Until Forever – Kabanata 44

Kabanata 44

Surfing

Hindi ako mapakali sa gabing iyon. Nag inuman lang ang mga pinsan ko kasama si Gavin. Nasa kwarto naman ako habang sina Cristine ay naliligo sa swimming pool. Kaharap ko ang cellphone ko at nag aantay ng reply ni Claudette at Erin na isang beses lang yata sa isang oras.

Ako:

Anong ginagawa niyo?

Erin:

Nag iinuman kami, videoke, at kung anu-ano pa.

Claudette:

Punta ka dito. 🙂

Humiga ako at nag reply sa kanila. Nakakainggit ang pagsasaya nila!

Ako:

Cloud 9 kayo bukas ng umaga?

Bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok si Pierre. Kumuha siya ng charger sa kanyang bag at sinaksak iyon sa outlet. Nakita kong nakakunot ang noo niya habang tinitingnan ang cellphone.

“Pierre, you done outside?” Tanong ko sa kapatid ko.

“Nah. Matulog ka na lang. Maaga tayo bukas.” Aniya at tumayo para lumabas ulit.

Dahil hindi rin naman ako nirereplyan ni Erin o ni Claudette masyado ay inantok din ako at nakatulog. Kinaumagahan ay maaga kami patungong Cloud 9.

Excited si Hendrix kaya mas nauna pa kami sa kina Ama. Hanggang restaurant lang din naman sila dahil masyadong mainit doon at hindi naman sila mahilig mag surfing.

“Klare, are you going to surf?” Tanong ni papa bago kami pinakawalan patungo sa popular na boardwalk ng General Luna.

Kitang kita ang haba nito at ang ganda ng tanawin. Sa malayo pa lang ay makikita mo ring malalaki ang mga alon. Ang mga pinsan kong babae ay nakapag two piece at nauna na sa boardwalk. Ako lang yata ang naka rashguard tulad ni Hendrix at Pierre. Si Gavin ay naka topless at shorts lang. Si Champ at ang kapatid niya ay naka sleeveless shirts.

“Maybe, pa. Hindi naman po ako lalayo kina Hendrix.” sabi ko.

“Be careful…” Iling niya sa akin.

Tinatawag na ako ni Pierre, dala dala niya ang surf board naming dalawa kaya nagmadali na ako patungong boardwalk.

Ilang picture pa muna ang kinuha nila. Si Hendrix ay mukhang hindi na eengganyo sa pictures. Dumiretso na siya sa dulo kung saan may bahay na tinatambayan ng mga local at foreigner surfers.

“Klare, ‘yong malapit tayo sa shore na lang muna. Si ahia na lang hayaan natin diyan sa malalaking alon.” Ani Pierre.

Kahit na kaakit akit ang mga alon sa unahan ay sumang ayon ako kay Pierre lalo na’t kasama namin si Gavin na nagpapaturo pa lang.

Bumaba si Hendrix at ‘yong mga pinsan kong lalaki doon sa bahay samantalang bumalik naman kami ni Pierre at Gavin sa boardwalk. Hinanap namin ang hagdanan na malapit na sa shore tsaka kami bumaba.

Hanggang baywang lang ang tubig at malakas na ang hampas ng alon. Syempre dahil Oktubre kaya ganon. Tumawa si Gavin sa gulat sa mga alon. Sinakyan ko ang surfboard ko. Kitang kita ko si Hendrix sa malayo nakikipag sabayan sa mga foreigners.

“Isn’t that dangerous?” Tanong ni Gavin, basang basa sa alon na humahampas. Sumasakay din siya sa nirentahang surfboard.

“Kaya niya na ‘yan.” Sabi ni Pierre.

“Pierre…” Sigaw ko sa kapatid ko nang sinubukan kong salubungin ang malaking alon.

Ngumiti siya at kumindat sa akin. So proud that he taught me how to surf, huh? Pagkalapit ko sa alon ay kinabahan ako at baka nakalimutan ko na kung paano. Hinawakan ko ang surfboard at agad na tumayo at tinalikod ito. Lumundag ang puso ko nang tama ang ginawa ko. Hindi matanggal ang ngiti ko nang sinubukan kong ibalanse ang sarili ko sa board habang nakasakay ito sa alon.

“Galing! Klare!” Pumalakpak si Gavin sa akin.

Pagkatapos ng ilang sandaling pagtayo doon ay hindi ko na nakayang ibalanse at nahulog ako sa surf board. Tumatawa akong umahon at napanood ko kung paano namutla si Gavin sa pag aalala at si Pierre na tumatawa at pumapalakpak.

Nakita kong si Pierre naman ngayon ang sumasalubong sa alon kaya tinabihan ko si Gavin.

“You just ride the board and paddle through your hands. Lie on it, chest-down position, Gavin.” Sabi ko habang pinapanood si Pierre.

“Parang ang dali tingnan. Pero tingin ko rin mahirap matutunan.” Aniya, nalilito.

“Tingin ko may leash naman ‘yong board mo.” Sabi ko at nilingon ang surfboard niyang may leash sa likod. “Itatali ‘yan sa paa mo para pag nahulog ka, di mawawala ang board mo.”

Nanlaki ang mga mata ko sa mangha nang nakita si Pierre na perpektong sinakyan ang alon.

“Whoa!” Sigaw ni Gavin sabay dahan dahang pumalakpak.

“Go Pierre!” Sigaw ko sa sobrang mangha.

Kasabay ng sigaw ko ay ang ingay sa taas ng boardwalk. Narinig ko ang tili ng mga babae kaya tumingala ako imbes na panuorin ang kapatid ko.

Nakita kong tinuturo ni Erin kay Claudette si Pierre. Sa likod nila ay sina Elijah, Azi, at Spike na may nagpapapicture na mga babae. Kumunot ang noo ko nang ngumiti si Elijah sa isang naka two piece na babae, isa sa mga kasama nila sa picture.

“Galing mo, Pierre!” Sigaw ni Claudette sa taas.

Tumawa ako ngunit hindi ko maalis ‘yong tingin ko sa kay Elijah na ngayon ay binibigay ‘yong camera sa babae bago bumaling sa dagat. Kaya niyang pansinin ang ibang tao pero ako hindi. Well, may atraso ako.

Lumunok ako at nilingon si Pierre na tumingala pagkatapos ng along iyon.

“Galing mo.” Ngiti ko sa kapatid ko.

Pinilig niya ang ulo niya at ginalaw ang tainga. “Tss. It was nothing.”

“Klare, I want to try. Can you please tie the leash?” Ani Gavin sabay tingin sa leash sa dulo ng surfboard.

Tumango ako at sinunod.

Narinig ko ang sipol sa taas. Hindi ko kayang tingnan kung sino ang sumipol na iyon. That should be Azi.

“Please, Klare, teach us how to surf too? Do you know how to surf, baby?” Dinig ko ang palapit na boses ni Azi.

Humagalpak si Josiah at narinig ko ang mura ni Elijah. Pababa sila sa hagdanan! Oh damn!

Binalewala ko ang mga sinasabi nila at tinoon ko ang pansin ko kay Gavin na palayo na sa akin.

“Gav, paddle. And then pag may alon, dahan dahang tumayo. Wag kang mag madali. You’ll fall the first time anyway.” Sabi ni Pierre.

Sumabay si Spike sa pag pa-paddle ni Gavin. Ganon rin si Rafael.

“Go Spike!” Sigaw ni Azi. “Itayo ang bandera ng America!” Humagikhik si Azi.

“Shut up, Azrael.” Saway ni Erin.

Pareho silang tumayo nang nandon na ang alon. Hindi pa nakakatayo si Gavin ay nahulog na siya. Ganon rin ang nangyari kay Rafael kaya panay ang kantyaw nina Josiah at Chanel.

“Kung nandito si Damon, naligo ka na ng kantyaw!” Sigaw ni Chanel.

Si Spike lang yata ang medyo maayos ang pagkakatayo pero nahulog din ilang sandali ang nakalipas. Sumigaw si Claudette at Erin ng sabay sa pagkakahulog ni Spike.

Nag iwas ng tingin si Pierre at nag taas ng kilay sa akin. “It’s too crowded here. Di ko matuturuan ng maayos si Gavin. Don tayo.” Sabay turo niya sa unahan.

Tumango ako. Sumunod si Gavin sa kanya habang sinasabi ‘yong nangyari habang tumatayo siya. Pumasok din daw yung tubig sa kanyang tainga kaya panay ang pilig niya sa kanyang ulo.

“Klare, tara…” Lingon ni Gavin nang hindi parin ako nakakalayo sa mga pinsan kong Montefalco.

“Uy, no, turuan mo muna kami, Klare.” Ani Erin sabay ngisi.

“Why don’t you ask your boyfriend to teach you instead, Erin? Mukhang magaling na magaling ang isang ‘yon?” Ngisi ni Chanel.

“What boyfriend, Ate?” Kumunot ang noo ni Erin.

“Sya, sya, sige na, Klare. Turuan mo na kami. Hindi marunong ‘yong Gavin na ‘yon, eh nandon naman kapatid mo kaya matuturuan din ‘yon.” Sabi ni Josiah.

Nilingon ko si Pierre na sinisigawan na si Gavin habang nagpapaddle patungo sa alon. Sinabayan pa siya ni Pierre kaya tama naman siguro na dito muna ako sa kanila.

“Okay… Uhm, just do the paddle thing and pag nasa alon ka na, dahan dahang tumayo. Kailangan mong ma experience ang pag balanse at pag tayo para matutunan mo. And if you have leash like Gavin’s surfboard, you can tie it to your feet.” Sabi ko at nag angat ng tingin kay Elijah na nakatitig sa akin.

Halos masamid ako sa sarili kong laway. Nag iwas agad ako ng tingin.

“Tara na.” Ngisi ni Erin. “Madali lang pala.”

Sabay sabay silang nag paddle. Nagulat ako nang nagtawanan si Claudette at Chanel habang tinutulak ni Rafael ‘yong surfboard nilang hindi naman gumagalaw sa pagpapaddle. Si Elijah at ako lang ang natira doon!

“Hey!” Sigaw ni Elijah nang nakitang kami lang dalawa ang natira.

Kinagat ko ang labi ko at nilingon siya. “You know how to surf, right? You want to try here?” Kabado ako. Natatakot na baka balewalain niya ang sinabi ko.

Sumulyap lang siya sa akin. “Yeah, maybe later.”

Bumaling ulit ako sa mga alon kung saan nagsisigawan na ang mga pinsan ko. Si Spike at Claudette lang ang hindi dumiretso sa alon. Tinali pa ni Spike ang leash sa paa ni Claudette. Sweet.

“Piece of shit!” Sigaw ni Azi nang nakatayo siya sa alon.

Pumalakpak si Spike.

“Booo!” Sigaw ni Elijah at agad nahulog si Azi sa dagat.

Nagtawanan kaming lahat. Nilingon ko si Elijah na kinakantyawan si Azi. Hinawakan niyang mabuti ang surfboard niya. Iniisip kong madalas silang mag surf ni Spike noon sa New York dahil medyo marunong din si Spike.

“Susubukan mo na?” Tanong ko.

“Yeah… Uhm, you stay here.” Hindi niya ako sinulyapan.

Kumunot ang noo niya habang nilalapag sa tubig ang surfboard.

“Where’s your boardshorts, anyway? Why are you wearing a bikini bottom?” Nagtaas siya ng kilay sa akin nang sinakyan niya ang kanyang board.

“Uhm… I think this is the appropriate suit.” Uminit ang pisngi ko.

“Then you stay and stop surfing.” Masungit niyang sinabi at lumayo para mag surf.

Ngumuso ako sa pagiging masungit niya pero hindi matanggal ang ngiti sa labi ko. Elijah, let’s make up already please.

Pinanood ko ang halos flawless niyang pag su-surf kasabay ng pumalpak na si Spike. He’s good at this. Hinihingal na si Erin nang lumapit siya sa akin. Nang nakita kong tinanggal niya ang rashguard na suot niya ay ngayon ko lang narealize na naka rashguard pala silang lahat.

Tinanggal din ni Azrael ang kanyang rashguard at inabot ang hagdanan. “Don tayo sa mas malayo.” Anyaya niya kay Spike.

Tumango si Spike at sumunod sa kanila. Nilingon ako ni Claudette at ngumiti siya.

“Ayoko sa rashguard, mas komportable ako sa bikini.” Ani Erin.

Nakita kong namalagi ang mga mata ni Claudette sa likod namin kung nasaan si Pierre at Gavin. “Klare, punta tayo sa kanila.”

“Okay…” Tumango ako at nilingon si Elijah na kinakausap ni Rafael at Maxwell. Nakatitig siya sa akin.

Sumabay si Claudette sa akin patungo kay Gavin at Pierre samantalang nagpaalam naman si Erin at Chanel na pupunta sa dulo nitong boardwalk para panoorin sina Azi.

“Paano ‘yan?” Narinig kong tanong ni Claudette sa kawalan.

Magtatanong na sana ako pabalik ng alin ‘yong tinutukoy niya nang biglang nagsalita si Pierre.

“Ba’t di ka magtanong sa ex mo?” Mariin niyang sinabi.

Nagpaddle si Pierre patungo kay Gavin na ngayon ay malapit na sa alon. Huminga ako ng malalim at nilingon si Claudette na pinapanood si Pierre.

“Ayos lang kayong dalawa?” Tanong ko.

“Pierre… Pierre, mag usap tayo.” Sabi ni Claudette at nag paddle na rin.

“Clau!” Sigaw ko para pigilan siya pero hindi ko na naabutan. Muntik ko pang nabitiwan ang surfboard ko kaya mas inuna ko ‘yon kesa sa ang pag tawag kay Claudette.

Hindi pa nakakatayo si Claudette ay kinain na siya ng alon kaya nagpahulog si Pierre sa kanyang surfboard at agad nilangoy ang distansya nila ni Claudette.

Napansin ko ang paglapit ni Elijah at Rafael sa amin. Iritadong iritado si Pierre habang pinupulupot ang kanyang kamay sa baywang ni Claudette at binabalik sa akin.

“Ang tigas ng ulo mo.” Mariing sabi ni Pierre.

“Pierre!” Sigaw ko sa kapatid ko. Bakit niya pinapagalitan si Claudette! Muntik na nga siyang madisgrasya.

Inabot ni Gavin ang surfboard ni Pierre at kinuha rin ni Pierre ang nakataling surfboard ni Claudette.

“Let’s go!” Aniya kay Claudette at hinila paakyat ng hagdanan kaya kami na lang lima ang natira doon habang pinapanood ko ang kapatid ko at si Claudette na nagmamartsa paakyat. Si Gavin, Elijah, Maxwell, Rafael, at ako na lang ang natira doon.

Nakita ko ang titig ni Elijah sa taong nasa likod ko. Walang iba kundi si Gavin.

“Elijah, puntahan natin sina Azi. Baka hanapin niya si Dette dette.” Ani Rafael.

Hindi gumalaw si Elijah at binalik niya sa akin ang mga mata niya. “You gonna stay here, Klare?”

Umiling ako at agad tumingin sa taas ng boardwalk. “I’m gonna call Hendrix. Baka hinahanap na kami. Mag a-island hopping kami after lunch.”

Tumango si Elijah. “Good girl.”

Nangatog ang binti ko sa pagkakasabi niya non at agad nang dumiretso sa hagdanan ng walang pag aalinlangan. Tahimik na sumunod si Gavin sa akin.

Buti na lang din at umalis na kami doon at tinawag na si Hendrix dahil pagkarating namin sa restaurant ay tinawag na kami para kumain. Nabitin ako sa surfing. Kitang kita ko pa ang mga pinsan kong nagsu-surf doon. Gusto kong sumali pero hindi pwede. I wonder if we’re okay now.

“Pierre, where have you been?” Dinig kong tanong ni tita Marichelle.

Napagalitan si Pierre dahil nahuli siya sa pagkain. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga kami saglit bago pumunta sa van. Didiretso na kami ngayon sa pag a-island hopping. Sinabi ko kay Elijah na mag a-island hopping kami. I wish they do the same.

“Sa Resort na kami maghihintay, Hendrix. Kayo na lang ng mga pinsan mo ang mag island hopping.” Sabi ni papa.

Desisyon daw iyon ni Ama. Nakangiti pa siya nang sinabi niya iyon kay Gavin.

“The crew says the islands here are great. Madalas pinupuntahan ng mga lovers at ‘yong mga nag ho-honeymoon. You kids should enjoy the view and the experience. Meanwhile, we’ll stay on the resort and see if we can catch some sun.” Dinig kong linya ni Ama.

Siniko ako ni Hendrix at binulungan.

“Mag a-island hopping din ang mga pinsan mo. Careful, though. Cristine knows Elijah as Selena’s boyfriend. Alam din nila na may kung ano sa inyo. One move and you two will be discovered again, Klare.” Ani Hendrix.

Tumango ako. Hindi pa nga kami nakakapag usap ng maayos ay hindi na agad pwede? God. I hope we can talk later. Ayoko ng saglit. Gusto ko ng matagal.

Kabado ako nang sumakay kami sa medyo malaki laking bangka galing sa boardwalk ng General Luna. Ayon sa guide ay tatlong isla ang pupuntahan namin.

“Una ay sa Guyam Island tayo, tapos sa Daku Island, huli sa Naked Island.” Anang guide.

Excited ang mga pinsan ko sa pupuntahan namin. Ready ang mga camera nila at naghahanda pati sa bikini.

“Klare, mag ra-rashguard ka? Bikini tayo para maganda tingnan sa pictures!” Anyaya ni Cristine sa akin.

Tumango agad ako. Nilingon ko si Hendrix na nakakunot ang noo sa akin. “Pupula ang balat mo. Medyo mainit.” Aniya.

“Ayos lang.” Sabi ko at nagpatulong kay Pierre sa pagatatanggal ng rashguard ko.

Papunta pa lang kami ng Guyam Island ay pakiramdam ko naubos na ang memory ng GoPro at ilan pang camera nila sa kakapicture. Sumakit ang panga ko sa kakangiti.

Pagdaong ng bangka sa Guyam Island ay namangha ako sa ganda ng tanawin sa dagat. Ang layo tingnan ng Siargao main land. May iilang tao na rin doon. Kadalasan ay mga foreigners na nag sa-sun bathing.

Panay ang kuha namin ng picture. Pagkatapos ay nagkayayaan silang ikutin ang isla. As usual, hindi ako niyaya nina Cristine. I don’t mind though. I’d rather stay here with Pierre and Hendrix. Kahit na gusto nilang lumangoy sa malayo at alam kong maiiwan din naman ako sa buhangin na nilatagan ko ng sarong ay ayos lang.

Nag angat ulit ako ng tingin sa bangkang dumating at nakita ko ang naka bikining si Claudette, Erin, at Chanel, habang ang mga kasamang lalaki ay puro topless.

Natigilan ako at agad kinabahan. Elijah’s here.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

One thought on “Until Forever – Kabanata 44

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: