Kabanata 26
Party
Huminga ako ng malalim pagkatapos kong isarado ang pintuan ng cubicle. Hindi ko masasabing ayaw ko sa mga ginagawa ni Elijah dahil sa totoo lang, siya lang talaga ang makakapag patibok ng ganito ka lakas at bilis sa puso ko. Halos sumabog ako kanina sa lahat ng mga sinabi niya. Pakiramdam ko ay parang kasing pula ng kamatis ang mukha ko.
Lumabas ako doon at tiningnan kong mabuti ang mukha ko sa salamin. ‘Yong mga babae kanina. Naiirita ako sa kanila pero hindi ko naman masabi kay Elijah. Ayokong mahalata kami. Masyado na kaming PDA ani Damon at ayokong gatungan pa. Umalis ako dahil gustong gusto kong magtanong kay Elijah kung saan sila nagkita nong Dianne. I know. It’s a stupid question. I don’t want to be a clingy girlfriend. Ayon sa nabasa ko sa isang magazine, madalas iniiwan ang mga clingy girlfriend dahil pakiramdam ng mga boyfriend nila ay nasasakal na sila at nawawala na ang challenge. Not that I need to hide my feelings just to keep Elijah, though.
Hindi ko lang rin talaga malubayan ang mukha ni dad nang kinompronta niya ako pagkatapos akong iuwi ni Elijah sa amin.
“Klare, can we talk?” Aniya, hindi pa ako nakakapagpahinga.
Hindi ko alam kung kailan at kanino niya nalaman na kasama ko si Elijah sa Davao. Siguro ay nong pauwi na kami, sinabi na rin ni papa kay mommy. That’s okay. Naiintindihan ko si papa. Ayaw niya lang sigurong maglihim kay mommy. Besides, mom cares for me too.
Pinapanood lang kami ni mommy. Kanina nang nagmano ako pagpasok ay kinamusta niya lang ang byahe. She never mentioned anything about Elijah’s come back. I was glad about it. Hindi rin ako handang idetalye ang mga nangyari sa Davao. Ni hindi ko alam kung sinabi rin ba ni papa sa kanila ang nangyari doon.
“Inatake ang tito Exel mo. He’s unconscious nong nasa Davao ka pa.” Hinga ni Dad.
Pakiramdam ko ay nabuhusan ako ng malamig na tubig. Alam kong ganon ang nangyari kay tito nang nalaman ko galing kay Elijah pero iba parin pala talaga pag ganon ang pagkakasabi ng isang mas nakakatanda.
“Inatake siya dahil sa stress, sa pag aalala sa business at sa pag aalala kay Elijah. We have been receiving news about some kid, the same description kay Elijah na pinatay, namatay o nadisgrasya.”
“No…” Mabilis kong sinabi at malakas na agad ang pintig ng puso ko.
Kahit na narinig ko lang na ganon ay kabado at nasasaktan na ako. Hindi ko yata kaya kung ako ang nasa kalagayan ni tito Exel.
“Yes.” Dad said.
Hindi ako nakapagsalita. Nakita kong lumapit si mommy kay dad at hinaplos niya ang likod ni dad. Hinanap ni dad ang kamay ni mommy at naghawak kamay silang dalawa.
“Nag usap na kami ng mommy mo. Hindi kami tututol sa inyo kahit na alam naming hindi sana tama itong mga nangyayari. We want you happy, Klare. It’s been what… two years? three? And we’ve decided to let you go…” Nabasag ang boses niya.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot sa sinabi ni dad. Of course masaya akong hindi sila tututol sa kaligayahan ko. Pero nakakalungkot isiping nasasaktan sila sa desisyong ginagawa nila para sa akin.
“If you’ll be happy with him, then hindi kami hahadlang. Hindi na kami hahadlang. It’s just right now, I want your mature side to surface again…”
Hindi ako nagsalita. Kahit na halata sa paninitig ni dad ‘yong paghihintay sa isasagot ko.
“I want you to reconsider the situation. You and Elijah can’t be together fully yet. His father is sick and we don’t want him to be more sick because of this situation.”
Pumikit ako at yumuko.
“Ginagawa ng tita Beatrice mo ang lahat para maging maayos ang pamilya nila. Now that Elijah’s back, dahan dahan nilang aayusin ang samahang natibag. We don’t want you involve in it.” Binitiwan ni dad ang kamay ni mommy at hinawakan niya ang akin.
Malungkot pareho ang mga mata ng mga magulang ko. They are asking me to make our relationship discreet. I won’t have a problem with that. Ilang beses ko na iyang nagawa kay Elijah. Ilang beses na rin niyang hindi kayang itago ito but this time, I think he can finally make it. Kaya niyang itago sa ibang tao. At least now our cousins will support us.
“Your tito does not approve of this relationship. Kung meron mang pwedeng makapagpabago sa kanyang isipan ay si Elijah lang iyon. And Elijah should stop nagging him right now too. There’s a time for that. Obviously, this isn’t the good time.”
Tumango ako at inintindi ang mga sinabi ni daddy.
“I hope you understand the situation, Klare. I ask you to keep your relationship a secret. Siguro ay ito rin ang magiging desisyon ni Elijah. The boy grew up into a very fine man, Klare. And he’s for you. If he deserves you, I think he’ll handle the situation the right way. I hope you truly understand this.”
“I understand dad.” Mariin kong sinabi.
Tumango si dad. “Thank you.”
I truly understand, dad. Truly.
Lumabas ako ng bathroom at naabutan ko si Elijah na nakapamulsa, naghihintay sa akin. Nalaglag agad ang panga ko. We want this relationship to be a secret ngunit bakit niya ako hinihintay? Baka mag duda lang iyong mga kaibigan namin! We used to be so close. Hindi sila magtataka pero kung parati nang ganito ay may makakahalata rin kalaunan.
“Elijah, ba’t ka nandito?” Salubong ko.
Pinapanood niya ako. Tumayo siya ng maayos at tumikhim.
“I’m sorry about that.” Sabi niya. “About those girls.”
Ngumuso ako. “It’s okay if you go out with some girls sometimes. Mas maigi iyon para hindi tayo pagdudahan sa relationship natin.” Nag iwas ako ng tingin.
“What, baby?” Humakbang agad siya sa akin.
May mga dumadaang waiter at iilang mga mag C-CR na customer. Gusto kong mapag isa kasama siya pero magdududa lang sila. Hannah’s dad is powerful. And if Elijah breaks her heart, he will know. And the news will spread. Ayokong mangyari iyon.
“Are you asking me to go out… did I hear you right?” Mariin niyang sinabi.
Hindi ako makapag salita. Hinahanap niya ang aking mga titig na kung saan saan ko binabaling.
“Klare…” Nagbabanta ang boses niya.
Tumikhim ako at inangat ang tingin sa kanya. Nag mamakaawa ang kanyang mga mata
“Klare, please…” Aniya.
“I’m just saying that it’s okay. No hard feelings kung umalis ka… uhm… kasama ‘yong mga babae na ‘yon nong nasa Surigao-“
“Oh fuck. You’re jealous and I swear to God I’ve been very very good. Wala akong sinamahang kahit na sino.” Aniya at hinawakan ang pisngi ko.
Tinanggal ko ang kamay niya sa pisngi ko at nag iwas ng tingin. Kahit anong sabihin ko ay hindi ko maipagkakaila na nagseselos nga ako.
I’ve been with him for all of my life. Alam ko na ang kakayahan niya pagdating sa babae. Nagkakagusto ang mga babae sa kanya sa simpleng pag dila niya lang sa kanyang mga labi. I don’t blame him for that. I don’t want to be a jealous girlfriend but I am. Simula nong naging opisyal kami sa mga mata ng aking mga pinsan, mas lalo lang akong nagiging apektado sa mga selos na ito.
“Hindi ako sasama sa kahit sino. Kumakain kami ni Kuya Justin nang nakita namin sila don. I’m familiar with them. See? I didn’t give my number.” Aniya at naghintay ng sagot sa aking mga mata.
Kinagat ko ang labi ko. Tinitigan niya iyon at napaawang ang bibig niya. Tumindig ang balahibo ko.
“I want to be alone with you.” Bulong niya.
Halos mangatog ang mga binti ko sa sinabi niya. Pumihit ako at hinawakan ko ang kamay niya para mahila ko siya palayo doon. Kailangan na naming bumalik. But I can’t hold his hand till we get to our table kaya mabilis ko rin itong binitiwan. Damn it, Elijah. How could I be this in love with you? Jealousy and misunderstanding is a bitch, love isn’t.
Nang naaninag ko na ang mga mukha ng mga pinsan ko ay natuon ang pansin ko kay Erin na ngumunguso sa nakatingin saking si Vaughn. Medyo busangot ang mukha ni Vaughn at nakatingin sa akin.
Nauna akong umupo. Umupo rin si Elijah balik doon sa tabi ni Vaughn ngunit bago siya umayos ay nakipag high five muna siya kina Azi at Rafael. Umiling na lang ako kahit nakatitig pa ako kay Erin.
Umayos si Erin nang napatingin si Vaughn sa mesa. Tinuro ni Erin ang kanyang cellphone. Tumango ako at bumagsak ang tingin ko sa aking cellphone. May mensahe doon galing sa kanya.
Erin:
Muntik nang magsuntukan ang dalawa kanina pagkaalis mo. Basag mukha niyang si Vaughn pag kukulitin ka ulit. Be with me and Dette for tonight. Hayaan mo si Elijah kay Azi. I texted Rafael na magsama na lang muna sila.
May isa pang mensahe galing parin kay Erin.
Erin:
Tabi ka lang sakin. Si Claudette sa kabilang side mo.
Iyon nga ang sinunod. Hindi ko alam kung paano humupa ang galit ni Vaughn kay Elijah. I feel sorry for him. Nakakalito pa nong paalis kami sa Redtail para pumuntang Microphone Hero sa Lifestyle District, hindi ko alam kung kaninong sasakyan ako sasama.
“Klare, sa likod ka.” Diretsong sinabi ni Pierre sa akin pagkapasok niya sa sasakyan nila ni Hendrix.
Kaming apat dapat ni Vaughn, Hendrix, at Pierre ang magkasama kahit na sa mukha ni Elijah ay makikipag patayan siya para lang sa tatlong minutong byahe na iyon.
“Klare, mas mabuting dito ka na samin sumama.” Panimula ng mukhang mahabang sasabihin ni Hendrix nang biglang pinulupot ni Erin ang kanyang braso sa akin.
“Klare, don na tayo sasama kay Elijah. Tayo nina Azrael, at Claudette. Si Ate Chanel ay sasama kay Brian. Si Eba, Damon, at Kuya Joss ay kay Rafael.”
“But we have more room for people.” Mariing sinabi ng kapatid kong si Pierre na agad namang hinawakan ni Hendrix sa braso.
“Let her go. Don na lang siya kina… Erin.” Sabi ni Hendrix at sumulyap pa sa pinsan kong nasa tabi ko.
Nagkibit balikat si Erin at agad na akong hinila patungo doon sa sasakyan.
Maingay sila sa tawanan. Naaninag ko na ang ngiti sa mukha ni Elijah nang hinila na ako ni Erin patungo doon.
“Si Azi sa front seat kasi mas mabuti kung kanyang mukha ‘yong mabasag pag nabunggo tayo.”
“Erin! You’re so mean! Ipinaglaban kita noong mga bata pa tayo tuwing may makakaaway ka tapos ngayon gusto mong ako ang unang mamatay?” Nagtatampong sinabi ni Azi na sinapak na lang ni Elijah.
Umirap na lang si Erin at ipinasok niya ako doon sa loob kung saan nakaupo na si Claudette. Ngumiti si Claudette sa akin ngunit nakatoon naman ang buong atensyon niya sa kanyang cellphone.
“Silver?” Nagtaas ako ng kilay.
Pumula ang kanyang pisngi at umiling na para bang may tinatago. Nanliit ang mga mata ko. May hula ako. Sana tama. Pero hindi ko alam kung masisiyahan ba talaga ako kung tama. I don’t want anyone hurting. I hate to see people in pain.
Bumaling ulit ako sa labas. Nasa front seat na si Azi, si Erin na lang at Elijah ang nasa labas. Papasok na si Erin nang narinig ko ang mahinang boses ni Elijah.
“Erin… Salamat.” Aniya.
Ngumisi si Erin, plastic at pinapahalata. Parang kailanlang ay nagkakainsultuhan ang dalawa. “Though I like seeing you jealous, mas gusto ko namang makasama si Klare. Don’t thank me. I didn’t do it for you. I did it for myself.” Tawa niya kay Elijah.
Tumawa si Claudette at hindi ko mapigilang mapangiti. I missed Erin. Naaalala ko kung paano kaming dalawa noon. We were partners in crime. Close kami kay Claudette pero mas nagkakaintindihan kami ni Erin pagdating sa maraming bagay. Claudette’s often bullied and we are her tough rescuers. We’d do anything for our cousin. Nakakamiss.
Nang nakarating kami sa Microphone Hero ay panay na ang kantahan nila. Umorder ng Red Label si Rafael at kinakantsawan pa siya nina Elijah at Azi dahil sa pagiging broken hearted niya di umano.
Pumagitna nga si Claudette at Erin sa akin, sa paligid namin ay sina Hannah, Julia, at Liza. Si Chanel at Brian ay may sariling mundo. Si Damon at Eba ay ganon rin. Si Hendrix ay kausap si Josiah at Damon samantalang si Pierre naman ay kausap si Vaughn. Tawanan at biruan lang ang nangyari. Tuwing pinapakanta nila ako ay panay ang hiyawan nila.
Umiinit ang pisngi ko tuwing nararamdaman ko ang paninitig ni Elijah sa akin. Kaya madalas akong tumatanggi sa pag kanta dahil hindi ko maayos ang boses ko sa kaba.
“Mapapaos yata ako nito!” Sabi ni Azrael nang pinindot ang isang kanta ng Aerosmith. Sa halos tatlong oras namin dito ay naubos na yata nila lahat ng mga bagong kanta.
Nagtawanan kami nang nakitang pulang pula silang dalawa ni Damon, hindi ko alam kung dahil ba iyon sa alak o sa pagbirit.
“Stop it, Azrael. You murdered the song!” Tawa ni Elijah.
“Maganda kaya ang boses ni Azi! Maling kanta nga lang.” Tawa ni Chanel.
“Ay tama na, ayoko na. Mag party tayo para medyo mahimasmasan ‘yong mga lasing.” Sabi ni Erin.
“Sinong lasing? Walang lasing dito.” Ani Azi.
“Nag pareserve ako ng table sa Illest…” Sabi ni Kuya Hendrix.
“Kuya, we will party?” Mariing tanong ni Pierre.
“We can chill if you don’t want to, Pierre.” Napatingin si Hendrix kay Erin, naghihintay ng desisyon. “What do you think?”
Tinaas ni Erin ang kanyang mga kilay ay nagkibit balikat siya. “Go.”
Sumulyap ako kay Elijah na medyo mapupungay na ang mga mata. Alam kong hindi siya gaanong uminom ngayong gabi. Dinaya na naman yata nila si Azi kaya medyo sabog na siya. Hindi parin sila nadadala.
“Sayaw tayo mamaya, Klare?” Ngiti ni Vaughn sa akin nang nilubayan sandali ni Erin ang gilid ko.
Sasagot na sana ako nang biglang hinawakan saglit ni Elijah ang pulso ko at binulungan niya ako ng mabilis lang.
“Meet you outside.”
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]