Until Forever – Kabanata 12

Kabanata 12

Let Go

Hindi ko alam kung kakalimutan ko ba itong nararamdaman ko o hahayaan na lang. Siguro naman ay mawawala din ito. I’ve been a jerk to so many girls but I don’t wanna be a jerk to Gwen. Mabait siya at hindi siya nagger sa relasyon naming dalawa. She’s a cool girlfriend and I’m lucky to have her around.

Iniisip ko pa kung sisiputin ko ba ‘yong mga pinsan ko ngayon na nandoon at nagpapasukat ng mga gown nila para sa nalalapit na fine dining. I tried to shut my eyes as I kissed Gwen playfully. One of my hands was at the back of her neck urging her to kiss me deeper.

This isn’t our first time pero palala na yata ako ng palala. Hinawakan niya ang dibdib ko. We’re inside her room at madalas na wala ang parents niya kaya nagagawa namin ito.

“Bakit?” Tanong niya nang hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa dibdib ko.

Magulo ang kanyang buhok at pulang pula ang kanyang labi dahil sa mga halik ko. Tumayo agad ako kahit hinahabol ko na ang aking hininga.

“I… I need to go… Hindi ako pwedeng mag tagal.” I said.

Yes, I frigging need to go! Lalo na pag ‘yong labi ni Klare ‘yong naiiisip ko tuwing naghahalikan na lang kami. Ganito na nong una ngunit hindi kasing grabe ngayon. Instinct ang pag pipikit ko at magsimulang mag isip sa mukha, labi, at katawan ni Klare. I am literally going insane!

Hindi ako pwede dito at hindi rin naman ako pwede sa mga pinsan ko, edi saan ako pupulutin?

“Bakit?” Kumunot ang kanyang noo at tiningala lang ako.

“‘Yong papalapit naming game, kailangan naming maghanda para don.” Sabi ko.

Tumango si Gwen at ngumiti. “Sineseryoso mo talaga ‘yan, a.”

Hindi ko alam kung paano ako nakawala sa kanya. Tumawag muna siya ng mga kaibigan para masamahan siya sa kanilang bahay bago ako umalis.

I parked my car outside Spike’s house. Ngunit bago ako tuluyang nakalabas ay nakita ko siyang lumalabas ng kanilang gate.

“Timing!” Tawa ni Spike sa akin. “Anong ginagawa mo dito?”

“Aalis ka?” Binalewala ko ang tanong niya.

Nagkibit balikat siya. “I’ll steal Dette. Nasa… pagawan sila ng gowns ngayon, diba?”

“May sasakyan ka?” Tanong ko.

“Wala, e. May ibibigay lang naman ako kay Dette tsaka aalis din. Magpapadesign ako ng tattoo kay Will.” Aniya.

“Magpapatattoo ka?” Tanong ko at biglang naisip kung magpatattoo din kaya ako.

“Pagka April, pag balik ko ng US.” Sagot niya at walang pag aalinlangan siyang pumasok sa sasakyan ko.

We are both Grade 11. Hindi ko alam kung may rule ba sa school tungkol sa pagpapatattoo o wala. Siguro ay kung mag papatattoo man ako, pagka college ko na lang.

Pumasok rin ako sa loob. “So where am I taking you? Ginawa mo akong driver.”

“Don sa pinagawan nila ng gowns, of course. Why are you here by the way?” Nanliit ang mga mata niya.

“Wala. Gusto ko lang tumambay.”

Yeah right and now pupunta na naman ako malapit sa kanya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero I think it’s useless to avoid her. We’re cousins and I don’t think I could ever avoid her fully. Talagang may mga panahon na ganito.

Tumikhim si Spike at napalingon ako sa kanya. Tinawanan ko dahil pakiramdam ko ay may malaking problema ito.

“You think pag nagpatattoo ako ng Claudette, mag fi-freak out siya?” Aniya.

“Bakit mo ipapatattoo ang pangalan ng pinsan ko?” Tanong ko at hindi siya sumagot.

Humahalakhak na lang ako habang pinapark ang sasakyan sa tapat nong shop ng isang sikat na designer sa buong Cagayan de Oro.

“That’s a permanent thing. We’re just high school, Spike. Pag ipapatattoo mo ‘yan at mag bago ang isip mo sa kanya some time, baka pagsisihan mo. Or maybe you’ll despise that tattoo pag ikaw naman ang makalimutan niya.”

Wala na ulit siyang sinabi dahil sa sinabi ko. Inisip kong nag iisip siyang mabuti. Nang nakalabas kami ay sinabihan niya lang ako na bulungan ko si Claudette na nandon siya sa labas. Tumango ako at dumiretso na sa loob. Pagkapasok ko ay umalingawngaw agad ang tawanan ng mga pinsan ko habang nagsusukat si Azi ng kanyang suit.

“Kuya, you are so vain. Marami ka namang suits sa bahay. Bakit nagpadesign ka pa?” Narinig ko ang sinabi ni Claudette.

Nakikita ko si Klare sa gilid ng aking mga mata ngunit hindi ko siya pinansin. Diretso ang tingin ko kay Claudette. I need to do something for that puppy lovesick cousin of mine.

“THE Elijah Montefalco is here! We were just talking about you!” Sabay tawa ni Damon.

Umiling ako at tinawanan na lang sila. Dumiretso ako kay Claudette. Nanlaki ang mga mata niya nang bumulong ako. “Spike’s outside.”

Tumango siya at walang pag aalinlangang lumabas.

“Ayos ba, Ej?” Tanong ni Chanel sabay turo sa suit ni Azrael.

He posed like a UFC fighter. Halos maiyak ako sa tawa. “Okay na ‘yan.” Sabi ko ngunit natigil ako sa pagtawa nang narinig ko ‘yong munting boses ni Klare, kausap si Erin.

“‘Yong kulay pink na suot na gown ni Gwen Ramos noon. Gusto ko ‘yon. Kaya medyo hawig ‘yong pinagawa ko.”

Nalaglag ang panga ko. Did she mention my girlfriend? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano.

“Oh yeah? Saan mo nakita ‘yong suot ni Gwen?” Tanong ko na kahit ako ay hindi ko maaalala.

“Facebook, of course, duh!” Sabay irap niya.

“Patingin ng design ng gown mo?” Sabi ko at hindi ko mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking labi.

I saw her blush. Hinawakan niya ng mahigpit ang papel na may sketch ng kanyang gown. Oh damn, she’s so cute. She’s too cute!

“Hmmm, Elijah… Mag aaway na naman kayo.” Narinig kong sinabi ni Erin.

Hindi ko na marinig ang tawanan nina Josiah at lahat ng mga sinasabi nila tungkol sa akin. Tiningnan ko lang si Klare na mahigpit ang hawak doon sa sketch. Kinuha ko iyon sa kanyang kamay at mas lalong pumula ang kanyang pisngi. Sinubukan niyang kunin ulit iyon mula sa akin ngunit di niya magawa.

“Elijah!” Sigaw niya habang tinataas ko ito.

Hanggang leeg ko lang siya kaya hindi niya talaga maaabot.

“Ayan na naman!” Frustrated na sinabi ni Josiah.

“I just wanna see. Kung hawig ba talaga nito ‘yong gown ni Gwen!” Paliwanag ko at lumapit siya sa akin.

Hinawakan niya ang aking dibdib at ang isang kamay ay pilit na inaabot sa ere ang design. Nanlaki ang mga mata ko. She smells so good. Pakiramdam ko ay maaadik ako sa kakaamoy sa kanya.

“Where’s Dette?” Biglaang sinabi ni Azi. “Tumakas na naman? Shit! Patay ako kay Kuya Knoxx!”

“Elijah!” Sigaw ni Klare sa akin. Pumikit ako at agad na lang binaba ang design. Gulat na gulat ako sa reaksyon ko sa isang haplos niya. Nanghina ako. Napaupo ako sa sofa at hinayaan siyang mag maktol dahil sa ginawa ko.

“Idol ni Klare si Gwen in terms of fashion sense. Hayaan mo na, dude.” Bulong ni Damon sa akin.

Hindi ko talaga alam kung matutuwa ako o hindi. Iyong iniisip na gusto ni Klare na maging si Gwen ay nagpapabaliw sa akin. Hindi ko alam kung normal o may katuturan pa ba itong logic ko pero patuloy kong iniisip iyon.

Nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Pinaglalaruan ko ang lowerlip ko at nakita ko kung paano mas lalong pumula ang kanyang pisngi at nag iwas ng tingin sa akin.

“Tara Erin, hanap pa tayo ng designs don.” Sabay turo niya sa malayong table ng designer.

Kinaladkad niya si Erin doon. At wala akong ibang maisip kundi siya. Fuck! Fuck ano ‘tong ginagawa niya sa akin? For whatever reason, I needed to leave this suffocating place. Cuz I’m pretty sure I want her. I want her so bad. And I’m scared that I don’t care if she doesn’t want me back. I don’t care about her opinion of me. I don’t care if we don’t feel the same. Alam kong masama ito. Masamang masama. She’s my cousin and we can’t be possible.

This crappy feeling is going to kill me soon. I need to sort this. Gusto ko si Klare dahil pinsan ko siya. To want her that bad isn’t a ‘good cousin’ thing to do. I need to set limitations. I need Gwen to wake me up from this crazy thoughts pero hindi ko na siya kayang halikan ngayon. I am being a dysfunctional boyfriend. Hindi ko siya pinapabayaan pero alam ko sa sarili ko na ginagawa ko na lang ito because I don’t wanna be an asshole. She’s been good to me.

“Gayahin mo si Elijah, pag nakikita ng mga babae, agad nang hinuhubad ‘yong mga panty!” Humagalpak si Josiah.

Minura ko siya. Ayan na naman sila ni Azi.

“Dude, pang pakalma ito bago ‘yong game. Ano ka ba!? Ang KJ nito! Eh, naabutan kita nong isang araw na nanonood ng porn-“

Pinutol ko si Azi. “Shut up!” Sabi ko habang nagsusuot ng sapatos.

“Kasali ka sa first five kaya dapat lang na kalmado ka. Mukha kang tensed.” Ani Josiah sa akin.

“So we feed him porn.” Dagdag ni Azi.

“Tumigil nga kayo!” Sabi ko.

“Sobrang pavirgin nitong si Elijah.” Tawa ni Rafael. “Masyadong masekreto. Ano naka score ka na ba? Isang buwan na yata ang nakalipas mula nong nag anniversary kayo ni Gwen ah?”

Umirap ako sa kanila. Kahit na gusto kong patulan ang mga sinasabi nila ay hindi ako nagpadala.

“I’m not tensed. Shut up.” Sabi ko at binalewala ang panunuya nila.

“Si Elijah na ‘yan. Kayang kaya ‘yong game. Track and Field, Chess, Football, Swimming, Frisbee, Sword Swallowing, kayang kaya.” Sabay taas baba ng kilay ni Azi.

Umiling na lang ako sa kanila hanggang sa sobrang saya ni Azi dahil sumisigaw ang mga tao ng “Montefalco” sa buong gym. Sumipol siya nang papasok kami. Nakataas ang dalawang kamay bilang pagbati sa lahat ng isinisigaw ang apelyido niya.

“Kita mo ‘yan? ‘Yang mga sumisigaw na ‘yan?” Ani Damon. “Ganyan ka rami ang naging girlfriend ni Josiah!”

Nagtawanan kami. Madali kong nahanap sina Gwen. May dala kasi silang banner at medyo maingay sa hiyawan iyong mga kaibigan niya. Ngiting ngiti siya. Nginitian ko rin at mas lalo lang silang nagsigawan. Sa baba ay naroon ang mga pinsan kong ni walang reaksyon sa paglabas namin. Naka takip pa ng tainga si Klare sa sobrang ingay. Nag iwas ako ng tingin.

Calm down.

Nagsimula ang laro at ilang beses naka score si Rafael. Sinabi na ni Knoxx na wala sila ngayon dahil may laro sila kasama ni Hendrix Ty sa Davao. Iyong team B lang ng varsity team ng XUHS ang nandito at sigurado na ang panalo namin. Si Eion Sarmiento lang ang natira at naiiirita ako dahil pakiramdam ko ay minamaliit nila kami. Seriously? Talaga bang inisip ng XUHS na mananalo sila na si Sarmiento lang ang meron?

Tinambakan namin siyempre ang XUHS. Easy win. But Azi was so proud kaya nahawaan na tuloy kami sa kanyang kasiyahan. Nagawa pa niyang umakyat sa bleachers para kausapin iyong mga babaeng may dalang banner ng pangalan niya. Pumunta din ako doon para salubungin si Gwen. Nakita ko ang nanlalaki na mata ni Klare habang papalapit ako. Tumitig siya sa akin at kinabahan naman agad ako. Umiwas ako ng tingin at dumiretso na ako kay Gwen.

Pinulupot ni Gwen ang kanyang braso sa aking leeg. Nginitian niya ako at hinalikan ng ilang beses sa labi. “Congratulations! I love you, Ej.” Aniya.

Walang kumakantsaw dahil abala din sila sa kani kanilang mga babae.

“Congrats! Kahit nanalo kayo dahil wala ‘yong Ty at si Kuya Knoxx.” Ani Claudette nang nakalapit na si Azi.

“Shut up, Dette dette. Kahit nandito sila, talo sila.” Ani Azi sabay akbay sa kapatid niya.

Naabutan ko ang titig ni Klare sa kamay kong nasa baywang ni Gwen. Ano ang ibig sabihin niyan, Klare?

“Biyernesanto, Klare?” Sabi ko, puna sa kunot niyang noo. Agad na kumawala ang titig niya sa kamay ko. You better have a good answer for this.

“Oh! Natalo natin ang crush niya.” Asar ni Azi.

“Nasiko ko pa. Pero di ko ‘yon sinasadya.” Totoo naman.

Matalim niya akong tinitigan at agad na sinabing ayaw niya sa mga dirty players. Pinaliwanag ko naman na nangyayari iyon sa mga laro ngunit hindi niya ako tinigilan.

“It’s part of the game, Klare!” Napabitiw na ako kay Gwen dahil sa pagtatalo namin.

“Elijah’s right, Klare. Ilang beses na rin siyang nasiko. Nasaktan na rin siya.” Singit ni Gwen.

I clenched my jaw. Dapat ay hindi na lang nagsalita si Gwen. Away namin to at sigurado akong magagalit si Klare.

“Of course.” Sarkastikong sinabi ni Klare at agad nang nag walk out.

Ngayon galit siya dahil nakisali si Gwen. Tumikhim ang mga pinsan ko. Nagkibit balikat si Erin.

“We’ll, she’s pissed. Ikaw naman kasi, Ej. Sinisiko mo si Eion.” Ani Erin.

“Hindi ko ‘yon sinadya!” Sabi ko. Damn, sana di ko na lang pala ‘yon sinabi!

Kitang kita kong naglalakad siya palabas. Hinaplos ko ang siko ni Gwen bilang pagpapaalam at agad kong tinakbo iyong distansya sa pagitan namin ni Klare.

“Hey…” Sabi ko habang mabilis siyang naglalakad. “Hey, Klare!”

Hinawakan ko ang braso niya at hinarap ko siya sa akin. She looked so pissed and I’m scared and excited at the same time.

“Aray, ano ba? Gusto ko lang bumili ng pagkain sa labas.” Paliwanag niya nang hindi ako tinitingnan.

Liar. “What’s your problem with Gwen?”

Nanlaki ang mga mata niya. Bull’s eye. I asked her this several times at palaging ganon ang reaksyon niya. She liked Gwen’s fashion sense but she never liked Gwen around. Hindi ko iyon maintindihan. Buong akala ko ay magkakasundo sila pero palagi siyang badtrip at umaalis pag dala ko si Gwen kasama ang mga pinsan ko. This is I think the third time she got pissed and this is definitely the worst.

“Bitiwan mo ako!” Sabay piglas niya sa kanyang brasong hinahawakan ko parin hanggang ngayon.

No, Klare. You answer me. Answer my goddamned question. Wag mo akong baliwin ng ganito! If you’re pissed because you don’t like her for me, answer it like you own this place, like you own every single fiber of me. Where is your Hitler mode? I wanna see it! I wanna feel it so bad!

“What’s your problem with my girlfriend, Klare?” Mas mariin kong sinabi at inilapit ko ang mukha ko sa kanya.

“Aray, Elijah, nasasaktan ako.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Nasasaktan siya? Nasasaktan siya sa amin ni Gwen? No, Elijah. Nasasaktan siya sa pagkakahawak mo sa kanyang braso. Nakita kong hindi maka focus ang mga mata niya. Tinitingnan niya lang ang kamay ko. I want her to look at me. Why can’t she look at me? I want her piercing eyes to look at me!

“What can I do to stop the pain?” Malumanay kong sinabi.

Nag angat siya ng tingin. Maamong maamo ang kanyang mukha. Kinikilabutan ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Gustong gusto ko siya. Gustong gusto kong mapalapit sa kanya. Gustong gusto kong malaman niya ‘to.

“Let go.” Aniya sabay bagsak ulit ang tingin sa aking kamay na nakahawak sa kanyang braso.

“Let go of who?” I want her to demand. Gusto kong utusan niya akong itigil na ‘yong sa amin ni Gwen dahil ayaw niya, dahil nasasaktan siya. Baliw ako para gustuhin ang kahibangang ito. But that’s all I want right now. “Let go of who, Klare?”

Nanghina ako at agad ko siyang pinakawalan. Nanghihina ako dahil sa takot. Gusto ko siya pero hindi ko alam kung magugustuhan ko ba ang isasagot niya. Alam ko sa sarili kong guni guni ko lang ang lahat ng ito. Na sa sobrang pagkagusto kong may maramdaman din siya para sa akin ay ginagawan ko na ng meaning ang lahat.

Pinipiga ang puso ko habang pinapanood siyang lumalayo sa akin. What can I do to keep her? Dahil sa pag aaaway namin ay lalo kaming nalalayo sa isa’t-isa. Should I stop pissing her off? But how can I stop doing that? Pakiramdam ko ay kahit iyong paghinga ko ay naiiirita siya.

How can we be normal cousins? Normal friends? I want that. Kahit iyon na lang. Dahil alam kong wala itong patutunguhan.

“Let go of the other girl, of course. Because I can’t let go of you.” Sabi ko. Hindi niya na yata narinig dahil tumakbo na siya palabas ng school.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: