Until Forever – Kabanata 15

Kabanata 15

Feelings

“Elijah, doon ka na sa guestroom.” Ani Klare pagkatapos ng party ni Kuya Justin.

Dammit, I’m so drunk. Did I hear her right? Pinapalabas niya ako sa kanyang kwarto?

“Hmmm.” I only moaned. Ibinaon ko ang mukha ko sa kanyang amoy strawberry na unan. Tulad ng kanyang buhok na amoy strawberry din.

“Elijah!” Iritado niyang sigaw.

She’s mad? Why? “Doon din matutulog si Knoxx at Justin. We won’t fit, Klare. Dito na lang ako.” I said.

Wala na siyang sinabi. Tiningnan ko siya gamit ang isang mata at nadatnan ko siyang nagtatanggal ng bracelets. She’ll sleep and I’m so drunk. Nahuhulog ang mga mata ko at tingin ko ay naidlip ako. Namulat lang ako nang kumalampag ang pintuan, she went out!?

Kinapa ko kaagad ang cellphone ko. Baka uminom ng tubig sa kitchen? Hindi siya pwedeng umalis, disoras na ng gabi! When I heard her footsteps, mabilis kong binalik ang cellphone ko at pinanood ko ang pag pasok niya. Gising na gising siya at naglagay agad ng powder sa kanyang mukha. Kumunot ang noo ko.

“San ka pupunta?” Tanong ko.

It is inevitable. The way she answered me like I’m her stupid nosy brother, I hated it, but it’s inevitable.She’s growing real fast at the moment. Mag de-debut na siya at parang inaalis na ang karatula sa noo niyang ‘No Parking’. Sooner or later, her road will be really congested. She won’t notice me anymore. Pag naipakita na siya sa mga kaibigan namin bilang grown up, dadami ang manliligaw sa kanya and it will be weird if I say she can’t like anyone. Please don’t like anyone else until I move on, Klare. Paano ‘yon? I’ve been with her for the past years and I haven’t move a single inch.

Gusto ko na lang matulog. This isn’t normal. This should not be a big deal. I’m probably just over reacting. Pero dilat na dilat ang mga mata ko.

Kaya naligo ako at nagbihis. Umupo ako sa kanyang kama at naghintay. I’m not sleeping. I won’t be able to.

Nang bumukas ang kanyang pintuan ay pinanood ko ang pagpasok niya. I saw her eyes glide over my tattoed chest. Umupo siya kaagad sa kanyang tukador.

“Naligo ka? Akala ko inaantok ka?” Tanong niya. Kinuha niya ang guitar sa tabi ng kama. That’s my guitar. But then I’m hers so that means, it could be hers too. Halos mapapikit ako. When I die, I’m prepared for hell. Incest is never good. I was never good but I’ve never been this bad either.

“Not… anymore.” Bumuntong hininga ako at umupo ng maayos sa kama. Nilagay ko sa tiyan ko ang unan at pinagmasdan ko ang kanyang repleksyon sa salamin. “Anong gagawin mo?”

Kumanta siya at wala akong nagawa kundi mahulog na lang ulit. Her voice is soothing. Nakakaantok at nakakagaan ng loob.

“Sa hindi inaasahang

Pagtatagpo ng mundo

May minsan lang na nagdugtong,

Damang dama na ang ugong nito.”

She continued. Wala akong ginawa kundi ang tumitig sa kanya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may pinaparating siya sa kanyang kanta. Kahit na sigurado akong hindi iyon para sa akin ay sapul na sapul naman ako. “Bakit di sabihin ang hindi maamin.” Damn!

Pagkatapos ay nag angat siya ng tingin sa akin. Kinagat ko ang labi ko. Sino ang binabaan niya kanina? Si Eion ba? Humikab siya kaya pinutol ko ang pag iisip ko.

“Sleep now, Klare.” Sabi ko.

Nilagay niya ang gitara sa gilid ng kama.

It was one of those nights. Iyong tipong nandito nga ako sa tabi niya pero alam kong malapit na akong umalis dahil hindi ako pwede dito palagi.

Well, I’m not dumb. She’s not interested. She likes someone else. Pero sa oras na malaman kong gusto niya ako ay hindi ko na alam. Hindi ko alam kung anu ano ang kaya kong gawin para sa aming dalawa.

I hated that I get jealous often. She likes Eion Sarmiento too much. Naiirita ako sa pagtitig niya sa pangit na Eion na ‘yon. I don’t get it, really. Girls dig annoying boys. Pinaghandaan ko pa naman ang regalo ko para sa kanya. Last Summer nong lumabas kami ng bansa ay binili ko na ang regalo niya para sa birthday niya ngayong September. Dammit, tapos di pala ako mapapansin?

“Screw it!” Sabi ko sabay sabog nong Henessy sa. Nagtawanan kami ng mga kaibigan ko at iilang mga pinsan ko sa loob ng Illest. Lasing na lasing na sina Rafael at halos di na madilat ni Damon ang kanyang mga mata.

“Poker pa, Raf!” tawa ni Azi nang nilagok ‘yong isang shot.

I left my car. Magpapakalasing na lang ako ngayon! Cheers to the broken-hearted fuckers! Iyong sasapul lang pala sakin ay ‘yong sarili kong pinsan! I deserve this karma! Right? She doesn’t even know I exist! Ni hindi niya ako makita bilang potential lover because I’m her goddamn cousin! No matter how much I train and how hot my tats are, she will never notice me!

“Hi Elijah!” Sabay ngiti ni Annabelle.

Kilala ko si Annabelle dahil nasama na siya sa isang party noon sa New York. She’s half Pinay and her mother’s from Cagayan de Oro. She’s hot and jaw-dropping. Dinungaw ko ang kanyang legs bago lumagok ng isa pang shot. Her boobs are such a tease too.

“Hello, Anna.” Ngiti ko.

“Do you mind if I sit here?” Tanong niya kahit na nakaupo na sa tabi ko.

“Nope.” Sabi ko, nawalan ng sasabhin. Kahit anong gawin kong bigyan ng interes ay hindi ko talaga magawa. Pero inaamin ko, gusto kong tumingin tingin sa physical features. But that’s not enough.

“Ej, umuwi na nga kayo!” Sabi ni Josiah, iritado sa kay Azi na nagpapaulan ng mamahalin na inumin sa dancefloor sa sobrang kalasingan.

“Kakadating lang namin dito!” Sabi ko.

“Yeah, pero kakagaling niyo lang din sa Rosario. Bar hopping, eh? Umuwi na kayo!” Iuuwi ko na ‘to si Rafael. He’s drunk. Sabi niya nakita niya raw si Tatiana kanina. Meaning?” Nagtaas ng kilay si Josiah.

Nagkibit balikat ako at nilingon ko si Annabelle. “Hey, uh, I’m sorry, I need to go. Catch up with you soon?” Sabay tayo ko.

Umismid siya pero pinakawalan din ako. That’s the thing with westernized girls, di nila dinidibdib ang mga sitwasyon. I like it.

Hinigit ko na si Azi doon bago pa niya maubos ang limang libo sa alak na pinapaulan niya sa dancefloor. Panay ang mura niya sa akin habang kinakaladkad niya ako.

“Umuwi na tayo. Sa Xavier Estates na tayo matulog. Si Josiah siguro maghahatid kina Damon at Raf sa Loop.”

Hindi ko alam kung nabibingi ba ako o hindi lang marunong magsalita si Azrael ngayon.

“F Ej, you ki joy.”

Kumunot ang noo ko. He’s obviously very drunk. Pulang pula na ang kanyang pisngi. “Let me drive.” Sabi ko.

“The hell!” Bigla siyang natauhan. “Drive mo sasakyan mo, sasakyan ko drive ko!” Aniya at agad na pumasok sa front seat.

So there… Siya nga ang nag drive kaso naiinis ako dahil gusto niya pa dawng uminom ng mainit na sabaw sa Siam bago umuwi. Is he out of his mind or something?

“Wake me up when we’re home.” I laid my seat back. Hindi ko na mapigilan ang antok ko.

Nagising na lang ako dahil sa lakas ng impact ng sasakyan! Napaupo ako ng maayos at naramdaman ko ang pagkabasag ng salamin. Umusok ang harapan at naipit ang paa ko sa ilalim. Napamura ako sa sakit. Nilingon ko si Azi at tumatawa siya habang naiipit ang kanyang braso sa manibela. Kitang kita ko ang pagdugo nito. May dumugo din sa ulo niya.

“Shit, Azi!” Sabi ko at agad na may lumapit sa amin para tumulong.

Well he’s obviously screwed. Paniguradong patay siya sa dad niya. Nabasag ang harapan ng Fortuner at sobrang laki ng pinsala ng pagkakabangga namin. Hinawakan ko ang dumudugo kong mukha. Stupid blood. Pinadaan ko ang dila ko sa aking ngipin, thank God I still have the complete set of teeth. Hindi ko kayang mabungal ako.

Nagulat ako nang nandon na halos lahat ng pinsan ko. Pinagalitan syempre si Azi. Nilingon ko ang ilang gasgas sa braso ko. Buti at sa puno naibangga ni Azrael. Panay ang explain niya sa kanyang daddy.

“Nakatulog si Elijah, inantok ako, kaya…”

“Bakit ka ba kasi nag dadrive ng lasing!?” Sigaw ng kanyang daddy.

Tumahimik siya. Ngumiti ako. He’s grounded now. Kinamusta ako ni Tita Claudine at pagkatapos ay nilapitan na ako ng nurse para magamot na ang sugat ko sa mukha. Nasa loob kami ng emergency room ng isang pribadong ospital. These were minor bruises but I can’t help it.

“Miss, bungi na ba ako?” Tanong ko.

Napangiti ang nurse sa akin. I want to drown Azi’s moan on the other side of the room. Nilalagyan ng cast ang kanyang braso.

May nahagip akong babaeng mabilis na lumapit sa akin. Nag angat ako ng tingin at nakita si Klare na patungo sa akin. Sinapak niya ang balikat ko at namumula ang kanyang mga mata at kanyang pisngi.

“Aray!”

Sinapak niya pa ulit ng ilang beses kaya sobrang sakit ng naramdaman ko! Anong kinaiinis niya sa akin ngayon?

“What the fucking fuck, Klare? Masakit na, tama na!”

“Bwisit kayo! Nag alala ako!” Sigaw niya habang namumula ang ilong at kitang kita ko ang luha sa kanyang mga mata.

Sinanggal ko ang mga sapak niya sa ulo ko. Oh God, help me. I am going to pull her into my arms and hug her right now. Nag aalala siya? Of course, Ej, mag aalala siya dahil pinsan ka niya.

“What? This is great! I live in this accident for you to kill me?” Sabi ko at nag taas ng kilay. Tumigil siya sa pananapak sa akin. Nag iwas siya ng tingin. She’s truly worried. And I don’t like it when she’s upset.

“Why were you worried, Klare?” Marahan kong tanong na hindi niya sinagot. Nagtama ang paningin namin. My heart raced. Hindi siya bumibitiw sa aking titig, like she wasn’t intimidated with my question. “Come here.” Sabay lahad ng kamay ko.

Tinanggap niya ito na parang batang sumusunod sa aking utos. Fuck, Klare, I’ve got the hots for you. I’ve got the hots for you, baby.

Hinawakan ko ang baywang niya. “Don’t get upset.” Hinanap ko ang mga mata niya. Nag angat siya ng tingin sa akin. I’ve got the hots for you, baby.

That’s when I really started dating again. Hindi pwedeng ganito. We also started fighting over petty things. Tuwing may kasama akong babae, palagi siyang naiinis. Or at least I’d like to think that she’s iritated with the girls.

Bakit ka maiiirita? Tulad ng sinabi mo, Klare. “You are just my cousin. You have no say on who I date.” It was such a big slap. I know right, Klare!

Tutal ay patungo na rin naman ako sa impyerno dahil gustong gusto ko ang pinsan ko, edi papa impyerno na. I went for girls who are easy. I don’t need to chase anyone to divert my attention. It’s a waste of time. Luckily, hindi mahirap maghanap ng mga babaeng sport. Gusto ni Klare na i-date ko si Hannah, but she’s boring and too mushy. I don’t need that right now. So I went to Illest again and I found Annabelle bored. Inuwi ko sa bahay and of course, Klare Montefalco is right there waiting for me! What the hell?

“May taxi sa labas. Naghihintay!” Sabi ko kay Annabelle.

Because I’m not going to push Klare away just yet. I need to shout at her the exact words she told me few hours ago.

“What the hell happened? Who is the bitch, Elijah? Nasaan si Hannah? What happened to her? Iniwan mo siya para sa bitch na iyon?”

“JESUS, KLARE! may pangalan si Annabelle! Will you stop asking me damn questions?” Sigaw ko at agad na nilagok ang Jack Daniels shot galing sa ref.

If I want to shout at her, I need that courage. We had a row and I’m not quiet sure what her reaction meant.

“Kung ayaw mo? Edi ano, Klare? Ayaw mo ako sa ibang babae, ayaw mo yung kaibigan mo? Edi ano? Ano ang gusto mo? What? Pag may kahalikan ako susugod ka at mag eeskandalo na lang kasi hindi pwede kahit sino?” Sigaw ko nang napuno na ako.

Pumula ang kanyang pisngi at sinigawan niya rin ako pabalik. “YES! Hindi pwede kahit sino! Hindi pwede, Elijah! Hindi pwede! Hindi pwede, hear me? Hindi pwede!!!” Sigaw niya.

Nanlaki ang mga mata ko. No. No you don’t say that to me right now, Klare. You don’t know how much I’m attracted and… you don’t give me false hopes just because you like it!

“You. Have. No. Say. On. Who. I. Fucking. Date!” There! I said it!

Pero pagkapasok ko sa kwarto ko ay nabasag ko ‘yong flatscreen at iilang frame para lang mapigilan ang sarili kong balikan siya at yakapin siya. Shit! Klare, do you like me back? Do you want me back? Do you want me to fight for this?

“Manang…” Sabi ko nang kinatok ako ng aming katulong dahil sa ingay ng mga nabasag kong gamit. “Paki check kung nakauwi na si Klare. Ipahatid niyo sa driver.” Sabi ko.

“Umuwi na. Nag taxi.” Ani manang.

Pumikit ako at sinisi ko ang sarili ko. Now we’re back to square one. Ang tagal kong kinuha ang damdamin niya ngunit ako rin pala ang sisira nito.

Dumistansya ako kay Klare. She’s dating Eion so I dated so many girls too. Ito ang kahihinatnan naming dalawa. Of course, Elijah, Klare is your cousin and you can’t be together. Iyan ang parati kong iniisip pero walang epekto.

Parati din nila akong tinutukso kay Hannah kaya sinasabayan ko na lang. Pero kahit na kasama o kausap ko si Hannah ay hindi ko kayang hindi mapatingin kay Klare at sa kanyang wala sa mood na mukha. Ano kayang meron dito? Menstrual cycle? Hindi sila gaanong nag uusap ni Eion. Mukha siyang bored habang nandito kaming lahat sa kanilang rooftop para magplano sa pagpunta namin sa Camiguin. It’s been weeks now since her birthday at nanliligaw na daw si Eion sa kanya. Tsss.

Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang history ng mga text namin ni Klare. Ang huling mga texts ko sa kanya ay noong hindi pa siya nag e-eighteen. Sinusundo ko kasi siya palagi sa bahay nila. Hindi siya nag rereply, tamad kasi siyang mag text. But now, this is my hope.

If she texts back…

Ako:

You look tired. I don’t like it.

Napatingin ako sa kanya at ipinakita ko ang aking cellphone. Mabilis niyang kinuha ang kanyang cellphone at nagbasa siya sa message ko. Ngumuso ako sa pag papanic niya. Oh damn…

Klare:

Yup. Exhausted sa sayaw.

Iksi naman. Pinapatay ang usapan. Ni hindi man lang ako tinanong. Hindi talaga siya marunong magtext. Ngumiti ako at nag angat ng tingin. Nakita kong lumapit si Eion sa kanyang tainga at may binulong siya kay Klare. Nag bulungan silang dalawa at gusto kong marinig kung ano ang pinag uusapan nila!

Kinagat ko ang labi ko. Nagsasalita si Hannah pero tanging nagawa ko ay tumango at tumawa dahil sa paninitig ko sa dalawang nagbubulung bulungan sa harap ko.

“Tapos na ba ang usapan? Uuwi na kami. Inaantok na kami, e.” Sabi ni Rafael.

Pagkatapos kong mag type ng message ay tumayo na rin ako. I don’t wanna be possessive but she needs to know that I’m jealous.

Iyon ang mga dahilan kung bakit naramdaman ko ring may feeling siya pabalik sa akin. I will hold on to that faint hope that maybe she likes me back. Dahil sa oras na malaman ko na mahal niya ako pabalik ay babaliin ko lahat ng prinsipyo ng pamilyang ito.

Kaya nong nagpunta kami ng Camiguin at nakikita ko ang nakakalitong kilos niya ay mas lalo lang akong naguluhan. Palagi ko siyang nakikitang nag seselos kay Eion at Cherry pero tinititigan niya naman ako. What the hell, Klare? Eion or Me? I don’t know!

“Pumunta ka na don sa kanila. I’m okay here, Elijah. Naghihintay si Hannah sayo.” Aniya nang napag usapan namin nong napag isa kami sa Mantigue Island.

“Bakit parati mo akong nirereto sa kay Hannah?” Tanong ko.

“Kasi she likes you. You should date, Elijah. Ano, hindi ka pa ba nakakamove on kay Gwen?” Natatawa pa siya.

Tinitigan ko siya habang hinihipan ng hangin ang kanyang buhok. She’s beautiful. Her lips were shaped like a bow. Kinagat ko ang labi ko. I wonder if her lips were soft.

“Hindi ko alam kung nakita mo ‘yong mga panahon na ang dami kong dinate na babae o ano.” Sabi ko.

“I mean, date, really date, Elijah. Hindi iyong ganon. Seriously date. Exclusively d-” I interrupted.

“I’m done with that Klare. And this will sound stupid but it’s all useless kasi alam ko kung sino ang gusto ko.” Sabi ko at agad kong nakita ang pagkagulat niya. Wag ka nang magulat. Alam kong alam mo na ‘yon. May duda ka na na gusto kita. And now you’re wrong. Hindi lang gusto, Klare. Hindi lang gusto.

“I-I don’t know how you do it, Klare. I don’t know.” Iling ko sa kanya pagkatapos niyang ipagkanulo ulit ako kay Hannah. “‘Yong ipamigay ako sa iba. Kasi, ako, sayo? Hindi, e. Hindi ko kaya. I’m not going to give you up to that asshole no matter what.”

We had another row. She wants me to be with Hannah and Hannah and Hannah. Fuck it, I’m done with this stupid pretentious cousin thing.

“Why would you fucking give me to Hannah!?”

“Kasi iyon naman talaga dapat! Bakit ka nandito? Bakit mo ako kasama? When you should be with someone like her! You should date her! That’s what you should do-” Ani Klare but I cut her off. Shut up, Klare. Pasalamat ka gusto kong malaman mo ‘to kahit na sobrang gusto ko nang mahalikan ka para tumigil ka na!

“I DATED SO MANY DAMN FUCKING GIRLS TO FORGET YOU, KLARE!” Sigaw ko. “At saan ako dinala ng sarili ko? Sa’yo. Parin. Fuck. I’m sorry for the curses, baby.” Huminahon ako at tumayo. I need space between us. Because I might scare her… My feelings are extreme and I’m not sure if she feels the same.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: