Until Forever – Kabanata 21

Kabanata 21

I’m Sorry

“Elijah, sasama ako.” Tawag ni Klare.

Halos isang minuto niya na itong inulit ulit ngunit hindi ko siya sinasagot. No. She’s going back to their house. Hindi ko siya pwedeng isama don. Ito ang unang pagkakataong magpapakita ako sa pamilya ko pagkatapos kong umalis. Hindi ko alam kung ano ang disposisyon nila. What if they’re going to hurt her? No. Way.

“Hindi sinabi ni Yas, ah?” Ani Chanel habang may dina-dial sa kanyang cellphone.

Humilig ako sa aking sasakyan at pumikit. Walang imik ang mga pinsan ko. Parehong nasa cellphone si Knoxx at Rafael. Hindi ko alam kung sino ang tinatawagan nila.

“Elijah…” Tawag ni Klare.

Dumilat ako at binalingan siya. She looks worried. This is all my fault. Kung sana ay hindi ako umalis. Alam kong hindi healthy si dad. He’s old and fragile. Dapat ay hindi ko na siya binibigyan ng sakit ng ulo. Ang pag alis ko ay naging sakit ng ulo para sa kanya. Especially that I handle most of our business. Wala na siyang katuwang sa pagdadala non. The stress piled up and then…

“Klare, I’ll drive you home.” Sabi ko at agad pinatunog ang sasakyan ko.

“Elijah,” Azrael called. “What’s your plan?”

“Pupunta ako ng ospital. Ihahatid ko muna si Klare.” Sagot ko at nilingon si Klare na pinapanood ang bawat galaw ko.

“Uwi muna kami sa bahay, Ej. Magbibihis. Susunod din kami.” Sabi ni Josiah, agad kong tinanguan.

“Sasama ako, Elijah.” Hinawakan ni Klare ang braso ko.

Umiling ako. “Kailangan mong umuwi. We’ll see each other tomorrow.”

“Gusto kong bumisita sa dad mo.” She said.

Suminghap ako at hinarap siyang mabuti. “You need to go home. Hindi alam ng mommy at daddy mo na umalis ka, kasama ko. We’re not going to add fuel to this fire, Klare.”

Kinagat niya ang kanyang labi. Nagdadalawang isip siya sa kanyang gagawin. She needs to follow me now. Ayaw kong magkabulilyaso dahil lang sa mga gagawin namin. We will fight for our love, there’s no doubt about that. Alam niya na iyon. I assured her all my life. And I will never get tired of reminding her how much I want to make this all work. For her.

Dahan dahang tumango si Klare. I’m relieved. Because I know for sure na kung pipilitin niya ay pag bibigyan ko siya. Damn!

“Let’s go.” Hinawakan ko ang kamay niya at iminuwestra ko sa kanya ang front seat.

Nagpaalam ako sa mga pinsan ko. Susunod daw sila pagkatapos umuwi ng bahay. Wala na ako sa sarili kaya tumango na lang ako sa lahat ng mga sinabi nila.

Tahimik sa pag dadrive ko pauwi kay Klare. Pinapanood niya ako. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na siya masulyapan. Nang tinigil ko ang sasakyan ko sa tapat ng kanilang bahay ay nilingon ko siya at hinawakan ko ang kamay niya.

“I’ll call you later.” Pinanood ko ang kanyang mga matang halos hindi makatingin sa akin. “Klare.” Tawag ko tsaka pa lang siya tumingin at tumango. “I love you.”

Tumango ulit siya. “I love you.”

Oh damn. Tinulak niya ang pintuan ko at agad sinarado. Nilagay ko ang kamay ko sa aking noo bago binagsak sa manibela. Damn!

Inatras ko ang sasakyan at pinaharurot na iyon pabalik sa kalsada nang nasa elevator na siya. Inisip ko ang kalagayan ni dad. Iniisip ko rin kung ano ang iniisip ni Klare. Ang hirap hirap pag sabayin.

Pagka park ko ng sasakyan sa baba ng ospital ay halos takbuhin ko iyon doon patungong tanggapan. May kausap pa ang mga nurse kaya agad kong tiningnan ang cellphone ko para makita ‘yong number na ibinigay sa akin ni manang kanina.

Pinagpapawisan ako ng malamig at kabadong kabado ako. Nilagay ko sa tainga ko ang aking cellphone. Mabuti at mabilis na sinagot ni Ate Yasmin ang tawag.

“Hello, who’s this?”

“Ate, si Elijah ‘to.” I said.

“Ej. Ej!” Una ay kalmado ngunit nabigla din.

Narinig ko ang pagsarado ng pintuan. I assume she’s in his room or something?

“Nasa Polymedic, ako. Asan kayo? Tumawag ako sa bahay. Sinabi ni manang…” Hindi ko alam kung ano ang mga idudugtong ko.

“ICU.” That was it. She broke down and I’m pretty sure I’m at the edge too.

I cleared my throat. “Okay. I’ll be there.”

At pinatay ang tawag ko. Nagtanong ako sa nurse kung saan banda ang ICU nila doon. Papalapit pa lang ako ay naaninag ko na kaagad si mommy, Ate Yasmin, at Kuya Justin sa labas na para bang naghihintay sa pag dating ko.

Tumakbo si mommy patungo sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. Humagulhol siya sa iyak ngunit imbes na tingnan ko siya ay nilingon ko ang malaking salamin na nag paparte sa amin sa higaan ni daddy at ang labas. My jaw dropped. Kulay sky blue ang nakapalibot sa kanyang kumot at may malalaking mga tube. Pumikit ako ng mariin.

“Where have you been? We were so worried!” Hagulhol ni mommy.

Parang pinipiga ang puso ko. Hindi ko alam kung kaya ko bang harapin si mommy. Nag iwas ako ng tingin sa kwarto kung nasaan si dad. Hinawakan ni mommy ang magkabilang braso ko.

“Ej, where have you been? Bakit di ka tumawag? 2 months! 2 months! We were so worried! Your dad and I! Your Kuya and Ate, too.” Ani mommy.

Hindi parin ako nakakapagsalita. Nilingon ko na lang si Ate Yasmin na umiiyak sa upuan at si Kuya Justin na naka kuyom ang kamao na nakalagay doon sa salaming bintana ng kwarto ni daddy.

“Are you okay? Sobrang nag alala ako, Elijah, sobra sobra! Don’t do that again, ever!” Naiiyak na sinabi ni mommy.

“I’m sorry.” Sabi ko at bumagsak ang tingin ko sa kanyang mga kamay na ngayon ay nakahawak na rin sa mga kamay ko.

Niyakap niya ulit ako. Iyon ang naging eksena sa sumunod na tatlumpong minuto. Patuloy siya sa paulit ulit niyang tanong kahit hindi ko naman siya sinasagot sa pagkakatulala ko sa nangyayari.

“How is he?” Iyon ang nagputol sa kanyang mga tanong.

Mas lalo lang humagulhol si mommy. Pakiramdam ko ay mawawasak na ang dibdib ko. Nilingon ako ni Kuya Justin. Halong galit at pagod ang nakita ko sa kanyang mga mata.

“He’s not good, Elijah.” Ani Kuya.

Ginulo niya ang kanyang buhok at hinarap niya ako. Hinawakan ni mommy ang braso ko, hindi parin tumatahan. I want to comfort her but I need to be comforted too. Especially that I think these are all my fault!

“He’s better.” Sabi ni mommy na nagpalito sa akin. “Kagabi, critical siya. Unconscious. He’s conscious now. Tulog lang.” Sabi niya.

Nilingon ko si daddy na nakapikit. Medyo nahimasmasan ako ngunit hindi parin mawala wala ang kaba.

“What happened?” Sabi ko.

“Tss. You know what happened. The stress piled up, Ej. He’s stressed. Hindi halata pero ‘yon ang totoo. Good thing we are all here. Kung nasa US kami, sinong kasama ni mommy?” Iling ni Kuya.

Nilingon ko si mommy para makapag tanong pa tungkol sa kalagayan ni dad ngunit nagsalita na siya bago pa ako magtayo ng tanong.

“He’s worried about you. It’s been two months and we’ve been recieving news… you know-“

“Impossible news. He’s just over reacting.” Sabay pikit ni Kuya. “This is my fault!” Sigaw niya.

“Kuya…” Nanginginig na pigil ni Yasmin. “It’s not anyone’s fault.”

“This is my fault!” Giit ko.

Napatingin si Ate at Kuya sa akin. It’s like they knew it was mine but they didn’t want to accept it. They were both scared I’ll run again.

“No, Ej. Kasalanan ko ‘to.” Giit ni Kuya. “Alam ko na kung nasaan ka nong sinabi ni Knoxx sa akin pero hindi ko sinabi kay mommy at daddy, thinking I can help you! Shit!”

“May mga nakukuha kaming leads sa isang lalaking napatay on the way to Surigao, in Surigao, or anywhere near Cagayan de Oro. Suspetsa ng mga autoridad, ikaw ‘yon. Your dad and I are stressed out pero mas lalo na siya. And you know your dad, Ej. He’s old and he’s not healthy anymore.” Ani mommy, umiiyak parin.

Fuck! What? Ni hindi ko nakita ang mga rasong iyon! Ni hindi kailanman sumagi sa isip ko na mag aalala sila ng ganon!

“Your dad is very worried. Ilang beses na kaming nakatanggap ng ganong balita this month and when he received another yesterday…” umiling si mommy. “Our business is also in chaos. Three ten wheelers vanished. Hindi niya alam anong gagawin para mapasunod ang tatlo pa since they were all scheduled as you ordered.”

“Vanished?” Napatanong ako sa gulat.

“Yes. He’s guessing na may mga empleyadong nanggugulo na naman kaya he decided to go to Surigao-“

“By land, ma?” Napatanong ako at napapapikit ulit sa sagot. Damn it!

“Yes.”

“And… nagkagulo don kasi ayaw ng mga tauhan masira ‘yong scheduled deliveries. We’re exporting most of the goods and your client is big kaya without your approval, they wouldn’t let your father ruin the system.”

Halos matulala ako. Hindi ko ma imagine kung paano iyon ginawa ni dad. He handles the business ngunit hindi hands on. Ngayon niya lang ulit binalikan kaya siguro ay nagulat siya.

“What about the managers?” I asked.

“They asked for millions, Ej. Para ma replace ‘yong tatlong nawalang trucks so we bought three new trucks instead. And then… there’s another news about you-“

“Kasalanan ko ‘to! Kung sana ay pinag aralan ko ‘yong business!” Sabi ni Kuya Justin at yumuko sa tabi ni Ate.

Hinaplos ni Ate ang kanyang likod. Nagpatuloy si mommy sa pagtatanong kung saan ako nanggaling at saan ako nagtago.

“Nagpunta ako ng Surigao pero hindi ako nagtagal, mom. Sa Dynasty Court Hotel ako nagstay. Because I don’t think you’ll find me there. I didn’t want to be found.”

Natahimik si mommy sa sinabi ko. Tinitigan niya lang ako, bigo ang kanyang mga mata. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin. Gusto kong pumasok at tingnan sa loob si daddy pero sa tingin ko ay ang makita ng malapitan ang mga makinang nakapalibot sa kanya ay mas lalong pipiga sa puso ko.

“I know, son. You love her so much.” Sabi ni mommy.

Tumango ako. “Very much.”

Yumuko ako at niyakap si mommy dahil guilty’ng guilty ako sa mga nangyayari.

“I’m sorry, mom. Kung pinag alala ko kayo. I’m sorry for being so irresponsible. I’m sorry kasi ganito ang nangyari sa kay dad. Mom, I love you and dad so much.”

Umiyak ulit si mommy at niyakap niya ako ng mas mahigpit. “Really, Elijah?”

“Yes. Kahit na ganon ang ginawa ko ay mahal na mahal ko po kayo. Talagang ayaw ko lang mawala si Klare. If I can hold both my family and Klare, then I will. I will try. Pero mom, don’t make me choose again. I’m tired.”

Hindi ko mapigilan ang luha ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon.

“I’m sorry, Elijah. But… son… can you please make your dad happy. Or at least stress free. Pag nagising siya, can you please stop telling him about Klare. I understand that you won’t give Klare up for anything. Even for us…”

Oh damn! Kinalas ko ang pagkakayakap ko kay mommy at hinarap ko siyang mabuti.

“You’re not going to make me choose again.” Mariin kong sinabi.

“No. What I’m saying is that… kung pu-pwede, pagkagising ng dad mo ay magpakita ka lang sa kanya. Don’t give him news about Klare and you. Nang umalis ka, he made it clear that he didn’t want you and Klare together. You know that. Nagkasagutan kayo.”

KInalas ko ang kamay ko sa kanyang braso ngunit hinawakan niya iyon.

“All I’m asking is for you to talk to your dad and avoid the topic. For the mean time. At least when he’s still recovering and we’re still waiting for the doctors feedback. Elijah, it would be a great help. Please help him with the business, too. Your Ate and Kuya are scheduled to fly next week but we will cancel it because of this. Please?”

NIlingon ko ulit ang kwarto ni dad. Pinanood ko ang pagtaas baba ng kanyang dibdib sa paghinga. Dahan dahan akong tumango sa tanong ni mommy.

“Can I see him?” Tanong ko.

Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagtango ni mommy. Lumapit ako sa pintuan at agad tinulak ang pintuan. Pagkapasok ko kinilabutan agad ako. This can’t be really happening, right? The person I look up to is lying here helplessly. My dad is lying here helplessly. All my life, I thought this would never happen. Akala ko palagi siyang nandyan para pagalitan ako sa bawat mali kong gagawin. Hindi ko kailanman nakitang mahina siya. Ngayon lang. At iba ang pakiramdam na makita ang taong hinahangaan mo na nakaratay at mahina, it’s shaking my faith.

Narinig ko ang pagpasok ni mommy doon. Hindi ko siya nilingon. Umupo ako sa tabi ni daddy at pinanood ang kanyang seryosong mukha na natutulog.

“Sabi ng doctor, maayos ayos na siya. Huwag lang siyang ma stress. Pag lumala ito, baka kailangan niya ng surgery.” Pumiyok ang boses ni mommy. “We might go to Manila for further check up. Or heart rehabilitation. We will need experts, Elijah.”


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: