Until He Returned – Kabanata 4

Kabanata 4

Hindi Nakita

“Klare, I’m really sorry.” Napapaos ang boses ni Tito Azrael nang sinabi niya ito sa akin.

“It’s okay, Tito.” Sabi ko.

“Naging malupit kami sa iyo lalo na nang nalaman namin ang tungkol sa inyo ni Elijah. Natakot ang daddy mo na dahil don ay lalabas ang katotohanan tungkol sa pagkatao mo. Understand that we really want to keep you. Ayaw niyang magkaroon ka ng insecurities sa pagiging Montefalco mo. Dapat ay hindi ka mag dalawang isip.” He sighed.

Tumango ako. “Naintindihan ko po ang lahat, Tito. At pasensya na rin po sa desisyon kong ito-“

“No, don’t say sorry for that. We understand. Alam naming lahat na sa oras na malaman mo ang tungkol sa tunay mong pagkatao, maaaring ganito ang mangyayari. Besides, Ricardo Ty is really determined to give you his name.”

“No, Tito. Wala pong kinalaman si Papa dito. Ako po ‘yong nag desisyon.”

Ang mga tito at tita ko ay naging open-minded sa desisyon ko. Nagpapasalamat ako doon dahil hindi ko na kailangan pa ng karagdagang issues. Natanggap na rin ni mommy ang desisyon ko ngunit madalas ay hindi niya parin naiiwasan ang pagbabawal sa akin sa pakikipag kita sa mga Ty.

“Klare, sinong kasama mo ngayon sa mall?” Tanong ni mommy nang paalis na ako.

Ang totoo, sasama daw si Pierre sa akin ngayon kahit na kasama ko ang mga pinsan ko. Gustong makipag kita ni Claudette sa akin kaya pupunta ako at isasama ko si Pierre.

“Sina Claudette at Erin po.”

Hindi ako nagsinungaling ngunit hindi ko rin sinabi ang totoo na kasama si Pierre. Alam kong pag sasabihin ko lang rin naman ang totoo ay pagbabawalan niya ulit ako at mag aaway na naman kaming dalawa.

Nang dumating ako sa Starbucks ng Centrio Mall naaninag ko kaagad ang mga pinsan ko sa maraming table. Nandoon silang lahat. Si Azi, Damon, Rafael, at Josiah sa iisang table habang si Erin, Chanel, at Claudette naman nasa isa pa.

“Klare, may titingnan lang ako sa loob. Susunod ako.” Ani Pierre habang gumagala na ang mga mata sa loob ng mall.

“Okay…” Sabi ko at hinayaan siyang umalis.

Unang nakakita sa akin si Azi na agad kumunot ang noo at nag iwas ng tingin. Ngumiti ako nang nag tama ang mga mata namin ni Erin at kinawayan ko sila ngunit ang malulungkot lang na mata ni Claudette ang bumati sa akin.

Pagkapasok ko sa Starbucks ay tumayo agad si Claudette at naglahad ng upuan. Papaupo na ako nang biglang tumayo si Azi.

“Alis na ako.” Aniya.

“Kuya, andito na si Klare. Saan ka pupunta?” Tawag ni Claudette.

Bumaling si Azi sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang kitang kita ko ang nag aalab na galit sa mga titig niya. “Ayoko naman siyang makausap.”

“A-Azi, bakit?” Tanong ko nang tinalikuran niya ulit kami.

Tumayo na rin si Damon para sumunod kay Azi. Walang sinabi si Damon pero ramdam ko rin ang galit niya. Nilingon ulit ako ni Azi at mas matalim na tinitigan.

“Tingin mo hahayaan ka ni Elijah na magpalit ng apelyido, Klare? Kung nandito siya, hindi ka hahayaan non. Magkakamatayan pero Montefalco ka dapat! Pero ikaw, anong ginawa mo?” Tumaas ang tono ng kanyang boses.

Nalaglag ang panga ko sa galit na ipinakita niya. Nangapa ako sa mga salita. “A-Azi, hindi mo naiintindihan-“

“Ikaw ang hindi ko maintindihan. Dammit, Klare. I don’t want to talk to you.” Aniya at mabilis na humakbang palabas.

Nakita kong nakatingin na ang ibang mga tao sa loob ng Starbucks. Kinagat ko ang labi ko at pinasadahan ng tingin ang mga natitira. Claudette’s upset about the scene. Sinundan niya ng tingin ang kanyang kapatid na mabilis na umalis kasama si Damon. Hindi niya man lang kami nilingon sa loob.

“Sorry, Klare. Sorry sa inasal ni Azi at Damon pero naiintindihan ko sila.” Suminghap si Rafael.

Tumango ako at bumilis ang pintig ng puso ko sa kabang ngayon lang nagparamdam. Masyado akong nagulat sa nangyari na naging late ang reaction ko. “Naiintindihan ko, Raf. Sorry din talaga. Naiintindihan ko kung bakit galit kayo sa akin.”

“Hindi ako galit, Klare. Hindi lang talaga kita maintindihan.” Umiling si Josiah at nag iwas ng tingin.

Umupo si Claudette sa harapan ko at tiningnan ang dalawa kong pinsan sa tabi ko. Diretso ang tingin ni Erin sa kapeng inorder samantalang si Chanel naman ay nasa cellphone ang buong atensyon.

“I’m sorry, Erin.” Sabi ko.

Kinagat ni Erin ang kanyang labi at nag angat agad ng tingin sa akin.

Pulang pula ang kanyang mga mata. Para bang naiiyak siya ngunit pinipigilan niyang lumuha para lang maharap ako.

“Hindi ka namin maintindihan, Klare. Sige nga… mag explain ka kung bakit mo nagawa ang katraydurang ito?” Aniya.

“Erin, hindi ako nag traydor. Kinailangan kong klaruhin sa mga tao at sa sarili ko kung ANO talaga ako.”

“Montefalco ka! At sinabi mo samin na kami ang pipiliin mo!” Sigaw niya.

“God, Erin! Hinaan mo ang boses mo.” Angal ni Claudette.

“Wala akong pinipili! Montefalco ako! Ty rin ako! Dalawa ang pamilya ko. Mahal ko ang mga Montefalco. Walang tanong dyan dahil kayo talaga ang pamilya ko. Ngunit hindi ko maipagkakaila na pamilya ko rin ang mga Ty. Wala akong pinipili, okay?”

“Walang pinili pero nag iba ng apleyido? Bakit? Hindi ba pwedeng Montefalco ka na lang-” Ani Chanel na pinutol ko.

“Hindi niyo kasi alam. Hindi niyo nararamdaman ang nararamdaman ko. Hindi niyo alam kung paano ako nag hirap-“

“Kami rin. Hindi mo rin alam kung paano kami naghirap dito at paano kami natraydor sa ginawa mo!” Ani Chanel.

“Erin, Ate… Please, stop it.” Ani Josiah.

“Hindi, Joss, kailangang malaman ni Klare na hindi natin nagustuhan ang ginawa niya.” Iling ni Chanel.

“Klare, sabihin mo nga.” Pumikit ng mariin si Erin bago ako binalingan. “Nagpalit ka ba ng apelyido para magkatuluyan kayo ni Elijah?”

Nalaglag ang panga ko sa tanong niya. Ni hindi ko kayang isipin ang tao sa gitna ng paghihirap kong ito. Oo, naaalala ko siya ngunit hindi siya ang inisip ko nang nag palit ako. This is not about him, anymore. I need clarity and peace for myself. At para makuha ang lahat ng iyon, kailangan kong maging klaro sa sarili ko at sa ibang tao. Wala siyang kinalaman sa lahat ng desisyong tinahak ko!

“Bakit di ka makapag salita?” Tanong ulit ni Erin.

Nangilid ang luha ko. Hindi ko na napigilan ang pagluha. Agad ko itong pinunasan. Hindi ako makapaniwala sa tanong niyang iyon. Bakit kailangang masali siya dito? Wala naman siyang kinalaman!

“Hindi ako mababaw, Erin.” Sabi ko.

“Hindi mababaw ang naramdaman niyo para sa isa’t-isa. Kaya nga ginagawa mo ‘to ngayon kasi malalim na talaga, diba? Hindi mo kayang hindi kayo ang magkatuluyan-“

Kasabay nang pagbuhos ng mga luha ko ay ang pag lipad ng kamay ko sa kanyang pisngi. It’s too much! I can’t take her words anymore. Pumitik ang sampal sa kanyang mukha na siyang nagpatahimik sa kanya.

Bumuhos ang mga luha ni Erin sa ginawa ko. Ganon rin ako. God! We are making a scene here!

“Kahit kailan, hindi ko siya naisip sa mga desisyon ko. Maaaring nangulila ako sa kanya pero wala akong inisip na ganon!” Sabi ko.

“Iyon lang ang dahilang naisip namin, Klare.” Ani Chanel.

Hindi na makapagsalita si Erin dahil sa ginawa ko sa kanya. Mabilis akong na guilty sa pananampal ko. Masyado akong nagulat. Masyado akong nagpadala sa damdamin ko. Kinukurot ang puso ko habang tinitingnan si Erin na naghihilamos sa sariling luha.

“I’m sorry, Erin.” Nabasag ang boses ko.

Umiling siya. “Don’t talk to me.” Aniya.

“Klare, sige nga, sabihin mo bakit talaga? Kasi naiisip lang namin kayong dalawa ni Elijah. Na siya ang dahilan ng lahat ng ito! Na dahil sa kanya kaya mo naisipan ang lahat. Wala kaming ibang maisip kundi iyon.” Ani Chanel.

“Chan, hinuhusgahan ng mga tao si daddy. Hinuhusgahan ng mga tao si mommy. Kayong lahat, dahil sa akin-“

“Ni hindi nga kami nag papaapekto, ikaw pa kaya? Hindi kami kailanman nag reklamo!” Ani Chanel.

“Chanel, tama na.” Bulong ni Claudette. “Let’s go somewhere else to talk.” Sabay hila ni Clau sa braso ni Chanel.

Hinawi ni Chanel ang kamay ni Claudette.

“Ngayong Ty ka na, pwede na kayo ni Elijah. Tinalikuran mo kami para mangyari kayo. That’s it, right? Now, Klare…” Nag angat ng tingin si Erin sa akin. “Go and tell him. Alam kong magagawa mo ‘yan. Sabihin mo kay Ate Yasmin na gusto mong kausapin si Elijah. Contact Kuya Just… Go and tell him para kumaripas iyon pabalik dito at magkatotoo kayong dalawa!”

Hindi tumigil sa pagluha ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala na ganito ang mangyayari. Na ganito ang iisipin nila!

“Erin, ano ba!” Tumaas ang boses ni Claudette.

“God! Girls! Tama na!” Ani Josiah at agad tumayo para mag walk out.

Sumunod si Rafael sa kanya kaya kaming mga babae na lang ang natira doon. Ngunit di nagtagal ay tumayo na rin si Chanel at Erin. Mabilis nilang dinampot ang bag nila. Nakita kong pumasok ang nag aalalang si Pierre sa loob ng Starbucks. Hinanap niya ang mga mata kong nakatitig sa dalawa kong pinsan na ngayon ay nakatayo na.

“This is not about him, Erin, Chanel. Please, pakinggan niyo ako. Sa sarili ko lang ito. Hindi ito-“

“Whatever, Klare. Just go fuck yourself. Magkalimutan na tayo.” Mariing sinabi ni Erin.

“Erin!” Sigaw ko.

Mabilis na silang naglakad palabas ng Starbucks. Nakita kong pinupunasan nila ang kanilang mga mata dahil sa mga luha. Tumayo si Pierre sa likod ni Claudette. Nakatingin siya sa akin na para bang natatakot at naaawa.

“Clau, please tell them. This isn’t about him.” Sabi ko sabay hawak sa kamay ni Claudette.

“I know, Klare. I believe you. Pero hindi nila matanggap talaga. Bago pa sila nag desisyong kausapin ka, sinabi ko na sa kanila pero ayaw nilang makinig. O hindi nila makita ang rason mo.” Aniya.

“Clau, mahal na mahal ko kayo. Ginagawa ko ang lahat para matahimik ang pamilya. Pero bakit ako ang di natatahimik?” Nabasag ang boses ko.

Mabilis na dumalo si Pierre sa akin. Kitang kita ko ang gulat sa mukha ni Claudette nang pinunasan ni Pierre ang luha ko sa kanyang harapan.

“I’m okay, Pierre.” Sabi ko sabay hawi sa kamay niya.

“Klare, kung nandito si Elijah, tama si Kuya Azrael, hindi ka niya hahayaang mag palit ng apelyido. Kahit na sabihin nating pwede na kayong mangyari pag nagkataon.” Ani Claudette.

Umiling ako. “I know better. He will understand. He will always understand me.”

Umiling si Claudette. “Hopefully, pag balik niya, maiintindihan niya.”

Humikbi ako at nakita kong tumayo si Claudette. Hinawi niya ang kanyang buhok at pinunasan niya ang kanyang pisngi gamit ang tissue.

Pulang pula ang kanyang ilong. Kitang kita ito dahil masyado siyang maputi. Nag angat ng tingin si Pierre sa kanya.

“I need to go, Klare. Pupuntahan ko sina Erin at Chanel para kausapin. I’m really sorry for this.” Aniya.

Tumango ako. “Thanks, Clau. Sorry din talaga.”

Tumango rin siya at tinalikuran na ako.

It’s the worst kind of pain. Ang makitang lumalayo sa’yo ang mga taong pinaglaban mo at iningatan mo. Pagkatapos ng lahat, ikaw din pala ang makakasira sa relasyon ninyo. Sa dinami dami ng pinagdaanan mo at sinakripisyo mo para sa kanila, ikaw parin pala ang sisira sa iningatan mo.

Hindi na ata mag hihilom ang mga sugat na iniwan nila sa akin. Ganon din siguro ang mangyayari sa sugat na iniwan ko sa kanila.

Sa loob ng dalawang taon, namuhay ako nang hindi sila masyadong kinakausap. They hated me so much. Ang mga lalaking Montefalco ay naging civil din naman sa akin kalaunan. Si Damon at Azi lang ang hindi pa nakaka recover. Halos di pa ako matingnan ni Azi.

Tuwing nag aaral ako sa isang bench na mag isa, madalas ko silang makitang nag titipon tipon kasama ang ibang kaibigan ni Chanel at mga kaibigan kong si Julia, Hannah, at Liza. Masaya sila sa malayo at malakas ang tawanan habang nag kukwentuhan. Natitigilan ako sa pag aaral para tumingin sa kanila at maalala na minsan ay kasama ako sa grupo nila. It’s heartbreaking. Madalas ay naiiyak ako tuwing nakikita ko at naiisip kong ganon nga. Ang layo layo na nila sa akin. Para bang ang hirap ng abutin. I did this to myself, though. You really cannot hold two things at once.

“Klare…” Umupo si Hendrix sa tabi ko habang pinagmamasdan ko ang mga pinsan ko sa malayo. “Are you done?” Tanong niya.

“Yup, Rix.” Niligpit ko ang mga gamit ko sa bag.

“Uwi na tayo.” Aniya.

For all the things you’ve lost, you will gain something else. Iyon ang pinanghawakan ko. I lost the Montefalcos for the Tys. It’s not okay. It will never be. Pero magaan din ang loob ko sa mga Ty at hindi ko pinagsisihan na nakilala ko sila. Ang tanging pinagsisihan ko lang ay hindi ko naipaabot sa mga Montefalco kung gaano ako nahirapan sa sitwasyon. I know that they will never understand. Wala sila sa sitwasyon ko. Tanggap ko iyon. Tanggap ko ang lahat. Ngunit hindi ko talaga maipagkakailang nasasaktan ako.

“Let’s go.”

Mas madalas ako sa Montefalco Building kesa sa bahay ng mga Ty sa Hillsborough Pointe. Ayaw ko rin kasing mawalay kay Charles dahil ma mimiss ko siya. Ngunit may mga buwan ding sa mga Ty ako umuuwi. Lalo na pag nandyan si Papa sa syudad para sa negosyo.

Tuwing pasko naman, umuuwi sina Pierre at Hendrix ng Davao kaya sa bahay ako namamalagi. At tuwing nagkakaroon ng annual party, naiisip ko na lang ang mga nangyari sa amin noon ni Elijah sa pasko. Wala na rin kasi akong pinagkakaabalahan dahil si Claudette na lang ang kumakausap sa akin. Ang tanging nakakapag pagising lang sa akin ay ang madalas na pagkakadulas ni Azi sa kanyang galit. He’s the coldest among the boys. Ngunit siya rin itong madalas na madulas…

“Knoxx, Rafael, Damon, Azrael, Josiah, Charles, Erin, Chanel, ako… sinong kulang?” Tanong ni Claudette habang kukunot ang noo at inaayos silang lahat para sa annual picture.

“Si Klare!” Maligayang sinabi ni Azi.

Napatalon ako nang binaggit niya ang pangalan ko. Natahimik silang lahat. Nakangisi siya nang tiningnan niya ako ngunit agad napawi nang siguro ay naalala niya na galit dapat siya sa akin.

“Sorry.” Sabi ko sabay tayo para lumapit sa kanila at magpapicture.

“Klare…” Bulong ni Hendrix sa akin. Unti unti kong dinilat ang akong mga mata. Nakarating na ba kami sa Cagayan de Oro?

Nilingon ko ang labas at hapon na. Papalubog na yata ang araw. Nakita ko ang pamilyar na mga kalsada ng Cagayan de Oro. Hindi ako makapaniwalang nandito na ulit ako. Kahit na halos dalawa o tatlong araw lang ako sa Davao, pakiramdam ko ay ang tagal kong di nakabalik.

Inayos ni Hendrix ang upuan namin at mas lalo kong nakita ang maraming mga sasakyan, hudyat na malapit na kami sa puso ng syudad.

“San ka matutulog? Sa bahay o sa building niyo?” Tanong ni Hendrix.

“Sa bahay na lang muna? Hindi ko alam.” Kinusot ko ang mga mata ko at kinuha ko ang cellphone ko.

Bago kami umalis ng Davao ay tinext ko si mommy na uuwi ako ng Cagayan de Oro. Ngayong nasa Cagayan de Oro na kami ay nabasa ko naman ang text niya.

Mommy:

Klare, I’m sorry di ka namin agad na inform agad. Itetext na sana kita ngayon kaso nakita ko itong text mo. Pupunta kaming tatlo sa Singapore and Hongkong. Isang linggo kami doon, kasama si Charles at ‘yong mga kaibigan niya. Do you want to come with us? Bukas ng umaga ang flight. Ibobook ka namin ng ticket once makapag desisyon ka na.

“Oh no…” Sabi ko. “Pupunta sila ng Singapore at Hongkong.”

Nakatingin na si Pierre sa akin. Tiningnan ko naman silang dalawa. “Sama ka?” Tanong nila.

“Hindi siguro. Kasama ni Charles ang mga kaibigan, e. I’ll just wait till they come back. Sa bahay na lang ako ngayon. For the whole week.” Sabi ko.

“Maybe we should plan a trip, too? Nakakaumay sa bahay.” Ani Pierre. “Ikaw Kuya?”

“Siguro. Pero tayong tatlo lang?”

“Why not? It’s fun. I’ve never been to Camiguin. Nakapunta ka na, diba, Klare?” Ani Pierre.

“Oo.”

“I’ll text Vaughn and the gang. Kaso sabi nila sa Davao sila magbabakasyon.” Kinuha ni Hendrix ang kanyang cellphone at tumingin sa driver ng van. “Paki liko sa Limketkai. Dinner muna tayo.”

Kung ano man ang plano nila, magpapadala na ako sa agos nito. Wala akong mapupuntahan. Siguro ay dadalaw ako sa bahay pagkatapos ng dinner at tatanggihan na ag offer ni mommy. Maghihintay na lang ako sa pagbalik nila.

Naglalakad na kami sa buong Limketkai mall para magpunta doon sa pizza parlor na gustong kainan ni Pierre. Nasa gitna ako ng dalawang matatangkad kong kapatid. Hindi ko alam kung nasaan ang mga bodyguards at ayaw ko ring magtanong kay Hendrix tungkol sa kanila. Hinayaan ko na ang pag iisip non at tumingin tingin na lang sa bawat boutique na dinadaanan namin.

Tumindig ang balahibo ko nang nakita ko ang pamilyar na tikas ng lalaking matagal ko nang hindi nakikita. Nasa kabilang side sila ng mga boutique. Bawat hakbang ko ay naging magaan. Para bang nilipad ako ng sarili kong mga paa. Kumalabog ang puso ko at gusto kong hilahin ang dalawang kapatid ko para tumigil, tumakbo, o magtago. What is this feeling?

Naka faded jeans siy, stripes na polo shirt sa kulay na royal blue at puti. Mas tumangkad siya at mas nadepina ang katawan. Pamilyar na pamilyar sa akin ang lakad niya at ang pagngisi ng kanyang mga mata. Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang brasong may nakakapit.

“Holy hell.” Mura ni Pierre sa gilid ko.

Nilingon niya ako sa pag aalala. Hinawakan ko ang braso niya para suporta at para na rin hindi siya mag react at hindi niya maagaw ang atensyon ng dalawang taong naglalakad malayo sa amin.

“Is that…” Hendrix trailed off.

Mabilis na ang hininga ko. I just want to get out of here.

May nakakapit sa kanyang babaeng maganda, matangkad, makinis, at makurba ang katawan. Sinuklay niya ang kanyang kulay brown na buhok gamit ang mga daliri at natural itong bumagsak. Kulot-kulot ang ibaba nito, parang tulad ng sa mga modelo. Naka itim na dress siyang perpekto sa sukat niya. Nadepina nito ang nipis niyang baywang at makurba niyang dibdib. Nakangiti siya at tinuturo niya kay Elijah ang isang boutique na may nakakatawang manikin. Ngumisi si Elijah at tiningnan niya ang babaeng kasama gamit ang mga matang punong puno ng saya at adorasyon.

“Klare, let’s eat somewhere else.” Ani Pierre at hinila ako palayo doon.

Hindi na ako lumingon pabalik. Masakit pala talaga. Masakit na makita siya muli. Masakit na makita siyang may ibang kasama. Dapat ay hindi na ako nagulat. Dapat ay hindi na ganito ka sakit ang saksak nito sa aking puso dahil tatlong buwan na ang nag daan nang nalaman kong may iba na nga siyang mahal.

Tatlong buwan na nang nalaman ko galing kay Claudette na may girlfriend na nga si Elijah. He’s happy with her and they are going steady. Hindi ko inasahang dadalhin niya ang babae dito sa pagbalik niya. Umiyak ako nang nalaman kong iyon dahil masakit. Masakit talaga. Pero wala na akong magagawa. Noon pa man, alam ko nang maaring mangyari ito at ngayon ay nangyari na nga. Palagi ko namang sinasabi sa sarili ko na sa oras na magmamahal siya ng iba ay papakawalan ko na siya. Matagal ko na siyang pinakawalan pero sa puso ko, hindi ko parin siya maalis. Siya parin talaga ang para sa akin ngunit hindi na ako ang para sa kanya.

Bumuhos ang luha ko habang hinihila ako palabas ng mall ni Pierre. Mabilis din ang lakad ni Hendrix palabas.

“Ni hindi niya man lang ako nakita.” Sabi ko at humagulhol na lang.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: