Until Forever – Kabanata 36

Kabanata 36

Bakit Ganyan

Sabay kaming lumabas ni Gavin sa kanyang sasakyan. Nakaupo sa isang may vintage na disenyong upuan sa High Ridge si Ivana na naka skater skirt at sleeveless top na agad tumayo nang nakitang dumating na kami. Sa gilid niya ay ang nakatayong si Seymour Salvador, nakahalukipkip at ang mga mata ay nasa akin.

Mabilis ang lakad ni Ivana na agad sinalubong ni Gavin ng yakap. Pinanood ko silang dalawa ng nakangiti. Nakikita ko talaga ‘yong relasyon namin ni Elijah sa kanila.

Nilingon ako ni Gavin pagkatapos ng yakap, “So… Klare, ginugutom ka na? Let’s eat first?” Tanong niya.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga upuan at table sa lugar. Dalawang mag boyfriend lang ang nakita ko. Bukod sa staff ng High Ridge ay wala ng tao roon. We’re probably safe here. Away from the eyes of our family.

“Ayos lang. Di pa naman ako gutom. I just want to take a look around the place. Can I, Gav?” Nagtaas ako ng kilay.

“Uh, sure. But if you order something, sagot ko na lahat.” Aniya sabay ngiti.

Tumango ako. “Thanks.” Sumulyap ako kay Ivana na pinanonood ako.

Nginitian ko siya. Whatever her stare was all about, I’m pretty sure she’s paranoid. She thinks I’m the Selena of their love story. I’m not.

“Uhm, di pa aalis ‘tong kaibigan kong si Seymour. He’s kinda boring but…” tumawa si Gavin.

“I’m not, Gav. Shut up.” Tawa ni Seymour.

Umiling ako at halos hindi ko matingnan si Seymour.

“Sabi niya nagkita na daw kayo noon?” Ani Gavin.

Tumango ako kay Gavin.

“Sa… bridal shower ni Eba Ferrer?” Ngisi ni Gavin.

Alam kong inaasar niya na ako kaya nag iwas na lang ako ng tingin at ngumisi.

“Gavin, papanoorin ko lang ‘yong sunset.” Umirap ako habang tumatawa siya. Nilingon ko ang nakangiting si Ivana. “Excuse me.”

Humakbang na ako patungo sa railings. Papalapit pa lang ako ay naramdaman ko na ang malamig na ihip ng hangin. Tinatanaw ko sa baba ang buong Cagayan de Oro City. Unti unting umiilaw ang mga street lamps at ang mga ilaw ng buildings dahil sa nalalapit na pag gabi. Sa malayo ay kita ko ang araw na nag kukulay orange na at papalubog. Ang ilog ng Cagayan de Oro ay tanaw ko rin sa malayo. Ang ganda dito!

“Seriously? Pumayag ka sa gusto ni Gavin?” Narinig ko ang boses sa likod ko.

Kahit hindi ko saulo ang boses niya ay alam ko na kaagad na si Seymour ‘yon. Mas sasaya siguro ako pag kaming tatlo lang dito. I seriously don’t mind if I’m alone here.

“Bakit naman di ako papayag?” Sabi ko nang di siya nililingon.

Hinawakan niya ang railings at pinanood ang ekspresyon ko habang nanonood sa buong Cagayan de Oro.

“Nireto kayong dalawa tapos papayag ka na may kahati ka?”

Nilingon ko siya. Malalim ang titig niya sa akin. Para bang binabasa niya ang mga galaw ko. “Nireto lang kami. And besides, I am not in love with Gavin. Wala akong pakealam sa gagawin niya at sa mga desisyon niya. He needs my help and I can help him so I will help him.”

“Hmmm. Nga naman… Parang ikaw kasi ‘yong tipo ng babaeng nagpaparaya.”

Ngumiwi ako sa kanya. “What do you mean?”

“‘Nong nag bridal shower, ikaw yata ‘yong may pinaka wholesome na body shot. Para kang nag aalinlangan na maging pilya. ‘Yang mga tulad mo ‘yong tipong tahimik na nagmamahal.”

Pumikit ako at umiling. “Wait… Bakit ganito ang topic natin? Seriously?”

Tumawa si Seymour. “Tinanong mo ako, sinagot lang kita. That’s what I think about you.”

“Hindi ko kailangang mag paraya. Ang ginagawa ko ay ang pagtulong sa dalawa. They want each other, then I will support. I am not into Gavin. We’re just victims of the tradition.” Sabi ko sabay tingin kay Gavin at Ivana na kumakain sa kanilang table at nag uusap ng masinsinan.

Hindi nagsalita si Seymour. Hindi ko alam kung anong iniisip niya sa sinabi ko ngunit hinayaan ko na lang siya sa gusto niya.

Tinitigan ko ang langit at nawawala na ang araw doon. Gumagabi na talaga. Umilaw na rin ang mga lamps sa paligid ng High Ridge. Mas lalong gumanda ang tanawin sa madilim na syudad. Kitang kita ang mga ilaw. I wonder where my cousins are? At ilang oras naman kaya kami dito?

“Akala ko talaga noon, Montefalco ka.” Ani Seymour.

Gulat ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa kanya.

“Grabe kayo makapag bonding, e. Nagulat ako nong sinabing nagpalit ka raw ng apelyido. I’m not nosy but I know Knoxx Montefalco. Magkaibigan na kami since college. Senior namin siya sa basketball team, kaya kilala ko ang mga pinsan niya. Imposibleng hindi kayo makilala. Did you know?” Kumunot ang noo ni Seymour.

“Did I know what?”

“Na anak ka sa labas?”

Umiling ako at lumunok. “I didn’t. Two years ago ko pa lang nalaman.”

“Oh…” Ngumuso siya. “Sorry. Hindi na ako magtatanong. I don’t want to be rude.”

“No… it’s okay.” Ngiti ko.

Sa ngayon ay mas naging maayos na ang pakiramdam ko tungkol sa katotohanang iyan. Dalawang taon na rin naman. Tanggap ko na at mas naging okay na ako sa nangyari. Oo, masakit, pero ito na ang katotohanan ngayon.

“Sabi ni Gavin may boyfriend ka na raw?” He smirked trying to change the topic.

Umirap ako. Hindi na sumagot dahil alam ko kung saan patungo ‘to.

“Sino? Is it Eion Sarmiento? O your brother’s best friend? Nakalimutan ko ang pangalan. ‘Yong engineering na nakalaro ko na noon?” Humalakhak siya.

“Wala sa kanila. Oh, it’s just an app sa phone. ‘Yon ‘yong boyfriend ko.”

God, Elijah’s going to kill me but the jokes are pissing me off.

Tumawa siya. “Virtual boyfriend? I’m sorry. Hindi ko talaga alam, e. Wala kasi akong nakikitang ibang lalaking nakaaligid sa’yo.”

Ngumiwi ulit ako sa kanya. “Do you always research about people?” Sarkastiko kong tanong.

“Uhm no. Madalas akong nag re-research sa mga babaeng gusto ko. I find you hot… so…”

Uminit ang pisngi ko sa tono niyang seryoso. Shit! Humalukipkip ako.

“Your research is poorly done.” Sabi ko.

“Tingin ko rin. Kasi sinasabi mong may boyfriend ka pero wala talaga akong nahanap. And you’re too secretive. We’re not even friends on Facebook.” Sabi niya.

“Hindi ako nag fi-Facebook.” Sabi ko pabalik. “Hindi madalas.”

Facebook ang naging topic namin, kalahating oras na nandoon kami. Napaupo na ako sa isa sa mga upuan doon dahil sa pagod sa pagtayo. Umupo rin siya sa tabi ko. So much for calling Elijah… Should I call still? Kahit na nandito si Seymour? Would that be rude?

Kaya habang nag sasalita siya tungkol sa Facebook niyang kinakalawang na rin ay sinubukan kong mag text kay Elijah.

Ako:

Hi! Tapos ka ng mag dinner?

Nagpatuloy kami ni Seymour sa kung anu anong topic namin. Ilang sandali ang nakalipas ay wala paring text si Elijah.

“Nagugutom na ako. Let’s have dinner?” Ani Seymour na hindi ko rin naman matanggihan dahil sa naramdamang gutom na rin.

Humikab pa ako dahil sa antok. It’s still eight but I am now sleepy. Siguro ay dahil sa ihip ng hangin. Nilingon ko si Ivana at Gavin na tahimik paring nag uusap na magkahawak kamay. Umorder si Seymour at hiningi niya pa ang order ko. Umorder lang ako ng light meals at pinanood ulit sina Gavin. Sweet. I miss the sweetness.

Tiningnan ko ang cellphone ko at wala paring text doon.

“Pasensyahan mo na sila. Matagal yata ‘yang di magkikita. Tuwing Sem Break kasi umaalis sina Gavin para mag bakasyon. So let’s say three weeks silang hindi magkikita kaya sinisimot ang oras.” Ani Seymour.

Tinitigan ko si Seymour na pinapanood ang dalawa. Maputi siya at mapula ang labi. Kaya naman gustong gusto siya ni Claudette. Claudette digs for guys who look foreign. Inisip ko tuloy kung gusto niya ba ‘yong pinsan ni Elijah na si Spike dahil doon. Naisip ko rin kung kelan kaya babalik ang isang ‘yon dito? I wonder if he’ll be back with Elijah next week?

“San ba kayo this Sembreak? Ang sabi ni Gavin sasama daw sila sa inyo?” Ani Seymour at bumaling ulit sa akin.

“I don’t know.” Kibit balikat ko. “Ang alam ko lang ay magbabakasyon ‘yong mga pinsan ko from Davao dito. That’s all.”

Mas may alam si Gavin sa mga plano ni Ama at ng kanyang lolo kesa sa akin. Sana pala ay tinanong ko siya kanina. Lalabas ba kami ng bansa? Wait! Uuwi si Elijah next week. Hindi ba pwedeng hindi na muna ako sasama sa trip namin? Kailan kaya ‘yon?

“Why don’t you invite your cousins sa Sembreakers party? I mean, your Ty cousins because I’m pretty sure the Montefalco’s are coming.” Ani Seymour habang nilalapag ng waiter ang mga pagkain sa aming mesa.

“Hindi ako sigurado kung mahilig sila sa party pero susubukan ko. Well, I hope na nandito sila sa party na iyon. Tulad ng sinabi mo, baka magbakasyon.” Sabi ko at uminom ng tubig.

Sinulyapan ko ulit ang cellphone ko bago kumain. Wala paring text ni Elijah. He must’ve been busy and I don’t wanna be clingy.

Isang oras yata ang itinagal ng pagkain namin. Marami kasing tanong si Seymour na kung saan saan nanggagaling. He seemed pretty harmless too, like Gavin. Sana lang ay nasabi ko ito lahat kay Elijah. Ngayon ‘yong plano ko pero paano ko sasabihin ngayong hindi naman siya nag rereply?

“Klare…” Tawag ni Gavin sa malayong table nila ni Ivana. “Do you wanna go home? Are you tired?”

Ngumiti ako. “Uuwi ako pag uuwi ka na. I’m fine. Take your time.” Sabi ko kahit na sa totoo lang ay gusto ko ng umuwi.

“Okay. Can I have another hour? One last.”

Nagkibit balikat ako at hinayaan silang dalawa.

I know the feeling of missing your loved one so bad, Gavin. Kaya take your time. I’ve been there. I’ve done that.

Tumunog ang cellphone ko. Halos napatalon ako at inisip na si Elijah ngunit ang kapatid kong si Hendrix iyon.

“Where are you?” Mariing tanong niya.

“Chill. Kasama ko si Gavin. Nasa High Ridge.” Sabi ko.

Narinig ko ang bosina ng sasakyan. He’s driving.

“Okay.” Mas kalmado niyang sinabi. “I’ll call you later. Uwi ka na.”

Dinungaw ko ulit ang cellphone ko. Pinapanood ako ni Seymour na agad tumira ng usapan.

“Why don’t you add me on Facebook?” Tanong niya. “Mabisita nga ‘yong Facebook ko.”

Kinuha niya ang kanyang cellphone at pareho kaming abala sa pag su-surf sa aming mga cellphone. Kung ako ay nanatili sa Viber, Facetime, at Skype, siya naman ay mukhang nasa Facebook. Inisip kong mag Facebook na rin kaya binuksan ko iyon.

Unang bumungad sa Newsfeed ko ay ang picture ni Elijah at Selena sa isang mamahaling restaurant sa Manila.

“Date.” That was the caption. The post was an hour ago. The post was made by Selena Chiong. Hindi ko alam kung bakit kahit hindi kami friends ni Selena ay nakita ko ito sa aking Feed.

Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi nag rereply si Elijah kasi… Well… They are on a friendly date.

“I’m adding you now, Klare. You confirm me as your friend.” Ani Seymour na pinalagpas ko sa kabilang tainga ko dahil tulala ako sa picture ng nakangiti at nakaitim na longsleeve polo na si Elijah at si Selena na nakaitim na tube dress, maiksi at maganda. May kandila sa kanilang harapan.

I clicked the picture at nakita ko ang baha ng mga comments. Their names were a blur to me pero malinaw ang mga sinasabi nila.

“Nagkabalikan!”

“Sabi ko na, e. You two were inseparable.”

“I love you both! Umuwi na kayo ng New York! I want to hug you two.”

“Bagay na bagay. Papatayin ko ang hahadlang sa inyong dalawa.”

Hindi ako makalunok dahil sa bukol sa aking lalamunan. I want to call Elijah right away but this was obviously happening right now. He can’t text because he’s with Selena! She wanted him back. He wants a kiss. Would he accept a kiss from another girl?

“Ohhh… Isn’t this your cousin?” Tanong ni Seymour.

Hindi ko siya nilingon at nag scroll down pa sa mga comments nong picture ni Elijah at Selena. Nanlalamig ang kamay ko at naninikip ang dibdib ko.

“Elijah Montefalco.” Bulong ni Seymour habang naririnig ko ang ingay galing sa cellphone niya.

“What?” Halos mabilaukan ako sa sinabi ko at agad tumingin kay Seymour na nakakunot ang noo sa panonood.

“Hindi na dapat inauupload ang mga video na ganito.” Aniya.

“Wh-What?” Napatayo na ako at nangatog ang binti ko habang lumalapit sa kay Seymour.

Tumigil ang pinapanood niyang maiksing video sa Facebook. Nakita ko ang cover ng video na ito. Ang babaeng nakaitim ay nakapulupot ang braso sa isang lalaking naka itim rin. Mukhang nasa loob sila ng isang club o kung ano dahil ang mga neon lights ay kita sa video.

“Ba’t mo nasabing Elijah…” Hindi ko matapos ang sinabi ko.

“Because he’s on this video.” Aniya at ni tap ang kanyang cellphone at nag play ang video ng isang nagsasayaw na Selena at Elijah.

Oh my God!

Lumipad ang kamay ko sa aking bibig habang pinapanood ang video na ito.

Sinusuklay ni Selena ang kanyng umaalong buhok habang sobrang lapit nila ni Elijah sa pagsasayaw. Naririnig ko ang tawanan nila at sa nag vi-video.

“Stop the cam please…” Sabi ni Elijah habang tumatawa sa leeg ni Selena.

Laglag ang panga ko at nangilid ang luha ko. Nakita kong nag grind si Selena habang ang kamay ni Elijah, galing sa baywang ay bumaba pa. Hinalikan ni Selena si Elijah at humalik pabalik si Elijah, kitang kita ko ang dila niyang sa bibig ni Selena. Nanlaki ang mga mata ko at lahat ng pwedeng bumagsak sa sistema ko ay lumubog ng buong buo.

“Bakit ganyan?” Humagulhol ako.

Natapos ang video nang hinawi ni Elijah ang video. Nanlaki ang mata ni Seymour sa reaksyon ko. Hindi ko kayang manahimik. I am… so hurt.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: