Until Forever – Kabanata 39

Kabanata 39

Back

Itinulog ko na lang ang buong gabing iyon. Kahit na dilat ako hanggang hatinggabi ay nagkunwari akong tulog sa bahay at sana na rin sa sarili ko. Nag usap lang kami ni daddy kanina pagkatapos naming nag usap ni papa. Nangungumusta lang naman si daddy kaya ginawa ko iyong pagkakataon para makapag paalam para sa pag punta naming Surigao.

“Hmm, so you’ll be there for three to five days.” Ani daddy sa telepono.

Kanina ay tinanong niya ako kung bakit hindi niya ako macontact sa cellphone ko o kahit sa iPad ko. I told him my batt’s dead. It’s been dead for a while now.

“Opo. Baka po pagkatapos nito, si Tita Marichelle at papa uuwi na ng Davao. Pati si Ama kaya… habang nandito sila, dito na rin po muna ako. I miss you…”

“We miss you too, Klare.”

Nang nakausap ko naman si mommy ay hindi ako gaanong nakapagsalita. Sariwa parin sa aking utak ‘yong mga sinabi ni papa tungkol sa kanila. Pinaalalahanan niya lang ako na huwag masyadong lumayo sa shore pag pupunta kaming Siargao dahil maalon doon. Mag ingat sa pag su-surf at kung pwede ay huwag na dahil tingin niya ay delikado. Kahit na paniguradong di ‘yon maiiwasan, Hendrix and Pierre will be there so…

“I will call you every now and then, Klare. Bakit kanina pa patay ang cellphone mo?” Mom asked.

“Ah. Nakatulog po kasi ako.” Sabi ko.

Pagkatapos ng tawag na iyon ay dilat ulit ako sa dilim ng aking kwarto. Pinapanood ko ang moving lights galing sa lamp. Kitang nakalapag sa mesa ng lamp na iyon ang earrings, anklet, at barrette na binigay ni Elijah sa akin.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko nang narinig ko ang ingay sa labas ng aking kwarto. May kumatok doon bago binuksan at narinig ko ang pabulong na mga boses ni Pierre at Hendrix.

“I just wanna check if she’s asleep. I think she is.” Bulong ni Hendrix.

“Gavin called. Hindi niya raw matawagan si Klare. I called her a couple of times today, ganon rin. Her phone’s probably dead since yesterday?” Ani Pierre. “Nagkausap ba kayo ni Elijah?”

“I… was kind of pissed. I told him to back off.”

‘Yon ang narinig ko galing sa dalawa bago sinarado ang pinto ko. Tumikhim ako at mas lalong hindi dinalaw ng antok. Imposibleng hindi niya alam ang nangyayari. It’s all over the internet.

Kinaumagahan ay panay rin ang pakikipag usap sa akin ni Hendrix sa hapagkainan. Abala si tita Marichelle sa pagbibisita sa mga kaibigan nilang chinese sa Cagayan de Oro habang si Ama ay nag papamasahe sa kanyang kwarto kaya naiwan kaming tatlo sa sala.

“Saw your cousins sa court kanina… Sasama ka ba daw sa Sembreakers party? They texted you but you didn’t reply.” Ani Hendrix pinapanood ang paglipat lipat ko ng channel.

“Aalis tayo bukas. I shouldn’t party.” Sabi ko nang di siya sinusulyapan.

“Nah, it’s okay, Klare. Pwede ka namang matulog sa byahe. It’s probably 6-8 hours to Surigao. Sa syudad pa tayo magpapalipas ng gabi. The next day, we’ll go to Siargao. Ama wants to see dad’s land in Surigao, so…”

Tumango ako. “I don’t know…”

Napatalon ako nang umupo si Pierre sa inuupuan kong sofa at inakbayan niya ako. Nilingon ko siya. Hinilig niya ang kanyang ulo sa aking balikat.

“Pumunta ka. Pupunta ako. Let’s go together. If you don’t want to be with your cousins, then we’ll go together.”

Ngumuso ako. “I want to be with my cousins. I want to be with you, Pierre. Wala lang talaga akong gana. And… I thought you didn’t like parties?”

Ngumiti siya at nagkibit balikat sa akin. Umiling na lang ako. Narinig ko ang door bell at tumayo agad si Hendrix.

“It must be tita Luisa and our cousins.” Aniya ngunit bumalik ang katulong galing sa gate, kausap ang security guard.

“Gavin Co and… uhm, Vaughn.” Anang katulong.

Nilingon ako ng dalawa. Nagtaas naman ako ng kilay sa kanila.

“Did you invite them?” Tanong ko.

“Hindi. Hindi mo ba pinabisita? Or is it Ama? Kay Gavin?” Nilingon ni Hendrix si Pierre na ngayon ay nakatayo na at tinitingnan ang labas.

Pumasok na si Gavin at naglalakad na patungo sa loob. Sumunod naman si Vaughn.

“I invited Vaughn. Not Gavin Co.” Ani Pierre na kahit ganon ay nakipag tanguan at kamustahan parin kay Gavin. Nakipag high five naman siya kay Vaughn.

Tumayo ako para salubungin sila ng ngiti.

“Klare…” Ani Gavin at pinanood ako nang may halong pagtataka.

“Klare! I missed you!” Ani Vaughn at sinalubong ako ng yakap.

Nakita ko ang pag taas ng kilay ni Gavin at ang pagsunod niya ng tingin kay Vaughn.

“Vaughn.” Tawa ko sa reaksyon niya.

I’m kinda preoccupied with Elijah this past few months kaya hindi ko na siya gaanong nakakasama. He was good and gentle to me. I shouldn’t forget friends…

“Vaughn, this is Gavin Co.” Ani Pierre at uminuwestra si Gavin na nakatayo sa tabi niya.

Magkasalungat si Gavin at Vaughn. Kung si Gavin ay medyo seryoso ang chinitong mga mata, si Vaughn naman ay may palangiting mga mata.

“I think we know each other.” Sabay lahad ni Vaughn ng kamay kay Gavin.

“Yeah. From the court.” Ani Gavin at tinanggap ang kamay ni Vaughn.

Napagtanto ko kaagad na nagkakilala sila dahil sa basketball. Pinanood ko ang tanguan ng dalawa. Si Pierre ay pinagmamasdan ang reaksyon ni Gavin.

“Klare didn’t tell me na nakasalamuha ko na pala ang boyfriend niya sa court…” Inosenteng linya ni Gavin.

Narinig ko ang singhap ni Hendrix. Nakapamaywang siya at nilapitan ako. Kumunot ang noo ni Vaughn at palipat lipat ang tingin niya sa akin at kay Gavin.

“What… What boyfriend? May boyfriend si Klare?” Nanlaki ang mga mata ni Vaughn.

Mariin akong pumikit kahit na nakita ko naman kaagad sa mukha ni Gavin ‘yong pagkakarealize sa kanyang pagkakamali.

“Oh. I’m sorry.” Ani Gavin.

“No… No… Pierre, may boyfriend si Klare? Because I’m pretty sure she dumped me. I’m not her boyfriend…” Natatawang sinabi ni Vaughn. “But, I’m willing to be. I want to be.” Bumaling siya sa akin.

“Whoa, whoa there Vaughn. You have the VIP ticks from that party? Don na tayo sa kitchen mag usap.” Ani Hendrix, hinihila si Vaughn palayo sa akin.

Umiling si Pierre. “Walang boyfriend ang kapatid ko.”

Mas lalo lang din akong umiling. Now, Gavin will think I’m a big fat liar. But maybe… yes, wala na akong boyfriend.

“Tara na, Vaughn.” Tinulak na rin niya ang medyo nagwawala at natatawang si Vaughn.

Nginitian ko na lang siya at pinanood na nawawala sa aming kusina.

“No boyfriend, huh? Sino ba talaga ang papaniwalaan ko?” Nagtaas ng kilay si Gavin.

Kinagat ko ang labi ko. “Let’s not talk about it, Gav. Uhm, you need something?” Tanong ko, pinapanood ang katulong na naglalapag agad ng mga cookies at juice sa aming center table.

Umupo na ako at kinapa ang remote control ng TV. Kinuha ko rin ang unan at niyakap bago bumaling ulit kay Gavin na paupo na rin.

“I’m just worried. I left you with Hendrix last Saturday. Ni hindi ko alam kung bakit ka umiyak.” Tumigil siya at mukhang naghihintay ng idudugtong ko.

Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko siyang ipagpatuloy ito.

“I realized that… I’ve been an ass to you. Ni hindi ko… Ni hindi ko talaga sinubukang makipag date sa’yo kahit as friends. Instead, I brought Ivana and…”

“Gavin, it’s okay. Wala ‘yon. I understand your situation perfectly. Don’t worry about it.”

“Did you cry because you were depressed? Because of our situation?”

Umiling ako. “Hindi.”

Ngumuso siya. “Hindi ko talaga makuha. I’m worried because I think it’s my fault.”

“I assure you, Gav, it isn’t your fault. Don’t worry about it.” Mariin kong sinabi.

Tumikhim siya. “Actually, muntik na kaming mag suntukan ni Seymour kahapon dahil sa galit niya sa akin. He’s worried about you too. And he thinks it’s his fault.”

“No, Gav. Wala sa inyong dalawa. I’m just really…”

Hindi ko alam pero hindi ko parin kayang sabihin sa ibang tao. Kahit na sabihin nating mapagkakatiwalaan naman sila at kailangan nilang malaman ang dahilan ay hindi ko parin kayang sabihin kung bakit ako nasaktan.

Tama na ‘yong nasaktan ako. Sumusobra na yata kung kaawaan pa ako ng ibang tao.

Humalakhak siya. “Okay… So… Iisipin ko na lang na that’s a piece of you a guy like me can’t touch.” Tumango tango siya. “By the way, you want to go out tonight?”

“Uhm… Saan?” Tanong ko.

“It’s a friendly night out. Pambawi ko sana sa’yo. I won’t be with Ivana. She encouraged me to do this. She’s worried about you too, so…” Nakita ko ang pagpula ng kanyang pisngi.

Tinitigan ko pa ito bago ako sumagot sa kanyang sinabi. Nakita ko pa ang pag iwas niya ng tingin sa akin ng dalawang beses.

“I’m guessing, it’s a party?” Tanong ko.

“Yeah… I heard your brothers have ticks? Nasa guestlist ako kasi sina Seymour ang nag organize. You know Silver Sarmiento? Sila ang nag organize nito… so… I can add you to the guestlist. Actually, nalagay na kita. I’m with my friends but I assure you you won’t feel out of place.”

Hindi ako nagsalita. Ngumiti lang ako dahil nawala ako sa aking pag iisip. Come to think of it, all my life my night outs revolve around the Montefalcos or the Tys. Hindi ko maalala noon kung kailan ako lumabas na ang kasama ko ay ibang tao at walang kapamilya. Pag nanonood kami ng sine nina Hannah, Julia, at Liza noon, palaging kasama si Erin at Claudette. Of course because they are closer to them. I am only close to my cousins. Medyo interesado ako sa ideyang iyon.

“Uhmm… Is it a no? Your brothers are going? I’m sure your cousins too? Sasama ka sa kanila?” Tanong niya.

Tumango ako at ngumuso. “It’s rude pag hindi ako sasama sa kanila… But, I’ll try to… ask kung pwede ba akong sumabay sa inyo tapos sumama sa inyo, magkikita kita rin naman kami don.”

Ngumiti siya. “That would be great! Sige.”

“Wala nga pala akong phone so… ano-“

“Wala kang phone? What happened to your phone?” Kumunot ang noo niya.

Nagkamot ako ng ulo. “Ganito, hihintayin na lang kita dito. Anong oras ka kaya dadating?” I asked.

“Maybe 8PM?”

Sa usapang iyon ay nagkaroon kami ng deal. Nagpaalam na agad siya kahit na sinabi kong kakain muna kami. Ni hindi siya nasilayan ni Ama kaya mas gumaan ang loob ko sa lakad na ‘yon. He wasn’t pressured by anyone. He’s a good person. Sasama ako sa kanya dahil gusto kong tanggapin ang alok niyang pakikipag kaibigan. Bago siya umalis ay sinabi ko sa kanya na dalhin niya si Ivana. It’s okay with me.

“Are you sure about that?” Tanong niya.

“Sure.” Ngiti ko.

“Sasama siya sa mga kaibigan niya. We’ll see her there.” Iyon ang sinabi niya bago niya pinaandar ang sasakyan.

“Where’s Gavin?” Tanong ni Hendrix nang pumasok ulit ako sa bahay at nasa sala na sila.

Nakabusangot si Vaughn at pinapanood ang mga galaw ko.

“Umalis na. Pupunta ako sa Sembreakers, kasama ‘yong mga kaibigan niya.” Sabi ko.

Nagkatinginan sila.

“So… he’s courting you?” Tanong ni Vaughn na agad namang sinapak ni Hendrix. Nginiwian niya ang kapatid ko.

“Nope. He’s just a friend.” Sabi ko.

“Chinese is for chinese?” Sabi ulit ni Vaughn na sinapak na naman ni Hendrix.

“No, Vaughn.” Ngiti ko.

Nagkulitan pa silang tatlo. Ang usapan ni Vaughn at ni Pierre ay tungkol sa basketball. Si Hendrix naman ay abala na naman sa kanyang laptop. At ako ay inubos ang oras sa panonood ng TV.

Pumapalakpak si Pierre sa harap ng mukha ni Vaughn kapag napapansin niyang nagnanakaw ng tingin ito sa akin. Hindi ko mapigilan ang tawa ko. I miss Vaughn and his crazy antics. Kahit na hindi tulad noon na palagi niyang naisisingit ‘yong mga biro niya ay masaya parin siyang kasama.

“We’ll see each other there.” Sabi ni Pierre nang dinalaw ako sa kwarto kalaunan ng gabing iyon.

Nakaharap ako sa salamin at alam kong naghihintay na si Gavin sa baba. Ama entertained him there. Hindi ko pa maalis sa isip ko ‘yong kagalakan sa mukha ni Ama nang nakita niya si Gavin na maporma at hinihintay ako for the party. Hindi ko alam kung nakuha niya bang party ang pupuntahan namin at hindi date. That’s two different things. And also, we’re with Gavin’s friends and the probability that Ivana’s there is high kaya walang malisya ang lahat ng ito. This is my diversion. I need it.

“Yup…” Sabi ko.

Tinitigan ko siya. Ayan na naman ang mga mata niyang kung makatitig ay parang nanunusok. Ngumuso ako sa porma niya. He looks cool. Kahit simpleng grey t-shirt, pants, at top sider lang ang suot niya, may kung ano sa kanya. Maybe it’s the new haircut?

“My brother is so gwapo…” Ngiti ko at binalingan siya para yakapin.

Ngumiwi siya. “I’m worried about you. Are you sure you’re okay? I… I don’t want you to be friends with Gavin just because you’re in pain, Shobe.”

Tumindig ang balahibo ko sa tawag niya sa akin. Pierre can be sweet and it’s addicting. Ngumiti ako.

“I’m not gonna do that, Shoti.” Ngiti ko, pang aasar sa kanya. Ayaw niya talagang paniwalaan ko na mas matanda ako sa kanya. He wants to be my Ahia.

Pagkababa namin ay agad kong narinig ang tawa ni Ama. I just want to be out of here, away from her. Agad na akong nag paalam.

“Mag ingat kayo…” Sabi ni Ama at kumaway na sa aming dalawa ni Gavin.

I can only magine what she told him. Nangako rin si Hendrix na susunod sila ni Pierre at nasabihan na ang mga pinsan ko na pupunta ako.

Maaga pa kaya kumain muna kami ni Gavin sa labas. Isa isa ring nag sidatingan ang mga kaibigan niya don sa Mykarelli’s. Sabay sabay daw kaming pupunta sa Lifestyle District kung saan gaganapin ang Sembreakers Wet n Wild party. Tahimik ako habang nagtatawanan ang halos lahat mga chinese nilang mga kaibigan.

I know some of them. Nakilala ko sa school nong high school at ang iba ay naging kaklase sa college so it’s not hard to blend in. Hindi lang talaga maiwasan ‘yong magkunot noo ng mga hindi nakakaintindi sa sitwasyon. Of course, they want Ivana for Gavin. I am the villain here.

Bumili sila ng Red Label. It’s their sort of pre game before the party. Maingay sila, halos kasing ingay ng mga Montefalco. Mahilig silang mag bottom’s up. Limang shot pa lang ay medyo tipsy na ako.

“Hindi ba cousins mo sina Azrael at Josiah?” Tanong ng chinitang naging kaklase ko sa isang subject nong 2nd year College na si Rina.

“Yup.” Tango ko, medyo namumungay na ang mga mata.

Itinigil na nila ang inuman. Hindi ko alam kung dahil ayaw nilang malasing ng tuluyan o dahil ubos na ang Red Label.

“Anong balita don sa pinsan mo? Nagkabalikan ba sila nong ex niyang relative mo rin? Selena Chiong? ‘Yong laking Davao na nasa New York na?” She asked.

Kinagat ko ang labi ko. Pinapanood ako ni Gavin.

“I’ve seen their video. The kissing part? God! It was hot. I’m jealous. Ang hot lang talaga ni Elijah Montefalco.” Sabay hagikhik niya.

Kinuha ko ang menu. I guess I’ll need another round of something. Can I be drunk? Even just for tonight? Kinuha ni Gavin sa kamay ko ‘yong Menu.

“Unless you’re hungry, Klare… I know how much alcohol you Montefalco’s take in with you.” Iling niya.

“I don’t know, Rina. Siguro. They kissed so… most probably…” Halos masamid ako sa sinabi ko.

“Ayos na ayos sa Ama mo ‘yon, huh? Because he’s filthy rich with a famous family name kaya ayos.” Tango niya sa mga katabi niya.

Tiningnan ko ang menu na nakay Gavin na ngayon. I want shots of vodka or something really hard like whiskey.

“Let’s go, guys.” Tawag nila at tumayo na sila kaya ganon rin ang ginawa ko.

Dammit! The video’s creeping on my mind! I hate it! Lalo na nong pinag usapan nong mga kaibigan nila ‘yon at tiningnan pa nila ‘yon. Dinig na dinig ko ang pamilyar na beat ng background music. I felt sick. Naaalala ko ang dila ni Elijah. I tasted his lips before… and he tasted Selena’s. Fuck this!

“Where are you going, Klare?” tawag ni Gavin nang kumawala agad ako sa crowd nila pagkalagpas ng Balbacue para maghanap ng kahit anong shot. I need the pain out of my system.

“We’ll see each other near Junno. I’m… gonna find my cousins.” Sabi ko kahit na nakita ko na si Erin na pinapasadahan ng daliri ang buhok at may tinatawagan. Sa harap niya ay ang mukhang nag aalalang si Josiah at Azi.

Medyo umiikot na ang mundo ko pero kulang pa iyon para mamanhid ang kung anong sakit, galit at poot na nararamdaman ko. Nang nakita ako ni Erin ay nanlaki ang mga mata niya at agad binaba ang cellphone.

Ngumiti ako dahil nakita kong pareho kami ng suot: High-waist shorts, midriff top.

“Oh my God, Klare… You’re here!” Ani Erin, dinig ko kahit maingay.

“Let’s get her out of here.” Sigaw ni Azi dahil sa ingay.

“No, Azrael.”

Kumunot ang noo ko sa pagtatalo nila. “Kararating ko lang, aalis agad?” Ngiti ko.

Tumitig si Josiah at Azi sa akin. Nanliit ang mga mata nila. “Oh fuck, she’s drunk.”

“What? No. I’m not!” Iritado kong sinabi. Totoong hindi ako lasing. They’re just over reacting.

“Your asshole ex is back in town. He’ll hunt you down. You choose, leave or stay.” Mariing sinabi ni Azi sa akin.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: