Kabanata 7
Ang Mga Salita
Alas otso ng nagising ako. Inaantok parin ako kaya lang hindi na pumapayag si Pierre na matulog ulit ako. Gusto niyang mag skim board kami.
Humikab ako habang sinusuot ‘yong kulay pink na rashguard ko. Kanina pa talak nang talak si Pierre sa labas.
“Si Kuya Hendrix nasa labas na, nag ji-jetski. Tayo, nandito parin. Hindi naman masyadong mainit sa labas kaya sayang kung di tayo mag ji-jetski o skim board!” Aniya sa labas ng bathroom.
“Yes, yes, yes, Pierre. Eto na. Lalabas na ako.” Sabi ko ay agad nang lumabas para harapin ang kapatid kong sobrang naiinip.
Dinampot niya ang dalawang skim board na nakahilig sa kama namin. Tinatali ko naman ang buhok ko habang hinahanap ang aking mga tsinelas.
“Let’s go. Are you full?” Tanong niya at pinasadahan ako ng tingin.
“Yup. Ang dami kong nakain sa breakfast.” Sabi ko.
Ngumuso siya at dinampot ang isang sarong at hinagis sa akin. “Well, you don’t look full. Para kang hindi pinapakain.” Umirap siya.
Pinagmasdan ko siyang nagsusungit na lumabas. Umiling na lang ako at ngumisi. “What’s your problem, boy.”
Bumaling siya sa akin at sumimangot. “I’m not a ‘boy’. Dapat nga ay ahia ang tawag mo sakin dahil mas matanda ako sayo.”
“Mas matanda ng eleven months?” Tumawa ako.
Iritadong iritado siya at hindi ko alam kung bakit. Bumaling na lang siya sa akin at bigla niya akong inakbayan pagkalabas namin ng hotel. Ngumisi na lang ako at na weirduhan sa kanya. Palagi naman talaga siya weird sa akin.
Naaninag ko agad ang mabilis na patakbo ni Hendrix sa jetski na sinasakyan niya sa karagatan. Nakakainggit. Gusto ko ring subukan iyan kaso hindi ata ako papayagan ng dalawang ito. Ayaw din kasi ni papa kahit nong trip namin sa Samal, e.
Nakita ko ring kararating lang ng tatlong bangka na sinakyan ng mga pinsan ko. Papababa sila sa bangka. Siguro ay nanggaling sila sa white island? Kumaway ako sa kumakaway na si Claudette sa akin. Nahagip ko rin ang pag lahad ng kamay ni Elijah kay Selena nang pababa sila ng bangka. Nakatitig na naman ako. Pagkalingon ni Elijah sa likod niya ay agad nag tama ang mga mata namin. Kumunot ang noo niya nang nagkatitigan kami at agad siyang nag iwas ng tingin.
Hinawakan ni Selena ang kanyang kamay at may sinabi siya kay Elijah na kawili wili ngunit walang bakas na ngisi sa mga labi ni Elijah. Imbes ay mukha pa siyang galit o iritado.
“Klare…” Malamig na tawag ni Pierre sa gilid ko.
Batid kong naiwan niya na ako. Nakalapit na siya sa dalampasigan kanina ngunit binalikan niya ako nang nakitang nakatunganga lang dito.
“Hmmm…” Sabi ko habang tumititig parin sa mga Montefalco. Lalo na kay Elijah.
Pinasadahan niya ng kanyang palad ang kanyang buhok. Halos wala talagang nagbago sa kanya bukod sa mas lalo siyang tumangkad at mas lalong lumaki ang kanyang katawan. I missed him so much. Iyong mga katangian ng kanyang mukha na buong akala ko’y hindi ko na ulit makikita o mararanasan… miss na miss ko na siya. May kirot sa aking puso na siyang nag pa iwas sa akin ng tingin sa kanya.
Bumaling ako sa seryosong si Pierre. Kinagat niya ang kanyang labi at taas noo niya akong pinagmamasdan.
“I really think you should get a boyfriend.” Aniya.
Umiling ako at kinuha sa kamay niya ‘yong skim board.
Naglakad ako patungo sa dalampasigan. Nanuot sa mga tsinelas ko ang buhangin. Dinungaw ko ang paa ko habang lumalapit sa munting mga alon.
“Miss, nahulog ang sarong mo. Paki lagay ulit sa baywang mo. Naka rash guard ka nga, naka bikini bottom naman.” Ani Pierre.
Tumawa ako. “You sound like Papa.”
Hindi ko sinunod ang gusto niya. Nakapag suot naman ako ng two piece noon sa Samal. Hindi naman siya ganon maka react noon. Bakit ngayon, ganito? Tsaka, mababasa ako dahil sa pag s-skimboard, di ko kailangan ng may nakakabit na sarong sa baywang ko.
Ni-slide ko ang skimboard sa maliliit na alon at tumakbo ako para tumungtong doon. Unang subok ko pa lang sa araw na iyon ay smooth na agad ang takbo ko. Pumalakpak si Pierre sa malayo.
“Good job, shobe!” Aniya.
Ngumisi ako. “Because of you and Hendrix, I got a thing for boards.”
“It runs in the blood.” Ngumisi siya at pinadausdos din ang kanyang skim board sa maliliit na alon.
Nang sumakay siya ay hindi ko talaga maipagkakaila, I learned from the best. Magaling si Pierre at Hendrix sa mga may kinalaman sa board. Minsan ko na ring nakita si Hendrix na nasabayan ang mga alon habang nag su-surfing sa Samal. He’s really good.
Pinadausdos ko uli ang skim board pabalik. Batid kong may mga pinsan akong tumigil para manood, samantalang ang mga babae naman ay mabilis na pumunta sa restaurant. Siguro ay hindi pa sila nakakapag breakfast.
“Anong gagawin natin ngayon?” Tanong ko habang hinihingal dahil sa pagtakbo pabalik at pag dampot ulit sa skim board.
“Anong gusto mo? White Island?” Tanong ni Pierre.
“Wala na yata pag matatagalan pa tayo. Alam kong wala na ‘yong island pag high tide.” Sabi ko.
“Meron pa ngayon. We’ll call kuya.” Aniya.
Tumango ako. “Sige.” At pinadausdos ulit ang aking skimboard sa munting mga alon.
Kumunot ang noo ko nang nagbiro si Pierre at mabilis na nag lahad ng braso para mapigilan ako sa pag s-skim. Mabilis pa naman ang takbo ko kaya tumawa ako dahil alam kong tatama ako sa katawan niya.
Muntik na akong nadapa nang tumama ako sa braso niya. Mabuti na lang at kinabit niya ang braso niya sa baywang ko. Yong skimboard ay nasa malayo na. Hinampas ko ang braso niya habang nagtatawanan kami.
“Tigil na. Aalis na tayo.” Aniya at biglang sumipol gamit ang index finger at ang thumb niya para tawagin ang nag ji-jetsking si Hendrix.
“Wow, Klare! Marunong kang mag skimboard?” Tanong ni Rafael sa likod ko.
Bumaling ako sa kanya at nagulat ako nang nakita kong nakaupo siya sa buhangin habang si Azi at nakatayo at nakahalukipkip sa gilid niya. Nakita ko ring paparating si Damon para manood.
“Oo, e.” Ngumisi ako.
“Pahiram ng skimboard?” Ani Damon.
Tumango ako at hinayaan siyang kunin ang skim board ko. Sumunod din si Rafael at Azi kay Damon. Pinagkaguluhan nila ang skimboard.
“Ahia’s at it again.” Suminghap si Pierre nang nakita si Hendrix na may kahabulan sa jetski. May isa pa kasing babaeng naka bikini na nag ji-jetski at parang tuwang tuwa silang dalawa dahil sa ginagawa nilang iyon.
“Klare…” Narinig ko ang boses ni Claudette sa likod ko.
Bumaling ako sa kanya at nakita kong sumabog ang mahabang buhok niya dahil sa hangin na umihip. Sa likod niya naman, hindi ko maiwasang hindi makita si Elijah na nakahalukipkip at pinapanood ang mga boys na nag aaral paano mag skimboard. He wants to join them, I know. Ngunit bakit ayaw niyang lumapit?
Bumaling ulit ako kay Claudette na nasa harapan ko na ngayon. Kumunot ang noo niya. She’s really a keen observer. Hindi ko iyon maipagkakaila. Hanggang ngayon, basang basa niya parin ang mga mata ko. Ngumiti ako at binigay ang buong atensyon sa kanya.
“Klare, you should really get a boyfriend. Or a suitor at least.” Dinig kong sambit ni Pierre sa likod ko.
Umirap ako sa kawalan. Ayan na naman siya.
“I probably should stop Kuya from his evil and stupid plans of ruining your lovelife.” Humalakhak siya.
“What evil plan are you talking about?” Bumaling ako sa kanya.
“Wala. Just kidding.” Ngumiti siya.
“I’m okay with my status, Pierre. Being single is great. Pinanganak akong single kaya mabubuhay rin akong single.”
I know he’s just concerned about my feelings for Elijah. Halata rin ni Pierre at Hendrix iyon. Ngunit ayaw kong manggamit ng ibang tao para maka move on. I think I’m really doing well. Ipinagmamalaki ko naman na hindi ako nag aalburuto tuwing nakikita ko si Elijah kasama ang kanyang girlfriend. Yes, nasasaktan, pero hindi ako nagwawala. That’s a good thing, right? Considering na sobrang possessive ko sa kanya noon. Na gusto kong sa akin lang talaga siya.
“Ikaw na lang ang walang boyfriend sa mga pinsan mo, e.” Ani Pierre.
“No. I’m single too. Wala rin akong boyfriend.” Singhap ni Claudette.
Bumaling ako kay Claudette na blanko ang ekspresyon at nakatingin kay Pierre.
“Well, I don’t think so. Sa dictionary ko, pag nag hoholding hands, in a relationship na iyon. Except of course kung kapatid.” Nagkibit balikat si Pierre sa akin.
Kumunot naman ang noo ni Claudette at mukhang naging iritado. “Your ideas are too primitive, then. Pwedeng mag holding hands ang friends. And he’s courting me anyway. I let him do that so I can feel him.”
Pumula ang pisngi ni Pierre. Gusto ko sanang sumingit dahil mukhang nagkakainitan na ang dalawa. Ayaw kong mag away ang kapatid ko at ang pinsan ko.
“Well, I’m sorry for being traditional. Pero iyon ang para sa akin. I don’t do flings and shits.” Ani Pierre.
“I don’t do flings, too. He’s courting me.” She explained.
Nagkibit balikat si Pierre at mabilis na naglakad palayo. Naramdaman niya yata ang pagdating ni Hendrix. “Klare, dito ka lang muna. Balikan ka lang namin.” Ani Pierre.
Pinagmasdan kong umalis silang dalawa patungong hotel.
“Stupid.” Bulong ni Claudette sa hangin.
Kumunot ang noo ko sa kanya. “Clau, sorry for Pierre. Suplado talaga iyon.”
Umiling si Claudette. “No, It’s okay. Nakikita ko naman na suplado talaga siya.”
Kinagat ko ang labi ko at naagaw agad ng mga boys ang atensyon ko. Pinagkaguluhan nila ang skimboard ko. Tumawa ako nang nakitang basang basa si Azi na nakahandusay sa buhangin. Mukha atang nadapa siya.
“Lampa mo!” Sigaw ni Josiah na nakalapit na ngayon.
“Fuck you! Kill yourself!” Sigaw ni Azi.
Nagtawanan sila. Tumawa rin ako. I miss them. God, I missed them so much!
“Klare.” Nasa gilid ko na si Claudette.
“Hmmm?” Sabi ko at naglakad palapit sa mga boys.
Sinabayan niya rin ako. “I’m really happy na okay na kayo nina Erin.” Aniya.
“I’m happy too, Clau.” Sabi ko.
“Sana ay magpatuloy ito. Hmmm. Kasi… P-Pwede na ba kitang ma invite kung sakaling may mga events kasama ang mga pinsan natin?”
“Oo naman!” Bumaling ako kay Claudette. “Oo, syempre.”
“Hindi ba awkward?” Tanong niya.
Ngumuso ako. It will be really awkward but it’s all bearable to me. “Nope.”
“Okay. You can invite your brothers too. Kung mas kumportable kang kasama sila. I can see that you are very close na.”
Tumango ako. “Hindi sila mahirap pakisamahan.” Sagot ko.
Hindi siya kumibo.
Narinig ko na lang na sinasambit na ni Josiah ang pangalan ko nang siya naman ngayon ang nakahandusay sa buhangin.
“That’s what you get, asshole!” Sigaw ni Azi sabay tawa ng malakas kay Josiah na ngayon ay iniinda ang sakit sa likod.
“Turuan mo nga kami, Klare! Tumahimik ka diyan, Azi!” Sigaw ni Josiah.
“Dude, Josiah is crying like a little girl.” Piniyok ni Azi ang kanyang boses para kantyawan si Josiah.
Tumindig ang balahibo ko nang narealize kung sino ang tinaag niyang ‘dude’ sa likod ko. Elijah’s near me. Oh my God. Relax, Klare. We’re alright. We’re fine!
“Akin na nga.” Sabay kuha ko sa skimboard kong kulay pink.
Sumipol si Rafael. “Damn smexy legs.” Tumawa siya.
Bumaling ako sa kanya. Uminit ang pisngi ko. Tumawa si Josiah. “Rafael, she’s our cousin.” Hindi ko alam kung awkward ba ito o ano pero hiya na lang ang naramdaman ko.
Tumawa si Rafael at nakipag high five kay Damon. Umiling ako.
“Damn, you’re not allowed to say something like that while I’m listening.” Ani Elijah na siyang nakapagpatahimik sa kanila.
Halos manginig ang kamay ko nang bitiwan ko ang skimboard. Parang may nagwawala sa tiyan kong ilang taon ko nang hindi nararamdaman. Nangatog ang binti ko at hindi ako sigurado kung maayos ko bang magagawa ang pag s-skim na ito. Binalewala ko ang nakakabinging katahimikan, binalewala ko ang sinabi niya, tinulak ko ang skimboard at mabilis akong tumakbo at sumakay doon.
Dammit! My heart is beating so fast! Hindi ko mahabol ang sariling pagpintig. Ang bilis! Ang bilis kong mainlove ulit! Ang bilis bilis! Hindi naman siguro talaga nawala pero hindi ko inasahan na ganito ka grabe ang paghuhuramentado nito pagkatapos ng ilang taon.
His damn words. He should really just shut his mouth. Damn, I don’t like the words from his mouth!
Tumigil ang skimboard at tumakbo ako palayo don. Pumalakpak sa malayo ang mga pinsan ko. Nakita kong naiwan si Elijah sa likod na nakatingin sa akin. Dapat ay itikom niya na lang ang bibig niya.
Ngumisi ako at huminga pa ulit ng malalim. “Ganon lang naman. I don’t-d-d-don’t exactly remember how it worked for me. Tinuruan lang ako ni Pierre, e.” Sabi ko nang nakalapit lang sila.
“Well, practice makes perfect, siguro?” Sabay kuha ni Damon sa skimboard ko. “Kailan ang punta ninyo sa Ardent, Klare?”
“Ah, mamayang hapon siguro.” Sagot ko.
“Good. Mamayang hapon na lang din tayo, Dette, paki sabi kina Erin at Chanel. We need to learn this thing.” Ani Damon.
Oh. Magsasabay kami patungong hot spring? Hindi ako sigurado kung nagugustuhan ko ba ang ideyang iyon. Tumama ulit ang mga mata ko kay Elijah na ngayon ay ngumunguso at nakatingin sa akin.
“Klare…” Dinig kong tawag ng naka wayfarers na si Pierre sa akin.
Pareho silang naka rashguard ni Hendrix ngayon at pareho ding may wayfarers. Inabot niya sa akin ang isa pang wayfarers at agad ko itong sinoot. Uniporme na kaming tatlo ngayon. Suminghap siya at binalewala ang presensya ng mga pinsan ko. Nilagay naman ni Hendrix sa tainga niya ang kanyang cellphone at mukhang may kausap na importante habang naglalakad palapit sa bangka.
“Let’s go.” Matigas na sinabi ni Hendrix.
“Come on, Klarey.” Sabay lakad ni Pierre.
Tumingin ako sa mga pinsan kong pinagmamasdan kaming tatlo na umaalis.
“Alis na ako. Paki ingatan ang skimboard ko.” Sabi ko at sumunod na sa dalawang kapatid kong naghihintay.
Inakbayan ako ni Pierre at naglahad si Hendrix ng kamay sa akin galing sa bangka. Tinanggap ko ito at tumungtong na doon.
“Kaya walang pumuporma sayo, e, bantay sarado ka.” Halakhak ni Hendrix.
Ngumisi silang dalawa nang nasa bangka na kami. Umiling na lang ako at pinagmasdan ang mga pinsan kong pinagkakaguluhan ang skimboard ko. Sa kanilang lahat, si Elijah lang ang nakatingin ng diretso sa akin. Hindi lang ako ang may kakayahang tumitig sa kanya…
Nakita kong umiling siya at kumunot ang noo. Nag iwas siya ng tingin at tumalikod sa akin.
Ngumuso ako at pinagmasdan ko siyang umaalis sa kinatatayuan niya. It’s like he’s angry, mad, and irritated. I don’t know why.
“Selena is a nice girl.” Ani Hendrix.
Umandar na ang bangka at bumungad na sa akin ang bagsik ng hangin.
“Bago sila umalis papuntang New York, naging classmate ko siya nong grade school.” Ani Hendrix.
“I know she’s nice. Nakilala ko siya kagabi.” Sabi ko.
Ngunit hindi ko maipagkakaila na gumaan ang loob ko nang sinabi iyon ni Hendrix. Ang malaman na mabait siya galing sa isa pang point of view ay mas nakakawala ng pangamba.
“Hindi ko siya agad namukhaan kasi maraming nagbago sa kanya. Matagal na rin yon, Grade School.” Ani Hendrix.
Tumango ako.
“Are you okay with them, Klare?” Tanong ni Pierre.
“Yup.” Sagot ko. “I need to be.”
There’s no other option.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]