Until Forever – Kabanata 41

Kabanata 41

He’s Driving

Mabilis akong hinatid ni Seymour kay Gavin. Nakita ko ang panonood niya sa akin habang nagpupunas ng luha. He’s curious again. Kung sana ay hindi niya ako napapanood na umiyak palagi ay sana hindi na siya nagtataka.

“Gav…” Tawag ni Seymour nang tumigil kami sa tapat ng Junno.

Sa mga upuan sa labas ng Junno ay naroon si Gavin at Ivana na nagtatawanan kasama ang kanilang mga kaibigan. Nang nahagip ako ng tingin ni Gavin ay napawi ang ngiti niya at agad siyang tumayo.

Hindi tama ito. Luminga ako sa pagbabakasakaling mahanap ko ang isa sa mga kapatid ko kahit alam kong imposible sa dami ng tao. Tiningnan ko ang nasa loob ng Junno at wala nang kahit si Cherry o Eion man lang. They are all out to party. I have nowhere to go.

“Seymour, magtataxi na lang ako sa labas.” Sabi ko ngunit tumabi na si Gavin sa akin.

“What happened?” Medyo mariin niyang tanong kay Seymour.

Nagtaas ng dalawang kamay si Seymour. “I don’t know-“

“You okay, Klare?” Tanong ni Gavin sa akin lumiliit ang boses kahit maingay sa di kalayuan.

Nakita ko ang pag lapit ng nag aalalang si Ivana. Nagbulungan sila ni Gavin at naramdaman ko ang gumapang na hiya. I was being too needy here. Dapat ay lubayan ko na ang dalawa dahil ayokong mag pa importante.

“Ako na ang maghahatid sa kanya.” Sabi ni Seymour kahit na nag uusap pa ang dalawa.

“No, Seymour. Let Gavin take her home.” Utas ni Ivana sabay lapit sa akin.

I feel so stupid. Ngumiti ako kay Ivana at umiling para sana tanggihan siya ngunit umiling din siya sa akin.

“Sige na, Klare.” Ani Ivana.

“Babalik din ako dito pagkatapos ko siyang ihatid, Ivana.” Ani Gavin, tinitingnan ang girlfriend niya.

That made me feel better. I didn’t want to be in between the both of them. They’re good to me. Ivana’s a nice girl and Gavin’s a gentleman. Mahal niya si Ivana at wala akong kinalaman sa relasyon ng dalawa. I don’t like Gavin romantically and I have no other intention other than helping them.

“Let’s go, Klare.” Sabay hawak ni Gavin sa balikat ko.

Walang nagawa si Seymour kundi ang manood sa amin ni Gavin. Nag angat ako ng tingin kay Ivana at kinalma ang sarili.

“I’m sorry. Pwede naman akong magpahatid sa mga kapatid ko… but first, I need to find them-“

“No, Klare. Kailangan si Gavin ang mag hatid sa’yo.” Aniya.

Ilang sandali pa bago ako tumango at nagpaalam.

I just want to be out of that place. At mabilis ang pag alis namin ni Gavin. Palabas kami ng Lifestyle District ay tulala na ako.

Hindi maalis sa utak ko ang sinabi ni Elijah na hindi bago ‘yong video. Kailan ‘yon kinuha? Sa U.S. pa ba? Damn, it still hurts! Pero bakit parang bago lang ito? Kahit ‘yong damit nila ay mukhang katulad nong nasa picture.

Naagaw lang ng pansin ko ang lalaking nakita ko sa labas. Dalawa sila, ang isa ay nakatalikod at ang isa naman ay nakaharap kaya siya ‘yong napag tuonan ko ng pansin. It was Elijah’s cousin, Spike. He’s here too? Tinitigan niya ako. Hindi man lang siya ngumiti. Gavin’s car isn’t tinted so he saw me for sure.

“You okay?” Untag ni Gavin.

Nilingon ko siya. “Yeah.”

Nalayo na kami kay Spike at hinayaan ko na lang ‘yon. Dammit! He’s going to tell Elijah about this. But who cares? Wala siyang tiwala sa akin dahil siya mismo ay gumagawa ng kababalaghan. That’s it.

Pinilig ko ang ulo ko. Masakit na ito at umiikot ang paningin ko kaya pumikit ako ng ilang beses.

“Of course, you’re not. Umiyak ka kanina.” Aniya.

Hindi ako umimik. Ibinalik ko ang iniisip ko don sa nangyari at sa mga sinabi ni Elijah. Saan niya nalaman ang tungkol kay Gavin? Sino ang nagsabi sa kanya at ano ang alam niya? Isa pa, bakit hindi siya nag reply ng kahit isang message man lang sa gabing iyon. Kung dinner lang naman talaga ang nangyari, bakit wala akong natanggap na mensahe galing sa kanya.

Yes, I have lots of question and I need his answers but I’m not ready to talk to him now. Baka masampal ko lang siya sa inis tulad ng nagawa ko kanina. And he’s mad too. He wants me to be with other guys…

Nangilid ang luha ko. Hindi siya ganon noon. He used to be… so selfish of me. Dammit!

“Why are you so mysterious…” Bulong ni Gavin habang nag da-drive siya.

Hindi parin ako umimik. Kinalma ko na lang ang sarili ko sa kanyang front seat.

“‘Yan ‘yong sinabi ni Seymour sa akin noon. That he liked Claudette Montefalco but he’s more interested with you. Because you’re mysterious… You look fragile and…”

“I’m not fragile.” Giit ko.

Natahimik siya. Ayokong iniisip ng ibang tao na kailangan ko ng tulong. Ayokong kaawaan.

Tahimik nang itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng bahay namin sa Hillsborough. Nilingon niya ako. It’s rude to just get out of the car and just leave so I looked at him.

“I’m sorry, again. At salamat na rin.” Sabi ko.

Tumango siya. “Sasama ka ba bukas?”

Ngumuso ako. “I need the diversion. I want to unwind… but…” Nag iwas ako ng tingin. “If it bothers you, I can-“

“No, it doesn’t bother me. I just thought you changed your mind. Mukha ka kasing maraming problema. If this will ease your worries, then we should. I’ll listen while we are there. We’ll pretend to talk so might as well talk for real.” Ngiti niyang pagod.

Tumango ako. “Thank you.” Tinanggal ko ang seatbelt at binuksan ang pintuan.

Nilingon ko siya ng isang beses bago nag paalam.

Pagkapasok ko sa bahay ay nasa utak ko parin ang lahat ng nangyari. Tahimik na at dim na ang lights sa sala kaya dumiretso na ako sa kwarto. Humiga agad ako sa kama at niyakap ang teddy bear na ilang araw ko ng binabalewala.

“I hate you.” I said the the innocent bear.

Tinanghali ako ng gising kinaumagahan. Kung hindi ako ginising ni Pierre ay talagang matutuluyan na ako sa pag tulog buong araw.

“You haven’t packed. You should.” Ani Pierre.

Tumango ako at bumangon. Iniinda ko pa ang sakit ng ulo ko. Damn, hang over. I got too drunk last night. Inisip ko ‘yong nangyari sa amin ni Elijah kagabi at hindi ako makapaniwala na totoo ‘yon. I slapped him so hard. That was for sure. Dumaloy sa ugat ko ang alak kaya wala na akong kontrol sa ginawa ko. I got carried away.

“Klare…” Tawag ni Pierre nang nakitang natutulala ako. “Make it fast.” Aniya sa isang malamig na tono at umalis na sa kwarto ko.

“Yes.” Sabi ko at agad ng naligo at nag bihis.

Nataranta na ako sa pag iimpake lalo na nang bisitahin ako ni Tita Luisa sa kwarto at maarte niya akong pinagsabihan.

“Ganyan ka ba dito sa inyo? You should learn some household chores. Dapat ay maaga kang nagigising araw araw.” She said.

Nasa baba lang ang mga mata ko habang pinapakinggan lahat ng mga sinabi niya. I don’t want to be scolded every damn time of this trip. Sana ay hindi.

Nang nilubayan niya na ako ay si Pierre naman ang bumisita sa akin. May dala na siyang bag at nakabihis na. May malaking beatz sa leeg.

“Let’s go.” Aniya.

Tumango ako at sumunod na sa kanya.

Sa baba ay pinakain pa ako ni papa. Mas pinili ko na ‘yong sandwich kasi inip na si Ama at gusto na nilang tumulak.

“Walong oras pa tayo ba byahe, please, make it fast.” Ani Tita Luisa.

Hindi lang naman ako ang nahuhuli. Kahit ang pinsan kong si Cristine ay nahuhuli din kaya pinagalitan siya ng husto. Nagreklamo siya dahil pagod pa siya sa byahe nila kahapon,

Ilang sandali ang lumipas ay umingay ang labas. Nakita kong tumakbo ang isang pinsan kong si Champ patungo sa labas. Tumayo si Ama at narinig ko ang sinabi ng katulong na nandoon na daw ang mga Co.

Mas lalong nataranta si tita Luisa at tita Tania. Mabilis na akong tumayo, natatakot na mapagalitan. Umirap si Pierre at nilagay sa kanyang tainga ang headphones at si Hendrix naman ay naka Rayban’s na.

“Sa Van na kami, dad.” Sabay tapik niya kay papa.

Lumabas din kaming lahat kahit na nagkamustahan pa si lola at ‘yong matatanda kina Gavin. Kasama ang kanyang dalawang pinsan at dalawang kapatid. Magkakilala naman ang mga pinsan ko at ‘yong kapatid niya kaya agad nag kasundo.

Pinagmasdan ko ang medyo tahimik na usapan nina Champ, Cristine, ‘yong dalawa ko pang babaeng pinsan, ‘yong kapatid ni Champ, at ‘yong mga pinsan at kapatid naman ni Gavin. That’s some bond I can’t enter. Lalo na tuwing naririnig kong nag cha-chinese sila at minsan ay nakikitawa pa si Pierre at nakikisali na rin.

Nilingon ko si Hendrix. I don’t want to be out of place.

“The kids should stay in the first van. They enjoy each other’s company.” Tawa ni Ama na sinang ayunan naman ng iba.

Si papa lang yata at tita Marichelle ang may ayaw non pero nang pumwesto na ang mga pinsan ko at mga pinsan ni Gavin sa loob ng van ay agad nang napag desisyunan ‘yon.

Pumasok ako sa van. Sumunod si Pierre sa akin na agad tinawag ni Ama.

“Pierre, si Gavin mauuna. Klare and Gavin like each others company. You should let them bond.” Ngisi ni Ama.

Nalaglag ang panga ni Pierre habang pinapanood ang reaksyon ni Ama. “I enjoy Klare’s company. I want to bond too.”

Humagikhik si Ama at nakipag tinginan pa sa mommy ni Gavin, umiiling. “Don’t be silly. Gavin…” Tawag niya.

“Yes, ama.” Ani Gavin at nauna na kay Pierre, tumabi sa akin.

“Hendrix, bantayan mo mga pinsan at kapatid mo. Nasa likod ang dalawang body guards niyo. You’ll be on the front?” Dinig kong sinabi ni papa at tumango naman si Hendrix.

Nag mura si Pierre nang sinarado ang van. Iritado siya sa naging desisyon ni Ama. Hinilig ko na lang ang ulo ko sa bintana at narinig ko ang sinabi ni Gavin sa kapatid ko.

“You want to sit here, instead?” Ani Gavin sabay turo sa kanyang upuan sa tabi ko.

“No… It’s damn okay.” Sagot ni Pierre at nilagay ang headphones niya sa kanyang tainga at pinikit ang mga mata.

Nilingon ako ni Gavin at nagkibit balikat siya sa akin. “It runs in your blood, the mysterious thing.” Ngiti niya.

Umiling ako. Pierre’s grumpy this morning. I wonder why.

Palabas na kami ng Cagayan de Oro nang kinapa ko sa bag ko ‘yong cellphone ko. Nag charge ako kagabi habang tulog ako. Hindi ko parin kayang mag text kay Elijah pero kailangan ko ng cellphone para makapag text kay mommy at daddy.

I turned it on and saw text messages from my cousins. ‘Yong iba ay nong isang araw pa. Tumunog ang cellphone ko sa text ni Elijah na agad kong binuksan. Mabilis ang pintig ng puso ko.

Elijah:

Klare, let’s talk.

This text message was sent yesterday afternoon. Ibig sabihin tinext niya ako tapos pumunta siya ng party sa pagbabakasakaling mag usap kaming dalawa. At oo, nag usap nga kami at hindi naging maganda ang resulta.

That’s it? Wala na siyang ibang mensahe at ‘yong galit na medyo humupa sa narinig ko sa kanya ay nag alab.

If the video isn’t recent then why is he so hard on me? Dahil nalaman niya ang tungkol kay Gavin? He thinks I’m cheating? Why are you such a fool, Elijah?

Sa sakit ng ulo ko at sa pagod na rin ay nakatulog ako buong byahe patungong Butuan City. I can’t believe it! Siguro ay dahil sa sobrang pagod at sa sobrang lambot ng hinigaan ko. Oo, nagising ako sa balikat ni Gavin, may unan na nakalagay.

“I’m sorry.” Sabi ko nang napatalon.

Nasa malawak na kalsada na kami ng Butuan City at hiyang hiya ako sa pag tulog ko. Nilingon ako ni Gavin at ngumiti siya.

“I don’t mind.” Aniya. “By the way, may tumawag sa’yo kanina. I… I didn’t want to wake you up so I kind of cancelled it but then nagulat ako kasi nasagot ko pala.”

Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita ang iilang mensahe galing kay Erin habang nag sasalita si Gavin.

Erin:

Pray for our safety. He’ll be driving and he’s mad. Like so mad.

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko iyon naintindihan. Nag type ako habang nagsasalita si Gavin.

“I think it was your cousin who called you. I don’t know. Erin Montefalco nakalagay pero lalaki ‘yong ano…”

Ako:

Where are you going? Who’s driving?

Nag angat ako ng tingin kay Gavin at nagtaas ako ng kilay.

“‘Yong sumagot, lalaki?” Tanong ko.

“Yup. Binabaan ako. So probably it’s your cousin?”

Shit. Was it Azrael? Or… fuck was it Elijah?


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d