Until Forever – Kabanata 31

Kabanata 31

Shall We

“Yes, it is ready. Don’t worry about it, dad.” Kanina ko pa nakikitang abala si Hendrix sa kanyang cellphone.

Kumunot ang noo ko. Iniisip kong pupunta nga talaga si papa at si Tita Marichelle dito para sa birthday ko bukas. Kabado na ako at alam kong abala na ang mga organizers sa pag hahanda sa birthday celebration ko. Hindi sinasabi ni Hendrix sa akin ang detalye pero alam ni mommy at daddy na sa Xavier Estates gaganapin.

“Rix, akit nag pe-prepare tayo sa malaking crowd. Don’t you think the guestlist is too small but the preparation is too grand?” Tanong ko pagkatapos kong ibaba ang aking ballpen.

Gumagawa parin ako ngayon ng isa sa reaction paper na kinakailangan namin para next week. Mas lalo akong naging abala sa studies ko dahil sa nalalapit na final exams.

Ang hindi ko maintindihan ay noong nakaraang dalawang taon ay simple lang naman ang naging birthday ko. Simpleng dinner ng pamilya at ‘yon lang. Ngayon ay siguro kasama na rin dito ang pag ce-celebrate ng pagbabalik ko sa Montefalco. Dahil mas naging kasundo ko na ang mga pinsan ko at pupunta pa si papa at Tita Marichelle dito.

Pumikit si Hendrix at lumapit sa akin. Umupo siya sa sofa at dumilat para tingnan ang cellphone niya. “I have no idea, Klare. Sinusunod ko lang ang mga utos ni Dad. But I actually have a speculation.” Sumulyap siya kay Pierre na kanina pa nanonood at nakikinig sa amin.

“What is it?” Tanong ko.

“I think Ama will be there.” Ani Hendrix.

Nagkatitigan kaming dalawa. Hindi ko maintindihan. Hindi iyon matanggap ng sistema ko. Tinitigan kong mabuti ang kanyang mga mata. Naghihintay naman siya ng sasabihin ko.

“Why would she be there, Kuya?” Tanong ni Pierre.

“Hindi ko maintindihan. She didn’t like me. She did not want to see me again.” Nalilito kong sinabi.

“I don’t know, Klare. Maybe Ama changed her mind? Maybe she wants to see you and ask for your forgiveness. Maybe she cares for you.” Sabi ni Hendrix.

Lahat ng dugo sa ulo ko ay nanlamig. Hindi ako makapagsalita. Napaawang ang bibig ko at walang lumalabas na salita galing doon.

“Is… Is that possible, Rix?” Hindi ko mabanggit ng maayos ang mga salita.

Nagkibit balikat si Hendrix. “Ano pa ba ang rason ng pagpunta niya dito, Klare? If she truly hates you, bakit ka niya lalapitan? Well…” Nag iwas siya ng tingin. “That’s just what I think. I’m not sure if she’ll be here. Iyon lang ang tingin ko.”

“Ginusto ni dad na sa isang engrandeng venue siya mag bi-birthday dahil uuwi sila ni mommy sa Cagayan de Oro, Klare. Kuya, you’re overthinking. If I am not mistaken, ito ang unang pagkakataon ulit after how many years na magkikita si tita Helena at mommy. Mommy is cool, tita Helena, I hope, is cool too. This is why this should be grand.” Sabi ni Pierre.

Nakatitig kami ni Hendrix sa kay Pierre. Hindi ko alam kung maniniwala ako kay Pierre. Pareho silang may point ni Hendrix. Why would dad book a venue for 150 plus guests? Madalas ay 80 lang ang nasa guestlist namin at sobra pa iyon. It’s just the family and a few friends of mine.

“Pwede rin.” Buntong hininga ni Hendrix sabay tingin sa akin.

Kabado ako kahit sa pagtulog. Sinabi ko lahat ng iyon kay Elijah pero ayaw niyang mag alala ako sa birthday ko kaya mas minabuti naming matulog ng maaga. Tumunog ang cellphone ko ng hatinggabi. Ni hindi pa nag si-sink in sa akin lahat nang narinig ko ang boses ni Elijah sa kabilang linya.

“Hi, baby… Happy birthday.” His voice was husky.

Halos napatalon ako. Wala na akong panahon para umubo at ayusin ang boses ko kaya namamaos din ito nang sagutin ko siya.

“Thank you.”

Narinig ko ang ngiti niya sa kabilang linya. “Sorry, nagising kita. Ayoko lang ng may ibang makauna sa akin sa pag bati.”

“Hmmm. Okay lang. Thank you.” Sabi ko, dilat na ang mga mata.

May naririnig akong isa pang pamilyar na boses sa kabilang linya. Naririnig ko rin ang strum sa gitara. Dilat na dilat na ako habang pinapakinggan ang cellphone ko, naghihintay ng mangyayari. Malakas ang pintig ng puso ko sa iniisip ko…

“Shall I start?” I heard Spike’s voice.

“Gising pa kayo ni Spike?” Tanong ko kay Elijah.

“Ginising niya ako, Klare.” Spike chuckled.

Mas lalo kong narinig ang strum sa gitara. Nakangiti na ako at iniisip ko pa lang na kakantahan ako ni Elijah ay nangingilabot na ako sa excitement. Hindi siya madalas kumakanta. I’ve heard him sing. Tuwing nag vi-videoke kami pero madalas ay isang kanta lang ang nakakanta niya at magka duet pa sila ni Azi. Hindi ko pa yata siya naririnig na kumantang mag isa.

“Baby…” Malambing niyang sinabi. “I’m gonna sing for you. Listen very carefully.”

Tumango ako at kinagat ko ang aking labi. Damn, I miss him.

Narinig ko ang strum ulit ng guitar bago siya nagsimulang kumanta gamit ang napapaos at malalim niyang boses. Oh, I love him so much.

“How many times do I daydream

About making love to you…

And take you to a special place

Where it’s only me and you…”

Humalakhak ako sa kanta niya. Kagat kagat ko ang labi ko at lahat ng antok ko ay lumipad na sa bintana. Ang malalim niyang boses ay bumabalot sa kwarto kong tahimik.

“I’ll put away all your troubles

On the other side of the world

And run my arms around your heart

And tell you you’re my girl…”

Doon pa lang ay nanikip na ang dibdib ko. Tumulo sa gilid ng aking mga mata ang aking mga luha. I miss him so much. I want him for my birthday. I want him to be always beside me pero hindi ako pwedeng mag request sa kanya ng ganon. I’m not selfish. Alam ko na sa oras na marinig niya akong ganito ay lilipad iyon pabalik dito.

“Whenever you’re sad

Whenever you’re crying

I’ll be the one who wipes away your tears

Whenever you call

Whenever you need me

I’ll be the one who runs to you

Giving my love

Well you know how much I love you

So you better not let me down

I’m not asking for too much baby

Just stick around…”

Nanginginig na ang buong katawan ko sa pag iyak. Suminghap ako kaya tumigil siya sa pag kanta.

“Are you okay?” Tanong niya.

“Yup… I just… miss you.” Sabi ko.

Hindi siya nagsalita. Natigil ang pag s-strum ng gitara. Naririnig ko ang hininga niya. Pumikit ako at kinalma ang sarili.

“Do… Do you want me to come home?” Nag aalinlangan niyang tanong.

Umiling ako. Of course yes, Elijah. Pero di ko sasabihin sa’yo ‘yan. “Okay lang. Gusto ko lang talagang marinig ang boses mo. Nag si-senti lang ako.” Halakhak ko.

Hindi ulit siya nagsalita at natatakot ako sa mga iniisip niya.

“Magpaparty na mamaya. Pupunta si papa at si Tita Marichelle dito.” Winala ko ang usapan.

“Sana kasama mo ako. I really want to be with you.”

“Elijah, you have to be with your dad. Isa pa, pag maayos na siya, magkakasama na rin tayo. You should help tito Exel. Para makauwi ka na.”

“I know…”

Isang oras pa kaming nag usap bago ako inantok ng tuluyan at nakatulog ulit. Kinaumagahan ay nagising na lang ako nang nandoon na ang mga pinsan ko sa aming bahay.

Maingay si Erin at Chanel habang hinahalughog ang kwarto ko. May simpleng long gown akong susuotin mamaya dahil pormal ang magiging party.

Kinusot ko ang mga mata ko nang nakita kong binubuksan nila ang kurtina ng aking kwarto. Kulang na lang ay kaladkarin ako ng dalawa para lang makatayo galing sa pagkakahiga. Sinalubong din ako ni Charles ng halik na siyang ikinagulat ko. Hindi na ito nanghahalik, e.

“Charles?”

“Happy birthday, ate.” Aniya sabay ngiti. “Mamaya na ‘yong gift.”

“You’re here? Sinong kasama mo?” Tanong ko.

“I’m with mom and dad. Inimbita kami ni Kuya Hendrix ng breakfast. Aalis na rin kami. Wake up, already.”

“I’m awake.” Giit ko sabay tayo dahil sa excitement.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nandito si mommy at daddy sa Hillsborough. I couldn’t believe it.

“So Klare won’t be with us tonight?” Narinig ko ang lamig sa tono ng boses ni daddy habang patakbo ako pababa sa sala.

Sumunod sa akin si Charles, Erin, at Chanel. Nandon sina Claudette, Pierre, Hendrix, at Azi sa sala kasama si mommy at daddy. Tumingala na si mommy sa akin at naglahad na siya ng yakap samantalang abala si dad sa pakikipag usap kay Hendrix.

“Klare will stay here for about a month tito. Kasi mukhang magbabakasyon si dad at mommy dito for a month.” Sabi ni Hendrix.

Tumango si dad. “Well, if Klare wants to sleep in our house, she’s welcome. Wag niyo siyang pagbawalan.”

“Happy birthday, Klare.” Sabay halik ni mommy sa akin.

“Thanks, my.” Sabi ko at niyakap siya.

“Happy birthday, Klare.” Yakap ni daddy at bulong niya sa akin. “I’m sorry for the past years. You deserve a grand birthday celebration.”

Ngumiti ako. “Hindi ko kailangan ng engrande, dad. Simple is fine. Kaya ko ngang dinner lang with the family.”

“No, Klare. You’re my sister and you deserve the best.” Giit ni Hendrix.

Ngumiti si Daddy sa akin at bumaling kay Hendrix.

“Anong oras ang dating nina Ricardo, Hendrix?” Tanong ni dad.

“Probably this noon, tito.” Sabi ni Hendrix.

“Hindi na kami magtatagal. Binisita lang namin si Klare. Iba pa rin ang pakiramdam pag na greet siya pagkagising niya. We’ll see each other later.” Ani dad sabay yakap ulit sa akin.

Pagkatapos ko silang ihatid sa labas at nag paalam na ay naging abala na ako sa pagkain kasama si Hendrix, Pierre, Azi, Erin, Chanel, at Claudette.

“So… mamaya pa si Zoe dito kaya before that, mag papa spa muna tayo sa Vanity Works.” Sabi ni Erin.

Tumikhim si Azi. “Damn girls. Ang daming arte.” Umirap pa siya.

“Mas marami kang arte. You do spa and massage too, Kuya.” Ani Claudette.

“Well that’s because he’s up to something everytime.” Chanel smirked.

Umirap si Azi. “Ihahatid ko kayo sa spa tapos didiretso ako kay Josiah bago kami pupunta kina Rafael at Damon.”

“No, it’s okay, bro. Ako na maghahatid sa kanila sa spa.” Sabi ni Hendrix.

Nagkibit balikat si Azrael at nagpatuloy sa pagkain. “Wait… are you two cool?” Sabay turo niya kay Hendrix at Erin.

Yumuko si Hendrix samantalang si Erin ay tinusok sa tinidor ‘yong bacon sa harap. Walang nagsalita sa dalawa. Umiling si Chanel samantalang nagkatitigan kaming dalawa ni Claudette.

“Well… ako na lang ang maghahatid.” Sabi ni Azi.

Hindi ako makapaniwalang kaya niya pang magsalita sa gitna ng ganong sitwasyon.

“Okay lang. May bibilhin din ako downtown.” Sabi ni Hendrix.

Tahimik ulit kaming lahat hanggang sa natapos kaming kumain. Pinanood ko tuloy si Hendrix at Erin na may away pa rin yata. Panay ang titig ko kay Erin habang nanonood siya ng TV at naghihintay kaming lahat kay Hendrix na bumaba. Nauna na si Azi kanina para masundo niya na si Josiah sa kung ano mang gagawin nila.

Kumalabog ang pintuan sa kwarto ni Pierre at tumingala ako galing sa sala nang medyo nagmamadali siyang bumababa. Kitang kita ko ang diamond earring sa kanyang tainga, isinusuot niya at naka itim na t-shirt siya at jersey shorts.

Nilingon ko si Claudette na kinakagat ang labi.

“Pierre, san ka?” Tanong ko.

“Laro.” Aniya. “Marco.”

Tumango ako at nilapitan niya ako para humalik ulit sa aking ulo. Nakatoon ako kay Claudette na titig na titig kay Pierre habang ginagawa iyon.

“Take care sa spa. I’ll be back after the game.” Aniya at nilagpasan kaming lahat, dumiretso sa pintuan para makaalis na.

Binuksan ko ang bibig ko para sana tanungin si Claudette tungkol sa kanya kaya lang ay narinig ko namang kumalabog ang pintuan ng kwarto ni Hendrix. Naka puting t-shirt siya at maong, top sider shoes at nagmamadaling bumababa na rin sa hagdanan. Ngayon ay nilingon ko naman si Erin na nakatoon ang atensyon sa TV. Hindi niya man lang pinapansin ang pag aayos ni Hendrix sa kanyang buhok.

“Let’s go.” Anyaya ni Hendrix sa amin.

“Okay.” Tumayo ako. Sumunod si Claudette, Chanel, at Erin.

Kinuha ni Hendrix ang remote control ng TV at siya na mismo ang nagpatay nito. Sumulyap siya kay Erin na walang ginawa kundi mag iwas ng tingin. Para bang hindi niya kayang tignan si Hendrix.

“Sa likod na lang ako. Si Erin na sa front seat.” Sabi ko nang nakalabas kami.

Tumango naman siya at mabilis na pinagbuksan ng pintuan si Erin sa front seat. Iminuwestra ko kay Erin ‘yong front seat. Sinuklay niya ang kanyang hanggang balikat na buhok gamit ang kanyang mga daliri bago dumiretso sa front seat. Ngumuso ako at nakita kong may ibinulong si Hendrix sa kanya nong nasa upuan na siya.

I know there’s something really going on with them. Tahimik ang naging byahe patungong Vanity Works. Matulin magpatakbo si Hendrix at maingay naman si Chanel dahil sa mga tawag ni Brian at Rafael sa kanya.

“I’ll fetch you after two hours?” Tanong ni Hendrix.

“No, si Brian na kukuha samin. Ihahatid namin si Klare sa Hillsborough.” Ani Chanel.

Tumango si Hendrix at sumulyap kay Erin na ngayon ay papalabas na ng sasakyan.

Lumabas na rin kami. Dumiretso kami sa Vanity Works na ngayon ay mukhang punuan dahil may mga naghihintay sa sofa nila.

“Don’t worry, nagpabook ako.” Ani Chanel nang nilingon ko siya.

Tumango ako at naniwala dahil isa ito sa mga businesses nina Brian. Inisip ko ngang baka free pa kami lahat dito. May ipinakitang card si Chanel sa counter.

Iginala ko ang paningin ko sa mga taong naghihintay doon sa sofa. Nakita ko ang iilang pamilyar na mga mukha. Ngumiti ako sa mga kakilala kong naroon. Seymour Salvador, Gavin Co, at iilan pang players ng kabilang school ang nasa sofa.

Nakita kong nanlalaki ang mga mata ni Gavin sa akin. May dala siyang bag na pambabae. May kausap siyang babaeng mahaba at straight ang itim na buhok, naka kulay royal blue na dress. Mabilis niyang binigay sa babaeng kausap ‘yong pambabaeng bag kaya nilingon ko ng babaeng kausap niya.

Napawi ang ngiti ko sa ginawa niya.

“Si Seymour, Dette.” Halakhak ni Chanel.

Hindi ko na maituon ang pansin ko sa mga pinag uusapan nila. At sa tikhim ni Erin na alam kong may problema. Nilingon ko siya at tinitigan niya lang ako. Bumaling ulit ako kina Gavin at don sa babaeng nagpakilala sa akin nong isang araw sa school. What’s her name again?Ivana de Asis?

Nakita kong lumabas ng Vanity Works si Ivana de Asis kasam ‘yong kaibigan niyang dala niya rin nong nagpakilala sila sa akin. Sinundan ko sila ng tingin palayo doon nang may biglang lumapit sa akin na kilala ko bilang isa sa mga kaibigan ni Hendrix at Pierre.

Itinaas niya ang kamay niya at naghintay ng high five ko. Ang chinito niyang mga mata ay nakangiti sa akin. Lumapit din ang isa sa mga kasama nilang babaeng nakilala ko rin dahil naging kaklase ko sa isang subject noon. Alam ko ring kilala sila nina Hendrix at Pierre pero hindi ko na nasundan ang mga pangalan nila.

“Trent.” Ngiti ko at nakipag high five na sa naglahad.

“Asan mga kuya mo?” Tanong niya.

“Hinatid kami ni Hendrix dito. Pierre’s out for a game.” Sabi ko sabay tingin sa mga kasama nila.

Nilingon ni Trenton ang mga natira sa sofa. “Seymour, Gav, ‘yon ba ‘yong game na inindian niyo?”

Tumawa si Seymour at tumango. “Marami namang nandon. Makakalaro parin ‘yon.” Sabi ni Seymour sabay tingin sa akin.

Nag iwas agad ako ng tingin at naalala ko kaagad ‘yong nangyari sa bridal shower ni Eba. I licked his wrist! Body shot!

“Shall we go?” Yaya ni Gavin sabay tayo. Ang chinito niyang mga mata ay matalim ang tingin sa akin.

“Bakit, Gav? Hindi pa kami tapos. Kami na ang susunod.” Sabi nong babaeng nasa tabi ni Trenton.

“Umalis na sila, e.” Sabi ni Gav sabay tingin sa labas at balik ulit ng tingin sa akin gamit ang matatalim na mga mata.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: