Until Forever – Kabanata 37

Kabanata 37

Change

Pinunasan ko ang luha ko. Pinaupo ako ni Seymour sa aking upuan.

“W-What’s wrong?” Kanina niya pa paulit ulit na tinatanong pero umiiling lang ako. Di ako makapagsalita.

Panay ang tingin niya kay Gavin, gusto niya atang tawagin para manghingi ng tulong sa akin. I just want to go home. O kahit saan. I just want to leave. I just want to be alone.

Pagmamakaawa sa kung sino man ang kinakausap ko sa utak ko. Si Elijah, oo. Siya. Sa kanya ako nagmamakaawa. Dahil bumubuhos lahat ng mga dahilan sa utak ko. Bakit nagawa niya sa akin ‘yon?

“Klare…” Tawag ni Seymour sa akin. Lumuhod siya sa harapan ko habang pinupunasan ko ang luha ko. Hindi ako matigil sa pag hikbi.

Hinawakan ni Seymour ang mga braso ko, nag aalala.

Paano ‘yon nagawa ni Elijah sa akin? Narealize niya ba na wala talagang mangyayari sa aming dalawa? Sumuko ba siya? But he was so sweet this morning! Was he drunk? Pag lasing ba siya sa video na ‘yon papatawarin ko ba siya? Is that okay? No! Fuck! I know it is not okay. Kahit anong rason pa ang sabihin niya ay hindi magiging maayos ‘yon sa akin.

“What’s wrong, Seymour?” Matigas na untag ni Gavin sa malayo.

Naririnig ko ang mga footsteps niyang patungo sa akin. Kahit sa mga matang puno ng luha ay nakita ko ang pagsunod rin ni Ivana sa kanya.

“Seymour…” Tawag ni Gavin na medyo marahas ng hinila ang braso ni Seymour.

“Dude, di ko alam. She broke down after…” Kumunot ang noo niya, hindi masabi ang gusto niyang sabihin.

“Klare…” Lumuhod si Gavin sa harap ko. Hindi ko alam kung alin sa dalawang ekspresyon ang nangingibabaw sa kanyang mukha: pag aalala at takot.

Pinunasan ko ang walang humpay na luha sa aking mga mata. I am unable to speak. I just want to be alone and not talk to anyone.

“Ayos ka lang ba? What’s wrong? Is there something wrong with Seymour? Inasar ka?” Marahang tanong ni Gavin, pinapasadahan ng tingin ang bawat sulok ng aking mukha.

“Seymour, what did you do?” Ani Ivana sabay tingin kay Seymour.

“Wala akong ginawa. We were just talking about our Facebook accounts. That’s all.” Paliwanag ni Seymour sabay hawak sa kamay ko.

“Klare…” Ani Ivana at umupo sa tabi ko, hinahaplos ang aking likod. “Okay ka lang ba?”

Ang pag aalala nila ay mas lalong nag pahagulhol sa akin. Buti pa ang ibang tao, nag aalala para sa akin. Si Elijah kaya? It was him right? Hinding hindi ako pwedeng magkamali. Baby, I said I won’t give up on you. So don’t give up on me. Dahil ba tingin mo ay wala na tayong pag asa dahil ayaw ng pamilya sa atin ay ganon ang gagawin mo?

“I… just want to go…” Sabi ko habang nagtatalo si Seymour at Gavin tungkol sa akin.

Hindi ko masundan ang pag aaway nila. Ang alam ko ay iniisip ni Gavin na may kinalaman ‘yon sa pang aasar ni Seymour sa akin. Habang si Seymour naman ay hindi makuha kung anong koneksyon ng video na ipinakita niya sa akin sa pag iyak ko. I didn’t want to explain. I just want to cry and shut up.

“Iuuwi ko na siya sa kanila.” Sabi ni Gavin kay Seymour. “Shall we, Ivana?”

Tumayo si Gavin at binalingan si Ivana. Hindi parin humuhupa ang pag iyak ko at nagpapasalamat ako na nilubayan na ako ng mga tanong nila.

Umiling si Ivana kay Gavin. “Mabibisto tayo. Sasama ako kay Seymour, isama mo si Klare.” Sabi ni Ivana.

“I don’t want to go home.” Sabi ko.

Medyo humupa na ang aking mga luha ngunit tulala parin sa nangyayari. Sa bawat sandaling nakikita ko sa utak ko ‘yong dila ni Elijah na pumasok sa bibig ni Selena ay nasasaktan ako ng lubusan. ‘Yong kamay niyang nahawakan minsan ang baywang ko ay nasa baywang ni Selena. Shit! Dammit! Pumikit ako ng mariin at lahat ng pagmamakaawa sa aking utak ay unti unting napalitan ng galit at pagtatampo.

“S-Saan kita… Shall I call Hendrix?” Tanong ni Gavin na dinudungaw na ang kanyang cellphone.

“I’ll call him.” Mas kalmado kong sinabi. “Wag mo akong ihatid sa Hillsborough.” Mahapdi ang mga mata ko nang nag angat ako ng tingin kay Gavin. “I’ll meet Hendrix on… I don’t know…” Nanginig ang boses ko nang narealize na wala akong mapupuntahan.

Ayokong umuwi sa bahay dahil masisira si Gavin kay papa at Tita Marichelle. Iisipin nilang pinaiyak niya ako.

“Klare, ihahatid na lang kita sa inyo. But first, I want to know what’s your prob. How will I explain it to-“

“Don’t, Gav. I’d rather be out. Namumugto ang mga mata ko sa pag iyak, papa will not accept any answer and I don’t want to lie-“

“Then don’t, Klare. Don’t lie. What’s your problem with that video? Elijah Montefalco and his ex girlfriend kissing. What’s your problem with your cousin’s video?” Kumunot ang noo ni Seymour.

Umiling ako at nagpigil ng luha. “Let’s just go.” Sabi ko sabay tingin sa cellphone kong walang text kahit nino, kahit kay Elijah.

“Okay, let’s go. Seymour, ‘tol, paki hatid si Ivana. I’m sorry.” Sabay tingin ni Gavin kay Ivana at halik sa pisngi nito.

Tumango si Ivana at pinanood akong nakatitig sa aking cellphone. “Mag ingat kayong dalawa. Thanks for tonight. Klare…” Lumuhod si Ivana sa aking harapan. “I don’t know what’s wrong but I hope it all turns out okay.” Ngiti niya.

Dahil hindi ako makangiti ay binaba ko na lang ang titig ko at tumango bago tumayo kasama si Ivana.

“This is unfair, Gavin. I was with her when she cried. Pakiramdam ko ay responsable ako sa nangyari.” Narinig kong bulong ni Seymour kay Gavin habang paalis na kami.

Si Ivana ay nasa gilid ko, tahimik. Ang dalawang lalaki naman ay nasa likod at nagtatalo na naman. Ayokong makisali sa usapan kahit na matatapos ‘yong pagtatalo nila kung sasabihin ko ang totoo. Nanginginig ang labi ko nang naisip ko ulit ito.

Sa loob ng sasakyan ni Gavin ay dinial ko ang numero ni Hendrix na agad sumagot.

“Rix…” Mas lalong nanginig ang boses ko nang sinagot niya ito.

“A-Are you okay? What’s wrong?” Nag aalala niyang tono. Siguro ay narinig niya sa boses ko ang pagkakabigo.

“C-Can you meet me somewhere? Maybe, fetch me? Sa Dunkin Donuts Divisoria? I don’t want to go home yet.” Sabi ko. “And maybe I can’t be home for t-tonight.” Kinagat ko ang labi ko nang namuo ulit ang hikbi sa akin. Tinakpan ko ng kamay ang aking bibig kahit alam kong wala akong kawala. Malalaman ni Hendrix na may problema ako.

“What… what the hell… is wrong? Where are you? Hindi ba ay magkasama kayo ni Gavin? Where is he? Wh-What happened, Klare?” Nagpapanic na boses ni Hendrix.

“Magkasama kami. Ihahatid niya ako ngayon sa Dunkin Donuts. Please, fetch me.” Humikbi ako.

“Okay. Okay.” Pinipigilan niya ang panic pero damang dama ko parin iyon sa pag bigkas niya ng salita.

Binalot kami ng matinding katahimikan sa sasakyan. Tulala parin ako at panay ang isip ko sa pagkakahawak ni Elijah sa baywang ni Selena, sa pagsasayaw nila, sa buhok ni Selena na ginugulo ni Elijah, sa halik… Bakit niya nagawa sa akin ito? Nangilid ang luha sa mga mata ko at hindi ko na naman mapigilan ang pag hikbi.

Tumikhim si Gavin at sinulyapan ako habang nagda-drive. “Klare, I’m worried about you. I want to respect your privacy. Ayokong manghimasok dahil hindi naman tayo close pero I also want to know what’s making you cry. Maybe I can do something about it.”

Umiling ako. That’s the sad thing there. Nobody can do anything about it. Kahit si Elijah ay walang magagawa.

Nakahalukipkip si Erin na nag aabang sa pag papark ng sasakyan ni Gavin sa Dunkin Donut. Hindi na ako nagulat na kasama siya ni Hendrix. Basta ang alam ko ay dumiretso na ako palabas ng sasakyan at niyakap agad si Erin na nakakunot ang noo, hindi alam kung anong nangyayari.

“Klare…” Agad dumalo si Hendrix sabay haplos sa likod ko habang nakayakap ako kay Erin. “Anong ginawa mo sa kapatid ko?” Tumaas ang boses ni Hendrix kay Gavin.

Nilingon ko kaagad sila. “Rix, don’t. Wala siyang ginagawang masama. Gavin, thanks for tonight. You can go. I’m sorry for ruining it.”

Nakita ko ang pag aalinlangan sa mukha ni Gavin ngunit nang nasulyapan ang kapatid ko ay agad na tumango at naglakad palayo. “Call me when you need me, Klare.” Ani Gavin bago bumalik sa sasakyan at umalis.

“Klare, what happened?” Marahang bulong ni Erin habang hinihila ako at hinaharap sa kanya.

Panay ang buhos ng luha ko. Tumunog ang cellphone ni Hendrix habang kinakalma ko ang sarili ko. I need a backstage. I need to tell someone. Baka sakaling maibsan ang sakit. Baka sakaling maliwanagan ako. Baka sakaling malaman ko ang totoo.

“Hello, Pierre?” Matigas na sagot ni Hendrix sa tawag. “Yup, I’m with her. Why?” Nilingon ako ni Hendrix at tumitig siya sa akin. “WHAT?”

Kumunot ang noo ni Erin at palipat lipat ang tingin niya sa akin at kay Hendrix. Nagsimula ulit bumuhos ang luha ko.

“I saw a video, Erin. Si Elijah at Selena, naghahalikan sa bar.” Sabi ko, nanghihina. Hindi ko alam saan ako humugot ng lakas para bigkasin ang mga katagang iyon.

“Where are you?” Narinig kong sinabi ni Hendrix.

“Impossible. Selena’s probably in… New York… or maybe still in Davao?” Nag aalinlangang sinabi ni Erin.

“Nasa Dunkin Donuts Divisoria kami.” Pagkasabi non ni Hendrix ay may lumapit agad ang isa pang pamilyar na sasakyan.

Hindi pa nakakapark ng mabuti ay tumakbo na si Chanel palabas sa sasakyan ni Brian para yakapin ako.

“Oh my God. I saw the video and the picture.” Niyakap niya na agad ako na para bang alam niya kung bakit umiiyak ako.

“What video, Ate? Can you enlighten me, please?” Tanong ni Erin.

Hindi ko na nasundan ang buong pangyayari. Nasa loob na kami ng sasakyan ni Hendrix, ako ang nasa front seat at ang magkapatid ay nasa likod. Si Brian ay naunang umuwi sa kanilang bahay at wala akong ideya kung saan kami pupunta ngayon. Kanina pa sagot nang sagot ng tawag si Hendrix at tulala na lang ako dito.

“God…” Marahang sinabi ni Erin habang naririnig ko ang boses ni Elijah sa likod. “Stop the cam please…”

Pinapanood nila ang video. Nangingilid ang luha ko ngunit pagod na akong humagulhol. Namanhid na ang dibdib ko at ayoko na lang makaramdam ng kahit ano. Namataan ko ang daang patungo sa amin at agad kong sinita iyon kay Hendrix kahit may katawag pa siya.

“Rix, I’m not going home. Please, tell papa hindi ako uuwi. I am not going home…” Nanginig ang boses ko. “Kahit sa Montefalco building, ayoko.”

“Hendrix, Morning Mist tayo.” Ani Erin.

“Okay.” Ani Hendrix at agad na niliko ang sasakyan patungo sa bahay nina Erin.

Anywhere, basta huwag lang sa bahay.

“Yes, Morning Mist.” Narinig kong sinabi ni Hendrix. “Wag na sa inyo.”

Binaba niya ulit ang tawag ng hindi man lang nagpapaalam.

“Pierre… Oo. Sa bahay nina Erin.” Aniya habang nililiko liko ng walang kahirap hirap ang sasakyan patungo sa bahay nina Erin.

“I don’t believe this, Ate.” Narinig kong sinabi ni Erin at padabog na sinarado ang pintuan ng sasakyan ni Hendrix.

Nanghihina akong lumabas at halos tulala ako doon sa labas ng bahay nina Erin. Dinaluhan agad ako ni Hendrix at pinag tatanong kung kumain na ba ako o anong gusto kong gawin. He was eager to lift me up, to make me happy, but I just can’t help myself.

“He is wearing black sa picture. This is recent. The picture is recent. The video, too, looks recent.” Ani Chanel habang pinapanood ulit ang video.

“No… Elijah can’t do this to Klare.” Ani Erin sabay iling sa kanyang kapatid.

Narinig ko ang pagkalabog ng iilang mga pintuan ng sasakyan. Dumalo agad si Josiah at Azi sa harap ko. Yakap agad ni Azi ang natanggap ko habang mga mura ni Josiah ang bumalot sa aking tainga.

“Fucking Ej. He’s going to lose this fight.” Ani Josiah.

“Klare, ayos ka lang?” Tanong ni Azi habang niyayakap niya ako.

Wala ng luha ang lumabas sa aking mga mata. Tulala lang ako habang nakasalampak ang ulo ko sa kanyang dibdib. Lahat yata ng lakas ko ay nihigop na ng pangyayari.

Narinig ko ang sabay na car alarm at nadagdagan ang dumalo. Medyo nagulat ako sa pagdating ni Damon, Rafael, Pierre at Claudette.

“Klare…” Sabay hila ni Clau sa akin galing sa yakap ni Azi. Umiiling na si Claudette na para bang nagsasabing huwag muna akong maniwala.

Narinig kong kumalabog ang dingding ng gate nina Josiah dahil sa suntok ni Azrael. Nagkakagulo silang lahat. Gusto ko silang pigilan sa pag aaway away at pagkakagulo ngunit ako mismo ay walang lakas.

“Yasmin is not replying.” Ani Chanel. “She’s not answering my calls too.” Sabay tingin niya kay Rafael.

“Putang ina din ‘yang si Elijah, ah? Nag text na ba sa’yo Azi?” Ani Rafael sabay tingin kay Azi.

“Hindi. He’s a big asshole.” Mariing sinabi ni Azrael.

“Azi, don’t conclude anything yet. Ni hindi pa natin alam kung totoo ba ito.” Ani Erin.

“Erin, it was posted an hour ago… This happened tonight. Kaya hindi siya nakakapag reply.” Ani Josiah.

“Elijah isn’t like that.” Giit na Damon. “We all know that…”

“We all know that he’s an asshole like ourselves.” Ani Azi.

“Shut the hell up, Azi. He is in love with Klare. Alam niyo ‘yan. You’ve seen how-” Giit ni Erin, tumataas ang boses.

“I’ve seen him kiss other girls while he’s in love with Klare, Erin.” Mas iginiit ni Azi sa mas mataas ng boses.

“Hey…” Ani Hendrix. “Stop it.”

“You know that can’t be true. Alam mong iba ngayon.”

“He’s probably drunk, that asshole. Putang ina niya. Sana gumapang siya sa putikan.” Ani Rafael sabay haplos sa likod ko.

Hinawakan ni Pierre ang kamay ko. Nilingon ko siya at kita ko ang pag aalala sa kanyang mga mata. I don’t know what to say… I don’t know how to handle this situation.

“Are you tired? You want to sleep?” Ani Pierre.

Nilingon agad kami ni Josiah. “Sa bahay ka na matulog, Klare.” Anyaya niya.

Hinawakan ni Erin ang kamay ko at hinila na papasok sa gate. Nanghihina ako at namumuo na ng unti unti ang panghihinayang sa akin.

“Can I sleep here too, Joss?” Tanong ni Claudette.

“Of course you can.” Ani Josiah.

“Klare, I’ll call mom and dad. Sasabihin ko dito ka muna sa kina Josiah.” Ani Hendrix sabay kuha sa kanyang cellphone.

“Sasabihin ba natin kay tito Benedict ang nangyari?” Tanong ni Damon.

“Let’s not make this issue big, Dame.” Ani Josiah.

“This issue is already big, Joss. Your hell of a cousin cheated on Klare.” Ani Rafael sa isang siguradong boses.

“He did not, Raf. Look. Let’s not conclude, okay?” Ani Erin.

Tumunog ang cellphone ni Chanel. Narinig ko ang mura ni Chanel sa anticipation sa maaaring nag text at laglag panga niyang binasa ang message.

“Patingin?” Ani Erin at kinuha sa kanyang kapatid ang cellphone.

Ang laglag panga rin ni Erin ay itinikom niya bago binigay kay Claudette na nasa tabi niya. “Klare, let’s sleep here. What do you want to do tonight? Anything…” Napapaos niyang sinabi sabay muwestra sa loob.

Nanatili ang titig ko sa cellphone ni Chanel na ngayon ay pinagkakaguluhan nila. I heard Rafael’s curse. I saw him punch the wall too.

“Anong sabi ni Ate Yasmin?” Tanong ko.

Walang sumagot. Ang mala pusang mata ni Claudette ay tumama sa akin. Hinintay ko ang sasabihin niya ngunit wala siyang sinabi. Nangatog ang binti ko.

“Anong reply, Clau?” Tanong ko at dahan dahan niyang inabot sa akin ang cellphone.

Nakita ko ang mga text ni Chanel.

Chanel:

Yas, there’s this vid and photo on Facebook of Elijah and Selena. Nagkita ba sila today?

Yas, please reply.

Yasmin.

Yasmin:

Yes. We went out tonight. Nandito siya sa Manila kaya ayun.

Yes, Klare. No doubt. Everything’s falling apart. Pumikit ako ng mariin at naramdaman ko ang pagsikip ng aking dibdib bago bumuhos ang panibagong luha.

“I was loyal to him. He wasn’t to me.”

They were all right. This is just a phase. This is all a mistake. My Elijah kissed another woman tonight. He looked contented in her arms. At wala akong laban don. Isa lang akong hamak na babaeng nagmamahal sa kanya, natatakot na dumating ang araw na pagsawaan niya ako. Because the end will always come. Kahit anong gawin mong pag tanggi na iba itong sa amin, na pang habang buhay na ito, dahil walang pang habang buhay. Change will always be constant. We change because we’re alive. We change because we grow. To hope that he won’t change is selfish. To hope that everything will stay constant forever is to hope for it’s death. Because dead things won’t change. And we are not dead. He isn’t. So he will change. Everything will change. And I hope my feelings for him changes too in time…

Tulala ako habang nag uusap usap ang mga pinsan ko sa kama. Hindi ko alam kung inaabangan ba nila ang pagtulog ko bago sila makatulog. Naririnig ko ang bulungan nila tungkol sa mga nangyayari at hindi na ako nakisali sa kanila.

Nang nakita nilang kinuha ko ang cellphone ko ay agad nila akong pinanood.

“Are you going to deactivate?” Tanong ni Erin.

Umiling lang ako.

I posted a status: Please take all the pain away.

Dahil hindi ko kaya itong mag isa. I needed the help. All my life, nakakaya kong mag isa. kayang kaya ko lahat. Kaya kong harapin ng mag isa ang kahit ano, pero ngayon? Hindi na. I need all the help I can get. I need everyone. Kahit na alam kong hindi iyon magiging sapat. It will hurt still. It will make me miserable.

Mabilis ang notifications. Bago ako makapag log out ay nakita ko ang mga comments ng taong nandito sa kwarto.

Erin Louisse Montefalco: I love you, Klare.

Claudette Jamila Montefalco: We will take it.

Rafael Douglas Montefalco: Hayaan mo ang gagong ‘yon.

I saw more comments and some likes but then I pressed Log Out. I am never logging in again.

Lumapit si Erin at Claudette sa akin at niyakap ako. Halos magsiksikan silang lahat sa tabi ko. Tahimik silang lahat habang humahagulhol ako. This is the last. I’m done.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: