Until He Returned – Kabanata 40

Kabanata 40

I’ll Stay

Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang gabing iyon. Tulala ako sa sofa habang nag iiyakan silang lahat. Sinundan ni Azi si Elijah palabas ngunit bumalik siyang humihingal dala ang cellphone ni Elijah.

“Found this near his car.” Ani Azi sabay bigay ng cellphone ni Elijah sa kay Tita Beatrice.

Mas lalong umiyak si tita. Ang makitang iniwan ni Elijah ang kanyang cellphone at hindi na siya naabutan ni Azi ay mas lalong nagpamulat sa aming lahat na umalis nga siya. Umalis siya. Iniwan niya ang buong pamilya.

Saan siya pupunta? Saan siya matutulog? Saan siya titira? Ano ang kakainin niya? Sino ang mag aalaga sa kanya? Ano ang mangyayari sa kanya?

Maraming tanong ang naglaro sa aking isipan. I want to know everything. Natatakot ako sa maaaring mangyari sa kanya. Naiiyak ako tuwing naiisip ko ang mga masasama.

Gusto ko siyang sundan pero alam kong may mga kamay na hihila sa akin pabalik. Nang umalis siya, hindi ko agad iyon natanggap. Tiningnan ko lang siya at inisip kong hindi niya iyon magagawa, hindi niya iyon magagawa sa pamilya namin. Elijah’s not like that. He can’t love me like that.

“Klare…” Hikbi ni Tita Beatrice.

Lumapit siya sa akin. Nasa cellphone si tito Stephen. Nagkakagulo ang mga pinsan ko sa pag lalabas pasok sa aming building. Si mommy ay umiiyak sa kay daddy. Si Tito Exel ay pinapainom ng tubig ni tita Claudine at tita Dana. Si Tito Benedict ay kinakausap si Josiah. Si Claudette ay nasa gilid ko parin. Si Charles ay tahimik na nakatayo rin doon.

Nilingon kami ni mommy at tita Liezl. Hinawakan ni tita Beatrice ang mga kamay ko. Halong pagmamakaawa at galit ang nakita ko sa kanyang mga mata. Mas nangibabaw doon ang pagmamakaawa.

“Klare, please, pag nakita mo si Elijah, pabalikin mo siya dito.”

Dumalo si Ate Yasmin sa kanyang mommy. Ni hindi niya ako tiningnan. Dala na rin siguro ng galit. Blanko ang naging ekspresyon ko para kay tita Beatrice.

“Anong plano niya? Do you know anything about this? May alam ka ba na ganito ang gagawin niya sa huli at may plano ba kayong dalawa? Tell me, Klare.” She said desperately.

Umiling ako. “Wala po.”

Nanuyo na sa pisngi ko ang mga luha. Natuon ang atensyon ng mga naroon sa akin dahil sa tanong ni tita Beatrice. Napagtanto kong may naisip sila doon sa sinabi ni Tita kaya mas lalo akong umiling.

“Wala po kaming plano. Hindi po kami nagplano na aalis. Hindi po namin pinlano ang kahit ano. We just want you to accept us.”

“Hindi ba kayo nagplano na mag tanan?” Tanong ni Tito Azrael.

“Hindi po. Hindi ko po iyon gagawin sa pamilyang ito.” Tinikom ko ang bibig ko.

Gusto kong sabihin sa kanila na hindi ko hahayaan si Elijah na gawin iyon pero natatakot akong sa ngayon ay naituring ko na rin iyong option para sa aming dalawa. Nag iwas ako ng tingin kay tita. Mas lalo siyang umiyak. Ang tunog ng kanyang iyak ay nakapagpahabag sa akin.

Hindi ako natulog. Unti-unti silang umuwi. Si Chanel, Josiah, Erin, Claudette, Azi, at Knoxx ay nanatili sa bahay. Doon sila natulog sa guestrooms.

Umiyak ako nang umiyak at panay ang tingin ko sa cellphone ko. Nagbabakasakali akong mag text si Elijah sa akin. Sana ay bumalik na siya.

Alam kong masakit ang natanggap niyang mga salita galing sa kanyang ama. Ngunit ayaw kong umalis siya ng ganon. Marami na kaming nasaktan at mas dadami pa dahil sa pag alis niya. Kung sana ay alam ko kung saan ako mag titext sa kanya. Kung sana ay makausap ko siya kahit saglit.

Nakatulog ako dahil sa pagod. Nagising ako, dala dala pa rin ang sama ng loob at pag aalala kay Elijah. Unti-unti akong dumilat, pinapakiramdaman ang bigat ng katawan. Naaninag ko ang umiiyak na si mommy sa gilid ng aking kama.

Tiningnan ko lang siya. Umuusbong ang galit sa aking sistema. She’s the reason why these things happened. Hindi ko matanggal ang paninisi ko sa kanya. Nag iwas ako ng tingin para matigil ko ang unti unting pag buo ng mas mainit na galit sa kanya.

“I’m sorry, Klare.” Pumiyok ang kanyang boses.

Parang kalabit ng baril ang boses niya sa akin. Tumulo ang luha ko dahil don. Halo halo ang naramdaman ko. Dismaya, galit, pagsisisi, at kung anu-ano pa. I need to tell her. Hindi ako matatahimik kung hindi ko masasabi sa kanya ang lahat.

“It’s done, mom.” Sabi ko sa matigas na boses.

“I’m sorry. Natatakot lang ako para sa inyo ni Elijah. Ginawa ko ang lahat para hindi na ako sumbatan ng pamilya ng daddy mo sa nagawa ko noon. Ngayon na nagkaroon kayo ng relasyon ni Elijah, pakiramdam ko maibabalik non ang matagal ko ng iniwan na mga katotohanan.”

“You are so selfish, mom.” Namuo ang luha sa aking mga mata. Imbes na dugtungan ay tumigil ako at hinayaan ko iyong dumaloy.

When will I stop crying?

“I know… I’m sorry… I’m just trying to protect you… to protect us.” Aniya.

“Anong klaseng proteksyon ‘yan? Bakit ako ang nasasaktan? Kelan niyo ba maiintindihan, ma. Mahal ko si Elijah. Mahal niya ako. Ang paghihiwalay sa aming dalawa ang dahilan kung bakit magkakagulo talaga tayo. When will you all learn?”

“Klare, hindi ‘yan maiintindihan ng mga tito mo. You know, kami ang nagpalaki sa inyo. Kami ang nakakita ng lahat at tumatak sa aming mga isipan na magpinsan kayo.”

Fuck cousins. Pinilit ko ang sarili kong intindihin ang lahat. Pinilit ko ngunit hindi ko maintindihan. O siguro, ayaw ko lang talagang intindihin. Maaaring tama sila, kami ni Elijah, hindi namin maramdaman ang matayog na pader sa gitna namin dahil mahal namin ang isa’t-isa. Silang lahat, iyong mas nakakapag isip at hindi nagmamahal ang mas nakakaramdam at nakakakita non. Sila ang mas marunong dahil hindi nila ginagamit ang kanilang mga puso. Mas nakikita nila na hindi kami pwede dahil mag pinsan kami, hindi man sa dugo, ngunit sa puso.

“Leave me alone, mom.” Sabi ko nang hindi ko na kaya.

Hindi ako kumain ng buong araw. Dinalhan ako ni Claudette ng pagkain, tinitigan ko lang ito. Ni hindi ko alam kung umaga pa ba o gabi na.

“Eat, Klare.” Aniya at umupo sa paanan ng kama ko.

“May balita na kay Elijah?” Tanong ko.

Umiling siya. “Hindi ka ba kakain hangga’t walang balita kay Elijah?”

Hindi ako umimik. It’s pointless.

“Klare, listen. Ikaw ang magpapalabas sa kanya. Ikaw ang magpapalabas kay Elijah. Pag lumabas ka ng bahay niyo, bukas, sa pasukan, paniguradong magpapakita siya sayo.”

Nag angat ako ng tingin kay Claudette.

“Dette, I can’t eat.” Sabi ko. “Hindi ko kayang kumain habang iniisip na maaaring walang nakakain si Elijah ngayon. He’s still young and without his family-“

“Do you think Elijah’s dumb, Klare?” Medyo naiirita niyang sinabi.

Natigilan ako sa sinabi niya.

“Hindi niya hahayaan ang sarili niyang umalis ng walang back up plan.”

Nanliit ang mga mata ko. “What’s his back up plan, Dette? Hindi ko alam.”

“Hindi ko rin alam.” Aniya. “I just know he’s not going to let that happen to himself. He’s proud and arrogant. Can’t you see that? He’s not going to sink like that.”

May punto si Claudette. Ang makita si Elijah sa utak ko na maayos at may nakakain ay nagpakalma sa akin. Nasaan kaya siya? Saan siya kumakain? Saan siya tumutuloy? May tumutulong ba sa kanya?

Kumapit ako sa salita ni Claudette. The next day, naging normal ang galaw ko. Ikinagulat iyon ni mommy ngunit sa pag aalalang babalik ulit ako sa kwarto ay tumahimik na lang siya. Charles went to school early so we did not see each other that morning. Tumulak na rin ako patungong school para sa unang araw.

Habang naglalakad ako patungong school, iniisip kong bigla na lang magpapakita si Elijah sa akin. Bigla niya na lang akong gugulatin. Bumagal ang mga yapak ko.

“Klare!” Pamilyar na boses ang umalingawngaw sa aking tainga.

“Eli-” Nilingon ko ang hinihingal na si Josiah.

“Damn, I parked my car outside the campus para maabutan kita. Wala ka na sa inyo pag punta ko.”

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Josiah. “Bakit?”

Umismid siya at di nagsalita.

Hindi niya na kailangang magsalita. Just like the old times, I needed a guard. Hindi na ako magtataka kung bukod sa isa kong pinsan ay may umaaligid na detective sa akin. Tito Stephen probably sent one of his goons. I don’t care. I don’t give a damn. Sa oras na bumalik si Elijah, no one can stop us.

Gumala ako sa buong school, lumilinga linga at nagbabaka sakaling isa sa mga estudyante ay si Elijah kahit na malabo dahil hindi na iyon nag aaral.

“Joss, I think it’s weird. Hindi ka ba naaasiwa.” Sabi ko pagkapasok namin sa classroom.

Sumama talaga siya sa akin sa loob. Umupo siya sa tabi ko kahit na kakagraduate lang din niya last March. Ang tanging nag aaral sa amin ngayon ay si Claudette, Erin, at ako. Ang pag aaksaya ni Josiah ng oras dito ay mali. But I don’t think it’s a pain in his ass. He’s enjoying the freshmen.

Umiling ako nang nakita ko siyang may kinakausap na bagong estudyante sa labas ng classroom habang naghihintay kami sa professor. Pumasok si Hannah, Julia, at Liza. Ngumiti sila at binati ako. May nakita akong lalaki sa likod ni Hannah, may dala ng kanyang bag. Ngumiti si Hannah ng mas malaki at kumindat sa akin. Nginitian ko rin sila.

I hated that this is normal for them. Lahat sila ay nagpapatuloy sa kanilang buhay samantalang ako ay hindi makausad sa bangungot.

Ilang klase ang pinasukan ko, umalis lang si Josiah nang nagkaklase na kami ni Erin at Claudette. Naririnig ko si Julia na nagrereklamo sa boring na pasukan. Ang pag graduate ng mga Montefalco boys ay bad news para sa kanilang lahat kaya nag hanap sila ng ibang lalaki.

I hated that they feel so normal. I hate it. Luminga linga pa ako. Walang Elijah sa paligid.

Tumigil ang paningin ko sa isang pamilyar na mata. Medyo iritado siyang tumititig sa akin habang pinapalibutan ng kanyang kaibigan. Kitang kita ko rin ang malaking ngiti ni Vaughn sa tabi niya na nawala nang tumama ang paningin sa akin. Lumapit siya sa akin sa pavilion. Tumayo ako para salubungin ang kapatid ko.

“Pierre…” Sabi ko ngunit hindi ko pinilit ngumiti.

Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap. Halos nakkaahiya sa sobrang higpit non. Pinagtitinginan na kami ng ibang tao. “I miss you.”

“I missed you too.” Sabi ko at nilingon ang mga pinsan kong walang imik sa nangyari.

“You okay?” Sinuri niya ang mga mata ko.

Tumango ako at tinanggal ko ang kanyang kamay sa aking pisngi.

He can see through me. Gustong gusto kong sumama sa kanya at umalis na sa mga Montefalco ngunit natatakot akong bumalik si Elijah at masasaktan ako pag nadatnan niyang wala ako sa lugar na iniwan niya.

“Yup.” I said.

“You don’t look okay, though.” Ani Pierre.

“I’m okay, Pierre.” Matigas kong sinabi.

“She’s not.” Ani Claudette.

Bumagsak ang titig ni Pierre sa pinsan ko at pabalik sa akin.

“Dette…” Ani Erin.

“Klare, stop taking it all by yourself. We’re obviously here. Nandyan ang kapatid mo. Tell him.” Ani Claudette.

Wala akong kawala sa titig ni Pierre. Alam kong hindi niya ako bibitiwan ngayong may nalaman siya sa pinsan ko. Umalis ako sa pavilion para magkaroon kami ng privacy. Hinigit niya ako sa gilid ng isang sasakyan para makapag usap kami ng wala masyadong tao.

“Elijah’s gone.” Sabi ko.

Naghintay siya sa isusunod ko. Naghintay naman ako sa sasabihin niya ngunit walang dumating.

“Galit ang mga Montefalco sa akin.”

“Umuwi ka na satin.” Buntong hininga niya.

Umiling ako. “Alam kong sasabihin mo ‘yan. That’s the main reason why I don’t want you to know anything about my problem, Pierre.”

“Ayaw kong nasasaktan ka. Tuwing naiisip kong ganon, nasasaktan din ako. Umuwi ka na. We’ll find Elijah.” Aniya.

“What if we don’t find him? Pinapahanap na siya, Pierre. What if siya ang babalik at paano kung babalik siya ta’s wala ako sa amin? I want to be there, Pierre.” Sabi ko.

Tumingala siya Pierre at kitang kita ko ang pag igting ng kanyang panga sa kanyang pisngi. Para bang may pinipigilan siya sa kanyang sarili.

“I’m sorry.” Sabi ko.

“Ama…” Aniya. “wants to see you.”

Tumunganga ako sa kanya. Hindi ko inexpect na iyon ang sasabihin niya sa akin.

“Ayaw ko sanang sabihin ‘to sayo ngayon. Dad was so thrilled at sinabi niya sa akin na siya ang magsasabi sayo. You know me, I love the spotlight, Klare. Gusto ko ‘yong ako ang nagsasabi sa’yo.”

“When? Where?”

“I don’t know… She’s old, Klare. At tingin ni daddy ay gusto niyang ayusin ang mga nangyari sa inyo noon.” Ngiti ni Pierre. “So… come back.”

Tumunganga ako sa kinatatayuan ko.

Sa wakas ay matatanggap na ako ni lola. Sa wakas ay may pamilya ng tatanggap ng buong buo sa akin. Gusto kong matuwa ngunit walang laman ang utak ko ngayon kundi ang pagkawala ni Elijah. I might have to decline this offer. Hanggat hindi ko pa nahahanap si Elijah, ay hindi muna ako aalis sa amin.

“I can’t, Pierre.”

“Come on, Klare. I’m not happy with you Montefalco Family. Hindi ko alam kung ano ‘yong mga nangyari at kung paano ka nila pinahirapan this time pero alam kong kakayanin mo ang hirap para kay Elijah. But this time, our family wants you. We want you there. Kung malaman ni Kuya Hendrix na nahihirapan ka na dyan, he’ll drag you out of that house.”

Mabuti na lang at hindi ko sinabi sa kanya kung ano talaga ang mga ginawa ng Montefalco sa akin.’Galit’ was an understatement. Pag nalaman ni Pierre na ininsulto ako at sobrang sinaktan, maaaring siya na mismo ang kakaladkad sa akin ngayon din. Siguro nang nakita niyang maayos at magkasama kami ni Claudette at Erin, naisip niyang hindi pa ganon ka lala ang sitwasyon. Nagpapasalamat na rin ako at hindi siya nag isip na masama na rin ang sitwasyon kasi sa ngayon, gusto kong manatili muna dito. I can’t run away now.

“I’ll wait for dad’s call, Pierre. I want to know the details about it. Pero sa ngayon, I’ll stay with the Montefalcos. I’m sorry.” Sabi ko.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: