre. “Baka mahuli ka.”
Tumango ako at pinanood ang pag akyat niya sa bangka. Pumwesto siya ng mabuti at naglahad ng kamay sa akin. Sinuot ko muna ang tee shirt na binigay ni Elijah bago ko tinanggap ang kamay ni Pierre.
“Tss, primitive.” Narinig kong bulong niya nang tumungtong na ako sa bangka.
Nilingon ko siya at nakita kong nanatili ang titig niya sa mga pinsan ko. Kinawayan ko ulit silang lahat.
Sa malayo ay doon ko pa lang nakita ang makukulay nilang swimwear. Si Erin ay may puting two piece, si Chanel ay may blue and white stripes na one piece, at si Claudette ay naka hot pink na simpleng two piece. I suddenly want to be with them. I’m wearing black bikini bottom and a yellow anchor bandeau.
“Someone’s gawking at your shobe, Ahia.” Narinig kong bulong ni Pierre sa kay Hendrix habang maingay na nagtatawanan ang mga pinsan kong panay parin ang picture hanggang ngayon.
Umupo si Gavin sa tabi ko. Kumunot ang noo ko nang nakita kong tumingin si Hendrix at Pierre sa akin.
“Pierre, he can gawk at her all he wants. Your shobe won’t mind.” Ngisi ni Hendrix.
Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti. Umiling ang supladong si Pierre at humalukipkip habang tinitingnan ako.
“Sanay ka pala sa patago.” Ani Gavin nang bumaling sa akin.
“Rix, I think I saw ate Selena’s boyfriend kanina in Guyam. Siya ba ‘yon?” Nagtaas ng kilay ang isang pinsan ko.
“Oh I saw Azrael Montefalco. Look.” Sabay turo ni Princess sa kanyang camera. “May picture ako sa kanya.”
Ipinakita niya ang picture ni Azi na malalim ang tingin sa malayo. Sa kunot ng kanyang ulo at pout ng kanyang labi ay para bang may laman ang iniisip niya. Hindi halatang puro kalokohan lang naman talaga.
“Cousins kayo diba, Klare?” Tanong nI Cristine sa akin.
Tumango ako at nag iwas ng tingin. Alam kong nanatili ang titig ng chinita niyang mata sa akin. Tsaka ko lang ibinalik ang titig ko nang nilingon niya na ang dagat dahil sa lakas ng hampas ng alon.
“Maalon, Rix…” Nilingon ni Gavin si Hendrix.
Tumango si Hendrix at tumayo para panoorin ang islang papalapit.
Malaki ang susunod na Isla. Tingin ko ay anim na beses o higit pa ang laki nito sa Guyam Island. Malakas din ang hampas ng alon sa bandang hilaga ng pinag daungan namin kaya excited ang mga kapatid kong pumunta.
Nakita kong itinuro pa ni Hendrix ang malayong mukhang trench yata dahil may malalaking alon doon.
“Hendrix, dyan lang kayo sa shore. Don’t try to surf there. It’s too dangerous.” Sabi ko.
“It looks dangerous, Klare. I know how to swim, then there’s nothing to worry about.” Aniya at nagtaas ng kilay.
So cocky. Yeah, I know you’re from the swimming team of Ateneo de Davao, Ahia. “Still. Wag na.” Mariin kong sinabi, pababa sila.
“Yeah…” Aniya.
Medyo nawala ang pangamba ko. He’s true to his word so I’m good. Inabot ni Davin ‘yong surfboard ni Pierre at Hendrix pagkatapos ay bumaba na siya at nilingon ako para maglahad ng kamay.
“Thanks.” Sabi ko at bumaba.
Nagyayang mag picture ang mga girls kaya sumali kaming lahat. Ang bangkero ang nag picture sa amin kaya kuha kaming lahat doon.
“Klare, are you gonna surf?” Pinasadahan ng tingin ni Champ ang aking suot na t-shirt.
“Uhm, probably not. Gusto mong manghiram ng surfboard?” Tanong ko.
“I have mine. Gusto ng girls mag try.” Sabay tingin nila kina Princess at sa mga pinsan ko.
“Sure, you can borrow mine.” Sabi ko sa kanila.
“Sama ka?” Yaya ni Princess.
Nilingon ko ang bangka kung nasaan ang bag ng isa sa mga pinsan ko. Ngumiwi at umirap ang isa sa mga pinsan kong babae. Napalunok ako at umiling sa kanila.
“No, I’m good here. Babantayan ko na lang ang gamit tsaka… medyo naiinitan ako.” Sabi ko.
“I’ll go with you, Klare.” Ani Gavin.
“No, Gav. You can go with Pierre.” Habang sinasabi ko ito ay umaalis na ang mga babae kong pinsan.
“No, it’s okay. Medyo mahapdi na rin kasi ang balat ko.” Sabi ni Gavin at napuna ko nga ang mamula mula niyang balat.
“Gav, can I take your board?” Tanong ni Champ sabay kaway sa kapatid niya.
“Sure.”
Umalis silang lahat. Mabilis ang lakad ni Pierre, Hendrix, at Champ sa mga niyog na islang ito. May mga maliliit na cottage sa harap namin at siguro ay mas maganda kung doon kami ni Gavin mamalagi para makasilong si init. Nilingon ko si Gavin na umupo sa bangka at nagawa pang tumalon galing doon patungo sa tubig.
“Dito na lang ako maliligo under the shade of our boat.” Ngumisi siya. “You sure you don’t want to swim, Klare?” Aniya.
Umiling ako. “Nauuhaw ako. Bibili muna ako ng buko.” Sabi ko sabay turo sa tinderang nagtitinda ng fresh buko. “Gusto mo?”
“Please.” Ngiti niya.
Naglakad na ako agad patungo doon para bumili.
Tulad sa Guyam Island, kaonti lang din ang tao. Binilang ko ang mga grupo ng taong sumisilong sa cottages at dalawang grupo lang ang nabilang ko. Sa malayo ay may mga naliligo. Nilingon ko ang maberdeng mga coconut trees at may ilang bahay kubo na nakatayo doon. Payapa ang isla.
Bumalik ako kay Gavin at inabot ko sa kanya ang buko. Hanggang tuhod lang ako pwede dahil ayaw kong mabasa ang t shirt ni Elijah. Sumilong ako sa bangka habang pinapanood ang magandang tanawin ng dagat. It’s relaxing. Napatunganga na lang ako habang humihigop ng juice.
Ilang sandali ang nakalipas ay natanaw ko na ‘yong bangka ng mga pinsan ko. Halos ma estatwa ulit ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung aakyat ba ako sa bangka o magpapasilong sa cottage. Gusto kong mag suklay ng buhok o tingnan kung maayos pa ba ang mukha ko.
“Your cousins are here.” Ani Gavin.
Tumango ako.
“You know… if you stayed because you want to talk to your boyfriend, then go ahead. Hindi kita isusumbong. Wag kang mailang.” Ngiti niya habang nagtatampisaw parin sa tubig.
“Alam kong di mo ako isusumbong.” Ngisi ko.
Tumango siya at nilingon ang dumadaong na bangka.
“Klare!” Agad tumalon si Azi galing sa bangka. “You’re here too! I missed you!” Aniya at nanunuyang naglahad ng braso, umaambang yayakapin ako.
Tumawa ako at nginiwian siya.
“Tumigil ka Azrael.” Dinig kong utas ni Elijah.
“’To naman, we’re close before. Hindi ibig sabihin na dahil kayo na, di na kami pwedeng maging close.” Kumunot ang noo ni Azi.
“Where’s your cousins?” Tanong ni Rafael. “’Yong mga kuya mo?”
“Nasa kabilang parte ng isla. Maalon yata don, e.” Sabi ko.
“Let’s go, Raf?” Yaya ni Chanel.
“Tara…” Ani Rafael dala ang surfboard.
“Oy! Don’t leave me!” Sabi ni Azi at agad tumakbo sa bangka at kinuha ang surfboard niya. “Elijah…” Lingon ni Azi kay Elijah na nasa sea shore at hindi man lang natataranta.
“I’m staying.” Ani Elijah.
“I knew it.” Lumingon si Azi sa akin. “Sige, dude… Nasuntok pa naman kita. Ayusin mo ‘yan. Wag puro mukha ang pairalin.”
Humagalpak si Josiah. “Nagsalita!” Sabay hila niya sa umaayaw na si Claudette.
“Joss, it’s too hot. Ayokong mag ka sunburn.” Ani Claudette.
Umirap si Josiah at mas lalong hinila si Claudette. Inakbayan ni Spike si Claudette. “Di ka magbibilad. I’ll make sure you’re under the shade of something…”
Sumama si Claudette sa kanila. Tinapik pa ni Azi si Elijah bago siya nag jog para maabutan sila. May dala dala siyang surfboard. Umiling ako lalo na nang nakitang ganon din ang ginawa ni Josiah. Some baywatch lifeguards, huh?
“Klare! Tara?” Kaway ni Erin na agad umiling. “Wag na lang pala…” Aniya at tumakbo na patungo kina Azi.
Umahon si Gavin at nakita kong sumunod ang tingin ni Elijah sa kanya. Umakyat siya sa bangka at doon niya ininom ang kanyang buko juice.
Nagkatinginan kami ni Elijah, pinaglalaruan ko ang straw nong sakin. Kinagat niya ang labi niya.
“Can we talk?”
Tumango ako at humakbang patungo sa kanya.
Sabay kaming naglakad palayo sa bangka. Ang paglalakad sa tabi niya ay nakakapanindig balahibo. ‘Yon bang kahit na normal na gawain naman ang paglalakad ay palagay koy pwede akong madapa anytime. Para akong nililipad ng sarili kong mga paa.
“Aling cottage ang gusto mo?” Tanong niya na hindi ko inasahan.
Itinuro ko ang isang nasa dulo at medyo malayo sa kaonting taong naroon. Malapit iyon sa shore at tahimik.
“Alright.” Aniya at naglakad kami patungo doon.
Pagkapasok niya ay sumunod ako. Maganda nga ang tanawin galing dito. Hindi ako nagkakamali. Kitang kita ko ‘yong mga alon na tinutukoy ni Hendrix kanina na nasa gitna ng dagat. May isang bangka sa gitna doon na hindi gumagalaw at may dalawang surfers akong nakikitang nangahas na mag surf doon. I don’t know if this is a hobby or they are training for a competition. Cool but very dangerous.
Umupo si Elijah sa harap ng dagat. Hindi naman ako sigurado kung tama bang tumabi ako sa kanya kaya umupo ako sa kabilang banda.
Ngumuso siya. “Do I have to put you on my lap, Klare?” Nagbabanta ang kanyang tono.
“I’m sorry.” Sabi ko at kahit naiilang ay umupo sa tabi niya.
Humilig siya nang umupo ako. Tahimik kaming dalawa ng ilang sandali bago siya nagsalita.
Nagulat ako nang bahagya niya akong hinarap. Ramdam ko ang init ng katawan niya. Hindi ko maidiretso ang tingin ko sa katawan niyang may makahulugang mga tattoo.
“I’m sorry about the video.” Aniya.
Nilingon ko siya at nakita ko kung paano niya pinaglaruan ang labi niya. “I’m sorry din kung agad akong nag conclude. Akala ko lang talaga. Kasi nakita ko ‘yong post na nag dinner kayo at the same time nong nakita ko ‘yong video na ‘yon. You two have same clothes…”
“Hindi ‘yon pareho. Dark blue ang suot ko non, and it was dark so you thought it was black. That video is old. ‘Nong nasa U.S. pa ako.”
Natahimik ako nang naalala ko ulit ang laman ng video. I know he explained it already but it still hurts. Siguro ay dahil nakangiti siya at mukhang wala siya sa sarili niya habang hinahalikan si Selena. It’s like he’s drunk of her kisses. I want him to feel that with me that’s why I’m jealous. Ngayon ay parang sinampal sa akin ang katotohanan na ilang babae na ang naranasan niya. It made me both curious and insecure. Naiisip ko na baka magkulang ako sa kanya. Uminit ang pisngi ko at hindi ko na siya matignan.
“Hindi ko alam na magkikita kami ni Selena sa restaurant na kinainan namin ni Ate Yasmin sa Eastwood. We’re meeting Knoxx there. Spike’s with his dad kaya wala siya don.”
Hinawakan niya ang kamay ko at pinaglaruan ang daliri ko. Halos mapapikit ako. God, I miss his touch!
“Nagulat kami ni Ate Yasmin na nandon siya. She said she’ll eat alone. Aalis na siya patungong New York. So… we let her dine with us. I was about to tell you that but she told me that her Ahma wants you to date this Chinese guy. I admit it, I was kind of pissed when I heard that. Lalo na nong nalaman ko na ‘nong birthday mo pa pala ‘yon. That was, baby, ages ago and you didn’t tell me?”
“Elijah, kasi alam ko na maiisip mo na naman na may masamang binabalak si Ama. Hindi niya naman ako pinipilit.”
Tumikhim siya.
“She’s suggesting it but she didn’t force us. May girlfriend din si Gavin and he’s not interested in me.”
“Baby, you always think on the bright side. Your Ama didn’t force you, yes, maybe she didn’t but you should have told me still. Gavin’s not interested, I wasn’t interested on you, baby. Not even slightly interested on you when we were in high school.”
Ngumuso ako at tiningnan ang mga daliri namin.
“Gusto kong malaman mo na lahat ay posible. For our relationship to work, we need to be honest to each other. Sorry dahil hindi ko sinabi sa’yo agad that night. That was because I was pissed that you didn’t even tell me. I have no fucking clue what’s going on. I’m sick of being clueless. I don’t know what’s inside your head and I’m scared shit that you’re thinking of dropping me for your something more important.”
Inangat ko ang tingin ko sa kanya at kita ko sa mga mata niya ang pag aalala at takot. Elijah Montefalco, ilang beses kong papangarapin ang mga mata mo. Pag tayong dalawa ang magkakatuluyan, sana ay makopya ng anak natin ang mga mata mo. I love you so much and I won’t ever drop you.
“Elijah, hindi ako ganyan mag isip. I won’t drop you. I won’t even think about that.” Tinagilid ko ang ulo ko.
“I wish.” Aniya. “Kasi honestly, up until now I’m still stuck reading your moves. You are still a mystery to me and I’m afraid you will forever be. You’re like some star I can’t reach. Naging misyon mo na ba na gawin akong ganito ka baliw sa’yo, Klare?”
Ngumiti ako. Medyo naging panatag ang loob ko kahit na ramdam ko ang frustration sa tanong niya.
“And now you’re smiling while I’m here frustrated. God, baby, can you tell me what’s on your mind sometimes?”
Tumikhim ako. “Sorry kasi di ko sinabi. Ayoko lang din na umuwi ka dito habang nagpapagaling pa si tito Exel. I’m sure you’ll fly back the moment-”
“Yes, I will. You can read my mind. Why can’t I read yours?” Nagtaas siya ng kilay.
“Hindi ko alam kung nagsisisi ba talaga ako na di ko ‘yon sinabi. I just said I don’t want you to fly back while tito’s on heart rehab.” Ngumiti ako.
Umiling siya sa akin na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko.
“I got carried away. Nong nakita kong di ka na nagtext ay inisip ko agad na nag enjoy na kayo ni Selena that night.” Nag iwas ako ng tingin.
“I enjoyed that night with Knoxx and Ate Yasmin. After downing some hard whiskey, I passed out. Sinabi ni Knoxx sa akin na totoo ‘yong sinabi ni Selena. Azi told him that you dated the chinese guy and I can’t believe you didn’t tell me, Klare. I can’t have my girl date another man. Klare, I’m not only bothered or jealous or scared, I’m extremely pissed.”
“I was pissed too. Nong nakita ko ‘yong video niyo na akala ko nangyari talaga sa gabing iyon. Dinagdagan pa ng hindi mo pag titext ay inakala ko na talagang tama ang mga hinala ko. You look too drunk with her kisses, Elijah. You look happy.”
“Lasing ako sa video na ‘yon and that’s not because of her kisses. It’s the vodka or the champagne.” Paliwanag niya. “I regret that I tried to be happy without you.”
Nagkatitigan kami.
“Ilang beses kong sinubukan iyon. ‘Yong magpakalayo sa’yo tapos susubukan kong magpakasaya kahit na alam kong hindi. I can’t fool myself.”
“Elijah, there’s nothing wrong with trying to be happy without me. You deserve to be happy that time, pagkatapos kitang ipagtulakan. I don’t…” Nanginig ang labi ko. “I… I forgive you for that video. Matagal na ‘yon.” Bumuhos ang luha ko at unti unting nanuot sa aking dibdib ang sakit na naramdaman ko noong unang beses ko iyong nakita. This is the last time I will feel this pain. Now, I’m letting go.
Humigpit ang hawak ni Elijah sa kamay ko at pinunasan niya ang lumandas kong luha.
“I don’t mind if you tried to be happy. I don’t mind if you got drunk, kissed other girls, and smiled without me. You deserve to be truly happy at pasensya na sa sakit na dinulot ko sa’yo noon…”
“Shh…” Inangat niya ang baba ko, humuhupa na ang aking luha at kaonting hikbi ang pinapakawalan ko sa bawat pag hinga. “I deserved that pain, Klare. I deserve it. Kakayanin ko kahit ano pa ‘yan, makuha lang kita.”
Hinawakan ko ang kamay niyang humahaplos sa pisngi ko. Bumaba ang titig niya sa aking labi. Pa angat baba sa aking mata at labi ang tingin niya. Natigil ako sa pag hikbi.
“I’m afraid that you slapped me that night because you’re disgusted of my lips. Sabi mo sa akin, I shouldn’t dare kiss you again.” Aniya.
Huminga ako ng malalim at hinawakan ang kamay niyang naglalaro ulit sa aking mga daliri. Damn, Elijah!
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]