Until Forever – Kabanata 43

Kabanata 43

Suplado

Hinila na ako ni Hendrix sa loob ng sasakyan. Hinayaan ko siya lalo na nang naiwala ko na sa aking paningin si Elijah. Sina Erin, Chanel, Claudette, Josiah, at Azi na lang ang natitirang nakatingin sa amin habang pumapasok kami sa sasakyan.

“Could you let me drive, Gav?” Ani Hendrix nang nasa loob na ako.

Tumango si Gavin at tahimik na sinunod si Hendrix.

Pagkaandar ng sasakyan ay bumuhos ang mararahang tanong ni Hendrix. Tulala ako sa labas. Pagkatapos ng iilang tanong niya ay may nahinuha siya kahit wala pang sumasagot sa kanya.

“Elijah Montefalco, he’s your boyfriend, Klare?” Nilingon niya ako.

Bumaling ako sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa. Tumikhim siya at umiling na para bang hindi kapani paniwala.

“Paanong? I couldn’t… You two are…”

“Cousins.” Dagdag ni Hendrix.

Bumaling si Gavin kay Hendrix. Nalilito. I guess it’s time for him to know about us. Wala na akong kawala. Hendrix is vocal about us. This should be a good thing.

“We’re not cousins.” Giit ko.

“Yes, Klare. You are my sister. You’re not a Montefalco.” Sabi ni Hendrix.

“But then…” Nilingon ako ni Gavin. “Is this why it’s a secret? Hindi ko inakala.” Umiling siya. “Walang ibang lalaki kaya pala… pinsan mo pala…”

“Hindi kami magpinsan ni Elijah.” Sabi ko.

“But you two grew up as cousins. Alam ba ito ng pamilya mo? How about your friends?”

Tinitigan ko lang siya. Tumikhim siya at mariing pumikit.

“I’m sorry. I don’t want to be nosy but I am very curious…”

“Gavin, alam ng pamilya. Imagine what they have been through. They’ve been through hell and back, they still love each other. My dad won’t get in their way. Pero si Ama, oo.”

“Well of course! Elijah’s ex girlfriend is your cousin, right? Selena Chiong?”

Pagkabanggit niya sa pangalan ni Selena ay bumuntong hininga ako. Pamamanhid na lang ang nararamdaman ko tuwing naaalala ko ang video nilang dalawa. I’ve seen Elijah kiss other girls. Nong high school pa lang kami, ‘nong pinuntahan ko siya sa bahay nila, at marami pang ibang pagkakataon.

“He’s got it bad for my sister, Gav. He’s been in love with her before Selena. Pumunta ‘yong US para makalimutan ang kapatid ko. He went back for her.”

Natahimik si Gavin sa sinabi ni Hendrix. I want Hendrix to calm down and stop spilling it. Hindi ko kayang marinig lahat ng ginawa ni Elijah para sa akin noon at nasasaktan ko siya ngayon.

“Holy… shit…” Sabay hawak ni Gavin sa kanyang labi.

Hindi na ulit siya nag tanong. Pagkauwi namin ay pinanood niya lang ang bawat galaw ko. Nang dumaan kami saglit sa pool kung saan naroon parin ang iilang mga pinsan namin at nasa mga sun lounger si Ama at ‘yong mga tito at tita namin ay kinabahan agad ako. Lalo na nang nakita ko ang titig ng daddy ni Gavin sa akin. Tumayo siya nang nakita niya ako at nilapitan ako.

“Could you excuse us, Hendrix, Gavin? I want to talk to Klare.” Ngiti ng dad ni Gavin.

“Sure, tito.” Sabi ni Hendrix at umalis para lapitan si Pierre na nasa pool at abala sa pakikipag usap sa pinsan ni Gavin na si Princess.

“What’s this all about, dad?” Tanong ni Gavin sa ama.

“Could you please, Gav?” Nagtaas ng kilay ang kanyang ama.

Nilingon pa ako ni Gav ng isang beses bago siya tuluyang umalis. Nakatayo ako ngayon sa harap ng daddy ni Gavin. Naka puting t shirt lang siya at maong na pants. May katangkaran siya tulad ni Gavin at sa kanya rin minana ni Gavin ang kanyng mga mata.

“How’s your visit, tito?” Inunahan ko siya sa pagsasalita kahit na hindi naman talaga ako interesado sa binisita nila ni Ama na lupa.

“Well, good.” Tango niya sabay lingon sa akin. “Klare, I know you’re not into my son.”

Nagulat ako sa linya niya. Nalaglag ang panga ko at hindi kumibo.

“He told me about your date?” Nagtaas siya ng kilay. “He said tahimik lang kayong dalawa at hindi ka gaanong nagsasalita. He said you probably like someone else…”

Lumunok ako at hindi parin nagsalita. Hinayaan ko siyang sabihin ang lahat sa akin. I don’t care about the deafening silence between us.

“But I know my son… He’s stubborn. Alam kong siya ang may problema. He likes someone else. May girlfriend siya at ayaw kong malaman pa ito ng kanyang Angkong.”

Kumunot ang noo ko. “May problema po ba kung malaman ng Angkong na may girlfriend siya?”

Tumawa ng bahagya ang daddy ni Gavin sa akin. “There’s no problem kung ikaw ‘yong girlfriend. Pero kung ibang babae,” Umiling siya. “At hindi chinese, you see…”

“I think Gavin is a nice guy and he deserves to be happy. If it makes him happy, then why don’t you let him be? I like Gavin pero hindi ko po kayang diktahan ang puso ko para gustuhin siya ng higit pa.”

Natigilan ang dad ni Gavin sa sinabi ko. Gusto ko pang dugtungan na sana ay huwag na nila kaming pilitin dalawa pero alam kong na pe-pressure lang siya sa lolo ni Gavin at sa lola ko.

Tumango siya. “I understand your sentiments. But please, consider my son. Try. Kasi kung aayawan mo siya, his angkong would probably find just another chinese girl that we know para ireto ulit.”

Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Hindi ko kayang sang ayunan ang sinasabi niya. Mabuti na lang at nilapitan agad kami ni papa at nagpalit ng topic tungkol sa trip namin bukas.

I excused myself afterwards. Ako ang pinepressure nila ngayon para kay Gavin pero wala na akong kinakatakutan. I feel bad for Gavin but I can’t do anything about it. He needs to sacrifice something to gain something great. That’s what I learned. Yes, family shouldn’t be sacrificed. Dapat ay walang tanong tanong, sila ang pipiliin mo sa bawat desisyon. Even if it hurts you… but for the past years, I found that if they really love you they will support you. Magagalit sila sa una pero pag pinatunayan mo na ito talaga ang gusto mo ay matatanggap din nila. The world is a cruel place. You don’t just get what you want immediately, you will need to break some principles, break some people, and even break yourself.

Sa gabi ay panay ang tingin ko sa numero ni Elijah sa cellphone ko. I want to text him. I want to text him so bad but then, I don’t want to be unfair. He deserved my side in person. Hindi pwedeng idaan ko na lang ito sa text.

Hindi ko alam kung pupunta ba sila ng Siargao bukas o sa Hinatuan ang punta nila. Will they follow us? Elijah explained his side. Baka hindi na… shall I wait till we’re all back in Cagayan de Oro?

Higit kumulang apat na oras ang naging byahe ng barko patungong Port of Dapa sa Siargao. Nakakapagod ang pag upo doon at paghihintay na dumaong ng sinasakyang bangka. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa panonood ng mga alon at ng mga islang nakikita namin sa byahe.

“Your cousins going to Siargao?” Tanong ni Gavin, siya kasi ang katabi ko.

For some reasons, our family thinks we should always be together. Kaya hayan at pinagtatabi kami palagi. Wala naman ‘yong problema sa akin. Wala namang malisya. Gavin doesn’t mind too.

“I’m not sure.” Sabi ko.

“Diretso na tayo sa Pilar para sa Magpupungko Beach. Buong araw tayo don bago tayo pumuntang Island Dream Resort.” Sabi ng daddy ni Gavin. “Naka book na ako don para sating lahat.”

Pumasok kami agad sa mga van. Hindi ko alam kung ilang oras ‘yong byahe patungong Magpupungko pero nakita kong medyo malayo iyon at nakatulog pa ako sa byahe.

Pagkababa namin ay agad na kaming nagbihis ng mga rashguard dahil sa init. Si Ama, tita Luisa, lolo ni Gavin at ‘yong mommy at daddy ni Gavin ay nanatili sa cottage. Si papa naman at tita Marichelle ay nauna na doon sa beach at nag eenjoy maligo.

“Klare, I’m sorry.” Sabi ni Gavin pagkatapos naming magbihis.

“Para saan?”

“Kasi I really thought you didn’t have a boyfriend. Akala ko ayaw mo lang sa akin kaya ka nag papanggap na may boyfriend ka. I didn’t know that Elijah Montefalco-“

“Shh.” Luminga ako. “It’s okay, Gavin. I don’t mind.” Sabi ko.

“Are you okay now? You had a row with your boyfriend. Nakapag usap na ba ulit kayo?” He asked. Naglalakad kami patungo sa tidal pool na pinagmamalaki ng Magpupungko, kung saan abala na sina Tita Marichelle sa pagpapapicture.

“I don’t think it’s okay to just text him after that scene, Gav. He deserved a proper explanation and apology. ‘Nong nakita ko kasi ang video nila ni Selena ay akala ko nangyari ‘yon sa gabing ‘yon.”

“Ah! That’s why you cried!?” Umiling siya. “Then, are you okay now? Can you have fun? Kasi parang kanina ka pa nakasimangot?” Ngumiti siya.

“Of course, I can, Gavin. Medyo malungkot parin pero hindi na kasing lungkot noon.” Sabay tingin ko sa dagat.

I badly want Elijah right now. I want to talk to him. I wonder where they are?

Bago ako lumusob sa dagat kasama ang mga kapatid ko at si Gavin ay tinext ko muna si Erin at Claudette, nagtatanong kung nasa Surigao pa ba sila.

“Let’s take a picture!” Sabay kaway ni Cristine sa camera.

Ilang picture ang ginawa namin doon at pansamantala ay na enjoy ko ang lahat ng ginawa namin. ‘Yong pag langoy at tawanan. Kahit paano ay nagkaroon ako ng interaksyon sa mga pinsan kong si Champ at Cristine. Hanggang ngayon ay hindi parin magaan ang loob ng dalawa kong pinsan na babae na si Faina at Shane. Nararamdaman ko parin ang hindi ko matibag na dingding sa gitna namin and it’s okay… another thing I learned from all of these is that you don’t force people to like you. Let them hate you. Let them feel what they want to feel. You can’t dictate their feelings.

“Selfie tayo, Klare.” Sabay ngiti ni Cristine sa underwater camera na kanina pa niya dala dala.

Maalon sa Magpupungko at kita ko ang layo ng tingin ni Hendrix. Kausap niya si Champ tungkol sa mga alon. Hilig talaga nila ang surfing. Laking samal yata ang mga ito. Hindi ko mapigilang maengganyo.

“Tomorrow morning, we’ll go to Cloud 9 to surf.” Sabi ni Hendrix sa akin. “Sa hapon ay mag a-island hopping tayo. I hope Ama won’t join us. She needs to rest.” Aniya.

Pagkatapos naming mag lunch ay nilibang ko ang sarili ko sa paggawa ng sand castles kasama si Pierre at Gavin. Si Hendrix, Champ, at Frank (kapatid ni Champ) naman ay hinahamon ang malalayong alon.

“I want to surf.” Sabi ko habang pinapanood sila.

“You know how to surf, Klare?” Nagtaas ng kilay si Gavin.

Tumango ako sabay turo kay Pierre. “Tinuruan nila ako.

Tumawa si Gavin. “Wow. I feel gay. I don’t know how to surf. Bukas sa cloud nine, I will try. Could you give me some tips?”

Tumawa ako. “Sure, Gav.”

The island is amazing. ‘Yong beach, ‘yong waves, ‘yong mga tao, it’s all perfect! Kaya naman ay nong nag alas tres na ng hapon at nalaman kong aalis na kami ng Magpupungko para pumunta na sa hotel na ni book ni tito para sa aming lahat ay nalungkot ako.

Bumyahe agad kami patungo sa General Luna, ‘yong bayan sa Siargao na popular dahil sa pagharap nito sa Pacific Ocean kaya mas malalaki ang alon doon. Hendrix looked thrilled about it. Kahit anong sabi niya sa aking bukas pa kami mag su-surf ay mukhang hindi niya mapigilan ang sarili niya.

“You brought our boards?” Tanong ko.

Ngumuso siya. “Yup. Nasa likod ng sasakyan.”

Narinig ko rin ang tawa ni Ama kasama ang mommy at daddy ni Gavin. Sa sinabi niya ay may naalala ako.

“I’m thinking, I should throw the party in Cagayan de Oro instead. What do you think, Marichelle?” Nag angat ng tingin si Ama kay tita.

“Is it a good idea? Your friends are in Davao.” Ani tita.

Naaalala ko noon. Dalawang taon na ang nakalipas nang sinubukan akong ipakilala ni papa kay lola, birthday niya noon at doon ko rin natanggap ang unang pag tanggi at pangungutya nila sa akin.

“Just an intimate dinner. We’ll invite the Cos, Lims, and other friends from the Chinese Chamber. Grand but intimate. What do you think?” Tanong ni Ama.

“That’s great! We should plan. Hindi natin naiplano. Pag balik natin ng Cagayan ay kaarawan mo na.”

Ngumiwi ako nang maalala ko ‘yong nangyari noon.

Ilang sandali ang nakalipas ay, dinungaw ko ang cellphone ko na may parehong reply ni Erin at Claudette.

Erin:

Wala na kami sa Surigao.

Claudette:

Siargao is cool.

Para akong natigilan sa reply ni Claudette. Erin’s too vague. But then… oh, Claudette!

Ako:

Saan kayo mag s-stay sa Siargao?

Tanghali yata nang dumating sila ng Siargao. Saan naman kaya sila ngayon? Nakapag reply ulit silang dalawa.

Erin:

Somewhere in General Luna.

Claudette:

Buddha.

Tumigil ang sasakyan sa isang magandang resort. Naging abala kami sa pag hakot ng mga gamit patungo sa tatlong villa na kinuha namin. ‘Yong isang villa ay para kay Ama, kay papa at tita Marichelle. Ang pangalawang villa ay para sa lolo ni Gavin, tita, at mommy at daddy niya. Ang pangatlo naman ay para sa aming mga magpipinsan at mga kapatid ni Gavin.

Nakaharap ang mga villa sa isang malinis na pool. Pinasadahan ko ng tingin ang buong resort at kaonti lang ang turistang naroon, madalas pa ay foreigners. Naka harap din ang resort sa beach. Kita ko si Pierre na lumalapit sa maliit na boardwalk.

Tumili si Cristine at ang dalawa ko pang pinsan at agad tumakbo sa buhangin para makapag picture. Nakita kong lumapit si Hendrix kay Pierre at tinuro ‘yong kabilang dako.

“Puntahan natin sina Pierre.” Anyaya ni Gavin sa akin.

Tumango ako at sabay na kaming lumapit sa mga kapatid ko. Tinitingnan ko ang malayong dako na tinuro ni Hendrix kanina.

“Anong nandon, Rix?” Tanong ko, tumatabi kay Pierre.

“Let’s see if we can find liquors. Doon patungo ang boulevard ‘yan ng General Luna sabi nong manager. I can drive the van.” Paliwanag ni Hendrix.

“You want to drink? Wala bang liquor dito? Anything from Emperador to expensive wines?” Nagtaas ako ng kilay.

“They don’t have here.”

“Hindi ba iyon ‘yong Boardwalk ng Cloud nine?” Tanong ni Pierre.

“Nope. It’s the boardwalk of Paseo de Cabuntog. Maraming tao dyan kaya baka may mabili akong liquor. Well, we’re here so might as well have fun, right?” Nagtaas siya ng kilay kay Pierre.

Tumango si Pierre. “Let’s go.”

Dahil nagkasundo ang dalawa ay pinayagan naman nang nagpaalam. ‘Yon nga lang, nag dala ng body guard si Hendrix. Sumama si ang mga pinsan ko. Ang dahilan nina Cristine ay dahil gusto daw nilang makapag papicture doon at makisawsaw sa ibang tao. Sumama din kami ni Gavin, syempre.

“Pupunta din naman tayo bukas dito.” Sabi ni Hendrix. “Dito tayo manggagaling bago mag a-island hopping.”

Bumaba kami sa medyo mataong Paseo. Ito yata ang isa sa sentro ng General Luna. Kanina pa kasi kami pabyahe byahe at medyo madalang makakita ng mga tao bukod sa turista. Sa Paseo ay maraming tao, may mga nag vi-videoke, may mga barbecue at iilang mga tindahan ng pagkain. Malawak din ang boardwalk kung saan may mga ilaw pa. Tumakbo na sina Cristine at mga pinsan ko sa boardwalk para makapag picture.

Pinasadahan ko kaagad ang dagat ng mga tao nang namataan ko ang galit na titig ni Elijah sa akin, di kalayuan. Nang napatingin ako sa kanya ay nag iwas agad siya ng tingin.

Kumalabog ang puso ko at nilingon si Hendrix. Nakuha niya agad ang ibig kong sabihin.

“Bakit?” Tanong ni Pierre at agad tumingin sa kung saan ako nakatingin kanina. Tumikhim siya at nag iwas ng tingin.

“Go. Saglit lang. Di tayo pwedeng mag tagal. I give you 15.” Sabi ni Hendrix.

“Huh?” Luminga si Gavin dahil di naintindihan ang nangyayari pero wala na akong panahon.

Dumiretso na ako sa mga pinsan kong nag hahanap yata ng alak o makakain dahil panay ang tingin nila sa mga barbecue.

“Klare!” Nanlaki ang mata ni Chanel sa galak.

Ngumiti ako. Si Claudette ay pinanood na ang pagtalikod ni Elijah at pakikipagtawanan niya kay Azrael na ngayon ay nagawa pang mag hulog ng limang piso sa videoke machine. Umubo pa siya roon. Nagtawanan sila lalo nang kinuha ni Josiah ang microphone.

“Duet by Azrael Ian Montefalco the third and Josiah Travis Montefalco, ladies and gentlemen,” Hagikhik ni Josiah.

Nagfacepalm si Rafael sa kahihiyan dahil pinagtitinginan sila ng mga tao.

“Gwapo na sana kaya lang ang kakapal ng mga mukha.” Tawa ni Chanel.

Tumawa rin ako nang narinig ang intro ng kantang pinili nila… Why by Tiggy. Tumindig ang balahibo ko nang sumayaw si Azi.

“Azrael, maawa ka sa sarili mo!” Hagalpak ni Spike.

At di ko maipagkakaila na magaling mag sexy dance si Azi, if only the song is different.

“Nananana, na nana.” Nagawa niya ulit mag sexy dance nang nag instrumental ang kanta.

Humagalpak na ako sa tawa. Si Erin ay pinupunasan na ang luha sa katatawanan.

“Why, why do this have to be a fantasy!? Let’s make our love become reality!” Tawang tawa silang lahat habang ako ay napatitig na sa nakangiting si Elijah.

Sumulyap siya sa akin. Napawi ang ngiti ko. I want to talk to you, Elijah. Napawi rin ang ngiti niya at nag iwas ng tingin.

Kumalabog ang puso ko. Hindi parin humuhupa ito hanggang ngayon. Elijah… God! Lumapit ako sa kay Rafael na katabi ni Elijah. I want to be closer. I’m this pathetic right now. Parang isa ako sa mga babaeng patay na patay sa kanya.

“Raf, saan kayo nag s-stay?” Tanong ko at sinulyapan si Elijah na humagalpak at nakipag highfive kay Azi.

“Sa Buddha Resort. Malapit lang dito. Ayos lang. Dinala naman namin din kasi ‘yong Trailblazer.” Ani Rafael.

Tumango ako at nilingon si Elijah na hindi parin tumitingin sa akin. Nangatog ang binti ko kahit na wala naman dapat ako ipangamba dahil hindi naman sakin ang atensyon niya.

“Elijah, suplado mo naman! Sus!” Sigaw ni Erin habang magkabilang kamay niya ang mga alak, nilalagay sa supot na hawak ni Maxwell, kapatid ni Spike.

Kumalabog ng husto ang dibdib ko at medyo lumayo sa kaba.

“Klare!” Sigaw ni Pierre sa likod ko. Nilingon ko naman ang nakabusangot kong kapatid. “Let’s go! Hinahanap na tayo. Nakabili na si Ahia.”

“Hi Pierre!” Bati ni Chanel sa kapatid ko.

Tumango si Pierre at malamig na tumalikod. Nilingon ko ang mga pinsan ko at nanghinayang. “Bye… Uhm… See you…” Sabay takbo ko patungo sa kapatid kong paalis na.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: