Until Forever – Kabanata 10

Kabanata 10

Hot and Cold

“Dude, stop it.” Ani Azi nang napag usapan namin si Klare dahil nakita ko siyang babad sa cellphone.

“Hindi, Azi.” Iritado ko siyang tiningnan. “Close kayong dalawa pero ba’t wala kang pakealam?”

Umirap siya at ginulo niya ang kanyang buhok. Para bang iritado siya sa pakikipag usap ko sa kanya. Kanina pa kasi ito may tinititigang babae at siguro ay kada lingon niya sa akin ay nawawala siya sa concentration doon sa babae. “May pake ako syempre. Unless gaguhin siya nong gagong ‘yon, tsaka ko siya bubugbugin. In the meantime, hayaan mo na lang siyang mag flirt. It’s a natural tendency… of a Montefalco… to flirt…” Putol putol ang salita niya dahil sa pagkakamangha sa babaeng tinititigan.

“What? Hindi siya pinapansin nong lalaking iyon? You think ayos lang na hayaan siyang gumawa ng first move sa lalaking iyon?”

Klare’s texting Eion now. Hindi ko alam kung sino ang nagbigay ng number o sinong naunang nag text pero hindi ko gusto ang nangyayari.

“Hindi siya gagawa ng first move, Elijah. Tsss. Palibhasa di mo kilala si Klare.” Wala sa sarili niyang sambit.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Azi. Hindi ako makapaniwala na sinabi ipinamukha niya sa akin iyon. I know Klare, of course! Pero ayoko lang talaga. Ayoko lang talaga!

“Dude, alis na ako.” Humalakhak siya sabay tapik sa aking likod.

Medyo iritado ko siyang tinapunan ng tingin. Namataan ko kaagad sa malayo si Roxanne. Iyong mahinhin, maganda, ngunit nerd na kaklase namin. “Fuck.”

Tumawa si Azi at huli na ang lahat para sumunod sa kanya. Ayokong makita ni Roxanne na iniiwasan ko siya. That would be rude.

“Hi, Elijah!” Bati niya bago pa ako nakapag iwas ng tingin.

“Hello, Roxanne!” Nginitian ko siya.

Kitang kita ang pamumula ng kanyang pisngi. At pag may Roxanne, may Glace. Maarteng inayos ni Glace ang kanyang eyeglasses nang sinalubong si Roxanne.

Here we go again. I hate this. I’d rather entertain sluts.

“May kasabay kang mag lunch ngayon?” Tanong ni Roxanne kahit na hinihila na siya ni Glace.

“Yeah. Mga pinsan ko.” Sabi ko at iginala ko ang mga mata ko sa paligid para maghanap ng pinsan.

“Oh! Akala ko mag isa ka na naman.” Matabang na sinabi ni Roxanne.

Nagkasabay kasi kami isang araw ng lunch. Kinausap ko siya at kinausap niya rin naman ako. Of course kakausapin ko, I’m not rude or anti-social. Kaya lang ang mga babae talaga, kinausap mo lang ng isang beses, iisipin nilang mauulit ulit iyon. Ayokong ganito ang isipin ni Eion para kay Klare. Kumukulo ang dugo ko. Ang kapal niya naman para mag isip ng ganon.

“Rox, tara na. Hayaan mo na ‘yan. He’s not even hot.” Ani Glace sa kanyang bestfriend.

Si Roxanne ang top sa batch namin at ang kanyang bestfriend naman ay isa sa mga top ding estudyante. Mas maganda si Glace, I admit it. Pero wala akong interes sa kanila. Gaya ng sabi ni Joss, may dalawang klaseng babae: ‘yong papayag na makipag fling, at ‘yong dadaanin mo pa sa bolahan para lang makuha. Pagkatapos ni Rianna, naireto na ako ni Kuya Justin sa dalawa pang babae. I’m glad they were both sport.

“Oh yeah? You might wanna check me out, Glacelyn.” Ngiti ko.

Nakita ko ang pamumula ng kanyang pisngi at pag awang ng kanyang labi. Nakita ko rin ang paglinga ni Roxanne sa aming dalawa. “Excuse me!” Inayos niya ang glasses niya.

Humalakhak ako. She’s panicking. Pataray taray pero ‘yon naman pala…

“Sabi mo di ako hot, diba? Bakit? Naramdaman mo na ba ako?” Nagtaas ako ng kilay sa kanya.

Napakurap kurap siya sa tanong ko. Humakbang ako palapit sa kanya. Napaatras ang kaharap kong si Roxanne.

“Tigilan mo nga ako!” Sigaw niya sa akin pero pulang pula parin ang kanyang pisngi.

Biglang nag walk out si Roxanne sa harap namin. Nilingon siya ni Glace pero bumaling din siya kaagad sa akin, namumula parin ang kanyang pisngi. Oopps, wrong move. Galit si Roxanne? Pinanood ko siya at inisip kong susundan niya ang kaibigan niya ngunit hindi niya ginawa.

“Are you trying to seduce me?” Nanliit ang mga mata ni Glace.

Nagkibit balikat ako at ngumuso.

“You will never win, Elijah. Kahit kailan, di ako maiinlove sayo!” Aniya at tumakbo palayo sa akin.

Sino ba ang may sabing maiinlove siya sa akin? Tss. Umiling na lang ako at umalis doon. Girls, minsan ang daling espellingin, minsan mahirap. Bahala na nga sila.

“Bwisit na bwisit ako sa pag aaway ni Glace at Roxanne! Nadadamay ‘yong dance troupe!” Iritadong sinabi ni Chanel pagkalipas ng dalawang linggo.

Nilingon ko siya at nagtaas ako ng kilay. Nakita ko ang mga mata niyang nakatoon sa akin.

“Sinong Glace?” Tanong ni Rafael.

“Basta, ‘yong bestfriend ni Roxanne. Nadadamay practices namin. Kaya kailangan naming mag practice sa bahay ngayong Sabado, imbes na sa school. Nandito kasi si Glace sa school at ayaw ni Roxanne na nandito rin siya. Kainis talaga.”

“Ba’t daw ba nag away? Ang hot nong Glace.” Ani Azi at nakita ko kaagad ang pag beso ni Klare kay Chanel. Kararating lang nila galing sa kanilang klase. Uwian na at nanlamig agad ako sa isasagot ni Chanel.

“Ewan ko ba kung sino ‘yong pinormahan ni Elijah at bakit nag away ang dalawa!” Iritadog sinabi ni Chanel.

Nilingon agad ako ni Klare.

“Wala akong pinormahan ah?” Sinabi ko ‘yong totoo.

“Wala raw! Eh ang alam ko, umasa si Roxanne! May ginawang love letter sayo na sinira ni Glace dahil ayaw daw ni Glace sayo. Sabi ni Roxanne, ‘yong totoo ay may gusto si Glace sayo kaya ganon!”

“What the fuck? Seriously?” Iritado kong sinabi.

“Seriously! You slut.” Iling ni Chanel.

“Wala akong kinalaman diyan! Wala akong pinaasa at ewan ko bakit sila ganon-“

“You sound like Josiah. Shut it, Ej.” Ani Chanel at binalingan na agad si Klare at Erin sa kanyang gilid.

Panay ang mura ko kay Azi. Iiling iling lang si Azi sa mga mura ko. Ginagawa pa akong dahilan ng mga babaeng iyon. Nakakairita. This is why I like sport girls, hindi sila clingy at walang sabit na ganito.

“He did not reply? Ang kapal naman talaga ng mukha ng Eion na ‘yan!” Ani Chanel at humalukipkip.

“Ate, hindi ‘yan. May minimaintain na image si Eion na dapat ay suplado siya.” Ani Erin.

Hindi ko mapigilan ang makinig sa usapan nila. Gusto ko ring sumabat. Hindi ko na tuloy napigilan ang sarili kong magsalita.

“He’s not worth your time. He’s probably an asshole who likes hot girls, that’s why.”

Nakapamaywang akong hinarap ni Erin. “You mean hindi hot si Klare, ganon?”

Bullshit! Nalaglag ang panga ko. Matalim akong tinitigan ni Klare. You wanna be called hot? Really?

“Hindi siya tulad mo, Elijah kaya wag mo siyang igaya sa’yo!” Malamig na sinabi ni Klare.

Kung makapagsalita ito ay parang ang sama sama ko na ah? Bakit niya pinaglalaban si Azi kahit na mas malupit naman itong mambabae sa akin? Humagalpak lang sa tawa si Azi sa gilid ko. The motherfucker is amused. “Yeah. Hindi siya gaya sa akin. If I were him, I would text you back.”

“Binabawi!” Tumawa si Damon.

“Dame, stop it. Mag aaway na namana ng dalawa.” Ani Chanel.

“Well that’s because you settle for just about anyone. Kahit sino basta babae, rereplyan mo!” Ani Klare.

FUCK! Saan ako lulugar sa logic niyang hindi ko maintindihan? Bwisit na buhay ito! “Hindi ka kahit sino kaya kita rereplyan!”

“Eh wala naman kayong number sa isa’t-isa kaya walang reply-ang magaganap.” Hagalpak ni Azi.

Susuntukin ko na talaga ang ilong ng isang ‘to.

“Eh, syempre pinsan mo ako. Crush ko ‘tong tinutukoy ko, hindi pinsan.” Umirap si Klare at niyaya si Erin na umalis.

Umalingawngaw ang tawanan ng mga pinsan ko sa gilid. I wanna throw something. Nanginginig ako sa galit at pagkakairita. Kinalabog ko ang mesa sa canteen dahil sa frustration. God, I hate this girl! Makakaisa din ako sa’yo!

Nang nag Sabado ay ni hindi ko naalala na may practice nga pala sina Chanel sa kanilang bahay. Kung ano man ang rason ni Josiah at nagyaya siyang mag jamming kami sa bahay nila ay nalaman ko kaagad iyon nang nandoon na ako. Simple, Roxanne was coming. They wanna see her reaction. At siguro para na rin makapang chics sa mga ka dance troupe ni Chanel.

“Hanep din talaga ‘yong si Cam. Binigyan pa ako ng sapatos!” Tumawa si Azi dahil don sa binigay na sapatos nong ex niyang hinawi ‘yong kamay niya nong nag thirdbase sila.

Tinanggal ko ang t shirt ko. Nag cacarwash kami ngayon sa bakuran nina Josiah. Kanina lang ay sinigaw niyang papunta na sina Chanel dito. Naisip ko tuloy kung kasama ba si Hitler sa kanila. Syempre, kasama ‘yon, dance troupe ‘yon.

“Cammy, darling, anong ibig sabihin nitong sapatos na ibinigay mo sakin?” Panunuya ni Azi.

Nagsimula nang humagalpak sa tawa si Damon. Binabasa niya na si Azi sa kanyang hose. Umiilag si Azi at ngumingiwi pag nababasa ng konti pero nagpapatuloy parin siya sa kanyang mga kwento.

“Gusto mo na bang ipasok ko ‘yong paa ko sa loob nito?” Ani Azi na siyang nagpahagalpak sa aming lahat.

Binasa ko na siya at panay ang mura niya sa akin.

“Tangina mo, Azrael. Nakakahiya kang pinsan!” Ani Josiah.

“Fucker!” Tawa ko.

“Tumahimik ka nga, Azi!” Saway ni Knoxx na hindi rin mapigilan ang tawa.

Nakita kong bumaba na ang mga girls sa sasakyang naghatid sa kanila. Sa labas pa lang ay kitang kita ko na ‘yong ngiti ng mga kasama ni Chanel sa amin. Huling bumaba si Klare. Nag iwas agad ako ng tingin. There she goes. Nakasuot na naman siya ng sobrang iksing shorts at spaghetti strap. Nakakairitang tingnan. Mag panty ka na lang kung gusto mo.

Tumunog ang gate nina Josiah at agad pumasok si Chanel. Sumunod naman iyong ibang taga dancetroupe. Nakita ko si Roxanne pero di ko na siya pinansin. Ayokong magkaroon kami ng issue. Ayoko ring umasa siya sa wala.

“Hi Girls!” Ani Azi habang pinaglalaruan ‘yong hose.

Natulala ako sa sasakyan sa harap ko habang binabasa ko ito ng tubig galing sa hose.

“Azi, mababasa si Klare.” Ani Knoxx.

Tumakbo si Klare sa takot na mabasa. Wala sa sarili kong tinapat sa kanya ang hose ko kaya imbis na maiwasan niya ay nabasa siya ng husto. Tumigil siya sa pagtakbo. Pumikit ang mga mata niya at pumula ang kanyang pisngi.

“Uh-oh.” Ani Joss.

“Tuwalya, Joss!” Sigaw ni Knoxx.

“Elijah!” Sigaw ni Azi sa akin.

Now you’re going to wear something decent. Hindi ko pinagsisihan ang pagbasa ko sa kanya. Sasabihin ko na lang kay Chanel na pahiramin niya ng mas desenteng damit. Binigyan siya ni Josiah ng tuwalya. Better!

“Anong nangyari, Kuya?” Lumabas si Claudette galing sa bahay at agad nalaglag ang kanyang panga.

Dumampot siya ng isang baldeng may lamang tubig at agad niya akong binuhusan. “HINDI KA MAN LANG NAG SORRY!” Pumikit ako dahil sa tubig at dumilat din agad pagkatapos niyang gawin iyon. Naramdaman ko kaagad ang lamig.

“I hate you so much! Wala kang modo!” Sinugod niya ako ngunit inawat siya ni Josiah.

Tinitigan ko siyang mabuti. Wala akong pakealam kung mag reklamo ka. Sirang sira na ako sa’yo, kaya wala akong pake kung ano ang sabihin mo ngayon.

“Mag sorry ka, dude. She’ll hate you.” Ani Azi.

“It’s okay. I won’t expect that she will love me anyway.” Malamig kong sinabi habang pinagmamasdan ang pag pasok niya sa bahay nina Chanel.

Hindi tulad ni Klare, mabilis na gumaan ang loob ng kapatid niya sa akin. Charles liked me a lot. Hindi ko alam kung bakit pero simula yata nong summer ay malaki na ang ngisi niya tuwing nakikita ako.

“Elijah, may bibilhin lang ako sa Robinsons.” Ani Tito Lorenzo nang nasa Rosario Arcade na kami.

Kumakain si Charles ng Belgian waffle at nakakatuwa ang mukha niyang punong puno ng chocolate.

“Okay po.” Sabi ko.

“Kunin niyo na lang si Klare sa Fit and Well ni Azi. Para pagkatapos ko, uwi na agad tayo.” Bilin ni Tito sa amin ni Azi.

He held on to my index finger while we walked. Panay ang tingin ko kay Charles habang dinidilaan niya ang chocolate sa kanyang labi. Si Azi ay walang ginawa kundi ang mag hanap ulit ng mga chics.

Namataan niya agad ang iilang kaibigan namin na kasama ni Klare sa gym. Nakita ko kung paano nag grind si Klare dahil sa hiphop na sinasayaw. Nag iwas agad ako ng tingin. Ang galing. Shit. Uminit ang pisngi ko. Gusto ko na lang umalis doon. Pumikit ako at halos pukpukin ko ang sarili kong ulo sa dahil sa gulo nito.

“Sinusundo niyo si Klare?” Tanong ni Lanie, isang schoolmate namin.

Nilingon niya ako at ganon rin ang mga kasama niyang kilala din naman namin. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanila.

“Oo. Nag grocery pa ang dad niya sa Robinsons kaya iniwan kami dito. Mamaya andito na ‘yon.” Ani Azi kay Lanie.

Sa gilid ng mga mata ko ay nararamdaman ko ang titig ng isa nilang kaibigan sa akin. Nag angat ako ng tingin dahil umalis si Charles sa tabi ko para magpa bukas nong Chuckie niya sa kanyang ate Klare na nasa gilid lang namin. Nakita ko kaagad ang mga mata ni Gwen na nakatoon sa akin.

“Ganoon ba? Lagi niyo ba siyang sinusundo?” Tanong ni Gwen sa akin.

Nakita ko kung paano umirap si Klare habang binibigay kay Charles ang Chuckie.

“Yup.” Sagot ko agad kahit na hindi naman ‘yon totoo.

“Ganon? Mukhang mapapadalas talaga tayo dito.” Kumindat si Gwen sa kanyang mga kaibigan.

She’s damn attractive. Maputi at mapupula ang mga labi. Nilingon ko si Klare at nakita ko kung paano siya umirap at nag walk out. What’s that? Why are you walking out? Are you finally affected?


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: