Until Forever – Kabanata 25

Kabanata 25

Stop

Buong byahe ay gising na gising ako. Para bang hinintay ko talagang makarating kaming Cagayan de Oro. Si Kuya Justin, tulog at gumigising lang pag kakain kami. Panay ang usap namin ng driver tungkol sa kung anu-ano.

Nang naaninag ko ang papalubog na araw nong papasok na kaming Cagayan de Oro ay mas lalo akong nagising.

“We’re in CDO?” Tanong ni Kuya.

“Yup.” I said. “Uwi muna tayo, Kuya.” Anyaya ko sa kanya.

“Hindi ka na pupuntang ospital?” Tanong niya.

Ilang sandali pa bago ako nakasagot. Pinag isipan ko iyong mabuti. Tiningnan ko muna ang mga text ng mga pinsan ko at ni Klare bago ako nag desisyon.

“I can’t stay long.” Sabi ko dahil sa mga nabasa.

Azi:

Dinner sa Redtail, tapos Microphone Hero, that’s all. 7pm sharp.

Klare:

Ayos lang naman ako. I know pagod ka sa byahe.

“Sasama ka sa party nina Azrael?” Tanong ni Kuya Justin.

Nagulat ako dahil alam niya iyong mangyayari. Siguro ay inimbita din siya ng mga pinsan ko.

Tumikhim siya, “Anong sasabihin ko kay dad? Na magpapahinga ka lang sa bahay?”

“Kuya…”

“It’s okay, Elijah. We just need little white lies to stop dad’s stress. Hindi kita pinagbabawalan. Besides, they are our cousins. I just want you to really be sensitive.” Aniya sa seryosong tono.

Hindi na ako nakapagsalita. Kinumbinsi ko ang sarili ko na tama si Kuya Justin. Of course, I don’t want dad to be sick again.

“Bukas… Ayaw ko sana but mom insisted that we’ll have a party. Si dad din ang nagsabi non sa kanya.”

Noong una ay hindi ko nakuha kung bakit kinailangang mag party bukas. Tsaka ko lang napagtanto na birthday nga pala ni Kuya. It’s September. “I invited our cousins. Including Klare, of course. Hindi ko alam kung papayagan ba si dad na maka sama o maka alis ng ospital just for that. I bet not. Pero kung papayagan siya, please…”

Hindi niya na kailangang dugtungan. Alam ko ang gusto niyang mangyari. At inisip kong kailan kaya talaga kami magiging malaya ni Klare? I want the world to know that she’s my girl. I want to claim her in front of everybody. Kailan ‘yon mangyayari?

“Okay, kuya.” Sabi ko.

“Sinabi ko na sa mga pinsan natin.” Aniya habang nilalapag ang bag sa sofa at mabilis na uminom ng tubig sa naka handa sa aming sala pagkarating namin sa bahay.

Dumiretso na ako sa hagdanan. Nagkasalubong pa kami ni mommy. Nagmamadali ako pero dahil nandon siya ay natigilan ako.

“How’s the trip? Ayos na ba ang business?” Tanong niya.

“Hindi kami uuwi pag hindi pa naayos.” Sabi ko at humakbang ulit para maka diretso na sa kwarto.

Ramdam ko ang sunod ng kanyang tingin pero binalewala ko iyon. Naligo ako sa kwarto, nagbihis, at naghanda para sa pag punta ng ospital. I got 30 minutes to report to dad. Pagka alas syete ay aalis na ako at pupuntang Redtail para sumama sa mga pinsan ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext ko si Klare.

Ako:

See you in a bit.

Bumaba ako ng hagdanan, nakabihis at bagong ligo. Wala na si Kuya sa sofa. Ang natira doon ay si mommy na lang na naka ponytail ang buhok at tumayo nang nakababa ako.

“Sasama ako sa’yo sa ospital.” Sabi niya. “Hindi na ako magpapahatid sa driver. I know you’re going there, anyway.”

Tumango ako. “I can’t stay long, though.”

“Alam ko. Binanggit nga ng kuya mo sakin.” Pinanood niya ang ekspresyon ko. Nag iwas ako ng tingin sa kanya. I don’t want to explain further.

“Let’s go, mom.” Sabi ko at nilagpasan na siya.

Umupo siya sa front seat habang pinapagana ko ang engine. Hindi ako magsasalita tungkol sa mga pinsan ko. I’m not keeping it a secret but then I also don’t find it necessary.

“Hindi binabanggit ng dad mo ang tungkol sa pag alis mo noon o kahit tungkol kay Klare.” Sabi ni mommy sa gitna ng pag da-drive ko. “I bet he’s not ready to face it yet. Ayoko ring banggitin sa kanya.”

“Don’t.” Sabi ko.

“Why?”

Nilingon ko si mommy. Nagtataka siya sa sagot ko. “Ayokong ma stress siya. Alam mong… si Klare…”

“Yup, son. Bukas, sa birthday ng kuya mo, you think it’s better if he’ll not come? Or is it better kung si Klare ang hindi natin papuntahin?”

Nalaglag ang panga ko sa tanong ni mommy. Heck, I don’t know how to answer that. Certainly it’s not okay to uninvite Klare! Pero…

“Mom, baka kailangan pang magpahinga ni Dad. Don’t you think it’s better kung sa ospital lang siya?”

Hindi na ulit nagsalita si mommy. Hindi ko na rin inulit ang sinabi ko. That was it. Kung wala si Klare sa birthday ni Kuya ay pupuntahan ko siya kung nasan man siya.

Pagkarating namin ng ospital, naabutan kong nagtatawanan si Ate Yasmin at Dad. I’m glad he’s really okay now. Kinamusta niya ang nangyari sa Surigao. Sinabi ko ang lahat ng magagandang bagay. Hindi ko sinabi iyong iilang alam kong makakapagpakaba sa kanya.

“I can’t stay for long, dad.” Sabi ko at tumayo.

“Yes, yes. I know your tired. And we have a party coming tomorrow. Dapat ay magpahinga kayo ng kuya mo.”

Tumango ako at nagpaalam. He’s excited about the party. Ibig sabihin pupunta siya. Does that mean Klare’s not invited? Damn!

Halos lumipad ang sasakyan ko patungong Redtail. Hindi na mapawi ang ngiti ko pagkalabas ko doon. I immediately saw my cousins. Nagtatawanan sila at nag kukwentuhan sa loob. Dinig na dinig ko kahit nasa labas pa ako. Klare was there sitting with…

Bakit siya nandito? Lumingon si Vaughn sa katabi niyang si Pierre at nakipag usap. Okay. We’re here with some of our friends. Nakita ko si Julia, Hannah, at Liza na katabi ni Claudette. Chanel’s with Brian and Damon’s with Eba. Tinuro agad ako ni Azi at malaki ang ngisi niya kahit na halata ang busangot ko.

I saw Klare’s eye glittered when she saw me. But that doesn’t change the fact that Vaughn is sitting beside her and I don’t like it.

“I’m sure hindi na ako ang susuntukin mo!” Tawa ni Azi na agad namang sinapak ni Josiah.

“Aray!” Sabi ni Azi at napaupo.

“Hi Elijah! Welcome back!” Sabi nina Hannah at Julia.

Ngumiti ako sa kanila at pinanood ang kaonting distansya ni Klare kay Vaughn.

“Bigyan niyo ng upuan. Bigyan niyo ng upuan!” Paulit ulit na sinabi ni Azrael.

Kumuha ng upuan si Rafael at nilagay niya iyon sa tabi niya. Kumindat pa siya sa akin. I clenched my jaw. Kinuha ko ang upuan at nilagay sa gitna ni Klare at Vaughn. Wala akong pakeaalam sa nanonood sa akin. I’ve been dead for days because I have not seen my girl at ipagkakait niyo pa ngayon? Not me, stupid assholes.

Nakita ko ang pagpapanic sa mukha ni Klare. Baby, I don’t want you upset but you have to know that I want to be here.

Narinig ko ang ubo ni Pierre. Bahagyang tumabi si Vaughn, nakakunot ang noo sa akin.

“Masikip na kami dito.”

Halos bugahan ko siya ng apoy pero tumingin ako kay Klare. Hindi pa nagagalaw ang pagkain niya. Hindi siya makatingin sa akin. Para bang nakakasilaw ako kaya imbes na ako ang tinitingnan niya ay sina Josiah at Erin na lang.

“Move a bit, Pierre. Sumikip lalo.” Utas ni Vaughn.

Napatingin ako kay Vaughn. Tahimik ang buong table. Napawi ang tawanan kanina. Umubo si Rafael at nag yaya ng pagkain. Pumalakpak siya para sa menu at binigay niya sa akin kaya natuon ang pansin ko doon.

“What do you want?” Tanong ko kay Klare sabay tingin sa kanya.

Nag sisimula na namang mag usap usap ang mga pinsan ko. Alam kong may mga nakatingin sa aming dalawa. Be it Erin, Claudette, Chanel, or Julia, I don’t really care at all.

“May p-pagkain na ako, Elijah.” Aniya. She stuttered.

“Yeah. I can see that. I just want to buy something for you. Anything. Hindi mo ba ako na mi-miss?” I said recklessly.

Halos mailuwa ni Erin ang tubig na iniinom niya. Lumayo si Josiah sa kanya at binigyan siya ng tissue.

“Erin naman. Mahal ‘tong pantalon ko. Wag mong bugahan ng tubig!” Sabi ni Josiah sa kapatid niya.

“So what kung malagyan ng tubig, Kuya? Matutuyo rin naman ‘yan.” Irap ni Erin sabay tingin ulit sa akin. Nagtaas siya ng kilay sa akin. Nagkibit balikat ako.

“Ang sabihin mo lang, Joss. Gusto mong marinig ng lahat na mamahalin ang pantalon mo.” Tawa ni Azi.

Binaling ko ulit ang atensyon ko kay Klare at kitang kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi. Halos mabitiwan niya pa ang pagkain nang naramdaman ang tingin ko. Kinuha niya ang kanyang cellphone. Nagpatuloy ako sa paghahanap ng makakain. Sinabi ko sa waiter kung anong kakainin ko at dagdagan na rin ng pagkain sa mesa.

Nilingon ko ulit si Klare at naramdaman kong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at tiningnan kung sinong nagtext. It was Klare!

Klare:

Elijah, hindi pa alam ng mga kaibigan natin.

I know. I just don’t care. Malalaman din nila ito.

“Klare, ‘yong juice mo.” Sabay tulak ni Vaughn sa juice ni Klare.

I suddenly want to punch his face. Pag siya nagpatuloy, susuntukin ko na talaga ang isang ito.

“I know.” Baling ko kay Klare bilang sagot sa text niya.

Kinuha niya ulit ang cellphone niya at umambang mag titext. Ngumuso ako at hindi ko na napigilan ang sarili ko.

“Stop texting me. I’m right here in front of you. We can talk.” ngumiti ako.

Halos mapadaing ako nang may naramdaman akong sumipa sa ilalim ng mesa ko. Whoever that is, I’m pretty sure it’s one of the girls. Siguro ay si Chanel. Siya itong mukhang hindi narinig ang sinabi ko.

Uminom si Klare ng tubig at narinig ko ang halakhak ni Hannah. Bumaling ako sa kanya at nakapangalumbaba siya habang tinitingnan kaming dalawa.

“Ang sweet niyong dalawa.” Halakhak niya. “Nakakainggit. Sana may pinsan din akong sweet.” She said.

Bumaling ako kay Klare at kinagat niya ang kanyang labi. Nagtama ang paningin namin at halos lumipad sa langit ang kaluluwa ko. Naka ponytail ang buhok niya at sobrang pink ng labi niya. I miss kissing her. I miss… her so much like this.

Ang lapit lapit namin pero parang ang layo.

“If you go out with your cousins most of the time, siguro ay magkakaron ka ng ganong relationship with them.” Pierre stressed.

I seriously don’t give a fuck about anything right now. I’m just so thrilled that I’m right here beside her. Kahit na hindi siya mukhang gulat o excited man lang. I wonder what’s in her mind right now?

“My cousins and I are close.” Singit ni Vaughn sa usapan nila.

“Stop staring.” Bulong ni Klare na kahit narinig ko ay pinagtaasan ko siya ng kilay.

“What, baby?” Bulong ko.

Kinagat niya pa lalo ang labi niya. Oh, I’d like to bite that. “Sabi ko… stop staring.” Mas lalo niyang binulong. Pumula pa ang pisngi niya.

“That’s hard. You stop being so beautiful first.” Ngisi ko.

Mas lalong pumula ang pisngi niya. Oh, baby. Pu pwede bang umalis na lang muna tayo dito? I want to be alone with you. I want to know all your thoughts. I want you to know mine. I want to know everything.

“Tang… i… na…” Buga ni Damon, patagal niyang sinabi. Humalakhak si Eba sa tabi niya.

Kumunot ang noo ni Hannah, Julia, at Liza sa kanya. Ngumiti lang si Damon at uminom ng tubig habang nagtatype sa cellphone niya.

Sabay na tumunog ang cellphone namin ni Klare. It was a text from Damon.

Damon:

Will you two stop being so PDA!? Naiihi na ako sa kakatago sa inyo!

Humalakhak ako. You try to be in my shoes. Tingnan natin kung kaya mo.

Natahimik na si Klare. And I’m satisfied because I made her blush. That’s it. I’m good. Papatapos na kaming kumain at abala na naman ang mga pinsan ko sa usapang eskwela nila nang narinig ko ang munting bulong ni Klare.

“Naging moreno ka. Nag bilad ka sa araw don sa Surigao?” Tanong niya.

“Yup. Medyo.” Sabi ko at pinanood ulit ang kanyang pag iiwas ng tingin.

“Hi Elijah!” Narinig kong may biglang sumigaw nito.

Tumama ang paningin ko sa grupo ng mga babaeng kumakaway sa akin. I saw this group of girls. Naging kaklase ko sila noon sa Xavier at nagkita kami nito isang araw sa Surigao City. Tinanguan ko sila.

“Sabi na nga ba! Kanina ka ba bumyahe pabalik ng Cagayan de Oro? Kanina rin kasi kami, e. Sabay pala tayong bumalik galing Surigao.”

Oh shit!

“Uh… Yup.” Sabi ko.

“Uy, Elijah!” Tawa ni Azi habang winawagayway ang kanyang pera.

I know his type and he likes these girls. Tall, fair, and bitchy. Alam ko na kaagad kung ano ang iniisip niya sa pagwagayway ng pera. Katuwaan namin ito noon ni Rafael. Because Rafael believed that most girls like material things. Sabi niya, kung may gusto kang babae at may pera ka, malaki ang tsansang makuha mo ‘yong babae. I don’t know where he came up with that idea pero dahil sa ideya niya ay nagkaron kami ng birong ganito.

“I’ll make it rain! I’ll make it rain!” Sabay paulan ni Azi at Josiah sa mga pera nila.

It’s kinda insulting for the girls part. Wag lang nilang makita na ginagawa nilang dalawa ito ay ayos lang. Buti at hindi naman nila iyon napansin. Pinagsasapak ni Erin ang dalawa kaya natigil.

“Nong nasa Surigao tayo hiningi ko ang number mo pero nakalimutan mo yatang ibigay. Pwedeng mahingi ang number mo, Elijah?” Tanong nong babae, lumapit pa sa akin.

“Why do you want to get his number. He’s taken. May girlfriend na siya.” Ani Hannah sa istriktang boses.

Tumawa si Dianne (well if I remembered her name correctly). “Wala na sila ni Selena. He’s very very single. Sino ka para pagbawalan-” She said in a very bitchy tone.

Halos umalingawngaw ang tawa ni Josiah at Azrael sa gilid. Gustong gusto ko silang pagsasapakin.

“We don’t want cat fights here, miss. Kumakain kami. Wag kang bastos” Mariing sinabi ni Erin kay Dianne, in a very authoritative voice.

Bumaling si Dianne kay Erin. Pinagtaasan niya ng kilay si Erin at inirapan bago pumihit para umalis sa restaurant kasama ang mga kaibigan niya.

“Oh. That was mean.” Sabi ni Chanel.

“Very mean.” Sabi ni Claudette at tumingin na rin sa walang pakealam na si Erin.

Biglang tumayo si Klare. “Excuse me.” And she rushed to the comfort room, alone.

Sumunod ang mga mata namin sa kanya. Nagpatuloy si Josiah, Rafael, at Azi sa kulitan. Tumayo na rin ang nasa gilid kong si Vaughn.

“Sundan ko lang.” He declared.

Tumayo ako at nagulat siya sa ginawa ko.

“Ako na.” I clenched my jaw.

Kumunot ang kanyang noo. Oh that face. I’m gonna punch that again someday. Well…

“What’s your problem?” Tanong ni Vaughn sa akin nang nilagpasan ko siya para sundan si Klare.

“What is your problem…” Nilingon ko siya. “Binasted ka niya, matagal na. Stop being clingy. Stop hoping. Your ass needs to get over it. She’s not into you. And will never be.” Mariin kong sinabi sa galit ko.

Nalaglag ang panga ni Vaughn. “I’m just being nice to your cousin. Masama ba iyon?”

“Boys! Will you stop arguing? Klare can go to the bathroom by herself. Elijah, stop it.” Sabay turo ni Chanel sa akin. “And Vaughn, please, calm down. Ganito kami magpipinsan kaya makisama ka.”

She’s jealous. She’s probably real jealous so I’m going after her. Kahit hindi ko alam kung bakit niya kailangang mag selos. She’s the world to me. No need to fret about random girls.

Tumuloy ako kahit na pinagbawalan ako ni Chanel.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: