Until He Returned – Kabanata 8

Kabanata 8

Friends

Kumakalam ang sukmura ko pagkabalik namin galing ng white island. Ngumunguso ako at inaayos ko ang aking sarili pababa ng bangka.

“I’m starving.” Ani Hendrix at nag angat siya ng tingin sa di kalayuang restaurant.

Mahigit tatlumpong minuto lang naman kaming nawala. Ayaw kasi nilang magtagal doon dahil sobrang init. Pulang pula na nga ang pisngi ni Kuya Hendrix. Si Pierre naman ay di inalintana ang init dahil panay ang kanyang scan sa mga nakuhang pictures sa kanyang DSLR.

“Let’s eat.” Anyaya ko at nag angat din ako ng tingin sa may restaurant.

Hindi pa umaalis doon ang mga Montefalco. Nakita kong hinahawakan ni Azi ang aking skimboard habang kumakain kasama ang iba kong pinsan at ang kanilang mga kaibigan.

“Maya na, Klare. We’ll change first.” Sabi ni Hendrix at nagsimula siyang maglakad palayo doon at papuntang hotel.

Aniya’y mag re-ready na daw kami sa pag alis patungong Ardent Hot Spring. Ayaw niyang doon matulog ngunit kinumbinsi ko siyang doon na lang dahil masarap maligo sa hot spring buong gabi. Sumang ayon naman siya at mabilis na nagpa book agad ng reservation habang naliligo at nagbibihis kami.

Inaayos ko ang sintas ng sneakers ko habang nag aayos naman ng buhok si Pierre sa salamin. Narinig kong tumunog ang cellphone ni Pierre. Kinuha niya iyon at bahagyang umalis para sagutin ito.

“Dude.” Bungad niya sa tumatawag.

Umupo ako ng maayos at inayos ko naman ngayon ang jacket kong sinusuot. Pinagmasdan ko siyang nagbago ang mga ekspresyon galing sa gulat hanggang sa ngisi.

“Sige, sabihin ko kay Kuya.” At binaba niya ang cellphone niya.

Lumabas si Hendrix sa banyo nang nakabihis na at nag aayos na rin ng buhok. Kinuha niya ang cellphone niya at umambang lalabas na…

“Kuya, tumawag si Vaughn…” Ani Pierre habang sinusndan si Hendrix.

Sumunod na rin ako sa kanya at sinarado ko ang pintuan. Sinalubong si Hendrix ng isang bodyguard na para bang biglaang sumulpot sa corridor ng hotel namin. May binulong siya rito bago bumaling kay Pierre.

“Ano daw?” Tanong ni Hendrix.

Sinundan ko ng tingin ang bodyguard na mabilis na pumunta sa room. Siguro ay kukunin niya ang mga bag namin nang sa ganon ay diretso na kami sa van pagkatapos naming kumain.

Hendrix is intimidating sometimes. Silang dalawa ni Pierre. Hindi ako makapaniwala, hanggang ngayon, na kapatid ko ang dalawang ito. Walang intimidating sa akin. Well, I don’t know but I don’t think I’m intimidating at all.

Bumungad sa akin ang maraming tao sa restaurant. May mga foreigners, locals, at syempre sa isang malaking table ang mga Montefalco at mga kaibigan namin. Dumiretso si Hendrix sa isang table na bakante at mukhang naka reserve pa ata. Umupo siya at bumaling sa akin.

“Anong sabi, Pierre?” Tanong niya habang sinusuri ako.

“Patungo na silang Cagayan de Oro ngayon.” Ani Pierre.

Kumunot ang noo ni Hendrix. “Shorts too short, Klare.” Ngumuso siya.

Umamba akong uupo ngunit tumigil dahil sa sinabi niya. “Sorry. Maiksi lang tingnan kasi masyadong malaki itong jacket.” Umupo na ako.

Tumango siya at kinuha ang menu sa kamay ng waiter.

“Kuya, you’re ideas are too primitive.” Ani Pierre.

Bumaling ako kay Pierre. Humalakhak siya.

Naglapag ang waiter ng mga baso at agad nilagyan ng tubig sa harapan ko. Nanliit ang mga mata ko kay Pierre dahil napansin kong pamilyar ang sinabi niyang iyon.

“Well, that’s because we don’t want someone ogling her.” Ani Hendrix sa seryosong tono habang nakatingin parin sa menu.

“Ha? Sino?” Tanong ko at luminga linga sa paligid.

Nahagip ng tingin ko ang mga Montefalco na kumakain sa table. Nagtama ang paningin namin ni Elijah. May sinusubong prutas sa kanya si Selena at bahagya siyang umilag roon. Tumawa si Selena. Ngumiti din si Elijah ngunit tiningnan niya ako pabalik habang sinusubo iyong strawberry na binibigay ni Selena.

Alagang alaga siya ni Selena. That’s good. He deserved the world for his love. Nag iwas ako ng tingin at bumaling kay Hendrix na naabutan kong nakatingin din sa akin.

“Now you stop watching them. I’ve been watching you too much, too. Halata ka masyado.” Aniya.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

“Kuya, let her. Besides, he’s taken. And he looks happy.” Ani Pierre.

“Sorry… I really just can’t help it.” Utas ko.

“I know, Klarey. Pero ayaw kong nakikita kang parang naiinggit sa isang bagay. Hindi ka pwedeng naiinggit. Dapat ay sayo ang lahat ng gusto mo.”

“Rix, hindi ako naiinggit. I’m just… really curious.” Sabi ko habang iniisip kung bakit nga ba ako madalas tumitig sa dalawa.

Ilang taon din kaming nawalay ni Elijah at natural naman sigurong puno ako ng kuryosidad sa kanyang relasyon ngayon. Hindi ko naman iniisip na pu pwedeng maging ako si Selena. Na pwedeng ako ‘yong sumusubo sa kanya ngayon. Nope. I just really can’t help it.

“May girlfriend na rin siya. He’s off limits.” Sabi ko.

Ngumisi si Hendrix at humilig sa akin. “He’s always been off limits to you. And you to him, Klare. Be careful this time.” Aniya.

Kinilabutan ako roon. Hindi ko alam kung ano ang gustong iparating ni Hendrix sa akin. Simple lang naman ang kanyang sinabi ngunit hindi ko maiwasan ang mapaisip tungkol doon. May girlfriend na si Elijah at masaya na siya. Ako naman, on the process of moving on. Unti unti ko nang natatanggap na tapos na iyong sa aming dalawa. Noon ko pa ito alam ngunit ngayong nakikita siya sa harap kong talagang masaya kasama ang iba, parang ngayon lang talaga ito nanuot sa akin.

Pagkatapos naming kumain ay tumayo na agad kami. May katawagan si Hendrix sa cellphone habang si Pierre naman ay may ka text. Nilingon ko ang table ng mga Montefalco at nag ingat na hindi gumala ang mga mata ko sa kina Elijah.

“Klare, alis na kayo?” Tanong ni Erin na ngayon ay inaakbayan ni Eion.

Ngumisi ako at tumango. Tiningnan ko si Eion na agad umayos sa pag upo at tinanggal ang kanyang kamay sa upuan ni Erin. They look good together. Hindi ngumisi si Eion sa akin. Like he’s intimidated or something.

“Kayo ba?” Bumaling ulit ako kay Erin.

“Hinintay lang namin kayo para sabay na tayo? San kayo matutulog?” Tanong ni Pierre.

“Sa Ardent!” Sabi ko.

Hinila na ako ni Pierre kahit hindi pa ako nakakapagpaalam. Kumaway na lang ako dahil mabilis na kaming nawala doon.

Sa sasakyan ay umaandar na naman ang pagiging bangag ni Pierre. Panay ang patugtog niya ng mga maiingay na kanta. Tinawanan ko siya nang sinabayan niya ang kantang Timber ni Kesha. Tumawa rin si Hendrix.

Nang tumunog ang Mirrors na kanta ni Justin Timberlake, natawa ako dahil ginaya niya ang mga movements ng sayaw ko noon sa Dance Studio.

“You suck, Pierre!” Tumawa ako.

“Damn! Magkapatid ba talaga tayo? Ba’t di ako marunong sumayaw ng hiphop tulad mo?” Tumawa siya.

“Magkapatid kami ni Klare kasi pareho kaming magaling sa skim board.” Tumawa si Hendrix.

“Magaling din naman ako, a?” Sumimangot si Pierre.

“No! You suck!” Sabay namin sinabi ni Hendrix.

Nag asaran lang kami hanggang sa nakarating na kami sa Ardent. Wala masyadong tao roon. Siguro ay dahil weekdays ngayon. Pinili ni Hendrix ang isa sa pinaka kumportableng room. Kahit na aniya’y mas mabuti sana kung sa Resort na lang kami magpapalipas ng gabi. Like papa, he will always give me what I want. Nang sinabi kong dito, talagang nagpasya siyang dito kaya napapangiti ako sa effort niya.

Inantok ako kaya hindi ako agad naligo. Natulog na lang muna ako habang ang dalawa ay ignoranteng lumusob sa hot spring.

Nang dumilat ako galing sa pagtulog ay nakita ko sa labas na medyo gumagabi na. Mabilis akong nagbihis ng maari kong iligo sa hot spring. Syempre, naka shorts lang ako at spaghetti strap na top.

Pagkalabas ko ng room ay naaninag ko agad ang mga pinsan kong nagkalat sa mga lagoon ng spring. Maingay sila at nag tatawanan. Nakita kong nagbabasaan sila sa iisang lagoon. Parang binibiro nila si Josiah at mukhang napipikon na ito.

Nakita ko sa kabilang lagoon si Chanel, Brian, Claudette, Pierre, at Hendrix. Nag angat ng tingin si Pierre at nakita niya akong lumalabas ng room. Kumaway ako at ngumisi habang umuupo sa batong bench.

Halos walang pinagbago ang lugar. Ganitong ganito rin ito noon nang pumunta kami rito. Nilingon ko ang lagoon kung saan ako napag isa noon dahil sa selos ko kay Elijah at Cherry o Hannah. Nakita kong naroon si Elijah at Selena na nag uusap sa gilid. Nakita ko rin si Hannah at Julia malapit sa kanila. I wonder if Hannah’s still hurting? Pareho ba haba ng pagmamahal namin kay Elijah?

Nagtama ang mga mata namin ni Hannah at maligaya siyang kumaway sa akin. Kumaway ako pabalik. I don’t know. Madalas kasi malalakas ang mga tao, lalong lalo na ang mga babae. Ngumingiti sila kahit na ang sakit sakit na.

Nag kibit balikat ako at pinanood ko ang suot kong balot na balot kumpara sa mga nakabikini kong kaibigan at pinsan. Nakaka out of place naman. Umihip ang hangin kaya niyakap ko ang aking sarili.

Hindi na muna ako lulusob sa lagoon dahil crowded pa. Mamaya na siguro pag naisipan nilang umahon para kumain. Habang nanonood ako sa mga pinsan kong may kanya kanyang pinagkakaabalahan, may narinig akong strum ng guitar sa gilid ko.

Humalakhak ako nang nakita ko si Azi na nakasoot ng kulay gray na sleeveless shirt at board shorts. Medyo basa pa ang kanyang buhok at nakangiti siya sa akin. Nag indian sit ako sa malaking bato at pinanood siyang ngumingisi sa akin. Tiningnan kong mabuti ang pag s-strum niya. Nakakamiss mag gitara. May gitara si Pierre at Hendrix kaya lang hindi ko pa naisipang manghiram sa kanila.

“Pahiram?” Sabi ko.

Kumunot ang kanyang noo at hinawi ang gitara sa kamay ko.

“Hayok ka naman masyado.” Sabay kuha ko ulit sa gitara.

“Isang beses lang, ah!? I’m trying to learn this shit.” Aniya.

“Ha?” Sabay kuha ko sa gitara. “Para san?”

Nagkibit balikat siya at ngumisi.

Umiling ako at hindi na nakiusisa. Siguro ay may inaaral siyang kanta. Marunong naman siyang mag gitara. Mahirap siguro iyong inaaral niya.

Pagka strum ko ng isang beses sa gitara ay napapikit ako. Para bang may mga alaalang nagbalik sa akin.

“Oh girl, you also know how to play that thing?” Sigaw ni Pierre sa malayo.

Tumawa ako at umiling habang kinakalabit ulit ang gitara. May kanta akong gustong kantahin sa mahinang boses. Pinapanood ako ni Azi habang kinakalabit ko ang intro nito.

“Wow, you play so well.” Ani Azi.

“I’ve been driving for an hour

Just talking to the rain

You say I’ve been driving you crazy

and its keeping you away

So just give me one good reason

Tell me why I should stay…”

Oh dammit! I miss strumming a guitar. I miss his guitar. I miss his husky voice in my room. I miss his scent. I miss that look in his eyes.

Pinikit ko ang mga mata ko at inisip siya dalawang taon na ang nakalipas.

“‘Cause I dont wanna waste another moment

in saying things we never meant to say

And I Take it just a little bit

I, hold my breath and count to ten

I, I’ve been waiting for a chance to let you in

If I just breathe

Let it fill the space between

I’ll know everything is alright…”

Tumigil ako sa pagkanta at dumilat. Binalik ko agad kay Azi ang gitara. Nagulat siya sa pagtigil ko.

“O, ba’t ka tumigil. You look so carried away.” Tumawa siya.

Nagulat ako nang umahon si Pierre at Hendrix habang nakatingin sa akin. Tumikhim ako at sinagot si Azi.

“I want to take a dip.” Sabi ko nang napagtantong umaahon na rin ang iba sa lagoon.

Tinawag ni Claudette si Azi para kumain na ng dinner. Isa-isa silang nag si ahon sa lagoon. Good. Then I can be alone now.

“Okay. Kain na muna kami, Klare. Baka gusto mong sumama?” Tanong niya.

“Thank you.” Sagot ko kahit na hindi naman talaga ako pupunta.

Pinanood ko silang pumupunta sa cottage kung saan pinapalibutan na ng mga pinsan ko. Nakita ko ring dumaan si Selena sa harapan ko at pumunta na doon sa cottage nilang medyo malayo sa amin.

“Magpapahanda ako ng pagkain.” Sabi ni Hendrix nang nakalapit sa akin.

Tumango ako. “Alright. I’ll just take a dip.” Sabi ko.

Tumango si Hendrix at hinayaan akong lumusob sa lagoon.

Mainit ang tubig, as usual. Kaya masarap talaga dito sa Ardent. Ang problema ko lang tuwing naliligo ako sa mainit na tubig ay ang pag ahon. Nakakapaso ang lamig sa pag ahon pag galing ka sa mainit na tubig. Now, I don’t want to get out of here.

Nakita kong lumusob din si Pierre at lumangoy siya patungo sa madilim na parte ng lagoon. Bibiruin ko sana siya na baka may ahas na biglang susulpot diyan ngunit naaninag ko ang isang anino.

Bumaling ako sa pinanggalingan ng anino at nakita ko si Elijah na nakaawang ang bibig at nakatingin ng diretso sa akin. Luminga linga ako para tingnan kung sino ang kasama niya, kaya lang ay nakita kong halos silang lahat ay naroon na sa malayong cottage ng mga Montefalco.

Tinitigan ko ang mga matang nagpahulog sa akin ng husto noon. Ganon parin ang epekto nito sa akin ngayon. Kung maari ay mas lalong lumalalim pa ang pagkakahulog ko. Tumikhim siya at medyo naagaw ang kanyang atensyon nang biglang humuni si Pierre sa malayong gilid ko. Para bang ipinapaalala niya na hindi kami mag isang dalawa.

Nakita kong nag igting ang bagang ni Elijah. Nakatitig siya sa akin at para bang may gusto siyang sabihin. Kumalabog ang puso ko. Hindi ako makagalaw sa lagoon.

“Can you leave us alone, please.” Malamig niyang sambit at bumaling kay Pierre.

Mas lalong naghuramentado ang damdamin ko. Kung wala ako sa tubig ay baka humandusay na ako sa panginginig ng tuhod ko.

“Oh…” Dinig kong sinabi ni Pierre at lumangoy palabas ng lagoon.

Bakit gusto niyang mapag isa kaming dalawa? Where is his girlfriend? Ano ang maari naming pag usapan na kailangang wala ang kapatid ko.

Humahon si Pierre at kitang kita ko ang likod niyang punong puno ng pumapatak na tubig galing sa lagoon. Elijah was already damp, though. Tinitigan ni Pierre si Elijah kahit na si Elijah ay diretsong nakatitig sa akin.

“I won’t leave because you said so. Kukunin ko lang ang tuwalya para kay Klare nang makaahon na siya at kumain na kami.”

Nag igting ang bagang ni Elijah. No, Pierre. Please, stop.

“This isn’t two years ago. She’s not yours. Hindi na ikaw ang palagi niyang kasama at mas lalong hindi na ikaw ang pinakamalapit sa kanya. You have a girlfriend. And Klare is off limits.” Umigting ang bagang ni Pierre habang binubulong ito ng mariin.

Bumaling si Elijah sa kanya. “I know that. I’m not stupid. I’m just…” Pumikit si Elijah. “really dying to talk to her. Now, will you please leave?”

Nalaglag ang panga ko. Ano ang gustong sabihin sa akin ni Elijah at bakit kailangang kami lang talagang dalawa?

“Please, Pierre.” Sabi ko.

Bumaling si Pierre sa akin, umirap, at umalis.

Tumikhim si Elijah at yumuko ng ilang sandali bago bumaling ulit sa akin. Hinanap ko ang mga mata niya kahit na nahihirapan akong tingnan ito ng mabuti.

“I-I just want to know if you’re okay.” Aniya habang hindi makatingin ng diretso sa akin.

Tumango ako at unti unting lumapit sa kanya. Nasa lagoon ako habang siya ay nakatayo sa labas nito. Tumitingala ako sa kanya. Gusto kong makalapit ngunit alam kong sobra iyon para hingin ko pa.

“Ikaw, are you okay? Kumusta ka na?” Tanong ko.

Nag igting ang bagang niya. Hindi siya agad sumagot. Sinuri niya ang aking mukha bago tinikhim ang sagot na, “Yup, I’m fine.”

Tumango ako. “I can see that.”

Binalot kami ng nakakabinging katahimikan. Noong umalis siya ay sobrang lapit naming dalawa. Ayaw kong mawalay sa kanya ngunit kailangan namin iyon. Ngayong nagbalik siya, sobrang daming nagbago sa pagitan naming dalawa at ito ang naging resulta ng pagbabago.

“She takes care of you so well, Elijah.” Kinagat ko ang labi ko.

Pumikit siya at tumango. “She’s great.”

Sinaksak ang puso ko habang naririnig ko iyon. Nag iinit na ang gilid ng mga mata ko sa nagbabadyang mga luha ngunit pinigilan ko iyon. Ngumiti ako at nagpasalamat na nasa lagoon ako. Hindi mahahalata kung luluha man ako ngayon.

“Mabuti naman at naging masaya ka. I’m happy for you.” Halos hindi ko maayos ang pagkakasabi nito.

It’s so hard to pretend that I’m really happy at this moment. Totoong naging maligaya ako nang nakita ko siyang masaya sa iba dahil hindi ko iyon maibigay sa kanya noon. Ngunit ang aminin ito sa harap niya ay masakit pala. Sobrang sakit.

“I’m sorry for not being there. I didn’t know.” Nanginig ang kanyang boses pagkasabi ng huling pangungusap.

Nag angat ako ng tingin sa kanya. Masyadong madilim para makita ng husto ang kanyang mga mata.

“Okay lang. Ang mahalaga ay okay na ako ngayon.” Sabi ko at umahon nang nakita si Pierre na paparating.

Bumaling si Elijah sa akin at nagkaharap kaming dalawa. Suminghap ako at tinalikuran siya nang hinawakan niya ang braso ko.

“Hey…” He trailed off. “Did I lose you?”

Nakita ko ng mas malinaw ang kanyang mga mata. Nahihirapan siya at hindi ko alam kung bakit. Narinig ko ang mga yapak ni Pierre sa gilid ko. Hindi ako nakasagot sa tanong ni Elijah.

Nag igting ang kanyang mga bagang at suminghap ulit. “C-Can we be friends? Is it too much to ask?” Tanong niya gamit ang pamilyar na boses sa akin.

Parang pinipiga ang puso ko sa tono niya at sa kanyang gustong mangyari. Nasasaktan ako. Sobra sobra na pakiramdam ko ay gusto kong tumakbo at magwala.

“No. We’re friends.” Tumango ako at ngumisi. “No problem, Elijah.” Sabi ko at tuluyan na siyang tinalikuran bago bumuhos ang aking luha.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: