Until Forever – Kabanata 34

Kabanata 34

I Just Miss You

Ni hindi ko nilingon ang mga matang nanonood sa akin habang palabas ako doon. Pinagsabihan pa ako ng organizer na mag papa view sila ng tatlong videos bago ako kakailanganin ulit sa harap kaya kailangan ay mabilis lang itong gusto ni Gavin.

“Fifteen to twenty minutes, Klare.” Sabi nong organizer na si Odessa.

Tumango ako at mabilis na humakbang palabas.

Halos tinakbo ko ang distansya ng pool side sa hall para lang maabutan si Gavin na nakatingin sa tubig. Walang tao sa may pool ngunit may ilaw doon kaya kahit gabi ay hindi masyadong madilim.

“Gavin…” Tawag ko.

Nilingon niya ako. Humakbang siya palabit sa sun lounger at umupo. Tumitig lang siya sa akin. I don’t have time for this. I need him to talk.

Hindi ako umupo. Tiningnan ko lang siya doon at nagdasal na sana ay diretsuhin niya ako.

“You know what’s going to happen to us.” Aniya.

“What?” Alam ko ngunit ayokong mag assume. Gusto kong malaman kung ano ang nalalaman niya. Sa side ng mga Co, ano ang ipinangako ni Ama sa kanila? Ako ba? Kumalabog ang dibdib ko.

“Wag ka ng mag maang maangan. It is obvious, Klare.” Aniya.

Hindi ako nagsalita. Tumikhim siya at nag iwas ng tingin.

“Gusto ng lola mo na i-date kita.” Aniya. “Gusto ng lolo at buong pamilya ko na i-date din kita. They want us together. At gusto kong malaman mo na ayaw ko.”

“Good because we’re on the same page. Ayaw ko rin.” Mariin kong sinabi.

Nag angat siya ng tingin sa akin at ngumisi. Mapang asar siya at para bang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.

“Really?” Nagtaas siya ng kilay.

Oh my God? I am gonna punch him right now but I need to talk to him too. Kinalma ko ang sarili ko at nag isip ng mga magagandang bagay. Elijah will fly back pag nalaman niyang may ganito.

“Really.” Mas mariin kong sinabi.

“May boyfriend ka na ba?” Tanong niya.

“Yes.” Diretso kong sinabi, nakatingin sa kanyang mga mata.

“That’s not what I heard. Ang sabi ay wala kang boyfriend. Hindi rin naman kayo ni Vaughn Aguirre, don’t lie to me. Hard-to-get girls don’t attract me much.”

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Gusto kong mag mura at isa isahin ang buong istorya ko sa kanya pero wala akong panahon para mag balik tanaw.

“Hindi kami ni Vaughn. Hindi siya ‘yong boyfriend ko. At hindi ako nag papa hard-to-get because the truth is, no one’s gonna get me. I belong to someone, Gavin. I understand na hindi mo pa ‘yon naririnig because I don’t tell people what’s going on with me.” Mabilis ang hininga ko.

Nagkibit balikat siya. “I’m sorry. Nag research lang naman ako through friends at nalaman kong wala kang boyfriend. I know you’re from the Allstar Group, ikaw ‘yong isa sa mga tinatapon, diba? I’ve seen you dance every intramurals or any event in our school. And we’ve met before through common friends and parties, at kahit ang mga pinsan mo ay nagsabing wala kang boyfriend.”

“I have a boyfriend. Now you know. Ito lang ba ang pag uusapan natin?” Nawalan na ako ng pasensya at kapag pinagpatuloy niya ito ay talagang magmamartsa na ako pabalik. Waste of time.

“Fine. Okay now, I have a girlfriend. Her name is Ivana de Asis. Hindi mo pa birthday ay nanliligaw na ang lolo ko sa akin na kung pwede niya ba akong ipakilala sa isang chinese at magandang babae. My family is very particular with the traditions. Obviously, Ivana isn’t chinese and I’m sure na hahadlangan kaming dalawa.”

“Sinubukan mo bang lumaban sa pamilya mo?”

Bumagsak ang tingin niya sa pool at umiling. “Ito ang unang pagkakataon na pinilit akong makipagdate sa babaeng gusto nila. Hindi ko alam kung paano ko sila susuwayin.”

Tinagilid ko ang ulo ko. “So, hindi mo susuwayin ang pamilya mo? You’ll leave Ivana and date me?” Tinaas ko ang kilay ko.

“N-No…” Kumunot ang noo niya at binalingan ako.

“Then break the rules.” Sabi ko at parang di ko na marinig ang sarili ko. Ako ba talaga ang nagsabi non o si Elijah?

“Paano? My dad’s gonna kill me. At natatakot akong suwayin si lolo. For now, magpapadala ako sa agos nila. But I am not gonna leave Ivana. Never.”

Tinitigan niya ako. Hindi na ako nagsalita. Hindi ko alam kung ano ang plano niya pero hinintay ko siyang dumugtong non.

“Kakausapin ko si lolo na sinubukan kong i-date ka pero hindi tayo nag click.” Aniya. “I’ll try my luck. Itatago ko si Ivana. I-I will date her secretly.” Pumikit siya at parang nalilito sa gagawin.

Naaalala ko noon ‘yong sitwasyon namin ni Elijah. Naaalala ko ang pag tatago naming dalawa. Naaalala ko ‘yon sa kanila ni Ivana ngayon.

“Can you help me out?” Tingin niya sa akin. “We’ll date for, let’s say two weeks or a month at sasabihin ko na sa lolo ko ‘yong tungkol sa atin. It’s a win-win situation for you. Pag itinigil ni lolo ang pag rereto sa ating dalawa, malaya ka na rin. You can date your… boyfriend. Pero pwede bang pag niyayaya kita, isasama ko si Ivana…”

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ang tanging laman lang ng utak ko ay ‘yong pag tatago niyang naiintindihan ko. Takot siya sa pamilya niya dahil mahal niya ang mga ito pero gusto niyang suwayin ang gusto nila. Bakit kami nakakulong sa ganitong mga sitwasyon? The key is to break the chain and be free. Kayang kaya kong suwayin si Ama. I’ve done this before and I can do it again. Kahit na sabihin nating ayaw ko siyang nasasaktan ay hindi ko parin kayang masakal para lang dito.

Pero ngayong hindi lang ako ang namomroblema ay nag iba ang pananaw ko. Si Gavin at si Ivana ay biktima rin nito. Nakikita ko ang aking sarili sa kanila. I should do this the right way.

Pinagtatalunan ko pa ‘yong pag sasabi ko kay Elijah o hindi. Dahil natatakot akong pag nalaman niya ay mas lumala lang ito. Sasabihin ko ito sa mga pinsan ko ngunit ipaparating ko rin na dapat ay hindi na ito makarating kay Elijah. Anyway, by semestral break, siguro ay nakauwi na siya. Doon ko sasabihin sa kanya ang lahat.

“I don’t want you to lie to your lolo, Gavin. Kung magtatanong siya kung tayo na ba, sana wag kang pangunahan ng takot mo. Be yourself. If he loves you, he will understand.” Sabi ko.

Tumango siya. “I know. Gusto ko lang makita niya na sinubukan ko naman ‘yong gusto niya, pero walang nangyari.”

Tumango din ako. “Then we have a deal.”

Lumiwanag ang kanyang mukha. “Really? After the finals, yayayain kita sa High Ridge. I’m sorry but my lolo pressured me. Kahit ito na lang. This will be our first and probably last date. Then I will tell him na hindi kita nagustuhan. Isasama ko si Ivana, Klare, I’m sorry.”

“No problem.” That’s two to three weeks from now. Elijah’s probably home by then. Pwedeng isama ko rin siya.

Doon ay nagkasundo kami. Wala naman palang problema kay Gavin. We share the same sentiments and it won’t be hard to deal with him.

Bumalik na ako sa hall dahil tinawag na ni Odessa. Ilang minuto pa bago siya nakabalik at habang wala pa siya ay panay ang ngiti ni Ama sa akin. Hindi naman ako makangiti pabalik sa kanya.

Dumiretso na ako sa harap para makinig sa iilang speech galing sa mga Montefalco at mga Ty. Si daddy ang nagsalita para sa akin at wala siyang binanggit na tungkol kay Elijah. Siguro ay para na rin mapagtakpan kaming dalawa. Naiyak ako sa lahat ng sinabi niya. Nakangiti pero tumutulo ang luha ko. Gustong gusto ko tuloy sa Montefalco Building muna umuwi.

Nang si papa naman ang nagsalita ay parehong naiyak din ako lalo na nong sinabi niyang sa loob ng labing pitong taon ay nangulila siya sa akin. Wala siyang binanggit na tungkol sa pag tatago ng mga Montefalco sa akin. Kahit paano ay naintindihan ko na rin naman ang ginawa ng mga Montefalco.

Hindi pa agad natapos doon dahil ilang beses pa akong nagpapicture kasama ang pamilya. Umalis na agad si Gavin at nagpasalamat ako dahil hindi na kami nakunan ng picture dalawa. Kung meron man ay kasama naman ang pamilya namin kaya ayos lang.

Nang napadpad ako sa mga Montefalco ay panay ang yakap nina Erin at Claudette sa akin. Sa higpit ng yakap ni Erin ay kaming dalawa na lang ang nagkakaintindihan sa bulong niya…

“What’s with Gavin Co? Fixed relationship, Klare?” Bulong niya sa tainga ko.

“Uhm, no. My lola is just suggesting at nagkasundo kaming dalawa na hindi talaga. Kami ni Gavin Co.” Bulong ko pabalik.

“Your lola is suggesting, huh? Suggesting.” Ulit niya.

Hinablot ako ni Azi at niyakap na rin ako.

“Bastos!” Sabi ni Erin dahil sa ginawang pag agaw.

“Minsan lang ‘to. Pag wala ‘yong asawa.” Humagalpak si Azi.

Tumawa rin ako at niyakap siya pabalik.

“Party?” Nagtaas ng kilay si Josiah.

“Wag na no. It’s unfair for Elijah. We should stay here. Book a room for us, Raf. Hindi ba dito ka matutulog, Klare?” Tanong ni Erin.

Kumalas ako kay Azi at nagkibit balikat. Nilingon ko si Hendrix na nasa gilid ko, nanonood.

“Sa room ba o uuwi ako? Hindi ba sina Ama sa bahay matutulog?” Nilingon ko si Ama na panay ang tawanan sa mga kaibigang matatanda na rin.

“Pagod siya. Dito na siguro siya matutulog. Baka rin ganon ang mga pinsan natin. Bukas na sila uuwi ng bahay.”

Umiling ako kina Erin at ngumisi.

“Book a room, Raf. Let’s all sleep here. Isama natin si Klare.” Excited na sinabi ni Erin.

“Rix, can I?” Tanong ko sa kapatid kong pinapanood ng mabuti ang kasiyahan ni Erin.

Tumindig ang balahibo ko sa titig niya. Malalim.

“Rix.” Tawag ko.

Tumikhim siya. “Yes. I’ll talk to dad. Uuwi sila ni mommy sa bahay.”

Umalingawngaw ang sigaw ng mga pinsan ko. Pinag titinginan na kaming lahat kaya medyo nahiya si Claudette.

“Mas masaya sana ‘to pag nandito si Elijah. But then, kung nandito siya baka kanina pa nagkagulo.” Pinanood ni Claudette ang ekspresyon ko.

Tumango ako. She’s right. I should call him later. Pero hindi ko parin alam kung sasabihin ko nga sa kanya ang nangyari o talagang hihintayin ang pagbalik niya.

Lumapit na rin ako sa mga pinsan kong Ty kahit na hindi naman talaga ako ganon ka close sa kanila. Hinihintay nilang matapos si Ama at ‘yong mga tita at tito ko sa pag uusap. Humikab si Cristine at ‘yong isang madalas niyang kasamang pinsan ko. Hanggang ngayon ay hindi ko parin saulo ang mga pangalan nilang lahat.

“Happy birthday, Klare.” Ngiti ni Cristine sa akin sa mapupungay na mga mata.

“Thanks.” Iginala ko ang mga mata ko sa kanila. Hindi natanggal ang ngiwi sa mukha ng kasing edad kong pinsang babae habang tinitingnan ako. Kausap naman ni Pierre ang dalawang pinsan kong lalaki, halos kamukha niya ito. Apelyido lang ang alam ko sa kanila. Bigo sina Pierre at Hendrix noon na ipakilala sila isa-isa dahil ayaw na agad ni Ama sa akin noon.

“Pierre, ibigay mo na lang ‘yong susi at card sa kanila para mauna na sila sa room. Mukhang pagod na sila.” Sabi ko.

Tumango si Pierre at nakipag high five sa kausap niyang pinsan namin. May kinuha siya sa kanyang bulsa at ibinigay niya sa kausap niya. “Tatlong Family room ang pinabook ni Dad, kasya siguro kayo don, Champ.”

Kumunot ang noo ko at isinaulo na Champ ang pangalan nong pinsan namin. Gusto kong magtanong ngunit natatakot ako na baka ayaw nila sa akin at kahit na pakikipag usap ay hindi nila maatim.

Naririnig ko na ang sigaw ng mga pinsan kong Montefalco. Narinig kong nagpabook na raw ng room si Rafael. Hindi na ako makapag hintay na makasama sila pero ayaw kong umalis agad doon.

“Cristine, umakyat na kayo.” Sabi ko.

“Sige na, Tine. Sina mommy na bahala kay Ama. Tara na nga.” Sabi nong ngumingiwing pinsan ko. “Champ, akin na ang susi. Pierre, sasama ka?”

Pinanood ko ang puting kutis nilang lahat. Hindi ko talaga maiwasan ang pagkukumpara. Maputi ako ngunit hindi kasing puti nilang lahat.

“Nah… Either sasama ako kay Klare o kina daddy.” Sabi niya.

Binigay ni Champ ang susi sa isang pinsan ko at nilingon niya ako. “Happy birthday.”

Ngumiti ako. “Thanks.”

Tumango siya at tinalikuran na rin ako para umakyat na sa kanilang mga room.

Iniwan nila kami ni Pierre doon kaya agad akong nilapitan nina Erin at iba pang mga pinsan ko.

“Magpapaalam muna ako kina Charles.” Sabi ko sabay tingin kay mommy at daddy kasama ang mga tito at tita kong Montefalco, umaambang paalis.

Sabay sabay kaming nag paalam sa kanila. Puro tawanan ang nangyari. Pare pareho kaming excited sa pag o-overnight at gusto pa ata nilang makipag face time kay Elijah mamaya para daw inggitin.

Kaya naman ay nang nakarating na kami sa room na kinuha ni Rafael para sa amin ay naghanap agad ako ng cellphone. Inisip kong nasa room pala namin ‘yon ng mga Ty. Pupunta na sana ako doon ngunit kumatok si Pierre dala ang mga gamit ko.

Pinagbuksan siya ni Azi at malamig niyang ipinakita sa akin ang aking gamit.

“Where’s Hendrix? Pasok ka, Pierre. Hindi ba dito ka matutulog?” Nagtaas ako ng kilay habang tinatanggal ang mga hairpin sa buhok ko.

Nakita kong pumula ang pisngi niya sa sinabi ko. Iyon naman ang narinig ko sa kanya kanina. Inisip ko ring sasama si Hendrix sa amin, naiwan lang dahil abala kay papa at tita Marichelle.

Malaki naman itong room. Isang King Size bed, isang Queen, at double. Kasya kami dito. Tahimik na pumasok si Pierre at nilapag ang bag ko.

“Hinatid ko lang. Maingay kasi. May kanina pa tumatawag.” Sabi niya at agad kong kinalkal ang bag ko para sa aking cellphone na paniguradong tinatawagan na ni Elijah.

Nakita ko ang pag tayo ni Claudette at pag lapit sa inuupuan ni Pierre. I’m sure he’ll stay. Binalewala ko na ‘yon at pinaalis sina Josiah at Damon na parehong tumatambay sa balcony ng room. Tumatawag si Elijah at agad kong sinagot.

“Hi…” Ngiti ko habang pinapanood ang tanawin sa pool ng hotel. Malamig ang hangin. Ni hindi pa ako nakakapagbihis ng gown pero ayos lang, miss ko na siya.

“I kind of called you repeatedly for the past two hours. I’m sorry.” Salubong niya, naririnig ko ang hingal sa kanyang tono.

“Sorry. Hindi kasi ako pinabitbit ng phone nong organizer. Hindi ko naman inasahan na aabot ng 11PM ‘yong party.”

“Must’ve been fun.” Buntong hininga niya.

Kinagat ko ang labi ko. “What are you doing?”

“Working out. Dalawang oras na rin. Baka kasi masira ko ang phone ko pag nakahiga lang ako sa kama at naghihintay sa’yo. But still, I think I raped the call button. Damn, I have it bad.”

Lumaki ang ngiti ko at lumakas ang pintig ng puso ko. Gusto kong pigilan ang sarili ko ngunit hindi ko kaya… Kailangan kong sabihin sa kanya.

“I miss you.” Sinabi ko.

Ilang sandali pa bago siya nagsalita. Inisip ko kung anong itsura niya ngayon. Pawis habang nag wo-work out sa bahay nila. I miss my Elijah. So much.

“I miss you even more, baby. Can we kiss?”

“Ha?” Uminit ang pisngi ko. Tinakpan ko ng aking palad ang aking mukha. Dammit!

“I want a kiss from you. I want your lips, baby.” Buntong hininga niya. “I’m really not good at LDR. We won’t do this again.”

“Hahalikan kita pag balik mo dito. ‘Yong matagal.” Tumindig ang balahibo ko sa sinabi ko.

Hindi siya nagsalita. Nangatog ang binti ko at wala na akong ginawa kundi ang ngumisi ng malaki. Dammit, Elijah. I miss you so bad.

“Oh, dammit, baby.”

Humalakhak ako. “I just miss you.” Sabay kagat sa aking labi.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: