Until Forever – Kabanata 22

Kabanata 22

Stubborn

Umuwi si mommy. Ayaw niya ngunit iyon ang gustong mangyari ni Kuya Justin at Ate Yasmin. Simula daw kasi nong naospital si dad ay hindi na siya umuwi ulit sa bahay. She needs to rest. Ayokong magkasakit siya.

Nakapikit ako sa harap ng kama ni Dad. Nakalimutan ko na kung ilang oras na akong nandito. I just want to be here. Gusto ko ay pagkagising niya ay ako kaagad ang maaaninag niya. Hindi ko alam kung magandang ideya ba iyon. Hindi kaya mas lalo lang siyang ma i-stress? I hope not. I want to say sorry. I’m sorry that this I am all on this no matter what. Damn it! Hindi ko nga pala pwedeng sabihin iyon sa kanya. I need to act normal.

Narinig kong bumukas ang pintuan. Batid kong umalis si Ate Yasmin pero hindi ko na dinilat ang mga mata ko para tingnan iyon. Gusto ko lang magdasal na sana ay magising na si dad at magkaayos na kami.

“Ej, our cousins are here.” Sabi ni Kuya Justin.

Ni hindi ako natinag. Medyo naririnig ko ang ingay nila sa loob. Limitado ang mga taong papasok doon at hindi sila pwedeng sabay na pumasok.

Iniisip ko kung sino ang nasa labas. Nandyan kaya si Klare? I want to talk to her. I want to talk to her so bad. Kaya lang ay pinipigilan ko ang sarili ko. Gusto ko maging maayos muna kami ni daddy. It’s a punishment for myself.

“Di na lang daw muna sila papasok kasi baka magising si dad.” Sabi ni Ate Yas nang bahagyang binuksan ang pintuan.

Dinig na dinig ko ang pagsaway ni Rafael sa mga pinsan naming maiingay. Hindi sila papasok? Mukhang mas mabuti nga ‘yon.

“I’ll go out. Elijah, labas tayo.” Sabi ni Kuya Justin.

Hindi ulit ako natinag. Hindi ako tumango o umiling. Patuloy ako sa pagpikit at pag salikop ng mga daliri ko. Yumuko ako at hinayaan na tumunog ang pintuan, hudyat ng paglabas ng mga kapatid ko.

Hindi na rin ako hinintay ni Kuya Justin. Lumabas silang dalawa ni Ate samantalang nandon parin ako sa loob.

Pagkagising ni dad, ano kaya ang sasabihin niya sa akin? Hindi ko babanggitin ang tungkol kay Klare. At least not when he’s here. Kailangan kong ayusin ang gulong ito.

Hindi ko na alam kung ilang oras sila nasa labas. Hindi ako interesadong lumabas dahil wala akong masasabi sa mga pinsan ko. I’m sure Klare’s there. Pag nagkita kaming dalawa baka manghina lang ako. Maghihintay ako hanggang sa magising si dad bago ako makikipag usap sa kanya.

Bumalik ang mga kapatid ko at nilingon ko kaagad ang labas. Nakita kong wala na doon ang mga pinsan ko. Umuwi na sila! Napabuntong hininga ako.

“Baka bukas, pupunta ako ng Surigao. Tingnan ko kung anong magagawa ko sa negosyo.” Salubong ni Kuya Justin.

“I’ll go with you.” Sabi ko.

“Dad will need you here, Ej.” Humalukipkip siya at tiningnan si Dad.

“Ako ang bahala kay Dad, Kuya. Isama mo na si Elijah.” Sabi ni Ate Yas. “You will need him there.”

Tumango ako. I will help. Hindi ako magtatagal don. Aayusin ko lang at uuwi din ako dito.

“Bukas agad?” Tanong ko.

“Yup. Probably early morning, Elijah.”

“Can we have it noon tomorrow?” Tanong ko na hindi naman tinanggihan ni Kuya Justin.

Bibisitahin ko si Klare bukas sa kanilang bahay. Magpapaalam ako sa kanya. I’m sorry, baby. I need to fix this.

Lumabas para kumain sina Kuya Justin at Ate Yas. Nagpabili na lang ako sa kanila ng pagkain habang nandito ako at binabantayan parin si dad. Sinubukan kong i-on ang cellphone kong lowbat na ngunit hindi na talaga nito kaya. I need to text Klare or something.

Halos napatalon ako nang narinig ko ang pintuan na bumukas. Nakita ko ang mga tito kong pumasok kasama ang mga tita ko.

Naunang pumasok si tito Stephen na amoy sigarilyo pa, then tito Azrael with tita Claudine. Nanlaki ang mata ni Tita Claudine nang nakita ako. Ni hindi natinag si tito Stephen at tito Azrael.

“Elijah, are you okay?” Tanong ni tita Claudine sa akin.

“Yes, tita.” Sagot ko habang pinapanood ang istriktong mukha ni tito Azrael.

“How’s your dad? Nagkausap na kayo?” Tanong ni tito Azrael.

Umiling ako. “Hindi pa siya nagigising simula nong dumating ako.”

“Wag na wag kang magkakamali na lumaban ulit sa kanya, Elijah.”

I know. Nag iwas ako ng tingin kay tito Azrael.

“Kung ano man ang meron sa inyo ni Klare, you better keep it to yourself. What’s important is nandito ka na. ‘Yon lang ang kailangan niyang malaman. You know your dad isn’t healthy anymore. He’s old. Kaya mo parin siyang bigyan ng sakit ng ulo. After all he’s done for your family.”

Hindi ako nagsalita. Ayokong magsalita. They can blame it all on me. Blame everything on me. Just don’t make me leave Klare again cuz that will never happen.

Umupo si tito Stephen sa tabi ko habang pinagmamasdan si dad.

“Hindi mo parin talaga maintindihan kung bakit kami tutol sa inyo. You kids are so stubborn. Ito ang nakuha niyo. This is your dad, Elijah. Your dad. Are you willing to lose him over your selfishness?” Ani Tito Stephen.

“I am not going to lose him-“

Bahagyang tumawa si Tito. “Hm. You are slowly losing him. Maghihintay ka ba na may masama pang mangyari sa kanya?”

“I was hoping he would understand. I was hoping that the family would understand.”

“Sinong pamilya ba ang makakaintindi niyan, Elijah. Sabihin mo nga. Would you want your son to love Azrael’s daughter in the future? I bet you’ll raise hell if that happens. Believe me.”

“Klare is not a Montefalco, tito.” Sabi ko.

But I get them, though. Ang mga Montefalco ang nagpalaki kay Klare. Nakita nila ang paglaki ni Klare and they want to claim her. Hindi ko alam kung paano kung ilang taon pa bago ko mapagbabago ang isip nila pero hindi ako mapapagod.

“She’s the daughter of your tito Lorenzo’s enemy.” Sabi ni tito Azrael.

“Klare’s biological father is harmless.” Sabi ko.

“Hindi mo alam ang sinasabi mo.”

Natahimik ako. Sabay sabay naming pinanood ang paghinga ni dad. Halos tulala na ako doon. Nakita ko kung paano inayos ni tita Claudine ang mga bulaklak at prutas sa gilid ng mesa ni daddy.

“Your mom is depressed. Do you know that? And what if it complicates? Paano kung magkasakit din siya?” Tanong ni Tito Stephen

Hindi ako sumagot.

“You have to be careful now, Elijah. Huwag kang padalos dalos sa desisyon mo. Be sensitive. This is your family we are talking about. These are your parents. Matatanda na sila and Klare can wait. Your love for her can. Hindi ko sinasabing payag kami sa inyong dalawa. Pero may magagawa pa ba ako? Pero wag na wag mong kakalimutan, bata pa kayong dalawa. Marami pa kayong pagdadaanan and ruining your name or your family will last forever. You can never get back what was lost. You can never undo your decisions.”

Dumating sina Kuya Justin at Ate Yas ilang sandali ang nakalipas. Dinalhan nila ako ng pagkain. Lumabas kami sa lounge para makapag usap at makakain ako. Si Ate Yas ang naiwan kay dad. Panay ang tira nila kay Kuya Justin tungkol sa pagiging iresponsable niya. I want to butt in but I don’t want to complicate things. Ako pa naman ang sinisisi nila sa lahat.

“This is the reason why you should have listened to your dad, Just.” Sabi ni tito Azrael pagkatapos siyang sagutin ni Kuya Justin.

“Well it’s too late for now, tito.” nag iwas ng tingin si Kuya Justin.

“Elijah is stubborn. Responsible but very very stubborn.”

Hindi ako nagsalita sa mga sinabi ni tito Azrael.

“Precisely the reason why he handles the business very well. Tito, pagod na ako sa usaping ito. Ilang taon kaming nag away ni dad tungkol dito. I am not made for that business. Kaya ng kapatid ko iyon. Ginawa ko ang lahat nong nakaraan. But I’m simply not into it. Dad knows that. Alam niyang si Elijah lang talaga, kaya si Elijah ang pinagkakatiwalaan niya non. Wag niyo nang ipilit.” Sumulyap si Kuya sa akin.

“Leave Justin alone.” Sabi ni tita Claudine. “He tried his best.”

Of course. Malaking bagay ito sa buong pamilya. Ang aming negosyo ang siyang rason kung bakit nakapag aral ang mga magulang namin noon. Our great great grandfather’s business in Surigao. Kahit na sabihin nating marami silang lupain ay ang negosyo parin ang naging importante. Nag expand ito dahil sa lolo ko at ni daddy. At mas lalo na itong lumaki nang nagpakasal si mommy at daddy. Ang negosyo nina mommy sa Surigao ay tulad nong amin kaya mas lalong nag expand ito. Si Kuya Justin dapat ang mamamahala nito. We can both work together but Kuya is not made for business. Sumunod siya sa mga pinsan ko sa labas ng bansa para doon mag aral. Photography and Filming, that’s what he wants. Hindi iyon maintindihan ni dad kaya ilang taon din silang nag aaway tungkol don.

“But your brother is mad. If he really care for your family, dapat ay hindi niya iniwan ang mommy at daddy mo.”

Nabitiwan ko ang kutsara ko at hinarap ko si tito. “I love my family tito. I just want them to understand that this is what I want.”

“That is still one selfish decision.”

Umiling ako. Kahit ano pa ang sabihin nila, I’m still all on this.

Nakatulog ako a lounge. Nagising na lang ako ng mga alas tres ng madaling araw. Napatingin ako sa loob ng ICU at nakita ko si Ate Yasmin na natutulog don sa tabi ng kama ni dad. Sa harap ko ay si Kuya Justin at ang doktor, nag uusap. Tumayo ako at lumapit.

“Maraming bawal sa kanya na pagkain. Just keep him stress free. He’s doing better but I’m not saying that he’s safe, Justin. We need to prevent the second attack so I need your cooperation. Sana ay sundin niyo lahat ng payo at lahat ng gamot ay painumin niyo sa kanya. Mamaya, pwede na siyang lumipat sa regular room but I will need him to stay for two weeks para mas matutukan. We need an approval for his travel to Manila.” Sumulyap ang doktor sa akin.

Tumango ako.

“I’ll leave you now. We’ll move him tomorrow afternoon. Good night!” Sabi ng doktor at umalis na.

Nilingon ko ang ICU at nakita kong nakatayo na si Ate Yasmin habang hawak niya ang kamay ni dad. Nakita kong bahagyang gumalaw ito. Napatingin ako sa kanyang mukha at dilat ang kanyang mga mata.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam kung tama bang papasok ako agad doon o hindi.

“He’s awake. Let’s go.” Sabi ni Kuya Justin at agad nang pumasok.

Sumunod ako sa kanya at dahan dahan kong sinarado ang pintuan. Nang napatingin si dad sa akin ay lumapit ako sa kanya.

“Kumusta, dad?” Tanong ko.

Wala siyang binigay na ekspresyon. Tumingin lang siya sa akin.

“Tsaka ka lang ba uuwi pag may nangyari nang masama sa akin?” He asked.

Hindi ako nakasagot. Tumawa siya at umubo. Inalalayan siya ni Ate Yas at sinaway agad.

“Dad, I’m sorry.” Hindi ko madugtungan. Ayokong maisip niya ang tungkol kay Klare at ayoko ring magtanong siya ng tungkol sa amin.

“Iyan lang ang hinintay ko galing sayo. Where have you been, son?” Kumislap ang mga mata.

Bahagyang gumalaw si Justin sa gilid ko. Alam ko. Alam ko kung anong gagawin.

“Nasa syudad lang po ako.” Sagot ko.

Tumawa si dad. “Still very intelligent. Hinanap ka sa Surigao and yet nasa Cagayan de Oro ka lang?”

“I’m sorry, dad. Mamaya, pupunta kami ng Surigao ni Kuya Justin. We’ll fix the business.” Sabi ko.

Sumimangot si Dad at pakiramdam ko ay may nasabi na naman akong mali. “You’ll leave again. Kailan ka babalik, pag namatay na ako?”

Nanlaki ang mga mata ko.

“Dad…” Sabi ni Ate Yasmin.

“Uuwi din ako. Dalawa o tatlong araw lang kami doon, dad. It’s for the business.” Sabi ko.

“I’ll help, dad.” Sabi ni Kuya Justin.

Hindi ko na dinagdagan iyon. Gising siya hanggang alas sais ng umaga kaya kinailangan ding gising kaming tatlo para kausapin at bantayan siya. Nang nakatulog siya ulit ay nagdesisyon na kami ni Kuya Justin na umuwi muna para makapag pahinga sa bahay. Dumating si mommy kaya may kasama si Ate Yasmin sa ospital.

Natulog si Kuya Justin samantalang ako ay abala sa pag cha-charge ng cellphone ko. I missed my room. Pero kailangan ko ulit iwan ito doon.

Isang message lang ang natanggap ko galing kay Klare. It’s frustrating.

Klare:

I’m sorry.

Ano na naman kaya ang iniisip niya? Hindi ko alam. Kinuha ko kaagad ang susi ng sasakyan ko. It’s seven in the morning. Kung hindi ako nagkakamali ay hindi pa iyon nakakaalis sa bahay nila para pumasok ng school kaya pupunta ako doon.

Hindi ko alam kung tatanggapin ba ako ng mommy at daddy niya pero pupunta parin ako. Pinaharurot ko ang sasakyan ko papunta sa bahay nila at nagtext ako habang natatraffic.

Ako:

Good morning! I’m sorry last night. Hindi ko kayo naharap. Nabigla lang ako sa nangyari. Where are you? I need to see you.

Naaninag ko ang sasakyan ni tito Lorenzo at si Charles na nasa loob nito. Binaba ni Charles ang salamin nang namataan ang sasakyan ko. Pinark ko ito sa gilid ng building nila at agad na akong lumabas.

“Asan ang ate mo?” Tanong ko.

“Kuya Elijah!” Gulat na sinabi ni Charles.

Napatingin si tito Lorenzo sa akin. Nilapitan niya ako. Tiningala ko ang building nila.

“You’re back!” Lumabas si Charles sa kanilang sasakyan.

“Yup. Ngiti ko. I need to see your ate.” Sabi niya.

“Maaga siyang umalis patungo sa mga kapatid niya. Maaga kasing dumating ang mga kapatid niya galing Davao.” Malamig na sinabi ni tito Lorenzo sa akin.

Kinagat ko ang labi ko at tiningnan ang cellphone kong walang reply galing sa kanya. Baby, can you share to me your thoughts and worries? Now I’m fucking worried.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: