Until Forever – Kabanata 13

Kabanata 13

Baby

I heard Gwen cried a lot after we broke up. Hindi ko alam kung tama ba ‘yong desisyon ko kung paano kami naghiwalay. I felt guilty. She was too good for me. Siya ang unang official girlfriend ko at hindi ko alam kung tama ba ‘yong ginawa ko.

Hindi ko alam kung paano ko siya hihiwalayan so I went from hot to cold. I was a coward. Hindi ko masabi sa kanya na may iba akong gusto dahil hindi ko rin naman iyon maamin sa sarili ko. I think I’ll get over this phase though so I refuse to acknowledge it. Iyon nga lang, nahulaan niya. Girls and their amazing intuition.

“Bakit lagi kang busy? Is there someone else?” Iyon ang naging tanong niya nang huli ko siyang tinanggihan para sa isang dinner kasama iyong pamilya niya.

I’m a jackass, I know. Stupid. But I can’t keep on fooling her just to prove a point. I can’t do this to cover up my feelings.

“Gwen…” I trailed off. Hindi ako makahanap ng dahilan. Hindi ko kayang magsinungaling sa isang babaeng walang ginawa kundi maging mabuti sa akin.

“May iba, Elijah?” Tumulo ang kanyang luha.

Hindi ko siya matingnan. It hurt seeing her hurt. Pero mas masakit dahil alam kong wala akong magagawa. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kahit na alam kong wala akong pag asa sa gusto ko ay ginagawa ko parin ito.

“Gwen, ayaw kong masaktan ka-“

“You just did!” She said.

Pumikit ako. Hindi ko alam kung paano siya patahanin. Kasalanan ko ‘to kasi pinormahan ko pa siya. She’s a nice girl but I’m seriously attracted with someone else.

“Bakit di mo na lang sinabi agad? Bakit hinintay mo pang magkaganito? Kung sana ay sinabi mo agad ay sana hindi na tayo umabot sa ganito! Umasa ako at kahit nasasaktan ako sa bawat pag tanggi mo, inisip ko parin na hindi ‘yon totoo!”

Hindi ko alam kung paano nagagawa ni Josiah ‘to sa ibang babae. Hindi ko yata kayang ulitin ‘to.

Kahit na mas masama pa ‘yong nagawa ni Spike kay Claudette, pakiramdam ko ako parin ang pinakamasamang tao sa mundo.

Gusto ko lang talagang mapalapit kahit paano kay Klare. Improve our relationship. Kahit na kaswal na lang at hindi iyong laging nag aaway. Maybe I’ll get over this. Matatawa na lang siguro ako sa huli kung sakaling mangyari iyon. It’s probably just a stupid attraction.

“Ba’t sumama ‘yan?” Medyo iritado agad nang nakita ko si Klare sa practice game namin kalaban ang Crusaders.

“Maka ‘yan’ ka naman.” Ani Azi sabay tingin sa mga pinsan kong pumupwesto na sa bleachers. “Of course we’re playing kaya sumama.”

“You’re just really self-centered, Azi. Why can’t you accept it? Sumama si Klare dahil maglalaro si Eion.” sabi ni Damon.

Diretso ang tingin ko kay Klare. Hindi ko maintindihan kung bakit iyan ang suot niya. Gusto kong magpa good shot pero naiiirita na naman ako kahit sa simpleng damit pa. Bakit ba kailangan sobrang iksi ng shorts at kita pa ‘yong tiyan sa t shirt na ‘yan. I admit it, gusto ko ‘yong ibang babaeng nagsusuot ng ganyan. Pero pag siya, naiirita ako. She’s flirting with her clothes.

“Tara na nga!” Sabi ni Rafael at itinuro na ang bench.

Mahalaga ‘to kay Rafael. Gusto niya kasing sumali sa SBM Eagles, iyong team ng School of Business and Management sa Xavier University. College na siya at iyon ang isa sa goals niya pagka college. Ang practice game na ‘to at ang tournament na sasalihan namin ngayong April ay magiging training ground niya daw.

Kahit practice game, kitang kita ko parin na puno ng mga tao. Hindi pinatawad ng mga babaeng ito ang game kahit na wala ng pasok.

Nilingon ko ulit si Klare at nakita ko kung paano siya tumingin sa kabilang team. Hindi ka niyan papansinin. Tsss.

Nakinig ako sa mga gustong mangyari ni Rafael. Iritado pa nga siya dahil puro pasikat lang talaga si Azi. Kung matatalo daw kami ay siya na ang dahilan.

Nagsimula ang game at dehado agad kami. Hendrix Ty was going all out. Hindi ko alam kung bakit pero hindi man lang siya tumitingin sa mga kalaro niya tuwing nakaka shoot siya ng bola. It was like the game was all on him. Nang nag third quarter ay uminit ang laban nang pinantayan siya ni Rafael.

Hinihingal na ako sa kaka fast break. Tinukod ko ang kamay ko sa aking tuhod at naghabol ng hininga.

“Fucking Sarmiento. Nasiko ako.” Ani Azi sabay himas sa kanyang tiyan. Pareho kaming hinihingal.

“GO EION!” Narinig kong umalingawngaw sa buong gym.

Kanina pa maraming nag chi-cheer sa amin o di kaya sa Crusaders pero dinig na dinig ko ang boses ni Klare. Tumayo ako ng maayos at binalingan siya. Pulang pula ang kanyang pisngi at tinakpan niya agad ang kanyang bibig.

“Traydor!” Sigaw ni Azi sabay turo kay Klare sa bleachers.

Napatingin siya sa amin. Kumunot ang noo ko. Nang nagtama ang aming mga mata ay nakatanggap ako ng irap. The heck? Inirapan ako? Hindi naman ako ‘yong sumigaw ng traydor!

Inirapan ko rin siya kahit na hindi na naman siya nakatingin sa akin. Nakakabadtrip. Hindi ko talaga mahulaan ang iniisip niya. Tumagilid kami sa fourth quarter at talagang natalo na dahil hindi na magkasundo si Josiah at Azi. Tahimik naman ako habang nag lalaro, medyo iritado parin.

“You’re a stinking crap, Azrael. Kasalanan mo talaga ‘to!” Iritadong sinabi ni Josiah dahil sa mga bolang hindi pinasa ni Azi sa kanya o kay Rafael.

“Yaan mo na, it’s just a practice game, bro, chill!” Ani Rafael kay Josiah.

Agad akong sumalampak sa bleachers. Kumuha ako ng tubig at uminom. Bahala nga kayo kung mag away kayo. Pagod na pagod ako.

Nilingon ko ang mga pinsan kong papababa sa bleachers. About time, huh!?

Mas lalo akong sumimangot. I feel bad for the game. I’m not pissed like Josiah. Si Azi naman ay panay ang pakikipag usap sa mga bumabang babae, hindi na kasi makausap ng mabuti si Joss dahil sa irita. Si Rafael at Damon lang ang kumakausap sa kanya.

“Chill, bro.” Dinig kong sinasabi nila kay Josiah.

Nagtama ang paningin namin ni Klare habang papalapit sila. She looked sad for us. I clenched my jaw, you should be. We lost.

Tumigil si Claudette sa kina Damon at nakipag usap sa kanila tungkol sa laro. Bahagyang tumigil si Erin dahil kinausap siya ni Rafael kaya ang kasama niyang si Klare ang nakita kong nanguna don patungo sa taga XUHS. Sumunod din si Erin sa kanya patakbo hanggang sa naunahan niya si Klare. I swear I got pissed the moment I saw her head for their team. Diretsong pinagulong ko iyong bola habang naglalakad siya. Gusto ko lang na maagaw ang pansin niya pero nagulat ako nang natalisod siya at nadapa. She fell flat on her face!

“ARAY!” Sigaw niya.

I want her to know that I’m pissed but now she probably is too. Magaling, Elijah! Sabi ko magkakasundo kami, paano na ito ngayon?

Dumalo agad ang mga pinsan ko. Hindi ko siya mapuntahan. Natatakot akong bigla niya akong suntukin. Natatakot akong galit na galit siya sa akin!

Nakatingin ang mga tao sa kanya. Halos lahat. Nakangiwi dahil sa sakit ng nangyari.

“Pulang pula ang ilong mo.” Puna ni Josiah habang dumadalo na rin maging si Azi.

Hawak hawak ni Klare ang ilong niya, iniinda parin ang sakit. Pinagpawisan ang mga kamay ko.

“Dude, what the fuck?” Ani Damon sa akin.

I stared blankly at him. I didn’t know what to say. That I’m jealous because she wants to celebrate with the winners? No! “The ball tripped.” Kibit balikat ko habang pinaglalaruan ang bote ng mineral water.

“Klare, masakit pa ba?” Tanong ni Damon.

Nag iwas ako ng tingin kay Klare. Those death glare always directed at me.

Napatingin ako sa kanya nang bigla siyang sumugod sa akin. Bago pa ako maka react ay naramdaman ko na ang sakit ng kanyang sampal. Damn! Damn girl!

Uminit sa hapdi ang pisngi ko at nalaglag ang panga ko. Hindi ako makapaniwala na sinampal niya ako sa harap ng maraming tao!

“ASSHOLE!” Sigaw niya. Nasa likod sina Azi para pigilan siya sa kung ano pang gagawin niya pero pagkatapos niyang isigaw iyon ay nag walk out din siya.

Tiningnan ko siya habang palabas ng gym. Hindi parin ako gumagalaw sa pagkakaupo ko. Kinwelyuhan at tinayo ako ni Josiah. Sobrang gulat ko ay agad akong napatingin sa kanya.

“Tang ina mo, Ej! Gulo na naman ba?” Sigaw ni Joss sa akin.

Tumikhim ako.

“Joss, calm down.” Ani Azi at tinulak si Josiah palayo sa akin.

“Huwag kang makealam dito, pareho kayong dalawa!” Ani Josiah.

“Josiah, you’re overreacting! Alam mo naman silang dalawa!” Ani Erin. “Hahanapin ko na nga lang si Klare. Ayusin niyo ‘yang gulo ninyo!” At umalis.

“Elijah, bakit mo ‘yon ginawa? It was obvious na sinadya mo ‘yon.” Ani Rafael, mas kalmado.

Nagkibit balikat ako. “Ayokong nilalapitan nila ang kabilang team pag talo tayo.”

“Pwede mo namang sabihin sa kanila, ah?” Ani Rafael.

“Yeah and she would understand.” Tumawa ako at umiling. Hindi ko maitago ang sarcasm sa sinabi ko.

Kaya hindi na nila ako tinantanan kahit sa sasakyan. Lahat yata ng problema sa akin ay nasabi na nila. Inaantok ako habang pinapangaralan ako ni Erin.

“The problem with you, Elijah, is that you’re too impulsive! Tingnan mo, di kayo magkasundo ni Klare!”

Pumangalumbaba na lang ako habang nag dadrive. Buti nasa likod ko siya. Si Azi ang nasa front seat pero nairita ako lalo nong dumagdag pa ang mokong.

“Ahh! You should apologize, bra. Di ka talaga nag sosorry! Halata namang sinadya mo-“

“The ball tripped, whatever.” Sabi ko.

“Sa bahay nga nila tayo.” He decided.

“Oo nga, Elijah. Puntahan na lang natin si Klare sa kanila.” Sabi ni Claudette.

Bago pa ako makapagsalita ay narinig ko nang tumatawag si Erin sa kabilang sasakyan.

“Hello, paki sabi kay Ate Chanel na kina Klare tayo matutulog ngayon… Oo… Diretso na… Umuwi na siya, e. Ewan ko siguro nag tricycle o taxi basta di ko na siya naabutan. Malilintikan ‘tong si Elijah pag di siya sumunod!”

Ugh! This is frustrating. Medyo hindi ko gustong mag apologize. I was sorry because she got hurt though but saying sorry would be weird.

“Eto na nga, nililiko na nga!” Sabi ko nang magulong magulo sila sa sasakyan ko dahil sa maling dinadaanan ko patungo kina Klare.

They’re lucky I’m obedient. Medyo gusto ko rin naman kasing pumunta nga doon.

“What’s the plan, Erin? Paano natin sila pagbabatiin?” Tanong ni Azi.

“Alam niyo, pag pinagbati natin sila ng harap harapan, I’m sure plastikan lang ‘yan. They should do it in private.”

Hindi nagkakamali si Erin. Pagkadating namin sa bahay nina Klare ay sinalubong na agad kami ni Tita nang “Hindi pa lumalabas ng kwarto…”

Hindi nga iyon papayag na mag bati kami in public. Hindi iyon marunong makipag plastikan. Kung ayaw niya, ayaw niya talaga.

“Now what?” Sumipol lang ako. I’m bored here. Can we just go home?

Nag bulung bulungan si Josiah at Erin. Montefalco siblings working together to end the world war. How can it end when Hitler’s building her Nazi Party inside that room. Paniguradong mapapatay na naman ako non ngayon.

“I suggest we leave and wait for the storm to calm.” Natatawa kong sinabi.

Matalim nila akong tinapunan ng tingin. Pinakain kami ng dinner nina Tita at Tito. Kinatok na kanina si Klare at ayaw niya paring lumabas.

“Ano ba kasing nangyari?” Tanong ni tita.

I’m going to seriously kill anyone who’d answer that question. “Nag away kami.” Sabi ko.

Nagkatinginan ang mga pinsan ko. Don’t say anything. It’s bad enough that she locked herself inside her cave because she’s pissed. Ayokong malaman nila ‘yong nangyari. And the whole reason for the damn thing is my jealousy. Hell yeah!

“Na naman?” Nagtaas ng kilay si Tita.

Tumayo ako. Ayokong magtanong sila ng iba pang detalye sa away. Tumayo rin si Erin para isagawa na ‘yong plano niya.

“Are you ready, Ej?” Tanong ni Erin.

“Can you at least give me a minute? Gusto kong maligo at mag ayos. Besides, isang pares lang ng damit ang dala ko. Hindi ko alam na dito matutulog-“

“Shut up and bring this!” Aniya at agad na ibinigay sa akin ang isang tray ng pagkain para kay Klare.

Tss. Umiling ako at narealize na hindi nila ako pagbibigyan. Now I’m concerned. She kinda smells good all the time. Kakagaling ko lang ng game. Hindi naman ako mabaho pero I wanna feel clean for her.

“Erin, can I take a bath-“

“Paulit ulit ka. Sa banyo ni Klare ka na lang maligo. Shhh!” Aniya nang nakalapit kami sa kwarto ni Klare.

This is it! Hitler’s den. Halos kaming lahat ang lumapit. Maging si tita ay nandoon.

“I’m not hungry!” Sabi ni Klare nang kinatok.

“Klare, open the door. Dito matutulog ang pinsan mo.” Sabi ni tita habang kinakatok ang pintuan niya.

Hindi na siya nagsalita kaya nagkatinginan si tita at Erin.

“Klare?” Si Erin naman. “Just open the door. Ibibigay ko sayo ang pagkain. Di mo na kailangan lumabas. Claudette is here with you food. Open it, Klare.”

Natawa ako. Claudette has transformed into some jackass now, Klare. Open it and you’re doomed.

Nagulat ako nang binuksan niya nga ang pintuan. Bago pa siya makapag bigay ng reaksyon ay itinulak na nila akong lahat. Buti na lang at nagawa ko pang itaas ang tray para hindi matapon. Seriously, they wanna kill me. Halos mapamura ako don. Bago pa makaangal si Klare ay kumalabog na ang pintuan at sinarado na nila galing sa labas.

“Dyan! Magkulong kayong dalawa! Settle your fight! Hindi namin ‘to bubuksan hanggat di kayo magiging okay!” Sabi ni Chanel sa labas.

Pinilit ni Klare na buksan ulit ngunit hindi siya pinagbigyan nina Chanel.

“They won’t open. Kumain ka na lang.” Sabi ko at nilapag ang pagkain sa mesang nasa gilid.

Iginala ko ang paningin ko sa buong kwarto. Soft pink ang kulay ng dalawang haligi at ang dalawa pang haligi ay mas dark na pink. Kahit ang upuan, sofa, tables ay puro pink. Mga gamit niya ay puro pink. Ang closet niya ay pink at kahit saan ako tumingin ay pink.

Nilingon ko siya at nakita kong kumakain na. She must be hungry. Ayan, pakulong kulong pa kasi. Nagtampo ako, nagtampo ka, kwits tayong dalawa.

“Mukhang nagsuka si Hello Kitty dito ah?” Ngumisi ako.

“Will you stop it?” Iritado na naman siya.

“Maliligo na lang muna ako.” Sabi ko, natatawa. Ewan ko kung bakit.

“Ha! Buti pa nga. Ang baho mo.” Aniya.

Nagtaas ako ng kilay. Humalukipkip siya at nag iwas ng tingin. Iginala ko ang mga mata ko sa kanyang pambahay. Very short board shorts and a grey spaghetti strap. Aren’t you cold? Mag pajama at jacket ka nga. Kakainis ‘to!

“You might wanna smell my socks and tell me kung mabaho ba.” Nawala ang ngiti ko at nag iwas agad ng tingin sa kanya.

Tumindig ang balahibo ko at naisip kung pink din ba ang banyo niya.

“Edi wag kang maligo kung tingin mo ay mabango ka.” Aniya.

“Klare, hindi naman naliligo ang mga tao para maging mabango. Like me, natural akong mabango. Naliligo ako to feel clean. I feel queasy from the game.”

“Oh alright?! Edi maligo ka para mawala ang germs at maging malinis ang nakakadiri mong katawan.”

Tumayo ako. Tinalukiran niya ako at uminom siya ng tubig.

“We’ll talk after my shower.”

Pumasok ako sa loob ng banyo niya. I’m right. Her shower curtains are pink. Pero ‘yong tiles ay puti naman. Tiningnan ko ang mga gamit niya. Dala ko ‘yong toothbrush ko but I left my mouthwash at home. Manghihingi na lang ako dito. Pati na rin sa shampoo at body wash. Inamoy ko ang mga nandoon at narealize na ganitong ganito nga ang amoy niya. Sweet and gentle. Kinda addicting.

Nakahawak ako sa tiles ng banyo habang nagpapaulan ang shower. Pumikit ako at dinamdam ang tubig na dumaloy sa aking katawan. Hinampas ko ‘yong tiles dahil may pumasok sa utak ko. “Damnit!”

Mabilis kong ni switch ang shower sa hot at naligo ng mabilis. I smell just like her. Makabili nga nitong body wash niya. Hindi bale na ngang pambabae. The smell is addictingButi may spare jersey shorts ako at isang t-shirt. ‘Yon nga lang, nasa labas ang bag ko.

Kinuha ko ‘yong towel niyang kulay pink at agad pinulupot sa aking katawan. Lumabas ako don at naabutan ko siyang nagkukunwaring tulog. Sleeping my ass! Napangiti ako.

“Kunwari ka pa. You are awake.” Sabi ko at nagbihis. “So you don’t want to talk?”

Pagkatapos kong mag bihis ay nilingon ko ulit siya. Pikit parin ang kanyang mga mata at natatabunan na ng pink na comforter. Pinatay ko kaagad ang switch at humiga na sa kanyang kamay, inaagaw ‘yong comforter.

Pinanood ko ang pag dilat niya. May ilaw pa naman sa lamp kaya kitang kita ko.

“Hey!” Aniya dahil sa pag agaw ko.

Humalakhak ako. “We’ll share.”

Hindi ako makapaniwalang kumuha lang siya ng konti sa comforter at pinagbigyan niya ako. Akala ko kukunin niya ang lahat. Hindi ko maiwasan ang pag kagat sa aking labi. Damnit… I can kiss you right now, Klare. If this isn’t forbidden, I will really damn kiss your lips.

Napatingin siya sa akin. She caught me biting my lower lip.

“So what’s your problem with me?” Bumaling na ang buong katawan ko sa kanya.

“Pwede bang mag pretend na lang tayo na maayos na tayo at wag nang mag usap kasi naaalibadbaran ako sayo.”

“Bakit? Anong ginawa ko sayo?” Aside syempre sa ginawa ko kanina.

“Wala. That’s why we’ll just sleep, okay?”

“Palagi kang galit sa akin.” I concluded.

“Well that’s because you piss me off all the time!” Aniya.

Tumigil ako at tinitigan ko siya. Tiningnan ko ang bawat features na kumikinang sa kanyang mukha. Her skin looks so delicate. Ang sarap haplusin. But I should stop staring at her!

“You piss me off all the time, too.” Sabi ko. I’m pissed because we’re cousins. I’m pissed because I will need to act like I’m gonna be a good cousin or friend to you starting today.

Umirap siya at tinalikuran niya ako. Liko niya ang tinititigan ko. Her shoulders looked frail. I want to touch it, to protect it… I can protect her because I’m her cousin. I’ll protect her as her family.

“And I’m sorry.” Sabi ko. Parang kinukurot ang dibdib ko. This physical pain will kill me eventually. Hindi ko alam na literal pala pag tumitibok ‘yong puso para sa isang tao. “I’m sorry kung naiinis kita kasi naiinis ako sayo, Klare. I’m sorry, Klare.”

“Ba’t maiinis ka sakin? Hindi kita pinapakealaman? Hindi kita pinapansin?”

Tumitig ako sa kanyang balikat. “Kaya nga ako naiinis.” At bumuntong hininga.

Hindi na ulit siya nagsalita. Ganon ang naging posisyon niya hanggang sa nakatulog siya. I swear I couldn’t sleep. Inisip ko kung paano ko mapapabuti ang relasyon naming dalawa. I should not piss her off again. Maybe I’ll get over this feeling once I’ll win her attention. This is just a passing feeling.

Humiga siya ng maayos at nakita ko ang kanyang mukha na natutulog. Tumitig ako sa kanya. Klare, I know this should be awkward. Alam kong dapat mandiri ako. Nakakadiri pero hindi ko iyon maramdaman. I’m… I’m deeply attracted. But I’ll try to get over this alright? Not that you care anyway. Siguro pag malaman mo ngayon baka layuan mo ako dahil sa pandidiri. Kaya mas mabuting wag na lang.

Kahit na mas matagal akong nakatulog ay nauna parin ako sa pag gising. Nilingon ko siya at inabangan ko ang kanyang pag gising. Nang nagising siya ay agad siyang pumuna sa pintuan para i-check kung bukas na ba ito. Idinikit niya pa ang kanyang tainga doon at siguro ay narinig niya ang ingay nina Erin kaya siya nag sisigaw.

“Erin! Erin! Buksan niyo na!” Aniya.

“They won’t open unless we’re cool.” Sabi ko, pinapanood siya.

Bumaling siya sa akin. Her straight her is kinda tangled. Ngumuso ako. Cute.

“We’re cool right?” Aniya sa akin bago bumaling sa pintuan. “Erin, maayos na kami ni Elijah!” Sigaw niya.

“Tologo?” Nanunuyang sigaw ni Erin pabalik.

“Pagsalitain mo naman si Elijah, Klare. Baka pinatay mo na diyan!” Tumatawang sigaw ni Azi.

“Well, I’m enjoying it here so I won’t mind!” Sigaw ko pabalik.

“See? Maayos na kami!” Ani Klare at kinalabog ang pintuan.

Pinagbigyan siya ng mga pinsan ko. Binuksan nila ang pintuan. I’m disappointed though pero dahil kumakalam na ang sikmura ko at kailangan nang kumain, lumabas na rin ako.

Pinapanood ko siyang nilalagyan ng peanut butter ang bread sa malapad na dining table nila. Nakaupo sina Damon, Azi, at Claudette doon. Si Rafael, Erin, Josiah, at Chanel ay nasa sala at doon kumakain habang naglalaro ng Blur.

Tinanggal ko ang t shirt ko at agad nang dumiretso sa dining table. Gusto ko ng bread at bacon. Tumayo ako sa gilid ni Klare at pinapanood ko siyang kumakain nong peanut butter sandwich na ginawa niya.

“So you two good?” Ani Azi.

Kumuha ako ng bread at bacon. Nilagay ko ang ilang pirasong bacon at ham bago pinatungan ng isa pang bread.

“Yeah.” Sabi ko at nilingon si Klare.

Naabutan kong tumitingin siya sa aking katawan. Nanlaki ang mga mata ko. Nagtama ang mga mata namin at kitang kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi at pag iwas niya ng tingin sa akin.

“Right, Klare?” Halos natatawa kong tanong.

Dammit, couz. I don’t like this but I can’t help it!

“Yuh, Azi. We’re cool.” Ani Klare at tumayo para umalis, hinarangan ko kaagad siya.

“Pass the milk for me, baby…” Malambing kong sinabi sabay turo sa isang karton ng gatas malapit kay Claudette.

Hindi siya makatingin sa akin. Sobrang lapit ng katawan namin. I think she’s intimidated or something. Kinagat niya ang kanyang labi at bumaling kay Claudette. Baby, I like it when you bite your lower lip. Hindi ako tumatawag ng endearment at hindi ko alam kung bakit ang sarap niyang tawaging ganon.

“Okay, Elijah.” Ani Klare at kinuha ‘yong karton ng fresh milk.

“Thanks.” Sabi ko sabay kuha nito.

“Buti naman. Baka ikulong nila ulit kayo sa kwarto.” Ani Damon.

Hindi parin ako umaalis sa pagkakaharang ko kaya wala siyang nagawa kundi umupo ulit. There, Klare. You effing stay there. Kung nasan ako, nandon ka. This is fine with me. Hindi ko alam kung pinaplastik niya ako o ano para lang matapos ‘yong gusto nina Erin at Chanel but I’m loving it. I sweat if she’s just pretending, then it’s alright with me. Kahit na ako ang masasaktan sa huli, it’s okay. It’s okay. Temporary happiness is okay with me. Because forever is too much to ask. Because hell will rejoice and heaven will cry if I push it.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: