Kabanata 20
Back
Mabilis ang patakbo ko. Huli sa apat na sasakyang dinala ng mga pinsan ko. Klare’s asleep and I’m trying so hard to stop myself from watching her sleep. Nakita kong nag vibrate ang cellphone ko. Nasa screen ko ang pangalan ni Knoxx. Sila siguro ‘yong nasa unahan.
“Yeah.” Sagot ko, nakatoon ang atensyon sa kalsada.
Humikab si Knoxx. “Kain tayo sa Maramag? O Valencia? What do you think?”
“Sa Valencia na. Hanap tayo ng restaurant o fastfood doon. Mahirap sa Maramag.” Sabi ko.
“Alright. Malapit na rin naman. Fastfood na lang tayo para di na magtagal.”
Mabilis pinatay ni Knoxx ang linya. Sumulyap ako kay Klare na tulog parin. I’ll wake her up later. Siguro ay gutom na ito.
Ilang minuto pa ang lumipas bago kami nakarating ng Valencia City. Bumagal ang takbo ko. Ganon rin sina Knoxx. Lalo na’t dumadami ang sasakyan dahil nasa isang syudad kami.
Gumalaw si Klare ng bahagya. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong inangat niya ang kanyang ulo. Sumulyap ulit ako at nakita ko ang pagkusot niya sa kanyang mata.
“You awake, baby…” Sabi ko at pinagpahinga ko ang aking kamay sa kanyang tuhod.
Kinagat ko ang labi ko habang mas lalong binabagalan ang takbo nang nakitang lumiko ang Hilux nina Knoxx sa Jollibee.
“Asan na t-tayo?” Luminga siya sa paligid.
“Valencia City.” Sabi ko at niliko na rin ang sasakyan ko para mag park sa Jollibee.
Halos sabay sabay kaming lumabas sa aming mga sasakyan. Sabay rin kami ni Klare. Tinatali niya ang buhok niya at pinanood ko siyang pumasok sa fastfood. Siniko ako ni Azi at humagalpak siya sa tawa.
“Pagod much?” Naglalaro ang mga mata niya.
“Huh?” Kinunot ko ang noo ko at hindi niya na ako hinintay. Pumasok na rin siya sa loob ng fastfood.
Nakapila na si Klare sa counter at nakatingala sa mga pagkain. Kasunod niya si Chanel at si Erin na parehong namimili.
“Klare, ako na lang dito. Anong gusto mo?” Tanong ko habang tumitingala din sa mga pagkain.
“Ako na ang oorder.” Sabi ni Klare nang di ako tinitingnan.
Napakamot ako sa ulo. Makikipagtalo pa ba ako? Medyo pagod ako sa byahe pero hindi ako nagpapahalata sa kanya. Tumama ang paningin niya sa akin.
“Don ka lang sa upuan, Elijah. Ako na ang bahala dito. Rest.” Mariin niyang sinabi.
“Oh. Okay.” Sabi ko sabay bigay sa kanya ng wallet ko.
Tumingin pa siya sa akin. Hindi ko na siya pinagbigyang maibalik iyon. Dumiretso na ako sa upuan kung nasaan sina Rafael at Knoxx.
“Sakit ng likod ko.” Sabi ni Knoxx habang humihikab.
“Si Azrael na kasi ipag maneho mo hanggang Cagayan de Oro.” Sabi ni Rafael.
“I can’t let him drive. Remember Klare’s birthday?” Ani Knoxx.
“Ano ka ba, ang tagal na non. And he was drunk.”
“He’s careless all the time.”
Panay ang tingin ko kay Klare kaya naman ay tinulak ako ni Rafael na tumatawa. Nilingon ko siya at umiling silang dalawa ni Knoxx.
“What are your plans now, Ej?” Rafael asked.
“Let’s face it, the family wants you back but we’re not entirely sure of their approval. Alam mo ‘yon. Maaaring gusto nila na bumalik na kayong dalawa ni Klare pero hindi nila ito agad matatanggap.” Sabi ni Knoxx.
Ngumuso ako. “I know that. We’ll take it slow. Hindi rin naman sanay si Klare na magpakita sa public na kami nga. And our friends would call it bullshit. I’m not in a hurry anyway. We’ll get there.”
“What about your family? Nakausap mo na ba mga kapatid mo? Your mom or dad? Nong umalis kami medyo malungkot ang mom mo. You should call, you know.”
Hindi na ako nagsalita dahil nakita ko na si Klare patungo dito na may dalang pagkain namin. Tumigil din si Rafael at Knoxx. Nandon na ang ibang mga pinsan namin kasama ang mga pagkain.
Asaran at kulitan kahit pare pareho kaming pagod habang kumakain. Panay ang sapak ko sa nang iistorbong si Azi. Klare’s kind of uneasy. Siguro ay dahil nasa harap namin sina Erin at Chanel na parehong nanonood. Hindi ko alam kung paano ko talaga siya sasanayin.
“So… our friends… I think it’s best to just shut up and not make a big fuss about it?” Hindi makatingin si Chanel sa akin. “About your relationship.”
Tumango ako at tumingin kay Klare na ngayon ay nakatingin kay Erin.
“Mas weird kung bigla nating iaannounce na mag on silang dalawa. Like us, kilala din nila ang dalawa as cousins. We should take it slow.” Sabi ni Erin.
“What bothers me the most is our parents. Ano ang gagawin nila?” Claudette said.
“They would understand. It’s either they will or we’ll all fight for it.” Ani Erin.
Hindi ko alam pero nakokuntento na ako sa mga sinasabi ng mga pinsan namin. I know Klare is also contented. Kahit na umalis kami ng Davao na magulo parin ay nararamdaman ko na masaya siya sa bagong tungo ng mga pinsan namin. I’m happy too. Kahit na sabihin kong masaya na ako pag kasama ko siya, syempre mas masaya parin kapag nandyan din ang ibang taong mahal mo.
“Then after this, we can all party!” Sabi ni Azrael.
“Tumahimik ka, puro party ang nasa utak mo.” Asar ni Josiah.
Tumawa na lang ako at sumali sa asaran. Klare’s talking to Erin and Claudette. Girl time.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa mga sasakyan. Hindi na inaantok si Klare. Bumili pa kami ng makakain along the way. Nauna na naman sina Knoxx at huli na naman ako sa pagpapaandar. Well, I don’t care. Susunod lang ako sa kanila. I’m kind of happy that I’m with her.
“You think matatanggap tayo ni tito Az?” She asked.
“Wala na siyang magagawa.” I answered.
Alam kong natatakot siya kay Tito Azrael. Maging kay Tito Stephen. Si Tito Benedict at Tito Lorenzo, parehong mukhang maayos lang. Suminghap ako nang naalala ang huli naming sagutan ni Dad. That was too painful for me. Isang bagay lang ang hinihingi ko pero hindi niya maibigay. And he called me a failure just because I wished for that. I wished for their support.
“How about… your Dad, Elijah?” Nabasag ang boses niya pagkabanggit non.
Sumulyap ako at nilagay ko ulit sa kanyang tuhod ang aking kamay. “He will understand. I will make him understand.”
Hindi naman malupit si Dad. I’m just scared that I want him to accept us without questions. Masyado akong ma pride para sagutin pa ang mga tanong niya. Gusto kong pagbigyan niya ako ng diretso. Kaya naman nong tinanggihan niya ako bago ako umalis ay hindi ko natanggap. I’ll get Klare without his help but now we’re going home. Sisiguraduhin kong alam niya na hindi ko kailangan ng approval nino man. I’ll have Klare no matter what. Gustuhin man nila o hindi.
Ilang sandali ang nakalipas ay naramdaman ko ang pagtitig niya sa akin. Sumulyap ulit ako. Nakita kong nakangiti na siya. Her sleepy eyes, sparkling.
“What?” Hindi ko napigilan ang pagngiti na rin.
“Gusto mo ako ang mag drive? You look tired.” She seriously said.
At hindi ko alam kung dahil ba masyado akong hyper o ano ngunit iba ang interpretation ko sa sinabi niya. My jaw dropped and I stepped on the gas, big time.
“Y-You don’t know how to drive.” Sabi ko, nag aalinlangan.
Tumikhim siya. “Yup. You should teach me sometime. Para palitan kita pag ganitong malayo ang mga byahe.”
Umiling ako at kumunot ang noo ko. I should stop my thoughts. Hindi ko inasahan na ‘yon ang sasabihin niya. “Nah. Wala akong tiwala. Natatakot ako para sa mga mababangga mo.” I chuckled.
“Ano? Kung turuan mo na lang kaya ako. I’m pretty sure mas magaling pa akong mag drive kay Azi pag naturuan mo ako.”
“Yeah because he sucks big time. Ang baba pala ng standard mo. You should make me your standard.”
Tumawa na ako nang tinampal niya ang aking braso.
“Nakakainis ka! Ba’t niyo binubully si Azi. He drives okay. Wag lang ‘yong lasing. Kahit ikaw naman, ah? Pag lasing ka, pinapaharurot mo ‘tong Chevy mo!” She pouted.
Can we stop here, baby. I want to kiss you.
“At least hindi nababangga. Hindi mo nakita ‘yong Fortuner nila nong binangga niya. Basag ang harapan.” Tumaas ang kilay ko.
“Of course, binangga e. Kaya ikaw, wag na wag kang mag dadrive na lasing. I’m gonna kill you.” Aniya.
Ngumiti ako. “Hindi ako mamatay sa pagmamaneho. Mamamatay ako sa’yo.”
Sumulyap ako sa kanya. Nakahalukipkip na siya at nakatingin sa akin. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko.
I missed her so bad. Kahit na nagkasama naman kami nitong mga nakaraang araw, pakiramdam ko hindi kami nakakapag usap ng maayos. Pagkatapos niyang buksan ang cellphone ko para kumanta ng ilang sandali ay nakatulog na agad siya.
Humikab ako nang naaninag ko na ang Cagayan de Oro. We’re back! Pababa na kami at tulog parin si Klare sa tabi ko. Halos papalubog na ang araw. Biglang nag vibrate ang cellphone ko. Sinagot ko ulit at hininaan ang stereo.
“What…” Sabi ko kahit hindi alam kung sino ang tumatawag.
“Sino? Si Elijah na lang.” I heard Erin’s voice.
“No. Nalaman na ba na nagpunta tayo ng Davao?” Claudette asked.
Napatingin ako sa cellphone ko. Si Knoxx ang tumatawag. Is this a conference call? Yep. I heard Josiah’s voice.
“Hindi nila alam. Hindi ko alam kung sinabi ba ni Yas.” Sabi ni Rafael.
“So Elijah should call.” Sabi ni Claudette.
“I’ll contact Ate Yas now. Umuwi na lang kayo sa bahay niyo-” Sabi ko na pinutol agad.
“No way, dude. Papagalitan kayo, kasama kami.” Azi said in a heroic tone.
“I’ll drop the call. I’ll call ate Yas and I’ll call you back.” Sabi ko at agad pinindot ang cancel kahit na maingay parin sila.
Nilingon ko si Klare at mahimbing parin ang tulog niya. Buong playlist yata ‘yong kinanta niya kanina kaya ayan at pagod.
Wala pa sa contacts ko ang number ni Ate Yasmin kaya ang number sa bahay namin ang tinawagan ko. Kung sino ang sasagot, I’m fine with it.
“Hello, Montefalco residence, good afternoon!” Sabi ni manang nang sinagot ang telepono.
“Manang,”
“Hala! Elijah?” Halos magdiwang si manang sa tono niya. Hindi ko malaman kung nag papanic o nagdiriwang.
“Nandyan ba si Ate Yas? Or Kuya Justin, perhaps?”
“Elijah! Asan ka po? Hinahanap ka! Dalawang buwan! Teka tatawagan ko-“
“Manang, calm down. Uuwi na po ako. No need to call anyone, I’ll be there. Nasa Cagayan de Oro lang po ako. I need to talk to Ate Yasmin.”
“H-Ha? Wala po si Miss Yas dito. Pati ang Kuya Justin mo, wala.”
Kumunot ang noo ko at pinanood ang pagliko nina Knoxx sa Lim Ketkai Drive. Bumabagal ang takbo. “Asan sila? Pahingi na lang ng phone number niya. Nandyan ba si mommy?”
“Wala rin.” Halos hindi ko marinig ang boses niya nang sinabi niya iyon.
“Where are they?” Tanong ko.
Nakita kong pinark ni Knoxx ang sasakyan sa may Mcdo. Lumabas si Azi at Claudette at pinanood nila ang pagsunod nina Rafael doon. Pareho silang nag stretching pag labas. Pagod sa byahe. Habang nililiko ko naman ang sasakyan ko ay nakikinig ako kay manang.
“Nasa Polymedic Medical Plaza po.” She said.
“Ha? Anong ginagawa nila sa ospital?” Kumalabog ang puso ko.
Hell. What’s happening?
“Tawagan niyo na lang po si Miss Yas. Bibigay ko ang number.”
Tinigil ko ang sasakyan ko.
“What happened, manang?” Tumaas ang boses ko dahilan kung bakit nagising si Klare sa tabi ko.
Tinanggal ko ang connector ng phone ko sa stereo. Nilagay ko ang cellphone ko sa aking tainga at lumabas na para hindi ko maistorbo si Klare.
“Inatake sa puso ‘yong daddy mo kagabi.” Nag aalinlangang sinabi ni manang. “Kritikal siya.”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Tanaw ko pa ang mga pinsan kong nagtatawanan at walang alam sa nangyayari. No way. What the hell happened at home?
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]