Until He Returned – Kabanata 9

Kabanata 9

Big Deal

Kinaumagahan ay tulala ako habang hinihintay ang mga kapatid kong matapos sa pagbibihis. Maaga kaming aalis.

Kagabi ay hindi na ulit ako lumabas ng room. Nagkulong ako doon at hindi ko magawang tumigil sa pagluha. Masyado akong nasaktan. Masakit na hiningi niya iyon sa akin. Kaya ko iyong ibigay, oo, hindi dahil magaan ang loob ko, kundi dahil kahit ano na lang basta may maibigay ako ay ibibigay ko iyon sa kanya. I’m desperate. Masyado na atang umaapaw ang pagmamahal ko sa kanya na hindi ata makakapayag ang sistema ko kung hindi ko siya mabigyan man lang ng konti.

Naging mabilis ang byahe. Tahimik sina Pierre at Hendrix buong panahon dahil nasaksihan nila ang pag iyak ko kagabi. Nagsisi ako kung bakit ako umiyak nang ganon. Baka isipin nilang sinaktan ako ng husto ni Elijah at baka magalit pa sila sa kanya. I did this to myself. Ako ang nagtulak sa kanya palayo noon at maaring kung bumalik siya nong nalaman ko ang katotohanan ay mas lalo lang naging magulo ang buhay ko. Wala siyang kasalanan. He found his hapiness now and I’m okay with that. Hindi ko lang talaga kayang hindi ilabas ang lungkot ko. He lost his faith in love, for sure. Nang minahal niya ako at tinulak ko siya palayo, that was a big blow to him. Who would dare afford to lose someone who loved fiercely? I would, if it’s for my family. And Selena gave his faith back to him. Siguro ay sa gitna ng kanyang pag tangis at lungkot dahil sa nangyari sa akin, dumating siya at pinaligaya niya si Elijah. Salamat sa kanya, naging madali kay Elijah ang pag mo-move on. He deserved that kind of happiness.

Nakatulog ako sa byahe pabalik ng Cagayan de Oro. Nagising na lang ako nang narinig kong bumukas ang pintuan at mukhang lumabas si Pierre at Hendrix.

Luminga linga ako at nakita kong nasa isang down town subdivision kami. Tumingin ako sa labas at nakabukas ang itim na gate ng isang bahay na puno ng mga tao.

“Sina Jack?” Sabi ko at kinusot ko ang aking mga mata.

Inayos ko ang sarili ko habang pinagmamasdan sina Pierre at Hendrix na nakikipagbatian sa mga lalaking kaibigan. Kumpleto sila. Hindi ko gaanong kilala ang mga kaibigan nila kaya minabuti kong manatili sa loob. Si Jack lang naman at Vaughn ang medyo malapit sa akin.

“Klare?” Binuksan ni Hendrix ang pintuan. “Lika! Hinahanap ka nila.”

Tumango ako at lumabas na ng van.

Tanghali non kaya naimbitahan kaming kumain kina Vaughn sa tanghalian. Bahay iyon nina Vaughn dito sa Cagayan de Oro. Ang alam ko ay dito muna maninirahan ang mga boys habang nandito sila sa syudad. Wala kasing tao roon bukod kay Vaughn kaya iyon ang magiging tirahan nila.

Maingay ang mga lalaki, pero ayos lang sa akin iyon dahil sanay na ako. Tahimik akong kumain sa gilid nang bigla nila akong pinansin.

“Sayang at di nakasama ang girls. Ayan tuloy, isa lang ang cheerleader natin.” Sabay halakhak ni Jack.

Nag igting ang bagang niya sa paghalakhak. Masyado kasing naka depina ang panga nitong si Jack. May facial hair sa panga niya kaya nag mumukha siyang mas mature sa kanyang edad. Ngumiti ako at umiling.

“Don’t worry, dadami rin ang fans niyo. You’ll see.”

“Baka manalo tayo sa tournament?” Tumawa si Vaughn at sumulyap sa akin.

Ngumuso ako sa yabang niya. Boys. Talagang nagyayabangan pag sila sila ang magkasama. Well, I won’t disagree na baka nga manalo sila sa whole tournament na ito. Jack, Vaughn, and Hendrix are varsity players. Si Pierre ay naging varisty din sa Ateneo de Davao noon. Si Hendrix, dito sa Xavier University. Sina Jack at Vaughn naman ay sa ADDU naman. Kaya nga siguro walang tumatanggap sa kanilang tournament sa Davao ay dahil kilala silang mga players.

Sumama ako sa kanila patungong Xavier Estates court. Doon daw kasi magkakaroon ng tournament kaya doon din sila nagparegister. Kabado naman ako dahil dito nakatira sina Elijah. Hindi pa naman iyon nakakauwi siguro kaya ayos lang.

Pagkapasok ko ng sasakyan ay hiningi kong dumiretso na rin kami sa bahay dahil napagod ako sa byahe. Gusto ko na lang matulog sa aking kama. Pumayag sila dahil gusto ata ng mga kaibigan nilang sa bahay na rin magpalipas ng gabi.

Walang imik akong dumiretso sa kama at natulog na lang nang dumating kami. Nagising na lang ako nang tumunog ng malakas ang cellphone ko. Hindi pa ako dumidilat nang dinampot ko ito sa tabi ng kama ko.

“Hello?” Sabi ko nang di alam kung sino ang tumatawag.

“Hi, Klare! Nagising ba kita?” Maligayang bati ni Erin sa akin.

Napaupo ako sa aking kama. Maybe my voice was too husky kaya niya nalamang galing ako sa pagtulog.

“It’s okay, Erin. Bakit?” Tanong ko at kinukusot ang mga mata.

Hindi pa nga pala ako nagbibihis. I really should change.

“Nasa labas kami ng Montefalco building lahat.”

Nanlaki ang mga mata ko habang nagpapatuloy siya sa kanyang pagpapaliwanag.

“Akala kasi namin dito ka uuwi. Wala sina tita at tito kaya naisip namin na mag overnight sana sa inyo. Nakakabitin kasi ‘yong Camiguin.” Humalakhak siya.

“Huh? Sana pala nag extend kayo kung ganon…”

Ooopps! Hindi ko sinasadyang sabihin iyon. Wala akong masamang intensyon ngunit bakit pakiramdam ko ay mali ang pagsabi non.

“E, atat na rin silang umuwi at ipagpatuloy dito ‘yong party party.” Humalakhak ulit siya.

“Uhm… okay, so… uhm…” Hindi ko mahanap ang salita.

“Hindi ka ba available?” Bumagsak ang boses niya. I could almost hear her frown.

“Uhm, I’m free naman. Sige… Pupunta ako. Pero kakagising ko lang. Magbibihis pa ako. You might want to go somewhere else first. Baka kasi matagalan pa ako.” Paliwanag ko.

Though, I’m not really sure what they want or what will happen this time.

“We’re here inside your house. Pinapasok naman kami ni manang.” Humalakhak ulit si Erin.

“Oh! O sige. Good, then. So… I-I’ll just change at pupunta na ako. I’ll call manang, too. Anong gusto niyo? You can also tell her what you need.”

“Okay, Klare. Pumunta ka dito, ah? I really missed you! We’ll bond this time.”

“Okay, Erin. I missed you, too. Sige. Magbibihis lang ako.”

Pagkababa ko ng cellphone ay natulala na lang ako. Dammit! Gumaan na nga ang loob ko nang umalis ako ng Camiguin dahil pansamantala ko silang di makikita, ngunit ngayon, heto at nasa bahay naman sila? I’m doomed!

Naligo ako sa banyo at mabilis na nagbihis. Nalito pa ako kung ano talaga ang susuotin ko gayong sa bahay lang naman ang punta ko. Nag spaghetti strap na top na lang ako at isang jeans, sneakers, at tinali ko na lang ang buhok kong medyo mahaba na ngayon. I need a haircut or something. Tumingin ako sa mga dress na nakalatag sa aking kama. Bakit ko kaya naisipang mag dress kanina? Ugh! Nevermind that.

Mabilis akong bumaba. Now how will I explain this thing? I will surely have to call papa about this.

“Hendrix.” Untag ko nang naabutan silang nagkakatuwaan sa garden.

Pinaglalaruan ni Vaughn ang skateboard ko. Nag angat siya ng tingin nang nakita akong bumababa sa hagdanan at lumalabas sa malaking salaming pintuan namin.

“Gusto ng mga pinsan ko na magdinner or something sa bahay. Baka overnight. I need to go.” Sabi ko.

Mahinang nag dribble si Pierre ng bola habang tinitingnan ako.

“Cousins, Klare? You mean the Montefalcos?” Tanong ni Vaughn.

Tumango ako at bumaling ulit kay Hendrix na sinusuri ako habang may pinipindot sa kanyang cellphone.

“Sama ako.” Ani Pierre.

“No, no, Pierre. Okay lang ako. The girls want this. Gusto lang nila akong maka bonding. Sunduin niyo na lang ako bukas ng tanghali. Kailangan ko rin kasing pumunta ng school para kunin ang grades. I’ll be alright.” Sabi ko.

“Dude, stop being possessive. That’s just her cousins.” Humalakhak si Vaughn at sumulyap sakin.

Gusto kong magpasalamat kay Vaughn. Totoong kailangan ko sina Pierre ngunit hindi sa lahat ng oras ay nandyan sila. Isa pa, narito ang mga kaibigan nila kaya kailangan nilang may makasama sila dito. Alam ko ring hindi naman siguro magugustuhan nina Erin kung kasama ko parin sina Pierre at Hendrix sa aming bahay. They want me alone.

Binigay sa akin ni Hendrix ang cellphone at alam ko agad kung sino ang nandon sa kabilang linya.

“Pa…” Untag ko at tinalikuran sila. “Inimbitahan ako ng mga pinsan ko na mag overnight sa Montefalco Building. Can I go? Without Pierre and Hendrix?” Kinagat ko ang labi ko.

Tumikhim si papa sa kabilang linya. “One night?”

“Yup. Just one night.”

“Naging mabuti na ba sila sa’yo?” Tanong niya.

“Yes, pa. Gusto lang nila akong maka bonding dahil miss na nila ako. Can I?”

Pumayag si papa sa gusto ko. Ngunit hindi gaanong kumbinsido ang dalawa sa pagpunta ko. Pinilit ko sila kahit na panay ang matatalim na titig ang pinaulan nila sa akin.

“Come on, Hendrix. What’s the big deal? That’s her cousins.” Anang nalilitong si Vaughn.

Inaayos niya ang kanyang semi mohawk na buhok at tinitigan ako nang nakangiti. Thank God for Vaughn! Siya lang ang tumutulong sa akin sa pangungumbinsi na ayos lang kung hayaan nila ako doon. Alam ko namang kung bakit ayaw nila ako doon, iyon ay dahil kaiiyak ko lang kagabi dahil kay Elijah. They think I will break down again this time.

“Call me when you need me, Klare.” Ani Hendrix at pinaglaruan niya ang kanyang mga susi.

Halos tumalon ako nang naglakad siya patungo sa garage! I’m going! Gustong sumama ni Pierre sa paghatid ngunit hindi pumayag si Hendrix. Sumama naman si Vaughn dahil may bibilhin daw sila sa isang local convenient store on the way.

“Klare, tawagan mo rin ako pag may kailangan ka.” Humalakhak siya.

Ngumuso ako. “How will I call you when I don’t have your number, Vaughn? Silly.” Nilingon ko ang labas habang nag dadrive si Hendrix ng tahimik.

“Oh? So you’re asking for my number, huh?” Tumawa siya at nilahad sa akin ang kanyang cellphone.

Humalukipkip ako at tiningnan ang cellphone niyang nasa harap ko.

Kanina pa siya kwento nang kwento sa front seat at nakaharap siya sa akin sa likod. Narinig kong madramang umubo si Hendrix sa driver’s seat.

“Pang ilang hingi mo na nga ito sa bumber ni Klare, Vaughn?” Malalim na tanong ni Hendrix.

“Rix, hindi ako ang nanghihingi, this time. Siya kaya?” Tumawa si Vaughn.

“Changed your styles, eh?” Umiling si Hendrix at kumunot ang noo ko sa kanilang dalawa.

Noong unang araw ko pa lang sa Davao, pinakilala na ako ni Hendrix at ni Pierre sa kanilang mga kaibigan. Nanghingi na agad si Vaughn ng number ko kaya lang hindi ko naibigay dahil wala ako sa tamang disposition noon. Tinanggap ko ang cellphone niya at pinindot ko ang mga numero ko.

“There.” Ngumisi ako at binigay pabalik sa kanya ang kanyang cellphone.

Tinigil ni Hendrix ang kanyang sasakyan nang bahagyang kinuyom ni Vaughn ang kanyang kamay at mahinahong nag “Yes” ay matalim siyang tinitigan ni Hendrix.

Tumawa si Vaughn at tinapik niya ang balikat ni Rix, “Easy dude. It’s just the number that I took.”

Hindi siya tinantanan ng tingin ni Hendrix kaya napangiti ako. So overprotective. “Rix, I need to go.” Sabay tulak ko sa pintuan.

“Okay, Klare. Seriously text me.” Aniya.

Tumango ako. “Yup!” At sinarado ko ang pintuan ng sasakyan.

Binaba ni Vaughn ang kanyang bintana at kinawayan ako habang pinipindot ko ang elevator namin. Halos mapuno ang aming parking lot sa mga sasakyan. Nandito nga talaga sila!

Kabado ako paakyat ng bahay namin. Dapat ay hindi ako kinakabahan ng ganito. Bakit kaya sobrang kabado ko? I’m strange!

Nang pumasok ko ay naabutan ko silang maingay na nagbibiruan habang kumakain sa aming dining table. Ang mga kaibigan ni Chanel ay nasa Xbox at naglalaro ng Kinect.

“Klare!!!” Mabilis akong niyakap ni Claudette.

Ngumisi ako at niyakap din siya pabalik.

They were all glad to see me! Halos hindi ako makapagsalita dahil sa mga ngiti nila at sa maiinit nilang pagbati. Maging si Selena ay binati ako nang dumating ako. Kumakain siya ng pizza at nakita kong naka black spaghetti strap at black short shorts lang siya. Kasama siya sa naglalaro ng Kinect. Nakipag beso siya sa akin.

“Oops, sorry sa grease.” Aniya dahil sa pizza na kinakain niya.

“It’s okay.” Ngumiti ako at hinayaan sila sa paglalaro.

“Klare, kain ka!” Sambit ni Erin.

Ngumisi ako at umiling. “I’m not hungry.”

“I think you are always hungry, though. You look real thin.” Biglang singit ng natatawang si Elijah na nakahilig sa aming sofa.

Dammit! Nakita kong nilingon siya nina Erin, Claudette, Silver, at Eion. Nakatitig siya sa akin nang may ngiti sa mukha. Calm the fuck down, Klare. We’re friends, right?

“I… dance a lot sa Davao.” Gumala ang mata ko habang nag kwento. “At skateboard din kaya siguro medyo pumayat ako.”

“Your body is good naman.” Singit ni Erin. “You look healthy kahit na slender.”

“Thanks.” Sabi ko.

“But that’s not an excuse to not eat. You should eat.” Singit ni Elijah.

Nilingon ko si Selena na ngayon ay tuwang tuwa sa pag sasayaw kalaban si Chanel. There is nothing weird, right? Ako lang naman ang nagbibigay ng kahulugan dito dahil ako lang iyong hanggang ngayon ay umaasa parin.

“I’ll eat.” Sabi ko at kumuha ng pizza sa gitna ng maraming ulam at pagkain.

Gusto ko na lang matapos ang issue tungkol sa pagkain nang manahimik na si Elijah. Umalis ako sa kinatatayuan ko at dumiretso sa ref para kumuha ng tubig at para na rin kumalma.

“Stop with the Kinect!” Tamad na sambit ni Azi. “We’re upstairs! Lina kayo!” Aniya.

Tumawa sila at pinatay ang aming Xbox.

Habang umiinom ako ng tubig ay pinagmasdan ko ang pagsunod ni Claudette at Silver kay Azi. Si Josiah ay tamad na tumayo. Si Selena naman ay mabilis na umupo sa hita ni Elijah. Halos mabilaukan ako kaya tumalikod ako at nilapag na ang baso sa sink.

“Erin, Eion, tara na sa roof deck?” Anyaya ko at dumiretso na rin sa roofdeck.

Umakyat ako patungong roofdeck na binalot ng asaran at hiyawan. Ang mga kaibigan ni Chanel ay masyadong maiingay at mapag biro kahit na apat lang naman sila. Napansin kong wala sina Hannah, Julia, at Liza. Buong akala ko ay kasama ang tatlo kaya siniko ko agad si Claudette.

“Nasaan sina Hannah?” Tanong ko.

“Umuwi na. Papagalitan na raw, e.” Sabay tingin niya sa kay Silver na mukhang may sinasabi.

Tiningnan ko isa-isa ang mga pinsan kong naroon at nag iinuman. Medyo may tama na si Damon at kitang kita ang pamumula ng kanyang pisngi. Si Rafael ay tumatagay ng isang mamahaling beer, si Josiah ay may kausap sa cellphone at halatang may tama na rin, si Azi ay nakahilig agad sa upuang inuupuan ni Elijah ngayon. May pinag uusapan ulit ang dalawa. Ano kaya iyon?

Why am I curious? I shouldn’t mind!

Sa tabi ni Elijah ay si Selena na kausap naman si Chanel. They all look normal. Normal naman talaga diba? Ako lang talaga ang abnormal dito. I feel too much and that’s a bad thing. I should loosen up.

Tiningnan kong mabuti kung ano ang mga iniinom nila. As usual, those expensive hard liquors and some local beers. Alin kaya ang magandang inumin? My brothers don’t let me drink hard liquors kaya ito na ang pagkakataong makakatikim ulit ako non. Kumuha ako ng shot glass at nag salin ng Jack Daniels doon.

“Hinay hinay, Klare.” Ani Damon habang sinisinok na.

Ngumisi ako. “Ikaw ang maghinay hinay.”

Nilagok ko ang isang shot at nilapag ko ang shot glass sa harap ng table nang bigla kong narinig ang malamig na boses ni Elijah sa gitna ng maingay na talakan.

“Is that what you’ve learned from your brothers?” Tanong niya ng nakangisi.

Halos maibuga ko ang kaonting natitirang JD sa aking bibig.

“Oh, man. Here we go again…” Pabulong na sinabi ni Azi.

“My brothers don’t drink much.” Sabi ko. Ano ang ibig sabihin niya don?

Tumango siya. “Then I’m wrong. Siguro ay you were caged that’s why drinking is new to you this time?” Tumaas ang kanyang kilay.

Nalaglag ang panga ko. I don’t know how to react. Should I react?

Nagkatinginan kami ni Claudette.

“Ej, you know, mas party people ang mga taga Davao. Kaya lang last time akong umuwi, alam kong hindi gaanong umiinom ang mga Ty. So maybe the latter nga.” Ngumisi si Selena sa akin at nagtaas siya ng kilay.

Hinawakan ni Selena ang kamay ni Elijah at pinagsalikop nilang dalawa ang mga daliri nila. Okay. Okay. Okay. Calm down now, Klare. It’s all okay.

“Th-They drink but not a lot. They party, pero di rin ganon ka sobra. Mas sporty sila, e.” Paliwanag ko at ngumisi kay Damon na ngiting ngiti lang sa ngayon.

“Anong itsura ng Davao? I’ve never been to that place.” Ani Elijah nang nakatitig sa akin.

Sasagot na sana ako ngunit dinugtungan agad ito ni Selena.

“Oh! We should go, Ej! I told you sumama ka na lang sakin ngayong May!” Ani Selena.

“Oh? Aalis ka patungong Davao, Selena?” Tanong ni Erin.

“Yup. Alam nilang nandito ako sa Pilipinas. I can’t just hide on Elijah’s house forever. Kailangan kong bumisita sa relatives ko.”

Oh! So she’s staying on Elijah’s house? Fuck! Maintain your face, Klare. Pinipiga ang puso ko at bumuhos sa utak ko ang lahat ng pwedeng mangyari sa loob ng bahay nina Elijah habang silang dalawa lang. Pumikit ako at huminga ng malalim. Maintain your face!

Tumango na lang ako at napatingin sa tulalang si Elijah. Nag igting ang bagang niya at napatingin din sa akin. Hindi ko kayang ngumiti at hindi rin naman siya ngumiti. Nagkatinginan lang kaming dalawa habang nagpatuloy sila sa pag kukwentuhan.

“Oo nga naman. Kailan ba ang balik niyo sa New York?” Tanong naman nI Chanel.

“I don’t know with Ej, but I’m going back this May na rin.” She pouted. “Please come with me, Ej?”

Ngumiti si Elijah at tiningnan ng diretso si Selena. “I can’t. Nasa abroad sina mommy at Daddy at walang maiiwan para sa business.”

Mas lalong nag pout si Selena sa sinabi ni Elijah. “But you’ll come back within this year, right? I can’t stand being away with you.”

Sumipol si Rafael at umiling naman si Azi. “The fuck with this shit! Why is everyone falling for this asshole?” Sabay turo niya kay Azi.

Tumawa si Rafael. “The biggest question we can’t answer!”

Nagtawanan sila at nag asaran. I need to fit in. Dahil pakiramdam ko ay talagang hindi na ako makasabay. Nilingon ko si Claudette sa tabi kong nakataas ang kilay at nagmamasid sa lahat habang si Silver naman ay nakikipag usap ngayon kay Rafael.

“Sa… kwarto ko kayo matulog, a?” Changing the subject with them is really hard kaya heto at kay Claudette ako nakipag usap.

“Oo naman. I don’t know with Erin and Chanel, though. All your guest rooms are available at wala sa kwarto mo yong mga gamit nila.”

Tumango ako. “Okay lang naman.”

Ilang sandali ang nakalipas ay nagkaroon na naman sila ng iba-ibang subject. Tumayo si Erin at Chanel kasama si Selena at bumaba ng roofdeck.

“I think we need to follow them.” Ani Clau.

“Bakit?” Tanong ko.

Nagkibit balikat siya at kinausap niya si Silver. Nag angat ako ng tingin kay Elijah na ngayon ay nakatingin rin sa akin habang nakangisi at nakikinig kay Azi na may kausap sa cellphone.

“Kailangan ko pa bang mag gym para mag work out tayong dalawa?” Sinabi ni Azi sa kanyang cellphone.

Humagalpak sa tawa si Elijah habang nakangiti si Azi sa kanyang cellphone.

“What a fucking line.” Tumawa ulit si Elijah.

Natawa rin ako sa sinabi ni Azi. Imbes na manatili ang tingin ko sa kanila ay uminom na lang ulit ako ng Jack Daniels. My last shot for tonight!

“Klare, I don’t like you drunk. Stop drinking that thing.” Malamig na sinabi ni Elijah.

Kumalabog ang puso ko. What did he just say? Nakita kong nalaglag ang panga ni Claudette. Ni hindi siya makatingin sa akin.

“T-That’s my last shot.” Paliwanag ko.

“Better be.” Malamig niyang sinabi.

“Why is it a big deal to you, Elijah? Nasa bahay nila tayo. Pag nalasing siya, we’ll take care of her and let her sleep in her room.”

“Kailan ba iyon naging hindi big deal sa akin, Clau. We’re friends and I don’t like her drunk. Is that bad?”

“Of course it’s not bad.” Halos sarkastikong sinabi ni Azi at binaba ang kanyang cellphone.

“Klare, Claudette!” Sigaw ni Erin sa pintuan at sumenyas na kailangan naming bumaba.

“Klare, let’s go.” Ani Claudette at hinila na ako palayo sa table.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: