Kabanata 18
Deal
Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Hindi ito ang unang pagkakataon na hinalikan ko si Selena. Her lips tasted like cherry and metal at the same time. Tumigil ako sa paghalik at agad kong pinunasan ang labi ko gamit ang aking daliri para matanggal ang lipstick niyang pula.
Pinanood niya ako. Huminga siya ng malalim.
“Ej, I like you. I think I’m falling for you.” Sabi niya.
Natulala ako sa kanyang mga mata. Hindi ako maghuhugas kamay, I am responsible for her feelings. First few months ko sa US, galit at lungkot ang naramdaman ko. Went to school but all I do is fail the tests and pick fights. ‘Yong mga pinsan ko na nga lang ang tumutulong sa akin.
Bukod sa pag aaral ay sinusubukan ko ring magtrabaho. My mom didn’t want me to work, though. Kaya kung hindi ako nagtatrabaho ay kumukuha pa ako ng extra classes at pumupuntang gym kasama si kuya Justin at ‘yong girlfriend niya.
Kilala ko na si Selena noon pero hindi kami close. Nakasama ko lang siya sa gym tuwing wala si Kuya Justin at minsan sa extra classes ko. She isn’t hard to get along with. ‘Yong mga nirereto ni Ate Yasmin sa akin ‘yong mahirap pakisamahan. Selena isn’t clingy, annoying, or boring.
We share common interest: gym.
Sa mga oras na wala akong makausap at sobrang miss ko na si Klare, si Spike ang sinasabihan ko. If he really did love Claudette, paano niya nakayang mahiwalay kay Claudette ng ganito ka tagal? I can’t understand him.
“We communicate.” Aniya.
Hindi ko pwedeng tawagan si Klare. It’s forbidden. And besides I don’t think her mind will change. Ni hindi ko nga nabago ang isip niya nong umiyak at nagmakaawa ako sa harap niya. What more kung nandito ako sa malayo?
“Why don’t you call her?” Nagtaas ng kilay si Spike.
“Call her? It’s forbidden.” Sabi ko.
“Nothing stopped you before, Ej. Ngayon ka lang yata natakot.”
Hamon ni Spike iyon para sa akin. Tinitingnan ko ang Whey sa harap ko. Ang hirap ng ganito.
Takot lang talaga ako na baka saktan niya ulit ako. Iyon talaga ang totoo. Gustong gusto ko siyang kausapin pero ang sakit sakit nong ginawa niya. ‘Yong tipong mahal niya naman ako, pero may problema siya kaya hindi pwede. ‘Yong tipong, andyan na pero di mo maabot kasi siya mismo ang naglalayo sayo nito. Her love for me wasn’t enough. I’m not enough. Kulang pa ‘yong panunuyo, pagsusumamo, at pagmamahal ko. Naniniwala ako na sa isang punto sa buhay mo, you’ll find someone worth the risk. And I wasn’t that guy for her. She was that girl for me. And I’m so afraid that she might be that only girl.
Sinabi ko lahat kay Selena. Hindi siya nagreklamo. She listened but she never said anything against my decisions or even Klare’s decisions.
“Ang astig mong mag mahal.” Aniya sabay ngiti.
Kahit anong party ko kasama ang mga kaibigan namin ay hindi ko parin makalimutan lahat ng naiwan sa Pilipinas. Kahit ‘yong lamig ng gabi, ‘yong alak, ‘yong mga kanta sa bawat bar ng napupuntahan namin.
I cared for Selena. She was my fall back, my friend. Klare won’t risk anything for me. I want to love again but I’m not ready. Ayokong magkamali. Ayokong saluhin lang siya dahil mahal niya ako. Right now, wala akong maisip kundi si Klare parin at sana balang araw ay makalimutan ko na siya. Pero balang araw pa lang ‘yon. Dahil ngayon, hindi ko pa siya nakakalimutan.
My smile faded. I can’t say it back. But it’s my fault why she fell. I opened up to her. Ni hindi ko man lang inisip kung ano ang naging dulot ko sa kanya. I used her. She was cool. Pero ngayon, narealize kong hindi ganon. She wasn’t cool. She was bottling up all her feelings and I will fail her.
“I’m sorry, Ej. Di ko dapat sinabi ‘yon.” Mangiyak ngiyak siya habang tinalikuran ako.
Selena! I want to call her. For what? Hindi ko rin naman masusuklian ‘yong pagmamahal niya. Pumikit ako ng mariin at tinanggap ko ang maingay na music galing sa mga stereo ng apartment.
Maingay ang mga kaibigan namin dahil sa party. Nagtatawanan sila at nakikita ko si Kuya Justin na medyo lasing na sa tabi ng kanyang girlfriend.
“Ej, where’s Selena?” Tanong ng isa sa mga kaibigan namin.
Umiling ako at hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin sa mga tao. She entered her room, I guess. Gusto ko siyang sundan but I don’t want another mistake. I was cruel to her. I’m a jerk… Useless asshole. Merry Christmas, Elijah!
“May lipstick ka niya dito.” Sabay turo sa kanyang labi.
Pinunasan ko ang labi ko at huminga ako ng malalim. Bago pa ako nakapag isip ay narinig ko si Ate Yasmin na panay ang kwento tungkol sa Pilipinas gamit ang lasing na tono.
“Let’s plan a trip! OMG Palawan! Nakuu!” She’s drunk. Now I need to take care of my sister.
“Ate, let’s go.” Sabi ko sabay kuha sa kanyang kamay na nasa ere.
“Elijah, stop being a dick, please! Go and get Selena back. Stop ruining the night!” Sabi ng isa naming kaibigan.
“Kung sana ay hindi lang talaga umalis si Elijah don, baka noon pa ako nakarating ng Palawan! God, I badly want that vacation.”
“Would you rather go to Palawan or Maldives, Yas?” Humalakhak ang isa pang kaibigan namin.
Hinila ko si Ate at matalim niya akong tinitingan. Tiningnan ko kung ano ang ininom nila, Smirnoff and Sullivan’s Cove, great! She’s gonna puke all over the car.
“Palawan syempre. It’s more fun in the Philippines! Plus, gusto ko talagang bumalik sa Cagayan de Oro. I want to live there, you know! Kung sana ay hindi lang ‘to linayo si Elijah sa Cagayan de Oro.”
“Ate…” Hindi namin sinasabi sa lahat kung ano ang dahilan kung bakit nilayo ako kaya ngayon kailangan ko na talaga siyang pigilan o masasabi niya iyon ng wala sa oras.
“At pagkaalis niya? Nalaman na anak sa labas pala ‘yon?” Tumawa si Ate Yasmin.
“Ate…” Sabay hila ko ulit sa kanya.
Ilang sandali ko pa nakuha ‘yong sinabi niya. Anak sa labas? What? Gumagawa ba ng kwento si Ate Yasmin? Tumigil ako sa pag hihila sa kanya at hinayaan ko siya sa mga sasabihin niya.
“Anak sa labas ‘yong pinsan namin. Hindi siya Montefalco. She’s chinita not because her mother is, but because she’s half chinese. I don’t really know. Pure blood, half blood? May ganon ba? Parang Harry Potter lang? I guess na mix na rin naman siguro sa mga Pinoy ‘yong dugo nila that’s why I don’t know why they call themselves pure-“
“What is it, Yas? I don’t get it, really. I think you’re drunk.” Tumawa ang isang kaibigan nila.
Napaatras ako. Is that true? Is that possible? Hindi totoo ‘yon! Anak sa labas si Klare? Sinong? Hindi siya Montefalco?
Lahat ng tanong sa aking utak ay nagkabuhol buhol. Nanghina ako. Napaupo ako sa sofa at natulala.
Nakita kong tumitig si Kuya Justin kay Ate Yas. Luminga linga siya at nagpasalamat ako sa mga pinsan kong sumasayaw sa dancefloor kaya di ako nakita ni Kuya Justin.
Mabilis at marahas na hinablot ni Kuya Justin ang kamay ni Ate Yas at agad niyang dinala sa sulok ng apartment. Pumiglas pa si Ate Yas at panay ang mura niya kay Kuya Justin.
Nagtago ako sa mga sumasayaw at sinikap kong makinig sa pinag usapan nila.
“I told you to stop talking about that! Marinig ka ni Elijah!” Mariing sinabi ni Kuya Justin. “Lagot tayo kay Dad!”
“Oh Kuya! Hindi mo pa ba nakikita si Elijah at Selena? They look so good together. Naka move on na si Ej and stop being so dramatic. Your brother can’t be that smitten with our cousin. He got over it. Get over it too!” Sabi ni Ate Yasmin.
“Eh kung marinig ka niyang nagsasalita ng ganyan, do you think di siya magagalit satin? Nilihim natin ‘to sa kanya!” Mariing sinabi ni Kuya Justin.
Hindi ko matanggap. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang mag isip. Si Klare na anak sa labas? Anong hirap ang dinanas niya? Na wala ako! Na wala ako! Elijah, don’t start this. Akala ko ba tapos na ‘to. Stop blaming yourself! She pushed you away kaya kasalanan niya kung bakit wala ka don!
But fuck pag naiisip kong umiiyak siya! Umiiyak siyang mag isa. Naiirita ako sa sarili ko. Bakit ako lumayo? Bakit ako lumayo sa kanya? Hindi pwede ‘to!
“Hindi maiiwasan ‘yon. Malalaman din ‘yon ni Elijah. Uuwi siya ng Pilipinas para sa business. I’m sure he’ll find out soon.” Sabi ni Ate Yasmin na wala sa sarili.
“Stop it! Uuwi siya ng Pilipinas, oo, pero baka sa sunod pang mga taon. Hindi pa naka move on ‘yong kapatid mo. Kasi kung naka move on na siya, dapat matagal ng steady ang relationship nila ni Selena!”
Bago pa nila malaman na nakikinig ako ay umalis na agad ako. Umuwi ako ng mag isa. The next day I told them Selena and I had a row so I went out.
Pero ang totoo ay nag register ako sa Facebook at Instagram ulit. Her accounts weren’t there anymore. Hindi ko alam pero hindi ko mahanap. Nakita ni Selena ang account ko kaya in-add niya ako. I confirmed her request and she gave me a beep.
Selena: I’m sorry, Ej. Really. 🙂 Are we cool?
Nakita ko lahat ng account ng mga pinsan ko. Walang bakas ni Klare sa kanila. Nag deactivate ba siya? Hindi ko alam. Siguro oo? Klare Montefalco isn’t on Facebook. Not Until I found few familiar friends… Hendrix Ty’s profile picture was with Klare!
Sobrang pribado ng kanyang account at hindi pa ako ina-accept sa gabing iyon. I searched for his brother. Pierre Angelo Ty appeared and I saw Klare’s whole face as his profile picture. Naka skateboard at mahaba na ang buhok. She looked thin at tumangkad din siya. Nanginig ang kamay ko. Are they together now? Pero bakit si Hendrix, may picture din ni Klare? Nag away ba ‘yong magkapatid dahil sa kanya? Fuck! At sinong nanalo?
Pierre Angelo Ty accepted my request. I clicked his profile picture and there… I saw it… Klare Desteen Ty, tagged on his picture.
Fuck?
Dalawang oras kong tiningnan lahat ng mga picture niya. Walang bakas ng pagiging Montefalco. Hindi ko alam kung nasaang bahay siya at nasaang lugar. She changed a lot. I saw her video, ‘yong nasa Dance Studio siya. Ang dami kong nakita at hindi ko na alam kung kanino ako magtatanong.
I went to Josiah Travis’ profile, Azrael Ian’s, Erin Louisse’s, wala akong makitang bakas. Nang nakita ko kay Claudette ang comments ni Klare ay don ako namalagi.
Claudette Jamila Montefalco: I’m missing…
Klare’s comment: I miss you, Clau.
Fuck, baby. I miss you too. Tumindig ang balahibo ko. Hindi ko maiwasan ang paninitig sa kanyang mga salitang nakatype doon.
Claudette: I miss you, too. 🙁 Di tayo nagkikita masyado sa school.
Klare: 🙁 See you soon.
Bakit di sila nagkikita sa school? Ni click ko ang profile ni Klare. Ang kanyang profile picture ay siya kasama ang dalawang Ty. Naka akbay siya sa dalawang lalaki at hindi ko alam kung maiinis ba ako o manghihinayang. Pero habang tumatagal ay napagtanto ko, Klare Desteen Ty, Hendrix Ty, Pierre Ty.
“Holy shit…” Sambit ko at ilang beses pang natulala sa kakaisip.
Paano nangyari ‘yon? I want to know everything! I want to know what happened! Kelan lang ‘to? At paano nangyari ito? Matagal na ba ito? Bakit hindi na siya Montefalco? Bakit niya tinalikuran ang apelyido namin? Tinalikuran niya ba ang apelyido namin? Hindi niya dad si Tito Lorenzo? Sino ang dad niya, ‘yong daddy nina Pierre at Hendrix? Sino ang kanyang ina? Fuck! This is confusing me!
Nanghina ako. Paano nakaya ni Klare tanggapin ang lahat ng ito? Was this real? Is this true?
Pumikit ako at nakita ang chatbox kung saan may nakabukas na message galing kay Selena. Ginulo ko ang buhok ko at pabalik balik kong binuksan at sinarado ‘yong chat niya.
I am Klare’s man. I will always be. I don’t want to regret anything.
Ako kay Selena: It’s okay. I like you too.
Mabilis siyang nag reply.
Selena: Are you kidding me, Ej? Stop it. It’s not funny.
Ako: I like you, Selena. Let’s take this slow? Let’s see if we’ll click as a couple.
FUCK! I’ve done it! Nalagpasan ko na siguro ang pagiging gago ni Azrael at Josiah! Klare Montefalco or whatever her name is right now put a spell on me. I’m going to get her whatever it takes.
Kung mahal niya pa ako, kukunin ko siya pabalik. Kung hindi niya na ako mahal, gagawin ko ang lahat mahalin niya lang ulit ako.
“Hindi ko talaga mapigilan ang pag ngiti. Do you really mean it, Ej?” Tanong ni Selena pagkatapos ko siyang imbitahan sa dinner kasama si mommy at daddy.
Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya.
“Elijah.” Tawag niya habang inaayos ko ang sintas ng sapatos ko.
“Yeah.” Napatingin ako sa kanya.
Her eyes were full of yearning and adoration. I feel so guilty. She loves me. I love her but not the way I love Klare. I love her as my friend. I appreciate her presence. At hindi ko alam kung paano niya ako mapapatawad sa ginagawa kong ito.
“Of course, I mean it, Selena.” I kissed her lips.
Hinila ko siya dahil hindi na ako makapag hintay na malaman ng mga magulang ko. Dahil hindi na ako makapag hintay na makauwi.
Nag iwas ako ng tingin sa kanya at naalala ko ang halik ko kay Klare noon sa airport. It was both my heaven and my hell. Heaven because her lips took me to the skies. Hell because her words sent me to the depths.
I remembered how flustered I was while boarding the plane. I can’t forget her kiss. At hanggang ngayon, sabik parin ako don. Sabik na sabik. What it feels like to kiss her again? What it feels like if she kisses me back? How am I going to handle that?
“Elijah, I trust you’re serious with Selena?” Nagtaas ng kilay si dad habang tinitingnan ako.
Hinawakan ko ang kamay ni Selena. “Yes, dad. I’m wondering if we can build a house or something?”
“Whoa! Whoa!” Tumawa si daddy.
Nilingon ko si Selena at ngumiti siya sa akin. Guilt didn’t last. I am that driven.
“You still need to run our business, Elijah. Balik ka munang Cagayan de Oro.” Sabi ni daddy.
That was my cue!
“Well sure. I’ll be glad to run the business, dad.” Hell yeah.
Nginitian ko si Selena. Ngumiti siya sa akin pabalik.
“Shall I book you a ticket, Ej? April? Will that be fine for you?” Tanong ni daddy.
Ang tagal pero hindi ako tatanggi. I want to see Klare so badly. I want to see her in front of me! But I will surely need to pretend that I’m with Selena!
Napawi ang ngiti ni dad. Naglalaro sa isip ko kung kelan niya sasabihin sa akin na anak sa labas si Klare o kung sasabihin niya ba.
Tumikhim siya at uminom ng red wine na nasa harap namin. Ang tanging narinig ko ay ang music galing sa violinist…
“What if makita mo si Klare?”
Kumalabog ang puso ko na para bang totoong makikita ko na si Klare. Tumawa ako para mapigilan ‘yong kaba ko.
“Klare’s my cousin dad. I’ve learned from my mistakes. I’m with Selena right now.”
Nagtaas ng kilay si daddy. Tahimik si mommy pero napatingin ako sa kanya nang medyo malungkot ang kanyang mga mata. “Pano kung bigla kong marinig na nag break kayo. Nako, Ej! I don’t want to do this over again. Nandito ka because she’s not good for you. You’re not good for her. You two grew up together and that’s bad for our family. That’s a sin-“
“Dad, dad, chill. Hindi ko ‘yon magagawa. We share the same blood. That won’t happen again. That was… puppy love.” Tumawa ako.
“A strong one at that.” Singit ni mommy.
Napatingin si Dad sa kanya.
“Well, tito, may tiwala ako sa nararamdaman ni Elijah para sa akin.” Tumawa si Selena.
Nanatili ang titig ko kay Daddy. No you won’t stop me, dad.
“What if you two are not related? Would you leave Selena for Klare?” Tanong ni daddy.
Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko inasahan ‘yon pero mabilis akong sumagot para hindi niya mahalata.
“Of course not! Kahit na sabihing ampon siya ngayon. It’s been two long years dad. Two long, long years.” Sabi ko at tumikhim.
Pinanood niya pa ako lalo sa likod ng kanyang salamin. “I trust you. Don’t break my trust, Elijah. You two look good together. I’ll call Selena’s grandma and tell her Selena will come with you?”
Shit?
“Sure, dad. Sa Cagayan de Oro. Pwede ngang sa bahay na siya tumira pansamantala.” Sabi ko para mas lalo siyang makumbinsi.
“Hindi papayag ‘yong lola niya, Elijah.” Tawa ni dad. “We’ll try.”
“Try niyo po, tito.” Halakhak ni Selena.
“I’m glad you’re okay now, son. Thank you, Selena.” Sambit ni daddy.
“Walang anuman po.” Ngumiti si Selena.
Tinitigan ko ang wine sa harap ko. Namamanhid na ako. Wala na akong pakealam kung sinu sino ang masasaktan ko. Sa oras na sabihin ulit ni Klare sa akin na mahal niya ako, dire diretso na ang balik ko sa kanya. I will never give this up again. I will risk my life for this. I will risk my life for her.
“I trust you, Elijah. Sa oras na malaman ko na may nangyayaring hindi maganda, I’ll send you back here or maybe I’ll plan out your wedding.” Biro ni daddy.
“Wala, dad. Trust me.” I am going to break the trust of my own father.
Sumikip ang dibdib ko. Tinitingala ko ang dad ko noon at hanggang ngayon. Pero ano talaga ang magagawa ko kung ito talaga ang magpapalaya sa akin? Ganon parin pala talaga. Kaya kong talikuran ang pamilya ko noon para sa kanya, hanggang ngayon kayang kaya ko parin. Siya parin talaga ang una at tangi kong gusto. For this lifetime, God, I ask for her.
“Okay then we have a deal. I’ll get you your tickets. And yes, Selena’s going with you. We’ll have to talk again, Elijah. Next week siguro.” Sabi ni dad.
At sa totoo lang, wala akong pinag sisisihan sa lahat ng ginawa ko. Kahit na tinakwil ako at nasaktan kay Klare at para kay Klare, magpapatuloy parin ako.
Nanginig siya habang hinahalikan ko ang kanyang panga. She looks so cute and adorable. I can’t stop kissing every inch of her skin. God, she’s my drug, my addiction.
“Hmmm. Klare, how do you feel about this?” Bulong ko sa kanyang balat habang hinahalikan ko siya.
Kinagat niya ang kanyang labi at mas lalo pang nilahad sa akin ang kanyang leeg. Fuck!!! Mabilis na ang hininga ko at ilang mura na ang naitawag ko ng palihim sa aking utak. I am going to pee in my pants if she continues acting like this!
“Do you like how this feels?” Tanong ko habang tumitindig na ang balahibo ko.
Ano kaya ang nasa isip niya sa bawat halik ko sa kanyang leeg? Nakikiliti ko ba siya? Am I making her… shit! Nakita ko siyang pumikit at half open na ang kanyang bibig.
“Baby?” Bulong ko, nanghihina. “Do you like this?”
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]