Until Forever – Kabanata 24

Kabanata 24

No Problem

Umaga na ako nagising. Halos mapatalon ako nang pumasok sa utak ko na tinulugan ko ang paghihintay kay Klare kagabi! Damn it!

Kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng aking unan at kinusot ang mata ko. May nakita akong isang text galing kay Klare, kagabi pa ito!

Klare:

Tapos na ako.

“Shit!” Mura ko umagang umaga.

Nilagay ko ang cellphone ko sa aking tainga at tiningala ang orasan sa taas. It’s 6 in the morning!

“Baby, answer.” Paulit ulit kong binulong habang nag riring ang kanyang cellphone.

Nang sa wakas ay sinagot niya ay niyakap ko ang unan sa gilid ko.

“Good morning, baby. I’m sorry last night. Nakatulog ako. Pagod na pagod ako.” Sabi ko.

“Ayos lang.” Malamig niyang sinabi.

Pinakinggan ko ang kanyang paghinga pagkatapos ng maiksing sagot. Halatang bad shot siya sa akin. Pumikit ako at tumikhim.

“Sinong naghatid sa’yo kagabi?” Tanong ko.

“Ako lang. Di na naman ako kailangang ihatid, Elijah. Malapit lang ang bahay namin. Nilakad ko lang.” Sabi ni Klare, may bahid paring lamig sa tono.

“H-Hindi ka ba sinundo ni Azi?” Tanong ko. Kung hindi siya hinatid gamit ang sasakyan, baka naman may naghatid sa kanya na sumabay lang sa paglalakad? God, I am this paranoid. Klare loves me. I trust her… Ayoko lang na may lumalapit sa kanya. Alam kong hindi iyon maiiwasan. She’s beautiful and very, very, damn kind. Paano niya matatanggihan ang bawat lalaking nakaaligid sa kanya?

“Hindi. Abala si Azrael sa pag rereview.” Ang tipid sa salita.

“Review para saan?” Pinahaba ko kahit wala naman talaga akong pake kung anong pinagkakaabalahan ng unggoy na iyon.

“Law Qualifying. Mag ti-take silang tatlo ni Joss at Raf.” Aniya.

“Oh… Great. Akala ko mag i-MBA siya?” Pinahaba ko ulit ngunit hindi na siya nagsalita. “Kumain ka na ba?”

“Nope.” Tipid.

“Eat your breakfast. May pasok ka ng maaga diba?” I asked.

Hindi siya nagsalita. Nawala na sa utak ko si Vaughn at ang kanyang maruruming kamay na maaaring dumampi kay Klare. Damn it! Kung pwede lang lumipad pabalik ng Cagayan de Oro.

“Klare?” Sabi ko ngunit narinig ko na lang ang tikhim niya.

“Nag chat ka raw kay Hannah?” Tanong niya sa mas malamig na tono.

Pinagpawisan ako ng malamig pagkatapos ng tanong na iyon. Totoo pero hindi ko inisip na malaking bagay iyon!

“Yup. I kind of ask her if you’re still with Vaughn.” Sabi ko.

“Okay.” Aniya, halos manginig ako sa lamig.

Kinagat ko ang labi ko. Medyo kinakabahan sa simpleng sagot niya. “Sorry. I’m… not comfortable pag may kasama kang…” Hindi ko naipagpatuloy.

Narinig ko ang singhap niya. “I… miss you.”

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Sa gulat ko ay binitiwan ko ang unan at humiga ako ng maayos sa kama. Uuwi na ako. Uuwi na ako ng Cagayan de Oro.

“I miss you even more. Even more, baby.” Bulong ko.

Hindi siya nagsalita. Gusto kong iyon ang huli kong narinig sa kanya kaya kuntento ako sa katahimikan niya. Ang sarap ulit ulitin sa isipan ko na sinabi niya iyon! Hindi na tuloy ako makapag hintay na umuwi.

“Maghahanda na ako para sa school.” Aniya.

“O-Okay. I’ll text you, alright? Kung busy ka, ayos lang kung di ka mag reply. And I swear I’ll call you later, pagkatapos.”

“Uh-huh. Sige… Kumain ka na rin.” Aniya. “I love you.”

“I love you.” Ngiti ko. Pakiramdam ko ay ayos na ako sa araw na ito. Alam kong imposibleng mapunta ako ng Cagayan de Oro kaya ayos na ako sa sinabi niya sa akin at sa I love you niya. Ayos na ako. Maayos na maayos.

Ganon ang mga nangyari sa sumunod pang mga araw. Everything went fine. Maayos naman daw si dad sa ospital. Baka mas mapaaga ang pag lipat niya sa bahay at ang pag alis papuntang Manila.

“Ej, kung pupunta ng Manila ang dad mo, can you please go with him? Tayong dalawa.” Sabi ni mommy nang nasa linya siya.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Sinabi na ni Kuya Justin na ako na lang daw ang magpapaiwan para maayos ang business namin. Ngunit hindi ko yata matatanggihan ito…

“Your dad wants you to go with us.” Mariing sinabi ni mommy.

Tumikhim ako habang tinatanaw ang malawak na plantation. Paano ko iyon tatanggihan? Hindi ko iyon matatanggihan. Malalayo na naman ako kay Klare. She’s shakey and I don’t like it. Hindi ko alam pero nararamdaman kong kaya niya na namang magparaya. Hindi ako matahimik tuwing naiisip ko ang problemang ito sa pamilya namin. Kayang kaya ni Klare na magparaya para lang sa kasiyahan ng ibang tao. Hindi niya kayang pagbigyan ang kaligayahan niya o kaligayahan ko.

I should be mad at her, right? Pero hindi ko alam kung bakit ito mismo ang dahilan kung bakit hindi ko siya mabitiwan.

“Browsing, huh?” Sabi ni Kuya Justin, nasa likod ko nang nasa sofa ako at naghahanap ng kung ano sa internet.

Nilingon ko siya at gusto kong iiwas ang cellphone ko para hindi niya makita kung ano ang mga tinitingnan ko sa internet pero nakita niya na rin naman. Umupo siya sa harap ko at nagpatuloy ako sa pag hahanap.

“Don’t you think it’s too early for that, Elijah?” Tanong ni Kuya, seryoso.

“It’s for her birthday.” Sabi ko. “Regalo ko.”

Tinitigan ako ni Kuya. Sumulyap ako sa kanya at binaba ko ang cellphone ko. May nahanap na ako at sinabi ko na rin kay Spike. Sa kanya ako magpapatulong.

“That’s not a birthday gift. It’s certainly not a birthday gift. You know that.”

“Kuya, fine. If it’s not a birthday gift, then it’s not. Whatever. Gusto kong ibigay iyon sa kanya, bawal ba?” Medyo tumaas ang boses ko.

“You know dad’s situation. For sure pag nalaman niya ‘yan, do you think he’ll be better? He’ll probably have another attack!”

Nanlamig ako sa sinabi ni Kuya. “Ayaw mo ba sa amin ni Klare?”

“Hindi. I don’t mind, Elijah. If that’s what you want. I’m just saying na hindi ito ang tamang panahon. I get that it’s her birthday but you should give her other things muna. Hindi iyan. Engagement ring, promise ring? Tss..” Iling niya.

Tinitigan ko na lang siya.

“Be sensitive. Kung pwede, slow down. If it’s meant to be, it will be. Wag kang mag madali. You two are going to be together if it’s meant to happen. You don’t need any assurance through that ring. Masasaktan ka lang pag hindi nangyari ang gusto mo.”

Ayaw kong makipagtalo. I’m buying that ring anyway. That’s for her. Nothing can change my mind. Hindi ko naman maipagkakaila na tama si Kuya. Dapat ay hindi ko muna iyon ibigay lalo na ngayong may sakit si Dad. I need to slow down. No one’s taking Klare away from me. Maghahanap ako ng ibang regalo para sa kanyang birthday pero bibilhin ko parin ang isang iyon. When the right time comes, I’ll give it to her.

Sa sumunod na araw, akala ko uuwi na kami ngunit nagkakamali ako. Marami pang trabaho ang naghihintay. May malalaking deliveries. Kaya naman noon na wala kami ngunit sa pagpapaimbestiga ni Kuya Justin, may lead kaming may kinalaman ang isa sa mga managers. Para mas lalong maimbestigahan ay kinailangan naming magtagal.

Nakaka frustrate. Gustong gusto ko nang umuwi. Lalo na dahil inisip ni Klare na uuwi na rin ako pero kinailangan naming magtagal pa ng dalawang araw.

Nasa kama ako habang tinatawagan si Klare. I missed the fun. Nandoon daw sina Azi sa bahay nila sa Hillsborough. Hindi ko alam kung anong meron pero nakita ko ang iilang picture ng mga pinsan ko kasama si Klare at ang dalawang kapatid niya sa kanilang dining table, kumakain.

“What are you doing?” Medyo matabang kong tanong habang nakahiga na naman sa kama at dinig na dinig ko ang tawanan ng mga pinsan ko sa background.

“Nag uusap lang naman kami.” Tumawa siya at narinig ko ang saway niya kay Josiah.

Tinitingnan ko sa Ipad ko ang mga picture nila don nang biglang nag pop out sa screen ko ang message ni Azrael na isang picture nilang dalawa ni Klare na parehong nakadila at magkaakbay.

Azi:

Your girlfriend is mine. 😛

Uminit ang pisngi ko at hindi ko na masundan ang sinasabi ni Klare.

Ako:

Hintayin mo ang suntok ko pag balik ko bukas.

“Bakit kayo nandyan?” Tanong ko.

“Wala lang. Inimbitahan lang ni Hendrix ang mga pinsan.” Sabi niya at humalakhak ulit.

Pinaglaruan ko ang labi ko. I miss that laugh. Oh I damn miss her bad. Kung mahahawakan ko lang sana ang kamay niya ngayon.

“Medyo nag cecelebrate lang actually para sa birthday ko next next week. Pre celebration daw sabi ni Pierre.” Sabi ko.

“I thought your brother hates parties?” Tumaas ang kilay ko.

Narinig ko ang tikhim niya. “He hates it. Kaya nga bukas ay mukhang hindi siya sasama. Lalabas kami bukas.”

Now, I need to go home early morning tomorrow so I can be with her. Fuck. Hindi ko siya pwedeng pagbawalan. Ano ako, tanga? Baby, can you stay at home pag wala ako? Please? Holy shit! Hindi ‘yon pwede pero mababaliw na ako.

“Ayoko ngang lumabas kaso baka magtampo ang mga kapatid ko.” Aniya.

“Tingnan ko. Mukhang makakauwi na kami bukas.” Sabi ko.

“That’s good, then. Pero, hindi ba bibisitahin mo pa ang dad mo sa ospital pagkauwi mo? Baka gusto niyang marinig ang mga nangyayari sa negosyo niyo?”

“Hindi siya pwedeng ma stress. Believe me, mas mabuting hindi niya na ito marinig.” Sabi ko.

Hindi siya nagsalita. Kapag usapang tungkol kay Dad ay medyo kabado ako sa maaari niyang maisip.

Isa lang talaga ang gusto kong mangyari. Maging maayos na si dad. Kahit na hindi ko pwedeng sabihin sa kanya agad ang desisyon namin ni Klare ay susubukan kong unti untiin sa kanya iyon. Sana ay matanggap niya, this time. That’s what I want and I’m his son. That’s the best thing he can give me, his approval.

I recieved a call again from mom. This time, hindi na ako makapagsalita sa mga desisyon. Gusto kong tumanggi ngunit mas lalo lang magiging kumplikado ang lahat kung tatanggi ako.

“Elijah, sasama ka sa amin ng dad mo. He’s scheduled to fly next, next week. I got our tickets. Iwan si Ate Yas mo at Kuya Justin. Susunod lang si Justin after a week, tutuloy na siyang New York. Lumalakas na ang dad mo at tingin namin ay mas lalo siyang lalakas pag mag papa heart rehab siya sa Manila.” Sabi ni mommy.

“What date, mom?” Tanong ko.

“We’ll fly early nineteenth.” Aniya.

Gumulo ang utak ko sa sinabi ni mommy. Klare’s birthday is on September 20. Hindi ako pwedeng wala sa birthday niya! Ano ang sasabihin ko?

“Mom, can we reschedule the flight? Pwedeng sa twenty one na lang?” Tanong ko kahit na medyo tagilid ako.

“Bakit?”

“Birthday ni Klare sa twenty.” I said.

“Oh… God… Paano kung tanungin ako ng dad mo kung bakit ko kinancel? I-I’m sorry, Elijah. I didn’t know. Abala ako sa pag s-schedule nito. Hindi ko inisip-“

Pumikit ako. “Okay, mom. Okay. No problem.”

Ngayon paano ko iyon sasabihin kay Klare? At mas importante, paano ko iyon matatanggap? Damn!

“Ej, Tulog muna ako. ” Sabi ni Kuya habang humihiga sa back seat.

Nasa front seat ako ngayon, paalis na kaming Surigao. Natapos na ang mga ginagawa namin doon. Bumalik na sa normal ang sistema. Kahit na nawala na nga ang tatlong truck, pero nakuha naman namin kung sino ‘yong nag inside job. We have no problem for now. And I’m very much stoked. I’ll see her again.

Tumunog ang cellphone ko. It’s an unknown number. Sino naman kaya ito? Hindi ko ugaling sagutin ang mga tawag ng mga numerong hindi ko kilala pero inisip ko baka importante so…

“Hello.” Bungad ko.

“Hello, bro. I’m at NAIA.” Boses pa lang ay alam ko na kaagad kung sino iyon.

“About time.” Sabi ko sabay tingin sa labas. “Dala mo, Spike?”

Humalakhak siya. “Ni hindi mo ako tinanong kung kamusta ang flight namin? Diretso sa singsing.”

“What? Just tell me you have it.” Iritado kong sinabi.

“Chill. I’m just kidding. Yup. Dala ko. I’ll stay in Manila for… probably a couple of months. So?”

“Ayos lang. Pupunta rin ako diyan. Para kay Dad.” Sabi ko.

“Kailan? Kailangan mo ito diba bago mag Twenty?”

Umiling ako. “I’ll give her another gift. Thanks, though.”

“Ohhh. What happened? Changed your mind? Medyo natakot? Hindi pa pwedeng matali? Natatakot matali?” Tumawa siya.

“Kung alam mo lang.” Iyon lang ang nasabi ko.

Kung pwede lang itali ko si Klare sa akin ay matagal ko nang ginawa. Ako pa ‘yong takot? Are you kidding me?


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: