Until Forever – Kabanata 32

Kabanata 32

Get Together

“What’s his problem?” Tanong ni Erin habang nasa isang cubicle ako, pareho kaming lahat na nag papa body scrub.

“Hindi ba sila ni Ivana de Asis na ‘yon?” Narinig ko si Claudette.

“Talaga? Hindi ko alam. And what’s his problem? Bakit naman ganon makatingin ‘yong Gavin na ‘yon kay Klare?” Ani Erin.

Narinig ko ang padaing na boses ni Chanel sa medyo malayong parte ng cubicle. “You’re just overreacting, Erin. Hayaan mo na nga sila. Tsaka… si Seymour, malagkit makatingin kay Klare, e. Pag nandon si Elijah baka pumutok na ang labi non.” Halakhak ni Chanel.

Umiling na lang ako at sinubukang tumigil sa pag iisip ng kung anu-ano. Pagkatapos naming mag pa spa ay sinundo na agad kami ni Brian.

Tumawag si Pierre sa akin na nasa hotel daw ‘yong mga gamit ko at didiretso na lang daw ako don kaya iyon ang ginawa namin. Elijah’s kind of bored. Panay ang text niya sa akin at madalas ay hindi ko na narereplyan dahil sa sobrang busy.

Elijah:

Damn… I can’t stand this.

Elijah:

What are you doin now, baby?

Kahit na dapat ay replyan ko na siya agad ay napapangiti pa ako sa mga text niya. Kung sana ay hindi lang ako abala sa birthday kong ito ay talagang buong araw akong mag ti-text sa kanya.

Nilalagyan ni Zoe ng konting mga crystals ang likod ng aking buhok. Ewan ko ba pero pakiramdam ko ay masyadong ma effort itong birthday na ito. Muntik na nitong mapantayan ang debut ko.

Unti unting bumukas ang pintuan ng kwarto. Kanina pa kami ni Zoe dito. Pumasok si Silver kanina para kuhanan ako ng iilang pictures. Isinama niya rin ‘yong team niya na silang mag co-cover nitong event. Well, I invited Silver as a friend kaya ‘yong team niya ang bahala sa cover ng buong event.

Una kong nakita ay ang iba’t-ibang kulay ng iba’t-ibang bulaklak sa isang malaki at engrandeng bouquet na dala ni Vaughn. Tinabunan niya ang kanyang mukha nito at nakangiti niya akong sinurpresa.

Umiling ako at hinintay na makalapit siya.

“Happy birthday.” Aniya sabay bigay sa akin ng bouquet.

“Thank you, Vaughn.” Bumaling ako sa bulaklak na dala niya.

Dala niya ang kanyang coat na nakasabit sa kabilang braso. Naka puting sleeveless siya at umupo sa tabi ng upuan ko.

“Kamusta?” Tanong niya.

Ngumiti ako. “Ayos lang.” Tinitingnan ko siya sa salamin. “Medyo kinakabahan.”

Tumango siya. “Nandon na ang guests. I’m sure you’ll be surprised.” Ani Vaughn.

Mas lalo akong kinabahan. Nilingon ko siya at mas lalong lumaki ang kanyang ngiti.

“Nandon ba si Ama?” Tanong ko.

“Secret, Klare.” Tumawa siya.

Kumalabog ng husto ang puso ko. Kahit nong pumasok ang mga pinsan kong Montefalco ay hindi maalis sa utak ko ‘yong sinabi ni Vaughn.

Tulala ako sa salamin habang pinapanood ang pagpasok nina Rafael, Josiah, Damon, at Azi na ngayon ay matalim na tinititigan si Vaughn sa gilid ko.

“The party will start in 10 minutes, Klare. Mag sho-shoot daw muna tayo.” Sabi ni Rafael.

Mas lalo lang akong naging abala nang pumasok na ‘yong mga photographers. Unang nakapag papicture kaming lahat ng mga pinsan kong Montefalco. Sumunod naman ay kaming tatlo ng kapatid kong si Pierre at Hendrix. Tawanan at kulitan ang nangyari kaya hindi ko matanggal ang ngiti sa aking labi kahit na kabado.

Nang pumasok sa loob si tita Marichelle at papa ay halos sumabog na ang puso ko sa kaba. Hindi na ako makangiti ng maayos.

“You look so good.” Sabay halik ni papa sa akin. “Happy birthday.”

Champagne ang kulay ng dress ni tita Marichelle dahil iyon ang theme ng birthday ko. Ang itim niyang gloves hanggang siko ang mas nakapagpatingkad ng kanyang puting kutis. Nag beso siya sa akin at bumati na rin.

Hinawakan ko ang simple ngunit madetalyeng saya ng long gown ko na gawa ng paborito kong atelier. Ilang shots pa sa camera bago kami tinawag ng organizer na kailangan na kami para sa entrance.

Nauna ang mga pinsan ko. Sumunod na rin ang mga kapatid ko. Huli si papa at Tita Marichelle kaya nagkaron pa ako ng oras sa kanila.

“Where’s your mom, Klare?” Tanong ni papa kahit na wala naman talaga akong maisagot. Sumulyap ako kay Tita Marichelle bago sumagot.

“Baka po nandon na sa hall.”

Tumango si papa at naglahad ng braso kay Tita Marichelle. “Pupunta na rin kami. See you there.”

Tumango ako at bumuntong hininga. Ilang minuto pa ako doon bago ako bumaba. Kasama ko si Zoe at ‘yong photographer na naka assign sa akin. Naghihintay ang organizer sa pintuan at malakas ang boses niya habang sinisigaw ang countdown sa pagpasok ko sa double door na pintuan ng hall. Mas lalo lang akong kinabahan.

Huminga ako ng malalim kasabay ng pag taas niya ng kanyang kamay at ang sabay na pag bukas ng pintuan. Nakangiti ako habang panay ang click ng camera sa akin. Ang mga bulaklak na pink at kulay champagne ay magandang naka palamuti sa bawat table kung saan may mga taong ganon din ang suot, nakatayo at sabay sabay na pumapalakpak.

Naririnig ko ang background music, instrumental ng isang popular na kanta na narinig ko rin noong debut ko. Umalingawngaw ang boses ng host na mas lalong nagpakalabog ng puso ko.

“Klare Desteen L. Ty!” Tawag niya habang pumapasok ako at tinatahak ang red carpet.

Nilingon ko ang mga bisita na puno ng pamilyar na mukha. Nagpatuloy ako sa paglalakad at unti unting napawi ang ngiti ko nang nakita ko ang iilan pang pamilyar na mukha.

“Cristine…” Bulong ko nang nakita kong pumapalakpak ang chinita at kasing puti ni Claudette kong pinsan. Kasama niya ang ilang pinsan kong ngumingiwi ngunit pumapakpak sa pagpasok ko.

Iginala ko ang mga mata ko sa likod nila at isa-isa kong nakita ang iilang mga tita ko sa side ng mga Ty.

“Tita Luisa, Tita Tania…” Bulong ko nang nakita kong nakahalukipkip si Tita Tania.

Isang beses ko pang iginala ang mata ko ay nakita ko na si lola, inaalalayan ng isang naka unipormeng nurse habang naglalakad at nakangiti sa akin. Kulay champagne din ang kanyang damit at ang payat na pangangatawan at puting kutis ay nagpabata pa sa kanya.

“Ama…” Bulong ko at halos natigilan ako sa paglalakad.

“Klare.” Tawag ng organizer sa akin.

Ilang sandali pa bago ako nagising sa pagkakatulala ko sa ngiti ni Ama sa akin. Iminuwestra niya ang nasa gilid ko. Nilingon ko kung sino iyong nakatayo at nakalahad ang braso sa akin.

“Gavin?” Kumunot ang noo ko nang nilingon ko siya.

Malamig ang kanyang tingin sa akin. Sa kanyang gilid ay may nakita akong iilang mga kilala namin noon na kabilang sa mga chinese family dito sa Cagayan de Oro. Nagpalakpakan sila at nakangiti sa akin.

“Put your hands on my arm, Klare.” Ani Gavin sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang braso. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. This is… Gavin Co. And why is he here? Birthday ko ito. Well, yes, maaaring family friend nina papa.

Nilagay ko ang aking kamay sa kanyang braso at marahan kaming naglakad sa upuan sa stage. Pinaupo niya ako doon. Laglag ang panga ko sa gulat habang pinapanood siyang walang kahirap hirap na nagpaka gentleman sa akin bago umalis at umupo sa presidential table sa tapat ko, kung nasaan sina Ama, papa, at tita Marichelle. May iilan ding mga tao doon na hindi ko kilala.

Nilingon ko ang host na siyang maraming sinasabi tungkol sa istorya ko. Sa video sa gilid ko ay ipinakita ang iilang picture ko kasama ang mga Montefalco. Sinabi doon na doon ako lumaki ngunit hindi talaga binigyang diin na anak ako sa labas o anak ako ni Helena at Ricardo.

“Smile, Klare.” Dinig kong sigaw ng photographer.

Wala akong ginawa kundi ngumiti ng kaonti. Sa kabilang presidential table ay nakita ko sina mommy, daddy, tito Az at lahat ng tito at tita kong tahimik na nanonood sa video.

Pagkatapos nong video ay tinawag si Ama sa doon sa stage. Kabadong kabado ako. Naiiyak ako sa kaba. Sa ngiti ni Ama sa akin ay hindi ako makangiti pabalik. Ni hindi ko alam kung bakit noong nasa Davao ay halos mandiri siya sa akin ngunit ngayon ay pinapaulanan niya ako ng ngiti. Natatakot ako.

“Good evening.” Sabi niya sa isang sosyal na tono.

Nakatingin na ako kay Erin na kunot ang noong nakatingin kay lola sa stage. Nakita ko ring nagbulong bulungan si Josiah at Azrael at tumingin ng sabay sa akin.

“Klare Desteen is my granddaughter.” Mariin niyang sinabi at ilang sandali pa bago nagsalita ulit. “Ricardo, my son, gave his name to her.”

Lumunok ako at iginala ko ang aking paningin sa mga taong nakikinig kay Ama. Silang lahat ang makakaalam sa mga sekreto ko sa buhay. Tahimik si Hannah, Julia, at Liza doon sa tabi ng mga pinsan ko at iilang kaibigan naming invited din. Mukhang nagkakasundo naman sina Brian at iilang kaibigan o kamag anak ni Gavin sa likod.

“Well…” Tumawa pa si Ama at bumaling sa akin. “Nevermind that part. I know I’ve been hard on her and I want to make it right. She is, after all, my granddaughter.” Nagkibit balikat siya.

Inisip ko rin kung dala niya ba si Selena ngunit agad ko rin iyong binalewala. Selena’s a Chiong. Ang mga Ty lang yata ang nandito? O hindi ko lang siya nakita? I don’t know.

“Ilang kaarawan niyang wala kami bilang pamilya niya. Now she’s twenty-one, I want to be part of it. Klare…” Tawag ni Ama sa akin.

Nilingon ko siya. Halos kurutin ko na ang sarili kong mga daliri habang tinitingnan ko siyang mangiyak ngiyak doon.

“I’m old and I have no time for bullshits.”

Nagtawanan ang mga tao sa sinabi ni Ama. Napangiti rin ako doon.

“I welcome you to our family. Nagtanong ka raw kung bakit engrande ang party na ito? Well because you are part of our family now.” Tawa ni Ama.

Hindi ko parin mahanap sa sarili ko ang lakas para tumawa pabalik o maging masaya para doon.

“Happy birthday!” Sabay lapit niya sa akin at halik sa aking pisngi.

I’m pretty sure I look constipated. Sa kaba ko ay hindi ko na magawang ngumiti.

“Before we start the feast, I want her to cut the cake.” Sabay muwestra niya sa simpleng cake ko sa gilid namin. Tatlong layer ito at nilapitan niya agad. Bumaling siya sa akin at kumunot ang kanyang noo.

“Come here.” Aniya.

Halos napatalon ako at mabilis na dumalo sa kanya. Inalalayan siya ng isa sa mga tita ko. Binigyan siya ng cake cutter at puting platito. Binigay niya ito sa akin at imunuwestrang i slice ko ang cake.

“This is a symbol of responsibility for yourself and for the family. Now that you’re at the right age, I want you to show us that you can provide for the family. You well help us no matter what…” Patuloy ang sinasabi niya habang naglalagay ako ng cake sa bawat platitong binibigay ng tita ko.

Hindi ko alam kung anong ritwal ito at nawala na rin ako sa mga sinasabi niya. Nang natapos na siya sa pagsasalita ay ipinatigil niya na rin ako.

Nagtawag siya ng toast at binanggit niya lahat ng pamilyang nandoon sa party. Sa mga Ty, sa mga Lim, Co, at Montefalco.

Pinaupo na ako ni papa doon sa table nila. Nilingon ko ang table ng mga Montefalco. Pinapanood ako ni mommy at gusto kong sumenyas sa kanya na gusto ko doon ngunit hindi ako binigyan ng pagkakataon. Nang tinabihan na ako ni Hendrix ay medyo kumalma ako.

“Congratulations.” Sabay beso ng ilang mga matatanda kay ama.

Pinanood ko ang pag upo niya sa harapan ko. Abala si papa at Tita Marichelle sa pagbati kay Ama dahil sa mga sinabi niya kanina. Pinanood ko na lang ang paglalagay ng appetizer ng mga waiter.

“Gavin, sit beside my granddaughter. How rude of you to sit with your cousins.” Matalim na sinabi ni Ama kay Gavin kahit malayo.

May sinabi rin ang isang matandang lalaki kay Gavin sa Mandarin. Hindi ko iyon makuha kaya lumingon ako kay Hendrix.

“Oh, Pierre.” Halakhak ni Lola nang hinawakan ni Pierre ang kanyang balikat at umupo agad sa kanyang tabi.

Tumingin ako kay papa na nakatitig rin sa akin. Nagkakasundo ang mga mata namin lalo na nang bumaling siya kay Ama at nagtanong.

“Shall we greet the Montefalco’s?” Ani papa.

“Exel is not around, Ricardo. Nakausap ko na rin si Stephen at Azrael kanina. We’ll greet them again later if that’s what you want.” Nakangiting sinabi ni ama at napatingin ulit sa katabi kong si Gavin. “You’re cousin Jess is my granddaughter’s boyfriend.” Sabay pagsalikop ni ama sa kanyang mga daliri.

“Yup, ama. I heard.” Malamig na sinabi ni Gavin.

“Well, at first, Cristine didn’t like Jess. But eventually, they clicked.” Matamis na ngiti ni ama.

Walang nasabi si Gavin kaya bumaling si ama sa matandang lalaking kausap ni Gavin kanina.

“Mason, your grandson is such a gentleman.” Ani Ama.

Nagkatinginan ulit kami ni papa. Umiling si papa at kumain na lang sa appetizer na nakahain. Kumain na rin ako.

“Klare, whatever it is, sabayan mo na lang.” Bulong ni Hendrix.

Agad siyang binalingan ni ama kaya napainom ng tubig si Hendrix. Tumingin ulit si ama sa akin at kay Gavin. “Do you have a girlfriend, Gav?” Tanong ni Ama.

Padarag kong nabitiwan ang mga kubyertos. Dahan dahan namang binitiwan ni Gav ang kanyang kutsara at nagpunas muna bago sumagot kay Ama.

“Wala.” Aniya.

Nalaglag ang panga ko at nilingon ko siya.

“Well, that’s good. Wala ring boyfriend si Klare. You two should date. Just try it. Baka mag click kayo like Cristine and your cousin, Jess. What do you think, hijo?”

Sinisiko ako ni Hendrix. Gusto kong magsalita. Gusto kong umapila. Hindi ako sigurado kung kaya kong pahiyain ang lola ko sa harap ng ganito ka raming tao pero hindi ako papayag na para akong laruan na mamanipulahin niya.

“Ama, do you want a fixed relationship?” Boses ni Hendrix ang nangibabaw.

“Rix.” Saway ni papa.

Natigil ako sa mga gusto kong isumbat at nagulat ako sa sinabi ni Hendrix sa harap ng hapag. Nakita ko kung paano nakinig ang kabilang pamilya, ang mga Co at Lim sa tabi namin. Si Hendrix ang tagapagmana. He’s the eldest son and probably the first born of the Tys. Ang magpakita ng ganong attitude sa Ama namin ay hindi yata matatanggap.

“I’m just saying that they should get together sometimes, Hendrix. I am suggesting. I am not fixing anything. Goodness, that’s primitve.” Halakhak ni Ama.

Nilingon ako ni Hendrix. Nagkatinginan kaming dalawa.

“No problem with me.” Dinig kong sinabi ni Gavin.

Nilingon ko ulit siya. Hindi ba may girlfriend ito? Ivana de Asis? What the hell? Nilingon ako ni Gavin. Nagkatinginan kaming dalawa. I want to ask him about Ivana de Asis but I can’t ask him in front of these people. Am I even allowed? Are we allowed to mention someone like Ivana de Asis in front of our elders? I am not sure. Probably not. That’s probably why he’s denying her. We are not allowed.

“May problema ba sa’yo, Klare? It’s just a simple get together.” Sabi ni Gavin.

Tumawa si Ama. “She’s hard to get, Gav. She’s my granddaughter. You can’t make her say yes right now. I tell you.”

Fuck. What is this shit?


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: