Kabanata 35
You’re Pretty
The hotel night was a blur to me. Ilang shot lang ng Jaggermeister ay tulog na ako. Dahil na rin siguro sa pagod sa araw na iyon kaya ganon. Kinabuakasan naman ay abala sila sa pag s-swimming at ako naman ay abala sa tawag ni Elijah.
“How’s your dad?” Tanong ko habang nakaupo sa sun lounger, pinapanood ang mga pinsan kong nag tatawanan sa pool.
“He’s doing great. Sa totoo lang, masayang masaya ako. It’s just, what? Two days at lumalakas na siya. Pag ganito palagi baka di na kami abutin pa ng isang buwan.” Ani Elijah.
There you go, Klare. I probably will wait for him bago ko sabihin sa kanya ang tungkol kay Gavin. Well, hindi naman din kasi kami pinilit ni Ama. She’s just ‘suggesting’. Hindi iyon dapat big deal dahil tapat naman ako kay Elijah. Wala siyang kailangang ipangamba. Ang takot ko lang naman ay kung may maling balita siyang makuha. At least my cousins know the truth. That would be enough.
Pagkatapos kong mag paalam para makapag swimming na rin at nang makapunta na siya sa ospital ay binaba ko na ang cellphone ko.
Humagalpak ako sa tawa nang nag agawan si Azrael at Josiah sa pambatang salbabida. Suot ni Azi ‘yong bibeng salbabida at pinapatanggal ni Josiah ‘yon sa kanya.
“Ako nag dala niyan dito, get off.” Ani Joss.
“Magsitigil nga kayo. Para kayong mga baliw para lang diyan sa salbabidang ‘yan!” Saway ni Chanel.
Kinawayan ako ni Erin na kanina pa patalon talon sa swimming pool. Tumango ako at dumiretso na doon.
Habang naliligo kami ay nag usap kami ng mga pinsan ko tungkol sa nangyari. Nang nagtanong kasi si Chanel ay nagsilapitan silang lahat sa akin para makinig. Maging si Hendrix at Pierre ay lumapit doon. Si Erin ang gusto kong nasa tabi ko dahil siya ang nakakaalam kaya hinanap ko siya ngunit naabutan kong hinahawakan ni Hendrix ang kanyang baywang. Uminit ang pisngi ko lalo na nang nakita kong tinanggal ‘yon ni Erin at ngumisi si Hendrix, tinataas ang kamay. Defensive.
“Klare… Ano? I’m waiting? What’s the score? Did the witch trick you to marry Gavin Co?” Humalukipkip si Chanel, ang pink niyang labi ay nakanguso pagkatapos niya akong tanungin. Inakbayan siya ni Rafael at naghintay din ng sagot ko.
“She did not. Pini pressure yata si Gavin na i-date ako. Pero ayaw niya. May girlfriend siya.” Sabi ko.
“Ivana de Asis.” Singit ni Azi sabay hilig sa gilid ng pool.
“Yeah, I knew it! Sabi na nga ba. I know something’s fishy about them.” Sabi ni Chanel.
“You’re nosy, Chan.” Halakhak ni Rafael.
“I’m not.” Irap niya. “Barkada ko si Ivan, ‘yong kuya ni Ivana. Psych din kasi siya. At kasama ko siya nong nag NMAT ako. Pareho kaming mag mi-med school and I met Ivana years ago. Ang alam ko ay matagal na silang M.U. ni Gavin. Now I understand bakit hanggang M.U. lang. God, the traditions.”
“I seriously think that’s bullshit. I would have called bullshit on that being a thing but right now…” Sabay tingin ni Azi sa akin. “totoo pala talagang nangyayari ‘yan.”
“Azi, hindi ako pinipilit ni Ama. She’s suggesting. And you know I’m going to go against her if that happens.” Sabi ko.
“Ya better help your mad ape of a cousin, Joss.” Sabay tapik niya sa balikat ni Josiah. “This time, he’ll go to jail for real.” tawa niya kaya sinapak ko na kaagad.
Now they know. Mas kampante na ako.
Ang sumunod na mga araw ay maayos naman. Miss na miss ko na si Elijah at nagkukulong na ako sa kwarto para lang makapag Facetime kaming dalawa. Hindi na kasi pwede sa baba dahil nandito na si Ama.
Umuwi na ang mga pinsan ko at ang kanilang mga magulang sa Davao. Pinangako rin nila na babalik sila dito sa semestral break. Malapit na iyon. Magbabakasyon yata sila dito.
Dinner is a pain in the ass. Palaging salida si Ama. Nandito si Tita Marichelle at papa na parehong tahimik lang tuwing nag sasalita si Ama.
Medyo napanatag naman ako nang hindi niya kailanman binanggit ang tungkol kay Gavin sa hapag kainan. It’s probably just her spur of the moment. ‘Nong birthday ko ay nagulat siya sa dami ng tao kaya naisip niya agad iyon.
“Klare…” Katok ni Pierre sa kwarto ko sa gabing iyon. “Dinner.”
Tumikhim ako at tamad na bumangon. If only I could skip dinner. Kaya lang ay importante kay Ama na sabay kaming kumain lahat. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Now, I need to change. Maiksing jersey shorts at spaghetti strap top lang ang suot ko. Parang naging rule sa hapag ng mga Ty na dapat ay maayos ang damit mo kapag kumakain. Lalo na dahil nandito si papa at Tita Marichelle.
Nagbihis ako ng simpleng dress at pinasadahan ng suklay ang buhok bago bumaba sa dining table.
Sa hagdanan pa lang ay naririnig ko na ang maraming boses. Kumunot ang noo ko at inisip kung sino kaya ang maaaring nandoon. Nang narinig kong binanggit ni Ama ang pangalan ni Gavin ay nalaman ko kaagad.
Damn it! Akala ko nakalimutan niya? Let’s see.
“Good evening.” Bati ko sa mga magulang ni Gavin, ‘yong Lolo niya, ‘yong kapatid niyang babae at lalaki na mas bata kesa sa amin nina Pierre.
“Good evening, Klare.” Sabi ni Gavin.
Ilang beses ko siyang nakita sa school. Nagtatanguan lang kaming dalawa at ni hindi kami nag uusap. Kahit si Ivana ay nginingitian na lang ako. Kahit paano ay bilib din naman ako kay Gavin. Nararamdaman kong mahal niya talaga si Ivana. Kahit saan ko makita si Ivana, ay halos nakabuntot siya dito. Nong nag la-light practice kami para sa Xavier Days sa taong ito ay nakita ko silang dumadaan sa field na nag uusap. Napatingin pa sila sa akin. Kinawayan ko na lang. Hindi ko talaga maiwasan ang pag kukumpara sa relasyon nila sa relasyon namin noon ni Elijah. Minus the incest part though.
Inayos ni Gavin ang upuan ko. Iminuwestra niya iyon sa akin. Tumango ako at umupo na rin doon. Narinig ko ang tawa ni Ama sa ginawa niya.
“A gentleman.” Tumango si Ama sa kay Gavin.
Tahimik lang ako doon. Lalo na nang nakita kong pinapanood ako ng singkit at nakangiting mga mata ng lolo ni Gavin. Tahimik din si Papa at mas pinag tutuunan ng pansin ang daddy ni Gavin.
“I invited them for dinner because I was bored. Palagi na lang si Ricardo at Marichelle ang nakikita ko sa bahay na ito. Pierre and Hendrix are always out and Klare’s always in her room.” Halos nag hihisteryang sinabi ni Ama.
Nagpatuloy sila sa pag uusap. Sinusulyapan ko si Gavin na panay ang text sa ilalim ng mesa habang kumakain. Isang beses siyang nag text na mukhang medyo mahaba at kinailangan ng concentration. Hahayaan ko siya ngunit nang nakita kong nakatingin ng mabuti ang kanyang lolo sa kanya ay hindi ko na napigilan ang pag sipa sa kanyang binti.
“Don’t be rude, Gavin. Kumakain tayo. Stop texting!” Tumaas ang tono ng kanyang lolo.
Kumalabog ang dibdib ko. Nararamdaman ko ang kaba kay Gavin. Naaalala ko lahat ng nakaraan namin ni Elijah.
“Oh, hayaan mo na. It’s probably important.” Ngiti ni lola.
“It’s for school.” Ani Gavin.
“You’re being rude to Klare. Magkatabi kayo pero di mo siya kinakausap.” Sabi ng kanyang lolo.
Nilingon ako ni Gavin.
“We talked naman po.” Sabi ko.
Binalingan ako ng kanyang lolo. Seryoso niya akong tinitigan. Si Ama ay nakatingin na rin sa akin. Mas lalo lang akong kinabahan.
“So… nagkikita kayo sa school?” Ngiti ulit ni Ama.
“Yes po. We see each other almost everyday.” Sabi ni Gavin.
“You two should bond. Niyaya mo na ba ang apo ko, Gavin?” Mas lalong ngumiti si Ama.
“Yes. After finals. We’re quite busy this coming week so…” Nagkatinginan kami ni Gavin.
Tumango ako at tumingin sa kanyang lolo. “Pupunta po kaming High Ridge. The one in Aluba… Overlooking ang syudad don, the view is cool.”
“Where’s that?” Sabay tingin ni Ama sa lolo ni Gavin.
“Ah, it’s in Aluba. Kailangan pa nating bumaba downtown o pwede ring dumaan sa other bridge.”
Nawala na ulit ang usapan dahil sa mga tanong ni Ama sa kanila. It’s stressful. They’re expecting us to talk to each other all the time kaya ginagawa naman namin lalo na pag sinusulyapan nila kami.
“I’ll just… fetch you right after finals. Mga 5PM? Can i have your digits?” Ani Gavin nang tiningnan kami ng kanyang dad.
Tumango ako. “How about Ivana?”
Tinitigan niya ako. Para bang ayaw niyang pag usapan. Na kahit malayo kami ay maaaring maririnig parin kami ng pamilya namin.
“Ako na ang bahala sa kanya.” Aniya.
Tumango ako at hinayaan siya sa plano niya. I’m just helping him out. Mag eenjoy naman siguro ako doon sa tanawin. At kung isasama ko si Elijah ay dapat mauna na siya sa lugar na iyon. And if Elijah’s not yet here by that time, inisip kong habang mag isa ako doon ay sasabihin ko na sa kanya.
“Goodness, Erin, kausapin mo na si Hannah!” Iritadong sinabi ni Claudette pagkatapos mag deadmahan ulit ni Erin at Hannah for the nth time.
“Ilang beses ko na siyang kinausap. Ayokong dini deadma ako. If she doesn’t want to talk then I won’t talk, Dette.” Ani Erin sabay tingin sa kanyang cellphone.
Wala paring development sa kanilang relasyon ni Hannah. Kahit na wala dito ang taong pinagtalunan ng dalawa, si Elijah, ay hindi parin sila nagiging maayos.
Inisip kong kakausapin ko na lang si Hannah at pag aayusin sila ni Erin pero paano kung hingin niya sa akin ‘yong suporta kay Elijah? Ano ang gagawin ko? Damn, this is hard. Tama bang inilihim namin ‘yong tungkol sa amin? Well, tama. Tito Exel’s fine now kaya siguro tama ‘yong ginawa naming dalawa.
Finals nang nalaman ko kay Elijah na hindi pa siya makakauwi. His dad is doing really well and if he completes the rehab, he’ll be good to go. Magiging maayos na siya, maaaring hindi tulad ka sigla noon pero at least he’ll be fine again.
“Hopefully, I’ll be back there next week.” Narinig ko ang ngiti sa kanyang boses. “I’ll claim the kiss you promised me.”
Ngumuso ako, nagpipigil ng ngiti. Hindi niya parin nakalimutan. “Hmmm.”
“Wag mo sabihing ayaw mo na. Pinaasa mo ako, Klare.” Halakhak niya.
“I’m kind of nervous.” Hindi magkamayaw ang ngiti ko.
“What? Why?” Dinig na dinig ko ang pagkakaaliw sa boses niya.
Hindi ako nagsalita.
“Don’t worry, we’ll stop if you don’t want to.”
Kinagat ko ang labi ko. That’s the problem, Elijah. What if I don’t want to stop kissing you?
Ilang sandali ay narinig ko na ang pag dating ni Gavin. Nagpaalam din ako kay Elijah. Mag di-dinner out daw sila ni Yasmin. Umalis na si Justin kaya silang dalawa na lang ang magkasama ngayon.
“I’ll probably call you later. Can I?” Tanong ko bago ko binaba.
“Sure, baby.”
Tatawag ako mamaya para ibalita ‘yong sa amin ni Gavin. I think it’s the right time. Tutal ay next week, babalik na rin naman siya. I just can’t wait.
Tumayo ako at narinig ko kaagad ang boses ni Ama galing sa kitchen. Pumasok si Gavin at panay ang puri ni Ama sa kakisigan niya. He looked cute. Naaalala ko talaga si Pierre sa kanya. Clean cut, earring, simple tee shirt, dark pants, top sider. Simple pero maayos.
“Shall we?” Tanong ni Gavin sa akin pagkatapos batiin si Ama sa lahat ng papuri niya.
Tumango ako at sabay kaming lumabas.
“Take care you two. Take care of my granddaughter, Gavin!” Halakhak ni Ama.
Ngumuso ako at bumaling kay Ama habang pinagbubuksan ako ni Gavin ng pintuan sa sasakyan niya. Umikot siya at pumasok sa driver’s seat. Kumaway siya kay Ama bago pinaandar ang sasakyan.
Bumuntong hininga siya nang nakalayo na kami. “Nandon na si Ivana.” Aniya.
“Sinundo mo siya kanina?” Tanong ko. Baka pinasundan ito at mabuking na lang? Yes, I am that paranoid. I’m professional when it comes to secret relationships.
“Hindi. Pinakuha ko siya sa kaibigan ko.” Sabi niya.
Tumango ako. “Good. Baka kasi pinasundan ka.”
Lumingon siya sa akin. “You think?”
“We don’t know.” Sabi ko nakatitig sa daanan. Nararamdaman ko ang titig niya sa akin.
“Talaga bang ayos lang sayo ang arrangement na ito?” Tanong niya.
Kumunot ang noo ko at nilingon ko siya. “I have no problem, Gavin. Besides, masaya ako na natutulungan ko kayo.”
“Really?” Nagtaas siya ng kilay.
“Really.”
“Err… Thank you.” Aniya at binalot kami ng katahimikan.
Pinanood ko na lang ang unti unting pagiging kulay orange ng langit. Inisip kong magandang panoorin ang sunset sa High Ridge, tanaw ang buong Cagayan de Oro, malamig ang simoy ng hangin, at tahimik. It’s such a romantic place. Inisip ko tuloy na pupuntahan namin ‘yon ni Elijah.
“How’s finals?” Tanong niya.
“Ayos lang.” Tawa ko. “Pero kabado ako. It’s the final semester next sem. Gagraduate kaya ako?”
“Hindi naman ikaw ‘yong tipong bumabagsak.” Aniya.
Nilingon ko siya. “Thanks. Iyan pala ang tingin mo sa akin.” Sabay ngiti.
Nakatitig lang siya sa daanan. “Naisip ko lang. Ewan ko. Sikat kayo sa school, e. And they said, kahit na medyo magulo at magala kayong magpipinsan, maayos naman sa school.”
I want to add: It runs in the blood. Pero hindi ko nga pala sila kadugo kaya tumahimik na lang ako at ngumiti.
“And you’re pretty.” Aniya.
Ngumuso ako at nanatili ang tingin ko sa daanan. I’m not wearing something special. High-waisted shorts and pullover, that’s it. I’m seriously not dressed for a date. Pero masaya ako dahil marunong siyang mag appreciate.
“Thanks. Swerte ni Ivana sa’yo.” Sabi ko.
“Maswerte ang boyfriend mo. If there ever is.” Halakhak niya.
Umiling ako at hinayaan siyang isipin na nag iilusyon ako. God, Elijah, umuwi ka na.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]