Until Forever – Kabanata 23

Kabanata 23

Matibay

Tumango ako. Gusto ko nang tumakbo pabalik sa sasakyan ngunit ayokong maging bastos kay tito Lorenzo at kay Charles.

“I’m sorry sa lahat, tito.” Sabi ko. “Charles…” Bumaling ako kay Charles.

Malamig ang tingin niya sa akin at humalukipkip siya. Hindi ko alam kung naaalala pa niya lahat ng mga ginawa namin noong bata pa siya. Madalas ko siyang utusan para kamustahin si Klare o kung galit pa ba ang ate niya sa akin.

“No problem, Kuya.” Sagot ni Charles sabay lahad ng kamay.

Ngumiti ako at nakipag high five sa kanya.

“Nagkausap na ba kayo ng daddy mo?” Tanong ni tito Lorenzo. “Kamusta na siya? Pupunta kami doon mamaya. I’m glad you’re home. Nag alala kaming lahat sa’yo.”

“Nagkausap na, tito. Maayos na siya pero kailangan paring mag pahinga. Sorry kung pinag alala ko po kayo. Aalis po kami ni Kuya Justin mamaya patungong Surigao to check on the business.”

“What? Aalis ka ulit, Kuya? Kakapagod kalaro sina Kuya Azi ng basketball. Sana sumama ka rin.” Sabi ni Charles.

“Sasama ako pagbalik, Charles.” Sabi ko.

“Good. Mag ingat kayo. I heard naayos naman ng daddy mo last minute before siya nagkasakit.” Tumango si Tito Lorenzo. “Might want to go now and check on Klare. Maaga ang pasok non baka umalis na.” Sabi niya.

Halos mapatalon ako sa sinabi niya. Pag di ko naabutan si Klare, baka di ko na siya makita bago pa ako makaalis. Damn!

Pinaharurot ko ang sasakyan pagkatapos kong magpaalam kay tito. Gusto kong tumawag kay Klare pero mas gusto kong apakan ang gas para makuntento sa bilis ng patakbo ko.

Pagkarating ko sa Hillsborough ay tiningala ko ang medyo tahimik at malaking bahay nila. Tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko ang tawag ni Kuya Justin.

“Ej, asan ka na. Umuwi ka na. Nagkausap na kayo ni Klare? Hindi tayo pwedeng magpa tanghali, mahaba ang byahe.” Aniya.

“Kuya, nasa Hillsborough lang ako. Be there in fifteen.” Sabi ko at binaba na ang tawag.

Tiningnan ko ang cellphone ko at wala pa ring mensahe ni Klare. Nasa gate na nila ako at narinig ko ang yapak ng kanilang security guard.

“Anong kailangan mo?” He asked.

“Si Klare. Nasa loob siya?”

Umiling ang guard at may kung sinong sinabihan. Wala na siya sa loob?

“Sino ‘yan?” Narinig ko ang pamilyar na boses ni Hendrix Ty.

Binuksan niya ang malaking gate nila at nakita ako. Inisip kong nandon si Klare sa likod niya kahit na kakasabi lang ng guard na wala.

“Where’s Klare?” Tanong ko sa kapatid niya.

“Nagkasalise kayo. Umalis na siya kasama si Pierre. May pasok.” Aniya at humalukipkip.

Damn it! Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Paano na ito?

“I heard about your dad. Maayos na ba siya?” Tanong ni Hendrix.

“Yup. He’s good. Aalis ako. Pupuntang Surigao, dalawa o tatlong araw. Ngayon agad. Baka… di kami magkita ni Klare bago ako umalis.” Paliwanag ko.

Tumango si Hendrix. “I’ll tell her.”

“Ayos lang ba siya? Malungkot ba?” Hindi ko matago ang mga tanong ko.

Ngumiti si Hendrix. “She’s okay. I guess. Pero di rin naman kasi talaga siya madalas nagsasabi ng mga iniisip niya, e.” Nagkibit balikat siya. “May rason ba para hindi siya maging okay, Elijah?”

Umiling ako. “Wala. I’ll call her. Thanks.” Tatalikuran ko na sana…

“By the way, I sent you the breakdown report of the money you invested. Check mo na lang sa email mo.” Aniya.

Tumango ako. “Thanks.” at umalis na.

Gustong gusto kong pumunta ng Xavier University at hanapin si Klare pero baka may pasok na siya at mauwi sa wala. I’ll just text and call her, then. Lumipat ako sa sasakyang dadalhin namin patungong Surigao. Kuya Justin asked for a driver. Siya ang nasa front seat, ako ang nasa likod at mukha akong tanga sa kaka delete ng natatype kong text para kay Klare.

I ended up with one simple text in the end.

Ako:

Can I call? Can you please, please reply?

Kailan pa ako naging ganito ka baliw? Kung tatawag ako ay tatawag ako agad. Hindi ko na kailangang magtanong pero ayokong naiistorbo siya sa klase niya. Mamaya mainit ang ulo non at mas lalong iinit lang pag inistorbo ko siya.

Labas na kami ng Cagayan de Oro nang nag reply siya. Inaantok ako pero nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko ang pangalan niya sa screen.

Klare:

Later. I still have class.

How cold. Later, then.

Ako:

Okay, baby.

Shit! Makatulog na nga bago pa ako mabaliw. Gusto kong sabihin sa kanya na nasa byahe ako patungong Surigao pero paano ulit kung naiistorbo ko siya?

Nagising na lang ako nang nag tanghalian kami saglit sa Butuan City. Hindi na siya nag reply kaya nag text ulit ako.

Ako:

How late is later?

Hindi siya agad nag reply. Siguro ay kumakain ng lunch? I hope.

Klare:

After class.

Mamaya pa? Ang tagal naman. Hindi na ako makapaghintay.

Ako:

Nasa Butuan ako. I’m bound to Surigao.

Mabilis ang reply niya sa tinext ko.

Klare:

For your business?

Ako:

Can I call?

Hindi na siya nag reply. At wala na talaga akong pakealam kung ano ang ginagawa niya, tatawag na ako. Nilagay ko sa tainga ko ang cellphone at bumalik na ako sa sasakyan habang kumakain pa si Kuya Justin at ang driver.

“Hello…” Her sweet voice filled my ears.

“Hi baby…” Sinubukan kong maging malambing. “Sorry tumawag ako kahit di ka pa tapos. I just don’t want to leave without hearing you. Nagpunta ako sa inyo kanina pero wala ka na.”

“I understand, Elijah. Ayos lang. Ilang araw ka sa Surigao?” Tanong niya.

“Dalawa o tatlo. We’ll see each other pag balik ko, okay?”

She sighed. “Okay.”

Natahimik kaming dalawa. Kinagat ko ang labi ko at tumingin sa labas. “Are you okay?”

“I’m okay.” Aniya.

“Nagkausap kami ni dad. Maayos na siya. Kailangan lang magpahinga.”

Hindi siya nagsalita. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I want her to tell me anything. What’s inside her beautiful mind? I want to know.

“When he’s healthy, sabay tayong pupunta sa kanya.” I added nervously.

“Alright.”

Pumikit ako ng mariin. “How’s your day? Kumain ka na ng lunch? Sinong kasama mo? Si Erin at Claudette?”

“I’m with Erin. Claudette’s busy. Kumakain kami ng lunch ngayon.” Aniya.

“Okay. Ayos lang ba kung magtitext ako sayo frequently?” Uminit ang pisngi ko sa tanong ko sa kanya. Dammit! “I mean… I kind of want to know what are you doing.”

Fucking… I’m being clingy.

“Okay… Kung ayaw mo, ayos lang. I know you’re busy-“

“You are busy.” Aniya. “Sa negosyo, Elijah. But if you want to text then, I’ll read and reply to when I can.”

Halos mapamura ako ng malakas. Nababaliw na talaga yata ako.

“Hey… don’t worry about anything, okay? We’re okay. Don’t worry about my family.” Sabi ko.

“Hindi ko iyon maiiwasan, Elijah. They are my family, too. I’m worried kay tito Exel. I’m worried kay Tita Beatrice.”

“Don’t worry. I’ll take care of them.” Sabi ko.

Ilang sandali siyang natahimik sa sinabi ko.

“I’ll call you later. Okay? Take care. I love you.” Sabi ko at dumilat at inasahan ang sagot niya.

“Take care. I love you.” Sagot niya sa maliit na boses. I’m sure Erin’s watching her right now. Ngumiti ako.

“I love you more. Ibaba mo na.” Sabi ko.

“Okay.” At binaba niya ang tawag ko.

Nabunutan ako ng tinik sa tawag na iyon. Nang nakabalik na si Kuya Justin at ang driver namin ay nakatulog ako ng mahimbing hanggang sa nakarating kami sa Surigao City. Mas maliit na syudad ito kumpara sa Cagayan de Oro.

Dumiretso na ako sa tinutuluyan kong kwarto sa aming bahay roon. Sinalubong pa kami ng iilang tita at tito ko, nangungumusta kay dad. Si Kuya Justin ang naging abala sa pagsagot ng mga tanong habang ako ay nag aabang na naman ng text galing kay Klare.

Ako:

Nasa Surigao na ako. Are you home yet? Saan ka tutuloy?

Iyon ang nangyari sa sumunod na araw. Pag may oras ako ay mag titext ako kay Klare. Pareho kaming abala ni Kuya sa farm. Malawak na Palm tree farm ang nasa tapat namin at binibilang ko ang lahat ng truck sa bodega. Pinalagyan ko ito ng numero. Iilang truck ang wala dahil sa deliveries. May mga nasa port. Tiningnan ko ring mabuti ang tatlong bagong truck at tingin ko ay nag aksaya sina dad ng pera para don.

“Ako na ang magpapaimbestiga sa nawawalang truck. We also need to think about the plantation, Ej. Medyo maulan na dahil September na.” Sabi ni Kuya Justin.

Tumango ako. “Yup, kuya.”

Iyon ang naging trabaho namin. Mainit pa sa plantation kaya pakiramdam ko ay magkakasunburn ako nito. Damn! Pagkauwi ko ay pagod na pagod na ako. Si Kuya Justin ay diretso sa kanyang kwarto. Naligo ako, pagkatapos ay tumawag na kay mommy at Ate Yas. Dad’s doing good and it’s a relief to me.

Nasa kama na ako at binasa ulit ang mga message ni Klare sa akin. Sabi niya ay gagabihin daw siya ngayon dahil nag peprepare siya para sa presentation nila sa English 47 or something. Role Play yata. She said “text you later.” So I am gonna text her later.

Binuksan ko ang Facebook kong naka deactivate. Bumungad sa News feed ko ang isang picture ni Klare na kasama ang Vaughn, isang gabi. The photo was posted 15 minutes ago! Heck! Magkasama sila ngayon?

Si Julia ang nag post nong picture. Silang dalawa lang habang abala si Klare sa pag gamit ng glue sa isang malaking kulay yellow green na cartolina. Nakapangalumbaba si Vaughn sa kakatingin kay Klare. Oh man…

Agad akong nag chat kay Azi at nagtanong kung asan si Klare ngayon. Nireplyan niya lang ako ng sarkastikong sagot.

Azrael:

Girlfriend mo tas sakin mo hahanapin? Busy ako. Nag rereview ako.

Humiga ako sa kama at hinarap ang cellphone ko. I don’t want to sound jealous but it’s offending.

Mabilis akong nagtype ng text kay Klare.

Ako:

So… Classmate mo si Vaughn sa English 47? Ka group?

Damn it. Parang mali pa yata ang tinext ko. Mabilis siyang nakapag reply.

Klare:

Hindi. Napadaan siya sa gazebo kung saan kami gumagawa ng props. How did you know?

It’s all over my newsfeed, baby! Now I have no time to be jealous. Palalagpasin ko ito. Baka bukas ay wala na. Baka dumaan lang. Pagbalik ko, wala akong pakealam sa mga kaibigan namin.

Bumalik ako sa computer at nakita kong online si Hannah. Kinlick ko ang pangalan niya at nagtanong ako kung magkasama ba sila ni Klare at nandon pa ba si Vaughn.

Hannah:

Yup. Groupmates kami. Nandito pa si Vaughn.

Gusto kong lumipad pabalik ng Cagayan de Oro. Isang araw pa lang akong nawala pero ayaw ko na agad ng long distance relationship. It sucks big time. Yes, our love will be tested. Kung mabuti ba o matibay ba. Hindi ko na kailangang subukan iyon. Matibay ito. Matibay na matibay.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: