Until Forever – Kabanata 28

Kabanata 28

Taken

Hindi ako sigurado kung nagkakatuwaan ba ang mga pinsan ko o ano pero naririnig ko ang tawanan nila sa kusina namin. Doon yata nila napiling mag inuman. I thought Azrael’s down pero nong narinig niya ang tawanan ay nagising siya. Maging si Josiah ay ginising ng unggoy para lang makisali sa kina Elijah.

Abala naman ako sa mga guests rooms na mukhang hindi yata gagamitin ng mga babae kong pinsan dahil nasa kwarto ko na sila at nag kukwentuhan. Inisip ko tuloy ‘yong sinabi ni Elijah kaya nag text na ako sa kanya na sa guest room na lang siya dahil nasa kwarto ko ang mga pinsan namin.

Binaba ni Pierre ang cellphone niya nang nagkasalubong kami sa ikalawang palapag ng bahay. Abala din siya sa pag aasikaso sa mga guest rooms na matagal ng di nagagamit. Naglakbay ang mga mata ko sa kanyang cellphone na nilagay niya sa kanyang bulsa.

“Klare, ayos na ba ang mga comforter sa kwarto mo?” Tanong ni Pierre.

“Yup. Dinala na ni manang kanina. Kumusta ‘yong guestrooms?”

Tumango si Pierre at hinawakan ang railing ng aming hagdanan, umaambang bababa. Kumunot ang noo ko. Makikipag inuman siya sa mga pinsan ko?

“Iinom ka?” Tanong ko.

Tumango siya at hindi na ulit ako tiningnan pabalik. Nagkibit balikat ako at pumasok na sa kwarto habang binabasa ang message ni Elijah.

Elijah:

Damn. Pupunta parin ako. But I’m sure they won’t let me sleep there. I miss you.

Nakangiti pa ako nang naabutan ko ang mga babae kong pinsan na tahimik na nag uusap sa kama ko. Naka upo si Erin habang si Chanel ay nakatayo at nakapamaywang, seryosong pinapakinggan ang sinasabi ng kapatid. Si Claudette ay naka higa at may cellphone sa kamay, nakikinig din.

“Ni hindi ko alam na si Eion ‘yong sumasayaw sa likod ko.” Naabutan kong paliwanag ni Erin sa kapatid.

“That’s why medyo napatayo si Rafael habang nagtatawanan kami. Hindi pa ‘yon nakaka recover sa nangyari nong huli nating punta sa Lifestyle na nandon si Eion, e.” Iling ni Chanel.

“The problem with Hendrix, ate, is that lagi siyang nag dedeliryo na alam ko ang mga pangyayari. Na alam kong si Eion ‘yon kaya ako sumayaw don. I didn’t know. I was tipsy and I want to dance.” Sabay tingin ni Erin sa akin.

Inisip ko tuloy kung anong meron sa kanila ng kapatid ko. Ang alam ko lang ay gusto ni Erin si Hendrix noon. Pero ngayong alam kong mula pa high school ay gusto niya pala si Eion, naisip ko tuloy kung tunay niya bang crush ang kapatid ko o pang divert lang iyon sa nararamdaman niya para kay Eion.

“Do you still like Eion?” Malamig na tanong ni Chanel sa kapatid niya.

Pinasadahan ni Erin ng kanyang mga daliri ang side bangs niya at sumulyap sa akin. Tumikhim siya at tiningnan ulit si Chanel.

“He doesn’t deserve-“

“You still like him.” Humalukipkip si Chanel at umiling.

“Ate, what he did to me was painful-” Paliwanag ni Erin na agad pinutol ni Chanel.

“Fine, fine! Dito na kayo. Bababa ako. Don na ako sa mga boys. Bigyan niyo ako ng comforter mamaya, a?” Sabay hawi ni Chanel sa kanyang buhok at pihit sa door handle para makalabas.

Tumikhim si Erin at tumabi para makahiga ako. Kinagat niya ang kanyang labi at nilingon ako.

“Masakit lang talaga ‘yong ginawa ni Eion sa akin. Hindi ko makalimutan.” Aniya at hinagkan ang kanyang tuhod.

“Maybe you should forget him and date someone else instead.” Sabi ni Claudette habang nag titext sa kanyang cellphone.

“You don’t date someone else to forget, Claudette.” Kunot ang noo ni Erin nang nilingon si Claudette.

Nagkatitigan ang dalawa. Papalit palit ang tingin ko sa kay Claudette at Erin. Gusto kong magsalita. Na kaya hindi ko sinagot si Eion noon ay dahil ayaw kong manggamit ng tao para lang makalimutan si Elijah.

“You’ll learn to love that person eventually. So it’s win-win for the both of you.” Giit ni Claudette.

Umiling si Erin. “No. Natatakot akong pumasok ulit sa ganon. I don’t wanna be dropped anytime. Ayokong makipag date lalo na pag alam kong wala rin namang patutunguhan.”

Tumikhim si Erin at napatingin siya sa kanyang cellphone. Hinintay kong dumugtong si Claudette pero imbes na ganon ay tiningnan niya ang mga nakalatag na Dvds malapit sa TV.\

“Manood tayo ng movie.” Aniya.

“‘Yong horror.” Dagdag ni Erin habang humihiga na at panay ang pindot sa kanyang cellphone.

Nagkibit balikat ako at humiga na rin sa tabi ni Erin. Biglang tumayo si Erin at bumaba sa kama. Umupo siya don sa nakalatag na foam sa sahig.

“Dito muna ako habang manonood.” Aniya sabay tingin sa kanyang cellphone.

Abala si Claudette sa pag aayos ng TV. Tinulungan ko siya at bumalik rin sa kina hihigaan ko nang natapos.

Ilang sandali ang nakalipas ay biglang pumasok si Pierre sa kwarto. Napatalon si Erin sa kanya. Agad hinanap ni Pierre si Claudette na ngayon ay may kausap sa cellphone. Kinagat ni Claudette ang kanyang labi ay dahan dahang binaba ang cellphone niya.

“Oh, I thought you were asleep.” Tumaas ang kilay ng kapatid ko.

Ngumiti ako at umiling. “Nanonood pa kami nitong movie-“

Pero hindi niya na hinintay na matapos ako. Tumalikod na siya at pinagsarhan kami ng pintuan.

“Wait, Pierre!” Agad na tumakbo si Claudette sa pintuan na padabog na sinarado ng kapatid ko.

Nagmura si Claudette at tinali muna ang kanyang mahaba at itim na buhok bago lumabas para sundan ang kapatid ko. Nilingon ko si Erin na nagkibit balikat na lang.

“Ano ‘yon?” Tanong ko.

Nagkibit balikat ulit si Erin.

Panay ang usapan namin ni Erin tungkol kay Claudette at sa ex niyang iniwan siya noon. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang topice namin pero pag love life ni Claudette ang pinag uusapan, isa lang talaga ang maisasagot ko. Nandon ako nang nangyari ang lahat ng iyon. Nandon kami. Kahit na tahimik iyon ay alam kong malaki ang naging epekto non kay Claudette. That wasn’t an easy love. And I’m sure it was love.

Inantok ako sa kalagitnaan ng movie. Nakaidlip ako at nagising na lang nang may naramdaman akong humawak sa baywang ko.

Dumilat ako at naamoy ko kaagad si Elijah sa tabi ko.

“Make it fast, Ej. Balik ka na sa room mo or I’ll tell Hendrix-“

“Chan, don’t be such a kill joy.” Bulong ni Elijah.

Kinusot ko ang mga mata ko. Si Erin na tulog na sa tabi ni Chanel. Sa tabi ko naman ay si Claudette na nakatalikod at mukhang tulog na rin. At sa gilid ko ay si Elijah na nakangiti. I need to seriously check my face! Kakagising ko lang for God’s sake!

Naaamoy ko ang mint at vodka sa kanya. Nandon parin ang bango ng kanyang katawan at hindi ko mapigilan ang pag bilis ng pintig ng puso ko. Nakaupo siya sa tabi ko kaya umayos ako sa pag upo.

Pinatay ni Chanel ang lamp. “Ikaw na bahala sa pag alis mo. Wag mo kaming apakan kundi lagot ka sakin.”

“Elijah…” Sabi ko na kahit sa dilim ay medyo kita ko parin ang kanyang mga mata.

“Saglit lang ako. Hindi ka na nakapag reply. I just want to check on you. If you were sleeping.” Aniya.

Umubo si Chanel sa gilid. Uminit ang pisngi ko. Damn it.

“Nakatulog ako.” Bulong ko.

“Uh-huh. I can see that.” His voice was husky. “Why do you have to whisper?”

“Tulog na sila.” Mas mahinahon kong sinabi.

Umubo pa ulit si Chanel at bumulong bulong ng kung ano. Damn!

“Yeah. Can I have my kiss before I leave? Hinihintay na ako ni Azrael sa kabilang kwarto.” Halakhak niya.

Lumaki ang ngiti ko. Medyo naiilang ako sa hinihingi niya pero dahil sa sinabi niya tungkol kay Azi ay hindi ko mapigilan ang sarili ko. “Gays.”

“Gay, huh?” Aniya at mabilis akong hinalikan ng banayad at mababaw na halik.

Halos umikot ang mga mata ko. Nakakahilo at nakakawala sa sarili ang simpleng dampi ng kanyang labi sa akin. Nagwawala ang mga demonyong matagal ko ng inaalagaan sa tiyan ko. Hindi ako nakapagsalita. Lalo na nong hinawakan niya ang labi ko.

“Thank you.” Aniya at agad hinila ang kumot ko.

Nanlalaki pa ang mga mata ko sa gulat sa halik na iyon. Pakiramdam ko ay nakukulangan ako pero nahihiya rin kasi alam kong alam ni Chanel kung ano ang ginawa namin ni Elijah. Hindi na siya umubo o gumalaw man lang. Hindi ko alam kung ano ang nasa utak non.

Hindi pa ako nakakalma ay pinahiga na ako ni Elijah sa kama. Sinigurado niyang nalagay sa unan ang ulo ko. Bahagya niya pang inayos ang gulo ng buhok ko.

“Good night. I’ll see you later.” Aniya at halos gusto ko siyang hilahin pabalik nang umalis siya sa kwarto.

Pakiramdam ko ay hindi na ulit ako makakatulog. Kung anu-ano na lang talaga ang pinaparamdam ni Elijah sa akin.

Sa sumunod na mga araw, madalas siyang pumunta sa school para lang maabutan ako at makakain kami ng sabay o makuha ako galing doon. Alam ko namang abala siya sa pakikipag palitan kina Ate Yasmin at Kuya Justin sa ospital kaya hindi ko hiningi sa kanya na sana ay araw araw kaming nagkikita kahit iyon ang gusto ko. Ngunit kahit hindi ko iyon hiningi ay siya na mismo ang naniniguradong ganon nga ang mangyari.

Ilang beses ko siyang pinagsabihan na okay lang naman kung abala siya sa ospital. He insisted. Natatakot nga akong baka mag tanong sa kanya si tito at wala siyang maisagot.

“Pssst…” Naririnig kong tawag ni Erin ngunit binabalewala ko. Hindi ko rin naman kasi inakalang para sa akin ‘yon. Pero nang hinampas niya ang mesa ay napatingin na ako sa kanya.

“Bakit, Erin?” Kumunot ang noo ni Hannah sa tabi ko.

Gumagawa kami ngayon ng term paper sa isang minor subject na nag aala major dahil sa dami ng requirements para sa final exams. Ngumiti si Erin kay Hannah at, “Wala, Hannah.”

Tumango si Hannah at nag lakbay ang paningin niya sa mga taong dumadaan sa kiosk at sa soccer field, kung saan kami tumatambay habang inaayos ang term paper. May nginuso si Erin sa akin. Kasabay non ang pag papanic ni Hannah.

“Elijah’s here! Oh my God!” Aniya at biglang nag ayos.

Naestatwa ako sa kinauupuan ko. Lalo na nang naramdaman ko ang kamay ni Elijah sa balikat ko. Tumingala ako sa nakangiting siya. Tumabi siya sa akin at panay ang tingin ni Hannah sa amin.

“Nag lunch na kayo?” Tanong ni Elijah sa akin, nakatitig.

Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Sa suot niyang stripes na polo shirt at maong pants ay malinis at masyado siyang makisig. Hindi ko kayang tatabi siya sa isang tulad kong naka uniporme at medyo sabog sa mga ginagawa.

“Hindi pa.” Sagot ko.

“Sabay ka samin?” Ngiti ni Hannah sa gilid ko.

Nilingon ko si Elijah na nag tataas ng kilay ngayon. “Actually, di ako magtatagal kasi ala una ang sunod na pasok namin. Baka dito na lang kami sa school mag lunch.” Sabi ko.

Tumango siya. “Alright then… What do you want? Bibilhin ko para sayo.” Sabay tingin niya sa mga papel na nakalatag. “You look real busy.”

“Elijah, pati ‘yong amin. Kasama mo ba si Azi? Isama mo na lang kaya siya. Bilhan niyo kami ng porkchop ni Klare.” Ani Erin.

Tumango si Elijah. “Nasa Canteen sila ni Joss at Rafael.” Tumayo si Elijah hinaplos ang likod ko.

Medyo naiilang ako dahil kita ko ang mga mata ni Julia na nakatitig doon.

“Pork chop na rin amin, Elijah. Here.” Sabi ni Hannah at naglahad ng pera kay Elijah.

Umiling siya. “Sagot ko na kayo.” Aniya at dumungaw ulit sa akin at sumenyas na aalis muna para bumili ng pagkain.

Tumango ako at hinayaan siya. Nang nakalayo na siya ay agad pinaypayan ni Hannah ang kanyang sarili.

“Oh my God! Nilibre niya ako! Klare, wala na sila nong girlfriend niya diba? I mean ‘yong ex niya? Does that mean?” Kitang kita ko ang pag asa sa kanyang mga mata.

“It means we have to move on too.” Ani Erin at nagpatuloy sa kanyang mga sinusulat.

“Erin naman…” Tikhim ni Hannah. “You know I like Elijah so much and I couldn’t let go of our what could have beens. I dated him. He was my ‘almost’! The one that got away. Kung hindi sana siya umalis ay baka…” Ngumuso siya nang nakita ang maasim na mukha ni Erin.

Hindi ako makapag salita. Alam kong ilang kalabit na lang ay mag aalburoto na ang bibig ni Erin. Hindi ako magtataka kung bigla niyang sabihin kay Hannah ang tungkol sa relasyon namin ni Elijah dahil sa ngayon ay masyado ng iritado at pagod ang kanyang mukha para makinig doon.

“I’m sorry to break it to you, Han, but I want to be a good friend. You’re not his almost. It’s someone else. At baka nga maging sila na nga, if the weather permits. He’s deeply in love with someone and I’m pretty sure this is life and death for him. I know that. I’ve seen it. I’m his cousin.” Sabay tingin ni Erin sa akin at sa natigilang si Claudette. Mukhang takot rin siyang masabi na lang bigla ni Erin ang tungkol sa amin. “Now will you please stop the delusions. We have Josiah and Azi still single. Pati si Rafael. Stop it with one particular Montefalco. He’s damn taken. Always been taken by someone else.”

Parang tumaba ang puso ko sa sinabi ni Erin. Hindi ko siya matingnan ng diretso. Para akong lumilipad sa kalawakan dahil sa mga sinabi niya.

“We’re close. Bakit wala akong makita, Erin? You just don’t want me for him. You think I’m not good enough.” Kunot ang noo ni Hannah at basag ang kanyang boses. Pakiramdam ko ay mag aaway ang dalawa.

Kinabahan ako. Lalo na nang nakisali si Claudette.

“Stop it, you two. May term paper tayong tinatapos! Baka di natin ‘to matapos dahil lang sa away niyo tungkol kay Elijah.” Ani Claudette.

“Kung meron siyang iba, Erin, ba’t di ko alam?” Tumayo si Hannah at nag ligpit ng gamit.

Umiling si Erin at tumawa pa sa inasta ni Hannah. Tahimik na kaming lahat. Maging si Julia at Liza ay wala ng masabi.

“Do you have to know? You think you really ought to know?” Ani Erin pero bago pa iyon natapos ay padabog ng umalis si Hannah sa Kiosk.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: