Until Forever – Kabanata 9

Kabanata 7

Alcohol

“Third Base, baby!” Kumindat si Azi kay Josiah.

Mag iisang taon niya nang iniisip na si Josiah ang pinaka kalaban niya sa aming apat. Wala rin akong pakealam kung iyon man ang isipin niya. This isn’t a competition.

Nagpatuloy ako sa pag inom ng protein shake. Tinatamad akong magsalita. Pinanood ko lang ang pag aasaran nila ni Joss at ang pagkakairita ni Damon sa kanilang dalawa.

“Ang problema sa’yo, Dame, naghihintay ka lang sa babae. Palibhasa, mabenta talaga ang mga bad boys. Tsss.” Ani Azi pagkatapos siyang tapunan ng masamang tingin ni Damon.

“Mas mabenta sa mga babae ‘yong walang pakealam.” Nginuso ako ni Damon.

Nagtaas ako ng kilay. “What’s up with you guys and these bases? Dude, we have girl cousins. How would you feel-“

“See?” Nagkibit balikat si Damon kay Azi.

Umiling na lang ako at di na dinugtungan ag sasabihin. This will just piss me off.

“Dude, I won’t let anyone touch any of our cousins. Lalo na siyempre si Dette Dette. Kung makapag salita ka ay parang sobra sobrang pagtatanggol ang ginawa mo kahit na ikaw naman ang nag bigay ng number ni Dette kay Spike!”

Binalingan ko si Azi. Hindi ko malaman kung galit ba siya o ano. “Hindi ako ang nag bigay kay Spike. Kung hindi si Claudette, baka kinuha ni Spike sa phone ko. I don’t know. Man, he plays dirty.”

“Kaya nga. Pinsan mo si Dette Dette, kapatid ko siya, alam mong gago ‘yong pumuporma sa kanya-“

“Yeah, yeah, I’m trying my best, Azi.” Sabi ko.

“Pag kay Klare may pumorma, tsaka ka lang nag wawala, e.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Azi. Bumaling siya kay Josiah at nagtawanan ang dalawa sa isang text na ipinakita ni Joss. I can’t believe it. Iyon ang pananaw niya sa akin? Iniisip niyang kay Klare lang ako protective? Protective ako kay Ate Yas but she doesn’t need my protection. Nagmana rin yata si Erin sa kanya. Protective rin kaming lahat ni Chanel but Raf’s willing to kill for her. Hindi na mapapansin ang pag aalala ko sa kanya. Hindi rin naman boy-magnet si Claudette. Yes, she’s pretty pero natatakot ang mga lalaki sa kanya dahil masyado siyang weird at tahimik. Klare’s intimidating but she knows how to converse with boys. And I swear to God, kung may kaaway man siyang lalaki, tulad ng pang aaway niya sa akin ay malamang hindi na makatulog iyong lalaki sa kakaisip sa kanya.

Pumikit ako at pinukpok ng marahan ang ulo ko. Damn this shit. What the hell is wrong with me?

Nagpatuloy ako syempre sa pag i-airsoft. It’s a pretty good diversion. Lalo na nitong mga nakaraang buwan. I needed that diversion.

“Finally, nakabawi!” Sigaw ni Azi at tinaas niya ang kanyang dalawang kamay para sumabay sa ingay ng audience.

Nanalo kami sa Semi Finals. Here we go again. Finale na naman sa tournament ang laban ng Knights at ang Crusaders, ‘yong team ng Ateneo. Panay ang kantyaw ni Knoxx kay Azi nong last game dahil ilang puntos lang ang nagawa niya at halos puro pasikat lahat. Bumawi siya ngayon kaya heto at panalo kami.

Inaayos ko ang sintas ng aking sapatos. Nagwawala na sina coach at ibang varsity players. Bumaba na rin ‘yong mga girls na nag cheer sa amin kanina.

Pinunasan ko ang tumutulong pawis sa noo ko at tinanaw ang mga babaeng papalapit. Lovely girls… Dinalaw ako ng kaba, damn… Kasi alam ko kaagad kung sino ‘yong naka plain white t shirt at faded shorts sa likod nila. Nagkunware akong hindi nakita ang mga pinsan ko.

“Ej, bilis na. It’s the last.” Ani Spike, punong puno pa ng pawis dahil sa laro namin.

Sila iyong kalaban namin ngayon. Kaya hindi rin ako masyadong kumbinsido kung nanalo ba talaga kami o pinanalo niya ang ego ni Azi para lang makuha si Claudette.

Tumango ako at pinagmasdan siyang lumalayo dala ang kanyang bag. Hindi siya sumabay sa mga nagluluksang teammates niya.

Nilingon ko kaagad ang mga pinsan kong babae at nakita ko ang mga titig ni Claudette sa kanya. Damn, he’s just probably plotting this one. Playing the ‘good wounded player’ para lang makuha ang atensyon ni Dette.

Tumayo ako at nilagay ang bag ko sa aking balikat.

“Elijah! Celebrate tayo sa bahay nina Coach!” Panimula ni Josiah.

Umiling agad ako. Nagtagpo ang mga mata namin ni Hazel, isa sa mga frequent texters ko na kaklase namin. “Can’t, Joss. I need to go.” Sabi ko.

“Saan ka pupunta? Ikaw talaga, you’re always absent.” Ani Joss.

“May gagawin pa kami nina Spike at ‘yong mga kaibigan niya.” Kibit balikat ko.

“Probably date someone.” Halakhak ni Erin.

Nakita ko kung paano bumaling si Klare sa akin. Sarkastiko ang kanyang tingin.

“Yeah. He’s too possessive to introduce his girl, Erin. Or baka naman he’s just playing kaya ikinakahiya niya ito. I feel sorry for the girl.” Her lips looked like cupid’s bow and I hate that I’m attracted.

Kung hindi lang sana lumuluwa ng masasamang salita ‘yong labi niya…

“Narinig mo ba ako? I said kasama ko si Spike at ang mga kaibigan niya. We’re playing airsoft. Malapit na ‘yong alis namin and this is our last practice-”

“Yeah, like I care.” Aniya at bumaling agad kay Erin.

FUCK. FUCK THIS SHIT. Lumunok ako ngunit tabang lang ang tangi kong nalasahan. Narinig ko pa kung gaano siya ka excited kasi sina Knoxx at Eion na naman ang kalaban namin sa finals. Yeah, Klare, I’ll break his nose!

Yumuko ulit ako. Unfortunately, I’m leaving for the US by that time. Hindi ako makakalaro sa finals.

“Aray ko po!” Tumawa si Azi sabay siko sa akin.

“Reincarnation yata siya ni Hitler.” Sabi ko sabay tingin kay Klare.

Nagtawanan si Damon, Josiah, at Azi. Ngumiti na lang ako at umiling. She’s pissing me off big time pero hindi ko parin magawang magalit sa kanya ng lubusan.

Dalawang hakbang palayo sa kanila ay narinig ko kaagad ang tawag ni Claudette sa akin. Nilingon ko siya at nagulat ako sa kanyang pag aalala.

“Uhm, k-kasama mo si Spike, diba?” Nag iwas siya ng tingin.

“Yup, Dette. Sasabay ako sa kanya. He’s using tito’s car illegally.” Kibit balikat ko.

Tumango si Claudette. “Well, pwedeng sumabay?”

Nag black out agad ako. I was torn between my cousin duties for Claudette and my cousin duties for Spike.

“Hindi ba kayo kukunin ni Knoxx?” Tanong ko at agad nagdasal na sana tumigil siya sa ginagawa niya.

Umiling si Claudette. “Gusto kong sumabay kay Spike.”

She’s straightforward. Noon pa man, alam ko na ‘yon. That was why Tatiana hated her. She called her ugly.

Tumikhim ako at napatingin kay Azi na abala sa pag eentertain sa kanyang mga babae. Hindi ko naman hahayaang may mangyaring masama kay Claudette sa mga kamay ni Spike. I will protect Claudette no matter what. Kahit na pinsan ko si Spike.

“Okay.”

Sumama siya sa akin. Nang nakarating kami sa sasakyan ni Spike ay nagulat agad ako sa pagseseryoso niya.

“Someone’s lost.” Ani Spike nang binaba ang salamin ng front seat.

“Spike, sa front seat na siya. Dito na lang ako sa likod. Drive safely. Ibaba natin siya sa bahay nina coach. Papunta don sina Azrael.”

Narinig ko ang singhap ni Spike at pinagbuksan niya si Claudette ng pintuan galing sa loob. Pulang pula ang pisngi ni Claudette habang dahan dahang pumasok sa loob. “Alright. If I wasn’t crazy for this girl…” Bulong bulong niya.

Nagpigil ako ng tawa. Hindi ko alam kung pumuporma lang ba siya o talagang totoo ‘yon. Ang malas naman ni Claudette kung totoo ‘yon. Hindi siya tatantanan ni Spike. He’ll find a way to make her fall. He’ll play dirty.

Tamad na pinaandar ni Spike ang sasakyan. I know his driving skills suck big time. Dapat pala si Claudette dito sa likod para maprotectahan siya. Magmumura na sana ako kay Spike nang nakita kong tumigil siya kahit na orange pa lang ang traffic light.

“I promise to obey the traffic rules when I’m with you. There.” Sabay lahad ng pinsan ko sa traffic light na kulay pula.

“I’m sorry.”

“Why is she sorry?” I can’t help but butt in. Bakit mag sosorry ang pinsan ko?

“None of your biz, couz.” Ani Spike.

Kinagat ko ang labi ko.

“Hindi ko alam anong gagawin ko. I’m too speechless to say anything. I just… can’t…” She sound so upset.

Tamad at mayabang na pinaandar ni Spike ang sasakyan gamit ang isang kamay sa manibela. “Yeah, I know. Pupunta na akong US next week. I’m really gonna miss you.” Madramang sinabi ng pinsan ko.

Claudette never cries. That’s one trait I remember about her. Simula pa nong pagkabata namin, tsaka ko lang siya nakikitang umiiyak pag may namatay. Suki siya sa mga bullies dahil magaspang ang bibig ni Erin at si Klare naman ay masyadong popular sa mga kaklase. Ganunpaman ay hindi ko siya nakitang umiyak sa pambubully sa kanya. Iyong mga bullies na lang ang umiiyak pag inaaway na ni Erin at Klare. Tumindig ang balahibo ko nang narinig ko ang hagulhol niya.

Halos lumipad din ang kaluluwa ko nang biglaang tinigil ni Spike ang sasakyan. Nanlalaki ang kanyang mga mata at tinitigan si Claudette.

“Hey, what’s wrong, Dette?” Tanong ko. “Spike, anong nangyari?” Nag aalala kong sinabi.

“Ej, can you please leave us? Mauna ka na lang sa Manolo Fortich. I need to fix her.”

WHAT THE FUCK?

“Spike, what’s wrong. I’m really gonna punch your face right now. What’s wrong?”

Nagpatuloy sa paghagulhol si Claudette.

“Dammit, Ej, just leave us please. Privacy?” Iritado niyang sinabi.

“Azrael is going to kill me for this!”

“I swear I won’t touch her, Elijah. Just… mag taxi ka na lang pauwi sa inyo tas sunduin kita don o magkita na lang tayo?”

Hindi ko talaga kayang iwan si Claudette. Niyugyog ko ang braso ni Claudette. I need her to speak.

“Dette, Dette, Ayos ka lang?” Tanong ko.

Tumango siya ngunit nanatili ang kanyang mga kamay na nakatakip sa kanyang mukha.

“Anong nangyari? Sinaktan ka ba ni Spike?”

Halos pumulupot ang aking sikmura. Bago ako mapatay ni Knoxx, papatayin ko siguro muna si Spike.

“Hell ako pa ang nanakit? Siya ‘yong nanakit dito.” Iritadong sinabi ni Spike.

“What?” Kumunot ang noo ko.

“Elijah, leave us please?” Narinig kong sinabi ni Claudette sa nanginginig na boses.

THE HELL! OKAY. Aalis ako.

“Spike, binabalaan kita.” Banta ko kay Spike.

“Just leave. You don’t need to threaten me. I won’t hurt her, Ej.”

Sa sinabi ng pinsan kong iyon ay padabog kong sinarado ang pintuan. Umiling ako at naghanap agad ng taxi na masasakyan. Hell, paano ko ieexplain ito sa mga pinsan ko? I wish Claudette can explain this phenomena. Pinaalis niya ako don kaya wala akong nagawa! Ngunit paniguradong susumbatan ako ni Josiah na kung siya ‘yong nasa lugar ko ay hinding hindi siya aalis magkamatayan man.

Fuck it.

Nagkamali pa ako sa mga ideya ko. Umiling si Spike sabay high five sa akin. Nasa airport na kami ni mommy, tita, Spike, Maxwell, at ate Yasmin. Sinasabi ko na nga ba. Walang kabuluhan.

“Hindi siya nagtanong, Elijah. Sinabi ko lang sa kanya na aalis na ako. Akala niya lang naman na di na ako babalik.” Ani Spike.

“Shut up, Spike. I’m pissed. Baka mabasag ko ang mukha mo pag nagpatuloy ka pa sa pagsasalita.”

I’m right. Gumagawa nga siya ng paraan para mapaamin si Claudette sa kung ano mang nararamdaman niya para kay Spike. Hindi ko alam kung anong meron sa dalawa. Pero nang nakita kong umiyak si Claudette sa kanyang sasakyan ay sigurado akong merong laman lahat ng nangyayari ngayon.

He stared blankly on the boarding gate like an idiot. “Shit, di ako makapaghintay na bumalik ng Cagayan de Oro. Finally, may babalikan na talaga ako ngayon.” Ngumiti siya.

Umiling ako. “Sinagot ka na?”

Umiling rin siya. “Hindi pa. But she kissed me.”

Pumikit ako at inisip kung paano ako bubugbugin ni Azi at Knoxx. I should train. Isang buwan sa New York at kailangan kong mag train. Sana naman ay huwag akong sisihin.

Pagkarating ko ng New York, araw araw ay party. Lalo na’t holidays na. Dito kami magpapasko. Buong pamilya ng mga Vasquez at kami naman lahat. Tumatawag sina Damon at Rafael palagi dahil nandito rin ang dad nila. But unlike our family, uuwi din ang daddy nila pag tungtong ng 20s ng December.

“Ej, calm your tits. Bakit ka nag papa-hot? May pinopormahan ka bang babae?” Sabi ni Maxwell nang nagkita kami sa gym.

“No. I’m just training. Pagkatapos nong airsoft natin last week, pakiramdam ko nangangayayat na ako.” Sabi ko.

Uso dito ang party sa mga bahay o apartments kasama ang ibang Pilipino. Pero dahil na rin may kilala na kaming mga Amerikano ay welcome din silang makiparty. Mas masaya akong mag party ng kilala at mas intimate kumpara sa mga party sa bar.

‘Yong New Year party ang pinaka engrande. My mom and dad were asleep. Kami na lang ang nagpatuloy till dawn. Ito na yata ang pinaka lasing kong gabi. My eyes were sleepy but I still wanna dance with the girls. May nakilala akong gaing Ilo-ilo. She’s damn pretty and hot, ka edad ko lang.

“Ej…” Bulong ng isang babae. Sa twang ng kanyang boses ay alam ko agad na si Rianna iyon. Iyong half Australian, half Pinay na anak ng isa sa mga kaibigan nina mommy. She’s my age too. Maganda at makinis din.

“Hmmm?” Napaaga ang dilat ko nang inatake niya na ako ng halik.

Bumungad agad sa akin ang kanyang cleavage. I’m not sure if it’s because of the alcohol or what but I’m turned on.

“You still kiss so good.” Bulong niya sa akin.

Yeah, I kissed her last night. Sobrang lasing na ako non pero mas lasing yata ako ngayon. Ni wala na akong pakealam kung may nakakakita man sa aming dalawa. Everyone’s probably too drunk to notice us kissing on this couch.

Hinawakan ko ang baywang niya at dumilat ako. Nagulat ako nang wala na kami sa couch. Were on someone’s bed!

“Holy shit!” She moaned.

Lalo na nang gumapang ang kanyang kamay sa ilalim ng aking pantalon. Pinilig ko ang ulo ko para matauhan. But when she tried to suck all of me, I lost all my senses. Blame it on the alcohol!


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

2 thoughts on “Until Forever – Kabanata 9

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d