Kabanata 17
I Hate That
“San tayo?” Tanong ni Azi habang pinaglalaruan ko ang kamay ko.
Pinapanood ko si Klare habang kinakausap niya sina Erin.
“Kina Klare daw.” Sambit ni Damon.
Tumango ako at naisip na kaming lahat pala ang pupunta doon. Pagkadating sa kanilang bahay ay tiningala ko ang christmas tree nilang kulay pula at gold ang mga ribbons at bola. Agad pumwesto sina Azi sa sofa nina Klare at nagsimulang maglaro ng Blur.
Nilingon ko si Klare at nakaaligid sa kanya sina Erin. Paano ko ba siya mapupuntahan ng kami lang dalawa? Nagustuhan niya kaya ang regalo ko?
“Eto oh.” Sabay bigay ni Azi ng joystick para makapag laro ako ng Blur.
Palabas pa lang kami ay agad na akong tumira kaya basag ang sasakyan niya sa screen. Tumawa ako at lumingon ulit kay Klare.
“Good night, boys!” Sabi ni Chanel.
“Ang K-KJ niyo naman? What’s up?” Umuupo si Rafael at sinimangutan si Chanel.
“We’re exhausted.” Wika ni Erin.
“Nag hang.” Ani Azi at agad pumunta sa harap para tingnan kung ano ang problema sa Xbox.
Nilingon ko si Klare at pinanood ko ang pag iwas niya ng tingin sa akin. What is it? Ayaw niyang mahalata kami? I know, Klare. Kaya nga dumidistansya din ako.
“Okay, bye! Good night!” Ani Chanel at agad hinila si Klare patungong kwarto niya.
Saan ako matutulog ngayon? Mukhang doon yata sina Chanel at Erin matutulog sa kanyang kwarto ah? Well, just for tonight, maybe, I’ll sleep on the guest room?
Inabala ko ang sarili ko sa paglalaro. Nagdala din ng Absolut si Josiah kaya habang naglalaro kami ay umiinom din. Panay ang tingin ko sa cellphone ko. Baka may plano si Klare? Maybe she’ll get out of her room once our girl cousins are asleep?
Nagtype ako ng text dahil hindi ako mapakali.
Ako:
Merry Christmas, Klare.
Limang minuto ay hindi siya nag reply. Nagkakatuwaan kaya sila?
Ako
I miss you.
Nahuhulog na ang mga mata ko pagkatapos ng isang oras ng pag inom. Panay na ang tawanan namin dahil sa mga walang katuturang bagay.
“I have a Red Room of Pain, girls! Come with me!” Sabi ni Azi dahil sa frustration niya sa mga babaeng ayaw masaktan pero mahal ang isang sadistang lalaki.
Hindi ko alam kung saan niya napulot iyon but I think it’s a popular book. Alam din kasi iyon ni Rafael.
“That was my gift for Klare on her eighteenth birthday. They said it’s a good read pero ‘yon nga lang, not suitable for young readers.” Kumindat si Rafael at uminom ng shot.
Gumapang ang init ng katawan ko sa aking pisngi. Whatever that book is, I don’t think it’s suitable for Klare.
“Tingin mo nabasa niya na?” Tanong ko nang di na napigilan ang sarili. “What’s that book all about? Sex?”
“Dirty, hard sex.” Tumango si Rafael.
Nanliit ang mga mata ko at sa puntong ito ay pakiramdam ko nakalimutan kong pinsan ko si Rafael. I just suddenly want to punch someone’s face!
“Bakit mo binigyan ng ganon si Klare?” Pasigaw kong sinabi.
“Easy, bra.” Ani Azi sabay tawa. “High blood.”
Nagulat ako sa reaksyon ko. Hindi ko maisip na babasahin iyon ni Klare.
“Elijah naman, parang di gawain. Klare is a normal girl, she’s not your caged animal. Talagang dadating siya diyan.” Iling ni Rafael.
“She’s not that kind of girl, Raf.” Mariin kong sinabi.
“Well, she’s not a saint.” Ani Damon.
Nilingon ko si Damon at kumunot na lang ang noo ko habang pinapanood siyang umiinom ng shot. Tinampal ni Rafael ang dibdib ko.
“Calm your tits. Talagang nababaliw ka pag si Klare ang pinag uusapan.” Sabi ni Rafael at tumayo.
Nagulat ako sa sinabi niya. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong kumuha siya ng tubig. Kinalma ko ang sarili ko. I need to stop overreacting. Pumikit ako ng mariin. I just can’t imagine it.
Kinuha ko ulit ang cellphone ko at mabilis na nag type.
Ako:
Tulog na kayo?
And again, there was no reply. Siguro ay pagod sila? Siguro ay tulog na siya? Tumunog ang cellphone ko at buong akala ko ay si Klare na ang nagrereply pero nagkamali ako. It’s a message from Ate Yasmin.
Ate Yasmin:
Ej, Skype or Facetime please? Merry Christmas!
Nagtype ako ng message sa Viber. Tatanggi sana ako at sasabihin kong busy ako pero narealize kong pasko ngayon at kailangan ko silang batiin nina Mommy at Daddy. Binati ko na sila kaninang umaga pero iba pa rin ‘yong ngayon.
Tumayo ako at pumunta sa kusina nina Klare. Nagpaalam ako para makapag Skype kay Ate Yas.
“Merry Christmas, Ate!” ngiti ko sa kanya.
“You’re not busy?” Tanong ni Ate sabay taas ng kilay.
“Nope. Naglalaro lang kami. Dito kami matutulog kina Klare. She’s already asleep. Hindi ako makakatulog sa kwarto niya ngayon kasi nandon sina Erin.” Medyo wala sa sarili kong sinabi.
“Are you drunk, Ej?” Medyo nawala ang ngiti ni Ate.
Hindi ko naman mapigilan ang mas lalong pag ngiti ko. “I’m not.”
“So… Uhm… Sino bang binigyan mo nong Aspial?” Nagtaas ulit siya ng kilay.
Ngumuso ako. “Pano mo nalaman na bumili ako ng Aspial?”
“Sabi ni Kuya Just. Tsaka nasa… accounts mo rin. Pinabili mo raw kay Kuya Justin?” Niyakap niyang mabuti ang kanyang jacket.
“Yeah, ate. Malamig ba dyan?” Winala ko ang mga tanong niya.
“Yup. It’s winter and we miss you here, Elijah. Do… you have a girlfriend now? Perhaps nasundan si Gwen?” Ngumiti siya.
Kinagat ko ang labi ko. I don’t wanna lie but I will need to. Masaya ako kasama si Klare ngayon at gusto kong manatili itong ganito. Ang plano ko ay unti unti naming sasabihin sa parents namin. Syempre, uunahin ko si Tito Lorenzo. Hindi siya mahigpit at mabuti siyang ama kay Klare kaya paniguradong maiintindihan din niya iyon kalaunan.
“Wala, ate.” Pagkasabi ko non ay tumikhim siya.
“Then good. May irereto ako sa’yo, Ej-” Pinutol ko siya.
“I’m not interested, Ate. I’m fine.” Sabi ko. “Don’t worry, I’m not gay.” Tumawa ako.
“Loko! Pero totoo. It’s just… this girl is nice, hot, pretty, and I think bagay kayo. Next month, baka bilhan ka ng tix ni mommy at daddy patungo dito. They are not happy kasi di ka dito nag Christmas. Dito ka na lang daw mag aral para tuwing pasko ay-“
“Ate, mahal ang ticket lalo na pag Christmas lang naman ang ipupunta ko. And I’m fine here in the Philippines. Second year na ako and just another two or three years, gagraduate na. Chill.” Ngiti ko.
Nawala na ang ngiti sa kanyang mukha. “Well at least entertain my friend for me. ‘Yong irereto ko…”
Huminga ako ng malalim. Palagi niya itong sinasabi sa akin nitong mga nakaraang araw. “I need to go, Ate. Tinatawag na ako nina Azi.” Sabi ko. “Merry Christmas.” At binaba ang tawag niya.
I felt bad. Paskong pasko ay ganon ang inasal ko. Ate would understand. Ganon naman talaga ako. Tsaka ayoko ng pinapangunahan ako sa mga gusto ko. I love my sister but I can’t tell her all my secrets. Bumalik ako sa sala at nagtatawanan na silang lahat dahil sa laro.
Halos matigilan ako nang nakita kong may message pala si Klare sa akin. Papaupo, tinitigan ko ang mga salitang siya mismo ang nagtype.
Klare:
Merry Christmas, Elijah! Matulog na tayo. I’m exhausted. Thanks for your gift. I hope you liked mine.
Of course I like your gift. Binigyan niya ako ng itim na jacket tulad nong jacket na meron siya. Mahilig siya sa ganon kaya madalas ko siyang bigyan din ng ganon. But I’ll be happier of we were together tonight. Damn!
Pinagpatuloy namin ang inuman hanggang sa makatulog na sa gabing iyon. Kinaumagahan ay tinanghali kami ng gising. Nasa sofa ako nina Klare at naghihintay na magising siya. Hindi parin siya lumalabas ng kwarto. Pabalik balik kong tiningnan ang kanyang kwarto, baka sakaling bigla siyang sumulpot.
Nagbiruan na lang kami ni Azi habang kumakain. Nakita kong lumabas si Claudette sa kwarto ni Klare at sumunod naman agad siya. There goes my Klare… Hindi ko mapigilan ang kaba. Medyo namamaga pa ang mga mata niya siguro dahil sa pag ooversleep. Hmmm. I want to sleep with her. Hindi ko mapigilan ang pagngiti. Nahagip niya ang titig ko kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.
Damn it, baby. You look so hot in the morning!
Ngumiti siya sa akin at nag iwas agad ng tingin. Hindi kami nag usap. She’s unusually silent today and I wonder why. Maybe she’s still exhausted? Hindi ko alam pero hahayaan ko muna siya.
“Bye, Klare. See you sa party?” Sabi ko at nagtaas ng kilay sa kanya.
Nag iwas siya ng tingin. “Yeah, see you.” The way she turned her back at me felt weird. Something is off, I’m sure of that.
Hinawakan ko ang earring ko habang nag iisip at pinipindot ang car alarm.
“Elijah, maaga ako mamaya.” Sabi ni Azi.
Tumango ako at sumalampak sa driver’s seat. There’s something wrong with Klare. Kinuha ko ang cellphone ko at nag text na kaagad.
Ako:
I really, really miss you baby. Hope I can spend time with you soon.
Tinitigan ko ang text ko kay Klare. Hindi ako makapaniwala na nababaliw na talaga ako. Naghihintay ako sa wala. Panay ang pabalik balik ng tingin ko sa screen para lang i check kung may text ba siya o wala habang nag dadrive ako.
“Fuck!” Sigaw ko nang bigla akong nagpaharurot kahit naabutan ako ng red light.
Kinuha ko ulit ang cellphone ko habang nasa traffic.
Ako:
Baby, I’m not being clingy, but I miss your texts :'(
Hinawakan ko ang labi ko at tinitigan ulit ang huli kong text. Klare, please reply. At least let me read your thoughts.
Sa byahe pauwi ay inisip ko kung ano ang nagawa ko? Binigyan ko siya ng hairclip na galing sa Aspial. Anong meron don? Nag freak out ba siya dahil sa gift kong iyon? That’s not even a ring, why would she freak out? Dahil ba sa price? May ginawa ba akong mali? Wala naman akong maalalang tinext na babae?
Tiningnan ko ang inbox ko at halos wala akong nirereplyan kundi siya. I’ll check my Facebook. Where did I effing go wrong?
Ako:
Baby are we cool?
Nilog out ko na ang Facebook ko. Walang meron doon. Kailangan ko na bang ibigay sa kanya ang password ko? Nagdududa ba siya? Fuck it! What’s wrong? Kinakabahan tuloy ako.
Klare:
Sorry, Elijah. I’m busy. Naghahanda lang para sa party.
She replied! Oh she’s just busy. Yeah, she’s just busy. I need to calm down. Mabilis na akong pumasok sa shower para mawala na ‘yon sa utak ko. I got it bad, baby. I’m sorry. If I was your target, then you hit me, bull’s eye.
Now I’m suddenly concerned about the shirts I’ll wear for this night’s party. Lagi siyang nag iiwas ng tingin. I need to do something para dumikit ang titig niya sa akin.
Dumating na ang mga kaibigan namin at iilang mga pinsan. Nag enjoy na lang muna ako habang nag hihintay kay Klare. Nang dumating siya ay hindi ko ulit siya malapitan. Masyado siyang nakadikit sa mga pinsan namin.
Dahil sa bahay ginanap ay naging abala ako. Welcome guests and check if everything is alright. Nagkaroon pa ng mga laro dahil kina Chanel at isang kalabit na lang ay masasabi ko nang may dalaw si Klare ngayon. She’s unusually cold and not in the mood.
Nakita ko kung paano siya nag iwas ng tingin nong kami ni Hannah ang nag partner sa laro. Magseselos ‘to! Ayokong mangyari ‘yon. Ipapatalo ko na ‘tong laro namin ni Hannah. Mamaya pag hindi na masyadong halata na sinadya ko.
Mabilis akong tumungtong sa newspaper. Imbes na makatayo ng maayos ay pinulupot ni Hannah ang kanyang kamay sa aking leeg kaya napahawak ako sa kanyang baywang. Nilingon ko kaagad si Klare. Nawalan yata ako ng dugo sa mukha dahil sa panlalamig nito. Nakita kong nag walk out siya kaya mabilis ko siyang sinundan. I left the game! Tinawag ako ni Chanel pero binalewala ko iyon.
Not now, baby Klare, please? Ayokong mag away tayo. Hindi ngayon, hindi rin pwedeng bukas.
“Klare?” Kinatok ko ang pintuan ng bathroom namin.
“Yup? Elijah, bumalik ka na don. I’m peeing.” Aniya sa normal na boses.
No. You’re lying, baby. I know you. Hinilig ko ang noo ko sa pintuan at pumikit ako. Nanikip ang dibdib ko. Ang katotohanang sinusubukan niyang maging maayos ang pakikitungo sa akin ay mas lalong nakakakaba.
“Klare, baby, are we okay?” Hindi ko mapigilan ang pagkabasag ng boses ko.
Hindi siya nagsalita ng ilang sandali. “What are you talking about? Of course we are okay!”
“Then please, open the door, Klare. I want to see you.” KInalabog ko ang pintuan ng CR. I need her to damn open the door because I can’t do this. I can’t pretend that I’m fine when I’m not. Hindi na ako sanay na ganito siya sa akin. Dahil kahit anong gawin ko, nararamdaman kong may mali talaga.
“Umiihi ako.” Nanginig ang boses niya.
“I’m waiting.” Sabi ko at patuloy na pumikit at sinasandal ang ulo sa pintuan. I’m damn smitten and I don’t care if you think I’m crazy, Klare.
“God, Elijah! Please?” Humikbi siya.
Nanlaki ang mga mata ko at tiningnan ko ang kabuuan ng pintuan. I can open this alone. I’m pretty sure of that. What the hell is happening, Klare?
“Klare…” Pumikit ako para kumalma. “Naririnig ko ang mga hikbi mo. Open the goddamn door or I’ll push this!” banta ko.
“Elijah…” Humikbi ulit siya. “Give me a minute, please.”
Kinalma ko ang sarili ko. Isang kalabit na lang at wala na akong pakealam, sisirain ko talaga itong pintuan!
“Don’t open the door! Masasaktan mo ako. Humihilig ako sa pintuan ngayon.” Sabi niya.
Fuck.
“Okay, baby.” Sabi ko pero iniisip na na kumuha ng keys.
“Elijah? Anong nangyari?” Tanong ni Claudette. Nakita ko si Rafael at Azi sa likod niya at wala akong pakealam.
“Uuwi na si Klare, diba? Ihahatid ko na?” Ani Rafael, nakasimangot sa akin.
“What? No! Just… please can you leave us?” Ani Elijah.
I don’t care anymore. Screw everything. Malaman nila. Malaman nila na baliw ako kay Klare. Bahala sila kung tanggapin nila iyon basta ang mahalaga sa akin ay maayos kami ni Klare.
“Elijah, tara na nga. Nag hihintay na si Hannah sa’yo don.” Sabi ni Azi sabay tawa.
“Azi, will you just fuck off?” Sigaw ko.
“Huh? Anong meron? World War 4? 5? 6? 7? 8? Whatever?”
Umalis din sila nang sinabi ni Claudette. Nag pasalamat ako dahil talagang masusuntok ko na ng tuluyan si Azrael pag di siya tumahimik. Ayokong magkagulo. I just want to talk to Klare and feel good. Is that too much to ask?
“Klare? Are you jealous? May nagawa ba akong mali ngayong gabi? ‘Nong nakaraan? Did I hurt you?” Sabi ko sa pintuan.
“Elijah, sinong nasa labas?” Tanong niya sa loob.
“I’m alone. C-Can I open the door?” Tanong ko habang pinipihit ang door handle. Parang may liwanag sa isipan ko. Please let me open the door, Klare.
“NO! Stay there. Gusto ko lang na marinig mo lahat ang sasabihin ko. Elijah, we need to stop.”
Narinig ko iyon pero hindi ko kayang tanggapin. I’m sure she didn’t mean it. She was so crazy in love with me, she can’t just walk the fuck away!
“Come again, baby? I heard you wrong.” Malambing kong sinabi.
“DAMMIT, ELIJAH! I said I want us to stop!”
Umiyak siya sa loob. Naramdaman ko rin ang mga luha sa mga mata ko. I can’t do this.
“Di kita maintindihan, Klare.” Sabi ko. “Klare, open the door.” Kinalabog ko ng malakas ang pintuan. “Baby, you are just jealous. Take that back-” I completely lost it. Lahat ng pagpipigil at pagkakalma ko sa aking sarili ay nabitiwan ko na.
“No! I’m not! Hell, I’m not! This is my decision! Itigil na natin ito. Please, itigil na natin ito. Silang lahat, masasaktan natin! This is wrong from the very beginning! Mali na tinolerate ko ang damdamin mo! I’m sorry!”
“Klare, it doesn’t matter-” Frustrated kong sinabi.
“It doesn’t matter to you! But it matters to me! Stop being selfish! Let’s face the effing truth! Mag pinsan tayong dalawa! Bawal magmaghalan ang mag pinsan ng ganito! This is all forbidden! I can’t… I can’t fight for you! I can’t fight for us!”
“Dammit!” Sigaw ko at tinulak ko ang pintuan.
FUCK IT! YOU CAN’T FIGHT FOR ME? We’ll I can fight for the both of us! I just want you to love me back! That is all I ask! LET ME FIGHT FOR US! Let me do this! As long as you’re with me, I can do anything, Klare. Naman! Klare! Kayang kaya ko kaya wag na wag kang susuko! Hindi mo alam kung anong makakaya ko para sayo kaya wala kang karapatan na sumuko! Mahal na mahal kita! At hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pag sumuko ka sakin!
Nabuksan ko ang pintuan. Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang basang basa ang pisngi ni Klare sa luha. Parang binabaliktad ang sikmura ko sa sobrang kaba at takot.
“We can’t be seen or heard, Elijah!” Tatakas sana siya pero hinarangan ko. Tinulak ko siya pabalik sa loob at sinarado ko ang pinto.
“Klare, ano ‘yang sinasabi mo? Why give up now? We can fight together-” I can fight alone as long as you’re beside me!
“Elijah! We can’t! Yes! Oo! Inaamin ko, we can fight, but we can’t fight forever! At mas lalong hindi ko kayang labanan natin ang ating mga pamilya! For heaven’s sake they are all we have!”
I’m fine when I have you, Klare. Oo! Mahal ko ang pamilya natin at hindi ako naniniwala na tatalikuran nila tayo just because of this crazy thing. I still refuse to call it a mistake! What mistake can make me feel so happy and alive? Hindi ito pagkakamali!
At kung itatakwil man kami ng pamilya namin, kaya kong mag sakripisyo. Damn, I’ll get a job! I’ll give up all my gold cards and get a job. Bubuhayin ko siya, not in abundance but with much love. All the love I can give her. I can imagine it. I can imagine Klare living a simple life with me. I don’t mind. I don’t need the cars and the riches my family can give. I only need her. Kung mahal ako ng pamilya ko, they will accept that. Pero kung hindi nila ‘yon matatanggap ay hindi rin ako manunumbat. This is a scandal. Yes. And it will break their hearts. But I need them to know how much I’m willing to risk just to make us happen. Hindi ako natatakot.
“Klare, let’s tell them now. Sina mommy at daddy? Kung hindi nila tayo maiintindihan at itatakwil nila tayo, then we’ll face the consequences!”
“Can you hear yourself, Elijah? What do you think are the consequences? Naisip mo na ba ang mga iyon?” Sigaw niya sa akin.
My heart sank. I’m willing to risk everything but she’s not willing to do the same.
“Klare, oo! Tingin mo ba bago ko tinanggap na mahal kita, hindi ko naisip iyon? I’ve been thinking about everything from the very beginning! I’m not dumb or shallow, Klare! Hindi ko ipaparamdam sa’yo na mahal kita kung hindi ko iyon naisip! Pero sigurado ako! I am this sure! So what the hell is your problem with me now? What’s not enough? Am I not enough?” Nanghina ang boses ko sa huling mga tanong ko.
Pinunasan niya ang kanyang luha. Humakbang ako palapit sa kanya at hinawakan ko ang kanyang mga siko kahit na agad niya namang hinahawi ang mga kamay ko.
“Baby, what’s wrong? Am I not enough?” Bulong ko.
Tinulak niya ako at agad akong napaatras.
“No. It’s not enough.” Diretso ang tingin niya sa akin.
Nalaglag ang panga ko. Nanghina ako at hindi ako makapaniwala na galing iyong masasakit na salitang iyon sa labing sinasamba ko.
“I want you gone, Elijah.” She said firmly.
Hindi ko alam kung ilang beses pa nabasag ang basag ko ng puso. This is cruel, baby. You are damn cruel.
For the love that I can’t afford to lose but still lost it anyway, for the girl who made my heart race but broke it into more pieces possible, for the family I loved, and for the boy I was before I went away… this is for you.
“Cheers!” Tumatawa ako habang nasa bahay ni Kuya Justin. Malamig at sobrang ingay namin dito. Iba-ibang camera ang nag ci-click sa bawat segundong lumipas.
This is my second Christmas in the U.S, simula nang umalis ako ng Pilipinas. Kumindat si Selena sa akin bago uminom sa kanyang shot glass.
“I can down 20 shots of tequila, Ej. Are you sure you want to do this still?” Aniya.
“Sure! 40 bucks per shot.” Kumindat ako pabalik at napatingin sa Christmas Tree na kulay Gold at Red. May naaalala ako pero pinilig ko ang ulo ko.
And to the memories that still linger inside my head… and my heart… Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sayo. Itatapon ba kita o hahayaan diyan sa loob?
Ngumiti ako. Hindi ako ang mag dedesisyon niyan. Dalawang taon ko na ‘tong tinatapon, pero buhay na buhay parin.
Lucky, Klare. She wanted me gone, and I made her wish come true. I want her gone now, but she couldn’t do the same. Hindi ko siya maalis sa sistema ko. I hate that. I hate that cousin.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]