Until Forever – Kabanata 38

Kabanata 38

Blur

Kinaumagahan ay isa ako sa huling nagising. Siguro ay dahil medyo matagal akong natulog at gusto kong tulugan na lang ang sakit. Pagkadilat ko ay si Claudette na lang ang katabi ko. Tulog na tulog pa siya at sabog ang kanyang buhok sa unan.

Nanghina ako nang kinapa ko ang cellphone sa tabi ko. Naging kagawian ko na ito lalo na nong umalis si Elijah. I don’t know if it’s still a good thing right now. I just want to turn it off, maybe the pain will also go away that way.

Isang mensahe lang ang nakita kong text ni Elijah at halos sabay nito ang pag gising ko.

Elijah:

Klare…

That was it. Nanginig ang kamay ko at nagbara ang lalamunan ko. Umaga na nang nag text siya samantalang panay ang text ko kagabi. I told him we’d Skype or Facetime or even just call. Kaya lang ay inuna niya ‘yong kay Selena. And I don’t know what happened to the rest of the night. If they were on the same bed or what pero ayoko nang malaman. Galit na nga ako sa kanya ngayon pa lang paano na lang kung malaman ko ang lahat.

At kung hindi man totoo ‘yong nangyari kagabi (yes, I’m still holding on to that possibility), bakit ganito lang ang text niya kinaumagahan? More importantly, why didn’t he text me yesterday? Ganon ba kahirap mag text man lang? Was he too preoccupied? Was he too guilty?

Tinakpan ko ng palad ang mukha ko. Hindi ako nag reply. Inisip ko pa ngang pag ka lowbat nitong 5% kong battery ay siguro hindi ko na ulit ito i-cha-charge. I don’t want to be reminded. I don’t want to text him. I hate him. I hate him right now. I hate him to the core.

Iniwan ko ang cellphone ko sa kama at lumabas doon nang hindi ginigising si Claudette.

Sinundan ko ang mga boses ng nag uusap kong mga pinsan. Wala sila sa dining room o sa sala. Silang lahat ay nasa kitchen nina Josiah. Probably eating breakfast… Natigilan ako sa kalagitnaan ng paglalakad ko nang narinig ko ang pag mumura ni Azi.

“I did not answer the asshole’s call.” Dinig ko.

“I think you should have-” Singit ni Chanel.

“Para saan? Magtatanong siguro siya kung ano ang problema ni Klare. If he was a responsible boyfriend, dapat ay kagabi pa lang alam niya na ang problema. At mas lalong kagabi pa lang, alam niya nang masasaktan si Klare.”

“I agree. He’s completely aware that the video might reach Klare. Or the picture. Inisip niya bang hindi kakalat ang kamalian niya? No. Instinct ang pinagana niya-” Dagdag ni Josiah.

“Nagsalita kayo. All I know is that Ej has better judgement sa inyong lahat. Naakit na kayong lahat ng magandang babae, si Elijah lang ang hindi, siya ang huli. Instinct? Hindi siya nag papadala don.” Ani Erin.

“So what’s your point, sis? Na he was drugged or probably hypnotized? It was obvious he enjoyed that kiss.” Ani Josiah ng natatawa.

“The fucker commented.” Ani Rafael at natahimik sila.

Napabuntong hininga ako at nagpasyang magpakita na sa kanila at magpakatatag na lang.

“Sinong… gago ‘yan?” Tumawa si Damon.

“The hell? Ganon ikinoment niya? He’s stupid.” Iritadong sinabi ni Josiah.

“Don’t you dare tell him, Jos.” Sabi ni Chanel.

“Talagang hindi. Magdusa siya sa ginawa niya.”

Mabilis akong pumasok sa kitchen at nakita kong nakatingin silang lahat sa cellphone ni Rafael. Agad nilang itinago iyon at ang mga nakatayo sa tabi niya ay kumalat na malapit sa fridge at sa sink.

“Good morning, Klare!” Bati ni Erin at agad inilahad ang katabing high chair.

Kumakain sila ng fries at burger bilang breakfast. Tahimik sila at bulungan kung mag usap si Azi at Josiah.

“Dette…” Dinig kong tawag ni Chanel at may ibinulong sa kanya, nagising na rin si Claudette at nakisali sa gulo.

“You feeling better? Labas tayo mamaya?” Ani Erin ng nakangiti.

Nginitian ko siya pabalik. Kaya ko namang ngumiti kahit paano. But it’s not because I’m feeling good, I’m smiling because I need to. “Tsaka na muna. Baka magtaka si papa at Tita Marichelle. Uuwi ako ngayon. I’ll stay at home for tonight.” Sabi ko sabay kuha ng piraso ng lettuce at ni dip sa ceasar salad dressing.

Naramdaman ko ang titigan ni Erin at Azrael ngunit binalewala ko iyon. Kahit anong gawin nilang pagtatago sa pag uusap nila tungkol sa akin ay alam ko iyon.

“Sama ka na lang. May game kami mamaya sa Alwana Business Park, kasama sina Eion tsaka baka sumama rin mga kapatid mo.”

“I’ll try. I’m tired. Medyo kulang pa ako sa tulog baka itulog ko ito ng buong araw mamaya.” Ngiti ko ulit.

Hindi pa nakakadagdag ang mga pinsan ko ay narinig ko na ang tawag ng katulong nina Erin.

“Nandito sina Hendrix.” Ani Josiah at pumanhik sa sala para tingnan ang mga kapatid ko.

Bumalik siya na dala si Pierre at Hendrix. Parehong pinanonood ako na para bang may bomba sa akin na kahit kailan ay pwedeng sumabog.

“Hey…” Ani Hendrix at lumapit sa akin.

Tumayo si Erin at kumuha ng mga plato. Kinalabit niya ang kanilang katulong at may ibinulong dito.

“Hey…” Sabi ko sabay tingin sa kanya. Tinititigan ako ni Hendrix at alam kong naghahanap siya ng maling ekspresyon. “You okay? Nag usap na kayo?”

Umiling ako at nag iwas ng tingin. I didn’t want to talk about it. Alam kong nararamdaman din ‘yon ng mga pinsan ko kaya ayaw nilang mag usap sa harap ko.

“Don’t you think it’s wise to call him and ask?” Kumunot ang noo ni Hendrix.

“Hayaan mo na ang gagong ‘yon, Hendrix. Klare’s hurt-” Ani Azi.

Pinutol ko siya. “He texted me.” Sabi ko.

Pinanood nila ako. Akala ay kung ano na ang sinabi ni Elijah sa akin.

“‘Yong nakalagay lang sa iisang text niya ay, ‘Klare…’ that’s all.” Kibit balikat ko.

“Asshole.” Ani Azi.

“Don’t you dare tell him, Dette.” Banta ni Josiah sa nakahalukipkip at tahimik na si Claudette.

Nakatoon ang tingin namin kay Claudette na ngayon ay ngumingiwi sa bilin ni Josiah.

“Why would I?”

“Baka lang may sabihan kang ibang tao na… you know… close sa kanya…” Ani Josiah.

Kinagat ni Claudette ang kanyang labi.

“Yeah.” Tango ni Azi at bumaling kay Rafael. “Wag mo ring sabihin kay Knoxx. He’s probably in Manila. Baka sabihin niya kay Elijah. Let his ass suffer. So, Dette Dette, burn the bridges. Don’t tell Spike anything.”

Bumagsak ang tingin ni Claudette sa kanyang mga paa.

“Hindi naman talaga. We’re not close. Why would I tell him?” Marahan niyang sinabi.

Humalukipkip si Pierre at tinoon ang atensyon sa akin. “Let’s go?”

“Kumain muna kayo.” Ani Erin na ngayon ko lang napansin, naghanda ng pagkain sa kanilang dining table.

Nang ihatid ako ni Hendrix at Pierre sa bahay ay nagpumilit din silang isama ako sa game. Tumanggi ako dahil sa pagod at mas ginusto kong matulog. Patay na ang cellphone ko kaya tahimik na. Tuwing naaalala ko ang nangyari ay hindi ko mapigilang mapaiyak na lang ng tahimik sa aking kama.

Tumatok si Ama sa aking pintuan. Dinig ko ang tawag niya sa akin kaya mabilis kong inayos ang mukha ko para lang maharap siya.

Binuksan ko ang kwarto ko at ang mukha niyang nakangisi ang bumati sa akin.

“You were with your family last night? How was your date with Gavin?” Tanong niya at umupo sa aking kama.

“Ayos po. Pumunta kami ng High Ridge at kumain.” Hindi ako makatingin ng diretso. I did not lie but still…

“How is the boy? How is his ideals? His ambitions? Will there be a second date?” Tanong ni Ama.

“I-I’m not sure about the second date, Ama. He’s a good man. Funny and gentleman.” Tumango ako. Hope she doesn’t mind my vague answers.

Humagikhik siya. “I knew you’d click. Madalas magaling akong match maker.”

Yes, Ama. That’s why Elijah and Selena are meant to be. You are great match maker.

“Well, I guess I won’t ask about your second date. Sasama ang kanilang pamilya sa atin sa Surigao this coming Tuesday.” Ani Ama.

Sa Surigao kami pupunta? It’s been decided? Well, that’s Ama for you.

“Were you allowed by the doctor to… travel, Ama?”

Humagikhik siya. “Yup. We’ll travel by land. Mas na s-stress ako ng connecting flights from Cebu to Surigao so I’d rather travel by land.” Ani Ama nakangiti parin sa akin.

Tumango ako. I guess I have no choice.

“We’ll take a look on that piece of land your father bought years ago and see if it can help us in the business. At isa pa, I adored the beaches in that place. Your brother Pierre suggested Siargao so we will go there.”

Tumango ulit ako at nag angat ng tingin kay papa na nasa pintuan, nakatayo. Hindi ko iyon sinarado kaya naabutan niyang nag uusap kami ni Ama.

“Ricardo! Nakakagulat ka naman.” Sabay hawak ni Ama sa kanyang dibdib. “Klare and I are talking about the trip. I am excited.”

Tumango si papa at tumama ang tingin niya sa akin. “I am too. We prepared two vans. Bukas ang dating nina Luisa and the kids… Don’t you think it’s better if we move the dates to Wednesday? Para makapag pahinga naman sila.”

“Oh Ricardo, don’t worry about them. They are excited too.” Ani Ama at tumayo.

Kung anu-ano pang pinag usapan ni Ama at papa. Tahimik lang akong tumayo doon at hinayaan silang dalawa hanggang sa nag desisyon si Amang lumabas para sa mga bulaklak na inaalagaan niya.

Bumuntong hininga si papa at bumaling sa akin pagkatapos pagsarhan ng pinto si Ama. Umupo ako sa aking kama at tiningnan siyang mabuti. Mukhang may gusto siyang sabihin sa akin kaya hindi pa siya lumalabas.

“How are you, Klare?” Tanong niya.

Hindi ko alam kung sinabi ba sa kanya ni Hendrix o Pierre. Ayokong malaman niya. Ayokong mag alala sila. It’s enough that my cousins think I’m a walking bomb. I don’t need my papa to think that I’m miserable.

“I’m fine po.” Sabi ko ng nakangiti.

Seryoso niya akong pinanood lagpas sa kanyang salamin. Umupo siya sa maliit na sofa katabi ng kama ko at tumikhim.

“How’s Gavin?” He asked.

Tumango ako. “Maayos po. Mabuting tao po siya.”

Tumango rin si papa. “Kamusta kayo ni Elijah? Alam niya ba ang tungkol kay Gavin?”

Tumitig lang ako kay papa. Hindi ko kayang magsalita. Hindi ko kayang sagutin ang tanong niya. Nasasaktan ako. Natatakot akong manginig ang boses ko sa sagot ko sa kanya.

Ngumuso siya at kahit hinihintay ang sagot ko ay dinugtungan na ang kanyang sinabi. “You know… I am not totally pro on your relationship with Elijah… or any other guy, Klare. I am protective. But I’ve seen him work, I’ve seen his principles…”

Habang sinasabi niya ito ay naninikip ang dibdib ko. Ayokong marinig ang kahit anong tungkol kay Elijah. I want to shout and make him stop praising Elijah but I couldn’t. Kita sa mukha ni papa ang pagtataka ngunit pinagpatuloy niya ang kanyang sinabi.

“I’ve seen, well, his skills in business and in life. I must say he’s a good man. At kita ko kung saan nanggagaling ang mga Montefalco. Kita ko kung bakit ka nila pinagbabawalan sa kanya. You grew up together. You two are cousins and the people around you thinks you still both are cousins. They are trying to protect you two from all the judgements and the consequences…”

Bumuhos ang luha ko. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni papa sa pag iyak ko pero mukhang hindi niya naman nakita… na wala na akong ipaglalaban sa kanya. Wala nang natira. The Montefalcos are right. This is just a phase and it was a big mistake. Mali na naging kami dahil dadating din ang panahon na magkakasawaan. Magkakaroon lang ng mantsa ang pangalan namin at pananaw ng mga taong may alam ng tungkol sa amin.

“I also want to protect you. I am not totally fine with the idea of you and him. But if that what makes you happy then I won’t mind too. Klare…” Hinaplos niya ang aking likod.

Pa, it’s too late.

“Your ama wants Gavin for you not only because he’s chinese but because she thinks he’s a good man. You’ll fit. But please learn from my mistake…”

Nag angat ako ng tingin kay papa. Pinupunasan ko ang luha ko at sinasantabi si Elijah. Enough of the tears for him. He didn’t deserve any of this. Asshole.

“I married your tita Marichelle because your Ama wants me too. Kaya naman nong nakilala ko ang mommy mo sa Davao ay parang nayanig ang mundo ko. Everything’s my first time. First time kong mabaliw ng husto, first time kong paghirapan ang atensyon ng isang babae, first time kong magkagusto ng ganon.”

Tumigil ang hikbi ko at nagulat sa sinabi ni papa.

“Alam kong dapat ay hindi mo na ‘to nalaman pero gusto kong makita mo ang gusto kong iparating. I love your tita Marichelle but I fell for your mom. She was vulnerable that time. Lorenzo wasn’t there for her at ako lang ang meron siya. You were made… out of love, Klare. I loved your mom. And I am not blaming your Ama for making me marry Marichelle because…” Nanginig ang boses ni papa. “I love her too. I love her as my wife and as the mother of Pierre and Hendrix. But your mom made me feel things I have never felt before so I got hooked. Klare, I want you to make the choice.” Suminghap si papa at hinawakan niya ang kamay ko. “I want you to disregard your Amas suggestions. Don’t let the society dictate your decisions. I want you to decide through your heart.”

His message was clear to me, but my decision isn’t.

Elijah is a blur.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: