Kabanata 8
I Wont Stop
My head is throbbing horribly. Magandang panimula ng bagong taon? Dumilat ako at bumangon. I’m shirtless. Kinapa ko agad ang kama para sa damit ko. Nang nakuha ko iyon ay agad ko iyong isinuot ang aking damit. Nilingon ko ang babaeng nasa tabi ko at nanlaki ang mga mata ko.
“Oh shit.”
Pinilig ko ang masakit kong ulo. Naalala ko halos lahat ng nangyari kagabi sa amin ni Rianna. That was too fast. Ni hindi ko napigilan ang sarili ko. Fuck!
Mabilis akong lumabas sa kwarto. This was their house. That was probably her room. Natagpuan ko kaagad si kuya Justin sa couch nila, tulog siya kasama si Spike at Maxwell.
The heck. I need to wash up or something. Dumiretso ako sa sink para maghilamos. Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap ay ganon na lang agad ang nangyari. I swear to God I’m not drinking again. Kumalabog ang pintuan at nilingon ko kaagad si Ate Yas kasama ang iilan pa naming kilala.
“Tulog parin sila?” Ani Ate.
Lumabas ako sa kusina at nagtungo agad kina Ate Yasmin. Nanlamig ang pisngi ko nang nagtagpo ang aming paningin. Hindi ko alam kung kabado ako dahil pakiramdam ko ay may alam siya sa nangyari kagabi o ano…
“Where have you been, Ej? Hinanap ka namin kagabi. Akala ko sumama ka kina Spike sa Time Square?”
Umiling ako. “Uh, I passed out.”
“Galing kaming Central Park. It’s freezing.” Ani Ate habang tinatanggal ang kanyang coat.
Nilagay ng mga kaibigan namin ‘yong mga pagkaing binili nila sa kanilang road trip. Gutom ako kaya agad akong kumuha ng pizza. Nag usap sila at nag tawanan. Gusto ko nang umalis pero wala pa yatang plano sina Ate Yas na umalis.
Nang narinig ko ang pagpihit ng pintuan sa kwarto ni Rianna ay kumalabog agad ang puso ko. Inaantok siyang lumabas at sobrang gulo pa ng buhok niya. Nagtagpo ang mga mata namin at kumindat lang siya. Dumiretso agad siya sa pizza na kinakain namin. Kumuha siya at kumain na rin.
“You guys went to central park?” Tanong niya sa mga kaibigan namin.
Nilingon ko kaagad si Kuya Justin na umupo ng maayos sa sofa. Gising na siya! Isang tingin niya lang sa kanyang relo ay agad na siyang nag panic.
“Shall we go?” Tanong niya sa akin sabay tayo.
“Sure!” Mabilis kong sinabi. I’ll be glad to go, Kuya.
“Yas.” Untag ni Kuya.
“Kuya, mamaya na please. I’m enjoying the pizza. i’m sure mom and dad’s enjoying their alone time.” Humalakhak si Ate Yas.
“I’m leaving you.” Ani Kuya Justin kaya tumayo agad ako para hindi maiwan.
Nag usap kami ni Rianna bago ako umuwi ng Pilipinas. Kabado ako. Hindi ko alam kung ano ang nasa utak niya. Spur of the moment ang nangyaring iyon at wala akong intensyon na mangyari iyon sa gabing iyon. I’m not blaming her for initiating. May kasalanan din ako. Hindi ko na control ang sarili ko. I feel so damn guilty.
Kagat kagat niya ang kanyang labi sabay hawi sa kanyang kulot na buhok. She was hot, alright. I won’t deny that. Her piercing green eyes of interest and hope for me sent shivers down my spine.
“Rian, I’m leaving for the Philippines tomorrow.”
Tumango siya. “Yeah, I know. Can I count your emails and texts? Perhaps, phone calls?”
Huminga ako ng malalim. “I’m not sure. I’m kinda busy.” I’m not interested. “I’m sorry.”
Tumingin siya sa kanyang mga daliri. “Oh well. That’s too bad, huh.” Ngumiti siya.
Ngumiti rin ako.
“Will you be here Christmas of Next year too?” Tanong niya.
Nagkibit balikat ako.
Hindi kami. Magkaibigan lang kami at dahil sa nangyaring iyon ay nabigyan ng malisya ang lahat. Hindi ko nagustuhan ang pakiramdam na iyon. Akala ko ‘yong una kong makakaganon ay ‘yong taong mahal ko. Hindi ako nagmamadali. I’m not even curious. It’s cheesy but I want my first to be memorable. Ngayon halos hindi ko nga maalala ang buong nangyari because I was drunk. Gusto ko na lang tuloy tabunan iyon ng ibang alaala.
Pagkabalik ko sa Cagayan de Oro, agad kong na appreciate ang buong syudad. How I missed this city. And of course the people. Medyo late ako sa pasukan pero ayos lang iyon. Excused naman ako. Nag paalam ng mabuti ang mommy at daddy na aalis ako kaya hindi masyadong big deal sa teachers.
“Well, you know, Azi, kung sana ay hindi ka masyadong nagmamadali, makukuha mo ang gusto mo. Ang hirap kasi sayo, masyado kang nag mamadali.” Advice ni Josiah sa isang failed mission ni Azrael.
Tumikhim ako. Yes, I miss this too. Kahit na nakakaumay makinig sa mga advice ni Joss para sa mission impossible ni Azi ay hahayaan ko.
“Why don’t you ask Elijah, Azi? Sabi ni Justin, malawak na raw karanasan niyan!” Tumawa si Damon.
Matalim ko siyang tinitigan. Damn, Kuya Justin won’t shut his mouth. Wala naman siyang alam. Ang alam lang nina Spike ay nag halikan kami ni Rianna. She’s not even the only girl I kissed last December.
“Anong malawak? Tss.”
“Last Christmas daw, ‘yong australyana?”
“We made out, that’s all.” Sabi ko kahit na titig na titig si Josiah at Azi sa akin.
“He’s damn weak. Foreigner ‘yon. They’re westernized.” Ani Azrael.
“Why don’t you just wait for March, Azi. Diba pupunta din kayo ng New York?” Tanong ko.
“Nah! I like Pinays, Elijah. I’m not like you.”
Umirap na lang ako at tumahimik kaming lahat nang nakita naming paparating na ang girls. Inatupag ni Josiah ang kanyang cellphone samantalang si Azi naman ay pumangalumbaba at tiningnan ang bawat babaeng dumadaan sa aming table.
“Elijah!” Sigaw ni Chanel sabay pulupot ng kanyang braso sa aking leeg. “I missed you! Thanks sa make up!” Ginulo niya ang buhok ko.
“Si Ate Yas ang pumili non. Not me.” Sabi ko.
“Of course, I know. Thank you sa gifts.” Sabi ni Chanel.
Naramdaman ko kaagad ang mga yapak ng tatlo ko pang pinsan sa likod. Lumingon si Azi at kumunot ang kanyang noo. Umupo si Chanel sa tabi ni Damon at kinausap niya ito.
“Elijah, thanks sa mga damit!” Sabi ni Erin.
“Yeah, thanks kay Ate Yas.” Sabi ko at nilingon siya.
Nakita ko kaagad si Klare na naka P.E. Uniform wearing the shoes I gave her. Yeah… Hell yeah…
“Dette, stop texting.” Panirang sinabi ni Azi.
Kumunot ang noo ni Claudette at inirapan niya ang kanyang kuya. Thank God hindi dito nag aaral si Spike. Kung hindi ay baka higit pa sa text ang maaaninag ni Azi.
“Let her go, Azi. Dalaga na ‘yan.” Sabi ni Chanel.
“She’s still a child, Chan. Puro Domo-kun ang gamit niyan sa bahay. Why the hell would she flirt? Dapat ay nag lalaro lang ‘yan?”
Nagtawanan sila. Sa irita ni Claudette ay umalis siya don. Sumenyas lang siya kina Erin at Klare na aalis at agad nang naglakad palayo.
Tumayo agad si Azi. Sinapak siya ni Erin.
“Hayaan mo na nga ‘yong kapatid mo! Naaalibadbaran ‘yon sa’yo. Besides, Spike isn’t our schoolmate.” Sabi ni Erin.
“Yeah, kaya lang malapit lang ang school natin sa kanila at pinsan siya ni Elijah Montefalco. He’s probably hiding somewhere and he probably wants to make out with my sister!”
Pumikit ako. Fuck you, Azrael.
“Ano ang implications ng mga sinasabi mo? Mahilig mag tago si Elijah at mahilig siyang makipaghalikan? Calm down, dude.” Halakhak ni Josiah.
Isa pa ‘to. Hindi ako nagpahalatang kabado ako. Binalewala ko ang sinabi nila.
“Kawawa naman si Elijah. Wag mo nga siyang itulad kay Spike.” Iritadong sinabi ni Erin.
“He’s probably even worse than Spike.” Halakhak ni Josiah.
Pumikit ako. Pasalamat talaga ako at hindi ko sinasabi sa kanila ang bawat detalye ng buhay ko. Kung hindi ay baka kanina pa nila bukang bibig iyon. This is why I don’t kiss and tell. I;m not proud of my experiences.
“Azrael, hayaan mo na si Claudette. Pupuntahan din naman namin ‘yon pagkatapos naming bumili ng pagkain. Chill.” Ani Klare at pinaupo agad si Azi.
Pinaglaruan ko ang bote ng mineral water. Hindi ko kayang lumingon sa kanya. Binigay ko sa kanya ang sapatos na suot niya, and yet, di siya nag thank you man lang. Where’s your manners, girl? Ako ang pumili niyan. Her favorite color’s pink so pinili ko ‘yong Nike na pink. Latest. And fits her perfectly. Size seven ang mga paa niyan.
“O sige, bumili na kayo. Bilisan niyo para mapuntahan niyo na.” Atat na sinabi ni Azi.
“Aww. Ayaw mo bang makasama muna kami dito?” Halakhak ni Klare.
Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakita ko kung paano niya pinahinga ang kanyang baba sa balikat ni Azi. Fuck…
“Gusto, pero syempre ‘yong kapatid ko…”
“So over protective. How I wish may ganyan ka protective sa akin.” Ani Klare.
I swear I want to punch this table and turn it upside down. Hindi niya ba iyon nakikita? Ewan ko sa kanya. Nakakairita siya. Nakakainis talaga ang babaeng ito.
“Meron. Syempre ako!” Sabi ni Azrael.
Nagbubuhat pa ito ng sariling bangko. Magsama kayong dalawa. Tumayo agad ako sa pagkakairita. “Oh, Elijah, saan ka pupunta?” Tanong ni Damon.
“Balik lang ako ng classroom.” Sabi ko at hindi na agad lumingon.
You know what, Klare? You have got to open your frigging eyes, sometimes. I would kill if you get hurt. You should know that. So you should rest your chin on my shoulders… Bakit kay Azi? Okay, I get it. Mas nagkakasundo sila. I’m trying to accept that fact. Pero hindi ko parin talaga kayang tagalan.
Naging busy ako sa pag i-airsoft at pag ti-train. Nang nag summer sa taong iyon, nagpasya kaming mag pipinsan na pumunta sa Camiguin bago lumabas ng bansa sina Azi. Hindi naman sila magtatagal doon. Ang alam ko ay isasama lang nina tito at tita ang magkapatid para makapag bakasyon. Knoxx is thrilled. Si Azi naman ay hindi masaya.
“Chill, isang buwan lang naman kayo.” Sabi ni Chanel nang naumay na siya sa kaka satsat ni Azrael tungkol sa Summer na sana ay masaya pero hindi dahil lalabas siya ng bansa.
“Where’s Klare?” Tanong ko nang narealize na kulang pa kami sa van. Kasama namin sina tito at tita papuntang Camiguin.
“We’re fetching her. Nasa Fit and Well.” Ani Azi habang binabasa ang kanyang cellphone.
Tumahimik ako. Bakit alam niya palagi ang whereabouts ni Klare? Fuck. Fuck this life. Hinilig ko na lang ang ulo ko sa salamin at nag dasal na sana makatulog ako. Kaya lang nang nakalapit na kami sa Fit and Well ay agad akong hinila ni Azi para masundo si Klare doon. Bakit ako pa?
“Hoping for hot girls in the gym.” Nag cross fingers pa ang mokong.
“Capital G for gay.” Umiling ako sa kanya at nagtungo na sa gym ni Klare.
Yes, there were hot girls. Kitang kita ko kung paano ngumiti ang mga mata ni Azrael habang tinitingnan kung paano humuhulma ang dibdib ng babaeng nag wi-weights. Hinanap ng mga mata ko si Klare at nakita ko siya sa studio. Suot niya ang isa pang sapatos na bigay ko. Naka shorts lang siya at isang loose na black t shirt. Kumulo ang dugo ko. Why would she wear that? Sumasayaw siya at ‘yan ang suot niya.
Sumipol agad ako para makuha ang atensyon niya. Tumingin ang iilang tao sa gym sa akin. May tumawag pa sa amin dahil kilala namin. Si Azi lang ang pumansin sa kanila kasi nakatuon ang tingin ko kay Klare. Basang basa ng pawis ang kanyang bangs at pinulot niya ang kanyang Gatorade sa sahig ng studio.
May sinabi siya sa kanyang personal trainer, nakipag high five, bago umalis. Nag igting ang bagang ko.
“Nasan? Nakita mo na si Klare?” Tanong ni Azi.
“Oo. Magbibihis na yata.” Iritado kong sinabi.
“Ano? Don’t tell me, sa malayo pa lang, iritado ka na sa kanya? Mag aaway na naman kayo the whole time na nasa Camiguin tayo?”
Hindi na ako nakapag salita. Hinintay ko na lang na lumabas siya. Lumabas nga siya ng locker room suot suot ang isang mas maiksing shorts at kulay puting damit na halos kita ang kanyang kaluluwa. Naka taas ang buhok niya at kitang kita ang kanyang collarbones.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanyang legs. Damn it. Nakita ko rin kung paano gumalaw ang collarbones niya nang inayos niya ang kanyang buhok. Now, I’m bothered.
“Babyahe tayo. Mag jacket ka nga.” Iritado kong sinabi.
“Masyadong mainit para mag jacket. Kakasayaw ko pa lang.” Sabi niya sa iritado ring tono.
“Here we go again…”
“Bakit ka pa kasi nag gym? Alam mong aalis tayo tapos mag gi-gym ka pa?”
“Hoy, Montefalco… pinapangaralan mo ba ako? Wala kang pake sa gusto kong mangyari.” Sabi niya habang inuunahan ako sa pag lalakad.
“Kung makatawag kang Montefalco sa akin, parang di ka rin Montefalco, a?”
Hindi na siya nag salita. Nang nakarating kami sa gym ay agad akong kumuha ng jacket ko sa bag ko. Umupo siya sa likod kasama sina Claudette, Erin, Chanel at Ate Yasmin. Pagkahablot ko nong jacket ay agad kong itinapon sa kanya.
‘Ano ba, Elijah!” Sigaw niya.
Hindi ako nagsalita. Nilagay ko na lang ang earphones ko sa aking tainga. Babyahe na kami. Napatalon ako nang tumama ang jacket sa aking ulo.
“Ano ba ‘yan!” Reklamo ni Knoxx sa aming likod.
Kinuha ko ang jacket at tinapon ulit kay Klare.
“Ano ba ‘yan? Tigilan niyo ‘yan!” Sabi ni Rafael.
“Ano ba, Elijah? Eh, pinipilit niya akong mag suot ng jacket! Naiinitan ako! Bakit ako mag susuot ng jacket?” Tinapon ulit ni Klare sa akin iyong jacket.
Sobrang iritado na ako. Hindi ko na siya kayang kausapin.
“Erin, paki tapat nga sa kanya ‘yong aircon. Paki lakasan na rin.” Sabi ko sabay tapon ulit sa kanya ng jacket.
“FUCK! Kayong dalawa! Tigilan niyo nga ‘yan!” Sigaw ni Rafael dahil natatamaan ang kanyang ulo ng jacket.
“Raf, si Elijah, e, nakakainis.”
“Just wear the damn thing. You know I won’t stop if you won’t wear that.” Sabi ko.
“Elijah, tama na ‘yan.” Sabi ni tito sa front seat.
“Fine!” Sigaw ni Klare sa likod.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]