Until Forever – Kabanata 30

Kabanata 30

No Idea

Umupo ako sa pool side. Tumabi si Elijah sa akin. Pinapanood namin ang malaking buwan sa langit. Hindi ko alam kung anong oras na pero sa tingin ko ay naka dalawang oras na kaming dalawa.

Niyakap ako ni Elijah. Mainit ang katawan niya kaya naibsan ang panlalamig ko. Pinagpahinga niya ang kanyang baba sa aking balikat.

“We really have to go.” Bulong niya gamit ang napapaos na boses.

Tumango ako.

“Did you have a good time?” Tanong niya at inangat ang kanyang mukha para tingnan akong mabuti.

Nilingon ko siya. “I have never been this happy.”

Matamis na ngiti ang kanyang isinukli.

“I don’t want to go yet.” Aniya.

Ngumiti rin ako.

“Kung ito ang nakakapagpasaya sa’yo, then I’ll break the rules.” Nilagay niya ulit sa balikat ko ang kanyang ulo.

I love him so much. Kung pwede lang ay iyakan ko siya ngayon para mag makaawa sa kanyang wag na lang ulit akong iiwan dahil hindi ko pa kaya. I want him here always. I don’t want him to go anywhere. Kaya lang ay masyado naman yatang selfish ‘yon. His family needs him now.

Nag ayos na kaming dalawa para makauwi na. Kahit na ayaw ko pang umuwi ay niyaya ko na siya. Hendrix would blow up if his rules are not followed. Dumiretso na kami sa sasakyan. Basa pa ang buhok ko at hinayaan ko na lang itong nakalugay habang nagsusuklay ako sa kanyang front seat. Tinititigan ko si Elijah habang nagdadrive siya. Ang isang kamay ko ay nagsusuklay at ang isa naman ay ka holding hands ng kamay niyang nasa gearstick.

Sinulit ko ang byahe sa paninitig sa kanya.

“You intimidate me with those eyes.” Ngiti niya nang narealize na nakatitig ako sa kanya.

Tumawa ako.

Biglang may tumawag. Binitiwan ni Elijah ang kamay ko at kinuha niya ang kanyang cellphone at binigay sa akin.

“Please, answer it for me, baby.”

Tumango ako at ni connect agad ‘yon sa stereo bago sinagot ang tawag ni Azrael.

“Dude, where the hell are you? Nasa Rotunda kami. Kanina pa kami tumatawag.”

“Azi…” Sabi ko at natahimik agad ang pinsan ko.

“Oh, yeah, right.” Aniya sa isang malamig na tono. “Asan boyfriend mo, Klare? Nababaliw na naman ba sa’yo?” Tumawa siya. “Punta kayo dito. Dito na kayo mag lambingan. Oopps, may friends nga pala.”

“Hindi na, Azi. Iuuwi ko na siya. Besides, I doubt if Erin’s there. She’ll get bored. We’d rather stay home.”

“Ang killjoy mo naman talaga, Elijah. Andyan ka pala pinapasagot mo pa kay Klare ang tawag ko. Gusto mo lang talagang isampal sa akin na single pa ako at ikaw ay nagpapakasaya na.”

“Shut the hell up!” Tumawa si Elijah. “Nasa Rotunda na kami pero lalagpas lang para maiuwi na si Klare.”

“How did you know by the way that Erin’s not here? Tanong ‘yan ni Josiah, ah?” Ani Azi habang naririnig ko si Josiah na marming pinapasabi kay Azi. “Isa isa lang, dude. Parang machine gun naman mga tanong mo.”

Kumunot ang noo ko nang napagtanto kong bakit nga ba alam ni Elijah. “Azi, nandyan ba si Claudette?”

Tanong ko habang tanaw na ang Rotunda. Binagalan ni Elijah ang takbo ng sasakyan at nakita nga namin sa isa sa mga table si Azi, Eion, Rafael, Silver, Josiah, Hannah, Julia, Liza, Chanel, at Brian.

Claudette’s not there!

“Nope. Umuwi na ang kapatid ko. Sumakit daw yata ang tiyan niya kaya umuwi.”

Tumawa si Elijah. “Make sure she’s home, then. Bye Azi. If I were you, I’d stay home. Baka masuntok ka lang nong babaeng gusto mo.”

Pinatay agad ni Elijah ang tawag. Kumunot ang noo ko sa nakangising si Elijah.

“May babaeng gusto si Azi?” Tanong ko.

“You were here a year ago and you didn’t notice?” Nagtaas siya ng kilay. “Bilib rin talaga ako sa pagtatago ng unggoy na ‘yon.”

Bumilis ang pintig ng puso ko sa excitement. Nakita kong nag ring ulit ang cellphone ni Elijah sa tawag ni Azrael. Humagalpak lang si Elijah at pinatay ang cellphone niya. Mukhang nawindang yata si Azi sa sinabi ni Elijah, ah?

Pinag usapan namin iyon. Hindi nagsasalita si Elijah tungkol sa babae. Wala daw siyang alam but I doubt if it’s true. He was Azi’s best friend. He should know.

Pagkarating namin sa bahay ay agad kong tiningnan ang relo. It’s 11:00. Late kaming dalawa at patay ako kay Hendrix nito. Dim ang lights pag pasok namin. Tahimik kami ni Elijah.

Nang binuksan ko ang pintuan ay nakita kong walang tao sa sala. Sinilip ko sa garahe ang mga sasakyan at isa na lang ang naiwan. Iyong van na lang na madalas gamit namin pag landtrip patungong Davao. The two cars were used! Ibig sabihin ay umalis ang dalawa. Then we’re safe.

Ngumiti si Elijah. “Hintayin ko na lang ang pag uwi nila?”

“What if matagal ang uwi nila? Hahanapin ka sa inyo.” Sabi ko.

Umiling siya. “Si mommy at Kuya Justin ang nasa ospital. Si Ate Yas lang ang nasa bahay. She won’t mind.”

Inisip ko na gusto ko nga iyon. Besides, aalis siya next week and I want more quality time together. So he stayed. Nanood kami ng movies sa sala. Kumuha rin ako ng iilang snack sa fridge.

Naunang nakauwi si Pierre na medyo nagdadabog. Nang nakita si Elijah ay malamig niya lang na tinitigan habang nagtatanggal siya ng wrist watch.

“Where’s Kuya?” Tanong niya sa akin pagkatapos ay nilapitan para halikan ang aking ulo.

Naramdaman ko ang pag higpit ng hawak ni Elijah sa aking baywang. Nagtaas ng kilay si Pierre nang nahagip niya ang pagkakahawak na iyon.

“Ewan ko. Umalis na. Hinihintay nga namin.” Sagot ko.

Tumango siya at nakipag high five bigla kay Elijah. “Kitchen lang.” Aniya at tinalikuran kaming dalawa para pumanhik patungo sa kusina.

Pinanood ko si Pierre na mapormang maporma patungo sa kitchen. Mas humigpit ang yakap ni Elijah sa akin.

“You’re intimate with your brothers.” Sabi niya.

Tumango ako. “Ganon sila.” Nilingon ko siya at nagkatitigan kaming dalawa.

Kinagat niya ang kanyang labi. “Siguro naman ay makaka adjust pa ako. Hindi ako sanay na may ibang taong ganon sa’yo. Ako lang ‘yong nakakahawak sa’yo ng ganon noon.”

“You’re still the only man who can touch me that way until now, Elijah.” Sabi ko.

Ngumiti siya kahit na kagat niya parin ang kanyang labi. Oh. He’s so good looking and it’s intimidating.

Dahan dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Hindi pa nga nag lalapat ang labi namin ay pakiramdam ko ay nawawala na ako sa aking sarili. Hinihila ko na naman ang kaluluwa ko para bumalik dito sa pagkakaupo ko sa sofa katabi ni Elijah. Marahang lumapat ang labi niya sa akin at nag lakbay ang halik niya patungo sa aking tainga. Tumindig ang balahibo ko sa kiliting naramdaman. Bumaba ang halik niya sa leeg nang biglang nagsalita si Pierre.

“Nag microwave ako ng lasagna. You two might wanna eat.”

Halos napatalon si Elijah at nilingon si Pierre.

“Yeah, thanks. We will, Pierre.” Ani Elijah.

Bumaling si Pierre sa akin pagkatapos matitigan si Elijah bago kami tinalikuran at umakyat na siya sa taas.

Nagkamot sa ulo si Elijah at tumingin sa akin ng mariing nakapikit. “Nakita niya ginawa ko?”

Tumango ako at uminit ang pisngi. Nahuli ang hiyang naramdaman ko dahil masyado akong nawala sa sarili kanina.

“Damn it! Nagpapagood shot ako.”

Sa kauna-unahang pagkakataon ay hiniling ko sa Panginoon na sana ay huwag na lang muna akong mag birthday. Dahil pag dumating na ang araw na iyon, aalis na si Elijah patungong Manila. Kung noon ay lagi akong excited, ngayon ay ayaw ko na muna. Sana ay huwag na nga lang akong mag birthday sa taon na iyon. If it means he’ll be away from me, then I won’t celebrate my birthday.

“I’m sorry, I can’t be here for your birthday.” Aniya at binigay sa akin ang isang malaking teddy bear.

Nasa bahay na naman kami at bukas ay aalis na siya. Ito ang huling pagkikita namin bago siya umalis patungong Manila. It makes me want to cry but I’ll try not to. Siguro ay nagiging over acting lang ako. Aalis siya at babalik din siya. Mamimiss ko siya pero hindi ko naman siguro kailangang iyakan ang nangyayari ngayon. He’ll come back anyway. He’ll be back for me. Always.

“So you’ll give me this teddy bear instead? Para di kita mamiss?” Ngiti ko habang niyayakap ang teddy bear na iyon.

“Nope. Binigay ko ‘yan para may mayakap ka pag na mi-miss mo ako.” He smiled.

I am really gonna miss him. Walang tatalo sa Elijah na nandito sa harapan ko. Iba parin talaga pag nandito siya sa akin.

Sa araw na iyon, nasa bahay lang kami at naglaro ng Blur at Naruto. Hindi ko nga lang alam kung pinagbibigyan niya ba ako o talagang natatalo ko siya.

“Ang galing mo sa strategies.” Aniya pagkatapos ko siyang maunahan ulit sa Blur.

“Ang sabihin mo, pinagbibigyan mo lang ako!” Inirapan ko siya.

He laughed. “Hindi ah!” at niyakap niya ako ng mahigpit.

Kanina ko pa nirereplay lahat ng nangyari sa nakalipas na mga araw. I am truly gonna miss him so much. Hindi ko alam kung kailan siya babalik. But he assured me hindi siya aabutin ng isang buwan. I’ll cling to that hope.

“Klare, patingin ng assignment mo.” Sabi ni Erin pagkapasok niya sa classroom.

Kanina pa ako tulala sa kakaisip kay Elijah. He’s probably on board now. Last text niya ay nasa Laguindingan Airport na sila with his family. He can’t text much kasi inaalalayan niya daw ang dad niya. Nag dala naman sila ng personal nurse, katulong, at body guards. I wonder if he’s alright. Sana kumain siya ng maayos. And I also hope he’ll text me when they land.

Tumango si Erin habang tinititigan ang assignment ko. Kumunot ang noo ko nang nakita kong may nagkakagulo sa labas. May mga naka uniform ng pulang jersey t-shirt at itim na cycling shorts. These girls are from the volleyball team of the School of Arts and Sciences. Matatangkad ang dalawang nasa labas at magkasing haba sa maitim na buhok ni Claudette ang kanilang mga buhok.

Tumalikod ‘yong isa at may ibinulong sa isang may bangs at pagkatapos ay tiningnan ako. Chinita ‘yong bumubulong pero ang apelyido niya ay hindi naman chinese. At ‘yong binubulungan niya ay ganon rin.

“Sino ‘yang nasa labas?” Tanong ko nang narealize na ako parin ang tinitingnan nila.

“Some… Artscies volleyball players. May practice yata ngayon sa covered court.” Ani Claudette.

Nanatili ang titig nila sa akin hanggang sa huminga ng malalim ‘yong isa at naglakad papasok sa classroom namin. Narinig ko ang sipol ng mga lalaking kaklase ko sa kanya. Tumitig pa sila sa kanyang maiksing shorts.

“Ikaw ba si Klare Ty?” She asked.

Nag angat ng tingin si Erin galing sa assignment ko patungo doon sa babae.

“Uhm, yup.” Tumango ako, medyo naguguluhan.

Nilingon nong babae ang kaibigang nasa labas at tumango siya. “Ako nga pala si Ivana de Asis.” Ngumiti siya sa akin at naglahad ng kamay.

Hindi ako sigurado kung bakit siya nagpapakilala sa akin. Ngunit nang nakita kong pumungay at naging malungkot ang kanyang mga mata ay nakuha niya ang loob ko.

“Nice meeting you.” Aniya nang tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay.

Tumango ako at tumalikod na siya. Pagkalabas ay may kinwento siya sa babaeng kasama niya. Nang tumalikod iyong babae ay nakita ko ulit ang isang pamilyar na apelyido. “Salvador.”

“That’s Cherry’s cousin, ‘yong nasa labas. At ‘yong pumasok? Hindi ko kilala.” Sabi ni Erin at tumingin sa akin. “What’s this all about?”

Umiling ako. “I don’t know, Erin. Nagulat na lang ako.”

Kumunot ang noo niya at tumitig sa pintuan kung saan kanina lang ay nakatayo ‘yong dalawang players.

“May kinalaman ba ‘to kay Elijah?” She asked again, ngayon ay pabulong dahil nakatingin na sina Hannah at Julia sa amin.

Nagkibit balikat ako. I really have no idea at all.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: