Until Forever – Kabanata 11

Kabanata 11

Movie

Gwen is a nice girl. Masaya siyang kasama. Hindi tulad ng iba na agad may expectations sa unang pag uusap. Hindi rin siya nag tatago ng damdamin. Mahinhin ngunit hindi naman sobrang tahimik. Ang sarap niyang biruin dahil nagbibiro din siya pabalik. I like her.

She’s also straightforward. Nong sinubukan kong manligaw sa kanya ay hindi na siya nagpaliguy-ligoy.

“I like you, Ej. Hindi na kailangang manligaw. The feeling is mutual.” Aniya.

Napangiti ako. I really like her. Sa wakas ay nakahanap ako ng diversion sa ibang bagay. Hindi siya clingy. Nag titext lang siya kung mag titext ako. Naiintindihan niya naman kung hindi ako makareply. Hindi siya ‘yong tipong tulad sa mga naging girlfriend ni Josiah na nagwawala pag hindi makareply. Nakakatakot ang mga ganong klaseng babae. Freaks.

Pero mali ba pag mas lalo akong natutuwa tuwing naabutan ko ang busangot sa mukha ni Klare pag naaabutan niya akong nakangiting tinitext si Gwen?

Nakita ko siyang dumiretso sa kusina habang naglalaro kami ng Xbox sa kanilang sala.

“But seriously, Elijah. Nice taste talaga! Ganda ni Gwen Hazel Ramos. Di ko maipagkakaila. Gusto ko ang fashion sense niya.” Ani Chanel habang tinatalo si Rafael sa Need for Speed.

“Kung totoong mga sasakyan ito, kanina pa kita natalo.” Ani Raf kay Chanel.

Nilingon ako ni Chanel. Bumalik si Klare na may dalang mga donuts. Nilapag niya iyon galing sa box patungo sa malaking pinggan sa harap ko. Wala siyang imik. Pinagmamasdan ko siya habang maingat niyang nilalagay ang mga donuts.

“Yeah, interesado siya sa fashion. Mag fa-fashion design ‘yon sa Manila pagka college.” Sabi ko at nakita ko kung paano siya ngumuso.

Fuck those lips. Nag iwas agad ako ng tingin at hindi ko mapigilan ang pag angat ng labi ko.

“So, naka score ka na ba?” Biglaang tanong ni Azi habang kumukuha ng donut gamit ang tinidor. Ang arte ng kulugong.

And the hell, hindi ko sasabihin sa kanya kung naka score ba o hindi.

“Ikaw ang first boyfriend non.” Kumindat pa siya habang sinusubo ang nakaparteng donut gamit ang tinidor.

“Wala no.” Sabi ko sabay kuha ng donut gamit ang aking mga kamay.

Agad akong tinampal ni Klare sa aking mga kamay. Nanlaki ang mga mata ko.

“O, bakit? Galit ka kasi di ako naka score?” Nangingiti kong sinabi.

“Gumamit ka ng tinidor! Your hands are dirty!” Umirap siya sa akin.

Tumawa ako. “You are overreacting. This is how you eat donuts.” Sabi ko.

Nanginginig ang kamay niya sa irita habang inaabot sa akin ang tinidor at platito. She’s effing serious! I can’t believe it! Mas lalo lang lumaki ang ngisi ko.

“This is my house. You follow my rules.” Aniya at agad na nag martsa patungo sa kusina.

“Wow!” Sabay tingin ni Josiah kay Klare na nagmartsa patungo doon. “Galit na galit talaga siya.”

Hitler marking her territory. What a pain in the ass!

“Elijah, ano ba ‘yang away niyo ni Klare, paliit nang paliit ‘yong mga dahilan.” Ani Cladudette.

“Pinapatulan ni Elijah. Siya ‘yong mas nakakatanda. Alam mo namang mainit ang dugo ni Klare sayo.” ani Erin.

“What? Dahil ako mas nakakatanda, ako dapat magparaya?” The hell.

“Madalas mong iniinis lalo, e.” Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Erin.

“E, naiinis din ako.” Sagot ko.

“Kung gusto mo kasing magkabati kayo, dude, ireto mo siya don sa crush niya. Just please her or something…” Ani Damon habang namimili ng sasakyan sa Need for Speed.

I please her every damn time at hindi niya iyon nakikita. Pinasadahan ko ng tingin ang mga pinsan kong kahit na nagsasalita ay mukhang walang pakealam. Si Azi ay kumakain lang ng donut gamit parin ang tinidor. Si Claudette ay babad sa cellphone. Si Rafael ay hinihilig ang ulo sa upuan. Si Chanel ay namimili din ng sasakyan sa laro. Si Erin at Josiah na parehong tinatanggalan ng Kitkat ang mga donut na may Kitkat flavor. Wala silang iniisip na mali.

Pero alam kong may mali sa akin. Alam na alam ko nong una kaya ko iniwasan. And I’m afraid that I’m doing these things just to get over it. It’s wrong to feel something for her. It’s wrong to dream of her. It’s wrong to think about her, her lips, her cheeks, her collarbones, her neck, her legs, and even the way she flips her hair. This is all wrong.

I’m pretty sure I’ll get over this, though. Siguro ay ganon lang ang type ko. Sinubukan kong mag date ng medyo may hawig pero bakit wala akong ibang maramdaman?

Humagalpak sa tawa si Gwen nang hindi niya matanggal ang kanyang seatbelt. “Sira ba ‘to o talagang di ako marunong?” Aniya.

I used one of our cars for our dates. Hindi pa naman pwede pero marunong na akong magdrive at hindi naman ako nahuhuli. Dad’s okay with it too. ‘Yon nga lang, kailangan ko na ring kumuha ng license talaga para mas safe.

Sasamahan kong mag shopping si Gwen ngayon. Lagi niyang ginagawa ito. Nakakatamad nga tuwing namimili siya. Inaantok ako pero pinagtyatyagaan kong sumama. This is my diversion. Kung wala din kasi ako dito baka mas lalo lang akong mabaliw sa kakaisip.

“Hindi ka marunong.” Sabi ko habang tumatawa. “Akin na nga.”

Hinawakan ko ang lock ng seatbelt sa gilid niya at sinubukan ko itong kalasin ngunit hindi ito natanggal. Nagtawanan kaming dalawa.

“Mahirap lang talaga ‘to.” Sabi ko at buong lakas na sinubukan ulit.

Nakalas ko ito at agad nag angat ng tingin sa kanya para magyabang.

“See?” Nakataas ang kilay ko ngunit naabutan ko siyang nakatitig sa akin.

She’s really pretty and hot. Simple at elegante ang suot niya at hindi rin siya makapal kung mag make up. Kulot kulot ang kanyang buhok para sa araw na ito. Bumaba ang tingin niya sa aking labi.

I’ll kiss her right now. Sasalubungin ko na sana ang labi niya nang biglang tumunog ang cellphone ko. Fuck. Bad timing.

“Sagutin mo.” Aniya sabay lingon sa harap. Natatanaw namin ang parking lot ng Rio, ‘yong paborito niyang mall.

Dinampot ko ang cellphone kong maingay na tumutunog. Nakita kong si Azi iyon. I’m gonna kick his naked ass if he called for nothing.

“Ano?” Naiinis kong salubong.

“Elijah, asan ka?” Aniya.

“Nasa Rio. Bakit?” Kumunot ang noo ko at napatingin sa labas.

“Are you busy? Kasi ako, busy ako. You know… and uh, busy silang lahat. Raf’s with someone. Dame’s out of town. Josiah’s with his girls. Knoxx is busy with his papers Erin’s with her boyfriend. Chanel’s with her boyfriend. Dette’s with her pet-“

“Tinatawag mo bang pet si Spike?” Agad kong sinita.

“Basta, dude. Busy silang lahat. Ikaw? Busy ka?”

“Busy ako!” Sabi ko kaagad. Hindi ko alam kung bakit pinapatagal ko pa ang usapang ito.

“Kasi hindi ko naalala! May usapan kami ni Klare ngayon na manonood nong gusto niyang movie. Nasa Centrio na yata siya, naghihintay sakin. Eh, busy ako. Walang sisipot sa kanya. Nakita ko sa post niya sa Facebook na may tickets for two na siya para sa movie at may caption na “Waiting for-“

“Wait! What? Kayong dalawa lang ang manonood?” Halos napasigaw ako. Nilingon ko kaagad ang nakatitig sa akin na si Gwen.

“Yeah. Actually, lilibre niya ako kasi natalo ‘yong team niya sa Sochi. So… yeah! Nakalimutan ko.” Halos takot na sinabi ni Azi.

“Fuck you, dude! Just fuck you! Iniwan mo siya!” Fuck! Ang swerte na nga! “What do you fucking want me to do now? Kausapin siya para sayo? Coz your ass is gonna shit bricks if you’ll ask me that. Alam mong bad shot ‘yon sa akin.”

Nakita ko ang pag kunot ng noo ni Gwen sa akin.

“Mapupuntahan mo ba siya? Kayo na lang manood ng movie.”

Hindi ako nakapagsalita sa gulat. Nakatingin ako kay Gwen at ang tanging naisip ko na lang ay ang mga plano ko kung paano ako pupunta ng Centrio ngayon nang hindi natatraffic. Walang pag aalinlangang pupunta ako don. Kahit sa gitna pa ng date namin ni Gwen. Kahit sa gitna ng kahit ano, I will be there.

“Okay.” Sabi ko kay Azi.

“Di ko na siya ititext na ikaw ang pupunta. I’m sure, pag malaman niya, uuwi ‘yon at mas lalo siyang magagalit sa akin.” Ani Azi.

“Saan siya exactly sa lugar?” Tanong ko.

“Taters? Naghihintay na siya sa akin.” Ani Azi.

“Okay.” At agad kong pinutol ang linya.

Tumikhim ako at umiling. Nakita ni Gwen ang ekspresyon ko at agad siyang nagtanong sa problema.

“May kasalanan si Azi na kailangan kong linisin. I need to go.” Sabi ko. “I’m sorry.”

“Uh, okay. May inindian ba si Azi?” Tanong niya.

“Si… Klare.” Nag aalinlangan kong sinabi.

“Ah! ‘Yong pinsan mo lang pala. Sure. I’ll… We’ll just text?” Natataranta siya habang hinahanap ang door handle para makalabas doon.

“Sure.” Sabi ko. “I’m sorry, Gwen.”

Ngumiti siya at hinalikan niya ako sa pisngi.

Hindi na ako nagpaliguyligoy pa. Diretso na ang pihit ng sasakyan ko para makaalis doon. This is Klare Montefalco you are talking about. Lahat ng pagdududa ko sa aking sarili ay narealize ko rin sa limang minutong byahe patungong Centrio Mall.

This is crazy but I’m willing to be right next to her. Kahit na may importante akong mga lakad. Nagdududa na ako sa nararamdaman ko para sa kanya. I hate her and she hates me too but damn pakiramdam ko ay kaya kong iwan ang kahit ano para sa kanya. Hindi ko maintindihan pero galit ako sa kanya dahil hindi niya ako mapansin. Langit na sa akin ang mapansin ko niya, kahit sa gilid lang ng kanyang mga mata. And I’m scared of this shit of a feeling.

Pagkasarado ko ng pintuan ng Silverado ay agad kong tiningnan ang mukha ko sa salamin. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri. Binuksan ko ulit ang pintuan at agad akong nagpabango. Naghanap ako ng kahit ano sa drawer. I found one pack of Fisherman’s Friend. Okay na ‘to. Kumuha ako ng isa at nilagay iyon sa bibig ko. What the fuck am I doing?

Sinarado ko ulit ang pintuan at nagmadali na sa elevator. Halos takbuhin ko galing elevator patungong Taters. And I saw her there… Lumilinga linga siya sa paligid at panay ang tingin niya sa kanyang cellphone. Nakalugay ang buhok niya at kitang kita ko kung paano siya lingunin ng mga lalaking dumadaan.

You wish, dude. I’m her date for today.

What, Elijah? Talaga lang ah?

Kabado ako palapit sa kanya. Namamawis ang kamay ko at iritadong iritado ako sa sarili ko. I’ve never been this nervous around a girl. What’s the big deal?

“Klare.” I cleared my throat to catch her attention.

Bumaling siya sa akin at nakita ko kung paano siya nagulat. Tumingin siya sa likod ko at nang walang nakitang iba ay bumaling ulit siya sa akin. “Ginagago ba ako ni Azrael?”

I wish I can say yes para sila naman ang mag away pero ayoko rin naman. Maiirita lang ako pag sila ang nag aaway. Gusto ko ako. Gusto kong ako ‘yong kasundo niya, ako rin ‘yong kaaway niya, ako ang lahat!

“Hindi. Uh, you, I think you may call him.” Nanginginig ang labi ko habang kinakausap ko siya.

Luminga ako para maghanap ng kung ano. Abala na siya sa kanyang cellphone. She’s mad and I’m scared. The fuck.

“Klare, anong gusto mo? Popcorn? Burger? Drinks?” Sabi ko habang tumitingala sa Taters. Anything just to calm her nerves.

“Azi! Bakit si Elijah ang nandito? Ayoko! Uuwi na lang…” Umalis siya para hindi ko siya marinig.

Napalunok ako. Pakiramdam ko ay sobrang ayaw niya sa akin. Pinipiga ang puso ko. Ayaw ko rin sa kanya pero hindi naman ganon na nabubwisit ako tuwing nandyan siya. In fact, I’m more conscious around her. In fact, I want her to notice me so I act like a complete bastard everytime she’s near around.

Umorder na ako ng dalawang popcorn at drinks na rin. My heart is aching physically. Hindi ko alam kung ito ba ang unang beses kong naramdaman ito o naramdaman ko na ito noon pero siya parin ‘yong dahilan. Siya lang talaga ang makakasakit sa akin ng ganito.

Hinintay ko siyang matapos na makipag usap kay Azrael. Tumayo lang ako sa malayong likod niya. Ginugulo niya ang kanyang mataas na bangs at kita ko kung paano iyon bumabagsak sa bawat panggugulo niya.

Bumaling siya sa akin at natigilan bago binaba ang cellphone. Nilapitan niya ako.

Lumunok ako. “Are we going to watch that movie?” Hindi ko maitago ang tabang sa aking boses.

My heart is racing so fast. Fuck this is so gay. Hindi ko kayang marinig ang sasabihin niya. Tiningnan niya ang dala kong popcorn. Huminga siya ng malalim at yumuko.

“Let’s go. Sayang pera ko.” Aniya at agad akong tinalikuran.

“I can pay you. Sorry, pinagbayad ka ni Azi.” Hindi ko mapigilan ang sarili ko at hindi ko rin mapigilan ang sayang nararamdaman ko.

“Okay lang. Natalo ako.” Wika ni Klare.

Sinusundan ko siya nang binigay niya ang ticket sa babae at pumasok kami sa loob.

“It’s okay. Para di ka na gumastos.” Sabi ko at nilingon niya ako gamit ang kanyang matalim na tingin.

Oopps! What did I do? May nasabi ba akong mali?

“It’s for Azi. He’s a big asshole!” Umirap siya.

Napangiti ako at kumalma. She’s so adorable and I hate that I’m feeling giddy. I’m one lucky fucker. Salamat kay Azi!

Naglakad ulit siya papasok ng sinehan. Inisip ko tuloy kung masaya ba siya na ako ang kasama niya imbes na si Azi. Dream on, Elijah.

Umupo siya sa assigned seats namin. Umupo rin ako sa tabi niy. Nilapag ko sa tray ‘yong popcorn at drinks niya. Nilapag ko rin ‘yong akin. Malakas ang aircon. I wonder if she’s cold.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: