Until Forever – Kabanata 16

Kabanata 16

All For You

She’s going to lie to me. I know she’s going to lie to me about this. Kahit anong gawin niyang tago sa akin sa pagseselos niya or whatever is whipping her ass out, I’m sure she likes me back.

“What are you going to do if I don’t stop?”

She asked me to stop but she looks really, really regretful. Nilagay ko ang kamay ko sa dingding na hinihiligan niya. Hanggang baywang ko ang tubig sa lagoon na ito. She closed her eyes and I can see her chest rising and falling cuz of her intense breathing. Oh God. No hot or cold spring can ever calm me down right now. I need to see her reaction.

“I will stop y-you, Elijah.” She stuttered.

“What’s with the stuttering words? What’s with the trembling lips? And why are you shaking so badly?” Bulong ko.

Huminga siya ng malalim at agad na akong itinulak para makawala sa pagkulong ko sa kanya doon. Nilingon niya ako at tinapunan ako ng matalim na tingin. Tumikhim ako. I told you so, Elijah. She’s not going to give this all up just because you’re pursuing her.

She gave me mixed signals. It’s frustrating. Nong pumayag siyang mag lunch kaming dalawa sa Lim Ketkai ay itinuring ko iyong “go” signal. I guess I need to stop pressuring her. Let’s take it slow this time, Ej. Basted o sasagutin man, I still like her. I’m drawn. I guess this is more than just a crush. If this isn’t love then I don’t know what it is…

“Thank you, Elijah! I knew it! Kaya mong kunin ‘yon! Ang galing mo! Sa dami ng nanligaw sakin at pinapakuha ko ‘yon? Ikaw lang talaga ang nakakuha! Thank you so much!” Sabay yakap ni Cherry sa akin pagkatapos kong nakuha ‘yong stuffed toy na gusto niya sa Worlds of Fun.

Iniisip ko kung paano ko iyon ginawa. Anong technique ba iyon para naman makunan ko ng gustong stuffed toy ni Klare. I’m already annoyed because Cherry’s here. Dapat ay kami lang ni Klare.

“So… I’ll try the white ones for Klare.” Sabi ko sabay kuha ng token para ilagay na don sa stupid stuffed toy machine. Sarap bilhin na lang ang buong ganito para ibigay kay Klare. I can afford a bigger stuffed toy but I don’t want to fail her. I know she’s upset now. I’m kinda excited when she’s jealous but I’d shit bricks if I see her hurting.

“Huwag na.” Malamig niyang sinabi at tumayo.

“I will try, Klare.” Sabi ko.

“I want to go now.” Ulit ni Klare.

“Bakit, Klare? You okay? Masakit ba ang tiyan mo?” tanong ni Cherry.

“Nope. I just want to go.” Ani Klare sabay tingin sa akin. I know that expression so well.

“No, I will give you the teddy bear.” Sabi ko sabay hulog ng token sa machine.

“If you wanna stay, Elijah. Then stay. Uuwi ako.” Ani Klare at biglang nag martsa palabas ng Worlds of Fun.

Oh damn it!

She’s mad! Wala naman kaming ginawang masama ni Cherry. Nag wala ako nong nalaman kong hinalikan siya ni Eion. That was her first kiss pero hindi ko ipinakita sa kanyo iyon. I was seriously jealous back then pero alam kong wala akong karapatan. Ngayon galit siya kahit na walang ganon na nangyari sa amin? Oh great! Just great, Klare!

“Klare!” Sigaw ko at agad na umambang susunod sa kanya ngunit hinawakan ni Cherry ang braso ko.

“Elijah, baka masama ang pakiramdam niya.” Ani Cherry.

“Yeah that’s why I have to go. I’ll take care of her.” Sabi ko at mabilis na tinakbo ang distansya sa amin ni Klare.

Mabilis ang lakad niya na para bang natatakot siya sa akin. Panay ang tawag ko sa kanya at nagmumukha na akong tanga sa mga tao. I cursed so many times. Nang malapit na siya sa gate ng Lim Ketkai ay hindi ko na napigilan ang pagdiin ng mga daliri ko sa kanyang braso.

You are not going anywhere without me. We are not going to part when you’re upset. Nang hinarap niya ako ay tuliro ang kanyang mga mata. Kitang kita ko ang mga luha sa kanyang mga mata. My heart raced like mad again. I’m not going to lie but thinking about how jealous she is sent shivers down my freaking spine. I’m not going to get over this. I’m not going to move on. Pumiglas siya at agad naglakad ulit patungo sa gate.

“Klare! If you want to go, then we will go. Just don’t get mad at me.” Sabi ko at sinundan ulit siya. “Wrong way, baby. Nandito ang sasakyan ko sa kabilang pinto.”

Kinaladkad ko siya patungo sa gate kung saan malapit naka park ang sasakyan ko. Panay ang biglas niya sa pagkakahawak ko sa kanyang pulso. Hurt me all you want. I’ll take it all but I won’t ever let go.

“Where do you wanna go now?” Sabi ko at nilingon ko siya.

Nakita kong basang basa ang kanyang pisngi. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. She’s crying. I made her cry! Lumunok ako. Lahat ng iniisip ko kanina tungkol sa kanila ni Eion ay nawala. Kahit na wala kaming ginagawang masama ni Cherry kanina ay pakiramdam ko sobrang mali ko na. Pakiramdam ko napakasamang tao ko na. Because I made the woman I’m in love with cry.

“I want to go.” Nanginginig siya nang sinabi niya ito.

“Yes. We will go. I’m sorry.” Anything for you, my baby. Anything. I could even die for you if you want to.

Mariin akong pumikit at niyakap ko siya ng mahigpit. Sana ay maramdaman niya lahat ng nararamdaman ko sa pamamagitan ng yakap ko. Gusto ko pa sana siyang yakapin ng mas mahigpit pero natatakot akong masaktan ko siya. It’s frustrating. I don’t wanna hold back but I need to. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang gagawin ko. I kissed her forehead. And baby, I think that’s the most assuring thing in the world.

Kinalas ko ang yakap ko. I need to stop myself. I need to hold back. Hinigit ko siya patungo sa aking sasakyan.

“I don’t like you with other girls.” Bulong niya.

Nilingon ko kaagad siya. Nanlaki ang mga mata ko at halos natatawa ako. I can’t believe it. “I don’t like you with other boys, either.”

This is it. Ito lang ‘yong hinintay ko talaga. Sa oras na malaman kong gusto niya ako, wala na akong pakealam. I’m all in. I’m down with you, Klare. I’m not giving this up anymore.

Hindi ko matanggal ang ngiti ko. Pinapanood ko siya habang naghahanda sa inuman dito mamaya sa rooftop niya. Natutuwa ako tuwing nakikita kong limitado ang galaw niya na para bang nako conscious siya kasi pinapanood ko.

Humalukipkip siya at tiningnan niya ako. “Don’t flirt with me, Elijah.” Kaming dalawa lang dito sa kanilang rooftop dahil bumaba si manang, kaya ang lakas ng loob niyang magsalita.

Don’t flirt with you, Klare? Why i can’t help it! Especially when you’re flirting back!

Humalakhak ako. Pinapanood ko siyang nagpupunas ng mga upuan. Tumutulo ang pawis niya. I wanna help but I can’t stop watching her. Humakbang ako palapit sa kanya. Just one more, Klare. I wanna wipe your sweat off.

Inirapan niya ako. Arte talaga nito. “Why don’t you help instead of just watching me?”

Nilaro ko ang labi ko habang pinapanood ko siya. She’s flirting back. The way she raised her eyebrows, I know she is. Nag tataray pa. Maybe that’s what it is! Simula pa lang ay mataray na siya sa akin. My heart raced once again. Hindi ko kayang isipin na simula pa noon ay may gusto siya. I’m sure that’s too much to ask. This love is one sided when it started. I need to keep my shit together.

“I am trying to help. Pero ayaw mo.” Tumawa ako.

“No, thanks.”

I really like it when we’re together. Sana lang ay pwedeng ganito palagi. Nang dumating sina Azi at iba pa naming pinsan, ang kaya ko na lang gawin ay ang titigan si Klare sa malayo.

“Elijah, stick with Hannah. Klare’s with Eion.” Bulong ni Chanel sa akin pagkatapos

I don’t wanna look pissed but I can’t help it.

“Asus, galit ka pa? I heard ‘yong huling dinate mo bago ka nawalan ng gana sa dating ay si Hannah?” my jaw dropped.

Bakit niya nasabing wala akong gana sa dating? Was I too obvious that I’m too busy with someone else? Nilingon ko si Klare. Sa totoo lang, wala akong pakealam kung malaman man nila na may gusto ako kay Klare. But I don’t wanna push my luck. It’s a miracle she likes me back. I need her to love me the way I’m crazy for her.

“Kumain ka na?” Biglaang tanong ni Hannah sa akin.

Nilingon ko siya. Pumula agad ang kanyang pisngi. “Uhm, di pa. Ikaw?” Tanong ko at umupo na sa malapit na upuan. Kinuha ko ang cellphone ko at nag iisip ng itetext kay Klare pero. Hindi na ako makabalik sa upuan ko kanina dahil nandon na si Eion sa tabi niya.

“Hindi rin. Gutom na gutom ako. Di ako nakapag lunch.”

Nilingon ko ulit si Hannah. Nakatingin siya sa pinggan sa harapan.

“Ba’t di ka nag lunch?” Tanong ko.

“Nakalimutan ko.” She smiled.

“Ako, imposibleng makalimutan. Gugutumin ako pag di ako nag la-lunch.” Halakhak ko.

Ngumiti ulit siya. “Hindi rin kasi ako nagutom kanina. Ngayon lang.”

Tumango ako at nagbalik sa pag iisip ng magandang itext kay Klare. Nilingon ko siya at nakita kong nag uusap sila ni Eion habang kumukuha ng pagkain.

Umubo ako para mapigilan ang sarili kong manood sa kanila. Calm the fuck down, you own her for sure.

“Kain na, Hannah.” Sabi ko sabay bigay ng pinggan sa kanya.

Nakita ko ang panginginig ng kamay niya habang binibigyan ko siya ng pinggan. Nahulog pa ang kanyang cellphone sa sobrang panginginig. Pumula din ang pisngi niya. Kumunot ang noo ko at pinulot ang kanyang cellphone.

“I-I’m sorry.” Aniya sabay ngiti at pula ulit ng pisngi.

“Anong ulam ang gusto mo?” Tanong ko habang pinapanood ko si Klare na nakikipag usap ulit kay Eion. Come on, Klare, kala ko ba tayo? Tingin ka naman dito!

“Bra…” siniko ako ni Azi. Nilingon ko siya at nakita kong kumukuha na ng pagkain si Hannah ngunit sinusulyapan ako. “Grab this chance. She’s madly smitten. Nakita ko ‘yong pagkagulat niya dahil sa mga ginagawa mo.”

“What the are you talking about?” Bulong ko pabalik.

“Hannah.” Bulong niya at agad na kumuha na rin ng pagkain.

Kumain kami at nag inuman. Azi was so annoying. Imbes na mag tatype na ako ng itetext ko kay Klare ay nandyan naman siya sa likod ko at nagpapatulong sa sariling problema niya.

“Gusto ko talaga ‘yong kakinisan ni Cherry, Elijah. Alam mo ‘yon?” Aniya.

“Tapos? I know she’s hot but not my type.” Sabi ko tinutukoy ‘yong maputi, makinis, may maiksing buhok na babaeng pinagselosan lang naman ni Klare.

“Ang nipis ng katawan niya tapos malaki ang ngiti niya lagi. Those dimples, man!” aniya sabay tapik sa dibdib ko.

“Pormahan mo na kung gusto mo.” I know him. Ganito siya pag may gusto siyang pormahan. Pinagpapantasyahan niya muna ng husto.

“Kaya lang ay mukhang type ka niya.” Aniya.

“The hell I care with her.” Sabay tingin ko sa paligid. Pinapanood ko ang mga galaw ni Klare. ‘Yong pag hawi niya sa kanyang buhok. Sinilip ko pa sa ilalim ng mesa kung suot niya ba ‘yong infinity anklet na binigay ko. Suot niya.

Sumilip din si Azi sa ilalim ng mesa. “Dude, what the hell?” Aniya.

“What the hell?” Inosente kong sinabi.

“Anong sinisilip mo dyan?” Nanliit ang mga mata niya. “Hannah’s legs, I bet.”

Nilingon kami ni Hannah. Siguro ay narinig ‘yong pangalan niya.

“Wala, Hannah. We’re not talking about you.” Ani Azi kahit na obvious. Fuck, I hate how he’s too transparent sometimes.

“Hindi ko kailangang magnakaw ng tingin kung gusto kong makita ‘yong legs ng kahit sino, Azi.” I pointed that one out. He needs to stop talking about Hannah’s legs. Ayokong marinig ‘yon ni Klare.

“Yeah damn right. Yabang mo, Elijah! Porket gusto ka ni Cherry ay ganyan ka na!” Aniya.

“Sinong may sabi sayong gusto ako ni Cherry?” Nilingon ko siya.

“Asus! Gossips. Alam mo naman, marami akong kaibigang babae. Anyway…” Dumami pa ang pinag usapan namin ng lintik na Azi. Hindi ako makapag text kay Klare dahil baka manood siya habang nagtatype ako.

Pagkatapos ng ilang sandali ng pag iinuman at kainan ay nakahanap ulit ng mapag lilibangan si Azi sa akin.

“Uy, Elijah. Dude, can’t you see? She’s cold.” Saway ni Azi sa akin sabay tinuro si Hannah. “Give your jacket to her! Can’t believe you! Akala ko gentleman ka!” Saway ni Azi.

Tumawa ako. Pinapanood ako ng mga kaibigan namin. “I didn’t know!”

Nilingon ko si Hannah at yakap yakap niya ang kanyang sarili. Kanina ko pa siya nakikita pero ngayon ko lang na realize na medyo maiksi nga pala ang damit niya. Nahagip ng tingin ko ang kanyang cleavage habang binibigay ko sa kanya ang hinubad kong jacket. Agad kong nilingon si Klare. She’s watching me! Dammit! Tiningnan ko ang dibdib niya at si Eion naman ngayon. Thank God walang cleavage. I don’t like him looking at my belongings. Fuck it.

Nag inuman pa kami. Dinadaya ko na si Azi sa mga shot dahil medyo inaantok na ako sa Jack Daniels. Ayokong malasing.

“Sa’yo ‘to.” Sabi ko sabay bigay sa kanya ng shot na dapat ay sakin.

Nilagok niya naman agad. “Cellphone please? I want to dial Hannah’s number here. Baka naman nag titext text kayo nang di ko alam?”

“Bahala ka nga!” Binigay ko kaagad sa kanya.

Halos bawiin ko to nang narealize na baka mabasa niya ang mga texts namin ni Klare ngunit binalewala niya iyong pangalan ni Klare. Of course, she’s family. Hinding hindi niya ‘yon pagdududahan.

Nakita kong binigyan ni Josiah si Hannah ng whiskey, pangalawang beses na ‘to.

“Joss, cut it.” Sabi ko sabay turo sa whiskey ni Hannah.

Nilingon ako ni Hannah. She’s very very red. Mapupungay na rin ang kanyang mga mata. “I got this, Elijah.”

“Why don’t you drink her part, Elijah?” Tanong ni Josiah. It’s like he’s testing me or something. Nilingon ko ang mesa at may nakita akong isa pang shot. Kanina ko pa pinapanood ang pag inom ni Klare ng beer. Umiinom siya ng hard drinks at medyo mataas ang tolerance niya. “Is that Klare’s shot?” Nakita kong nag uusap si Klare at Erin.

“Yup.” Sagot ni Rafael.

“‘Yon na lang iinumin ko.” Sabi ko sabay kuha nito.

Ininom rin ni Hannah ang kanyang shot. I think she’s done for tonight. Bumaling ako kay Azrael at agad niyang binigay sa akin ang aking cellphone.

Napatingin ako sa cellphone kong may 11 seconds ng nakatawag sa numero ni Cherry! “WHAT THE FUCK?” Napasigaw ako sa irita.

Humagalpak lang ng tawa si Azi at pinatay ko kaagad iyong tawag.

“Congrats sa pagmumura!” Tumawa rin si Damon.

Mga walang hiya. Naging abala tuloy ako sa pagtext kay Cherry ng apology. Damn, Azrael. Ang tanga ko, ba’t di ko kinuha agad ang cellphone ko. He’s drunk. Umiidlip na ang mga mata niya kahit na nakangiti siya sa kinauupuan niya.

Nagdesisyon silang umalis na at matulog. Halos madaling araw na rin kasi. Pinilit pa ako nina Erin na ihatid si Hannah, Liza, at Julia. I know they’re doing this for me and Hannah. Gusto kong tumanggi pero walang ni isang willing na mag hatid sa kanila. Josiah is a jerk, Azi’s a mess… Wala. Wag na nating isama si Dame at Rafael na parehong walang pakealam sa kanila.

Hinihintay ko silang bumaba sa elevator. Nakahalukipkip ako sa gilid ng aking trailblazer nang nakita ko si Eion na bumubulong kay Klare. Her cheeks went from pink to red. My insides burned and it’s not because of the alcohol. Yumuko siya at mukhang guilty dahil nakita ko ‘yong pagkakakilig niya kay Eion. She’s obviously still confused! I’m obviously not her only one!

“Akyat na kami. Elijah, kay Klare ka ba ulit matutulog?” Sabi ni Josiah.

“Yeah.” Sagot ko at pinatunog ko kaagad ang sasakyan ko.

“Ay, hindi, hindi ‘yan dito matutulog, Josiah. Baka di na ‘yan umuwi dito dahil maaakit na ‘yan kay Hannah.” Sabi ni Chanel.

Ma aakit? Might want to ask your cousin why I’m crazy about her. Baka makatulong pa para ‘yong magiging advice niya para makuha ng iba ‘yong atensyon ko. Hanggang katawan lang ang attraction ko sa ibang babae… and believe me, it doesn’t last. Pumasok ako sa loob kahit na nag bibiruan pa sila sa labas.

Pinasadahan ko ng tingin ang katawan ni Klare. Nothing much. No rack… at all. Ngumiti ako. Siguro meron. She’s just wearing a t shirt pero nahahigh blood naman ako pag may makita akong konti sa kanya. Lalo na pag maraming tao. Her legs are firm, I’ve seen it live. Iniisip ko tuloy paano kung medyo tumaba siya ng konti, magpapaalipin na lang siguro ako sa kanya. Eh ngayon nga iniisip ko kung gusto ko bang maging boyfriend niya o alipin. The hell am I thinking? Thank God for tinted car windows. Hindi masyadong obvious na pinapanood ko siya.

“Bye!” Sabi ni Erin sa labas.

Nasa front seat si Hannah. Si Julia at Liza naman ay nasa likod, tahimik. Tiningnan ko si Liza sa rearview mirror at nakita kong tulog na siya.

“Saan ba bahay nina Liza?” Tanong ko habang pinapanood ang mga mata ni Klare na nakatingin sa aking sasakyan.

Wait for me. I’ll be right back, baby.

“Si Liza taga Capistrano Complex. Si Julia taga Tagoloan. Tapos ako naman sa Santa Barbara.” Ani Hannah sa isang malambing na tono.

“So… si Julia yata ‘yong huli kong-“

“I don’t wanna be the last, Elijah. Si Hannah na ang huli mong ihatid!” Sabi ni Julia kahit na ‘yong bahay nila ang pinaka malayo. If I’m not mistaken, Tagaloan is 25 kilometers away from Cagayan de Oro. Agad kong pinindot ang GPS ko kahit alam ko kung paano patungo doon. Gusto ko lang malaman kung gaano ako kabilis dapat mag drive para maabutan lang si Klare na dilat pa. I don’t want to wake her up when she’s asleep but I missed her tonight. I want to talk to her. I want to hear her voice.

27 kilometers away ang Tagoloan, where Julia lives. Damn it!

Mabilis ang patakbo ko patungo sa Capistrano Complex. Nakakairita pa kasi tulog si Liza at hindi sigurado si Hannah kung asan ang bahay nila doon.

“I think this street, Elijah. Ang alam ko lang kulay blue ang… gate.” Malambing niyang sinabi.

Nilingon ko si Hannah at nakahilig ang kanyang ulo na para bang inaantok ngunit pinipilit na idilat ang mga mata. Ngumiti siya sa akin.

Nahulog pa ang strap ng kanyang damit. Kumunot ang noo ko at itinigil ang sasakyan sa kulay blue na gate na bahay daw ni Liza.

Tinulungan ko pa si Liza na tumayo. Sinalubong siya ng kanyang ate at tumulong si Julia na magpaliwanag kung bakit ganyan siya ngayon. Bumalik ako sa sasakyan at ganon parin ang strap ng damit ni Hannah.

Mabilis ang patakbo ko patungong Tagoloan. Pero talagang kinain nito ang oras. Kung sana ay mas una kong hinatid si Hannah tapos si Liza at huli si Julia ay mas mapapaaga ang dating ko.

“Thank you, Elijah.” Ngumiti si Julia. Alam kong may kahulugan ang kanyang ngiti. “Good luck, Sis. Take care kayo.” Sabay beso niya kay Hannah.

Her strap isn’t fixed yet. Damn it. I want her to fix it. Iniisip kong naka spaghetti strap si Klare at ganito ‘yong mangyayari sa strap, I’d pee in my pants.

“Santa Barbara.” Sabi ko para mabasag ang katahimikan naming dalawa habang nagdadrive ako pabalik ng Cagayan de Oro. “I know someone from Santa Barbara.” Sabi ko. “Kilala mo si Chua? ‘Yong player ng SBM kasama ni Rafael? Yol Chua?” Tanong ko.

“Ah! Oo, kilala ko. Classmate ko ‘yon nong grade school.” Ani Hannah.

“Ahh. Saan ka pala nag grade school?” Tanong ko.

Binanggit niya ang isang popular na eskwelang pang chinese.

“Ba’t ka lumipat sa school?” Tanong ko dahil lumipat siya sa school namin nina Klare nong high school.

“Change environment, I guess? Tsaka di naman ako chinese. At di ako nagsisisi na lumipat ako don sa school natin. Because I met you.”

What? What? Kinagat ko ang labi ko at patuloy ang pagdrive ng mabilis. Nilingon ko siya at ganon parin ang kanyang mga mata. She’s drunk. Really drunk. But she can still answer my questions. In vino veritas, it is! Dapat ay awkward na para sa kanya ‘to ngayon.

“Saan banda ba?” Sabay liko ko sa gate ng Santa Barbara.

Nilingon ko siya at nakita kong tinuro niya ‘yong isang liko.

“Fix your strap, Hannah.” Sabi ko bago niliko ulit ag sasakyan.

“Oh! Sorry.” Sabi niya na parang natauhan.

Hindi na ulit ako nagsalita. Tinigil ko lang ang sasakyan ko nang sinabi niyang bahay na nila ito. Nilingon niya ako at dahan dahang kinalas ang seat belt.

“Thank you, Elijah. This night was fun because of you.” Aniya.

Ngumuso ako. “Thank you din, Hannah. I’m glad you had fun. Good night.”

Pinatunog ko ang mga auto lock ng mga pintuan para makababa na siya. Nilingon niya ang pintuan at agad kong inabot ang door handle para pagbuksan siya galing sa loob.

“Thanks.” Aniya.

Ngumiti ako. “You’re welcome.”

Nang nakita ko siyang nasa gate na at papasok na ng bahay ay halos pinaharurot ko ang sasakyan pabalik sa mga dinaanan ko. Iniisip kong tulog na talaga si Klare ngayon. Then I would just listen to her purr all night. Ngumiti ako. Pero mas gusto ko parin ‘yong nakakausap ko siya. I want to talk to her before I fall asleep.

Papalapit na ako sa Montefalco building. Madaling araw na at imposibleng may gising pa sa kanila ngayon. Ngunit nang nakita ko si Klare na nakaupo sa gutter, tinutukod ang kanyang mukha sa kanyang tuhod ay nataranta ako. Naghintay siya sa akin? Bakit And it’s damn cold! She’s wearing a t shirt for goodness sake!

Hindi ko na naayos ang pag park. Basta’t na ipark ko iyon doon ay agad ko nang pinatay ang makina at ang lights. Itinakbo ko ang kaonting distansya sa aming dalawa. Kinalas niya ang pagkakayakap sa kanyang tuhod at nakita ko ang naiiyak niyang mukha.

Damn it! Ano ang ginawa ko para magkaganito siya?

Yinakap ko agad siya kahit na medyo iritado ako sa kanyang ginawa. “What are you doing here?” Nanginig ang boses ko.

Naramdaman ko ang lamig sa kanyang balat. Siguro ay hindi siya umakyat. Kanina pa siya dito! Isa at kalahating oras sa malamig na gabi? Really, Klare? Do you want me to kill myself? Stop pulling this stunt or I’m really going to make your body tingle in heat!

Kinagat ko ang labi ko nang narinig ko ang munting hikbi niya sa tainga ko. Gustong gusto ko siyang pagalitan. Gustong gusto ko siyang pangunahan sa bawat galaw niya. Na dapat ay naghintay siya sa akin sa kanyang kwarto para hindi siya manlamig. Pero di ko magawa. Pag umiiyak na siya, pakiramdam ko sakin lahat ang mali. Ako ang may kasalanan ng lahat.

Mahigpit ang kapit niya sa leeg ko. Para bang makakawala ako pag di siya kumapit ng mahigpit. Baby, I want you to own me like this all the damn time. Para akong lumilipad sa saya nang halos di na ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap niya. Umiinit ang katawan ko dahil sa nararamdaman kong saya. Mahal niya ako. Mahal na mahal niya ako. I’m pretty sure of that.

“Baby, you are so cold. Hush. Stop crying please. You are freaking me out.” Bulong ko habang hinahawakan ang malamig niyang pisngi.

I want to cover you with heat, baby. So, so much. Right now.

“Akala ko di ka babalik.” Nanginginig ang boses niya nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Pinunasan niya ang kanyang mga luha.

Nalalasing ako sa kanya. Lasing na lasing ako sa yakap niya. Gusto ko pa ng maraming ganon. Gusto ko ‘yong tipong mababaliw siya pag pinakawalan niya ako. Gusto ko ‘yong sabik at mahigpit na yakap galing sa kanya. I want it all the time. I want it everytime we see each other. I want it always.

Hindi ko alam kung paano niya naiisip na hindi ko siya babalikan. Paano niya nagagawang maging insecure sa pagmamahal ko sa kanya? Siguro ay dahil hindi ko pa nasasabi sa kanya. Madalas kong ginagawa ay ang pagpaparamdam. Pero dapat ay ngayon pa lang, naramdaman na niya na ako ay sa kanya lang. Kahit ano gagawin ko para sa kanya. Pag aari niya ako. Mula ulo hanggang paa. Kahit anong gusto niyang gawin sa akin ay pwede niyang gawin dahil mahal na mahal ko siya at isusuko ko ang sarili ko sa kanya.

“Kailan ko pinaramdam sayo na hindi ako babalik? I will always come back. I will always be back for you.”

I’m in love with you, Klare Montefalco. I don’t care if we break the rules, the laws, their hearts. This time, I’m giving up all my cards. I’m laying my name, risking my life on the line. I’m all on this, baby. I’m all for you.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: