Until Forever – Kabanata 14

Kabanata 14

Eion

“Movie Marathon tayo kina Klare!” Naisipan na naman ni Chanel na gawin ito.

Nagkukunwari akong tinatamad pero gusto ko naman talagang pumunta din. Nakarating na kami kina Klare at sinusulit ko na lang ang panahong ito. Next week, aalis ako patungong New York kaya hindi ako dito mag Su-Summer. Babalik pag opening ng klase.

“Ano na naman ang papanoorin natin?” Tamad kong tanong kina Chanel habang inaalis ‘yong mga unan sa sofa at nilalapag sa carpet ng sala nina Klare. Umupo ako sa sofa at agad umangal sina Rafael.

“Sa carpet daw umupo, Elijah. Talagang mga girls, ang daming arte! Mag inuman na lang tayo!” Ani Rafael.

“Wag na nga kayong mag inuman! Nag inuman kayo kahapon ah?” Ani Chanel kahit na naglapag na si Josiah ng isang inumin sa mesa.

Tumabi sa akin si Charles. Nilingon ko siya at nakita kong humihikab na siya. Kiniliti ko para mawala ang antok. Tumawa siya at umilag sa mga kiliti ko.

“What are you going to watch, kuya?” Tanong niya sa akin.

“Idunno. Maybe horror flicks, Charles. Where’s your ate?” Pabulong kong tanong.

“Nasa kitchen. She’s…” Nahihirapan pa siyang magsalita. “She’s preparing the pizza and she’s making this weird nachos.” Sabay laro niya sa kanyang paa.

Nilingon ko ang patungong kitchen nila at nakita kong lumalabas doon si Claudette kasama ‘yong pizza. Tumayo ako at agad dumiretso sa kusina. Nakita ko si Klare na naka talikod at abala sa mga nachos.

“Ano ‘yan, miss?” Pambungad ko.

Bahagya niya akong nilingon. “Nachos. I hate junkfoods.” Aniya.

Humalukipkip ako at pinanood ko ang paggawa niya non. Ngunit imbis tingnan ko ang pagkain ay sa kanyang mukha ako nakatingin. Dahil na rin siguro sa titig ko, napatingin siya sa akin. Kumunot ang kanyang noo.

“Why are you wearing a ballcap? Hindi ka dito matutulog? Aalis ka mamaya?” Aniya.

Ngumuso ako sa tanong niya at agad tinanggal ang ballcap ko. Nilagay ko iyon sa kanyang ulo at humalukipkip ulit ako. “Happy?”

Ngumiti siya. “So you’re staying?”

Fuck what I’d give to see her smile like that. Mabuti na lang din at nasampal niya ako non. Simula yata non ay hindi na siya masyadong malupit sa akin. Well, we still fight at times kaya todo paraya ako tuwing nag aaway kami. Kahit na madalas ako ang tama, e siya na nga lang ‘yong tama at mag sosorry na ako para tapos!

“Oh I thought you’re girl hunting again.” Aniya sabay kuha sa isang tray ng nachos.

“Girl hunting? Klare, saan mo na naman napulot ‘yan?”

Hindi siya nagsalita. Diretso lang siyang naglakad patungong sala. Yumuko ako. Damn sobrang ikli naman non. Nakita ko ang juice na nandoon sa gilid ko. Dadalhin ko sana para matulungan siya pero babalik pa ‘yon kung di ko dinala. Mamaya na lang. Nag hintay ako at tama ako, bumalik siya don.

“Di ka ba manonood? Don’t tell me you’re scared?” Tanong niya sabay kuha ng mga chichirya sa ref.

Kinuha ko ‘yong pitcher ng juice para sabayan na siya pabalik sa sala. “Scared my ass. Baka ikaw ‘yong takot. Ikaw lang mag isa matutulog sa kwarto mo mamaya.” Tumawa ako.

“Anong ako lang? Don ka rin matutulog, ano.” Umirap siya at dumiretso pabalik sa sala.

Halos mapatalon ako sa saya. Anong nagawa ko para pagbigyan ako ng ganito? Shit, I can’t wipe the smile on my face. Kaya ngiting ngiti ako pag dating ng sala. Pinapanood ko ang payat niyang braso na binubuhat si Charles. Mabilis ko siyang dinaluhan. Masyado nang abala sina Azi sa pag tatagay nong Red Label sa mesa. Si Chanel at Erin naman ay tinitingnan na ‘yong mga papanoorin.

“Ako na.” Sabi ko sabay buhat sa tulog na si Charles.

Sabay kaming naglakad patungong kwarto ni Charles. Nilapag ko si Charles sa kulay blue niyang kama. Nakita ko kaagad ang picture naming dalawa ni Charles sa isa sa mga frames ng kanyang kulay blue na kwarto.

“Tara na.” Dinig kong sinabi ni Klare. Nilingon ko siya, suot suot niya parin ang ballcap ko. Sumunod na ako sa kanya palabas.

Pumwesto siya sa tabi ni Azi. Panay pa ang tulak niya kay Azi. Si Chanel ay nakahiga na sa mga hita ni Rafael at si Claudette at Erin ay titig na titig na sa screen. Umupo ako sa carpet, tabi kay Klare.

“Ang layo ni Elijah, pasahan mo ng shot, Azi.” Ani Rafael at binigay sa akin ang isang shot nong Red Label.

“Grabe talaga ‘yong inabot non.” Tawa ni Damon. “Suntukin ba naman ni Josiah sa ilong at dagdagan pa ni Kuya! Kung nandon si Knoxx, baka kriminal na kayong tatlo!”

“Tumigil ka na nga, Dame. Get over it.” Ani Chanel.

Pinag uusapan nila kung paano nasuntok ni Josiah at Rafael ‘yong boyfriend ni Chanel na babaero sa Rosario Arcade. ‘Yong naabutan ko na lang don ay ‘yong duguan na mukha nong boyfriend ni Chanel. I mean, ex niya na pala. Habang nag iinuman kasi sina Rafael don ay nakita nilang may kasamang iba ‘yong boyfriend ni Chanel kaya ayon at nagkasuntukan.

Ilang sandali ang nakalipas ay medyo may tama na kami. Nakakabingi na ang sigawan ng mga girls. Mas nakakabingi naman ang pakikisali ni Josiah at Azi sa sigawan. Ilang sandali ang nakalipas ay tumayo si Azi dahil may tumawag sa kanya. Maybe his girlfriend or what.

Unti unting hinilig ni Klare sa balikat ko ang kanyang ulo. Umayos ako sa pagkakaupo. Kahit medyo lasing na ako at nakakatamad umupo ng maayos ay nagsikap akong umupo para lang maayos ang pagkakasandal niya.

“Ej, your shot.” Ani Damon sabay lapag nong shot ko sa mesa.

Sinubukan kong abutin kasi masyadong malayo. Pag pipilitin ko ay magagalaw ang ulo ni Klare, magigising ko siya.

“Paki abot, Dame, please?” Sabi ko.

Nilingon ako ni Damon at nakita niya ang ginagawa ko kay Klare. “Ipatulog mo na nga ‘yan sa sofa.”

Umiling ako at kinuha ang inaabot niyang shot. No way. She’ll be sleeping on my shoulders. Mamaya ay bubuhatin ko ‘to patungong kwarto niya.

Bumalik si Azi at nag deklara ng tapos na ang lahat ng ito dahil aalis siya. Apparently, his ‘girlfriend’ is out and no one will fetch her.

“Homerun coming.” Tawa ni Rafael.

“Finally, after how many crying years, Azi! Ito na ba ‘yon?” Ani Josiah.

Nag tawanan kami. Tinuro ako ni Azi. Hindi niya parin ako tinatantanan dito.

“Si Elijah na lang ang virgin after tonight!” Tumawa si Azi.

Umiling ako. Virgin my frigging ass. Tumango ako kay Rafael at nag yaya na akong dumiretso na kami sa kwarto. Tulog na si Claudette kaya binuhat na ni Rafael patungong guestroom. Dumiretso na rin doon sina Erin at Chanel na parehong antok na. Si Damon at Josiah ay hindi pa yata natatapos at panay pa ang inuman.

“Di pa kayo matutulog?” Tanong ko habang inaangat si Klare.

“Ubusin lang namin ‘to.” Nakapikit na si Josiah pero malakas parin ang loob.

“Call me when you’re poisoned.” Halakhak ko at dumiretso na sa malamig na kwarto ni Klare.

Nilapag ko siya sa kanyang higaan. Tumayo ako ng maayos at tinitigan siyang tulog na tulog. Kanina ko pa tinanggal ang ballcap at napag desisyonan kong iiwan ko ‘to dito. Sa kanya na lang ‘to. She looked cute especially when she’s wearing my things.

Kitang kita ang collarbones niya sa suot na sleeveless shirt. Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan ko siya ng picture. Bukas ipapakita ko sa kanya ‘to at pagtatawanan ko siya. Pagkatapos ko siyang kuhanan ay tinitigan ko ‘yong picture sa cellphone ko. Napawi ang ngiti ko.

Magkasundo na kami, pero di parin nawawala ‘yong feelings ko.

Dumiretso na ako sa banyo. She’ll go ape shit when she finds out I used her showergel again. Pero tulog siya kaya hindi niya ‘yon malalaman. Panay ang hikab ko. I’m really kinda tipsy. Nagmamadali kasi kung tumagay si Damon. Pagkalabas ko ay diretso na ako sa pag higa. Mainit ang katawan ko kaya hindi na ako nag t shirt.

Gumalaw si Klare sa gilid ko. Nilingon ko siya bago patayin ‘yong lamp at nang makatulog na nang bigla niya akong niyakap!

Oh damn! Ang kanyang mga daliri ay nakahawak sa aking dibdib at ang kanyang dibdib ay nasa gilid ko. My face went hot to boiling. I swear I’m gonna explode!

“Baby, move alright. You’ve made your point.” Bulong ko kahit wala akong kausap dahil patay siya sa tulog.

Hindi siya gumalaw. Tiningnan ko ang kanyang mga daliri na nakapahinga sa aking dibdib at ang kanyang mga binti na nandon na rin sa binti ko.

“Dammit, baby. I swear you just want to kill me. I swear you’re damn evil.” Bulong bulong ko at lahat ng antok at alak ay nawala na sa sistema ko. Will I be able to sleep with her ike this?

Ni hindi ko alam kung mas maganda ba ‘yong di na lang kami tabi para walang ganito? O ‘yong tabi kami at may ganito? God!

“Klare, move come on.” Bulong ko.

Yes, she moved pero iyon ay para mas lalo akong yakapin.

Kaya naman kinaumagahan ay sobrang puyat ako. Nauna pa siyang magising. Kinusot ko ang mga mata ko habang umuupo sa kama. Magulong magulo na siya dahil sa tawanan nila ni Erin sa labas. Nakaligo na rin siya at mabangong mabango na habang ako ay inaantok parin sa sobrang puyat kagabi.

“Wake up, sleepy head. Maligo ka na! Shot pa!” Nanunuya niyang sinabi habang binabato ako ng kulay pink na tuwalya.

Tawa siya nang tawa. Matalim ko siyang tinitigan. Kung alam mo lang talaga, Klare. Umiling ako at dumiretso na sa banyo. Mapapahamak pa yata ako sa mga ginagawa ko.

Pagkabalik ko galing New York, nagpasalamat ako dahil tapos na ang interrogation sa akin ni Spike tungkol sa walang lamang love life ni Claudette. I hate that I have to answer his stupid questions. Walang closure ang nangyari sa kanila because Spike went to the U.S. nang hindi alam ni Claudette. Well that’s because he’s anxious. Sinabi daw ni Claudette na pag aalis si Spike, maghihiwalay sila. Spike didn’t want that to happen so he didn’t tell her. Kinontak niya naman agad at sinabing babalik siya by December but she called it kwits. I didn’t know their whole story. I didn’t want to hear it, actually. Ayokong maisip na baliw si Spike sa isang babae, pakiramdam ko ay hindi bagay. But for Azi’s sake, I will listen and hang on Spike’s words.

“Oo na kasi, si Claudette daw ‘yong nakipag hiwalay.” Iritado kong sinabi papalabas ng kwarto. Kakabalik ko lang at ito na agad ang mga tanong ni Azi.

Nandito silang lahat sa bahay at tinitingnan ‘yong mga damit at sapatos na pasalubong ko. Panay ang agawan ni Erin at Klare sa mga damit na pinadala ni Ate Yasmin. Kitang kita ko ‘yong mga maninipis na sleeveless ang kanilang mga kinukuha.

“Huy, Klare. Etong sayo. Wag kang mangarap niyang sleeveless.” Sabay tapon ko sa kanya ng iilang pull overs.

Nginiwian ni Erin si Klare. “These are all mine!”

“Ang damot nitong si Erin! Ang dami naman niyan para sa’yo!” Aniya.

Ngumiti ako ako habang pinagmamasdan na inaasar ni Erin at Claudette si Klare don sa mga sleeveless. Lahat ng pull over ay napunta sa kanya.

Kinuha ko ang binili kong sneakers para sa kanya. May ganito akong kulay itim at blue kaya binilhan ko siya ng itim at pink naman na combination.

“Your shoes.” Sabi ko.

Ngumisi siya at kinuha ang bigay kong paper bag. Hindi ko talaga maiwasan ang pag titig sa kanya tuwing ngumingisi siya.

“Patingin nong bago mo!” Ani Azi, istorbo.

“Bagong ano?” Tanong nI Chanel.

Kinagatan ni Azi ‘yong apple na kanina niya pa hinahawakan. “Tats.”

Nagpatattoo ako. Because Spike is such a good influence. Tribal naman ‘yong akin, just near the pecks. I removed my t shirt. Nalaglag ang panga ni Josiah.

“Dame, tribal tats.” Ani Josiah.

“Grats, bra. Dalawa na tayong inked!” Ani Damon sabay tapik sa aking balikat.

“You trained, Ej? You look real hot.” Ani Chanel habang pinipicture-an ako. “I’m gonna sell this picture.” Tawa niya.

Nag angat ng tingin si Klare sa akin. Tumitig siya sa katawan ko. Titig niya palang para na naman akong mababaliw. I looked away. Buti at lumapit si Dame at Josiah para tingnan ng mabuti ‘yong tattoo.

“Galing ng pagkakagawa.” Ani Damon.

Nagkibit balikat ako. Sasabihin ko sana na si Spike ang nag recommend pero tinikom ko na lang ang bibig ko. Claudette is watching us.

“Patingin!” Ani Klare at lumapit na rin.

Sa kanilang lahat, siya lang ang may ganang humawak sa bawat itim na ink na naka marka saking dibdib. Her touch were like butterfly kisses. Kinilabutan ako. Dinungaw ko siya at nagulat ako dahil nakatingin siya sa mukha ko. It’s like she’s watching my reaction with her touch! What the hell are you doing, baby?

“Looks good on you.” Sabi niya at agad akong tinalikuran.

Ngumisi si Damon at kinindatan ako. Halos hindi ako makahinga sa ginawa ni Klare. I need to get out of here and maybe shower.

“Kala ko world war na naman.” Ani Damon.

But damn it… Tumalikod din ako at dumiretso sa kwarto. I swear to God, that girl is mine. At pag hindi ako makahanap ng lalaking worthy sa kanya ay hinding hindi ko siya ibibigay. Yes, maghahanap ako, dahil hindi naman siya pwedeng akin palagi. I know that and I accept that!

She liked Eion Sarmiento so much. Kahit na hindi ko alam kung bakit ay pati iyon tinanggap ko na lang. This Eion Sarmiento is a bit cold and very, very ugly. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit gustong gusto siya ni Klare na kahit hindi sila close ay gusto niyang escort niya si Eion sa kanyang debut.

Okay, baby, we’ll find a way to get him. He better be worthy of you. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko talaga maatim na makita siyang kinikilig sa Eion na iyan. I’m trying but I fail all the time so I end up sour graping.

Fuck it! Kung sana di lang kami mag pinsan.

Naparami ang inom ko nong birthday ni Kuya Justin. This is it. I need to find a girl again. A diversion. Klare will date Eion soon and I’ll be a wreck so I needed a diversion. Ngayong close na kami ay harap harapan na kung makita ko silang dalawa na mag kasama.

“What’s so embarrassing! It’s Klare fucking Montefalco, dude! You have to be grateful!” Ani Silver sa kanyang kapatid na si Eion pagkatapos ikinahiya ni Eion ang pag amin na escort siya ni Klare.

“What bull crap is he talking about. Masusuntok ko ‘yan.” Bulong ni Azi sa akin.

Narinig ko rin ‘yong sinabi ni Eion kanina at kung galit si Azi, mas lalo ako. I’m beyond mad. I can’t help but conclude that he’s a freaking asshole and I didn’t want my Klare to date him. I changed my mind. No guy will ever deserve her.

Tiningnan ko si Klare at pulang pula ang kanyang mukha. Napapahiya siya!

“So what? Wala naman iyon sa pangalan o sa ganda, Kuya-” Eion and his epic big bad mouth!

“Bakit, nasaan ba iyon?” Singit ko, hindi ko mapigilan. Uminom ako ng beer para pampakalma at agad kong inilayo ‘yong bote sa akin dahil baka mamaya ay mabasag ko ito sa mukha ng Eion na ito.

Sinasabi niyang wala sa pangalan o ganda ang pagkakagusto niya sa isang babae. What the hell? We all know that so shut the hell up and don’t humiliate Klare in front of these people!

Ngumisi ako habang naiisip kung paano ko babasagin ang kanyang mukha. Tumitig din siya pabalik sa akin. Naramdaman ko na ang kamay nina Josiah sa likod ko na pumipigil sa kung ano mang pinaplano ko.

“It’s in the attitude. Kung maganda, mabait, matalino at talented, iyon… siguro magiging grateful ako!”

She’s talented, pretty, kind, and very intelligent you asshole! Susugurin ko na pero bigla kong nakita ang ngiti ni Klare at tumayo siya para magpaalam. She’s hurt. Nilingon ko si Eion. Now you wont touch what’s mine. Sayang at inisip ko pa namang pwede ka para sa kanya because she likes you. Pero ngayon? You lost your chance. You fucking failed this so you’re going to fucking lose.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: