Kabanata 6
Mga Mata
Tinapos ko ang kanta. Nakapikit na lang ako pagkatapos ko silang makita. Parang panibagong liwanag ang natagpuan ko nang dumilat ako at ngumiti sa camera ni Pierre pagkatapos ng kanta. Sumipol si Hendrix at pumalakpak. Uminit ang pisngi ko dahil siya lang naman itong pumapalakpak.
Bumaba agad ako. Nakita kong nakaupo na ang mga pinsan ko habang nakatingin pa rin sa amin ng mga kapatid ko.
“You look so pretty and you sing so well. May mga bagay ka bang hindi nagagawa, Klare?” Biro ni Pierre habang pinapakita sa akin ang kanyang camera.
Pinlay niya ang unang parte ng pagkanta ko. Nahihiya ako. Hindi ako masyadong sanay na makita ang sarili ko sa video. Nag angat ako ng tingin sa mga pinsan kong naroon sa pinaka malaking table. Kailangan kong lumapit sa kanila. Kailangan kong bumati at makihalubilo.
Nakita kong kumaway si Claudette sa akin sa gilid ni Kuya Silver Sarmiento. Kinakausap siya ni Kuya Silver ngunit nakatuon ang pansin niya sa akin. Napansin ko rin na umiiyak parin si Erin at Chanel. Si Azi naman at Damon ay parehong namumutla na pinapanood ako. Ngumiti ako sa kanila at kumaway na rin.
“Pierre, Hendrix, lapit muna ako sa mga pinsan ko.” Sabi ko.
Seryoso nila akong tiningnan. Kumunot ang noo ko sa mga pinakita nilang ekspresyon.
“Kuya, let’s just drink near their table.” Anyaya ni Pierre sa kay Hendrix na titig na titig sa akin.
“I’m okay, Rix. Hindi ako magtatagal.” Sabi ko.
“Kuya, di naman pwedeng umalis na lang tayo nang di niya binabati ang mga pinsan niya.”
Suminghap si Hendrix at nilingon niya si Pierre. “Alright. Lumapit tayo sa table nila.” Sabay lagay niya ng pera sa table namin.
Ngumuso ako at hinayaan ang dalawa sa gustong mangyari.
Papalapit ako sa table ng mga Montefalco ngunit pinagmasdan ko ang mga kapatid kong umuupo sa two-seater na table sa gilid nila. Tumawag sila ng waiter at may inorder. Nagkibit balikat ako at lumapit kay Claudette.
“Hi, Klare!” Bati ni Julia sa akin.
“Hello!” Ngumisi ako at nilapitan siya.
Kasabay ng pagdating ko ay ang pagdating rin ng mga pagkain nila. Nilapitan ko sina Liza at Hannah para yumakap. I missed them. Nakita kong nag angat ng tingin si Rafael sa akin. Nagulat ako nang nag lahad siya ng kanyang braso at naghintay rin sa yakap ko.
Tumawa ako at niyakap siya. I missed all of them. Palagi naman. Palagi akong sabik na makita sila kaya lang masakit ang dulot nito sa akin. Sa loob ng ilang taon, naging pamilya ko sila at hanggang ngayon itinuturing ko parin silang pamilya kahit na sa tingin ko’y hindi na mutual ang feelings.
“I miss you, Raf.” Niyakap ko siya ng mahigpit.
“Damn, girl. I missed you more.”
Mas lalo akong natawa. Natapos lang ang yakapan namin nang bigla akong tinawag ni Claudette. Nasa kabilang dulo siya ng mahabang table. Si Rafael ay nasa gitna kaya kinailangang sumigaw ni Claudette. Sa tabi ni Claudette ay si Kuya Silver kaya naman nagulat ako nang nilagyan niya ng isang upuan sa gitna nilang dalawa.
“Klare!” Sigaw ni Josiah at niyakap ako ng saglit.
“Joss!” Masungit na sinabi ni Claudette at tinuro ulit sa akin ang upuan.
Hindi na ako magkanda ugaga kung saan ako titingin. Tinawag rin ako ako ni Azi. Ngunit naiinip na si Claudette sa pag upo ko sa tabi niya kaya nalito ako kung sino ang una kong dadaluhan.
Uupo na sana ako sa tabi ni Claudette nang biglang sumugod si Erin sa akin at mas lalong humagulhol. Lumakas ang kalabog ng puso ko at natigilan ako dahil hindi ko alam kung bakit siya lumalapit sa akin nang umiiyak. May ginawa ba akong masama?
“Dammit, Klare! You’re my cousin! At hanggang ngayon, di ko parin matanggap lahat. Pero miss na miss na kita.” Nabasag ang boses niya.
Parang sinaksak ang puso ko nang narinig ko ang pagpiyok ng boses niya out of frustration. Natahimik ang maingay nilang mga kasama. Maging ang mga kaibigan ni Chanel ay nanahimik sa gilid dahil sa pagsabog ni Erin sa akin.
Niyakap ko siya pabalik. “I missed you, too.” Sabi ko. “Mag pinsan parin naman tayo.”
Humagulhol siya sa leeg ko. Sobrang higpit ng yakap niya na halos hindi na ako makahinga. Ngunit hindi ako nagreklamo. Hinayaan ko siya. Para akong nabunutan ng tinik. May bumabara sa lalamunan ko ngunit may naalis namang bigat sa damdamin ko.
“Klare.” Mas mahinahon na si Chanel nang niyakap niya kaming dalawa ni Erin. “I’m sorry.” Aniya.
Hindi ko alam kung anong nagawa ko at bakit nakuha ko ang ganitong pagtatrato galing sa dalawa. Noon ay kuntento na ako sa pagiging civil nila sa akin. Halos hindi nila ako kausapin pag walang kailangan. Naging kuntento ako roon dahil alam kong galit sila sa ginawa ko. ‘Yon naman talaga ang pagtatratong nababagay sa akin galing sa mga taong nasaktan ko. Ngunit ngayong may sinasabi na sila tungkol sa nararamdaman nila, nakakagaan ng feeling. Nakakatuwa!
Humalakhak ako nang nakita si Claudette na pinupunasan ang kanyang mata. It’s like a dream. At hanggang ngayon hindi ko parin alam kung anong meron at bakit nila ako biglang napatawad.
“Finally!” Tumawa si Josiah.
Nakita kong tumango si Azi sa akin at ngumisi naman si Damon. Ngumiti din ako. Pinakawalan ako ni Chanel at Erin. Tinawag ni Eion si Erin at pinaupo niya sa katabing upuan.
Ngumisi ako at nilingon si Claudette na hanggang ngayon ay tinuturo parin ang bakanteng upuan sa gitna nila ni Kuya Silver.
Sa loob ng dalawang taon, marami ang nangyari. Ang daming pagbabago at halos hindi ko na mahabol ang lahat. Isa sa pagbabagong iyon ay ang feelings ni Eion at Erin para sa isa’t isa. Hindi ko pa alam ang buong detalye dahil hindi rin naman ako kinakausap ng mga pinsan ko tungkol doon ngunit halata na may espesyal na tratuhan ang dalawa. Nagkatinginan kami ni Eion pagkaupo ko. Nakita kong pumula ang kanyang pisngi at nag iwas siya ng tingin. Well, that’s good for him. I’m happy for him.
Nang nalaman ko ang lahat ng tungkol sa kanya, pinanghawakan ko ang ideyang iyon. Naka move on si Eion sa akin at naka move on din ako sa kanya. We liked each other back then. Dahilan kung bakit mas lalo akong naniwala na totoong nakaka move on ang mga tao kahit gaano na katagal ang feelings nila. It happens. That’s reality.
At ngayong nasa harap ko si Elijah kasama ang kanyang girlfriend, mas lalo akong nanalig sa katotohanang iyon. Makaka move on din ako. Nag angat ako ng tingin sa kay Elijah at kay Selena na nasa kabilang dulo ng table. Sumulyap si Elijah sa akin habang may sinasabi ni Selena sa kanya. Humilig siya sa upuan ni Selena para makinig sa mga sinasabi nito. He looked so interested in every word that she was saying. His eyes were so passionate. But then again, his eyes were always like that. Naaalala ko pa noon kung gaano ako nangangatog tuwing tinititigan ako gamit ang mga matang iyon.
Ngumiti ako sa aking sarili. Those were the days. Nong malayo pa siya sa akin, naisip kong sana ay wala na lang nangyaring ganon sa aming dalawa. Kasi kung wala, sana hindi kami nahirapan. Ngunit ngayong nandito siya sa harapan ko, naisip kong mas gusto kong may mga alaala kaming dalawa. Hindi bale na kung mahirap makalimutan. At least may naaalala ako. Once in my life, natitigan niya ako at natitigan ko siya nang ganon ka bigat pabalik.
Kumunot ang noo ni Elijah habang kausap ang nakangiting si Selena. Sumulyap si Elijah sa akin. Kumalabog ang puso ko sa sulyap niya. Am I staring at him too much? Bumalik ang kanyang titig kay Selena na nagsasalita parin hanggang ngayon.
Naputol lang ang titig ko kay Elijah nang tinapik ni Claudette ang kamay ko. Bumaling ako sa kanya at nagtaas ng kilay. Gaah! I really did stare too much. It’s embarrassing.
“Sorry hindi ko nasabi sayong pupunta kami dito. Hindi ko rin alam hanggang kaninang umaga.” Aniya.
“Okay lang. Kung niyaya mo rin kasi ako baka di ako makasama kasi kasama ko naman ang mga kapatid ko.”
Kinagat ni Claudette ang kanyang pulang labi at sumulyap siya sa kabilang table kung saan umiinom ng beer ang mga kapatid ko habang nag uusap ng seryoso. “Kapatid.” Ulit ni Claudette.
Hindi ko na maalala kung natawag ko na bang kapatid sina Hendrix at Pierre sa harap niya. Siguro ay hindi pa dahil nanibago siya sa salita. May tumawag ulit sa akin. Nginitian ko si Chanel.
“Ilang araw kayo dito?” Tanong niya.
Nararamdaman kong pagkatapos ng pag iyak nila at paghingi ng tawad ay may kaonting gap parin sa amin. Syempre, maging ako ay may nararamdaman paring ilang sa kanila. It’s not easy… Hindi rin naman ito tulad ng sa mga telenovela na pag humingi ng tawad ay agad na nag babati. Ilang taon din iyon at pareho kaming nagkasakitan, maiilang talaga kahit sino.
“Tatlo lang. Tapos two nights. Kayo ba?” Tanong ko at bumaling na rin kay Erin na nakatingin rin sa akin.
Kahit na morena siya ay lumilitaw parin ang pamumula ng kanyang ilong. Namaga rin ang kanyang mata. Kumpara kay Chanel ay mukhang mas marami ang iniyak niya.
“Ganon rin kami, Klare.” Ani Erin.
Tumango ako. “Magkikita kita rin pala siguro tayo. Papasyal kasi kami. Di pa sila nakakapunta dito.” Sabay tingin ko sa mga kapatid ko.
Alam kong minsang nagkacrush si Erin sa kay Hendrix. Ngunit hindi ko na kailangang buksan ang topic lalo na ngayong katabi niya si Eion.
“Maayos ba ang buhay mo kasama sila, Klare?” Tanong ni Kuya Silver sa akin.
“Okay naman.” Ngumiti ako. “Sweet sila bilang kapatid.”
Tumingin ako kay Claudette na ngayon ay tinititigan ako gamit ang mala pusa niyang mga mata. I guess he’ll be good for her, huh? Mature na si Kuya Silver. Bagay siya sa medyo may pagka childlike na obsession ni Claudette sa mga anime at K-Pop. Nakakatawang isipin na sobrang daming nagbago.
Ako lang naman yata ang hindi nagbago. Well, except na lang siguro sa family name ko at sa bago kong pamilya. Bukod doon ay wala na.
“Minamaltrato ka ba nila-” Siniko agad ni Damon ang biglaang nagsalita na si Azi.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagsasalita nila. Kumunot ang noo ni Azi kay Damon. Humalakhak ako sa kanyang tanong. “Hindi, ah. They’re really sweet.” Sabi ko.
Nakipag usap si Chanel sa kay Brian na kanyang boyfriend. Ilang taon na rin sila. Nakakamangha ang mga relasyong ganyan. Matatag talaga. Napapangiti ako habang pinagmamasdan ang mga pagbabago sa lahat. Nag uusap na si Josiah at si Azi. Pinapakita ni Joss ang kanyang piercing sa dila. Nakita kong ngumiwi si Julia doon.
“Elijah, dare? Palagay ka ng piercing sa dila?”
Bumaling si Elijah kay Azi. Ngumisi siya at ngumiwi din.
“Azi, di na niya kailangan ng ganyan. He’s already good with his tongue.” Tumawa si Selena.
Oh. Nag iwas ako ng tingin sa kanila. Bumaling ako sa kay Hendrix na ngayon ay nakatingin na sa kay Elijah o kay Selena. Kumunot ang noo ko dahil may sinabi siya kay Pierre at tumingin din si Pierre sa kanilang banda. May kawili-wiling sinabi si Pierre sa kay Hendrix at sabay silang tumingin sa kanilang Elijah.
“That’s offending, dude!” Singhal ni Josiah kay Elijah.
“Hindi ako ang nagsabi non!” Ani Elijah.
Tumawa si Selena at umiling sa mga pinsan ko.
“Damn, boy!” Tumawa rin si Azi.
Nagulat ako nang bumaling ako kay Selena ay nakatingin na siya kina Pierre at Hendrix. Tumili pa siya at nilapitan ang dalawa. Sumulyap ako kay Elijah na ngayon ay mukhang nagtataka sa ginawa ng girlfriend.
“Ej! Come here!” Sabay hila ni Selena kay Elijah.
Ngumiti si Hendrix kay Selena. Ganon rin si Pierre. Magkakilala sila? Hindi ko alam. Hindi naman sinabi ni Hendrix o ni Pierre sa akin? O baka ganon lang sila ka walang pakealam na ngayon lang nila nakita ng husto ang girlfriend ni Elijah?
“This is my boyfriend, Elijah. Mga kilala ko sila from Davao City.” Ani Selena.
May umubo sa aming table. Bumaling ako kay Claudette at nakita kong nakatitig sa akin si Chanel, Josiah, at si Azi. Damn, I know… Alam kong kanina pa siguro nila ako pinagmamasdan para malaman ang mga reaksyon ko. I did nothing wrong. Tumitingin lang din naman ako. I’m okay. They don’t need to worry about me hurting or me pursuing Elijah again. Sana ay hindi nila maisip iyon. I don’t want to ruin the moment.
Kinausap ko na lang si Claudette tungkol sa Field Study namin na maaaring ipagpapatuloy ko pagka graduate next year. Susuportahan din kasi daw ako ni daddy pag mag nenegosyo. Nag offer din ng suporta si Papa sa akin. Masaya ako dahil pareho nila akong sinosuportahan.
Nakita kong bumalik din naman si Elijah at si Selena sa upuan nila. Nag usap ulit sila kasama si Josiah at Azi. Hindi na lang ako bumaling dahil ayaw kong may makakita na naman sa akin.
“Isn’t it weird.” Bulong ni Claudette sa akin nang nagsalita si Erin tungkol naman sa Field Study niya.
“What?” Bumaling ako sa kanya.
Tumingin lang siya sa akin. Mas lalong kumunot ang noo ko. Nag angat siya ng tingin sa harap at biglang tumayo.
“Selena…” Tawag niya.
Kumalabog ang dibdib ko. Anong weird ang sinasabi niya at bakit niya tinatawag si Selena?
Bumaling si Selena sa kanya. Naglakad si Claudette palapit kay Selena. May binulong siya rito. Tumango ang masiyahing si Selena at bumaling sa akin. Mas lalong kumalampag ang tibok ng puso ko sa kaba. Dammit, Klare! What’s wrong?
Humakbang silang dalawa palapit sa akin. Nakita kong nilingon ni Selena si Elijah na nagmamasid lang.
“Klare, this is Selena…” Ani Claudette.
Girlfriend ni Elijah. I can finish the sentence for you. Ngumiti ako at naglahad ako ng kamay.
“Klare.” Sambit ko.
Tumango si Selena. “You’re really pretty, Klare.” Aniya. “Narinig na kitang kinikwento nina Claudette simula pa kahapon. She’s right… You’re the prettiest Montefalco.”
Nagulat ako sa puri niya. “Hindi, ah. I’m… I’m not the prettiest. Mas magaganda sila.”
I’m sure she’s just trying to impress me. I’m not ugly but I know I’m not the prettiest Montefalco around. No way. They are way prettier.
“But you’re pretty.” Aniya at ngumisi.
She’s damn pretty, too. Kulang pa nga ang salitang iyon. We need sizzling hot, here. Kahit na sa simpleng cropped shirt at short pants niya, kitang kita ang hubog ng kanyang katawan. I’m slender, kaya naman naiinggit ako sa mga may dibdib at likod na tulad niya.
Ngumisi na lang ako at umupo sa aking upuan. Kinausap ni Chanel si Selena at nagtawanan sila tungkol sa kay Josiah. They’re all pretty close now, too. Ngumiti na lang ako at bumaling sa umuupong si Claudette.
Nag order ng mga beer ang mga lalaki pagkatapos nilang kumain. Nakakatuwa ang mga kwentuhan nila. Mas marami akong natututunan tungkol sa mga ginawa nila for the past months. It’s all refreshing. Humikab ako at kinusot ko ang aking mga mata. Ilang sandali ang nakalipas ay may tumapik sa akin. Tumingala ako at nakita ko ang nakasimangot na mukha ni Pierre.
“You’re sleepy. Balik na tayo ng suite.” Aniya.
Umiling ako. “I’m not sleepy.”
“You liar.” Humalakhak siya. “Lika na.” Aniya ay hinila ako.
Ngumisi ako at tumango na. “Manood muna tayo ng Piranha? Any shark movies?”
“As you wish.” Ngumisi siya.
Bumaling ako sa mga pinsan ko at nagpaalam na. Tumingin si Elijah sa kanyang relo at bumaling sa akin. Kumaway ako sa kanilang lahat. Narinig kong umangal si Erin sa pag alis ko ngunit hindi magpapapigil si Hendrix at Pierre. I needed to go, too. I guess that ‘meet and greet’ thing is done now. Maligaya akong medyo may development ang relasyon namin nina Erin at Chanel. That’s an accomplishment for tonight. I’m already happy.
Nanonuot sa aking puso ang mga alaala ko kanina kay Elijah. May mga bagong alaala ulit ako sa kanyang mga mata. Ngunit ngayon, hindi na iyong nakatitig siya sa akin, kundi iyong mga titig niya sa ibang babae. I’m happy for him, though. Ngunit nasasaktan talaga ako.
Narinig ko na ang munting hilik ni Pierre pagkatapos ng movie na pinanood namin. Pinatay ko iyong flatscreen at ang kanyang laptop. Kanina pa tulog si Hendrix. Alas dos na rin kasi ng madaling araw. Ako lang yata ang tumapos sa movie.
Ngumisi ako at tiningnan ang dalawang nagsiksikan sa iisang king size bed. Na kay Hendrix ang kabuuan ng comforter habang si Pierre naman ay nakikiagaw lang. Kinuha ko ang comforter ko at nilagay sa katawan ni Pierre. But I love them, too. Can I love two families at once? Pwede naman siguro iyon, hindi ba? Wala naman sigurong batayan ang pagmamahal. Hindi naman sa kung sino ang tunay mong kadugo o kung sino ang mas matagal mong nakasama. Ang importante ay mahal mo sila.
Napagtanto kong hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nagsiksikan kaming tatlo sa iisang suite dahil gusto nilang nasa iisang kwarto lang kaming tatlo. May isang king size bed, at isang single bed, kung saan ako matutulog. Kaya lang ay hindi parin ako inaantok.
Bumaba ako ng hotel sa pagbabakasakaling dalawin ako ng antok pag makita ang dalampasigan ngayong malalim na ang gabi. Batid ko ang mga gising pang tao sa restaurant at sa kanilang sea side na grill. Lumabas ako ng hotel at dinama ang buhanging nanonuot sa aking tsinelas. Papalapit na ako sa mga alon nang nakita kong may taong nakatayo na roon at nanonood na rin sa alon.
Nakahalukipkip siya at nakatalikod sa akin. Natigil ako sa paglalakad. Kumalabog ang puso ko. Si Elijah iyon. Unti unti akong umatras. Tahimik akong umatras pabalik ng hotel.
Talking to him right now is a bad thing. I really think it’s a bad thing. Kung ano man ang dahilan at mag isa siya dito at hindi pa natutulog ay ayaw ko nang alamin. Tumakbo ako pabalik sa hotel at pumasok sa kwarto. I’ll just lay here and wait till I fall asleep.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]