Until Forever – Kabanata 29

Kabanata 29

Really, Baby

Naging malamig ang tungo ni Hannah kay Erin. Para kay Erin naman, normal na mga araw lang iyon at hindi niya inaalintana ‘yong pakikitungo ni Hannah sa kanya.

“So… Bukas? Sa Sentro 1850?” Tanong ni Julia kay Erin pagkatapos nila dinampot ang mga librong nasa mesa namin sa Magis Building.

Tumango si Erin at uminom ng juice. “Yeah, see you.” Aniya.

Umalis din silang tatlo. Kinalabit ni Claudette si Erin habang pinapanood ko ang pag alis nila at pag bati sa iilang kaibigan ni Chanel at ilan pang common friends namin.

“Hindi parin kayo maayos?” Tanong ni Claudette kay Erin.

“I’m cool. Siya ang ayaw mamansin. At ayos lang ‘yon sakin. No hard feelings for me.” Kibit balikat ni Erin sabay tingin sa akin. “Maaga tayo bukas, a, Klare. 7pm pa ang party pero punta tayo ng mga 5pm.” Ani Erin.

Kinagat ko ang labi ko at umiling. “Wala si mommy, daddy at si Charles.” Sagot ko kahit sa totoo lang ay kung nandito man sila, tingin ko ay hindi rin ako pupunta.

Una sa lahat, binalaan na ako ni daddy tungkol sa party.

“Most probably your tito Exel will go to that party. Kahit saglit. Kahit next week pa ang discharge niya. He will. We will all be invited but I’m not sure if it’s okay to take you.” Bumagsak ang boses ni dad nang sinabi niya ito sa akin.

Tumango ako.

“Ang sabi ni Beatrice at ni Elijah, hindi pa daw nila napapag usapan ang tungkol sa iyo. It’s either he’s avoiding it or he just doesn’t want to talk about it because it will frustrate him.” Huminga ng malalim si Daddy.

“Ayos lang. I’ll stay with my brothers. Hindi naman po sila pupunta. You three can go. You don’t have to take me.” Sabi ko kahit medyo nabibigo.

“Elijah asked me to take you. But I know that’s not a good thing. Ginagawa niya lang iyon para sa’yo.”

“I won’t go, dad. Kahit ano pa ang sabihin ni Elijah. If I frustrate tito Exel, then I won’t see him.” Mariin kong sinabi.

“We won’t go too, Klare.”

Nag angat ako ng tingin kay daddy na ngayon ay tumitingin kay Charles na nag lalaro ng Xbox sa sala.

“May convention ako sa Cebu by Thursday and your mom and I will take Charles there. Isasama ka sana namin. If you’re okay with that. Charles isn’t. May mga school works siya. Dalawang araw na absent din iyon para sa kanya. But I’ll find a way to convince him.”

Umiling ako. “I can’t, dad. Finals is coming. Kayo na lang. Uuwi din ba kayo? I’ll stay with my brothers. It’s okay.”

“You can stay here. Or let your cousins stay here after the party. Hindi kita pinag babawalan na pumunta. I just want you to be very cautious.”

Ilang beses din akong pinilit ni Elijah na pumunta pero hindi niya ako nakumbinsi.

“Don’t tell me di ka pupunta?” Sabi ni Erin.

“Nakapag desisyon na ako. Ayokong magkagulo. Tito is still sick, Erin.” Paliwanag ko.

Huminga siya ng malalim at nagkatitigan kaming dalawa. Hudyat yata iyon na tapos na ang usapan naming dalawa. Kahit na gusto niya ring pumunta ako doon ay wala siyang magagawa. We all care for Tito Exel and if I can hurt him, then I will try not to.

“Silver’s going to be there.” Singit ni Claudette.

Nilingon siya ni Erin. “How did you know? Nag co-communicate pa kayo?”

“That’s not my point. My point is Eion’s gonna be there too, for sure.” Sabay hawi ni Claudette sa kanyang itim at mahabang buhok.

“Malamang. Pero nag cocommunicate-“

Umirap si Claudette kay Erin. “Magkaibigan sila ni Justin. Kaya malamang din nandon siya.”

Ngumisi si Erin at nag asaran sila ni Claudette. Ilang sandali ang nakalipas ay bumaling ulit ang dalawa sa akin para magtanong tungkol sa hindi ko pag sama bukas.

“I’ll stay with my brothers. Ayos lang ako.”

Kaya kinabukasan ay iyon ang nangyari. Actually, pagkaalis pa lang ni mommy at daddy, kina Pierre at Hendrix na ako tumira. Kaya halos gabi gabi din si Elijah doon para lang bisitahin ako at makipag kulitan sa sala.

Madalas pang nandon si Pierre sa harap namin kaya hindi ko mapansin si Elijah dahil sa pagiging intimidating ni Pierre.

Gabi gabi rin akong nawawala sa kanyang mga matang laging kumikinang at ngumingiti kapag nakikita ako. Sa sobrang saya ko ay takot na takot akong may biglang dumating na makakapag palungkot sa akin.

Cherish everything while it lasts, ika nga. At ito ang ginagawa ko ngayon. Lahat ng detalye ay kinukuha ko. Lahat ng pakiramdam, bango, panahon ay tinatak ko sa aking utak. Dahil alam kong kahit na sobrang saya ko ngayon, wala paring kasiguraduhan ang lahat. But I will hold on to the uncertain even if it means I’ll break.

“Kuya…” Dinig kong tawag ni Pierre habang nagmamadaling bumaba sa hagdanan.

Tumingala si Hendrix sa kapatid naming mapormang maporma at medyo basa pa ang buhok.

“I’ll take the Accord. Di ka lalabas?” Tanong ni Pierre.

“Ayos lang. ‘Yong isa ang gagamitin ko pag labas ko mamaya. Where are you going?” Kunot ang noo ni Hendrix.

Umirap si Pierre at humakbang patungo sakin. “May lakad kami kasama mga Engineering classmates ko. Kukunin ko si Vaughn. I want to take Klare but we are all boys… so…” Nag kibit balikat siya at hinalikan ako sa ulo.

Linanghap ko ang sobrang bangong leeg niya. Ngumisi ako habang tinitigan siya.

“Pumuporma.” Sabi ko.

“What? lagi naman akong ganito.” Ani Pierre.

“Ang bango mo.” Sabi ko ulit.

“Lagi akong mabango. You just don’t pay attention. All you think about is Elijah’s scent. Tss…” Pagsusuplado niya.

“Now you go. Stop acting like a jealous pet.” Ani Hendrix.

Umiling si Pierre at dumiretso na sa labas.

Nilingon ko si Hendrix na nakatoon ang mga mata sa laptop. Alas otso na at kanina ay nag text si Elijah na nagsimula na raw ang party. May maiksing programme kaya siguro ay abala pa iyon.

“Aalis ka rin, Rix?” Tanong ko.

“Yup.” Aniya. “Pero mamaya na.”

Tumango ako. “Saan ka pupunta?”

Lumipat ulit ang mga mata niya sa akin. “You sound like dad. You’re my little sister.”

Tumawa ako. “I just want to know. You don’t share anything to me.” Sabay yakap ko sa unan habang tinitingnan ang paa na nakapatong sa sofa.

“There’s nothing to share.” Aniya at bumaling ulit sa kanyang laptop.

“You’re too stiff.” Ngiti ko.

Ngumiti siya sa akin at hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin non.

Tinigilan ko si Hendrix nang nakita kong may text si Elijah sa phone ko.

Elijah:

Done. Can I take you out to dinner?

Kumunot ang noo ko at nag type agad ng message.

Ako:

Hindi ba kayo nag dinner diyan sa Sentro 1850?

Ilang sandali ang nakalipas ay tumunog ang cellphone ko. Nakita kong si Elijah iyon. Napatayo agad ako at sinagot na iyon.

“Nagpaalam ako kay Kuya Justin. I also told dad na uuwi ako kasi nakalimutan ko regalo ko kay Kuya. I want to be with you. I can’t text. I’m driving.”

Hindi ko maitikom ang bibig ko at hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko sa kanya kaya…

“O-Okay… Magbibihis lang ako.”

Pagkababa ko ng cellphone ay kumaripas na agad ako ng takbo sa hagdanan. Kahit nag tanong si Hendrix kung saan ako pupunta ay ang tanging naisagot ko na lang ay ang pangalan ni Elijah.

Nag dress ako pagkatapos kong pag pilian ang mga shorts at mga pants sa closet. Kumuha rin ako ng jacket dahil gabi na at baka lamigin ako. Pababa ako nang naabutan ko si Hendrix at Elijah na nag uusap sa sofa. Tumingala agad si Elijah kahit na pababa pa ako ng hagdanan.

Naka puting polo na long sleeves siya na tinupi hanggang siko ay naka maong at top sider na sapatos. Huminga ako ng malalim pagkatapos kong pasadahan siya ng tingin. He really is breathtaking. I won’t blame the girls who fell for him.

“Alas diyes, a?” Sabi ni Hendrix nang napansin ang pagdating ko.

Tumayo agad si Elijah at naglahad ng kanyang braso. Lumapit ako sa kanya at agad niya akong yinakap ng mahigpit. Dammit! Ang bango niya.

“Yes. Saglit lang ‘to.” Ani Elijah kay Hendrix.

Nanliit ang mga mata ni Hendrix sa pagdududa ngunit tumango rin at pinakawalan kaming dalawa.

Magkahawak kamay na kami palabas ng bahay. Hindi ko maitago ang sayang nararamdaman ko. Kahit na masaya ako pag kasama namin ang mga pinsan namin ay hindi ko parin maipagkakaila na masaya rin ako kapag kaming dalawa lang. Mas nakakapag usap kami ng maayos.

“Where are you taking me?” Tanong ko pagkatapos niya akong pag buksan ng pintuan sa kanyang sasakyan.

“Well, you’ll see.” Aniya at kumindat, umikot patungong driver’s seat.

Nakatingin ako sa kanya nang pinaandar niya ang sasakyan. Abala din ako sa pagbabanggit ng tungkol sa pag greet ko kay Kuya Justin ng Happy Birthday sa Facebook at sa cellphone.

Inimbita niya ako pero alam kong mas mabuti talagang wala ako para walang gulo. Ayokong masira ang kanyang birthday.

“I bought you… uhm… a bikini.” Aniya.

Nagtaas ako ng kilay. “A what?”

“Bikini.” Aniya sabay abot ng isang paper bag sa likod ng kanyang sasakyan.

Pababa kami ngayon ng Mastersons Avenue. Iniisip ko kung bakit niya ako binilhan ng bikini? Mag s-swimming ba kami? Pupunta ba kami ng dagat?

Hinalughog ko ang paper bag at nakita ko ang isang puting bandeau at maliit at puting bikini bottom nito. May puting pambabaeng board shorts din doon.

“You look really good in your dress tonight.” Kinagat niya ang kanyang labi. “Pero pinagplanuhan ko na ‘to. We’re going to swim.” Aniya.

“Saan?” Tanong ko.

Niliko niya ang kanyang sasakyan sa rotunda at idiniretso sa Macasandig. Mabilis akong nag isip kung saan kami mag s-swimming sa lugar na ito. Ngunit nang nilagpasan namin ang school namin noong high school ay isa lang ang tanging naisip ko.

“Stargate?” Tanong ko.

“Yup.” Ngiti niya sabay tingin sa akin. “We’ll have dinner first then we’ll swim. Kaya ba ‘yon ng two hours? I’m seriously taking you home by ten or Hendrix will lead the anti Elijah team.”

Tumawa ako. “Niloloko ka lang non.”

“No, Klare. I need to remain dignified in the eyes of your brothers.” Tawa niya.

Nanliit ang mga mata ko sa kanya. Pinagpahinga niya ang kanyang palad sa aking hita at niliko ang sasakyan sa resort na tinutukoy ko.

Hindi ko inakala na pinagplanuhan niya ito. Walang tao sa resort. Siguro ay dahil mahirap itong puntahan at walang mag iisip na pumunta dito ng ganitong gabi. Kung umaga ay maaaring maraming tao, pero ngayon, wala nang naliligo. May kaonting mga matatandang kumakain sa kanilang restaurant at walang pakealam sa aming pag dating.

Tiningnan ko ang lawak ng infinity pool. Sa baba nito ay ang kaonting city lights ng down town Cagayan de Oro at ang ilog ng syudad.

“Let’s go eat first?” Aniya.

Tumango ako kahit na hindi ko na mapigilan ang pagkalabog ng puso ko. Gustong gusto ko nang maligo sa pool at gustong gusto ko ring sulitin ang oras namin ni Elijah. He’ll be gone next week and this is quality time for us.

Kumain kami habang over looking ang ilog ng Cagayan de Oro.

“Mas maganda sana rito kung umaga. Mas maganda ang infinity pool.” Sabi ko.

Tumango si Elijah. “Pupunta tayo dito next time ng umaga.”

Uminit ang pisngi ko at hindi ko maimagine na susuotin ko ‘yong binili niyang bikini sa umaga. Siguro ay ayos lang pag gabi dahil wala naman masyadong nakakakita.

Ilang beses kaming nag picture gamit ang kanyang cellphone. Hindi ko maitatanggi na masyado akong masaya sa mga picture na iyon. Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na sa dressing room para makapag bihis. Hindi na ako makapag hintay na maligo sa pool na walang tao.

Mabilis natapos si Elijah sa pagbibihis. Samantalang nahirapan pa ako sa akin. Hindi ko inakala na kakasya pala talaga ‘yong bikini na bigay niya. He’s good at this, huh?

“Wear the board shorts.” Sigaw niya sa labas ng room.

“Okay po.” Irap ko kahit na ayos lang naman kung hindi dahil kaming dalawa lang talaga ang maliligo ngayon at gabing gabi na.

Pagkalabas ko ay nagtaas siya ng kilay at pinasadahan niya pa ng tingin ang katawan ko. Uminit ang pisngi ko. I know right, Elijah. Hindi ito tulad ng mga katawan ng ex mong nakaka akit kahit saang banda. Kailangan ko pang mag effort para may maakit sa akin. Nilagpasan ko siya at narinig ko ang tawa niya.

“Wait up.”

Mas lalong uminit ang pisngi ko. Ngayon ay naisip ko ‘yong mga ex niyang si Gwen at Selena. Alright. They both have that perfect body. Palaisipan talaga sa akin kung bakit ako ang gustong gusto ni Elijah.

Nilagay niya sa baywang ko ang kanyang kamay nang naabutan ako. Halos matigil ako sa paglalakad.

“You look good.” Bulong niya.

“Not as good as your exes.” Hindi ko mapigilan ang tabang sa tono ko.

“You’re not going to compare yourself to them, Klare.” Mariing sinabi niya, nakatitig sa akin.

Hindi ko siya nilingon at pinanood ko na lang ang bumubulang tubig sa maliliit na pool sa gilid ng malaking infinity pool. Hugis isda ang buong pool. At may pool rin sa baba. Gusto ko nga doon dahil mas kita ang city lights at mas pribado.

“They’re both real hot.” Sabay tingin ko sa kanya. Walang bahid na tabang doon. Sinasabi ko ang opinyon ko ngunit sa kunot ng kanyang noo ay hindi niya iyon matanggap.

“You are hot.”

Nahirapan ako sa paglunok dahil sa sinabi niya. Binalewala ko iyon at dahan dahang bumaba sa hagdanan ng pool. Naramdaman kong sumunod siya sa akin.

Nilangoy ko ‘yon patungong dulo ng infinity pool, hindi na ako makaapak sa sahig ng pool kaya panay ang hawak ko sa dingding. Marunong naman akong lumangoy pero mas gusto kong may suporta.

Tinitigan ko siya habang umaambang lalangoy patungo sa akin. Naka puting board shorts siya at ang ink sa kanyang tattoo ay magandang tumatatak sa kanyang pecs at likod. Love is war, I am you soldier, huh? Whose soldier are you, Elijah?

Lumangoy siya. Kitang kita ko ang kanyang katawan patungo sa akin at nakaramdam ako ng lamig sa paninindig ng aking balahibo at demonyo sa aking tiyan. Pagkaahon niya ay ikinulong niya agad ako sa kanyang braso. Mabilis ang kanyang hiningang umaabot sa akin. Dumikit ako ng mabuti sa dingding na hinihiligan ko.

“You’re cold.” Aniya at idinikit niya sa akin ang kanyang katawan.

Hinihila ko ang kaluluwa kong tumatakbo habang ginagawa niya iyon. Nag iwas ako ng tingin sa kanya.

“You stop talking about my past.” Aniya, hinahanap ang mga mata kong nakatitig sa kanyang dibdib. Hindi ako makagalaw dahil sa braso niyang nakahawak sa magkabilang panig ng dingding na hinihiligan ko. Ang mga paa ko ay tumatama sa kanyang binti.

“It’s part of you. And besides, ayos lang ‘yon sa akin.” Sabi ko nang hindi siya tinititigan.

Binaba niya ang isang kamay niya sa pool at naramdaman ko iyon sa baywang ko. Halos mapapikit ako. Pinigilan ko ang sarili ko at tiningala ko siyang nakatitig ang mapupungay na mga mata sa akin.

“You know what I did. You know I was just trying to forget you all the time, Klare. And we need to stop talking about my past. Stop pushing my button.”

Tumango ako, nahi-hypnotize sa kanyang mga sinasabi. “I miss you so much. Dinala kita dito dahil alam ko, ramdam ko na naiilang at natatakot ka parin na malaman ng lahat ang tungkol sa atin. I’m not scared but I’m going to respect your feelings.” Aniya at mas lalo siyang lumapit sa akin.

Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako sa simpleng sinabi niya. Tingin ko ay mababaliw na yata talaga ako sa kanya. Iyon ay kung hindi pa ako baliw sa lagay na ito.

Bumaba ang tingin niya sa labi ko at nanlaki ang mga mata ko nong nakita ko kung paano niya inilapit ang labi niya sa akin para mahalikan ako ng mabababaw na halik.

“Most of my fantasies were about kissing you. And everytime we kiss, it feels like you made my dream come true.” Bulong niya.

Halos matunaw ako sa sinabi niya. Kaya nang naglapat ulit ang labi naming dalawa ay hinalikan ko siya pabalik. Huminga siya ng malalim at sinuklian pa ang halik ko. Tumigil siya at hinabol niya ang kanyang hininga. Ang kamay niyang nasa baywang ko ay nilagay niya sa baba ko para suportahan ito nang halikan niya ulit ako. Pumikit ako at nag dasal na sana huwag na itong matapos.

Masyado na yata akong abusado sa Panginoon. Noon gusto ko lang na maging masaya kami ni Elijah. Ngayon, kung anu ano na ang hinihiling ko. I don’t want to be greedy. Masyado na yata akong maraming pinapangarap. Malakas at mabilis ang pintig ng puso ko at hindi ko na maintindihan kung anong demonyo ang laman ng tiyan ko.

Tumigil ulit siya sa pag halik at sinandal niya ang kanyang noo sa aking noo.

“I am really gonna marry you. Really, baby. Hindi ako papayag pag hindi tayo.” Bulong niya.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: