Until Forever – Kabanata 40

Kabanata 40

Dinner

I don’t want to leave. Kakarating ko lang at sa galit ko kay Elijah ay napangiti na lang ako kay Azi.

“Bakit ako aalis?” Nagtataka kong tanong.

Nilingon ko sina Gavin. Umaalis na ang mga kaibigan niya, naiiwan na siya sa kakahintay sa akin.

“And you’re with that guy.” Ani Azi.

“I’m with his friends. Saan kayo?” Tanong ko at umambang iiwan na sila.

“Punta tayo sa Junno. Nandon sina Dette, Rafael, at iba pa.” Ani Erin, pinagmamasdang mabuti si Gavin.

Tumango ako at sabay kaming naglakad patungo kay Gavin.

Gusto ko sanang pormal na ipakilala si Gavin sa kanila kaya lang ay mabilis ang lakad ni Erin patungo sa Junno at mas lalong umingay habang palapit kami sa puso ng Lifestyle District.

Maraming tao at dahil kalagitnaan na ng party ay medyo basa na rin sila. Nakita kong may malaking hose sa taas ng punong kahoy na siyang nagpapaulan ng tubig. Truly, it’s wet and wild!

“Klare,” Halos di ko marinig ang sinabi ni Gavin dahil sa ingay kaya inilapit ko ang tainga ko sa kanya.

May dumaang grupo ng mga tao kaya medyo naitulak pa ako sa kanya. Hinawakan niya ang baywang ko bilang suporta at bumulong.

“I’ll be at Microphone Hero. Ichi-check ko lang si Ivana don. Babalikan kita dito. Seymour’s coming here kasi sinabi ko nasa Junno ako. Nasa gitna na rin ang friends ko, susunod ako mamaya pagkatapos kitang balikan.”

Tumango ako, hindi na nag salita dahil sa ingay.

“Klare…” Tawag ni Erin sabay turo sa loob ng Junno kung nasaan nasa malaking table at sofa ang mga pinsan ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga naroon. Inisip kong naroon si Pierre at Hendrix ngunit nagkakamali ako. Ang naroon ay si Rafael, Damon, Eba, Chanel, Brian, Claudette, Josiah, Azrael, Eion, Silver, Hannah, Liza, Julia, Cherry at isa pang kaibigan ni Chanel.

“Tara na sa loob.” Ani Erin at naglahad ng kamay.

Tumango ako at sinulyapan ng isang beses si Gavin bago tuluyang pumasok.

“We can’t talk freely. Tayo lang ang nakakaalam at well, Eion. Mapag kakatiwalaan naman siya kaya no problem.” Bulong ni Erin sa akin nang nakapasok na kami, malayo sa ingay ng party sa labas.

“Klare!” Ngiti ni Julia. “Hindi ka nag rereply.”

Ngumisi ako at nagbeso sa mga kaibigan. “My phone’s dead.” Sabay pasada ko ng tingin sa mga kaibigan naming naroon.

Nakita ko ang seryosong mga mata ni Eion sa akin na agad namang lumipat kay Erin.

“Klare!” Naglahad ng kamay si Silver sa akin at ni high five ko ito. “Si Seymour Salvador ang nag add sa’yo sa guestlist, a?” Nagtaas siya ng kilay. “He’s my co photographer. Magkakilala pala kayo?”

“Uhm, yup. Kay Knoxx at Claudette.” Sabay tingin ko sa tabi niyang si Claudette na medyo tulala.

Napansin ko ang pagiging pink ng kanyang pisngi at labi. It’s weird, she’s usually bare.

“Ang saya ng party sa labas!” Tawa ni Azi habang pinapanood ang mga taong maiingay at nagsasayawan dahil sa tubig na binubuhos sa kanila.

“I don’t wanna be wet.” Ani Erin.

“You’re in the wrong party, then.” Ani Azi sabay bigay sa kanya ng isang shot ng Smirnoff. “Let’s get you drunk first.”

Humalakhak si Josiah at may ibinulong kay Azi at tuluyan na silang nawala sa kanilang bulungan. Umiling ako, boys.

Umupo ako sa tabi ni Hannah na mukhang hanggang ngayon ay may tampo parin kay Erin. Hindi parin nagpapansinan ang dalawa.

Kinagat ko ang labi ko at tiningnan ang shot glass na nilapag ni Erin. Nagbuhos ng Smirnoff si Rafael sa isang wine glass at binigay niya sa akin.

“I know you want to dance. You came here for that.” Ngiti niya.

Nakita ko ang titig ni Eba sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya habang tinitingnan niya akong nilagok ang shot na iyon. Pumalakpak si Chanel at sumigaw na gusto niyang mag party sa labas.

Pinanood ko kung paano niya hinila ang tahimik na si Brian palabas ng Junno. Tumawa si Rafael at umiling. Nakita kong nagtulakan si Azi at Josiah palabas na para bang may pinag uusapang babae na naman yata.

“Hey, let’s enjoy this night. Wala naman sigurong Elijah ngayong gabi.” Bulong ni Erin.

Ngumiwi ako. “Ano ngayon kung nandito siya? Bakit ako matatakot sa kanya? Siya ‘yong may ginawang masama sa akin kaya dapat ay siya ‘yong matakot.”

Nalaglag ang panga ni Erin at pinanood niya ang paglagok ko ulit ng isa pang shot na binigay ni Eion sa akin.

“Thanks, Eion.” Ngiti ko. “Kamusta ka na?”

“Eion, stop the shots.” Mariing sinabi ni Erin sa kanya.

Tumikhim ako. I know when I’m drunk or not. I am not yet drunk. Yes, siguro ay medyo umiikot na ang paningin ko pero alam kong kaya ko pa ang sarili ko. People should stop over reacting. Hindi ako bomba na pag nahulog ay sasabog. I’m still me. I’m still composed. Until now. Kahit pagkatapos kong makita ‘yong dila ni Elijah sa labi ni Selena, I’m still here partying and smiling. No problem with that! Well, Azi’s right. I’ve seen him kiss her before. Naging kami parin pagkatapos. Pero hindi ibig sabihin non na ngayon ay magiging kami parin. That’s a different story if you tell me.

Tumatawa na si Silver, Hannah, Liza, Julia, at ‘yong kaibigan ni Chanel sa weird na music video na nasa flatscreen sa taas. It was green and very malicious kaya hindi nila kinaya ang manahimik.

“You guys should stop hiding here and let’s party.” Sabay tayo ni Eba at hinila ang bumusangot agad na si Damon.

“Let’s stay here.” Utos ni Damon.

“What’s wrong with you? You used to be so cool.” Tawa ni Eba.

Nagtaas ng kilay si Damon at agad tumayo. Nakita ko kung paano niya hinila ang baywang ni Eba palapit sa kanya, bumaba ang kamay niya at hinaplos ang hita ni Eba.

Fuck. Halos mapapikit ako. Humiyaw si Rafael sa ginawang porma ng kapatid ngunit ako ay gusto kong manuntok. Parang sine sa utak kong nag fa-flash ‘yong kamay ni Elijah pababa sa baywang ni Selena. ‘Yong tikwas ng buhok ni Selena na dumidikit sa balat ni Elijah. And his lips… his touch… his… everything. Whatever happened that night, kahit ayokong isipin ay hindi ko napigilan.

“I still am. But please stop being a pain in the ass.” Aniya at hinila si Eba palabas ng Junno.

Pinag usapan nina Julia at Hannah si Damon at Eba. Kung paano sila sobrang perfect na couple at kung paano sila swerte sa isa’t isa. Hindi ko na sinundan ‘yon kahit na sumali na si Erin sa usapan.

Naglapag ng isa pang shot si Eion. Nagkatinginan kaming dalawa. Walang salita ay nilagok ko kaagad ‘yon. God, please wash the memories away. Sana ay makalimot ako kahit isang gabi lang.

“Klare, Seymour’s here.” Ani Silver sabay kalabit sa akin.

Nilingon ko kaagad ang labas ng Junno at nakita ko si Seymour na naka v neck t shirt at medyo kita ang kakisigan ng katawan.

“Oh my…” Palihim na hagikhik ni Liza.

Nakangiti na agad si Seymour nang pumasok sa Junno. Nakita kong nasa labas rin si Gavin, papasok doon. Kita niyang nauna si Seymour sa kanya kaya mabilis ang lakad niya.

“Pare…” Sabay high five ni Seymour at Silver.

Tumango si Rafael sa kanya at nakipag high five din. Siniko ako ni Erin at nginuso niya si Gavin sa likod.

“Can I take Klare out of this solemn place?” Tumatawang sinabi ni Seymour.

Nagtawanan sila. Ngumiti ako at tumayo.

“Pare…” Nakarating si Gavin at nakipag high five kay Eion at Silver.

“Sige ba. She looks bored here, anyway.” Ani Rafael, kahit nakakunot ang noo.

“Klare, nandon na pala mga kapatid mo.” Ani Gavin at tinuro sa akin sa labas sina Hendrix, Pierre, at Vaughn. Kumaway si Vaughn sa akin at mukhang badtrip naman ang dalawa kong kapatid. Ayaw pang pumasok.

Tumango ako at nagpaalam na lalabas na sa Junno. Handa akong mabasa sa tubig at sumayaw don.

Lumabas kaming tatlo at pagkalabas ay wala na don ang mga kapatid ko at si Vaughn. Nawala na sila sa dami ng mga tao.

“Asan na sila?” Tanong ko.

May sumalubong kay Seymour ng shots na puro Smirnoff. Binigay niya sa akin ang isa.

“Bottom’s up!” Ani Seymour.

Sa gulat ko ay wala akong nagawa kundi sumunod.

May nagbigay ulit kay Gavin ng isang shot at nag aya ulit siyang mag bottom’s up kaya kumuha ulit ng isa pang shot si Seymour na para sa akin.

I’m still good though. Lagpas sampung shots na yata ang nainom ko pero maayos pa naman ako. Hinawakan ni Seymour ang kamay ko at bumulong siya sa akin.

“Hawakan mo kamay ni Gavin baka mawala siya kasi ang daming tao.” Aniya na sinunod ko.

Sabay kaming naglakad sa Lifestyle District patungo sa gitna para makapag sayaw. Nakita kong sumasayaw na si Chanel kasama ang mga kaibigan niya. Brian is all over her so there’s nothing to worry about.

Nong umingay lalo dahil sa galing ng DJ ay hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagsasayaw. I’ll let it go even just for tonight. Please!

And dammit it feels so good to be free. ‘Yong kalimutan na lang kahit saglit ‘yong sakit. Kalimutan lahat. Kalimutan na marami akong problema. Kalimutan na may malaking posibilidad na tatanggihan ako ng pamilya ng kahit sino, na iiwan ako ni Elijah, na galit na galit ako sa kanya at naiiyak ako sa inis dahil sa halik niya kay Selena. Kalimutan na galit ako sa sarili ko dahil mahal ko parin siya kahit na ganon ang ginawa niya sa akin! Fuck love. Dapat ay nong una pa lang alam ko nang walang sinasanto ang isang ‘yon!

Nag may naramdaman akong kamay sa aking baywang ay agad akong lumingon sa humawak non. Tumatalon si Seymour kasabay ng beat ng Firebeatz at Afrojack. Sumigaw ako tumalon na rin.

Nakakalasing ang ingay at ang mga taong nagkakatuwaan.

Hinila ako ni Gavin at may ibinulong siya sa akin. Tumigil ako sa pagtalon at dininig ang ibubulong niya.

“I’ll fetch you, okay?” Sigaw niya. “Pupuntahan ko lang si Ivana. Hendrix is beside us.” Aniya at agad kong nilingon ang kapatid kong may nag ga grind na isang petite at maputing babae. Erin’s slender and morena. Kahit na madilim ay siguradong hindi siya ‘to.

Tumango ako kay Gavin ngunit mukhang di pa siya natatapos.

“Babalikan kita o hahanapin kita. Ako kumuha sa’yo sa bahay niyo, dapat ako ang maghatid. Wag kang pumayag pag mag aya si Seymour. I don’t want to be rude. Please, Klare, promise me?”

Tumawa ako at tumango. “Promise.”

He’s crazy. Hindi ko tatanggapin ang pag yaya ni Seymour. And besides nandito naman ang mga pinsan at kapatid ko. Why would I ride with Seymour? Kung hindi ako sinabihan ng ganon ni Gavin ay talagang kina Hendrix ako sasabay. Tinitigan ko si Hendrix at nakita ko si Vaughn, di kalayuan na may kasayaw ding mga babae.

“Okay, deal.” Ani Gavin at biglang nagmura dahil bumuhos na ang tubig sa hose.

Sumigaw kami at tumingala para tanggapin ang tubig. May mga tumakbo palayo dahil ayaw mabasa pero ‘yong iba ay mukhang nag enjoy pa. Bago bumagsak ng tuluyan ang tubig sa akin ay may marahas na humila sa pulso ko.

Napawi ang ngiti ko at halos mapamura sa sobrang badtrip.

“Klare!” Sabay na sigaw ni Gavin at Seymour nang nawala ako sa tabi nila.

Nakita ko ang paglingon ni Hendrix para hanapin ako. Ang kamay ng kasayaw niya ay sumabit sa kanyang leeg. Nong una ay sigurado akong susugod siya para kunin ako ngunit kalaunan ay binalewala niya ako. The hell?

“What the…” Sabi ko sabay tingin sa paa kong naputikan dahil sa pagkakahila sa akin ng kung sino.

Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Elijah Montefalco sa harap ko, umiigting ang panga at galit na galit. Nanlamig ang pisngi ko at nangilid ang luha ko. Ngumiti ako sa pagkakairita. Oo, ngumiti. Because it was crazy.

Tinuro ko siya. Marami akong gustong sabihin sa kanya pero batid ko ang ingay at ayaw kong paulit ulit na magsalita kaya tumikhim ako at naglakad palayo.

“I am not done with you!” Sigaw niya at sumunod sa akin.

Who says I’m done with you too, huh? Sumunod ka dahil makikita mo! God, nagdidilim ang paningin ko. Paano niya nagawang magpakita sa akin dito? Habang naglalakad ako, nilalagpasan ang Junno at ang nakahilerang mga restaurant don ay nag flashback sa akin ang video.

Fuck that.

Nilagpasan ko ang Balbacue, palabas na ng Lifestyle District, palayo sa ingay.

“Klare!” Tawag ni Elijah sabay hawak sa braso ko.

Nilingon ko siya at nangatog ang binti ko. Someting changed about him. Hindi ko alam kung ano ‘yon. Pero nararamdaman ko ‘yon. Parang… nakatayo ako sa harap ng ibang tao. Parang hindi na siya ‘yong dating Elijah na para sa akin. Pakiramdam ko ay nalayo ako ng husto sa kanya.

“You’re a big cheater.” Mariin kong sinabi, walang bahid ng panginginig ng boses.

Because it’s true. And I’m so disappointed because I thought he would never cheat. In the end, he turned into the things he said he won’t be. He assured me the world but he gave me hell. He assured me the stars, he gave me a dead one.

“Jerk. Liar. Ass… fucking… hole!”

Nanlaki ang mga mata niya sa mga katagang binitiwan ko. Nilingon niya ang natitigilang mga tao, pinapanood kami. “Let’s go…” Sabay hawak niya sa kamay ko.

“NO!” Sigaw ko sabay balikwas sa kamay niya.

“Klare you… are making a scene here.” Aniya.

Nanginig ang labi ko. Ayaw niyang mapahiya sa lahat ng taong ito. Ayaw niyang malaman ng lahat na ganong klaseng tao siya. Hindi ko naman sinasadya na sa harap ng mga taong ito ako mag wala. I’m just that bitter. I can’t wait until this party is over. I want him to know everything!

“I don’t fucking care.” Mas marahan kong sinabi nang napagtantong marami ngang nakatingin.

Tinuro niya ang labi ko. “Shut the curses.” Aniya at hinila ako. Pumiglas ako ngunit nasa tabi lang ang sasakyan niya. Agad niya akong ipinasok doon.

Okay. We’ll talk. It’s better inside of this vehicle. Ayaw ko rin namang mapahiya. Nang naamoy ko ang bango ng kanyang sasakyan ay halos nanginig ang buong sistema ko. I missed him. I missed this.

Pero nong pumasok na siya at nakita ko ang labi niya para akong napapaso. I don’t want to be inside this vehicle. But if he wants to end this, then I can participate for a while.

“Did you just call me a cheater?” Ngumisi siya at umiling. “Really, Klare?” He started.

“Really.” Hinarap ko siya. “You were with Selena that night!”

“Yeah, so what if I was!?” Nakita kong kumislap ang mga mata niya sa nagbabantang luha. Galit siya at frustrated.

Nalaglag ang panga ko nang nag sink in sa akin ang sinagot niya. It was true! It was all true! Umangat ang dibdib ko sa pagtikhim sa gulat sa natanggap na sagot niya. Kahit alam kong totoo ‘yon ay nakakagulat parin na inamin niya sa akin ngayon. Siguro ay dahil nong wala pa siya, may kaonting parte sa akin na umasa na hindi totoo ‘yon!

“You… You were with a bunch of guys! You didn’t even tell me! Bakit? Are you hiding something, huh, Klare? You’re the one who cheated.” Mariin niyang sinabi.

“I did not!” Fuck. I’ve been a good girl! Ikaw ang hindi. Hate the club! Hate that scene!

“I was with Selena for dinner. And you were with… God knows who. You didn’t even tell me. How the hell do you think will this work if you have those secrets, huh?”

Umiling ako at ang nangingilid kong luha ay bumuhos na.

“You were with her.” Tumango ako, patuloy na bumuhos ang luha ko. Gusto kong mag mura. Iyon lang ang tanging tinanggap ng utak ko. He’s with her for dinner. “And what kind of dinner was that, Elijah? Grilled lips with tongue sauce? What was for dessert?” Nanliit ang mga mata ko.

Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko. “Fuck!” Mariing sinabi niya.

Hinampas niya ang manibela at nagulat ako nang lumapit siya sa akin, marahang hinila ang braso ko at idinampi ang mainit niyang labi sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at sinampal ko siya. Tinulak ko siya at mas lalong bumuhos ang luha ko.

Sa gulat niya ay tumunganga siya sa kanyang upuan.

“Klare…” May pagbabanta sa tono niya.

Humagulhol ako. “Don’t you dare kiss me again.” Sabi ko at binuksan ang pintuan habang humihikbi.

Hinila niya ang pulso ko ngunit hinawi ko ang kamay niya.

“I hate you. Wag mo na akong pakealaman!” Sigaw ko.

“Fine! Go with your boys! Di kita papakealaman! That video isn’t recent-” Padabog ko siyang pinagsarhan ng pintuan.

Nakuha ko ang huling sinabi niya ngunit bumuhos na ang luha ko at nahihilo na ako kaya tumakbo ako pabalik ng Lifestyle District. Nakasalubong ko si Seymour, basa at hinihingal.

“Where have you been? Hinahanap ka ni Gavin sa akin.” Natigilan siya nang nakita ang luha ko.

“I want to go home.” Hikbi ko.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: