Until Forever – Kabanata 42

Kabanata 42

Mad At You

Napatalon ako sa reply ni Erin. Panay ang tanong ni Gavin sa akin kung may problema ba sa pag sagot niya at wala akong maisagot dahil abala ako sa pag titext.

Erin:

To Surigao of course. Can I call? Don’t worry, he’s driving.

Ako:

Please call.

Nawala ang antok ko sa mga nabasang text. Inaamin ko, may pagkakamali ako sa gabing iyon. I slapped Elijah hard, I’m sure. Sa alak na dumaloy sa dugo ko, naging madali ang sampal na ganon ka lakas. Inis at sakit ang nangibabaw sa akin. Sa lahat ng pinagdaanan naming dalawa, naisip kong nakakainis na ito lang pala ang sisira sa amin. His kiss with Selena. I’m still angry. Hindi nga lang kasing galit noong hindi ko pa alam na totoo ‘yon.

“Dad says kakain muna tayo saglit sa Robinsons dito.” Ani Hendrix nang niliko ng driver ang sasakyan tulad ng naunang van sa Robinsons.

Tumunog ang cellphone ko at agad ko itong sinagot sa unang ring pa lang.

“Erin…” Sabi ko sabay tingin sa labas.

“Palabas pa lang kami ng Cagayan de Oro. And I don’t know… if this isn’t 200 kilometers per hour. Well, that’s an exaggeration.” Nagawa niya pang tumawa.

“Saan kayo pupunta? Ha? Sinong kasama mo?” Kahit na may ideya ako ay kinailangan ko paring kumpirmahin.

Kumunot ang noo ni Hendrix nang bumaba kami sa van. Tinawag kami nina Tita Luisa at Tita Tania na mag madali na para makakain na kami at tumulak ulit sa ilan pang oras patungo sa Surigao City.

Sinenyasan ko si Gavin na mauna na siya kasi hinintay niya ako at pinanood. Si Hendrix naman ay kahit anong gawin ko ay ayaw pang mauna samantalang si Pierre ay mukhang gutom na yata kasi nagmamadali sa paglalakad patungo kay tita Marichelle at papa.

“Sinong kausap mo?” Tanong ni Hendrix.

Nag angat ako ng tingin sa kanya at sa titig ko pa lang ay nag taas na siya ng kilay. This is your Erin, Ahia.

“Kami. Mukha kaming sardinas. Ayaw mag dala ni Rafael ng sasakyan. It’s good also that we stay together in one vehicle. Elijah’s driving…”

May narinig akong nagsalita ngunit hindi ko iyon makuha. May tumawa pa na mukhang si Rafael.

“Rafael, Me, Claudette, Ate Chanel, Kuya Josiah, Azi, Spike, and Maxwell. Pagkarating sa Surigao, kukunin lang nina Spike ‘yong sasakyan nila sa ancestral house ng mga Vasquez-“

“You’re all going to Surigao? Why?”

Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Hendrix nang narinig akong halos sumigaw non. Malakas ang pintig ng puso ko. Surely, they just want to visit Sohoton, the Enchanted River, and Britania Group of Islands. Hindi naman pwedeng may aasikasuhin si Elijah sa Surigao at dala niya silang lahat.

“To visit.” Humagikhik siya at agad napawi. “Why do you think?”

“Klare! Hendrix! let’s go!” Sigaw ni tita Tania sa amin nang nakitang hindi pa kami gumagalaw ni Hendrix don.

“U-Uhm, okay, bye.” Agad binaba ni Erin.

“Teka lang-” Ngunit naibaba niya na ito.

God. Binaba ko ang cellphone ko at nag text agad kay Erin habang naririnig ko ang tikhim ni Hendrix. Hinila niya na ako papasok sa Robinsons.

Ako:

Sa bahay kayo nina Elijah matutulog? Are you going to Sohoton? Please, slow down.

Dumiretso na kami sa Gerry’s Grill. Nakita ko ang paninitig ng daddy ni Gavin sa akin habang abala ako sa cellphone ko kaya agad ko itong itinago. Umupo ako sa tabi ni Gavin dahil iyon na lang ang upuang bakante at nag order na sila ng aming makakain.

Pinag usapan nila ang pag unlad ng Butuan at ang pagiging first time nilang lahat sa Surigao. Gusto nilang bisitahin ang magagandang beaches sa Surigao at sa Hinatuan kaya lang ay nang nagsalita si Hendrix ng… “We’ll go there for the waves.” Ay tumango na lang si Ama at mukhang may naging desisyon na.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na agad kami sa van. Hindi man lang napagod si Ama sa byaheng iyon. Tatawa tawa pa siya nang pumasok ulit sa kanilang van.

Wala ring naging reply si Erin sa akin kaya nag text pa ako ng isa pang ganon rin ang laman.

“So… nakausap mo na ba ‘yong tumawag? Pinsan mo?” Tanong ni Gavin nang umandar ulit ang sasakyan paalis ng Butuan.

“Uh, yup. Kay Erin na phone ang ginamit pero isa sa mga pinsan kong lalaki ang tumawag.” Sabi ko.

“Importante ba iyon?”

Nag kibit balikat ako. “Hindi naman siguro.”

Hindi na ulit ako inantok. Hindi rin naman natulog si Gavin kaya pareho kaming dilat buong byahe. Pinapanood ko sa labas ang pag lubog ng araw at ang maraming bukid at puno, paminsan minsan naming nadadaanan pagkatapos ng iilang mga bahay.

“First time mo ba ito sa Surigao?” He asked.

Umiling ako. “Nakapunta na ako ng Surigao, bata pa nga lang ako. Ngayon ko pa lang siya makikita ulit.”

“This is gonna be my first time.” Aniya.

Tumango ako ngunit di na umimik. I don’t want to be rude but I can’t think of another topic.

“Pagkadating natin mamaya, siguradong dinner na. Can we… like stroll in the city?”

Nilingon ko si Gavin. “Hindi natin kabisado ‘yon.”

“I have GPS.” Sabay pakita sa kanyang phone at ngiti.

Alam kong maganda ang intensyon ni Gavin. Gusto niya lang sigurong mag libang muna. Boring akong kasama sa byaheng ito. Hindi ako gaanong nagsasalita at sinasagot ko lang ang tanong niya.

Tumango ako. Hindi ko siya matanggihan. Ngunit mukhang naramdaman niya na hindi ko interesado.

“Uhm, we can stay for dinner if you don’t want to. Nakakapagod din naman ang byahe kaya mas mabuting don na lang tayo sa hotel.”

Umiling agad ako. “No, it’s fine.”

“Ahia, do it properly naman.” Hagikhik ng babaeng kapatid ni Gavin sa likod.

Kinagat ko ang labi ko at hindi ko alam na nakikinig pala sila. Nakita kong pumula ang pisngi ni Gavin.

“Do you want to go with us, Cess? You can, you know.” Sabi niya sa kanyang kapatid.

“I don’t want to. It’s a date. I won’t interrupt you.” Sabi nong kapatid niya at nakipag tawanan ulit sa pinsan kong si Cristine.

“Pupunta tayo mamayang gabi sa lupa, diba Hendrix?” Dinig kong sinabi ni Champ sa kapatid kong nasa front seat.

“Sina Ama, dad, at mommy lang ang alam kong pupunta. I’m not interested. Maybe Pierre wants to go with them?”

“Why not. You coming with me, Cess?” Nilingon ni Pierre ang kapatid ni Gavin sa likod.

Sinubukan ko ring lumingon sa likod para makita ang nakangisi ang chinitang mga mata ni Princess, ang kapatid ni Gavin.

“Okay, Pierre.”

Kumunot ang noo ko at tinitigan si Pierre na nag taas ng kilay sa kalsada pagkatapos matanggap ang sagot ni Princess.

“So, we’ll stay…” Ani Gavin.

Bumaling ako sa kanya. “No, we’ll go. Ayos ‘yon. Lalo na kasi bukas agad tayo pupuntang Siargao. Baka di na tayo makapasyal sa syudad.”

“Sure? We can ask some of your cousins to come.” Ani Gavin.

“Sasama ako.” Singit ni Hendrix sa amin ni Gavin.

“Then that’s good.” Ngiti ni Gavin sa kapatid ko.

Tumango ako at nagkatitigan kami ni Hendrix. “Sa boardwalk tayo mamaya. I’ll see if I can borrow this van.”

Kaya naman ay nang nakarating na kami sa Surigao City ng mga alas sais ay dumiretso na kami sa Philippine Gateway, ‘yong hotel na napili ni papa na tuluyan namin. Panay ang hikab ni Ama habang nag lalakad kami patungong mga room namin.

“You should have bought a house here, Ricardo. It’s gonna be an asset.” Ani Ama kay papa.

“I will.” Aniya.

Nilingon ko si Gavin na kausap ang kanyang daddy. Bumaling ang daddy niya sa akin habang pumapasok sa loob ng mga suite ang mga pinsan ko.

“Isang room tayo nina Mommy at Daddy.” Paliwanag ni Pierre.

Tumango ako at pumasok na sa loob ng room kung saan naroon na si papa at tita Marichelle.

May dalawang king size beds ang naroon. Malaki at kasya ang tatlo sa bawat isang bed. Humiga na si tita Marichelle at natulog sa bed. Si papa naman ay nag tatanggal ng sapatos. It’s weird. Ito ata ang unang pagkakataon na sa isang trip ay isang room lang kaming lima. Madalas ay nasa ibang room si papa at tita.

“Hendrix, puntahan natin mamaya ang lupa…” Linya ni dad kay Hendrix na kakapasok lang sa loob. Nilapag niya ang kanyang gamit sa cabinet.

“Pierre wants to go. Ayoko. I’ll be with Klare and Gavin. Pupunta kaming boardwalk mamaya.”

“Bakit ayaw mo? That could be a good asset for the business.” Ani papa.

“I don’t find it a good asset. Hindi naman ako araw araw bumabyahe ng walong oras, e. It’s far from Davao or Cagayan de Oro City. Give it to someone else. Maybe, Klare?” Nagtaas ng kilay si Hendrix sa akin.

Umiling agad ako sa tingin ni papa.

“Pupunta ako, dad. Titingnan ko.” Sabi ni Pierre sa isang malamig na boses.

“Well then. I’ll take a nap. Your Ama said we’ll go there in an hour.” At umambang hihiga si papa.

“Klare, let’s go out?” Anyaya ni Hendrix sa akin.

“Magbibihis lang ako. Pierre, sama ka?” Tanong ko sa kapatid kong abala sa cellphone.

“Hindi na.” Malamig niyang sagot nang di man lang ako tinitingnan.

Nagkibit balikat si Hendrix sa akin. Dumiretso na ako sa banyo para makapag shower. Pagkatapos ay nag bihis na sa loob at lumabas na. Ganon din ang ginawa ni Hendrix kaya bumaba na lang muna ako sa hotel. Naabutan ko ang mga pinsan ko at mga Co sa restaurant nila. Tulog din yata ang mga matatanda dahil sina Princess lang ang naroon. Nagkayayaan pa silang mag swimming sa pool.

Ilang sandali ang nakalipas ay nakita ko si Gavin, nakaligo na rin yata at naka tee shirt palapit sa akin.

“Let’s go? Asan na Ahia mo?” Tanong niya.

“Bababa din ‘yon.” Sabi ko sabay lingon sa elevator.

Habang nag hihintay sa medyo natagalang si Hendrix ay pinanood namin sina Champ na lumalangoy sa pool. Tahimik sila at kung mag tawanan ay hindi kasing lakas ng mga pinsan kong Montefalco.

“Let’s go.” Nabigla ako sa sambit ni Hendrix sa aming likod ni Gavin.

Tumango ako at tumayo galing sa pagkakaupo sa lounger. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng hotel. Malaki ito at malinis. Ang loob ng room namin kanina ay malinis din at sakto lang para sa aming lima. May sofa pa at flatscreen. I wonder if the Montefalcos will stay in a hotel too? May bahay sina Elijah sa Surigao at malamang ay doon talaga sila tutuloy. Hindi ko pa nakikita ang bahay nila pero paniguradong malaki iyon.

“I’ll drive.” Sabi ni Gavin kay Hendrix nang nakalapit na kami sa van.

Hindi nakipagtalo si Hendrix. Van din naman kasi iyon nina Gavin kaya hinayaan niya. Siya ang nasa frontseat at ako naman ang sa backseat. Hindi ko alam paano namin nagawang umalis ng walang body guard. Madalas ‘yon mangyari sa Cagayan de Oro pero hindi ko inakalang pwedeng mangyari ito kahit na nandyan si papa at Tita Marichelle. I bet Hendrix is going to be scolded for this.

“Joy ride muna tayo. Are you both hungry?” Tanong ni Hendrix.

“Nope.” Sabay naming sagot ni Gavin.

“Kumain kasi tayo sa Butuan, Rix.” Paliwanag ko.

“Then, mag iikot na lang muna tayo. Ang malaking mall nila dito ay ‘yong nakita nating Gaisano Mall kanina.” Ani Hendrix habang si Gavin ang nag dadrive.

Nilibang ko ang sarili ko sa panonood sa mga street lights sa labas. Si Gavin at Hendrix naman ay nakakapag usap kahit paano. Lalo na tuwing hindi alam ni Gavin kung saan ililiko. Hindi naman iyon sobrang kabisado ni Hendrix kaya tumitingin din siya sa kanyang GPS.

Dinungaw ko ang cellphone ko at nag text sa kay Erin at Claudette.

Ako:

Nakarating na kayo?

Inisip ko kung paano naexplain ni Elijah sa kanila ‘yong nangyari. They were all mad at him. Lalo na si Azi. Ano kaya ang nangyari? God, I miss them! I suddenly want to be with the Montefalcos. Hindi naman sa hindi ako nag eenjoy kasama ang mga Ty pero miss ko na ang ingay nila.

“Where’s this?” Tanong ko nang nakita ang dagat kahit na madilim.

Isang malapad na boardwalk ang nakita ko. Sa gilid ay ang iba’t-ibang restaurant, hotel, at kung anu-ano pang galaan ng mga tao.

“This is their boardwalk. Park mo na ‘yong sasakyan Gav. Let’s eat in that hotel.” Sabay turo ni Hendrix sa Hotel Tavern.

Pagkalabas namin ay tiningala ko kaagad ang hotel na iyon. Maganda siguro ang view dito pagkaumaga dahil kaharap nito ang dagat. Pagkapasok namin ay sinalubong agad kami ng malaking chandelier at mga sofa ng hotel na iyon.

“This way.” Sabi ni Hendrix patungo sa restaurant.

Sumunod kami ni Gavin papasok sa restaurant ng hotel na iyon. Maganda, medyo dim ang lights, at ang mga upuan ay moderno. May iilang tao ang kumakain doon.

“You’ve been here?” Tanong ko.

“I stayed here last time I went to Surigao.”

Tumango ako. Umupo kami at binigyan ng menu.

Tahimik ang naging pagkain namin doon. Si Hendrix at Gavin ay nagkasundong uminom ng beer pagkatapos naming kumain. Uuwi kami agad dahil panay ang tawag ni papa kay Hendrix. Maaga daw kasi kami bukas.

Humikab ako habang tinitingala ang flatscreen. Busog na busog ako at halos hindi ko na makain ang mango float na panghimagas ko. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa byahe.

Biglang may mga dumaan sa paningin ko. Ilang sandali pa bago ko nakita ng maayos kung sino ang mga iyon. Kumindat si Erin sa akin. Nasa malayong parte sila ng restaurant. Matatangkad at makikisig na lalaki ang sumunod. Agad kong nakita ang mga pinsan kong pare parehong hanggang tingin lang sa akin. Hindi iyon namalayan ni Hendrix at Gavin dahil abala sila sa pag uusap.

Huling umupo kaharap ko, katabi ni Azi, ay si Elijah na mukhang iritado parin sa akin. Tinitigan niya ako kahit na lumapit na ‘yong waiter at isa-isa silang binigyan ng menu. He’s wearing a black v neck tee shirt, khaki shorts, at top sider. Tumindig ang balahibo ko sa matalim niyang titig sa akin.

Nailunok ko ang kinakain ko at nilingon si Hendrix para sana mag salita.

“Klare, may dumi ka sa pisngi.” Sabay turo ni Hendrix sa pisngi ko.

“Rix…” Sabi ko at natarantang kumuha ng tissue para tanggalin ‘yong binanggit ni Hendrix sa akin.

“Ako na.” Sabi ni Gavin at pinunasan niya ang mukha ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla may narinig akong tili at agad napatayo si Gavin dahil may kumwelyo sa kanya. Sa gulat ay tumayo rin si Hendrix at ang iilang pinsan ko ay hinila si Elijah palayo sa kay Gavin.

“Elijah!” Sigaw ko at agad hinila si Gavin palayo sa kanya.

“Hearing about you two is one thing. Watching you two is another.” Sigaw ni Elijah.

Narinig ko ang hagalpak ni Azi sa mesa na agad yatang kinurot ni Chanel kaya natahimik.

“Anong problema mo?” Tanong ni Gavin sa isang matigas na tono.

“Tara na nga!” Iritadong sinabi ni Rafael sabay hila kay Elijah sa labas.

Nakita ko ang panginginig ng braso ni Elijah nang lumabas sila sa restaurant. Kumaway si Azrael at Erin sa akin habang palabas silang lahat ng restaurant.

“What was that?” Tanong ni Gavin sa akin.

Hindi ako makapagsalita. Sinundan ko ng tingin ang mga pinsan ko.

“Hindi ba mga pinsan mong Montefalco ‘yon? Nandito sila?” Ani Gavin.

“Yes. And her boyfriend is obviously very jealous.” Sabi ni Hendrix sabay tapon ng pera sa mesa namin. “Let’s go.”

Dumiretso si Hendrix palabas. Nakita ko sa mga mata ni Gavin ang pagkakalito. Hindi ako umimik. Mas gusto kong lumabas na rin para makita ang mga pinsan ko… para makita si Elijah.

Naabutan namin sina Erin, Azi, Claudette, Chanel, at Spike na nag uusap sa gitna ng boardwalk.

Si Elijah, Rafael, Maxwell at Josiah ay nasa malayong bench. Halatang pinag sasabihan si Elijah.

“Why are you all here?” Tanong ni Hendrix.

“To visit Surigao. Is that bad?” Nagtaas ng kilay si Erin.

Nakita kong lumingon si Rafael sa amin. Ganon din ang ginawa ni Elijah at nakita ko ang pag pilig ng kanyang ulo at hindi na nila siya napigilang lumapit. Nangatog ang binti ko. I don’t know if I’m damn scared or thrilled or both. Shit!

“Klare…” Sabi ni Gavin at nilagay niya ako sa likod niya na para bang pinoprotektahan laban sa halos nag wawalang si Elijah.

“Just…” Kinagat ni Elijah ang kanyang labi habang nanginginig na itinuro si Gavin. “How dare you touch her!”

Hinawi ko ang kamay ni Gavin at nagpakita ako. Ayokong masuntok niya si Gavin kaya pumagitna ako sa kanila. Nakita kong bumaba sa akin ang galit na mga mata ni Elijah.

“Stop it, Elijah! You’ve seen us together. Hindi ‘yong naghahalikan. Stop overreacting!” Sigaw ko.

Narinig ko ulit ang tawa ni Azrael at Spike sa likod. Mukhang nakikisali pa si Josiah sa kanilang dalawa.

“Overreacting my ass! Naghirap ako sa Manila tapos maririnig ko ‘to kay Knoxx?! Na may nireto sa’yo?! Ang inchik na ito?” Medyo tumawa pa siya bago umiling.

Tinitigan ko ng husto ang galit niyang mga mata. And still… I would wish to have those eyes. I can trade my eyes for his. God, Elijah. What are you doing to me?

“Nang iinsulto ka ba?” Sigaw ni Gavin at hinila ulit ako.

“Gav…” Sabay hawi ko ulit sa kamay ni Gavin. “You think hindi ako naghirap dito, ha, Elijah?” I fucking miss you so bad. “You were with Selena that night!” Sigaw ko.

Ayaw kong sabihin ang lahat ng nasa isip ko dahil alam kong pinapanood nila kaming lahat na nag aaway. This is better than have strangers watch us inside that restaurant.

“I was with her yes! For dinner! And that was it! She told me about you and you motherfucking chinese Co. I didn’t believe her. Pero nong nalaman ko kay Knoxx! Sinabi ni Azi sa kanya…”

Nanliit ang mata ko kay Azi na nagkibit balikat.

“Dammit! Ilang linggo na ang lumipas! Hindi mo binanggit sa akin! Nakakainis ka! What’s this again? Is this one of your ways to win your Ahma back? You’re willing to date another guy just to win your Ahma’s trust? Baby, you are so unfair! You are so unfair to me!”

Nangilid ang luha ko sa aking mga mata. Hindi ako makahinga ng mabuti. Nang marinig ko ‘yong ‘baby’ sa kanya ay gusto ko na lang na magkabati kami. Hindi bale na ‘yong nakita kong video nila ni Selena. Hindi bale na kung naghalikan sila don sa video o totoong nag dinner sila ng gabing iyon.

Lumandas ang luha ko sa aking mga mata. May pagkakamali ako. Ngayon ay galit na galit siya sa akin. Gusto kong pawiin ang lahat ng frustration na naibigay ko sa kanya.

“Sasabihin ko na sana sa’yo na nakipag dinner kami ni Ate Yas kay Selena that night pero I just couldn’t text you! I couldn’t text you when I’m fuming mad! Fuck, I don’t want to text you!” Nakita ko ang pag lapit ni Rafael sa kay Elijah.

“Bro, tama na.” Sabi ni Rafael.

“No… No… she needs to know, Raf.”

“Elijah…” Sabi ni Hendrix at agad pumagitna sa amin.

Nilapitan ako ni Claudette at ni Erin at agad akong niyakap. Lumapit si Azi kay Gavin para makausap.

Inilayo ni Hendrix si Elijah doon at nakita kong pinalibutan siya ni Rafael, Spike, at Hendrix.

“Sorry. Nagsuntukan si Azrael at Elijah kahapon nong umuwi ka na. Medyo nagkagulo kami kaya di ko agad nasabi sa’yo ‘yong dahilan niya. And he also said na siya daw ang magsasabi sa’yo.” Ani Erin.

Pinunasan ko ang luha ko at nag angat ng tingin kay Claudette.

“He’s mad at you, Klare. Galit ‘yan at iritado sa nangyayari.” Sabi ni Claudette.

Nilingon ko sina Elijah at Rafael at nakita kong naglalakad na sila palayo kasama si Spike. Pabalik naman si Hendrix sa amin at nagyaya siyang umuwi.

“Let’s go, Gavin.” Sabi ni Hendrix sa medyo litong si Gavin.

“Rix…” Sabi ko sabay tingin kay Elijah.

“He’s mad at you. You two need space.” Sabi ni Hendrix ngunit nanatili ang tingin ko sa lumalayong sina Elijah. “Let’s go, Klare…”


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!

Discover more from Jonaxx Stories

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading