Until He Returned – Kabanata 38

Kabanata 38

Sila Parin

Medyo madilim pa nang nagpapicture kami sa labas. Tawanan at asaran ang bumalot dahil sa mga boys, nahihiyang nakikisali naman ang mga pinsan at kaibigan ni Eba sa amin. Dumalo na rin si Rafael kasama si Karen sa amin at ilang beses pa kaming nag pa-picture.

“Mga Montefalco please!” Sigaw ni Kuya Justin, hawak hawak ang kanyang camera.

Nagpapicture kaming mag pipinsan doon. Sa likod namin ang namumuong bukang liwayway na napapakita ng dagat.

“Wacky pose!” Ani Azi at sabay sabay naming nginiwi ang mukha namin para mag pose nga ng ganon.

Nagtawanan kaming lahat. Tumingin ako sa tabi ko at nagulat ako nang si Elijah ito. Nagkatinginan kami ng may ngiti pa sa labi. Nanibago ako sa lapit naming dalawa. Ramdam ko ang mga mata ni Erin sa likod niya.

“Klare?” Tawag ni mommy sa malayo.

Mabilis ko siyang nilingon. Nakita ko na nagpalipat lipat ang mata niya sa akin at kay Elijah. Wala naman kaming ginagawang masama. Para maibsan ang kanyang pangamba ay lumayo ako kay Elijah.

“Ate…” Ani Charles nang nakalayo ako kay Elijah. Nasa gitna na ako ni Knoxx at Claudette ngayon habang lahat kami ay naghihintay sa pag dating ni Eba.

“Hmm?”

“Hayaan mo na si mommy. Just talk to kuya. Hindi pa kayo nag uusap. Are you two okay?” Tanong ni Charles.

Ngumiti ako. Bata pa si Charles. Hindi pa niya makita ang lahat lahat ng tunay na problem at ang mga maaaring magiging resulta nito. “I’ll talk to him later, Charles.”

Hindi niya ako tinantanan sa titig. Luminga na lang ako para hanapin si Eba.

Ilang sandali ang nakalipas ay nakarating na si Damon. Naka puting tuxedo siya at malaki ang ngisi. Kausap siya ngayon ni Elijah at Rafael. Habang nagsasalita si Rafael sa kanilang dalawa ay napapatingin si Elijah sa akin. Bumabagsak ang tingin ko sa buhangin.

Ilang sandali ang nakalipas ay napansin ko na lahat ng dekorasyon dahil sa unti unting pag liwanag. Kitang kita na ang malayong asul na dagat sa view. Ang mga upuan ay dinamitan ng puting tela at may mga vines at bulaklak sa likod nito. Imbes na red carpet, ginamit ang mas maputing buhangin para gawing aisle. Ang ganda! Sa gitna ay mas isang mesa at batid kong doon tatayo ang magkakasal sa dalawa.

“Ayan na si Eba! Holy… Ang ganda!” Ani Chanel.

Nagsimulang mag click ang mga camera. Instinct na hinanap ko kaagad si Damon para tingnan ang kanyang mukha. Nakanganga siya habang tinitingnan ang nakangiting si Eba. Nilipat ko ang tingin ko sa kanyang katabing si Elijah na nakatingin naman sa akin. Dinungaw niya ang cellphone niya at mukhang may tinype doon.

Hinanap ko si mommy at nakita kong abala siya sa pagsuri kay Eba. Kumalabog ang puso ko sa maaaring itext ni Elijah sa akin.

“Sponsors, line up, please!” Anang bading na organizer ng kanilang kasal.

Nagsimula ng maging busy ang lahat. Naririnig ko na ang I Won’t Give Up sa background at pinapalinya na kaming lahat kasama ang mga partner.

“Azi…” Dinig kong sambit ni Elijah galing sa likuran.

Pinigilan ko ang sarili kong lumingon sa kanya.

“Yes, dude. This is no fun.” Ani Azi at tamad na tumabi sa akin.

Nilingon ko siya. “Ikaw ba ang partner ko?”

Batid kong nakatingin siya sa isang lalaking nasa gilid niya. Isa ata ito sa mga pinsan ni Eba. Ang alam ko, pinsan ni Eba ang magiging ka partner ayon sa invitation.

“Just go find your own damn partner.” Maarteng sinabi ni Azi sa lalaki.

Nakita kong matalim ang titig ng lalaki kay Azi, narinig ko namang sumipol si Elijah sa likod dahilan kung bakit napatingin ang lalaki sa kanila.

I can’t believe it! Sa kalagitnaan ng mga problema namin ni Elijah ay nagawa niya paring utusan si Azi na maging ka partner ko. Umiling ako at dumungaw sa aking cellphone.

Elijah:

You look stunning. And I crave for your touch and your voice.

Nag angat ang dulo ng labi ko. Imbes na pagsabihan siya sa ginawa ay hindi ko na lang tinuloy. Inabala ko ang sarili ko sa panonood sa mga sponsors na marahang nagmamartsa sa puting buhangin at umuupo sa mga upuang para sa kanila. Isang pamilyar na kanta ang nasa background. Umalingawngaw ang kanta kasama ang tunog ng mga alon sa tabing dagat.

Kumalabog ang puso ko habang papalalim ang kanta at papalapit naman ang pagmamartsa namin ni Azi.

“Bakit ito ang kanta?” Dinig ng isang hindi ko kilalang boses na alam kong babaeng pinsan ni Eba. “Nakakaumay na. Tsaka, hindi naman ‘to pangkasal.”

Napapakanta ako kasabay ng I Won’t Give Up habang papalapit na kami ni Azi.

“Antay ka lang. Panoorin mo na lang.” Medyo iritadong sinabi ni Erin at natahimik iyong babae.

Liningon ako ni Claudette na sumenyas na baka may away na magaganap. Umiling ako at ngumuso nang nakitang kami na ang susunod na magmamartsa. Dala-dala ang bouquet ng lilies ay nagmartsa kaming dalawa ni Azi. Nang nakarating sa harap ay lumiko ako sa left side, sa right side naman siya umupo. Ganon rin ang ginawa ni Ate Yasmin, Erin, at Chanel sa kani kanilang mga partner.

Hindi na makangiti si Damon sa gitna. Kahit malamig ang pinagpapawisan na siya at malaki naman ang ngisi ni Rafael sa gilid niya na parang nang aasar.

Nagbago ang kanta at isang pamilyar na classic song ang umalingawngaw sa buong lugar. Napatingin ako kay Eba. Para siyang anghel na kabababa lang sa langit dahil sa puti at simple niyang gown. May bulaklak na korona siya at ang belo na nakatakip sa kanyang mukha ay halos hindi makita dahil sa tingkad ng kanyang ganda.

“Light is in your eyes,

Love is in our hearts,

I can’t believe you’re really mine forever.”

Nakaawang ang bibig ko habang pinapanood ang kanyang mga maliliit na yapak. Tumatawa siya. Nagtaka ako kung bakit ngunit nang nakita kong umiiyak si Damon ay nalaman ko rin. Pinipiga ang puso ko sa pagpapatuloy ko sa panonood sa dalawa.

“So if you feel the cold winds

blowing through your nights

I will shelter you and forever

here that tears your fear away…

Sa pagtitig ko kay Eba ay hindi ko napigilan ang pagluha. Nakakainggit. Nakakainggit sila ni Dame. Kahit kailan, hindi ko tinanong sa Panginoon kung bakit pa kami naging magkamag anak ni Elijah, pero ngayon? Paulit ulit ang tanong ko sa puso ko. “Bakit mo po ako pinaibig sa taong hindi naman pala pwede sa akin?”

Inisip ko na baka pagsubok ito ng Panginoon, pero hindi ako sigurado kung aling pagsubok ba ito. Pagsubok sa akin bilang tao, sa mga desisyon ko, at para malaman ko na ang tamang desisyon ay ang pamilya. Ang tamang desisyon ay ang iwan siya at hayaang makalimutan ako. O ito ba ay pagsubok sa aking pagmamahal sa kanya? God, are you testing my love for him? Kung hanggang saan ako? Kung makakaya ko ba siyang ipaglaban? Alin kaya sa dalawa? Parehong reasonable ang dalawa pero paano ko malalaman kung alin talaga?

Bumuhos ang luha ko pisngi. Hindi ko iyon agad pinunasan dahil natatakot akong may makahalatang umiiyak ako. Nang nakalapit na si Eba kay Damon ay nahagip ng paningin ko ang malungkot na mukha ni Elijah habang nakatitig sa akin.

Dahan dahan kong pinunasan ang mga luha ko at nginitian ko siya. I’m okay, baby.

Humugot siya ng malalim na hininga at dumungaw sa kanyang cellphone. Dumungaw rin ako sa akin para itext siya na ayos lang ako at ayaw kong mag alala siya.

Elijah:

I’m sorry, I still can’t give you a relationship like that. Baby, I’m real sorry

Humikbi ako sa nabasa kong text galing sa kanya. Umupo kaming lahat at siniko ako ni Claudette. Pinagapang niya sa kamay ko ang kanyang panyo.

“Thanks…” Bulong ko at pinaypayan ang sarili gamit iyon bago nag punas ng luha.

Isang tingin niya pa lang sa mga mata ko, alam niya na agad na naiinggit ako kay Damon at Eba. Naiinggit ako dahil sa pagkakamali ng dalawa ay natanggap parin sila. Naiinggit ako dahil madali lang iyon sa buong pamilya samantalang itong amin, umabot na ng ilang taon, wala parin. Siguro ay kaya alam ni Elijah na naiinggit ako dahil ganon rin ang nararamdaman niya ngayon.

Ako:

It’s not your fault. We can do this together.

Mabilis din siyang nag reply.

Elijah:

Uuwi kayo diba? Magkita tayo mamaya. Bibisitahin kita. Sa labas lang ako.

Pumayag ako sa gusto niya. Iyon lang ang tanging panahon na makakapag usap kami dahil bantay sarado kaming dalawa sa buong kasal.

Nang nag halikan na si Damon at Eba para selyohan ang kanilang pangako, mabilis na tumakbo si Xian sa kay Eba. Kinuha siya ni Damon at nakunan ko sila ng picture na maligayang maligaya, hindi ko mapigilan ang aking ngiti.

Ilang sandali pa bago kami nagparty pagkatapos ng kasal. Natagalan dahil sa pagpapapicture ng bawat pamilya.

Kumakain kami sa mga round tables malapit sa mga mesa lang din ng mga magulang namin. Panay ang biruan ni Azi, Elijah, at Josiah. Madalas pa nilang kinukuha si Xian kay Damon at tinuturuan nila ng kung anu-ano.

“Kuya!” Sigaw ni Claudette nang nakitang tinuturuang tumalbog ni Azi si Xian.

“What?” Natatawang sinabi ni Azi.

“Akin na nga…” Ani Knoxx at kinuha sa kapatid niya ‘yong bata.

Umirap si Claudette at nagpatuloy kami sa pagkain. Ganon rin ang aming mga magulang. Batid ko parin ang mga sulyap ni mommy halos kada isang minuto sa akin, naniniguradong hindi ako nakikipag lapit kay Elijah.

“Sino kaya ang susunod?” Tanong ni Tita Dana.

Humalakhak si Tito Benedict. “Definitely not Erin, Chanel, or Josiah!”

“Baka si Chanel?” Ngisi ni tita Dana kay Chanel na halos mabilaukan sa kanyang tubig.

“Naku, tita! Alam niyo po, madalas ‘yong mga hindi inaasahan ‘yong nauuna.” Sagot niya.

“Baka naman si Azrael?” Ani dad.

Napalingon ang natatawang si Azi kay Daddy.

“Mas gusto kong si Knoxx muna ang mauna kesa kay Azrael.” Tawa ni tito Az.

“Dad…” Ngumiti si Knoxx sa kanyang daddy.

Tumango naman si tito sa kanya.

“Ba’t hindi si Elijah?” Tumawa si Ate Yasmin at tumingin sa nanahimik niyang kapatid.

“Oo nga pala, Elijah. Where’s your girlfriend?” Tanong ni tita Dana.

“Probably in New York by now, tita.” Ani Elijah.

Tumitig na lang ako sa softdrinks sa harapan ko para maiwasan ko ang pag iiba ng ekspresyon.

“Hindi mo ba inimbita?” Tanong ni tito Stephen.

“Inimbita po pero aalis na raw siya.” Ani Elijah.

Napatingin ako kay Erin, kinakagat niya ang kanyang labi. Si Chanel naman ay ginawang abala ang sarili sa pakikipag usap kay Brian. Si Josiah ay nakatingin sa akin, ganon rin si Claudette at Azi.

“Sana ay pinigilan mo. Nagpapalambing lang iyon.” Nakangising sinabi ni Tita Dana. “Naaalala ko pa noon, tuwing may gusto ako? Nag tatampo ako. Nagpapapansin.”

“So you mean, mom, gusto lang ni Selena na kaladkarin siya ni Elijah dito?” Tawa ni Rafael.

“Ganyan talaga ang mga babae, ‘yong mga sinasabi nila kabaliktaran sa tunay na nararamdaman.” Tumatango si Knoxx habang kinakalas ang unang dalawang butones sa kanyang tux.

“Oo nga, Ej. Why don’t you call Selena again? Hindi pa kami nag uusap pero baka naman hindi pa siya nakakauwi?” Tanong ni Ate Yas.

“There’s no point. The wedding’s over.” Ani Elijah.

“But she can still come here, right?” Ani Ate Yasmin.

“We’re not even sure she’s still in Davao, ate.” Ani Elijah.

“Why are you not sure, son?” Kumunot ang noo ni Tito Exel.

Mariing tinikom ni Elijah ang kanyang bibig. Kumakalabog na naman sa kaba ang puso ko. Please, Elijah. No.

“She’s… she’s probably boarding to Singapore now, dad.” Pahabol ni Elijah.

“Dad wants grandchild from you, Elijah.” Tawa ni Kuya Justin.

“Ikaw muna.” Ani Elijah sa kanyang kapatid.

Tumawa si Tito Exel.

“Ikaw ang may girlfriend. Besides, you’re earning.” Panunuya ni Kuya Justin sa kapatid.

“Naiimagine ko na, Ej. Baby girl ang anak ninyo ni Selena.” Tawa ni Ate Yas.

Kumunot ang noo ni Elijah at uminom ng beer sa harap. Hindi niya pinatulan pero patuloy ang pantasya nila sa pagkakaroon ng anak ni Elijah at Selena.

“Hindi mo pa ba niyayayang magpakasal ang girlfriend mo, Elijah?” Tanong naman ni tito Stephen.

Umiling si Elijah. “Tito. I’m still 22.” Aniya.

“Damon is 22.” Sagot ni Tito.

Umiling ulit si Elijah at hindi na makangiti. Nag tama ang paningin naming dalawa.

Ano kaya ang iisipin nilang lahat pag nalaman nilang dahil sa akin ay wala na ang dalawa. Wala ng pag asa. They would hate me even more.

Ang totoo, masakit na marinig sa kanila ang lahat ng ito. Marinig na may isang babae silang gusto para kay Elijah at hindi iyon ako. Ang tanging nakakapag pagaan sa loob ko ay ang pananaw na ako ang mahal ni Elijah. I know this sucks but I have no choice. Ito ang pinili kong daan at ito ang resulta ng daan na iyon.

Pagkatapos ng maiksing programme sa reception ay nag bathroom break ako. Mag isa ako dahil abala sila sa games at pictures. Pagkalabas ko ng CR ay nakita ko kaagad si Elijah na nakahilig sa dingding, naghihintay sa akin.

“Sorry kanina.” Panimula niya.

Tumango ako. I tried real hard not to hug him. “Okay lang.” Hindi ko maiwasan ang tabang sa aking ngiti.

Tumayo siya ng maayos at humakbang patungo sa akin. Bago pa niya mabuka ang kanyang bibig para makapagsalita ay nagsalita na si mommy sa likod niya.

“Klare!” Mariin niyang tawag sa akin.

“Mom…” Nanlaki ang mga mata ko.

Nilingon siya ni Elijah. Nag tagal ang tingin ni mommy kay Elijah. Hindi siya bumaling sa akin kahit na nagsalita siya.

“Uwi na tayo.” Ani mommy.

Tumango ako at nilagpasan si Elijah para sumunod sa gusto ni mommy.

True enough, umuwi nga kami. Bukod sa pamilya ni Eba, kami lang ang umuwi ng maaga. I know that mom’s just trying to prove a point. Alam niyang kahit na anong gawin niyang pagbabantay sa amin ni Elijah, we will always find a way.

Nakahiga ako sa kama halos buong mga oras pagkatapos naming umuwi. Nakatingin lang ako sa cellphone kong walang text ni Elijah. I figured he enjoyed the after party. Kung ano man ang meron o baka naman naligo sila sa dagat. I don’t know.

Nakaidlip ako at nagising nang nanginig ang cellphone ko sa aking kamay. Naalimpungatan, nag angat ako ng tingin sa relo at nakita kong hating gabi na.

Tumatawag si Elijah sa akin kaya agad ko itong sinagot.

“Hello…” His voice was husky.

“Hi…” Napaupo ako.

“I’m outside. Can we talk? Fifteen minutes lang.” Aniya.

“Yup… Give me… 5 minutes.” Sabi ko at mabilis na bumangon para mag ayos.

Pagkatapos kong mag ayos ay binuksan ko na ang pintuan sa kwarto. Patay na ang ilaw at alam kong tulog na si mommy at daddy. Bukas, kung magtatanong si mommy kung saan ako pumunta ngayong gabi, sasabihin ko parin sa kanya ang totoo. Besides, labing limang minuto lang naman akong mawawala.

Dahan dahan akong umalis at bumaba sa aming building. Nang nakita ko siyang nakahalukipkip sa gilid ng kanyang sasakyan mabilis akong naglakad patungo sa kanya. I don’t want him to think I’m too eager. Lalo na ngayong may naka plaster na ngisi sa kanyang mukha.

“What happened to my craving girl?” Panunuya niya sa akin.

Uminit ang pisngi ko at naalala kung paano ako tumakbo sa bisig niya kagabi para lang mahagkan siya. Damn, asshole! Kaya niya paring magbiro tungkol don.

Isang hakbang para makalapit na ako ng husto sa kanya ay mabilis kong narinig ang sigaw ni mommy sa likod.

“WHAT ARE YOU DOING HERE!?”

Napatalon ako at nilingon ko siya. Kasama niya si daddy na pinipigilan siyang mag wala. Mabilis ang hininga ni mommy habang matamang tinititigan si Elijah.

“Tita, I’m just visiting. I’m not allowed inside so…”

“Helena, leave them alone. Elijah’s-“

“Lorenzo! Tingnan mo ang anak mo mukhang itatanan na ng pamangkin mo and you’re just right there to watch?”

Marahas akong hinablot ni mommy at nilagay niya ako sa kanyang likod.

“Mom!” Sigaw ko sa irita ko sa sarili kong ina.

Bago pa ako makasagot ay nilagay niya na ang kanyang cellphone sa kanyang tainga.

“Hello, Kuya Exel… Nandito si Elijah-“

“Helena!” Galit na sigaw ni daddy.

Lumipad ang kamay ko sa aking bibig. Elijah didn’t even flinch. Tinitigan niya lang si mommy na para bang naghahamon.

“Mukhang itatakas niya si Klare… Yes… Ganon parin… Hanggang ngayon. Sila parin…”

Shit!


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: