Until Forever – Kabanata 19

Kabanata 19

Kisses

“I don’t want to hurt you, Selena. I got my tix. I’m free. I’m sorry for being an ass.” Sabi ko habang nag iimpake.

Ayokong maging masama sa kanya pero kung ito ang kailangan kong gawin para maintindihan niya ang ginawa ko ay kailangan kong saktan siya. At isa pa, saktan ko siya ngayon o sa susunod na pagkakataon ay pareho lang din iyon. Parehong masasaktan ko siya.

“Ej, Ej…” She sound frustrated. Well, I was too.

Sising sisi ako dahil pinaasa ko siya. Sising sisi rin ako dahil umasa ako na makakalimutan ko si Klare.

Ang tanging gusto ko lang naman ay ang magkaroon ako ng tahimik na buhay. Why can’t I just fucking date anyone and like it at the same time? Don’t get me wrong, I liked Selena. But some likes are just passing. Iyong tipong maganda ngayon, mamaya hindi na. And it’s disappointing. Why can’t I make myself like anyone without thinking about Klare.

“Ej, please…” Umiyak si Selena at hinawakan ang kamay ko.

Kinurot ang puso ko nang napaupo siya sa sahig at sobrang sabog ang kanyang buhok sa pag hagulhol. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Hindi ko na ito maigalaw para makapag impake pa ng tuluyan.

Lumuhod ako para maglebel kaming dalawa.

“I can’t stay here, Selena. I’m sorry.” Kinagat ko ang labi ko.

Kung sana ay kaya kong piliin na lang siya. Kung sana ay hindi na lang ako ganito ka baliw kay Klare ay sana hindi na mahirap ‘to. I don’t want to regret this forever. Ayokong dumating ang panahon na magkikita kami ni Klare at huli na ang lahat. Siguro ay araw araw sa buhay ko ay mag iisip ako kung ano ang pakiramdam kung si Klare nga ang nakasama ko. I don’t want that. It would kill me.

“Ej, I swear di ka rin makakalapit sa kanya. Your Ate Yas told me na pag nag break tayo sa Pinas ay agad kang pababalikin dito!” Aniya.

“Damn, they can’t do that. That’s not their decision. Anong gagawin nila pag ayaw ko? Ikukulong nila ako at isasakay sa eroplano?” Umiling ako.

“Elijah, please. You know you need me. You needed me last month, last year. Para makalimot. And you will need me again right now! You need me! Kahit pretend lang! Makakatulong ako, Ej.” Sabi niya at pinanood ko ang pamamaga ng kanyang mga mata habang lumuluha.

Naramdaman ko ‘yong sakit na naramdaman ko nong hiniwalayan ko si Gwen. It hurt seeing her hurt. Naisip ko ulit na hindi ko na talaga gagawin ito. Hindi na ako magkakamali sa ibang babae.

Hinaplos ni Selena ang aking pisngi. Hinawakan ko ang kamay niya.

“I’m sorry.” Mahinahon kong sinabi.

“Please, I believe in you. Nakalimutan mo na si Klare. Makakalimot ka ulit sa kanya. Hindi mo pa siya ulit nakikita! Tingin mo pag nakita mo siya, ganyan parin ang nararamdaman mo? It’s been two years and you need me. You need me bad. You need to have me!”

I can never forget her. That’s the truth. Ito ‘yong ilang beses ko nang isinugal at pinusta sa sarili ko. At sa mga taong iyon, hindi ako kailanman nanalo. Hindi ko pa kailanman nakalimutan si Klare. Kinainisan at kinamuhian, oo, pero nakalimutan? Hindi.

“You will need me, Ej. I swear it. Babalik ka ng U.S. Masasaktan si Klare! Mas lalo siyang masasaktan this time! Dahil sayang kasi pwedeng ipaglaban pero hindi nangyari kasi mas importante sa kanya ang pamilya niya ngayon! She was a wreck, right? She was devastated! At tingin mo pipiliin ka niya? Hindi ka niya pipiliin! She will hold on to whatever’s left of her family. Trust me, Elijah.” She cried.

No, Klare will choose me. She will choose me this time. I will make her choose me this time.

Sumalampak ako sa sahig at nanghina nang napagtanto na baka hindi. Baka tama si Selena. Baka hindi niya ako piliin kasi ako ang dahilan. Ako ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya. Ako ang dahilan kung bakit nawala siya sa mga Montefalco. Siguradong hindi siya masaya sa mga Ty. Sigurado ako doon. At ang mga Montefalco ang kakapitan niya. She needs the trust of our family. I can’t ruin this for her.

Nilingon ko si Selena. Pinunasan niya ang kanyang luha.

“Ej, isama mo ako sa Pilipinas.” She said again.

And I can still remember how I felt the first time I laid my eyes on her. Titig na titig ako sa kanya ngayon habang nilalaro ang whiskey sa harap ko.

“Isa pang JD, sir?” Tanong ng bartender habang inaayos ko ang sarili ko dito sa high chair.

One more move, Klare and I’m going to break their bones.

“Yes, thanks.” Sabi ko nang hindi binibitiwan sa tingin si Klare.

She looked weak and fragile. Hindi ko iyon makalimutan. Habang kumakanta siya ay pakiramdam ko kahit anong oras ay pwede siyang mabasag. Natatakot akong mahawakan siya dahil baka ako mismo ang makabasag sa kanya. But when she smiled, she lit up the whole room. Na para bang wala siyang pakealam sa akin, na hindi siya kailanman nasaktan sa pag alis ko, na kontento siya sa buhay niya ngayon, na nagpapasalamat siya dahil lumayo ako. It’s a scary to think that she’s forgotten me.

Now that she knows all about my secrets, mas lalong nakakatakot. Siya ang magdedesisyon kung wawasakin niya ba ulit ako sa pangalawang pagkakataon o tatanggapin na ng buong buo.

No, Elijah, she’s gonna break you into more pieces you can ever imagine. See?

Pagkahawak pa lang nong Vaughn na ‘yon sa kanyang baywang ay nilapag ko na agad ang shot glass na nilalaro at nag tapon ako ng pera sa mesa. He’s not going to score. Kahit na hindi ko alam kung ano talaga ang iniisip ni Klare ay hindi ko kayang hayaan siya na ganito! Not while I’m alive!

“Shit!” Sigaw niya nang inilayo ko siya kay Vaughn. “Elijah!”

Galit na galit ako! Bakit niya hinahayaan ang sarili niya na makasama si Vaughn at ma tsansingan pa ng ganon? Ganon ba talaga? Wala bang halaga ‘yon sa kanya? She changed a lot! I would literally sacrifice anything just for a touch like that and now, kaya niya palang ibigay sa iba nang walang kahirap hirap? Who is this Vaughn and why was he allowed to touch her like that?

Oh yes! Maybe because he won’t give her bad goosebumps. Palagi ko siyang nabibigyan ng ganon dahil tuwing hinahawakan ko siya, naiisip niyang magpinsan kaming dalawa at hindi maganda iyon. That’s incest!

Diretso ang tingin ko kay Vaughn na agad nagkamot ng ulo. Iniisip ko tuloy kung paano ko sisimulan ang pagbugbog ko sa kanya.

“Sorry, dude. Sinasayaw ko lang ang pinsan mo-“

Damn he made it worse. “She’s not my cousin.”

Pinaalala niya sa akin ang bagay na ayaw kong maalala. It’s true, hindi ko pinsan si Klare pero siguro ay iyon parin ang iniisip ni Klare hanggang ngayon. Nanginig ang braso ko dahil sa kasabikan nitong manuntok.

Hinawakan ni Klare ang braso ko at hinila niya ako. “Elijah, let’s go.”

Damn it! Kumunot ang noo ko at nag kuyom na rin ang bagang. I’m not going to let Klare stop me from punching anyone who touches her!

“Sumasayaw lang naman kami. Don’t be ridiculous!” Ani Vaughn.

Susuntukin ko na sana siya ngunit hinawakan ni Klare ang kamay ko at hinila niya ako paalis doon. Damn! Isang hawak, isang hila lang ang katapat. Napapasunod niya agad ako. Because I was hoping I could get her alone and talk to her! Because I was hoping that she would comfort me. That she would fix me!

“Don kayo dumaan!” Napatingin si Claudette sa kamay ni Klare na nakahawak sa kamay ko.

Hindi ko alam kung magsasalita ba siya sa mga pinsan namin o ano. I was hoping she wouldn’t say anything about us. Tinulungan niya kami noon at sa palagay ko ay kaya niya ulit kaming tulungan ngayon.

“Klare?” Vaughn croaked.

Nilingon ko siya at mas lalo lang nag alab ang galit ko. The jerk would not stop. He couldn’t understand that this girl is mine!

“Vaughn, sorry. “Badtrip siya and probably kinda drunk. Next time.” Hinila ulit ako ni Klare.

Hindi ako nagpatinag hanggang sa sumigaw si Claudette. “Come on, motherfucker! Klare didn’t bitchslap Selena when she got jealous! Get your shit together or you’re both screwed again!”

Mabilis akong hinila ni Klare palabas sa back door ng Lifestyle District. Kinalma ko ang sarili ko habang kinausap ni Claudette si Klare.

“You’ve got an hour. Balik kayo dito pagkatapos bago pa sila maghanap.” Ani Claudette at agad ng umalis papasok sa loob.

Fuck! Anong ginawa ko? I lost my grip again!? Buti at hindi kami nakita kahit nino! Buti at wala si Erin doon kung hindi ay baka may mangyari na namang masama!

Sinuntok ko ang concrete wall sa gilid sa sobrang galit sa sarili. Namanhid ang kamay ko at agad akong bumaling sa nanlalaking mga mata ni Klare.

“I’m sorry, Klare.” I said.

I need to freshen up, Elijah. Pwedeng punta muna tayo sa sasakyan mo?” Kalmado niyang sinabi.

Tumango agad ako at kinalma pa ulit ang sarili ko. Hindi ko talaga kayang pigilan ang sarili ko. Kahit na alam kong makakasira sa aming dalawa ang pagpapadalos dalos ko ay hindi ko parin kayang tanggihan ang sarili ko pag galit na ako!

We went inside my Chevy. She’s wet. I hate foam parties… Basa din ako ngunit hindi kasing basa niya. Her hair’s wet and her shirt’s all wet. Tinanggal ko ang sleeveless ko at nilagay ko iyon sa likod.

Hinawakan ko ng mariin ang manibela ko at narinig kong pumasok siya sa front seat. Nasa likod kasi siya kanina. She doesn’t want to talk to me. Pero ngayon ay tinabihan niya na ako ngayon dito at hinawakan niya agad ang kamay ko.

Nilingon ko ang kamay niya at namataan ko ‘yong dugo sa aking kamao. What? Hindi ko iyon namalayan kanina. Namanhid ‘yong kamay ko sa panununtok kaya hindi ko man lang iyon naramdaman. Binawi ko ang kamay ko galing sa kanya.

“Akin na ‘yong kamay mo. Gagamutin ko.” Aniya.

Mas lalo kong hinigpitan ang aking pagkakahawak sa manibela. Dapat ay hindi. God, I swear I’m gonna fall for her again and again. Please, don’t make me fall for her even more. I’m fine feeling this stupid. I don’t want to make it worse.

“Give me your hand, Elijah.” She sounded pissed.

Fuck it! This was not my decision. Isang ganon, bigay agad. Just so great, right, Elijah? Fucking great!

Kinalas ko ang kamay ko at binigay ko ito sa kanya. Pinunasan niya ito ng wet tissue. Pinanood ko siya at mabilis ang takbo ng puso ko.

“Sorry kasi di ko mapigilang mag selos. Klare, pinipigilan ko pero nagseselos talaga ako.” Paliwanag ko dahil sa takot na magalit siya sa akin.

Wala siyang sinabi. Oh Jesus, this is great! Patay ako kay Klare. She’s probably very angry. Hindi na siya makapag salita sa sobrang galit.

“Klare, I’m not good with this pretend thing. I can’t help it.” Sabi ko sabay kagat sa labi.

Nag angat siya ng tingin. “So what do you suggest?” She’s pissed. I knew it!

I suggest we’ll tell them again and just run away. May pera na ako and I can buy you our own house, baby. May business akong iniisip kasama si Hendrix at meron don kami ni Rafael. We can… make this happen for us.

But this shit is going to scare her. Iisipin niyang obsessed ako sa kanya at pinaghandaan ko itong lahat ng mabuti. It’s true but that’s not good! Dapat ay hindi niya malaman! I don’t want her to run because she’s scared of me. She’s scared of my feelings.

“I know. I’m sorry. Ito lang ang paraan diba. I need to… do this.” Pumikit ako ng mariin.

Naramdaman ko kung paano humaplos ang mga daliri niya sa aking kamay. It felt so damn good. Tumindig ang balahibo ko at nairita ako sa sarili ko. Bakit ako ganito ka apektado sa simpleng mga galaw niya?

And I am very jealous because Vaughn gets to touch her freely. I want to touch her too. I want to touch her so, so bad. I want to touch her without hesitations. I want her so bad. I want her.

“Fucking shit!”

Kinuha ko ang kamay ko at mabilis kong sinalo ang luha ko. I am smitten and I don’t know how to escape this thing. May paraan ba? Ang tanong, gusto ko bang makawala? Kasi kahit na nasasaktan ako, kahit na ganito, ayos parin. Maramdaman ko lang si Klare kahit konti, ayos na ako. Kaya ko parin.

“I’m sorry, Elijah.” Ani Klare.

“Baby, it’s not your fault.” Tumingin ako sa labas at kinalma ko ang sarili ko.

Elijah, you stupid. Stop crying like a little girl. I wish I could stop the physical pain I’m feeling.

“Sorry kasi nasaktan kita. W-Wala naman ‘yon, Elijah. Vaughn is just my friend-“

“Yeah. And you can be together. Walang hadlang sa inyo.” I stopped myself right there.

Oo, Klare, walang hadlang sa inyo. Maghalikan kayo sa harap ko, walang aangal kasi wala naman kayong issues. Ako lang ang aangal at natatakot akong titigil ka nga sa pag halik kasi naaawa ka sakin! Kasi alam mong baliw ako sayo! Kasi alam mong ikaw lang ang para sakin! Ayoko ng ganon. Thinking about it hurts like a motherfucker. And I should stop thinking because thinking could not take me anywhere.

“But I don’t want him, Elijah.” Aniya, nakatingin siya sa akin.

Sumulyap ako sa kanya at pinakawalan ko ang naramdamang pagsakit ulit ng dibdib. It’s a good kind of pain. Iyong tipong magpapakamasokista na lang ako para maramdaman lang iyon ng paulit ulit. . “Really? Coz I don’t think you want me too. Ni hindi mo kinumpirma sa akin na mahal mo ako.”

Tumunganga siya sa akin. Like I’m some puppy who crossed the line and now I can’t eat my damn bone.

“Sorry, baby. I’m sorry for that. Just forget it.” Sabi ko at pinanood ko ang reaksyon niya. Kumunot ang kanyang noo at nakita ko kung paano pumungay ang kanyang mga mata habang tinitingnan ang labi ko.

Kinagat ko ang labi ko at pinanood kong mabuti ang galaw ng mga mata niya. Nang nag angat siya ng tingin ay medyo nataranta siya.

Tumingin din ako sa kanyang labi. It’s half open. Like it wants to be kissed tenderly. And I am so going to hell for this. She’s going to slap me hard for this. Swerte lang iyong first passionate kiss ko sa kanya sa airport. Ngayon, hindi na pwede.

“Baby…” I hissed.

Bumagsak ang tingin ko sa kanyang collarbones habang nilalapit niya ang kanyang sarili sa akin. Napatingin din ako sa kanyang kulay pink na labi at pinaawang ko ang labi ko para papasukin siya doon.

She kissed me once but that wasn’t enough for me. Akala ko ba kahit isang beses, Elijah? What happened to that?

“Klare, are you sure about this?” I whispered.

Dumilat siya at tumingin sa akin.

“Do you want me to kiss you?” Nagtanong ulit ako.

Nag iwas siya ng tingin. Did she change her mind? Kasi hindi pala niya kaya? Well, thats a good idea for you Klare. Because, to tell you frankly…

“If I kiss you some more, there will be no hope for me. I am not going to get over you anymore.”

A small smile touched her lips. “I’d like that.”

Oh fuck. I am gonna explode right here in front of her. She kissed me tenderly. Pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko. This is the moment I have been waiting for ever since. Iyong mahalikan ang labi niya. Hindi ko lang iniisip kung malambot ba ang labi niya dahil ngayon ay nararamdaman ko na. And I couldn’t get enough. I’m scared that I won’t stop. I’m scared that I’m going to break her purity. Because I want it so bad. Because I need her so bad.

“Getting over you isn’t possible anymore, baby.” Bulong ko at mas lalo ko siyang hinalikan ng mariin at malalim.

But because I love her, I will need to stop! Okay, I need to stop!

My hands are all over her. Iyong isa nasa likod, at iniisip ko na basa siya at kailangan niya ng spare tee shirt ko. At iyong isang kamay ko ay nasa hita niya. Damn, she needs more clothes, stupid Elijah! Stop kissing your girl and give her some clothes!

Dumilat ako para sana pigilan na siya sa paghalik ngunit hindi siya matigil tigil. She got drunk on my kisses. My baby is drunk coz of my kisses. Kinagat ko ang labi ko at napuna ko ang kanyang mga kuko na nasa aking likod. She’s digging her fingernails in my back!

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa likod ko at tinanggal ko ito doon.

“Your fingers want me so much.” Ngumiti ako.

Nag iwas ulit siya ng tingin na para bang gusto niyang ibahin ang usapan.

“What’s your tattoo?” Tanong niya para makawala.

“Hmmm. Just tribal and some hebrew.” Bulong ko.

Tumango siya at tiningnan ang braso kong may tattoo patungong likod. “Anong nakalagay sa hebrew?”

“Love is war. I am your soldier.” Bulong ko.

Tumunog ang aking cellphone. Halos mapamura ako sa inis. True, we need to stop this thing para makabalik na ng Cagayan de Oro, but I was too happy to stop. That was months ago, bago pa ako tuluyang nabaliw na lang kay Klare. At nandito na ako ngayon, I’m finally with her. Sa wakas ay dahan dahan na kaming natatanggap ng mga pinsan ko. That’s enough for me. I’m perfectly happy. No one can take this happiness away from me.

“Elijah, answer your phone.” Naiilang na sinabi ni Klare dahil sa ingay ng tunog.

Isang beses ko pang hinalikan ang kanyang labi bago ko inabot ang aking cellphone. Kung hindi ito importante ay papatayin ko talaga ang tumatawag.

Nang nakita ko kung sino ang tumatawag ay umiling ako at agad itong sinagot. It’s Azrael.

“Azrael, ano?” Sabi ko.

Umalingawngaw ang kanyang tawa. “Fucker. You try to kiss my cousin inside your Chevy and make her feel cheap, I’m gonna punch you straight, Elijah!”

Nanlamig ang kamay ko. Napatingin ako kay Klare. Inaayos niya ang kanyang sarili. Cheap ba ang pakiramdam niya dahil hinahalikan ko siya sa loob ng aking sasakyan?

“Fuck you, dude. Thanks for ruining my moment. She will never feel cheap with me. I will never make her feel that way, asshole.” Sabi ko.

“Sino ‘yan?” Tanong ni Klare.

“Azrael.” Sagot ko.

“Then drive! Naka convoy tayo! Nag stop over kami kasi nawala ka! Drive, asshole!”

Mabilis kong pinatay ang tawag at agad na pinaandar ang sasakyan. Makababa ako dito at susuntukin ko talaga si Azi.

“Uhm, nagmamadali ka?” Klare asked.

Binalingan ko siya. Nakakunot ang noo ko at hindi ko magawang ngumiti. Naparamdam ko ba siya ng ganon dahil hinalikan ko siya sa loob ng sasakyan ko?

“You angry? Uhm…” ngumuso siya.

Nagpatuloy ako sa pagdadrive at wala akong sinabi. Paano ko sasabihin sa kanya ‘yong mga sinabi ni Azi.

“I’m still not a good kisser… I still don’t know how to kiss…” Medyo bigo niyang sinabi.

“Baby, no-”

“Kaya ka nag drive. Kaya ka tumigil…” She concluded.

Halos masira ko ang manibela sa sobrang kaba sa mga sinasabi niya. Kinailangan kong mag park ulit kahit na tanaw ko na ang mga sasakyan nina Azi sa di kalayuan. Klare wants my kiss and I’m deeply bothered.

“Klare, I don’t want to make you feel cheap. You know, kissing inside the car…” Nakahawak pa ako sa manibela.

Nakita kong pumula ang kanyang pisngi at dahan dahang tumango. “Oh… O-Okay, I’m sorry.” Now she’s shy.

Dammit, baby. Damn it. Just… how?


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: